Pinoy Weekly » OFW http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Sat, 21 Mar 2015 10:35:23 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.1.1 Dear Migrante http://pinoyweekly.org/new/2015/03/dear-migrante/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/dear-migrante/#comments Sat, 21 Mar 2015 09:59:15 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34336 Day-off mo ba ngayon o tambak ang trabaho? Dahil tayo ay magkalayo, magsulatan tayo kahit nasa magkabilang panig ng mundo. Paglapitin natin at ituring na nakatagpo kayo ng kaibigan, kahuntahan sa nakakatawang eksena ng mga biyahe, karamay sa homesick at kakampi mula sa malulupit na amo o pagtawag ng pansin sa gobyerno.

Malugod na ibinubukas ang pitak na ito sa lahat ng migranteng Pilipino sa bawat sulok ng mundo at kanilang mga pamilya. Linggu-linggo simula ngayon, ilalathala ang inyong mga katanungan na mainit naming sasagutin. Ang mga kuwento ninyo ay istorya ng milyong migranteng Pilipino.

Ngayong Marso 17 ang ika-20 taon ng paggunita sa pagkamatay ni Flor Contemplacion, kababayan nating pinatay sa Singapore noong 1995. Sa kanyang pagkamatay, nalantad ang pait ng puwersahang migrasyon sa ilalim ng programa ng gobyerno.

Dalawampung taon makalipas, mas maraming Flor. Mas dumami araw-araw ang lumalabas ng bansa at nawawasak ang pamilya. Napupuno ang mga balikbayan box ng pangungulila, kahirapan at panganib.

Inaanyayahan namin kayong lumiham. May maaasahan kayong sagot di tulad ng mga ahensiya at opisina na “sorry we’re closed o the number you dialed is busy right now.” Pag-usapan natin. Kayo ba ay nabiktima ng ilegal na rekruter, minaltrato, hindi pinasahod o may iuuwing bangkay? May hindi ba nasunod sa nakasaad sa kontrata, hindi nabibigyan ng off, may hinahanap na kamag-anak sa abroad o may sumisigaw ng “ibalik ninyo ako sa Pilipinas”? Hangga’t may nabibiktima at napagsasamantalahang OFW, may Migrante.

Sa paggunita kay Flor at pagpupugay sa mga bagong bayani, gamitin natin ang espasyong ito. Ang inyong kuwento ay aming adbokasiya at krusada. Dalawampung taon na rin nang inianak ang Migrante International na patuloy na nagtataguyod ng interes at kapakanan ng migranteng Pilipino at nagluwal ng makukulay na pakikibaka at tagumpay sa ngalan ng migrante at sambayanang Pilipino.

Makakaasa po kayo sa aming tugon. Siyempre pa, ang pinakamasarap pa ring matanggap na liham ay “Dear migrante, hindi ko day-off, pauwi na ako ng Pinas sa tahanan ko, for good.” Higit sa lahat, hinihintay po namin ang inyong pagbabalik.

Lumiham sa dearmigrante@gmail.com. Tumungo sa #45 Cambridge St. Cubao, Quezon City at pinakamalapit na tanggapan ng Migrante sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Bumisita sa www.migranteinternational.org at Fb.com/migranteinternational.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/dear-migrante/feed/ 0
Panayam kay Nora Aunor: ‘Ako na ang magkukusa’ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/panayam-kay-nora-aunor-ako-na-ang-magkukusa/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/panayam-kay-nora-aunor-ako-na-ang-magkukusa/#comments Tue, 17 Mar 2015 18:09:11 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34264 Ang walang-kupas at prinsipyadong si Nora Aunor, sa rali noong ika-20 death anniversary ni Flor Contemplacion. <b>KR  Guda</b>

Ang walang-kupas at prinsipyadong si Nora Aunor, sa rali noong ika-20 death anniversary ni Flor Contemplacion. KR Guda

Matapos ang rali ng Migrante International sa Mendiola bilang paggunita sa ika-20 taon ng pagbitay kay Flor Contemplacion, eksklusibong nakapanayam ng Pinoy Weekly si Nora Aunor, beteranong aktres at tinaguriang Superstar.

Maaalalang si Nora Aunor ang gumanap na bida sa premyadong The Flor Contemplacion Story.

Suot ang maong at itim na t-shirt na may markang “Proud to be Filipino, Ashamed of my Government,” inilahad ni Aunor ang kanyang dahilan kung bakit nais niyang magbitiw si Pangulong Aquino.

PW: Ano ang nagtulak sa iyo na ipahayag ang saloobin na magbitiw na si Pangulong Aquino? May kinalaman ba rito ang hindi pagkilala sa iyo bilang National Artist?

Nora Aunor: Matagal ko na pong kinikimkim ito. Walang sinumang nagtulak sa akin. Ako na po ang magkukusa na magsalita dahil hindi ko na rin po gusto ang nangyayari sa bayan natin. Marami ang mga panyayaring iyan. Nakita ko po ang pagpapabaya ng gobyerno sa Tacloban nang mag-shooting ako nang dalawang linggo sa lugar. Tapos itong nangyari sa Mamasapano.

Hindi po ako naghangad na maging National Artist. Nagulat nga po ako. Alam kong mayroon pang mas mahuhusay kaysa akin.

PW: Ayon sa mga taga-Migrante, kayo mismo ang tumawag sa kanila na lalahok sa rali, at magsasalita. Bakit sa rali ng Migrante mo itinaon ang pagpapahayag na magbitiw na si Aquino?

Nora Aunor: Walong taon po akong naging migrante. Naghirap din ako sa Amerika. Dumanas din po ako ng gutom at pang-aalipusta. Hindi rin po bago sa akin ang pagiging mahirap.

Kaya mahal ko po ang mga migrante, at hindi lamang dahil sa isinabuhay ko si Flor Contemplacion sa pelikula. Naging caregiver din po ako, at minsan ay inalagaan ko pa po nang libre ang matanda at naghihirap nang si Sajid Khan, isang Indianong aktor, na naka-love team ko sa pelikula noong kami’y mga bata pa.

Tapos, noong may boses pa po ako at nagkokonsiyerto sa iba’t ibang bansa, nalalantad ako sa katayuan ng mga kababayan natin doon. Kita rin naman po na sa kaso ni Flor Contemplacion, hindi niya daranasin ang kamatayan kung hindi nagpabaya ang ating gobyerno.

Talumpati ni La Aunor sa Mendiola: Pagpapahayag ng kanyang matagal nang saloobin. <b>KR Guda</b>

Talumpati ni La Aunor sa Mendiola: Pagpapahayag ng kanyang matagal nang saloobin. KR Guda

PW: Hindi ka ba nag-aalala na maaaring makaapekto sa career mo ang pagposisyong ito laban kay Aquino?

Nora Aunor: Hindi ko na po iniisip yun. Basta’t pinanindigan ko na po, yun na yun. Hindi rin ako nagsisisi na nag-“oust Erap” ako. Nagkabatian kami ni dating pangulong Erap sa isang pagtitipon; pero hindi ibig sabihin po noon na nagkabalikan kami o binali ko ang aking prinsipyo.

PW: Ano naman ang masasabi mo sa maaaring sabihin ng iba na kaya mo lang ginagawa ito ay may bago kang pelikula o kakandidato kang muli sa pulitika?

Nora Aunor: Ay, hinding hindi po. Wala naman akong ginagawang pelikulang pang-komersiyal ngayon kundi puro “indie” (independent films) na sa mga film festival dinadala. (May tatlong pelikulang indie films si Aunor na hindi pa lumalabas – ang Padre de Familia na kasama si Coco Martin, Whistleblower, at Taclob. Itong huli ay tungkol sa Yolanda at malamang na ipalabas sa Cannes Film Festival—Ed.).

Kung pagtakbo naman sa pulitika, ayoko na po. Minsan na akong nagamit diyan. Mayroon diumanong nag-donate ng P3 Milyon sa kampanya ko noon, pero ang nakarating lang sa akin ay P200,000.

PW: May pag-asa pa bang maibalik ang boses mo?

Nora Aunor: Idinadalangin ko po. Magpapa-opera akong muli sa Hulyo, at pupunta sa US para rito. Sabik na sabik na po akong kumanta.

PW: Ano ang inaasahan mo kung sakaling magbitiw si Aquino?

Nora Aunor: Sana’y magkaroon na talaga po ng tunay na pagbabago sa bayan natin.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/panayam-kay-nora-aunor-ako-na-ang-magkukusa/feed/ 4
Trahedya ni Flor Contemplacion, 20 taon makalipas http://pinoyweekly.org/new/2015/03/trahedya-ni-flor-contemplacion-20-taon-makalipas/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/trahedya-ni-flor-contemplacion-20-taon-makalipas/#comments Mon, 16 Mar 2015 06:10:43 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34248 Funeral march para kay Flor Contemplacion, 20 na ang nakararaan. Inihalintulad ito ng ilang tagasubaybay sa funeral march para kay Benigno Aquino Jr. Photo courtesy of <b>Boy Bagwis</b>

Funeral march para kay Flor Contemplacion, 20 na ang nakararaan. Inihalintulad ito ng ilang tagasubaybay sa funeral march para kay Benigno Aquino Jr. Photo courtesy of Boy Bagwis

Naalala ni Leandro “Doods” Gerodias ang mga pangyayari sa burol ni Flor Contemplacion 20 taon na ang nakalilipas.

Kasama siya sa motorcade papuntang San Pablo, Laguna kung saan nakatira ang kaanak ni Flor. Mahigit 40 dyip ang sumama. May ilan pang pribadong sasakyan at bus ang sumunod mula Maynila para makita ang huling lamay para sa nasawing overseas Filipino worker (OFW).

“Pagdating namin doon, punung-puno na ‘yung kalsada, mula sa bayan ng San Pablo papasok sa bayan ni Flor. Malayo pa, mga pitong kilometro pa yata iyon (pila ng mga sasakyan),” ani Doods.

Limang buwan nang buntis ang misis ni Doods noon, na kasama niya sa motorcade. Naghanap siya ng paborableng matutulugan sa lugar na nag-uumapaw ang tao. May kapilya na nagbukas ng pinto. Nakita kasi ng tagapangalaga nito na may natutulog na sa labas. Nakita niya ang kalagayan ng asawa ni Doods. Doon na natulog ang iba pa nilang kasamahan.

Overwhelmed ‘yung community doon,” alala ni Doods, na ngayo’y pangalawang pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno. “Naglalabas sila ng tubig, nag-invite na magkape. May niluluto silang kape sa bahay, para sa ganoong paraan naka-katulong sila kay Flor.”

Maliit na bagay, pero malaking tulong na rin ito sa lahat ng mga nakidalamhati sa isang namatay sa labas ng bansa upang kumita.

Kuwentong malungkot, nakakagalit

Masalimuot ang naging buhay ni Flor.

Noong May 4, 1991, natagpuang patay sa sakal si Delia Maga, isa pang OFW, kasama si Nicholas Huang, ang apat na taong gulang na bata na inaalagaan nito. Walang suspek ang pulisya ng Singapore, pero nakita nila ang pangalan ni Flor sa talaarawan ni Maga. Umamin (o napuwersang umamin) sa pagpatay si Flor sa interogasyon, at tinanggap ng Philippine Embassy na kapani-paniwala ang salaysay niya.

Pero walang siyentipikong ebidensiya na inihapag ang prosekusyon o depensa sa trial. Bago pa man ang hatol, personal nang umapela ang noo’y Pang. Fidel Ramos sa gobyerno ng Singapore na itigil ang pagbitay. Natuloy ang bitay kay Flor noong Marso 17, 1995. Bumulwak ang mga Pilipino sa kalsada para magprotesta.

Gaano nga ba kahalaga ngayon ang kuwento ni Flor Contemplacion para sa mga Pilipino?

Para sa Migrante International, marami pang trahedyang naganap matapos ang malungkot at nakakagalit na kahinatnan ng kaso ni Flor. Ito’y dahil nagpapatuloy pa rin ang mga polisiya ng gobyerno na nagtutulak sa mga Pilipino na mangibang-bayan.

Pareho pa rin ang kalagayan ng ekonomiya sa bansa—ang kawalan ng trabaho at kakulangan ng nakabubuhay na sahod.

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion

Kuwento ni Flor ngayon

Nagaganap pa rin ngayon ang kuwento ni Flor Contemplacion–ang kuwento ng Pilipina na natulak na mangibang-bayan dahil sa kahirapan.

Ganito ang kuwento ni Tarhata Lumpingan. Taga-Cotabato. Naipit siya sa giyera sa Kuwait noong dekada ’90. Pero wala siyang masyadong mapagpilian kundi umalis ng Pilipinas. “Labing-apat na Pilipina kaming iniwan ng mga amo namin. Sa Kuwait kasi, may pinagtaguan ng kababaihang OFW. Doon lang kami,” ani Tarhata.

May ibang Pilipino raw na pinagsamantalahan sa mgaa pinagtaguan nila. “Apat na buwan pa lang ako noon. Hindi pa sapat iyung kinuha ng ahensiya sa akin. Wala pa ako ganong sahod doon,” sabi pa ni Tarhata.

Samantala, halos apat na taong OFW si Purita Manlangit sa Saudi Arabia. “Nakarating ako ng Saudi noong 2009. Naging undocumented worker ako. Nakauwi ako noong 2012 sa tulong ng Migrante. Naging trabaho ko doon ay household worker o domestic helper,” aniya.

Inakala umano ni Tarhata na sagot sa kahirapan ang paglabas ng bansa, dahil kulang ang kinikita ng kanyang asawa. Umaasa sa minimum na sahod sa isang pabrika ang asawa niya.

“Bago pa lang ako lumabas ng NAIA (Ninoy Aquino International Airport), sa mismong araw ng pag-alis ko, saka lang ibinigay sa akin ang kontrata. Nagtaka ngayon ako bakit iba na ‘yung nakalagay sa kontrata ko. Bakit ang inaplayan kong trabaho ay babysitter, ang nakalagay sa position ko ay food keeper?” kuwento pa ni Purita. Magkaiba ang aktuwal na sahod niya sa unang sinabi sa kanya.

Ilan lamang sila sa napakaraming naghihirap na mga Pilipino sa ibang bansa. Pero iisa ang kanilang nakita: kapabayaan, kundi man kawalan ng pagkalinga, ng sariling gobyerno.

Parehong sitwasyon

Wala pa ring pagbabago, sabi ni Doods, mula noon hanggang ngayon. Pinatotohanan ito ng iba pang OFW na nagkukuwento ng kanilang karanasan.

“Bago pa lang umalis, di pa tiyak kung makakalis sila o hindi, hinoholdap na sila ng gobyerno sa mga singilin: sa PhilHealth, pasaporte, NBI Clearance, Police Clearance, at iba pang bayarin. Lugmok na kaagad ang mga OFW,” aniya.

Sinabi pa ni Doods na tila mabibilang lang sa daliri ang nagtatagumpay na mga OFW sa ibayong dagat. Aniya, malaking porsiyento na umaalis ay talagang bigo. “Pagbalik dito, naubos iyong konting naipon dahil wala na rin makitang hanapbuhay, wala na, gutom na naman sila.”

Kaisa siya sa mga grupong nagmamasid sa kalagayan ng mga Pilipinong migrante tulad ng Migrante International, isinaad ni Doods ang kanilang mga panawagan at pamamaraan para matigil, mabawasan o tuluyang matigil iyong paglabas ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat para maghanap ng kabuhayan.

Mangyayari lang ito, aniya, kung mapapatupad nga ang pambansang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo sa bansa.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/trahedya-ni-flor-contemplacion-20-taon-makalipas/feed/ 0
Isa na namang OFW, binitay sa Saudi http://pinoyweekly.org/new/2015/03/isa-na-namang-ofw-binitay-sa-saudi/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/isa-na-namang-ofw-binitay-sa-saudi/#comments Thu, 12 Mar 2015 07:27:45 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34175 Mapa ng Saudi Arabia. Mula sa Google Maps

Mapa ng Saudi Arabia. Mula sa Google Maps

Nagpahayag ng pakikiramay at simpatya ang Migrante International sa pamilya ni Joven Esteva, isang overseas Filipino worker (OFW) na binitay ng gobyerno ng Saudi Arabia sa kasong murder.

Si Esteva ang ika-pitong OFW na nasa death row na binitay sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Aquino. Pinakamarami ito sa isang rehimen mula ng ipinatupad sa Pilipinas ang labor export policy noong 1970s, ayon sa Migrante.

“Isa itong malungkot na araw para sa mga migranteng Pilipino, isang lingo bago natin gunitain ang ika-20 taon anibersaryo ng pagkamatay ni Flor Contemplacion. Nananawagan kami ng imbestigasyon kung bakit pinakamaraming naitala ng pagbitay (sa mga OFWs) sa ilalim ng termino ni Aquino,” ayon kay Gary Martinez, tagapangulo ng Migrante.

Samantala, isa pang OFW na si Mary Jane Veloso, ang naiulat na nakatakdang bitayin sa pamamagitan ng firing squad sa Indonesia kaugnay naman ng kinasasangkutan nitong ilegal na droga. Kasalukuyang inaaral ngayon ng Indonesian Supreme Court ang kaniyang kaso.

“Lubos kaming nag-aalala sa mga OFWs na nasa death row at yung mga nakakulong. Ilang Flor, Carlitos, Jovens, at Mary Jane pa ba ang inaasahan nating matulad sa sinapit ng ating mga kababayan?” ayon kay Martines.

Sa datos ng Migrante, hindi bababa sa 123 OFWs ang nasa death row.

“Sa kung paano kumikilos ang gobyernong Aquino para sa mga nasa death row, inaasahan natin na marami pang pagbitay ang mangyari sa susunod na mga taon. Walang ipinakikitang transparency o pananagutan ang gobyernong ito sa bigong pagligtas sa buhay ng mga OFW na nasa death row. Malalaman na lang natin kapag bibitayin o nabitay na,” ayon kay Martinez.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/isa-na-namang-ofw-binitay-sa-saudi/feed/ 0
Migrante, dinala ang panawang pagbaba sa puwesto ni Aquino sa tarangkahan ng Malakanyang http://pinoyweekly.org/new/2015/03/migrante-dinala-ang-panawang-pagbaba-sa-puwesto-ni-aquino-sa-tarangkahan-ng-malakanyang/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/migrante-dinala-ang-panawang-pagbaba-sa-puwesto-ni-aquino-sa-tarangkahan-ng-malakanyang/#comments Thu, 12 Mar 2015 07:25:42 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34185 Mga miyembro ng Migrante International sa isinagawang lightning rally sa gate 7 ng Malakanyang para pababain ito sa puwesto kaugnay ng kapabayaan sa mga overseas Filipino worker. <strong>Pher Pasion</strong>

Mga miyembro ng Migrante International sa isinagawang lightning rally sa Gate 7 ng Malakanyang para pababain ito sa puwesto kaugnay ng kapabayaan sa mga overseas Filipino worker. Pher Pasion

Naglunsad ng isang lightning rally ang mga miyembro ng Migrante International sa Gate 7 ng Malakanyang sa Maynila para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino sa puwesto.

Kaugnay ito sa sunud-sunod na pag-atake sa mga migranteng Pilipino na pinababayaan umano ng administrasyong Aquino. Pinakahuli ang pagbitay sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia. Kasabay din nito ang pagdukot sa apat na OFW ng Islamic State Jihadists sa Libya, at nawawalang 13 Pilipinong seafarers sa lumubog na barko sa South Atlantic Ocean.

“Ayaw na namin na may mga susunod pa na OFWs na mamamatay o nailagay sa panganib dahil sa kriminal na kapabayaan ng gobyerno. Nais na naming matanggal si Aquino,” ayon kay Gary Martinez, tagapangulo ng Migrante International.

Panawagan ng Migrante na patalsikin o magbitiw sa puwesto si Noynoy Aquino. <strong>Pher Pasion</strong>

Panawagan ng Migrante na patalsikin o magbitiw sa puwesto si  Aquino. Pher Pasion

Ang mga huling pangyayari sa mga OFW kasabay ng mga isyu gaya ng pagdanak ng dugo sa Mamasapano, isyu ng pork barrel at korapsyon, patuloy na pagtaas ng mga singilin at bilihin, patuloy na kapabayaan sa mga biktima ng bagyong Yolanda at iba pa, ang nagpapatingkad na kailangan nang matanggal sa puwesto si Aquino, ayon sa Migrante.

Sa darating na Marso 17, magsasagawa ng “Global Day of Action for Aquino’s Resignation” ang Migrante kasabay ng paggunita sa ika-20 anibersaryo ng pagkamatay ni Flor Contemplacion, ang Pilipinang binitay sa Singapore noong 1995.

Bahagi ang Migrante ng Noynoy Out Now! (NOW!), isang multi-sektoral na pormasyon na nananawagan sa pagbibitiw sa puwesto ni Aquino at pagtatayo ng People’s Council bilang kapalit para makapaglatag sa mga makabuluhang reporma at magbigay-daan sa eleksiyon.

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/migrante-dinala-ang-panawang-pagbaba-sa-puwesto-ni-aquino-sa-tarangkahan-ng-malakanyang/feed/ 0
Aquino pinagbibitiw din ng mga migranteng Pilipino http://pinoyweekly.org/new/2015/03/aquino-pinabibitiw-din-ng-mga-migranteng-pilipino/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/aquino-pinabibitiw-din-ng-mga-migranteng-pilipino/#comments Fri, 06 Mar 2015 07:26:23 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34053 Nanawagan ang Migrante International sa pagbibitiw ni Noynoy Aquino bilang presidente sa kanilang protesta sa Mendiola sa Maynila. <strong>Pher Pasion>

Nanawagan ang Migrante International sa pagbibitiw ni Pangulong Aquino bilang presidente sa kanilang protesta sa Mendiola sa Maynila. Pher Pasion

Magdadalawang dekada na sa Marso 17 mula nang bitayin si Flor Contemplacion, isang overseas Filipino worker (OFW) sa Singapore. Kasabay ng komemorasyong ito, nananawagan ang mga grupo ng migrante at kaanak nila na bumaba na sa puwesto si Pangulong Aquino.

Nais ng Migrante International na gunitain ang pagbitay kay Contemplacion, na inakusahang pumatay daw sa isang Singaporean na bata at ang nag-aalaga ditong kapwa-Pilipina na si Delia Maga, sa pamamagitan ng pagpapanagot umano kay Aquino na nagpapatuloy sa mga kondisyon para patuloy na pang-aapi sa mga migranteng Pilipino.

Isa sa pinakahuling naitalang kaso ang kay Rochelle Masubay, 34, na umuwing bangkay na lang noong Pebrero 14,dahil nagpakamatay diumano sa Jeddah, Saudi Arabia.

Pero di naniniwala sa kuwentong ito ang asawa niyang si Rodolfo Malinao, 36, at ang Migrante International. Sa tingin nila, pinagtatakpan ng mga awtoridad sa Jeddah ang tunay na nangyari kay Masubay–tulad umano ng pagtatakip sa tunay na nangyari kina Maga at Contemplacion 20 taon na ang nararaan.

Pinatay hindi nagpakamatay

Enero 3 ngayong taon nang tawagan si Malinao ng ahensiya ng kanyang asawa. Inabutan siya ng kinatawan ng ahensiya ng papel na nagsasabing nagpakamatay ang asawa niya. Natagpuan daw itong nakadapa na may saksak sa dibdib, salaysay ni Malinao.

Nanawagan ng hustisya si Rodolfo Malinao, asawa ni Rochelle Masubay na pinatay di umano sa Saudi Arabia, sa press conference ng Migrante sa mismong Mendiola. <strong>Pher Pasion</strong>

Nanawagan ng hustisya si Rodolfo Malinao, asawa ni Rochelle Masubay na pinatay di umano sa Saudi Arabia, sa press conference ng Migrante sa mismong Mendiola. Pher Pasion

Inihatid niya ang asawa niya sa airport noong Mayo 25, 2014 at ibinilin sa kanya ang kanilang mga anak. Dalawang maliliit na anak ang iniwan ni Masubay sa kanyang asawa. Hindi masabi-sabi ni Malinao ang tunay na nangyari sa kanilang ina sa tuwing hinahanap siya ng mga anak.

“Ang sabi sa akin ng ahensiya, October 16 nagpakamatay ang asawa ko. Pero nang malaman namin sa Jeddah, July 1 pa pala patay ang asawa ko. Tapos January 3 lang nila (ahensiya) ako sinabihan na patay na ang asawa ko. Hindi ako naniniwala na ang asawa ko nagpakamatay. Pinagtakpan nila. Dahil kung nagpakamatay talaga ang asawa, sasabihin nila agad,” ayon kay Malinao.

Hindi rin daw sila tinulungan ng ahensiya. Nagtungo si Malinao sa Philippine Overseas Employment Administration dahil doon daw sila magkikita ng abogado ng ahensiya. Pero sinabi na lang sa kanya na sa pinirmahan nilang dokumento noon wala na silang habol o magdemanda sa ahensiya.

“Ang pagkakasabi sa akin, doon na ibibigay ang pera na tulong dun sa asawa ko, kasi idideretso na nga sa Leyte. (Kaya) umasa ako. Ngayon, ‘yung pinapirma sa akin nung abogado ‘yung papel, na nakatakip sa POEA, wala namang sinabi na, ‘Bago n’yo pirmahan ang papel, basahin n’yo. Dahil pinirmahan n’yo, wala na kayong habol sa agency o wala na kayong demanda dahil heto binayaran na kayo,” ani Malinao, na binigyan lang daw ng ahensiya ng P10,000.

Tulad ng iba pang OFW, umalis si Masubay para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya at dahil sa nasalanta rin ng bagyong Yolanda ang kanyang mga magulang sa Leyte.

“Kung sapat ang kinikita niya dito, hindi siya aalis. Nagpunta ang asawa ko sa ibang bansa para maghanapbuhay, hindi para magpakamatay,” ayon kay Malinao.

Pinababayaan ng gobyerno

Maliban kay Masubay, iba’t ibang pasakit at pagpapabaya ng gobyerno ang nararanasan ng iba pang OFW.

Kamuntik na rin mangyari kay Marina Sarno, OFW galing United Arab Emirates, ang sinapit ni Masubay. Muntik na siyang lasunin ng kanyang amo. Dahil sa suspetsang lalasunin siya ng nito, sa alagang pusa ng kanyang amo niya ibinigay ang tubig na dapat para sa kanya. Namatay ang pusa at nagalit ang kanyang amo.

Sina Marina Sarno (kanan), Lita Maano (gitna), at Marie Fe Batungbacal, habang inilalahad ang kanilang mga karanasan bilang overseas Filipino workers at buhay ng kanilang mga kaanak. <strong>Pher Pasion</strong>

Sina Marina Sarno (kanan), Lita Maano (gitna), at Marie Fe Batungbacal, habang inilalahad ang kanilang mga karanasan bilang overseas Filipino workers at buhay ng kanilang mga kaanak. Pher Pasion

“Sa nangyari, galit na galit ang mga amo ko. Hinihingan ako ng 8,000 (dirham) para makauwi ng Pilipinas. Nang wala akong naibigay, kinuha nila ang pera ko na mahigit 6,000 (dirham). Ikinulong ako dahil wala akong naidagdag sa kinuha nila. Tatlong araw na walang kain ako ikinulong,” ayon kay Sarno. Tinulungan siya ng Migrante kaya siya nakauwi sa bansa.

Nagsampa ng kaso si Sarno sa ahensiya na nagpadala sa kanya sa UAE. Pero noong Marso 3, 2015, nakatanggap siya ng desisyon mula sa Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers’ Welfare Agency na binasura na raw ang kasong sinampa niya dahil wala raw siyang ebidensiya.

“Anong ebidensiya pa ang gusto ng ating gobyerno? Nasaan ang hustisya ng isang OFW sa ating bansa? Ano’ng klaseng goberyno mayroon tayo?” tanong ni Sarno.

Naghihintay naman sina Marie Fe Batungbacal at Lita Maano na mapauwi ng gobyerno ang kanilang mga asawa mula Saudi Arabia. Sa kasalukuyan, may 33 manggagawa ng Rajeh H. Al Marri & Son Company (RHM) ang nagsampa ng kaso sa kompanya at humihiling na pabalikin sa Pilipinas. Nakauwi na ang iba sa kanila.

Hindi kasi sila pinasasahod ng RHM at kasalukuyang ilegal ang status nila dahil sa wala silang Iqama o working visa.

“Tatlong buwan na kaming nag-aasikaso, nagpapabalik-balik sa POEA, sa lahat ng ahensiya ng gobyerno. Pero nagbibingi-bingihan sila sa aming mga hiling. Nanawagan kami sa presidente na sana mapansin ang aming mga asawa. Marami silang stranded, nagugutom na sila roon,” ayon kay Batungbacal.

“Hindi namin matugunan ang pangangailangan ng dalawang anak namin. ‘Yun talaga ang pangunahin, pinansiya. Hindi kami titigil hangga’t hindi makauwi ang mga asawa namin,” ayon kay Batungbacal.

Ayon pa sa kaniya, nakakausap naman niya ang kanyang asawa kahit na isang beses na lamang sa isang araw kumakain doon sa Saudi. Hindi rin niya masabi sa mga anak ang tunay na nangyari sa kanilang ama.

Gayundin, hinanakit ni Maano, pinaiikut-ikot lamang umano sila ng mga ahensiya ng gobyerno. Nahinto na umano ang dalawa niyang anak sa pag-aaral (hayskul at kolehiyo) dahil dito. Sa kasalukuyan, lubog sila sa utang.

Ayon sa Migrante, may badyet ang gobyerno para mapauwi ang mga OFW na nagkakaproblema sa ibang bansa, pero tinitipid umano ito.

Samantala, biktima naman si Armando Rillano ng labor trafficking. Pagdating niya sa Saudi Arabia, walang ibinigay sa kanyang Iqama, at walong buwan silang nagtago. Nagpasya silang magpunta sa embahada ng Pilipinas para maghain ng pormal na kaso.

Mula noon ginutom na umano sila at hindi binibigyan ng alawans dahil sa lumaban daw sila sa kompanya.

“Hindi kami nakakain. Minsan, namumulot kami ng pagkain sa basura para lang mairaos ang gutom. Pag-uwi namin dito dahil sa repatriation, pinapirmahan kami na wala kaming hahabulin kami dito sa Pilipinas. Saan kami babawi ngayon? Naareglo kami sa halagang P15,000 lang,” ayon kay Rillano.

Labor-Export Policy ng gobyernong Aquino, ipinababasura ng Migrante. <strong>Pher Pasion</strong>

Labor-Export Policy ng gobyernong Aquino, ipinababasura ng Migrante. Pher Pasion

Dapat magbitiw

Malinaw para sa mga migrante at kaanak nila na nagpapabaya umano ang gobyerno sa mga problemang kinakaharap ng mga OFW.

Sa tala ng Migrante, nasa 6,000 Pilipino ang umaalis ng bansa araw-araw. Bahagi ng polisiya ng administrasyong Aquino ang labor-export policy na nagtutulak sa maraming Pilipino ba mangibang bansa dahil walang sapat na sahod at seguridad ang mga trabaho nila dito–kung mayron man silang trabaho.

Malaki ang inaambag ng mga migranteng Pilipino sa ekonomiya ng bansa. Noong 2014, nasa $24 Bilyong remittance ang pumasok sa bansa, ayon sa Migrante.

“Ang nangyaring patayan sa Mamasapano (Maguindanao) ay araw-araw na pangayayari sa buhay ng mga migranteng Pilipino. Daig pa ng ating mga kababayan ang humaharap sa giyera sa araw-araw nilang buhay sa salbahe nilang mga employer, mapagsamantalang recruitment agencies, mapagsamantalang kompanya,” ayon kay Pillas.

Kabilang ang Migrante International sa mga grupong nanawagan na magbitiw sa puwesto si Aquino, hindi lamang dito sa Pilipinas kung pati sa hanay ng mga Pilipino sa buong daigdig.

“Kung kayang isakripisyo ni Aquino ang kanyang (mga tauhan tulad ng) SAF 44, kayang-kaya niya ring isakripisyo ang buhay ng migranteng Pilipino at pangkaraniwang mga mamamayang Pilipino,” sabi pa ni Pillas.

Lalahok umano ang Migrante International sa protesta sa Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/aquino-pinabibitiw-din-ng-mga-migranteng-pilipino/feed/ 0
OFWs na biktima ng kapabayaan ng gobyerno, nais na ring pagbitiwin si Aquino http://pinoyweekly.org/new/2015/02/ofws-na-biktima-ng-kapabayaan-ng-gobyerno-nais-na-ring-magbitiw-si-aquino/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/ofws-na-biktima-ng-kapabayaan-ng-gobyerno-nais-na-ring-magbitiw-si-aquino/#comments Thu, 19 Feb 2015 03:24:16 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33788 Nanawagan ang mga OFW at kaanak nila kay Pangulong Aquino na magbitiw na. <b>Darius Galang</b>

Nanawagan ang mga OFW at kaanak nila kay Pangulong Aquino na magbitiw na. Darius Galang

Nakiisa ang mga overseas Filipino worker (OFW) na naging biktima sa ibayong dagat sa panawagang magbitiw na sa puwesto si Pangulong Aquino dahil sa pagpapabaya diumano ni Aquino sa mga mamamayan na dumulo sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano.

“Hindi malayo ang naging karanasan ng mga OFW sa nangyari sa Mamasapano,” ani Sol Pillas, tagapagsalita ng Migrante International.

Sa isang press conference sa opisina ng Migrante, nagsalita ang mga OFW at mga kaanak nila kumakatawan sa mga biktima ng pandarahas sa ibang bansa at pagpapabaya diumano ng administrasyon habang dinadahas ang mga OFW.

Ang panawagan nila: “Tama na, sobra na, Aquino resign na!”

Mga kuwento ng pighati

Isinaad ni Olivia Ramos ang pagkakakulong niya sa Saudi Arabia dahil sa akusasyong nagnakaw siya ng 100,000 SR sa kanyang amo.

Nagtrabaho siya bilang domestic helper pero madalas na dinadahas at inaabuso ng kanyang amo.

“Inuutusan pa ako na pumunta sa disyerto upang manghuli ng daga,” aniya para mapunuan ang hiling ng amo niyang mahilig mamaril. Pero ginagawa rin siyang “human moving target.” Nakauwi ng bansa si Ramos nito lamang Enero.

Mapait na binalikan ni Noela Garcia ang sinapit niyang hirap bilang domestic helper. Biktima siya ng samu’t saring pagmamaltrato at sexual harrassment.

Bago pauwiin ng Pilipinas si Noela, kinulong siya ng kanyang amo nang 15 araw na walang pagkain.

“Buti na lang may baon akong biscuits. Inuunti-unti ko iyon, pero talagang kulang pa rin,” aniya. Nakaranas siya ng sexual harrassment nang paghubarin siya sa harapan ng kanyang amo bago siya dalhin sa kanyang ahensiya. Nitong Enero din siya nakauwi ng bansa.

Samantala, tila bingi sa mga hinaing na tulong ang gobyerno kay Rose Dacanay, na naging biktima ng illegal recruitment, at kasong murder sa kanyang amo na si Leila Ali, at nakulong sa Malaz Jail sa Saudi Arabia rin.

Pinagbintangan siya na siyang pumatay kay Ali. Pero, aniya, ang totoo’y pinasok ng tatlong kalalakihan ang bahay ng amo niya at pinatay ito, habang tinangka pa siyang halayin.

Hawak ni Editha Dacanay ang litrato ng kanyang 25-anyos na anak na si Rose Dacanay. <b>Darius Galang</b>

Hawak ni Editha Dacanay ang litrato ng kanyang 25-anyos na anak na si Rose Dacanay. Darius Galang

Isinalaysay man niya ang nangyari sa pulisya, sa kanya pa ibinunton ang kasong pagpatay. “Wala akong pagkukunan kundi tulong ng mga kaibigan ko,” saad ng kanyang inang si Editha, na kahit nakilala nang personal si Ezzedin Tago, embahador ng Pilipinas sa bansang iyon, ay hanggang “don’t worry I will help your daughter” na lang umano ang tugon sa kanya.

“Pauwiin na lang ang aming kaanak,” naman ang hiling ni Criselda Balanay, isang nagkaka-edad nang ina ng isang OFW na kasama sa 34 manggagawa ng Rajeh H. Al-Marri & Sons Co sa Saudi.

Ito ang kaso ng mga manggagawang hindi na nababayaran ng kanilang suweldo, at nanganganib na makulong dahil papalapit nang mawalang-bisa ang kanilang iqama (working visa.)

“Ilang beses pa lang sila nagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya. Ang pangako sa kanila, P30,000 kada buwan, ngunit kulang na ito kapag pinapadala nila, dahil sila na rin ang gumagastos sa kanilang pagkain na dapat ay ibinibigay ng kumpanya tulad nang nasa pinirmahan nilang kontrata,” sabi ni Criselda.

Dagdag pa niya na biktima ng double contract ang ilan sa mga manggagawa dahil pumirma na sila ng kontrata sa Pilipinas. Pero kinailangan pa nilang pumirma ng isa pang kontrata sa Saudi.

Pakikiisa sa dalamhati

Sinabi ni Pillas na salamin ng kapabayaan ng administrasyong Aquino, maging ng mga nauna nang administrasyon, ang sinapit ng SAF 44.

Pero diin niya na araw-araw itong sinasapit ng mga kababayan natin na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Kaya naman nakikiisa ang mga migrante sa paniningil sa anila’y “hugas-kamay” na administrasyon. “Nakikiisa kami sa mga nananawagan para sa katotohanan at pananagutan. Matagal na naming ayaw sa gobyernong ito,” ani Ramos.

“Kahit nakauwi na ang ilan sa amin, patuloy pa rin ang panawagan namin para sa hustisya, pero walang aksiyon ang gobyerno. Kaya natutuwa kaming mas marami na ngayong namumulat at nananawagan na paalisin si Aquino sa puwesto,” dagdag ni Garcia.

Transition council

Kaisa rin ang Migrante International sa pagtutulak na buuin na ang transition council sa senaryo na mapatalsik si Aquino. Binanggit ni Pillas ang kahalagahan nito laluna para sa isang totoong sistema ng demokratikong lipunan.

“Unang una, kailangan nating gawin ito para matanggal si Aquino (sa puwesto). Pangalawa, dahil naniniwala ako na hindi sa isang personahe, isang tao, ang alam kong bubuo – council nga iyan – mahalaga iyon para doon ma-practice ang representasyon ng Pilipinas para magkaroon ng kani-kanyang boses at malaman ang kani-kanyang hinaing,” paliwanag niya.

Sa pagtatapos ni Pillas, binalikan niya ang halaga na ipinatong sa ulo ni Marwan, kumpara sa araw-araw na ibinabahagi ng mga OFW sa kaban ng bayan.

“Siyempre mas malaking halaga ang ipinapasok ng mga OFW sa gobyerno. Bago pa lumabas, P30,000 na agad ang babayaran, bukod pa doon ang iba pang bayarin tulad ng terminal fee,” sabi pa niya.

Sa pinakabagong datos ng Migrante, may $22 Bilyong remitans ang naipapadala sa bansa ng mga OFW sa isang taon.

“$5 Milyon lang iyang [patong sa ulo ni Marwan],” dugtong ni Pillas. “Naniniwala naman ako na kung terorista talaga iyong tao, ay kailangan talagang tugisin, pero hindi sa kapahamakan ng mga mamamayang Pilipino.”

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/ofws-na-biktima-ng-kapabayaan-ng-gobyerno-nais-na-ring-magbitiw-si-aquino/feed/ 0
OFWs, nakiramay sa nasawing Yolanda volunteer worker http://pinoyweekly.org/new/2015/01/ofws-nakiramay-sa-nasawing-yolanda-volunteer-worker/ http://pinoyweekly.org/new/2015/01/ofws-nakiramay-sa-nasawing-yolanda-volunteer-worker/#comments Thu, 22 Jan 2015 08:40:58 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33426 Kristel Pasadas

Kristel Pasadas

Pakikiramay ang paabot ng Migrante International sa kaanak ni Kristel Mae Padasas, anak ng isang overseas Filipino worker, na nasawi matapos ang misa ng Santo Papa noong nakaraang Sabado sa Tacloban City.

Nabagsakan ng sound box ang 27-anyos na volunteer worker na nadestino sa lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda, matapos ang misa ni Pope Francis. Dumanas ng masamang panahon ang siyudad dahil sa hagupit ng bagyong Amang (Mekkhala), na nagpaiksi ng pagbisita ng Santo Papa.

Dumating sa Maynila noong Martes ang ina ni Kristel na si Judy Padasas. na 19 na taon nang nagtatrabaho bilang domestic worker sa Hong Kong.

Kuwento ng bawat migranteng Pilipino ang trahedya ng nangyari kay Kristel, sabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International. “Trahedya ito ng sapilitang pagwawalay sa iyong mahal sa buhay dahil sa pangangailangan at desperasyon, at pagiging malayo sa kanila sa panahon ng kagutuman, krisis, at kalamidad, maging hanggang kamatayan.”

Simpatiya ang dugtong ni Martinez at Migrante International sa pamilya, habang aniya’y patuloy ang laban ng mga OFW sa buong mundo sa labor export policy ng gobyerno na nagwawalay, at ayon rin sa sinabi ng Santo Papa, ay sumisira ng mga pamilya.

Naghatid ng ayuda, at dadaan sa psycho-social counseling ang ina ng biktima, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration.

Dumating ang labi ni Kristel sa Maynila noong Enero 19.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/01/ofws-nakiramay-sa-nasawing-yolanda-volunteer-worker/feed/ 0
Inisyal na tagumpay para sa kanilang karapatan, nakamit ng immigrants sa US http://pinoyweekly.org/new/2014/11/inisyal-na-tagumpay-para-sa-kanilang-karapatan-nakamit-ng-immigrants-sa-us/ http://pinoyweekly.org/new/2014/11/inisyal-na-tagumpay-para-sa-kanilang-karapatan-nakamit-ng-immigrants-sa-us/#comments Fri, 28 Nov 2014 19:08:01 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=32660 Rali ng iba't ibang grupo ng mga Pilipino sa US. Mula sa <b>Nafcon FB account</b>

Rali ng iba’t ibang grupo ng mga Pilipino sa US. Mula sa Nafcon FB account

Resulta ng sama-samang pagkilos laban sa kriminalisasyon ng di-dokumentadong mga immigrant at migrante sa Estados Unidos (US) ang bagong lagdang Executive Action on Immigration dito.

Ito ang sabi ng Migrante International matapos lagdaan ni Pang. Barack Obama ng Estados Unidos (US). Pero ayon sa grupo, simula pa lamang ito ng laban para sa ganap na pagkilala sa karapatan ng immigrants at migrante, kabilang ang mga Pilipino, sa US.

Inanunsiyo ni Obama noong Nob. 20 ang naturang Executive Action na nagpapataw ng “istriktong mga rekisito” para di-madeport ang di-dokumentadong mga indibidwal mula sa ibang bansa tulad ng Pilipinas.

Dahil sa mga limitasyon ng aksiyon ni Obama, pili lang ang maaaring makinabang dito, ayon sa Migrante.

Kikilalanin lang ng ng Executive Action ang isang immigrant sa US kapag pasok sa sumusunod na mga pamantayan: nanirahan siya sa bansa sa loob ng limang taon; ang mga anak ay mga mamamayan na ng US; pasado siya sa criminal background check; at sang-ayon siyang “magbayad ng karampatang buwis.”

“Tumugon si Obama sa ilan taon nang iginigiit ng ating komunidad, pero ang executive order na ito ay pansamantala lang at malayo para maging sapat. Dapat nating ipagpatuloy ang pagtulak sa relief na kailangan ng ating mga komunidad,” pahayag sa wikang Ingles ni Terrence Valen, presidente ng National Alliance for Filipino Concerns, o Nafcon, sa US.

Iginigiit ng maraming grupo ng mga immigrant, pati ng Nafcon at Migrante International ang panawagang “Legalization for All” o paglelegalisa ng lahat ng di-dokumentadong mga immigrant na natulak lang na pumunta sa US dahil sa krisis (pang-ekonomiya man o pulitikal) sa kanilang bansa.

Sa panawagang legalisasyon para sa lahat, di-batayan ang haba ng panahon na paninirahan, affiliation, o pang-ekonomiyang kalagayan ng indibiduwal para kilalanin ang legal na karapatan sa ilalim ng batas ng US ng immigrant o migrante.

“Walang tao na ilegal. Ang pagiging di-dokumentado ay di-kailanman dahilan para pagkaitan ng batayang karapatang pantao,” sabi pa ng Migrante.

Tinutugunan ng mga di-dokumentadong manggagawa mula sa ibang bansa ang pangangailangang lakas-paggawa ng US. Sila rin umano ang pinaka-bulnerable sa pagsasamantala at mardyinalisasyon.

Malaki ang ambag nila sa mga ekonomiya ng host countries

Panandalian lang ang Executive Action at magiging epektibo lang sa isang takdang panahon sa 2015, kaya panawagan ng Migrante na magmatiyag ang mga immigrant at migrante sa US at maging sa ibang bahagi ng mundo.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/11/inisyal-na-tagumpay-para-sa-kanilang-karapatan-nakamit-ng-immigrants-sa-us/feed/ 1
Para Kay Rajima Jamal http://pinoyweekly.org/new/2014/11/para-kay-rajima-jamal/ http://pinoyweekly.org/new/2014/11/para-kay-rajima-jamal/#comments Mon, 10 Nov 2014 16:48:59 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=32240 Dahil sa sunud-sunod na mga balita tungkol sa nakahahabag at nakasusulak ng dugong mga karanasan ng mga OFW o migranteng Pilipinong mga manggagawa — mulang pang-aabusong seksuwal, pambubugbog, pagtratong parang mga hayop hanggang sa kung anu-ano pang mga kalupitan mula sa kamay ng kanilang mga amo sa bansang napilitang puntahan dahil sa kawalan ng oportunidad sa sariling bayan — biglang sumalakay sa aming gunita si Rajima Jamal, 19, isang taga-Mindanaw na namasukang kasambahay noon sa United Arab Emirates. Minabuti naming ilathala rito ang isa naming piyesang handog sa kanyang alaala. Binasa ito ni Yuri Cipriano, bise-presidente ng Migrante-United Arab Emirates, noong Abril 16, 2010 sa kanilang pangkalahatang asamblea sa Samaya Hotel, Deira, Dubai.

RAJIMA JAMAL, 19

kalansay na nakatingala sa langit
ang punong kabalyero
wala ang naglalagablab na mga bulaklak
berde pa iyon noong enero
pero ngayo’y tinakasan ng mga dahon
hinipan at itinaboy sa naninilaw na damuhan
ng nilalagnat na marso at abril
di na makikita ni rajima jamal
muling paghihilamos ng dugo
ng punong kabalyero
di na maririnig musika ng dasal
sa bawat takipsilim
sa lupang binaog ng pambubusabos
di na malalasap lamukot ng durian
at tamis-asim ng pinya’t dalandan.

tatlong buwan nang nasa morge
sa ospital ng saif-obaidullah
sa ras al-khaimah
ang bangkay ni rajima jamal
labingsiyam na taong gulang
nang lagutan ng buhay
matapos alilain ni mohammad sala sultan
labis na napinsala ang ulo
namuo ang dugo sa nabasag na bungo
di malaman kung binambo ng amo
o ilang ulit na iniuntog sa semento
dahil tumangging maging kabayo.

tatlong buwan nang nasa morge
sa ospital ng saif-obaidullah
sa ras al-khaimah
ang bangkay ni rajima
di maiuwi sa mindanaw
maiyakap man lamang
sa kalansay ng punong kabalyero
mabenditahan man lamang
ng sampagita’t ilang-ilang
maalayan man lamang
ng galyetas at biskotso
bago ihatid sa huling hantungan
sa gubat ng amarillo’t cadena de amor
ng makahiya, kugon at damong-ligaw.

nakahimlay pa rin sa morge si rajima
mahimbing namang natutulog
buratserong konsul na pilipino
katalik sa pangarap birhen ng antipolo
sa palasyo naman ng mga indio
ngiting-aso ang unano
nilalaro sa isip pagkapit-tuko sa puwesto
sino ba si rajima jamal?
alila lamang mula sa mindanaw
di naman anak ng dugong bughaw
o apo man lamang ng “mararangal” sa gobyerno
bakit pasasakitin ang bumbunan
di man maiuwi ang kanyang bangkay?
bumulwak sana ang habag sa puso ng emir
ni sheik saqr bin mohammad al-qassimi
baka siya na lamang ang pag-asa
upang makauwi sa wakas si rajima
sa la tierra pobreza.

ilan na ba ang rajima jamal
na ikinalat na parang layak
ng buhawi ng dalita’t inhustisya
nandayuhan saanmang sulok ng planeta
makatakas lamang sa bartolina
ng mga pangarap sa tierra pobreza?
nagdurugo tuloy ang utak ko
tuwing lumalangoy sa mga ugat nito
lahat ng rajima jamal sa mundo
nag-aalimpuyo tuloy sirit ng dugo
tulad ng agasang walang humpay
at mamatay si elham mahdi shuee
ang dose anyos na dalagitang yemeni
na sapilitang ipinakasal kahit bubot pa
ang katawan at puri
tatlong araw lamang, tatlong araw lamang
makaraan marahas na pulot-gata
sumabog ang kanyang bahay-bata
inulila ng hininga sa ospital ng hajja
mapalad si elham mahdi shuee
kaysa banyagang mga rajima jamal
di na kailangang iuwi pa sa yemen
parang yelo niyang bangkay.

kailan naman iuuwi
ang embalsamadong mga rajima
sa la tierra pobreza?
————————————————————-

RAJIMA JAMAL, 19
(my English version)

skeletal now is the firetree
staring at the sky
the flaming flowers no more
green was it last january
but gone are the leaves now
blown by the feverish
march and april and scattered
on the parched earth
by the sun’s burning breath
rajima would no longer see
the crimson blooming
of the firetree
rajima would no longer hear
the melodious muslim prayers
when dusk kisses the air
in the land made fallow
by the exploitative class
rajima would no longer taste
the ecstacy of durian
the sweet-sour scent
of pineapple and kumquat.

dismal for three months now
in the morgue
of saif obaidullah hospital
at ras al-khaimah
the cadaver of rajima
only nineteen years old
when death grabbed her
after mohammad sala sultan
cruelly enslaved her
her head repeatedly
slammed upon the wall
her skull cracked
her brain bled
when she refused to be
her master’s horse.

somber for three months now
the remains of rajima
in the morgue
of saif obaidullah hospital
at ras al-khaimah
could not be brought home
to her beloved mindanao
for her lifeless body
to just embrace
the skeleton of the firetree
for her to be showered
with ilang-ilang petals
and sampaguita leis
for her to be gifted
in her bucolic wake
some biscuits and toast bread
before her earthen body
departs to nowhere
amidst the elegy
of the cadena de amor
cogon and wild grass,.

abandoned still is rajima
in the dampness of the morgue
while snoring in his sleep
the fucking filipino consul
dreaming, cohabiting maybe
with the said miraculous
well-known virgin de buenviaje
inside the palace of the indios
grinning like a horse
the inutile, egoistic ruler
toying in his scheming mind
how to stay in power forevermore
who is rajima jamal?
only a domestic helper from mindanao
neither a member of a royal family
nor a kin of “honorable” men
in the abominable bureaucracy
why bother to crack your skull
if her body could not be returned
to her beloved homeland?
may pity spring from the emir’s heart
sheik saqr bin mohammad al-qassimi
maybe he’s the only hope
so rajima could go home at last
to her dear la tierra pobreza.

how many are the rajima jamals
strewn like debris by the hurricane
of injustice and penury
who decided to migrate
to whatever foreign land
to escape from the bastion
of grief and hopeless dreams
in their barren homeland?
bleeding is my brain
everytime the world’s rajima jamals
swim in its veins
boiling is its squirting blood
like when elham mahdi shuee
the twelve year-old yemeni gal
was forced to marry at once
her ovary burst and later died
after three days of truculent honeymoon
fortunate was elham mahdi shuee
unlike the migrant rajima jamal
in yemen already elham’s remains.

when will the embalmed rajima
be brought home at last
to our la tierra pobreza?

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/11/para-kay-rajima-jamal/feed/ 0