Pinoy Weekly » Maralitang Lungsod http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Thu, 16 May 2013 04:56:26 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=3.5.1 Trahedya ng gumuguhong bundok ng basura http://pinoyweekly.org/new/2013/04/trahedya-ng-gumuguhong-bundok-ng-basura/ http://pinoyweekly.org/new/2013/04/trahedya-ng-gumuguhong-bundok-ng-basura/#comments Tue, 30 Apr 2013 08:13:51 +0000 Angela Colmenares-Sabino http://pinoyweekly.org/new/?p=24024 Paulit-ulit na trahedya: Gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal, na ikinamatay ng apat katao. (Angela Colmenares-Sabino)

Paulit-ulit na trahedya: Gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal, na ikinamatay ng apat katao. (Angela Colmenares-Sabino)

Tatlong araw bago ipagdiwang ang Earth Day, isang nakagigimbal na balita ang tumambad sa atin noong Abril 19. Apat na tao ang natabunan ng gumuhong bundok ng basura sa Sityo Lucutan Maliit sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal, bandang alas-kuwatro ng hapon.

Kabilang sa kanila ang backhoe operator na si Gary Balahibo at mga maintenance personnel na sina Pablito Esto, Rovidico Olog, at Eddie Malano. Lahat sila’y mga manggagawa ng Rodriguez Sanitary Landfill na pag-aari ng International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc. (Int’l Swims).

Unang nahukay ang bangkay ni Garry at ang sinasakyan niyang backhoe noong Miyerkules. Kinabukasan nito, natagpuan si Rovidico at ang ibabang bahagi ng katawan ni Eddie. Patuloy pa rin ang paghahanap kay Pablito ng mga kawani mula sa pulis, militar, local government at Int’l Swims.

Mahigpit na security sa Rodriguez "Landfill". Bawal ang camera at media sa pagpasok dito -- Isang tipo ng panggigipit sa katotohanan. (Angela Colmenares-Sabino)

Mahigpit na security sa Rodriguez “Landfill”. Bawal ang camera at media sa pagpasok dito — Isang tipo ng panggigipit sa katotohanan. (Angela Colmenares-Sabino)

Pinaghihinalaang nangyari ang pagguho dahil tinatayang umabot na sa 100 talampakan ang taas ng basura at nakaapekto rin ang malakas na pagbuhos ng ulan dalawang oras bago naganap ang insidente. May mga residente rin na nagsabing nakarinig sila ng malakas na pagsabog mula sa karatig na quarrying site noong umaga ng Abril 19.

Ayon kay Marvin Madrid ng Protect Rizal, “Dahilan din ang patuloy at walang habas na pagpapasabog sa quarry na malapit sa landfill.”

Sa kasalukuyan, usad-pagong pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa tunay na sanhi ng trahedya.

Dagdag pa ni Madrid, “Imbes na kagyat na umaksiyon at magbigay ng tulong sa pamilyang naiwan ng mga biktima ng trahedyang sila mismo (gobyerno) ang may pakana, nagawa pa nilang magbulag-bulagan sa naganap na trahedya. Mas inantay pa nila na mag-ingay ang mga kamag-anak bago pa sila umaksyon.”

Imbestigasyon

Pinangunahan ng Task Force on Urban Conscientization -Association of Major Religious Superiors of the Philippines (TFUC-AMRSP) ang isang Fact-Finding and Solidarity Mission sa Sitio Lucutan Maliit noong Abril 24.

Naging bahagi ang manunulat na ito ng misyon bilang isang environmentalist at kinatawan ng Earth Island Institute Philippines. Bahagi rin nito ang Protect Rizal, Kasama-Montalban, Stewards of Creation, Promotion of Church People’s Response, Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), at Anakpawis.

Habang papalapit ang misyon sa naturang lugar, madadaanan ang mga pagawaan ng buhangin at iba pang materyales para sa konstruksiyon. Dito ibinabagsak ang mga batong hinahango mula sa kabundukan. Isang karaniwang tanawin sa maalikabok na kalsada ang mga kalbo at inukang bundok nang dahil sa logging at talamak na quarrying.

Itinuro ng guide ng misyon ang dating ilog ng Bambanin. Wala makikitang dumadaloy na tubig kundi puro tambak ng buhangin. Bago raw ang taong 2000, malalim at napapaliguan pa ang ilog. Mga taong 1980 pa raw nagsimula ang quarrying sa lugar, pero mula nang naging malakihan at mabilisan ang pagsaid ng mga kompanya ng quarrying sa yaman ng kabundukan noong taong 2000, hindi na nila nakitang malusog ang ilog.

Ganitong klaseng mga bato ang sinasaid ng mga kompanya ng quarrying sa Rodriguez, Rizal. Ayon sa mga batang nakapanayam ng awtor, binibili sa kanila ang ganito kalaking bato sa halagang dalawang piso. (Angela Colmenares-Sabino)

Ganitong klaseng mga bato ang sinasaid ng mga kompanya ng quarrying sa Rodriguez, Rizal. Ayon sa mga batang nakapanayam ng awtor, binibili sa kanila ang ganito kalaking bato sa halagang dalawang piso. (Angela Colmenares-Sabino)

Dagdag pa ng guide, halos araw-araw na nagpapasabog sa mga quarrying sites. Ito ang pinaghihinalaang sanhi ng pagyanig ng lupa na nagdulot ng pagguho ng karatig na bundok ng basura.

May impormasyong nakalap ang misyon na isa sa mga operator ng quarrying ang alkalde ng Rodriguez na si Mayor Cecilio “Elyong” Hernandez.  Kapitan sa barangay naman sa Brgy. San Isidro ang kanyang anak na si Dennis Hernandez.

Mahirap makapasok

Mahigpit ang seguridad para sa mga papasok sa “landfill.” May checkpoint pa ngang humarang sa sasakyan ng GMA-7, nang maganap ang misyon.

Nasaksihan ng mga miyembro ng misyon kung paano ito nabigong pumasok, kung kaya hindi sinabi ang ng mga miyembro ng misyon ang tunay na pakay noong inusisa ito ng mga pulis. Sa halip, sinabi nilang mga kamag-anak at kaibigan sila ng isa sa mga biktima.

Nakapasok ang misyon, pero binuntutan din ito ng isang pulis para muling usisain noong nakapanayam nito ang ilang residente sa komunidad.

Mula sa komunidad na pinakamalapit sa landfill, nagpasya ang misyon na maglakad patungo sa lugar na pinangyarihan ng pagguho para makapanayam ang pamilya ng mga biktima. Hinarangan ng mga malalaking bato ang kalsada, kung kaya hindi makararaan ang mga sasakyan.

May higit sa 30 minuto ang lakaran paakyat – kung saan sa tuktok ay matatanaw ang larawan ng mga sinalaulang mga ilog at kabundukan ng Rodriguez, Rizal.

Abril 24, 2012, Rodriguez Landfill: Nagtayo ng pansamantalang silungan ang pamilya ng biktimang si Pablito "Tikboy" Esto habang hinihintay na mahanap ang kanyang katawan sa gumuhong bundok ng basura. (Angela Colmenares-Sabino)

Abril 24, 2012, Rodriguez Landfill: Nagtayo ng pansamantalang silungan ang pamilya ng biktimang si Pablito “Tikboy” Esto habang hinihintay na mahanap ang kanyang katawan sa gumuhong bundok ng basura. (Angela Colmenares-Sabino)

Landfill’ o open dumpsite?

Nakasusulasok ang “toxic” at napakabahong amoy habang papalapit ang mga miyembro ng misyon sa gumuhong bundok ng basura.

Hindi malaman kung saan itatago ang aming ilong habang nasusuka at tila sasabog ang dibdib sa tindi ng baho ng pinaghalo-halong bulok na basurang galing sa kabahayan, fast food chains, hospital, pabrika, paaralan, at kung saan-saan pa. Ayon pa sa iba, masahol pa ito sa kulob na septic tank at kumakapit ang amoy nito sa damit at balat.

Hindi matatawag na landfill ang isang lugar kapag umaapaw nang lubos ang basura. Ang landfill batay sa depinisyon nito’y isang malalim na hukay kung saan ibinabaon ang mga nabubulok na basura at muling tinatabunan ng lupa. Sa kalagayang umabot na sa halos 100 talampakan ang taas ng halo-halo o di-segregated na basura, malayong tawaging landfill ang naturang lugar.

Mas lalong hindi’sanitary landfill’ na matatawag ang karimarimarim na tambakang itokung pagbabatayan ang Republic Act No. 9003, o Ecological Solid Waste Management Act of the Philippines. Malinaw na ito’y isang open dumpsite na ipinagbabawal ng naturang batas.

Nakakapanlumong malaman na apat na manggagawa ng "landfill" ang natabunan rito. Ang malagim na trahedya ng pagkamatay ng apat ay trahedya rin ng kawalan ng kaseryosohan ng pamahalaan na lutasin ang matagal nang problema sa basura. Sa halip, pinagkakakitaan pa ng iilang opisyal at negosyo ito. (Angela Colmenares-Sabino)

Nakakapanlumong malaman na apat na manggagawa ng “landfill” ang natabunan rito. Ang malagim na trahedya ng pagkamatay ng apat ay trahedya rin ng kawalan ng kaseryosohan ng pamahalaan na lutasin ang matagal nang problema sa basura. Sa halip, pinagkakakitaan pa ng iilang opisyal at negosyo ito. (Angela Colmenares-Sabino)

Matatandaang noong Setyembre 2008, naibulgar ang pagtatapon ng Rodriguez “Sanitary Landfill” ng leachate o nakalalasong katas ng basura sa ilog ng Rizal. Ang kawalan ng isang wastewater treatment facility ay isang mabigat na paglabag sa nabanggit na batas at sa Clean Water Act o RA 9275.

Pero hindi lang ang International SWIM ang dapat managot sa nasabing krimeng pagkalikasan. Malaki ang pananagutan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagbigay ng permiso sa operasyon ng “sanitary landfill”  gayong nasa isang kritikal na watershed areaito sa Sierra Madre. Maaaring maapektuhan ang mayor na mga ilog ng Tanay, Puray at Rodriguez at ang populasyon ng munisipalidad na aabot sa mahigit 223,594 katao o 24,524 kabahayan.

Ang bayan ng Rodriguez o mas kilala bilang Montalban ay isang relocation site ng mga pamilyang galing sa mga maralitang komunidad ng Metro Manila at Cavite.

Sa panahon din ng dating Enivronment and Natural Resources Sec. Lito Atienza ay pinahintulutan din ang pagpapalawak nito mula 14 ektarya hanggang 19 ektarya.

Tinatayang aabot sa 3,000 hanggang 3,500 tonelada ang basurang dinadala rito mula sa Metro Manila. Malaking salapi ang umiikot sa negosyo ng basura na napupunta sa operator ng landfill, kolektor ng basura at lokal na pamahalaan.

Noong taong 2007, naging dahilan ito ng hidwaan sa pagitan ni dating Mayor Pedro Cuerpo at ni Gov. Jun Ynares III. Tampok usapin dito ang kontrol sa operasyon ng nasabing landfill.

Mabuhay at mamatay sa basura

Nakakapanlumong isipin na apat na manggagawa ng “landfill” ang natabunan sa ganitong kahindik-hindik na kalagayan.

Ang malunod sa rumaragasang bulok na basura ay isa sa pinaka-nakaririmarim na paraan ng pagkamatay dito sa Pilipinas .Hindi ko maubos-maisip kung paano nahati ang katawan ni Eddie Malano sa lakas ng puwersa ng pagguho, sa init na nakalulusaw ng balat at laman, o sa antas ng pagkabulok ng katawang kinakain ng mikrobyo. Ang malinaw, hindi makatao ang paraan ng kanyang kamatayan.

Inabutan din ng misyon ang nahukay na backhoe mula sa gumuhong basura. Lasug-lasog na ito sa bigat ng basurang dumagan rito. Ano pa kaya ang katawan ng drayber na si Garry Balahibo?

Kung hindi makatao ang paraan ng kanilang kamatayan, hindi rin makatao ang paraan ng kanilang kinabubuhay. Dahil sa kawalan ng mahahanap na trabaho, napipilitan ang ilang mga residente na pumasok sa ganitong klaseng hanap-buhay. Bukod sa mapanganib ito sa kanilang kalusugan, hindi rin sapat ang kinikita nila sa pang-araw-araw.

Kabilang, halimbawa sa nasabak sa ganitong trabaho si Pablito Esto, o mas kilala sa lugar bilang Tikboy, na mahigit 11 taon nang nagtatrabaho sa Int’l SWIMS ay kumikita lamang ng humigit-kumulang P300 kada araw. Nagsimula siya sa sahod na P180 kada araw. Anim ang kanyang anak at kasalukuyang nagdadalang-tao ang kanyang asawa.

Mayroong 60 empleyado ang nasabing “landfill.”  Animnapung mga indibidwal na nabubuhay sa basura na maari ring kumitil sa buhay nila.

Katarungan para sa mga biktima ng gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal. (Angela Colmenares-Sabino)

Katarungan para sa mga biktima ng gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal. (Angela Colmenares-Sabino)

Paulit-ulit na trahedya

Matatandaan na noong Hulyo 2000, gumuho rin ang isang bahagi ng dumpsite sa Payatas dumpsite sa Quezon City. Mahigit 500 katao ang nasawi sa gumuhong 70-talampakang bundok ng basura.

Gumuho rin ang bundok ng basura sa Brgy. Irisan, Baguio noong August 27, 2011. Limang katao – dalawa ang bata – ang namatay. Noong Setyembre 29, 2011, gumuho naman ang dumpsite Brgy. New Cabalan, Olongapo City na kumitil rin sa dalawang buhay.

Ang malagim na trahedya ng pagkamatay sa pagguho ng tambakan ay trahedya rin ng kawalan ng kaseryosohan ng pamahalaan na lutasin ang matagal nang problema sa basura. Sa halip, pinagkakakitaan pa ng iilang opisyal at negosyante ito.

Ang nagdadalang-taong maybahay ng isa sa mga biktima ng gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal. (Angela Colmenares-Sabino)

Ang nagdadalang-taong maybahay ng isa sa mga biktima ng gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal. (Angela Colmenares-Sabino)

Iginigiit ng mga environmentalist na hindi kailangan ang open dumpsites o sanitary landfills kung ang bawat kabahayan at barangay ay may sistematikong paraan ng pangangasiwa sa basura. Ang tunay na“ecological waste management” ay magmumula at naglilingkod sa mga mamamayan, nakabatay sa lakas ng tao, at naayon sa batas ng kalikasan kung saan lahat ng bagay ay may patutunguhan, walang nasasayang at may pakinabang.

Bahagi ng isang malaking larawan ng papatinding suliraning pangkalikasan ang problema sa basura. Mahigpit na konektado ito sa nabubulok at umaalingasaw na sistemang pampulitika. Ang pakikipagsabwatan ng ilang mga opisyal ng pamahalaan sa malalaking negosyante ay isa sa malinaw na dahilan kung bakit hindi maresolba ang mga suliraning ito.

Samantalang habang sinasaid ng iilan ang likas-yaman at sinasalaula ang kalikasan, ang mga maralita ang higit na naghihirap. Sa lahat ng sakuna na ganti ng kalikasan, laging ang mahihirap ang mas bulnerable at nagiging pangunahing biktima.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/04/trahedya-ng-gumuguhong-bundok-ng-basura/feed/ 0
PNoy pinrotesta ng mga tutol sa pagsasapribado sa Heart Center http://pinoyweekly.org/new/2013/02/pnoy-pinrotesta-ng-mga-tutol-sa-pagsasapribado-sa-heart-center/ http://pinoyweekly.org/new/2013/02/pnoy-pinrotesta-ng-mga-tutol-sa-pagsasapribado-sa-heart-center/#comments Sun, 17 Feb 2013 09:51:21 +0000 Pher Pasion http://pinoyweekly.org/new/?p=23141 Si Geneve Rivera-Reyes, (gitna) doktor at pangkalahatang kalihim ng Health Alliance for Democracy o Head, habang gumigiit na magprotesta sa harap ng Philippine Heart Center kontra sa pagsasapribado nito. (Pher Pasion)

Si Geneve Rivera-Reyes, (gitna) doktor at pangkalahatang kalihim ng Health Alliance for Democracy o Head, habang gumigiit na magprotesta sa harap ng Philippine Heart Center kontra sa pagsasapribado nito. (Pher Pasion)

Isang araw matapos ang Araw ng mga Puso, dinagsa ng iba’t ibang organisasyon ang harap ng Philippine Heart Center sa Quezon City para iprotesta ang pagbisita ni Pang. Benigno Aquino III.

Para sa mga nagrali noong Pebrero 15, tila “walang puso” si Aquino na nagpaplanong isapribado ang iba’t ibang pampublikong ospital kabilang ang Heart Center.

Tutol ang mga maralita sa pagsasapribado sa pampublikong mga ospital dahil lalo umano silang mawawalan ng akses sa mga serbisyong medikal. Sa ngayon, hirap na nga silang makaakses sa mga pasilidad ng mga pampublikong ospital tulad ng Philippine Heart Center. (Pher Pasion)

Tutol ang mga maralita sa pagsasapribado sa pampublikong mga ospital dahil lalo umano silang mawawalan ng akses sa mga serbisyong medikal. Sa ngayon, hirap na nga silang makaakses sa mga pasilidad ng mga pampublikong ospital tulad ng Philippine Heart Center. (Pher Pasion)

Kasama sa mga nagprotesta ang mga manggagawang pangkalusugan mula sa Health Alliance for Democracy (HEAD), Alliance of Health Workers, mga kawani ng gobyerno, mga kabataan ng Kabataan Party-list at mga maralitang lungsod sa ilalim ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay.

Nakatakdang isailalim sa Public-Private Partnership ang 26 na ospital sa buong Pilipinas. Pinangangambahan ng mga organisasyon ng mga kawani ng ospital at iba pang sektor na lalong di magiging abot-kaya sa mahihirap ang serbisyong pangkalusugan kung hahawakan na ito ng mga negosyante.

“Matagal nang panahon na hindi sumasagot si (Aquino) sa ating panawagan para itigil ang pribatisasyon, kaya patuloy itong pinatutupad ni Sec. (Enrique) Ona ng DOH,” ayon kay Robert Mendoza, pangkalahatang kalihim ng Alliance of Health Workers.

Sa Heart Center pa lamang, hindi na raw maabot ng mga mamamayan ang serbisyo nito sa kasalukuyan. Nasa P300,000 ang kakailanganin ng isang pasyente sa charity ward pa lamang para maoperahan, ayon kay Geneve Rivera-Reyes, isang doktor at pangkalahatang kalihim ng HEAD.

Nagkaroon ng mahabang giriian sa pagitan ng mga pulis at mga nagpoprotesta noong araw na iyon. Itinulak ng mga pulis sa harapan ng Heart Center ang mga nagpoprotesta na mapayapang nagpoprograma.

“Itong presidenteng pinoprotektahan ninyo, hindi niya pinoprotektahan ang mga mamamayan niya. Ang mga pinoprotektahan niya, mga negosyanteng gustong kumita kapag nandiyan na sila sa publikong mga ospital namin,” salita ni Reyes sa mga pulis na nakagirian nila.

Hindi umano ang pagtangkang pagpasok ang pinunta nila sa Heart Center. Gusto lang raw nilang magpahayag nang mapayapa para tutulan ang pribatisasyon at epekto nito sa mga mamamayan gaya ng pagtataas ng singil sa serbisyo, ani Reyes.

“Mapayapa naman kaming naglulunsad ng programa, pero kitang kita naman natin na itinutulak nila ang mga kapwa pulis upang gipitin ang mga nagpoprotesta,” ayon kay Emma Manuel, president emeritus ng AHW.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/02/pnoy-pinrotesta-ng-mga-tutol-sa-pagsasapribado-sa-heart-center/feed/ 0
Mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center (Photo Essay) http://pinoyweekly.org/new/2013/02/mga-pasyente-ng-philippine-orthopedic-center-photo-essay/ http://pinoyweekly.org/new/2013/02/mga-pasyente-ng-philippine-orthopedic-center-photo-essay/#comments Sat, 02 Feb 2013 04:52:14 +0000 Kenneth Roland A. Guda http://pinoyweekly.org/new/?p=22895 Siksikan sa mga ward ang mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center, nang mabisita ng Pinoy Weekly. Pati ang mga hallway at corridor, mistulang ward na rin, sa dami ng mga pasyenteng nagpapagamot sa tanging ospital sa bansa na nag-iispesyalisa sa orthopedics o paggamot sa mga sakit na may kaugnayan sa buto. Hirap ang mga istap ng POC sa paglilingkod sa maraming pasyente na dumudulog sa ospital — pero sinisikap nilang matugunan ang pangangailangan ng mga ito. Silang mga maralitang pasyente at manggagawang pangkalusugan ang nangunguna ngayon sa pagtutol sa pagsasapribado sa POC.

(Basahin ang artikulo hinggil sa mga pasyente ng POC at paglaban nila sa pagsasapribado ng naturang ospital.)

Spinal ward ng mga pasyente sa Philippine Orthopedic Center. Siksikan sila, at di nahihirapang paglingkuran ng iilan lang na nars o doktor na naka-assign sa kanila. (KR Guda)

Spinal ward ng mga pasyente sa Philippine Orthopedic Center. Siksikan ang mga pasyente sa tanging ospital na nag-iispesyalisa sa orthopedics. Dahil sa dami ng mga pasyente, hirap ang mga nars o doktor na matugunan ang kanilang mga pangangailangan. (KR Guda)

Matatagpuan sa kanto ng Maria Clara at Banawe Streets sa Quezon City, ang Philippine Orthopedic Center ay itinatag noong 1945 para maglingkod sa mga biktima ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa ngayon, nasa ilalim ito ng Department of Health ng gobyerno. Pero pinaplano ng administrasyong Aquino ang pagpapasailalim nito sa Public-Private Partnership o PPP. (KR Guda)

Matatagpuan sa kanto ng Maria Clara at Banawe Streets sa Quezon City, ang Philippine Orthopedic Center ay itinatag noong 1945 para maglingkod sa mga biktima ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa ngayon, nasa ilalim ito ng Department of Health ng gobyerno. Pero pinaplano ng administrasyong Aquino ang pagpapasailalim nito sa Public-Private Partnership o PPP. (KR Guda)

Naghihintay sa check-up. Mahaba ang pila sa out-patient department ng POC tuwing umaga. (KR Guda)

Naghihintay sa check-up. Mahaba ang pila sa out-patient department ng POC tuwing umaga. (KR Guda)

Mario Maniego,49, taga-Nueva Ecija, paralisado siya matapos operahan 17-taon na ang nakakaraan dahil sa pagkakaipit ng ugat sa leeg. (KR Guda)

Mario Maniego,49, taga-Nueva Ecija, na paralisado matapos operahan 17-taon na ang nakakaraan dahil sa pagkakaipit ng ugat sa leeg. (KR Guda)

Susan Maniego, 48, taga-Bulacan, 17-taong nang nagbabantay sa kanyang asawa na si Mario sa POC. (KR Guda)

Si Susan Maniego, 48, taga-Bulacan, na 17-taong nang nagbabantay sa kanyang asawa na si Mario sa POC. (KR Guda)

Kamay ni Mario Maniego, na 17 taon nang di nagagamit. (KR Guda)

Kamay ni Mario Maniego, na 17 taon nang di nagagamit. (KR Guda)

Sa loob at labas ng ward. Sa dami ng pasyente maging sa corridor nakapuwesto ang mga pasyente. (KR Guda)

Sa loob at labas ng ward. Sa dami ng pasyente, maging sa corridor nakapuwesto ang marami sa kanila. (KR Guda)

Rubina Padasas, 42, taga-Marikina, habang sinusuri ng isang nars. Magdadalawang buwan na siya sa POC at walang mautangan para panggastos sa ospital. (KR Guda)

Rubina Padasas, 42, taga-Marikina, habang sinusuri ng isang nars. Magdadalawang buwan na siya sa POC at walang mautangan para panggastos sa ospital. (KR Guda)

Babad sa trabaho ang mga kawaning pangkalusugan ng POC. Nangangamba silang matanggal sa trabaho o mabawasan ng benepisyo kung matutuloy ang pagsasapribado sa POC. (KR Guda)

Babad sa trabaho ang mga kawaning pangkalusugan ng POC. Nangangamba silang matanggal sa trabaho o mabawasan ng benepisyo kung matutuloy ang pagsasapribado sa POC. (KR Guda)

Female ward. Gumagamit pa rin ang POC ng tractions, isang luma at di-na-madalas na ginagamit na teknik sa pagtuwid at paggamot ng mga bali sa buto. (KR Guda)

Female ward. Gumagamit pa rin ang POC ng tractions, isang luma at di-na-madalas na ginagamit na teknik sa pagtuwid at paggamot ng mga bali sa buto. (KR Guda)

Kailangang pagtiisan ng isang pasyente ang kalagayan niya sa ospital. (KR Guda)

Kailangang pagtiisan ng isang pasyente ang kalagayan niya sa ospital. (KR Guda)

Josephine Mendoza, 53, taga-Makati kasama ang kanyang apo na si Chrisvel Mendoza, 12, dahil sa naganap na aksidente sa eskuwelahan. (KR Guda)

Josephine Mendoza, 53, taga-Makati, kasama ang kanyang apo na si Chrisvel Mendoza, 12, na nagpagamot sa Orthopedic dahil sa aksidente sa eskuwelahan. (KR Guda)

Dahil nag-iisa ang POC sa buong Pilipinas, Sa POC pa rin nagpagamot ang aktor na si Julio Diaz dahil sa aksidente sa shooting ng isang indie film. (KR Guda)

Dahil nag-iisa ang POC sa buong Pilipinas, Sa POC pa rin nagpagamot ang aktor na si Julio Diaz dahil sa aksidente sa shooting ng isang indie film. (KR Guda)

Puno ang female ward nang puntahan ng Pinoy Weekly. Magkadikit-dikit din ang mga higaan ng mga pasyente. (KR Guda)

Puno ang female ward. Magkadikit-dikit din ang mga higaan ng mga pasyente. (KR Guda)

Walang kasiguraduhan ang trabaho ng mga manggagawang pangkalusugan ng POC kung maisapribado ang ospital. (KR Guda)

Walang kasiguraduhan ang trabaho ng mga manggagawang pangkalusugan ng POC kung maisapribado ang ospital. (KR Guda)

Si Keisha Orayan, 21, taga-Mandaluyong City. Dalawang buwan na sa POC dahil sa iniinda sa leeg at saksi sa paghihirap ng mga kapwa nya pasyente sa kanilang kalagayan. (KR Guda)

Si Keisha Orayan, 21, taga-Mandaluyong City. Dalawang buwan na siya sa POC dahil sa iniinda sa leeg at saksi sa paghihirap ng mga kapwa nya pasyente sa kanilang kalagayan. (KR Guda)

Nagkalat sa loob ng Orthopedic ang mga sticker na nananawagan ng pagtigil sa pagsasapribado ng naturang ospital. (KR Guda)

Nagkalat sa loob ng Orthopedic ang mga sticker na nananawagan ng pagtigil sa pagsasapribado ng naturang ospital. (KR Guda)

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/02/mga-pasyente-ng-philippine-orthopedic-center-photo-essay/feed/ 1
Bawat araw ang pangamba sa mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center http://pinoyweekly.org/new/2013/02/bawat-araw-ang-pangamba-ng-mga-pasyente-ng-philippine-orthopedic-center/ http://pinoyweekly.org/new/2013/02/bawat-araw-ang-pangamba-ng-mga-pasyente-ng-philippine-orthopedic-center/#comments Fri, 01 Feb 2013 12:28:24 +0000 Pher Pasion and Kenneth Roland A. Guda http://pinoyweekly.org/new/?p=22877 Hanggang sa corridor ng ospital, puno ng maralitang mga pasyente ang Philippine Orthopedic Center. Nangangamba silang tuluyang mapalayas dito kung isapribado na ito ng gobyerno. (KR Guda)

Hanggang sa corridor ng ospital, puno ng maralitang mga pasyente ang Philippine Orthopedic Center. Nangangamba silang tuluyang mapalayas dito kung isapribado na ito ng gobyerno. (KR Guda)

Labimpitung taon nang naka-confine si Mario Maniego sa Philippine Orthopedic Center (POC).

At hindi lang siya iyung pasyenteng pabalik-balik sa ospital. Isang araw noong 1996, matapos ang isang operasyon sa naipit na ugat sa leeg, nanatili na si Mario sa POC sa Quezon City. Naratay siya, di na makagalaw at kinabitan ng respirator. Dahil wala siyang perang pambili ng respirator, nanatili siya sa ospital. Nanatili siya nang 17 taon. Lumiit na ang kanyang paa, sa tagal na di nagagamit. At ang buhay ng kanilang pamilya, tuluyang dumausdos.

Ang kanyang asawang si Susan Maniego, buong-panahong bantay kay Mario sa POC mula 1996. Sabi niya, hindi sila makaalis dahil wala silang pambili, kahit ng second-hand na respirator na nagkakahalagang P450,000. Buong panahon, nakadepende sila sa ospital.

Batang pasyente ng POC. (KR Guda)

Batang pasyente ng POC (KR Guda)

“Dito na namin ginugol ang buong buhay namin (mag-asawa). Wala na akong magawa kundi umiyak, dahil hindi ko na alam kung saan kukuha ng panggastos niya sa pang-araw-araw. ‘Yung tatlong anak namin, magkakahiwalay nang lumaki sa mga kaanak. Hindi ko na naalagaan bilang ina. Masakit para sa akin (ito),” sabi ni Susan.

Marami sila, at nadaragdagan pa araw-araw. Dahil sa dumadausdos na kabuhayan ng maraming mamamayan, at sa kawalan ng sistema ng universal health care sa Pilipinas, dumarami ang dumedepende sa iilang – at kumakaunting – pampublikong ospital sa bansa. Pampublikong mga ospital ito na kahit papaano’y libre o kaya’y mura ang pagpapagamot.

Nanganganib ang iilang pampublikong ospital na ito ngayon – na maisapribado sa ilalim ng programang Public-Private Partnerships (PPP) ng administrasyong Aquino. Ang unang ospital na gustong sampolan ng gobyerno: ang Orthopedic, o POC.

Umaasa sa POC

Aabot sa 700 pasyente ang araw-araw na nagpapagamot sa out-patient department ng ospital at nasa 300 naman ang naitatala sa emergency room ng POC sa araw-araw. Nasa 95% ng mga ito ang mga mahihirap na Pilipino, ayon sa Alliance of Health Workers (AHW).

Maliban sa kanila, nandoon din ang mga tulad nina Mario, na buong panahong nakadepende sa paggamit ng respirator ng POC para mabuhay.

Si Rubelyn Mercurio, 25, taga-Tondo. Hindi umano siya inasikaso ng naaksidente sa kanya. Noong binisita ng Pinoy Weekly, nagpapagaling siya dahil sa bali sa kamay. (KR Guda)

Si Rubelyn Mercurio, 25, taga-Tondo. Hindi umano siya inasikaso ng naaksidente sa kanya. Noong binisita ng Pinoy Weekly, nagpapagaling siya dahil sa bali sa kamay. (KR Guda)

Sa kabila nito, ramdam ni Susan ang kakulangan sa badyet ng POC. Wala na ngang kabuhayan dahil sa sakit ng asawa, kinakailangan pa niyang gumastos ng P500 bawat linggo, dahil kailangang bumili ng diaper, gamot at pagkain sa labas. Pana-panahong naglalaba siya para mga nars sa ospital, kaya kahit papaano’y kumikita ng P150. Minsan, nagtitinda siya ng kape kahit piso lang ang tubo.

“Umaasa na lamang kami sa tulong. Para akong pulubi. ‘Yung rasyon ng pagkain dito, naghahati na lamang kaming dalawa. Kung may pambili ng lugaw, ’yung hindi niya maubos, ’yun ang kakainin ko. Umaasa na lang din kami talaga sa tulong ng mga madre (pana-panahong pumupunta sa ospital). Naghahati-hati pa kaming ibang pasyente. Kung 10 ang kailangan mong gamot gagawing lima na lang dahil kailangan din ng ibang pasyente,” ani Susan.

Malay si Susan sa ipinagyayabang ng maraming pulitiko na serbisyo-medikal: sa tagal na nakaratay ang asawa niya sa POC, di na niya mabilang ang mga pulitiko at ahensiyang nilapitan niya para humingi ng tulong.  Tingi-tingi, pero di talaga maibibigay nito ang serbisyo-medikal na kailangang ng isang maralitang pasyenteng tulad ni Mario.

“Kung wala kang pamasahe hindi ka makapunta. Kung makapunta ka naman laging wala sila tapos pababalikin ka. Makakailang balik ka pa tapos wala kang makukuha. Sa Senado lang kami nakakakuha minsan,” sabi pa ni Susan.

Umabot na sa mahigit  P1 Milyon ang utang nila sa POC sa respirator pa lamang. Nangangailangan si Mario ng P450,000 para magkaroon ng sariling respirator upang matigil ang paglobo ng kanilang utang.

Lalong kinakabahan si Susan kung matutuloy ang pagsasapribado ng POC. Alam na alam nila ang sistema sa mga pribadong ospital – walang serbisyo kung walang pambayad. Silang walang pambayad, tiyak na etsa-puwera sa isinapribadong POC.

Entrance pa lang may bayad na siguro. Maraming pasyente ang magmumukhang kawawa,” sabi pa ni Susan.

Luma ang mga pasilidad ng POC. Gumagamit pa rin sila ng tractions sa kanilang mga pasyente na may problema sa buto. (KR Guda)

Luma ang mga pasilidad ng POC. Gumagamit pa rin sila ng tractions sa kanilang mga pasyente na may problema sa buto. (KR Guda)

Daing ng mahihirap

Hindi pa man naisasapribado ang POC, at kahit na mura o libre ang serbisyong-medikal na ibinibigay nito, hirap na ang mga maralita sa karagdagang gastos sa pagpapagamot dito.

“Puro utang kami ngayon. Nasa P350 ang gamot at P150 naman ang pagkain namin sa araw-araw. Nasa P200 kada araw lang ang kinikita ng kanyang tatay na tricycle driver,” kuwento naman ni Josephine Mendoza, 53-anyos, sa pag-aalaga ng kanyang apo na si Chrisvel, 12, na pasyente sa POC.

Nahulog sa hagdan sa kanyang eskuwelahan si Chrisvel at tinamaan ang kanyang spinal column kaya may malaking bukol siya sa likod at di makalakad. Hindi siya sinagot ng eskuwelahan dahil pauwi na raw siya at hindi na nila pananagutan ang aksidente.

Ward sa POC kung saan dinadala ang mga pasyente bago operahan. Tulad ng iba pang ward sa ospital, punung puno ito ng mga pasyente. (KR Guda)

Ward sa POC kung saan dinadala ang mga pasyente bago operahan. Tulad ng iba pang ward sa ospital, punung puno ito ng mga pasyente. (KR Guda)

“May PhilHealth ako kaso hindi siya (Chrisvel) sakop nito dahil apo ko lang siya. Kaya lalapit na lang kami sa mga pulitiko,” ani Josephine.

Gayundin ang naging kalagayan ni Rubelyn Mercurio, 25, ng Tondo, Manila na nabali ang kamay at nagpagamot sa POC. Mahigit isang buwan na siya sa ospital at hindi rin alam kung saan kukuha ng panggastos. “Nahinto ’yung tatlo kong anak na nag-aaral mula nang maaksidente ako. Sidecar lang trabaho ng asawa ko at nasa P250 kita niya araw-araw – di kasya sa pagtustos sa anim naming anak,” kwento ni Rubelyn.

Napilipit naman ang leeg ni Janet Henolos, 32, taga-Paranaque at dalawang buwan na sa ospital. Dalawa sa apat na anak nya ang nag-aaral at hirap sa kanilang kalagayan ang kanyang asawa ngayong nasa ospital sya. “Dati nakakaraket ako para makatulong sa panggastos. Welder lang ang asawa ko kaya malaking hirap talaga para sa amin. Lalo na ang gamot nasa P127 kada araw. ’Yung pinakamahal P84 isa. Tapos bayad pa namin sa caregiver na P2,000,” ayon kay Janet.

Miyembro rin si Janet ng PhilHealth. Pero hindi lahat ng gastusin ay sakop ng PhilHealth.

Si Emily Villamor, 43, naman ay pitong buwan nang nasa POC at nangangailangan ng dalawang operasyon. Sa utang din umaasa si Emily sa gastusin sa ospital. “Hirap at mas lalong hirap ngayon. Tricycle driver lang ang asawa ko at P100 ang kita niya kada araw. ’Yung rasyon ng pagkain dito hati na lang kami. Imbes na bumili ng pagkain binibili na lang namin ng gamot,” aniya.

Ramdam ng mga pasyente ng POC na bagamat mura na ang serbisyo-medikal sa pampublikong ospital, di pa rin nila kinakaya ang gastos sa pagpapagamot. Kapos na kapos ang badyet ng POC para matugunan ang kanilang pangangailangan.

Walang puwang sa maralita

Punung-puno ng pasyente ang Orthopedic, pero sabi ng mga pasyente rito, sinisikap pa rin ng maraming istap ng ospital na paglingkuran pa rin sila nang makatao. Pero di nila alam kung ganito pa rin kapag pribado na ang POC. (KR Guda)

Punung-puno ng pasyente ang Orthopedic, pero sabi ng mga pasyente rito, sinisikap pa rin ng maraming istap ng ospital na paglingkuran pa rin sila nang makatao. Pero di nila alam kung ganito pa rin kapag pribado na ang POC. (KR Guda)

Kapag naganap ang pagsasapribado, nangangamba pa silang kahit makatapak sa loob ng POC, hindi na nila magawa.

“Hindi pa nga private ito, hirap na kami eh. Hindi ka gagaling talaga sa pag-iisip ng bayarin. Nakakainis lang, lalo nilang pinahihirapan ang mga Pilipino,” sabi ni Janet. Ganito rin ang sentimyento ni Rubina Padasas, 42, taga-Marikina na nabalian ng buto nang madulas. Aniya, kawawa ang mga mahihirap dahil wala silang kakayahang magbayad nang malaki.

“Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa pribatisasyon na iyan dahil sa totoo lang wala na akong interes dahil pare-pareho na lang silang nangangako. Ayaw ko na ngang bumoto dahil ganoon din naman. Tungkol sa bagyo na lang ang interes ko sa balita kesa sa mga sinasabi ng mga presidente dahil pare-pareho lang naman sila,” sabi ni Aling Josephine.

Para kay Keisha Orayan, 21, taga-Madaluyong at dalawang buwan na sa ospital dahil sa sakit sa leeg, kahit na sabihing pauunlarin ng PPP ang mga kagamitan at pasilidad, balewala ito sa kanila kung hindi nila kayang bayaran ang serbisyo nito.

“Pangit talaga ang pribatisasyon . Kawawa ang mga pasyente. Tutol ako (rito), dahil wala naman akong nakikitang magandang kahihinatnan sa pribatisasyon,” ayon kay Keisha.

Nangangamba ang naturang mga pasyente na magbabago ng pribatisasyon kahit ang mismong pakikitungo ng mga nars at doktor sa kanilang mga maralita.

Ngayon, anila, maayos at makatao ang pakikitungo sa kanila ng mga istap ng POC, kahit na salat sa badyet para paunlarin ang mga pasilidad at pagtaas ng sahod ng mga kawani nito.

Ayon kay Susan, hindi sila pinabayaan ng Ortho sa loob ng 17 taon nila dito. Aniya, may mga doktor na tumutulong din sa kanila na naaawa sa kanilang kalagayan. Nagbibigay sa kanila ng tulong pinansiyal, bagamat natigil ang iba sapagkat nakakasawa nga naman daw dahil sa tagal nila rito.

“Ginagawan nila ng paraan dito para mabuhay ang pasyente. Hindi ko alam kung ganoon din ang gagawin nila kapag naisapribado na ito o kailangan mo munang magbayad bago madugtungan ang buhay mo. Kaya nga dinala mo sa ospital ang pasyente para dugtungan ang buhay,” sabi pa ni Susan.

Walang katiyakan kahit mismo ang trabaho ng 900 health workers na nagtatrabaho ngayon sa POC kung matutuloy ang pagsasapribado rito, ayon kay Sean Velchez, nars at presidente ng unyon sa POC.

Ang tiyak – batay sa karanasan ng maraming pampublikong ahensiya na sumailalim sa pagsasapribado — magkakaroon ng tanggalan sa trabaho upang palitan ng mga kontraktuwal, sabi ni Velchez.

Babad sa trabaho ang mga kawaning pangkalusugan ng POC. Nangangamba silang matanggal sa trabaho o mabawasan ng benepisyo kung matutuloy ang pagsasapribado sa POC. (KR Guda)

Babad sa trabaho ang mga kawaning pangkalusugan ng POC. Nangangamba silang matanggal sa trabaho o mabawasan ng benepisyo kung matutuloy ang pagsasapribado sa POC. (KR Guda)

Maralitang tutol

Nasa proseso na ng pre-bidding ang pagsasailalim sa POC sa PPP, o pagsasapribado nito. Noong Enero 25, isinagawa ang isang pre-bid conference para sa mga negosyanteng gustong mag-invest sa pagasapribado nito.

Tinatayang nagkakahalaga ng P5.43 Bilyon ang pagsasapribado sa POC, at gagastos pa ang gobyerno ng P260-M para sa pagtatayo ng isang modernong “”super-specialty tertiary orthopedic hospital” sa loob ng compound ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI, sa East Avenue, Quezon City.

Serye ng protesta na ang inilulunsad ng mga maralitang tagalungsod, kabilang ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay. Samantala, kahit ang mga kawaning pangkalusugan sa pangunguna ng AHW, aktibo rin sa mga protesta at pangangampanya para matigil ang pagsasapribado ng POC at iba pang pampublikong ospital.

Buo rin ang suporta ng mga pasyente ng POC.

Pero hinihikayat nila ang mga mamamayan — silang naghahangad ng abot-kamay na serbisyong pangkalusugan at naghahangad ng gobyernong makatao at nangangalaga sa kanilang karapatan at kalusugan – na makiisa sa paglaban sa pagsasapribado ng POC, at iba pang pampublikong ospital.

(Tunghayan ang photo essay hinggil sa mga pasyente ng POC.)


]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/02/bawat-araw-ang-pangamba-ng-mga-pasyente-ng-philippine-orthopedic-center/feed/ 1
Pagpaslang sa menor-de-edad sa demolisyon sa Tarlac, kinondena http://pinoyweekly.org/new/2012/10/pagkapaslang-sa-menor-de-edad-sa-demolisyon-sa-tarlac-kinondena/ http://pinoyweekly.org/new/2012/10/pagkapaslang-sa-menor-de-edad-sa-demolisyon-sa-tarlac-kinondena/#comments Wed, 03 Oct 2012 11:20:27 +0000 Soliman A. Santos http://pinoyweekly.org/new/?p=21405 Walang-malay na si John Cali Lagrimas, 15 anyos, matapos ang pamamaril ng mga pulis sa mga lumalaban sa demolisyon. (Kontribusyon/AMGL)

Walang-malay na si John Cali Lagrimas, 15 anyos, matapos ang pamamaril ng mga pulis sa mga lumalaban sa demolisyon. (Kontribusyon/AMGL)

Mariing kinondena ng Anakpawis Partylist-Gitnang Luson, Karapatan-Tarlac at Salinlahi Alliance for Children’s Concerns ang pagkakapaslang sa isang 15 taong gulang na bata sa marahas na demolisyon sa maralitang komunidad sa Brgy. San Roque, Tarlac City, noong Oktubre 2.

Ang biktimang si John Cali Lagrimas, mula sa Brgy. San Francisco ng naturang lungsod, ay napatay habang nagaganap ang demolisyon sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Ayon kay Joseph Canlas, tagapag-ugnay ng Anakpawis Partylist-Gitnang Luson, ang naturang demolisyon ay tahasang paglabag sa karapatan ng mga maralitang tagalungsod. May nakabimbing mosyon umano para ipawalang bisa ang demolisyon at may nakatakdang pagdinig sa Tarlac City Regional Trial Court sa Oktubre 12.

Wala rin umanong ipinakitang kautusan ng korte ang mga pulis at demolition team kaya malinaw na iligal ang demolisyon.

Sinabi pa ni Canlas na 51 taon nang inookupa ng mga residente ang naturang lugar at nagbayad na sila ng renta sa dati nitong may-ari. Subalit nitong mga nakaraang taon, isang nagngangalang Dennis Junio ang umaangkin sa lupa pero wala namang maipakitang katibayan ng pagmamay-ari, kaya tumangging lumikas ang mga residente.

Tinatayang 68 pamilya ang naapektuhan ng demolisyon.

Ang naturang demolisyon ay pinangunahan umano ng isang Col. Arnel Ramos ng Tarlac City Police. Kasama niya ang 200 miyembro ng demoliton team, 100 elemento ng PNP mula sa Camp Macabulos at Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga, ilang miyembro ng SWAT at dalawang trak ng bumbero.

Sa pahayag ng Anakpawis Partylist, nagsimula ang demolisyon bandang alas-otso ng umaga habang malakas ang ulan. Dinepensahan umano ng mga residente ang kanilang tahanan hanggang magpaputok ng baril ang mga miyembro ng demolition team bandang alas-diyes na siyang nakapatay kay Lagrimas at nakasugat sa iba pa.

Sinabi pa ni Canlas na ang naturang demolisyon ay manipestasyon ng mga polisiya at programa ng administrasyong Aquino.

“Walang pabahay at kabuhayan para sa mga maralita habang isinusulong ng gobyerno ang pribatisasyon at komersiyalisasyon ng lupa. Ang mga maralita na matagal nang naninirahan sa kanilang lupain ay binabalewala at itinuturing na parang hayop. Wala silang pagpipilian kundi magkaisa at ipagtanggol ang kanilang tahanan laban sa demolisyon,” ani Canlas.

Sa tala naman ng Salinlahi, si Lagrimas ang ika-siyam na batang napaslang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Aquino.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/10/pagkapaslang-sa-menor-de-edad-sa-demolisyon-sa-tarlac-kinondena/feed/ 0
Maralita hinamon si Mar Roxas na itigil ang mga demolisyon http://pinoyweekly.org/new/2012/09/maralita-hinamon-si-mar-roxas-na-itigil-ang-mga-demolisyon/ http://pinoyweekly.org/new/2012/09/maralita-hinamon-si-mar-roxas-na-itigil-ang-mga-demolisyon/#comments Mon, 24 Sep 2012 09:31:58 +0000 Macky Macaspac http://pinoyweekly.org/new/?p=21350 Hinamon ng Kadamay si DILG Sec. Mar Roxas na tularan ang namayapang si Sec. Jesse Robredo na humarap sa mga maralitang tagalunsod para alamin ang totoong sitwasyon nila at itigil ang mga demolisyon. (Macky Macaspac)

Hinamon ng Kadamay si DILG Sec. Mar Roxas na tularan ang namayapang si Sec. Jesse Robredo na humarap sa mga maralitang tagalunsod para alamin ang totoong sitwasyon nila at itigil ang mga demolisyon. (Macky Macaspac)

Nilusob ng mga maralita ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) para hamunin ang sekretaryo nito na si Manuel Roxas III na aksiyunan ang mga mararahas na demolisyon, at magpatupad ng moratoryo.

Naganap ito habang marahas na dinedemolis ang kabahayan ng mga maralita sa Guatemala, Makati. Marami ring nakaambang demolisyon sa iba iba’t ibang maralitang komunidad sa Kamaynilaan.

Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), nilalabag ng lokal na mga pamahalaan ang kanilang karapatan na magkaroon ng disenteng paninirahan sa pamamagitan ng pagtaboy sa kanila palabas ng Metro Manila.

Kinondena  din ng Kadamay ang tangkang pagdemolis sa mahigit 250 kabahayan na sakop ng 870,000 metro kuwadro ng lote sa Guatemala, Makati. Plano umano ng lokal na pamahalaan ng Makati na magtayo ng tatlong palapag na gusali para sa barangay hall, health center at isang covered court.  “Ang marahas na demolisyon sa Guatemala, Makati ay nagpapakita ng brutalidad sa mga maralita ng rehimeng Aquino. Berdugo siya ng mga maralita,” ani Gloria Arellano, pangkalahatang kalihim ng Kadamay.

Plano ng lokal na pamahalaan ng Makati na ilipat ang mga residente sa Caluan, Laguna. Pero tiuntutulan ito ng mga residente dahil sa wala naman umanong nakatayong istrukturang pabahay na kailangan ng isang pamilya sa lugar, maliban pa sa malayo sa pinagkukunan nila ng kabuhayan.

“Hinahamon namin si Pangulong Aquino na tumira siya sa mga relokasyon kahit isang araw lang,” sabi ni Arellano.

Nagprotesta ang grupong Kadamay sa harapan ng DILG para kondenahin ang marahas na demolisyon sa Guatemala, Makati. Hinamon din nila ang bagongupong kalihim na si Sec. Mar Roxas na imbestigahan ang mga madugong demolisyon at magpalabas ng moratoryo sa mga demolisyon sa buong Metro Manila.  (Macky Macaspac)

Nagprotesta ang grupong Kadamay sa harapan ng DILG para kondenahin ang marahas na demolisyon sa Guatemala, Makati. Hinamon din nila ang bagongupong kalihim na si Sec. Mar Roxas na imbestigahan ang mga madugong demolisyon at magpalabas ng moratoryo sa mga demolisyon sa buong Metro Manila. (Macky Macaspac)

Samantala, nagsumite ng sulat ang Kadamay kay Roxas na naghihiling na imbestigahan ng DILG ang nagaganap na mararahas na demolisyon sa mga komunidad sa Metro Manila at magpalabas ng isang moratoryo sa mga demolisyon habang isinasagawa ang demolisyon.

“Hinahamon namin si Sek. Roxas na harapin niya ang problema ng mga maralitang lungsod, na hinarap noon ng dating Sek. Jesse Robredo at napatigil ang mga demolisyon,” sabi ni Arellano sa midya.

Dismayado din ang Kadamay dahil inuuna umano ng kalihim ang pakikipag-usap sa dayuhang mga mamumuhunan kaysa sa pagharap sa problema ng mga maralita.

“Hindi pa siya nakakaupo sa kanyang puwesto, wala na siya, umaalis na siya at nandoon sa ibang bansa,” pahayag pa ni Arellano.

Pangamba ng grupo na nakikipag-usap si Roxas sa mga mamumuhunan para pondohan ng mga ito ang mga proyektong Public-Private Partnership ng gobyerno.

Kasalukuyang delegado ng bansa si Roxas sa China-ASEAN Expo na nagsimula isang araw bago pinal na aprubahan ang pagkatalaga sa kanya bilang kalihim noong nakaraang lingo.

Inaasahang matatapos ang nasabing expo sa Setyembre 25.

Ayon pa sa grupo, ang programang Public-Private Partnership ng administrasyong Aquino ang dahilan ng malawakang demolisyon sa mga komunidad ng maralita sa Metro Manila.

Sinabi rin ng grupo na handa silang depensahan ang kanilang komunidad at kabuhayan laban sa tangkang demolisyon.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/09/maralita-hinamon-si-mar-roxas-na-itigil-ang-mga-demolisyon/feed/ 0
Maralitang lungsod, handa sa banta ng ‘pagpapasabog’ ni PNoy http://pinoyweekly.org/new/2012/09/maralitang-lungsod-handa-sa-banta-ng-pagpapasabog-ni-pnoy/ http://pinoyweekly.org/new/2012/09/maralitang-lungsod-handa-sa-banta-ng-pagpapasabog-ni-pnoy/#comments Wed, 05 Sep 2012 18:32:30 +0000 Pher Pasion http://pinoyweekly.org/new/?p=21195 Mga maralitang lungsod: Natutulak lamang sa pamanganib na mga lugar na bulnerable sa kalamidad dahil sa kawalan ng disente, tiyak at libreng tirahan at kabuhayan na responsabilidad ng gobyerno. (Pher Pasion)

Mga maralitang lungsod: Natutulak lamang sa pamanganib na mga lugar na bulnerable sa kalamidad dahil sa kawalan ng disente, tiyak at libreng tirahan at kabuhayan na responsabilidad ng gobyerno. (Pher Pasion)

Bagamat binawi ng administrasyong Aquino ang deklarasyong “pasasabugin” nito ang mga komunidad ng mga maralita sa lungsod (dahil sanhi raw sila ng baha), batid ng mga maralita: Seryoso rito ang gobyerno. Katunayan, matagal na silang pinasasabugan. Matagal na silang dinadahas.

Kasabay ng paniningil ng mga mamamayan sa mga kaso ng sapilitang pagdukot sa ilalim ng administrasyong Aquino sa Pandaigdigang Araw ng mga Desaparecidos, tumulak noong nakaraang linggo, Agosto 30, sa paanan ng Mendiola ang mga maralitang tagalungsod sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) upang labanan ang inaasahang pag-inti ng demolisyon sa susunod na mga linggo at buwan.

Aabot sa isang buwan na ang dumaan matapos ang paghagupit ng ulang habagat na nagpabaha sa Kamaynilaan at karatig na mga probinsiya, pero di pa rin humuhupa ang galit ng mga mga maralita. Para sa kanila, pinabayaan na nga sila ng administrasyon, isinisisi pa sila. At ginagawang dahilan nito ang bulnerabilidad nila sa baha at kalamidad para itaboy sila sa kanilang mga tahanan.

“Natanong na ba natin sa gobyerno kung bakit nagbunga ang pagdami ng maralitang lungsod dito sa mga estero at iba pang daanan o waterways na sinasabi ng gobyerno? Natanong na ba natin ang gobyernong Aquino kung bakit nagpapatuloy ang pagmimina, ang pagkawasak sa natural resources natin, sa mga kabundukan natin?” ani Joy Lumawod ng Kadamay-National Capital Region.

Ayon sa mga maralitang nagprotesta, kung may dapat sisihin ang gobyerno sa baha, hindi ito ang mga maralita. Tingnan ng gobyerno ang sarili nito.

Hudyat ng demolisyon

Hindi umano aatrasan ng Kadamay ang paglaban sa planong "pagpapasabog" ni Aquino sa tahanan ng mga maralita. (Pher Pasion)

Hindi umano aatrasan ng Kadamay ang paglaban sa planong “pagpapasabog” ni Aquino sa tahanan ng mga maralita. (Pher Pasion)

Samantala, sa pahayag ng gobyerno na “pasabugin” kung kinakailangan ang mga tahanan sa mga estero at ilog, nagkaroon ng pagkakataon ang administrasyong Aquino upang bigyang “katwiran” ang pagdedemolis sa mga maralita upang bigyang daan ang mga proyekto sa ilalim ng Public-Private-Partnership (PPP) ni Aquino, ayon sa Kadamay.

“Padalus-dalos ang kanilang pagpapahayag o walang malinaw na pagsusuri at karakaraka kami ang sinisisi. Hindi namin kasalanan manirahan sa mga delikadong lugar gaya ng estero subalit ito ay itinatakda ng gobyerno sa kawalan ng mahusay na trabaho at makabuluhang sahod. Napipilitan kaming manirahan sa delikadong mga lugar gaya ng estero,” ayon kay Carlito Badion ng Kadamay.

Ayon kay Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), aabot sa 790,000 na indibidwal ang kanilang (ng gobyerno) papalayasin at nasa 20,000 bahay lamang ang kaya ipatayo sa loob ng isang taon ng Department of Public Works ang Highways base sa kanilang badyet.

“Wala pang katiyakan ang 20,000 na ’yan. Walang kasiguraduhan kung matitirhan nga ’yan, tulad nung nilipat sa Kasiglahan Village na hanggang ngayon nasa mapanganib na lugar. Pinipilit na pabalikin, ayaw ng mga tao pinipilit pa rin wala naman silang paglalagyanang bagong paninirahan,” ayon kay Reyes.

Dagdag ni Badion, sa Quezon City lamang ay aabot na ng 222,000 pamilya ang idedemolis at sumunod sa Maynila na umaabot sa 100,000 pamilya.

“Walang nangarap na sila ay tumira sa estero. Wala sa kanila ang nangarap na tumira sa mapanganib na lugar. Kasalanan ng kapabayaan ng administrasyon na hindi nagbibigay ng kabuhayan, walang planong matino para sa programang pabahay at walang planong matino kung paano pauunlarin at iaahon mula sa kahirapan ang ating bansa,” ayon kay Reyes.

Paglala ng karapatang pantao

Ayon kay Badion, kasabay ng pag-igting ng demolisyon sa mga maralitang tagalungsod ang paglala ng paglabag sa karapatang pantao sa iba’t ibang paraan bunga ng pagtatanggol ng mga mamamayan sa karapatan sa paninirahan.

“Sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni Aquino, nagkaroon na ng siyam na lider maralita ang napaslang sa pagtatanggol sa pagtitiyak sa karapatan sa paninirahan. Hindi pa namin nakukuha ang mga datos sa ibang rehiyon at hindi pa rin kasama dito ang ibang hindi kasapi sa progresibong grupo na biktima din ng pamamaslang,” ayon kay Badion.

Ayon kay George De Jesus Sr., ng grupong pangkarapatang pantao na Hustisya at asawa ng napaslang na lider-maralita na si Marilou Valle, ginagamit ngayon ang lahat ng pamamaraan ng pagpaslang o pagdukot kabilang ang mga sindikato at masasamang loob sa komunidad upang maghasik ng takot sa mga maralitang tagalungsod.

“Hindi nakakapagtaka kung bakit nila nagagawa ito. Hindi sila papayag na mawawala ang milyun-milyon nilang kikitain kaysa ipagpalit nila ang buhay ng mga maralitang nakatira dito. Hindi sila papayag na hadlangan ng isang lider kung ano man ang buktot nilang plano sa isang komunidad. Gagawa at gagawa ng paraan ang mga ito para maputol ang pagtatayugod ng isang lider sa komunidad hanggang ito ay kanilang mapaslang,” De Jesus.

Pag-ingting ng laban

Walang pagpipilian ang mga maralitang tagalungsod kundi ang paglaban, ayon sa Kadamay. Sa pagpapakita ng mga indikasyon ng administrasyon sa pagiging “kontra-maralita” nitong pahayag at programa malinaw ang pagdeklara ng “gera” ng administrasyon sa mga maralitang tagalungsod.

“Ang kailangan po naming mga maralitang tagalungsod ay ligtas, disente at tiyak na tirahan at kabuhayan. Hindi panglalait at pangbubusabos ang kailangan ng maralitang tagalungsod. Ang pagkalinga, pagkilala at pagpapahalaga sa buhay ng maralitang tagalungsod,” ayon kay Lumawod.

“Nakahanda ang mga maralita upang biguin sa bantang pagpapalayas at pagpapasabog ng administrasyong Aquino (sa aming mga tahanan),” ayon kay Badion.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/09/maralitang-lungsod-handa-sa-banta-ng-pagpapasabog-ni-pnoy/feed/ 0
Maralita sa panahon ng baha: Mula ‘danger zone’ tungo sa ‘death zone’ http://pinoyweekly.org/new/2012/08/maralita-sa-panahon-baha-mula-danger-zone-tungo-sa-deat-zone-manila-floods/ http://pinoyweekly.org/new/2012/08/maralita-sa-panahon-baha-mula-danger-zone-tungo-sa-deat-zone-manila-floods/#comments Tue, 14 Aug 2012 13:17:28 +0000 Ilang-Ilang D. Quijano http://pinoyweekly.org/new/?p=21052

Hindi pa tapos sa pangongolekta ng kagamitang inanod ng baha ang mga relocatee sa Montalban, Rizal (Ilang-Ilang Quijano)

Makulimlim man ang langit, abala ang lahat sa paglilinis ng putikang mga damit, laruan ng bata, aparador, sofa, at iba pang kagamitang nalubog sa baha sa kasagsagan ng hanging habagat. Matagal-tagal pa bago sumikat ang araw sa buhay ng mga maralitang nasalanta sa loob ng relocation site sa Montalban, Rizal.

“Dinala kami dito para siguro patayin,” pagmumuni-muni ni Fernando Perez, 58, isang relocatee mula sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila. Isang buwan pa lamang ang pamilya Perez sa Montalban, kung saan sila dinala ng gobyerno matapos mademolis ang kanilang kabahayan sa isang sunog. Sa tabi ng dagat at danger zone kung ituring ng gobyerno ang kanilang dating tahanan. Pero doon, hindi nila naranasan ang ganitong pagkasalanta.

Relokasyong hindi ligtas

Bandang alas-singko ng umaga noong Agosto 7, nagising si Fernando sa pagpasok ng baha sa kanilang bahay. “Ang bilis ng pag-alsa ng tubig at ang lakas ng agos,” aniya. Pagbukas ng pinto, hanggang baywang na ang tubig sa buong paligid. Dali-daling lumikas ang kanyang pamilya, kabilang ang anim-na-buwang apo. Nanatili si Fernando para manggising ng iba pang kapitbahay.

Abala ang mga nasalanta sa paglilinis. Ayaw na nilang bumalik sa dating tahanan, at inokupahan ang mga bahay na nakalaan sa bagong relocatees. (Ilang-Ilang Quijano)

Mahigit kumulang 3,000 pamilyang relocatee sa Kasiglahan Village, Montalban ang inabot ng matinding baha. Nasa 200 rito ang napilitang manatili sa kani-kanilang mga bubungan hanggang sa humupa ang tubig. Walang rescue na dumating.

Idinulot ang baha ng pag-apaw ng katabing ilog, kung saan nagtatagpo ang tubig na nagmumula sa mga dam ng La Mesa at Wawa. Isang manipis na dike lamang—na nasira noong umagang iyon—ang pumapagitan sa ilog at mga kabahayan.

“Mabuti na lang umaga nangyari iyon (pagkasira ng dike). Kung hindi, naku, napakarami siguro ang patay,” ani Fernando.

Noong Linggo, bumisita si Pangulong Aquino sa Kasiglahan Elementary School kung saan nagbakwit ang ilang nasalanta. Doon, sinimulan niya ang paninisi sa mga pamilya. Nakita raw niya mula sa kanyang helikopter na nakatirik ang mga bahay malapit sa ilog. “Titirhan mo tabi ng ilog, ang distansya mo isang metro doon sa ilog tapos magtataka ka ‘pag malakas ang ulan bakit nagbabaha sa inyo, medyo may mali ho siguro doon, ‘di ba? Kailangan ho ‘wag na tayong maglalagay ng sarili natin sa panganib,” aniya.

Nasirang bahay ng relocatees sa Kasiglahan Village, Montalban (Ilang-Ilang Quijano)

Ngunit ayon sa mga maralita, mismong ang gobyerno ang naglagay sa kanila sa panganib. Umano’y dating parte ng ilog ang bahaging iyon ng Kasiglahan Village, at tinambakan lamang ng lupa ng National Housing Authority (NHA) para tayuan ng mga bahay.

“Doon kami dati naliligo at naglalaba,” ayon kay Anna Bayogboc, na naninirahan sa Montalban simula pa noong 2004. Noong Bagyong Ondoy, binaha rin ang kanyang kubo na itinirik sa isang gulayan na malapit sa ilog. Inilipat sila ng NHA sa isang mas mataas na bahagi, kung saan sila nananatili hanggang sa ngayon. “Nagulat na lang ako nang tambakan nila ng lupa ‘yung tubig at saka dinebelop. Talagang babahain iyon.”

Marami sa mga nagbakwit ang kasalukuyang naninirahan sa mga bahay sa mas mataas na bahagi ng Kasiglahan Village. Ang problema, inilaan na iyon ng NHA sa iba pang relocatee, partikular ang mula sa dinedemolis na komunidad sa North Triangle, Quezon City. Sa kabila nito, marami ang naninindigang hindi na sila babalik sa binahang tahanan, anuman ang mangyari.

Isa na rito si Martina Gascar, 44. Naaalala niya ang takot na naramdaman nang suungin, kasama ang kanyang tatlong anak, ang baha na nagmistulang karagatan dahil lalim at sa lakas ng agos. “Parang mas gugustuhin ko na pang mamatay kaysa bumalik doon,” aniya.

Martina Gascar (kanan): Inihatid kami sa kamatayan ng gobyerno (Ilang-Ilang Quijano)

Tatlong buwan pa lamang nakalipat sa Montalban ang pamilya Gascar, na dinemolis ang kabahayan sa NIA Road, Quezon City. Sa inipon na sahod ng kanyang asawa na janitor sa Pag-Asa, pinaayos niya ang maliit na bahay para “lumuwag naman ng kaunti,” ginastusan ng halos P30,000.

Ngunit ngayon, wala nang silbi ang pinaayos na bahay. Natangay din ng baha ang P10,000 na halaga ng groseri, para sa kabubukas pa lamang na sari-sari store, ang karaniwang hanapbuhay ng mga relocatee. “Akala ko pa naman maganda rito. ‘Yun pala, hinahatid na kami sa kamatayan.”

“Mainam pa na sa mga eskinita na lang kami gumawa ng kubo-kubo,” ayon kay Fernando, kung pipilitin umano silang bumalik.

Plano ni Pnoy sa maralita

Kinondena ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang pagtutulak ng gobyernong Aquino sa mga maralita “mula sa danger zone tungo sa death zone.” Death zone inilarawan ng grupo ang Montalban. Bukod sa bulnerable sa mga baha at landslide, malayo umano ito sa kabuhayan at nagtutulak sa mga relocatee sa ibayong karalitaan at kagutuman.

Gaya ng pangamba ng grupo, ginagamit na ng gobyerno ang sakuna para itulak ang ibayong demolisyon. Kamakailan, inihayag ni Department of Public Works and Highways Sek. Rogelio Singson na inutusan siya ni Aquino na palayasin sa gilid ng daluyan ng tubig ang may 195,000 pamilya sa Kamaynilaan. “Pasasabugin” raw ang kanilang mga tahanan kung kinakailangan.

Nasirang dike na itinayo ng debeloper na San Jose Builders, Inc. (Ilang-Ilang Quijano)

“Ang sapilitang pagpapalayas ay hindi totoong para sa kapakanan at kaligtasan naming mga maralita. Kami na nga itong biktima sa pagbaha, kami pa ulit ang bibiktimahin sa pagpapasabog ng aming mga kabahayan,” ayon kay Carlito Badion, pangalawang tagapangulo ng Kamaday.

“Paano naman ang mga pribadong mall, condominium, at gusali na umookupa sa pinakamalalaking lupain sa Kamaynilaan, kasama na ang malalapit sa daluyan ng tubig, at tinutukoy ng mga eksperto na isa sa mga sanhi ng pagbaha? Bakit walang utos ang gobyerno na pasabugin ang mga iyon?” dagdag ni Badion.

Ipinapakita umano ng mga pahayag ni Aquino ang kanyang pagiging “sagad-sagaring kontra-mahihirap.”

‘Sana, araw-araw sila kumakain’

Noong Agosto 13, nagsagawa ng relief mission ang Kadamay at Anakpawis Party-list sa Kasiglahan Village. Nakalagay sa mga pakete ng lumang damit at pagkain ang panawagang, “Tiyakin ang kaligtasan sa paninirahan ng mga maralita!”

Ito umano ang kailanman hindi nagawa ng gobyernong Aquino. Ayon kay Badion, sa halip na ilaan ng NHA ang badyet para sa pagsasaayos at pagtitiyak na ligtas ang mga relocation site, ginagamit ng ahensiya ang kanyang badyet para sa demolisyon. Samantala, ipinapaubaya naman sa mga pribadong debeloper gaya ng San Jose Builders, Inc. ang pagsasaayos sa relocation site, isa sa mga dahilan ng pagiging substandard ng mga bahay at iba pang pasilidad–kabilang na ang nasirang dike.

Relief mission ng Kadamay at Anakpawis Party-list (Ilang-Ilang Quijano)

Kaya ang mga maralitang matagal nang naninirahan sa Montalban, natuto nang hindi na umasa sa gobyerno. Bago pa man nakarating si Aquino sa Montalban, nauna na ang grupo ng mga nanay na magpakain ng lugaw sa daan-daang bata.

Nasalanta rin ang pamilya ni Amelia Ombrete, bise-presidente ng Anakpawis sa Kasiglahan Village, pero hindi ito nakapigil sa kanyang pagmobilisa ng komunidad. Katunayan, may dalawang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho para tumulong sa paglilinis at operasyong relief. “Nakakahabag kasi ang ating mga kababayan,” aniya.

Si Amelia ay isang real estate broker na nangongomisyon lamang, habang ang asawa naman ay isang kontraktuwal na security guard. Alam niyang masuwerte pa sila kumpara sa ibang relocatees, na walang hanapbuhay sa lugar kundi ang padyak o maliit na tindahan. “Noong walang baha, gutom na sila. Lalo pa ngayon… Ang problema, mapakain mo sila ngayong araw na ito, paano sila kinabukasan? Sana, araw-araw sila kumikita, araw-araw silang kumakain,” ani Amelia.

Hinihiling niya na bukod sa pagsasaayos ng mga tahanan sa relocation site, dapat ding magtayo ang gobyerno sa lugar ng pabrika o industriya na maaaring magbigay ng disenteng trabaho. Ngunit alam niyang malabo itong mangyari sa ilalim ni Aquino, na abala sa pagtataboy ng maralita sa Kamaynilaan, habang pinananatiling death zone ang kanilang lilipatan.

Mahihirap, nagtutulungan sa paglilinis at operasyong relief sa panahon ng salanta. (Ilang-Ilang Quijano)

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/08/maralita-sa-panahon-baha-mula-danger-zone-tungo-sa-deat-zone-manila-floods/feed/ 0
Naghihintay ng pag-asa sa Tatalon http://pinoyweekly.org/new/2012/08/naghihintay-ng-pag-asa-sa-tatalon/ http://pinoyweekly.org/new/2012/08/naghihintay-ng-pag-asa-sa-tatalon/#comments Wed, 08 Aug 2012 18:34:21 +0000 Kenneth Roland A. Guda http://pinoyweekly.org/new/?p=20979
Madilim at masikip na evacuation center sa Brgy. Tatalon, Quezon City. (KR Guda)

Madilim at masikip na evacuation center sa Brgy. Tatalon, Quezon City. (KR Guda)

Karimlan ang bumalot sa buong eskuwelahan ng Diosdado Macapagal Elementary School sa Brgy. Tatalon, Quezon City noong gabing iyon.

Aabot sa 2,000 pamilya ang nakasilong dito matapos lumubog sa baha ang kalakhan ng Tatalon. Walang kuryente sa eskuwelahan — na nakapagtataka dahil sa labas nito, maliwanag ang ilaw ng mga establisimyento. Pinatay ang kuryente sa Diosdado Macapagal; nagtitipid ang eskuwelahan dahil sa limitadong badyet.

Malakas pa ang ulan, at madilim pa, kung kaya kakaibang takot ang nararamdaman ng mga residente ng Tatalon na naka-evacuate dito. “Natatakot nang maglakad sa gabi ang mga matatanda,” sabi ni Nanay Mary Soriano, evacuee sa eskuwelahan at residente ng Tatalon. “Butas-butas na ang kalsada, at maraming matatandang nadadapa sa dilim.”

Ang tanging ilaw, mga kandila ng ilang residenteng nagpapahinga sa tabi at loob ng mga klasrum.

Ganito rin noong panahon ng bagyong Ondoy. Setyembre 2009, matapos ragasain ng Ondoy ang Kamaynilaan, pinuntahan din ng Pinoy Weekly ang Diosdado Macapagal Elementary School. Kagagaling lang doon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, na nanghakot ng mahigit 100 katao para ipakitang nagpapatuloy siya ng mga evacuee sa Malakanyang.

Tulad ng panahon ng bagyong Ondoy, mataas din ngayon ang baha sa Araneta Avenue, at lalo sa loob ng Tatalon. Noong Lunes, Agosto 7, nasa ikatlong palapag na si Nanay Mary at ang apat niyang maliliit na anak. Paakyat na rin sa ikatlong palapag ang baha.

“Parang limang beses ito kumpara sa lakas ng (bagyong) Ondoy (noong Setyembre 2009),” kuwento ni Nanay Mary. “Pabalik-balik kasi ang ulan. Noong (panahon ng) Ondoy, isang bagsakan ng ulan, tapos umaraw na. Ngayon, pabalik-balik.”

Buti na lang na-rescue sila ng rescue teams na may rubber boats at nakarating sa evacuation center sa Macapagal. Pero doon pa lamang nagsimula ang kanilang kalbaryo.

Lagay sa ebakwasyon

Nanay Mary: "Limang beses mas malupit ito sa Ondoy." (KR Guda)

Nanay Mary: “Limang beses mas malupit ito sa Ondoy.” (KR Guda)

Madilim, siksikan, walang palikuran.

Sarado ang ilang klasrum, at ayaw ipagamit ng eskuwela. Parati namang may dumarating na relief goods, pero agawan ang mga tao. May tiket na binibigay ang barangay, pero pipila pa rin ang mga residente. Nasaksihan ng Pinoy Weekly ang magulong pilang ito, sa harap ng sasakyan na may malaking pangalan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Pabagu-bago ang pila, at maraming nagsisingitan, makakuha lamang ng plastik ng relief goods.

Marami naman laman, mga de-lata at noodles,” sabi ni Mang Lando, isang evacuee na nakasingit sa pila para kumuha ng relief goods. Ang problema, aniya, wala silang mapaglulutuan ng noodles.

Kailangan ng mainit na tubig. Sa labas ng eskuwelaha’y may mga tindahan na nagbebenta ng mainit na tubig: P4 kada baso. “Di pa puno (ang baso),” reklamo ni Nanay Mary.

Samantala, ang iba’y nakakadiskarte ng mga panggatong at nakakapagluto at saing. Pero mukhang mula na sa sira-sirang upuan ng mga mag-aaral sa eskuwelahan ang napanggagatong. Medyo desperado na sila.

Ang mainam, may progresibong mga organisasyon sa Tatalon. Mga miyembro ng Gabriela, halimbawa, ang nangunguna sa pangungulit sa barangay na ayusin ang pagpapapila tuwing namamahagi ng relief goods. Pana-panahong nakakapagdala rin sa kanila ng pagkain ang pambansang tanggapan ng Gabriela — at sinisiguro umano nilang maayos ang pamamahagi ng pagkain.

Pero gobyerno pa rin ang makakatugon sa kagyat na mga pangangailangan ng mga residente. Sa ngayon, maliban sa pana-panahong pagdating ng relief goods mula sa lokal na gobyerno, tanging ang nakabantay na mobile patrol car ng Philippine National Police sa labas ng eskuwelahan ang kumakatawan sa pamahalaan. Binabantayan nila ang mga evacuee: Bawal lumabas ng Diosdado Macapagal matapos ang hatinggabi.

Tatlong taon matapos ang pagsalanta ng bagyong Ondoy, muling tinangay ng baha ang kaunting naipundar na mga gamit ng mga residente ng Tatalon. Tatlong taon matapos ang Ondoy, naghihintay muli sila sa dilim — naghihintay sa darating na pansamantalang ayuda, pansamantalang pag-asa.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/08/naghihintay-ng-pag-asa-sa-tatalon/feed/ 0
Damayan sa ulingan (Photo Essay) http://pinoyweekly.org/new/2012/07/damayan-sa-ulingan-photo-essay/ http://pinoyweekly.org/new/2012/07/damayan-sa-ulingan-photo-essay/#comments Mon, 30 Jul 2012 14:46:16 +0000 Raymond Panaligan http://pinoyweekly.org/new/?p=20864

Sa Sitio Damayan sa Tondo, Maynila, pag-uuling ang pangunahing ikinabubuhay ng 700 pamilyang nakatira rito. Maraming menor-de-edad ang nagtatrabaho sa ulingan para makaagapay sa kani-kanilang pamilya.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/07/damayan-sa-ulingan-photo-essay/feed/ 0