Pinoy Weekly » Espesyal na Isyu http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Tue, 12 May 2015 22:16:16 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.2.1 VIDEO | ‘The truth will set us free’ – Lt. Col. George Rabusa on Mamasapano http://pinoyweekly.org/new/2015/03/video-the-truth-will-set-us-free-lt-col-george-rabusa-on-mamasapano/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/video-the-truth-will-set-us-free-lt-col-george-rabusa-on-mamasapano/#comments Fri, 20 Mar 2015 07:29:36 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34328

Ret. Lt. Col. George Rabusa

Ret. Lt. Col. George Rabusa

In 2011, Lt. Col. George Rabusa, now retired from the Armed Forces of the Philippines, was a whistleblower to the biggest corruption scandal in AFP history. He has since grown disillusioned with the Aquino administration for its failure to follow through with the promised reforms within the military. Now, amid the worst political crisis confronting the current presidency, Rabusa once again speaks up, this time on the Mamasapano incident.

Interview by KR Guda | Video shot by Ilang-Ilang Quijano | Editing by KR Guda, Ilang-Ilang Quijano & King Catoy

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/video-the-truth-will-set-us-free-lt-col-george-rabusa-on-mamasapano/feed/ 0
Mga militar na naglulunsad ng giyera sa Maguindanao, kinumpronta ng mga sibilyan http://pinoyweekly.org/new/2015/03/mga-militar-na-naglulunsad-ng-giyera-sa-maguindanao-kinumpronta-ng-mga-sibilyan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/mga-militar-na-naglulunsad-ng-giyera-sa-maguindanao-kinumpronta-ng-mga-sibilyan/#comments Mon, 09 Mar 2015 17:53:09 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34173 Habang nagsasagawa ng rali ang mga residente ng Brgy. Dapiawan, dumating ang mga sundalo, sakay ng armored personnel carrier at mga trak. Photo courtesy of <b>Suara Bangsamoro</b>

Habang nagsasagawa ng rali ang mga residente ng Brgy. Dapiawan, dumating ang mga sundalo, sakay ng armored personnel carrier at mga trak. Photo courtesy of Suara Bangsamoro

Kinumpronta ng mga sibilyan ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sumasalakay sa kanilang mga komunidad sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao nitong Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

Ayon sa Suara Bangsamoro, isang Moro human rights organization, alas-kuwatro ng umaga ng naturang araw nang pumasok ang apat na armored personnel carriers, dalawang military truck, at humigit-kumulang 100 sundalo sa Sityo Bayug, Brgy. Dapiawan sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.

Agad na nagsilikas ang mga tao. Napag-alaman diumano ng naturang grupo na pinasok ng mga sundalo ang mga bahay sa naturang sityo at nanira ng ilang bahay.

Noong araw na iyon, naglunsad ng protesta ang Suara Bangsamoro at iba pang grupo kaalinsabay ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Nagmartsa ang mga residente patungong evacuation center sa Brgy. Dapianan para magprotesta laban as all-out war, at hilingin ang hustisya sa mga naging at nagiging biktima ng mga operasyong militar ng AFP.

Sumama rin ang mga evacuee na pansamantalang nakatira sa Dapianan Elementary School.

Iginiit din nila ang pagbigay ng agarang relief goods sa nagsilikas na mga residente, at kinondena ang anila’y pagnanakaw ng mga sundalo sa kanilang mga bahay.

Nakipag-usap si Jerome Succor Aba ng Suara Bangsamoro sa mga opisyal ng militar at sa alkalde ng bayan. Photo courtesy of <b>Suara Bangsamoro</b>

Nakipag-usap si Jerome Succor Aba ng Suara Bangsamoro sa mga opisyal ng militar at sa alkalde ng bayan. Photo courtesy of Suara Bangsamoro

Biglang nakipagdiyalogo

Habang nagsasagawa ng protesta ang mga residente at evacuee, dumating ang mga sundalo, pati ang alkalde ng bayan ng Datu Saudi Ampatuan na si Samsuddin Dimaukom. Iginiit ni Dimaukom na makipagdiyalogo ang mga residente kay Lt. Col. Taharudin Ampatuan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.

“Doon, naglagay ng mga mesa at kagamitan ang mga sundalo para maglunsad daw ng routine check-ups at dental operations, habang may dalawang trak na namamahagi ng bigas,” sabi pa ni Aba.

Sa naturang diyalogo, inilatag ng Suara Bangsamoro ang mga hiling nila sa militar. Una rito ang agarang ayuda sa mga biktima ng militarisasyon sa Maguindanao, sa porma ng pagkain, gamot at psycho-social intervention sa mga bakwit (evacuees).

Pangalawa ang pagbibigay ng bayad-pinsala sa nasirang kagamitan, kabilang ang mga pananim at alagang hayop, ng mga residente na apektado ng mga operasyong militar.

Matapang na nagladlad ng mga plakard kontra sa giyera ang mga residente. Photo courtesy of <b>Suara Bangsamoro</b>

Matapang na nagladlad ng mga plakard kontra sa giyera ang mga residente. Photo courtesy of Suara Bangsamoro

Hiniling din nila ang hustisya sa mga paglabag ng karapatang pantao sa mga sibilyan dahil sa mga opensiba ng militar.

“Tumanggi si Lt. Col. Ampatuan na pirmahan ang kasunduan, kahit na malinaw na matitigil nito ang paghihirap ng libu-libong mga bakwit,” sabi ni Aba. Ipinagmayabang pa umano ng opisyal-militar kung paano pinoprotektahan daw ng mga sundalo ang mga tao at binibigay ang mga serbisyong kailangan nila.

Binatikos din ng Suara Bangsamoro ang medical at dental mission na isinagawa ng AFP noong panahong iyon.

“Kalokohan ang medical mission ng AFP. Nakakatawa ang katangahan ng militar na nagsagawa ng mga dental operation sa gitna ng evacuation, kung saan marami pang mas mahalagang bagay na dapat tugunan sa mga bakwit kaysa ang kalagayan ng kanilang mga ngipin,” sabi pa ni Aba.

Tinawag din niya na “ipokrito” ang militar sa pagbigay diumano ng ayuda, samantalang ito ang dahilan ng paglikas ng mga tao.

Isolated case lang ang medical aid na ginawa ng militar sa Brgy. Dapiawan. Marami pang evacuation centers ang pinababayaan nila,” sabi pa ni Aba.

Mga kababaihang Moro ang karamihan sa mga may hawak sa plakard na nananawagan ng pagtigil sa militarisasyon. Photo courtesy of <b>Suara Bangsamoro</b>

Mga kababaihang Moro ang karamihan sa mga may hawak sa plakard na nananawagan ng pagtigil sa militarisasyon. Photo courtesy of Suara Bangsamoro

Nanghalughog, nanira

“Malakas na kinokondena (namin) ang pagsagawa ng AFP ng ilegal na paghalughog at pagnakaw sa mga tao,” sabi ni Jerome Succor Aba, tagapagsalita ng Suara Bangsamoro. “Kapos na kapos na nga ang mga sibilyang ito para sa sarili nila.”

Umaga ng Marso 8, agad na lumikas ang mga tao sa takot na madamay sa anumang operasyong militar matapos ikandado ang kanilang mga bahay.

“Nang dumating ang isang istap ng Suara Bangsamoro sa lugar ng insidente, nagkalat ang mga damit sa sahig ng mga bahay, sira na ang mga bisagra ng mga pinto, sira ang mga appliance at butas ang mga dingding na nakikita na ang loob ng bahay mula sa labas,” sabi pa niya. “Isang may-ari ng tindahan ang naubos ang paninda. Ininom ng mga sundalo ang mga inumin sa mismong loob ng bahay.”

Dagdag lang ito sa iba pang kaso ng paglabag sa karapatang pantao na naidokumento ng Suara Bangsamoro magmula nang sumiklab ang all-out war ng AFP sa Maguindanao para tugisin diumano ang mga “terorista” at labanan ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ayon pa sa grupo.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/mga-militar-na-naglulunsad-ng-giyera-sa-maguindanao-kinumpronta-ng-mga-sibilyan/feed/ 0
Pandarahas sa kababaihan, pagsingil sa pamahalaan http://pinoyweekly.org/new/2015/03/pandarahas-sa-babae-pagsingil-sa-estado/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/pandarahas-sa-babae-pagsingil-sa-estado/#comments Sat, 07 Mar 2015 13:54:55 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34085 Isa sa pangunahing layunin ng One Billion Rising ang pagpapatampok sa seksuwal na pandarahas sa kababaihan at mga bata. Sa konteksto ng Pilipinas, tumatampok ang pandarahas sa kababaihan at bata ng mga tinaguriang "persons of authority" o mga personalidad na may kapangyarihan o awtoridad sa lipunan tulad ng mga pulis, militar, opisyal ng pamahalaan, pulitiko atbp. <b>Macky Macaspac</b>

Isa sa pangunahing layunin ng One Billion Rising ang pagpapatampok sa seksuwal na pandarahas sa kababaihan at mga bata. Sa konteksto ng Pilipinas, tumatampok ang pandarahas sa kababaihan at bata ng mga tinaguriang “persons of authority” o mga personalidad na may kapangyarihan o awtoridad sa lipunan tulad ng mga pulis, militar, opisyal ng pamahalaan, pulitiko atbp. Macky Macaspac

Kasabay ng matiniding krisis sa lipunang mababa ang pagtingin sa kanila, higit na nagiging bulnerable sa pandarahas at pagsasamantala ang kababaihang Pilipino.

Ngayon, higit sa nakaraang mga panahon, naaalarma ang grupong pangkababaihan na Gabriela sa lalong pagdami ng kaso ng seksuwal at pisikal na pang-aabuso sa kababaihan. Sa penomenong ito, nababahala rin ang Gabriela sa pagdami ng mga kasong kinasasangkutan ng mga elemento ng militar at mga nasa kapangyarihan.

Para sa Gabriela, isa sa pinakamasahol na pandarahas sa kababaihan iyung may salaring “persons of authority” o mga ahente ng Estado tulad ng mga pulis, militar, at mga opisyal ng pamahalaan.

Inabuso ng militar

Disyembre 2014 nang idulog ni Jessa (di-tunay na ngalan) ang reklamong panggagahasa laban kay Private First Class Benjamin Blancada at sa dalawa pa niyang kasamahan. Nangyari ang panghahalay noong Nobyembre 17 sa tahanan ng biktima sa Kitaotao, Bukidnon. Mula sa 84th Infantry Batallion ng Philippine Army si Blancada.

Ayon sa 16-anyos na biktima, sapilitan siyang pinasok ni Blancada sa loob ng kuwarto habang nagpapasuso siya ng kanyang sanggol. Tinakpan ng suspek ng unan ang mukha ni Jessa saka ginahasa. Dagdag pa niya, dalawang sundalo pa ang kasama ni Blancada sa labas ng bahay na nagsilbing look-out. Pagkatapos ng insidente, narinig niya pa ang tatlo na nagtatawanan.

“Ang alam ko, hindi lang ako ang nag-iisang biktima ni Blancada,” sabi ni Jessa. Pero ang balita niya, “binayaran na lang” at tinakot ang iba upang hindi na magsalita. Nananawagan siya ngayon sa iba pang biktima na lumantad upang mabigyang hustisya ang mga krimen.

Higit umano siyang determinado na mapanagot ang mga maysala para magsilbing babala sa mga miyembro ng militar, pulis o nasa kapangyarihan na patuloy sa paglabag sa karapatan ng kababaihan.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP), umakyat na ng 35 porsiyento ang naiulat na kaso ng panggagahasa sa unang 10 buwan pa lamang ng 2014. Sa taong ito, may 7,306 nang kaso ng pangggahasa. Ikumapara ito sa taong 2013 na may naitalang 4,737 kaso.

Ayon kay Obeth Montes, counselor ng Gabriela, marami sa kasong naiulat sa kanila ang sangkot ang mga alagad ng batas, mayayaman, maiimpluwensiya at nasa kapangyarihan. Mula 2010 hanggang sa unang bahagi ng 2014, nakapagtala sila ng 42 kaso na sangkot ang mga miyembro ng PNP; 20 ang sangkot ang Armed Forces of the Philippines (AFP); 14 ang sangkot ang mga opisyal ng local government units; 13 ang pulitiko; siyam ang tropa ng sundalong Amerikano at dalawa ang kasong sangkot ang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) – ang mismong personal na mga badigard ng Pangulo.

Isa pang kaso ng panggagahasa ang idinulog sa Gabriela noong Mayo 2013 mula sa Palauan, Occidental Mindoro. Sa isang press conference, umarap sa midya si Sienna, 17-anyos. Ayon kay Susan, ina ng biktima, dumalo sila sa isang kasiyahan sa kanilang lugar noong Mayo 9, 2013. Nalingat lamang siya’y nawala na si Sienna. Matapos ang dalawang oras na paghahanap, nagpasya siyang umuwi. Inabutan niya sa bahay ang anak na umiiyak, kasama ang tatlong sundalo.

“Pagsindi ko ng gasera, nandoon ang tatlong sundalo at ang anak kong umiiyak. Isa sa mga sundalo ang kumaripas ng takbo. ’Yung dalawa, nangatwiran na tinatanong lang daw nila ang anak ko kung sino ang mga kasama niyang kabataan. Namukhaan ko sila. Alam ko na mga sundalo sila dahil may mga baril at nakauniporme sila. Sila rin ang nakadestino sa lugar namin,” kuwento ni Susan.

Ayon sa Gabriela, hindi na nakapagsampa ng reklamo ang biktima dahil ilang araw matapos ang insidente, nawala sa pag-iisip ang biktima. Kinailangan siyang dalhin sa ospital para ipagamot. Bago mawala sa sarili, napagalaman ni Susan na hindi iyon ang unang pagkakataon na pinagsamantalahan ang anak. Unang beses na hinalay si Sienna noong Disyembre 2012.

“Kung mismong ang mga miyembro ng institusyon ng gobyerno na nakatalagang magbantay sa kapakanan ng mga mamamayan ang gumawa ng mga kahalayan sa mga batang ito, paano natin maaasahan ang Estado na magsawata sa ganitong karahasan, lalo na ang pagbigay ng hustisya sa mga biktima?” tanong ni Montes.

PW march 8 memePaghawi ng tanikala

Dagdag pa ni Montes, dapat kondenahin ang pagtaas ng bilang ng karahasan laban sa kababaihan na nagmimistula na lamang umanong normal na bagay sa lipunan natin.

Ang mas malala pa, state-perpetrated (o mga ahente ng Estado ang salarin) na ang ganitong mga uri ng karahasan. Nangangailangan umano na mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga alagad ng batas at may mga posisyon sa gobyerno na maharap sa kasong panggagahasa.

Kinikilala sa buong mundo ang pagtindi ng karahasan sa kababaihan, lalo na sa mga bansang tumitindi rin ang krisis sa ekonomiya.

“Nagpapatuloy ang karahasan sa kababaihan sa bawat kontinente, bansa at kultura. Labis itong nakakaapekto sa buhay ng kababaihan, sa kanilang pamilya at maging sa lipunan sa kabuuan. Ipinagbabawal ito ng maraming pamahalaan—ngunit ang katotohanan, madalas pinagtatakpan ito o pinapalampas,” sabi ni Ban Ki-moon, pangkalahatang kalihim ng United Nations (UN), sa isang panayam.

UN ang naglabas ng datos na isa sa bawat apat na babae ang nadahas o madadahas—nagagahasa o nasasaktan—nang di-bababa sa isang beses sa kanyang buhay. Kung kaya tatlong taon nang pinangungunahan ng V-Day Movement ng Amerikanong manunulat at aktibista na si Eve Ensler ang One Billion Rising (OBR), isang pandaigdigang kampanya laban sa violence against women (VAW) sa pamamagitan ng pagsayaw at pagtatanghal.

Sa Pilipinas, tatlong taon na ring pinangungunahan ng Gabriela, kasama ang Gabriela Women’s Party at New Voice Company ng tanyag na theater artist na si Monique Wilson, ang OBR. Noong Pebrero 14, isang malakihan at pambansang “rising” ang isinagawa sa Maynila at iba pang lugar sa bansa. Pero Gabriela ang unang aamin na maliit na bahagi lang ito ng pakikibaka laban sa seksuwal na pang-aabuso at penomenon ng VAW.

Para sa Gabriela, nagsisimula ang pagkamit ng hustisya tuwing namumulat, naoorganisa at napapakilos ang kababaihan batay sa kanilang demokratikong karapatan. Sa pag-uugnay nila ng pandaharas sa kanila sa pang-ekonomiyang pagsasamantala tunay na makakamit ang hinahangad na paglaya ng kababaihan.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/pandarahas-sa-babae-pagsingil-sa-estado/feed/ 0
Paano na silang maralitang ina? http://pinoyweekly.org/new/2015/03/paano-na-silang-maralitang-ina/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/paano-na-silang-maralitang-ina/#comments Sat, 07 Mar 2015 12:57:07 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34084 Maralitang ina na nag-aalaga ng bagong silang na sanggol. <b>Macky Macaspac</b>

Maralitang ina na nag-aalaga ng bagong silang na sanggol. Macky Macaspac

Sa taong ito, dapat nang makamit ng gobyerno ang target nito sa Millenium Development Goals (MDG) hinggil sa maternal mortality rate (55 kada 100,000 babaeng buntis o nanganganak).

Pero malayo pa ang Pilipinas sa target na ito. Malayo pa ito sa hangaring mapabuti ang akses sa serbisyong medikal ng mayorya ng maralitang kababaihang Pilipino. Mataas pa rin ang maternal mortality rate ng Pilipinas sa 221 kada 100,000. Ayon sa Center for Women’s Resources (CWR), kulang ang serbisyo ng gobyerno para sa kalusugan ng kababaihan.

Lalo pang sumasahol ang lagay nila dahil sa mga patakaran tulad ng pagsasapribado ng pampublikong mga ospital at mga polisiyang tulad ng “no home birthing policy” na pagbabawal ng gobyerno sa panganganak ng mga buntis sa sarili nilang mga tahanan.

Paanakang isasapribado

Fabella Hospital sa Maynila ang isa sa natitirang pampublikong mga ospital na nag-eespesyalisa sa pangangailangang medikal ng nagdadalantaong kababaihan. Pero unti-unti, natutulak itong isapribado.

No choice kami (kundi magpagamot sa Fabella). Wala naman kaming pera na gagastusin sa mamahaling ospital,” ani Agnes Olivar, 41. Nanganak siya sa Fabella Hospital, anim na taon na ang nakakalipas at hindi maganda ang kanyang karanasan noon.

“Maselan ang panganganak ko, kasi 35 na ako noon,” kuwento niya. Matagal na naghihilab at sumasakit ang kanyang tiyan at nangailangan pa siyang salinan ng dugo. Dahil sa maselan, tumagal daw siya sa ospital at lumaki din ang gastusin.

“(Nakita kong) pinapagalitan ng mga dokor at nars ang mga pasyente. Bawal din ang mga bantay sa ward. (Pero) paano naman ’yung mga tulad ko na maselan ang panganganak?” aniya. Halos umabot sa P10,000 ang kanyang gastos sa loob ng dalawang linggong pananatili sa ospital.

Apat silang pasyente sa iisang kama.

Hindi itinatanggi ng ilang nars na nakapanayam ng Pinoy Weekly na may katotohanan ang kuwento ng mga inang nanganak sa Fabella. Dahil daw ito sa kakulangan ng badyet ng naturang ospital, kasama na ang pagdagsa ng mga buntis lalo na sa panahon ng “-ber months” (Setyembre hanggang Disyembre).

“Sa average, umaabot ng 120 ang nanganganak kada araw, kapag peak season (-ber months),” sabi ng isang nurse supervisor, na ayaw pabanggit ang pangalan.

Ayon sa mga nars, halos isang milyon ang naserbisyuhan ng ospital kasama na ang Pediatric Ward nito noong 2014. Ito’y kahit na may 700 bed capacity lang ang ospital. “Di naman namin tinatanggihan ang mga pasyenteng pumupunta rito,” sabi ng nurse supervisor. Ang problema raw, kulang ang pasilidad ng ospital.

“Sa ward, talagang siksikan. Dalawang kama ang pinagdidikit namin (bed tandem) para magkasya ang apat na pasyente, kasama na ang mga baby,” aniya. Dahil sa katangian ng Fabella bilang prime maternity hospital ng bansa, dumadagsa rito ang kababaihan lalo na ang mahihirap.

PW march 8 memeMaliit sa manggagawa

Sa kabila nito, napakaliit ang badyet na inilalaan ng gobyerno para sa nasabing ospital. Ang aprubadong badyet para sa taong ito ay P475,614,000 (kasama na dito ang personnel services – P389,178,000 at maintenance and other operating expenditures – P86,436,000).

Kaya’t sa pag-aaral ng CWR, pasyente pa rin ang bumabalikat sa 63 porsiyentong gastusin sa pagpapaospital. Ang isang pasyenteng manganganak sa Fabella ay pinagbabayad ng P2,000, kung normal delivery at P6,700 kung ceasarian ang panganganak.

Charity ward na ’yan. Pero kung walang-wala ang pasyente, nire-refer namin sa social worker. Indigent na ’yun,” sabi ng taga-Fabella. Dagdag pa nila, mayroon na rin daw na 15-bed capacity na pampribado sa ospital na P600 kada araw ang bayad.

Ang sabi ng gobyerno, para maisaayos at mapabuti ang serbisyo nito’y kailangan ang modernisasyon ng ospital. Ayon sa Department of Health (DOH), may modernization program ang Fabella kasama ang iba pang pampublikong ospital. Planong ilipat ito sa DOH Compound, katabi ng San Lazaro at Jose Reyes Memorial Hospital, sa badyet na P2-B. Pero sa ilalim ito ng iskemang Public-Private Partnership ni Pangulong Aquino.

“Saan pupunta ang mahihirap na manganganak, kung maisasapribado ito?” tanong ng isang nars ng

Fabella. Inaamin ng taga-Fabella na hati ang opinyon ng mga personnel at medical staff ng ospital sa planong pagsasapribado. “’Yung iba gusto, lalo na ’yung mga doktor. Kasi may pakinabang siguro sila. Pero hindi ako pabor,” aniya.

Isa sa kinatatakutan ng mga empleyado sa Fabella na baka di na raw sila kuning empleyado sa oras na maisasapribado ang ospital. Bukod pa ito sa mga pasyenteng walang ibang mapuntahan kung mahal na ang bayad sa nasabing ospital.

Panganganak sa bahay, bawal

Bukod sa planong pagsasapribado sa pampublikong mga ospital, isa sa tinutulan ng kababaihan ang “No Home Birthing Policy” na nagbabawal sa pagpapaanak sa loob ng mga bahay.

Kahit ang mga nars ng Fabella, tutol sa polisiyang ito. “Kaya dumami ang mga lying-in clinic. Tapos, kapag hindi nila kaya nire-refer sa amin,” sabi ng head nurse ng Fabella.

Tutol din sa naturang polisiya ang isang midwife na nakausap ng Pinoy Weekly. Aniya, di dapat ipatupad ang “no home birthing policy.” Mawawalan umano ng hanapbuhay ang mga katulad niya, at mas lalong walang matatakbuhan ang mahihirap na kababaihan.

“Marami sa mga pamilya ngayon ang walang hanapbuhay…Tapos tatakbo sila sa ospital, akala nila makakalibre sila. Eh, lahat ng ospital, ginagawang private o semi-private na (naniningil). Lalong lumalaki ang gastos nila. Kaya marami sa kababaihan ang mas pinipili ang home birthing,” ani Beth, komadrona na nakapagpanganak na ng 12 kababaihan sa isang maralitang komunidad sa Quezon City.

Sabi pa niya, mas naasikaso raw ng mga pamilya at komadrona ang mga pasyente kumpara sa ospital na siksikan.

“Tulad niyan, kung sa ospital, kapag nanganak, dapat ang pasyente ang nilalapitan ng doktor. Pero kadalasan, pinatatayo nila ang bagong panganak at palalapitin sa doktor para ma-check-up,” aniya. Aniya, dahil sa dami ng pasyenteng inaasikaso ng mga doktor, di naiiwasan ang iringan o pagsusungit sa pila.

Di rin naman daw malaki ang kinikita ng mga katulad niyang midwife sa mga maralitang komunidad.

“Minsan nga nag-aabono pa ako. Ngayon nga, may dinalaw akong pinaanak ko para sana singilin. Inabutan kong may sakit ang bata, wala silang pera. Ako pa ang nagbigay ng pambili ng gamot,” sabi ng nars.

Kaya naman, panawagan ng kababaihan, kasama ang mga nars at midwife, na ayusin ang serbisyo ng gobyerno para sa kababaihang buntis at huwag isapribado ang mga ospital nito.

Sabi nga ni Helen na isa sa pinaanak ni Beth sa bahay: “Tao kami na kailangan ang maayos at murang serbisyo.”

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/paano-na-silang-maralitang-ina/feed/ 0
From Bicutan to Mamasapano http://pinoyweekly.org/new/2015/03/from-bicutan-to-mamasapano/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/from-bicutan-to-mamasapano/#comments Tue, 03 Mar 2015 22:08:21 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34010 Moro widows of Mamasapano: Among many unseen victims throughout history. <b>KR Guda</b>

Moro widows of Mamasapano: Among many unseen victims throughout history. KR Guda

SAKSI ICONOn March 14, it will be a decade since the Bicutan siege.

It is an incident that has mostly been forgotten today, but it casts a long shadow in our country. That day, six inmates from Camp Bagong Diwa in Taguig City got hold of handguns, shot at their guards and held the Special Intensive Care Area (SICA) hostage for more than a day. These inmates were alleged members of the bandit group Abu Sayyaf. They demanded that their cases be expedited in courts, and that their human rights be respected.

I covered that incident. During the evening of March 14, 2005, I went to the Bicutan jail and interviewed a few government officials who were negotiating with the hostage-takers. Among them were then-Rep. Mujiv Hataman and Sen. Alan Peter Cayetano—curiously, two of today’s cast of characters in the Senate’s Mamasapano hearings.

The next day, March 15, the hostage-takers were ready to give up. I remember opting not to return to Bicutan and instead monitor on television what everybody expected to be a peaceful end to the affair. Alas, that morning, everything suddenly fell apart. At 9:15 a.m., members of the Special Action Force of the Philippine National Police (SAF-PNP), on orders from a crisis committee headed by then-Interior Sec. Angelo Reyes, stormed into the prison compound and (according to many witnesses, all of them detainees who were not part of the hostage-taking) shot at the detainees. The supposed hostage-takers were killed—but so were 19 others. Since only six were hostage-takers, majority of those killed evidently were unarmed inmates. Among the fatalities were detained Abu Sayyaf commanders Kosovo (Alhamser Limbong), Global (Nadjmi Sabdulla) and Robot (Galib Andang); only one of the three were actually involved in the hostage-taking.

At 12 noon each day, Moro detainees at Camp Bagong Diwa pause to pray. Photo by <b>Mario Ignacio</b>

At 12 noon each day, Moro detainees at Camp Bagong Diwa pause to pray. Photo by Mario Ignacio

The alternative media extensively reported on this. I remember being so angry with the mainstream media I lost a few days of sleep. It was mostly cheering on Reyes and company for a job well done as the inmates’ horror stories about the siege slowly reached us. The detainees’ side of the story were told through their families who were able to talk to their loved ones after days, or maybe weeks, of being held incommunicado.

The inmates told a most horrific tale: the SAF members shot at many detainees point-blank. Among those killed was 75-year-old Hadji Ahmad Upao, a bedridden detainee suffering from Alzheimers. The inmates said that Kosovo indeed led the hostage-taking, but Global and Robot were not part of it. Their stories were affirmed by the Commission on Human Rights, under then-Chairperson Purificacion Quisumbing, which came out with a report recommending the filing of charges against Reyes and police officials who sanctioned the assault.

Fast forward to February 2015, almost a month ago, when I went with a fact-finding team to Mamasapano, Maguindanao to cover the aftermath of the January 25 carnage. That town saw some SAF commandos themselves reportedly killed in ways that recall that of the Bicutan siege of 2005. In its aftermath, the public—rightly so—overwhelmingly offered sympathy with the wives and loved ones left behind by the fallen 44 police commandos. The public raged against the President’s continuing lack of remorse, even as facts bear out his direct responsibility in the incident.

The Moro deaths in that cramped prison compound in Bicutan in 2005 may be smaller—exactly half of that of Mamasapano. But the horrific circumstances of those deaths should have been enough to engrage the public in the same intensity as that of Mamasapano. Except, of course, for the fact that the victims were Moros and Muslims. Except that they were—in the government’s and the mainstream media’s view—terrorists.

It’s called Islamophobia, of course, and it goes back a long way in our country. Spanish and then American colonial rulers saw Moros furiously fighting against invasions. Because they resisted, they were called “savages” by these foreign invaders. Exactly 109 years ago this month, about a thousand Moro men, women and children were massacred by American forces in Bud Dajo in Jolo island. Because they were mere “savages”, US President Theodor Roosevelt even commended US Major General Leonard Wood for the massacre, which he called a “brilliant feat of arms.”

I covered a few of these similarly “brilliant feats of arms.” One such feat was the arrest of more than a hundred supposed terrorists in Basilan, Jolo and Tawi-tawi in July 2001. Then-President Gloria Macapagal-Arroyo declared a “state of lawlessness and rebellion” in those provinces during that time, following a series of kidnappings perpetrated by Abu Sayyaf. Many of those arrested without warrant were brought to Camp Bagong Diwa in Bicutan, Taguig. They were ordinary farmers and fisherfolk. In the aftermath of the Bicutan siege in 2005, this is what I wrote back then about them:

“I visited Bagong Diwa in 2002, and talked with some of these detainees and their relatives. They claim to be innocent of the charges. In some cases, authorities (mostly Christian) were so confused with the Muslim names that they arrested individuals whose names merely resembled that of wanted (Abu Sayyaf) members. For example, if the military had a Halim Alih in their list, and they encountered an Alih Halim, the latter (would be arrested).

“The arrests were practically arbitrary. Some had slight resemblance to a wanted terrorist. A 60-year-old father was accompanying his arrested son when he himself was arrested and accused of being a terrorist. One detainee-slash-‘Abu Sayyaf member’ was 76 years old at the time of his arrest. He’s now 80.

“Most of these detainees were arrested without warrant, tortured, detained miles away from home (their families had to shell out a fortune to be able to visit them in jail), their cases prolonged. A great injustice was done to them.”

Later that year, November 2001, another story unfolded in Moroland: that of Nur Misuari, erstwhile Autonomous Region for Muslim Mindanao governor, who renewed his armed struggle against “imperial Manila” after government troops attacked a Moro National Liberation Front (MNLF) camp and killed at least five MNLF fighters. This happened despite the supposed effectivity of the 1996 Final Peace Agreement between MNLF and the Philippine government.

In April 2002, I joined a fact-finding mission to Jolo island to investigate reported human rights abuses by government troops after Misuari’s rebellion. Here is part of what I wrote in the Philippine Collegian about that mission:

“On October 2001, the villagers related, government troops under a certain Major Maningo attacked an MNLF camp, murdering five (5) disarmed MNLF members and wounding three (3). After which, the troops shelled a village mosque, killing an MNLF member who sought sanctuary there. The troops then fired at a pile of Qur’ans (the Muslim holy book).

“According to the villagers’ account, these soldiers proceeded to run over with their chemite tanks the nearby civilian houses. Those houses they did not destroy, they looted. Goats, chickens, cows, expensive Muslim dresses, appliances, even doors and roofs were carted away. The villagers’ claim of the looting is an interesting one. Before our interviews with the residents, someone from Jolo told us that once in a while he would spot a military truck in town filled with tables, appliances, goats, chickens. On our way back to Zamboanga City, I saw a navy boat docked on the pier, stuffed with long tables, appliances, and narra doors…

“We interviewed the wounded, the widows, the terrorized children – they saw what the government troops did. And this was only in one barrio. In Talipao alone, there were 49 more barrios that were reportedly victimized the way Upper Tiis was. There are 18 municipalities in Sulu.

“The reports of aerial strafing targeting civilian areas were confirmed by our experience in these areas. Last April 21, one (fact-finding mission) team conducting interviews and ocular inspections in Indanan was strafed with machine guns by two helicopter gunships. Luckily, some were able to hide in a civilian foxhole while others used a balete (banyan) tree for cover.”

In many ways, the details of 2001’s Jolo incidents parallel to that of last month’s Mamasapano incident. The attack in Talipao, after all, was also ostensibly against Abu Sayyaf members. Government troops also thought nothing of violating, not just a ceasefire agreement, but a final peace agreement—one that was signed by Misuari and Fidel Ramos to much fanfare in 1996. Both led to armed confrontations that led to much death and suffering among civilians.

Members of Special Action Force, during the Manila Peninsulat siege in 2007. <b>KR Guda/PW File Photo</b>

Members of Special Action Force, during the Manila Peninsulat siege in 2007. KR Guda/PW File Photo

The government had also reportedly dangled a “final peace agreement” in 2003, this time to the Moro Islamic Liberation Front (MILF), when it attacked the latter’s 200-hectare Buliok complex in Pikit, North Cotabato. The AFP itself admitted that the attack, and subsequent attacks, led to almost 200 deaths.

(Interestingly, it was then-Lt. Senior Grade Antonio Trillanes IV who exposed an “Operation Greenbase”, which he said was an AFP plan to attack the Buliok complex and conduct series of bombings in Mindanao was later blamed on the MILF. Today, look where Trillanes stands.)

One of the most serious and prolonged armed confrontations in Moro Mindanao in the last decade also occurred in the context of signing another peace agreement. In July 2008, the Arroyo government declared its commitment to sign the Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) with the MILF. But local politicians like then-North Cotabato Vice Gov. Emmanuel Pinol mobilized paramilitary groups to campaign against the agreement. It was declared illegal by the Supreme Court. This led to a series of confrontations between MILF commanders and military and paramilitary groups. By 2009, about 600,000 civilians had been displaced—the second largest civilian displacement due to armed confrontation in the world.

In 2013, more than 100,000 civilians were likewise displaced when government troops, including SAF commandos, engaged MNLF fighters led by Ustadz Habier Malik who sought to hoist their flag in front of the Zamboanga City Hall. The international human rights group Human Rights Watch reported that government forces committed massive abuses, including prison mistreatment, torture and disregard for civilians. Again, the abuses were, for the most part, left unreported.

Burned houses in Brgy. Sta. Barbara, Zamboanga City after the siege in 2013. Photo from <b>Davaotoday.com</b>

Burned houses in Brgy. Sta. Barbara, Zamboanga City after the siege in 2013. Photo from Davaotoday.com

Beyond a few congressional investigations, government officials responsible for the outbreak of bloody wars—like then-Gen. Angelo Reyes in Basilan; 104th Brigade commander then-Col. Romeo Tolentino (who eventually commanded the entire Army before his retirement) in Jolo; then-Defense Secretary Reyes, again, in Pikit; Reyes again in Bicutan; Pinol and AFP officials after the MOA-AD junking and Zamboanga siege; and Presidents Arroyo and Aquino themselves—were never made to answer for their brutal actions.

Today, the Aquino administration seems hell-bent on absolving itself of any culpability in the Mamasapano carnage. And why not? Its predecesssor got away with nine years of warmongering and countless human rights abuses (Arroyo is being held in “detention” for a different crime altogether).

This time, however, 44 young police commandos died. Their tragic stories were quickly laid out in public view by the major media networks and its sympathetic commentators, broadcasters, analysts and field reporters. Again, it was mostly alternative media, a few independent journalists, human rights activists and progressives, who strove to show a broader picture of the tragedy. The Moro deaths were, again, almost an afterthought.

But I am more optimistic today. In 2005, very few reports of what actually happened in Bicutan came out. Today, because of the magnitude of the issue, the culpability of the Aquino regime and even the clear involvement of the US government in the Mamasapano debacle (which mainstream media, to its credit, helped expose), more people outside Mindanao and Moro communities talk about the Moro people and their struggle for self-determination. Social media—that technological creature absent in many of the crises of the past decade—is still rife with Islamophobic comments, but I believe many are coming around. None is more indicative of this than the statements of the PNP Academy Alumni Association, which said that AFP’s current all-out war in Maguindanao is merely a diversionary tactic of the Aquino administration.

I hope that many will begin to realize that not only the 44 police commandos, but also the 18 Moro fighters and at least four civilians, died because of the selfish designs of a President and his foreign patron.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/from-bicutan-to-mamasapano/feed/ 0
PHOTOS | Site of bloody encounter in Mamasapano, Maguindanao http://pinoyweekly.org/new/2015/01/photos-site-of-bloody-encounter-in-mamasapano-maguindanao/ http://pinoyweekly.org/new/2015/01/photos-site-of-bloody-encounter-in-mamasapano-maguindanao/#comments Sat, 31 Jan 2015 04:50:06 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33554 Moro human rights organization Suara Bangsamoro has submitted to Pinoy Weekly some of the photos that they took of the site where the remains of many of the (at least) 44 police commandos were recovered, after the bloody encounter with Moro rebels in Mamasapano, Maguindanao on January 25. Jerome Succor Aba, Suara Bangsamoro spokesperson, said he went near the areas where the bloody encounters purportedly happened. He observed, took notes and pictures of the scene.

Aba said that they interviewed some witnesses who said they saw the body of at least one Caucasian soldier in Brgy. Tukanalipao in Mamasapano town. (Read the story here.)

(LOOK: Photos of Mamasapano residents camped out on the side of the road after fleeing the gun battles.)

Here are their photos:

Badrudin Langalan, a farmer, who was reportedly found hogtied and dead at this wooden bridge of Brgy. Tukanalipao, Mamasapano.

Badrudin Langalan, a farmer, who was reportedly found hogtied and dead at this wooden bridge of Brgy. Tukanalipao, Mamasapano.

This is the same wooden bridge.

This is the same wooden bridge.

Boxes of cartridges seen near the area where bodies of some of the 44 fallen SAF commandos were found.

Boxes of cartridges seen near the area where bodies of some of the 44 fallen SAF commandos were found.

One of many bullet marks on trees in Brgy. Tukanalipao.

One of many bullet marks on trees in Brgy. Tukanalipao.

Empty bullet shells found by residents of Brgy. Tukanalipano.

Empty bullet shells found by residents of Brgy. Tukanalipao.

More bullet marks on trees.

More bullet marks on trees.

An earphone found in a grassy area in Brgy. Tukanalipao. As of this writing, Jerome Succor Aba of Suara Bangsamoro said pieces of materials, probably from either the commandos or the rebels, remain uncollected (by police investigators) in the site.

An earphone found in a grassy area in Brgy. Tukanalipao. As of this writing, Jerome Succor Aba of Suara Bangsamoro said pieces of materials, probably from either the commandos or the rebels, remain uncollected (by police investigators) in the site.

One of the encounter sites.

One of the encounter sites.

Residents pass through the area of the encounters, where pieces of cloth, probably coming from those involved in the encounters, remained.

Residents pass through the area of the encounters, where pieces of cloth, probably coming from those involved in the encounters, remained.

Another piece of cloth on the ground.

Another piece of cloth on the ground.

A piece of cloth, possibly part of a SAF commando's uniform

A piece of cloth, possibly part of a SAF commando’s uniform

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/01/photos-site-of-bloody-encounter-in-mamasapano-maguindanao/feed/ 0
#PopeFrancisPH | The Pope’s Pilgrims, & Lessons from the Pontiff’s PH visit http://pinoyweekly.org/new/2015/01/popefrancisph-the-popes-pilgrims-lessons-from-the-pontiffs-ph-visit/ http://pinoyweekly.org/new/2015/01/popefrancisph-the-popes-pilgrims-lessons-from-the-pontiffs-ph-visit/#comments Mon, 19 Jan 2015 17:25:06 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33391
Women faithful, who also happen to be members of women's alliance Gabriela, march from Liwasang Bonifacio to Luneta to attend Pope Francis' historic celebration of mass there. Erika Cruz/Tudla
Pilgrims for peace
Church workers line up Kalaw Avenue to show to passers by their calls for Pope Francis. Boy Bagwis
Boy Bagwis
Boy Bagwis
An activist hands out a leaflet on Pope Francis along Taft Avenue. Boy Bagwis
Students smile as they enter the University of Sto. Tomas grounds for an encounter with Pope Francis. Macky Macaspac
Volunteers push on to enter UST grounds. Macky Macaspac
At around 9:30am, Pope Francis arrives in UST. Macky Macaspac
At Pope Francis' encounter with youth. Macky Macaspac
Thousands of students gather inside UST grounds to attend youth encounter with the Pope. Macky Macaspac
Meanwhile, outside, throngs of people await Pope Francis. Macky Macaspac
Pope Francis hugs Glyzelle Palomar, former street kid who asked the Pontiff why God allowed horrible things to be done to children like her, to which Pope Francis said he does not have an answer. Photo from Catholic News Agency
Macky Macaspac
Macky Macaspac
Militant youth leaders Vencer Crisostomo of Anakbayan and Einstein Recedes of Student Christian Movement show the placards that they showed to Pope Francis as the latter's Popemobile passed by them inside UST grounds before the start of the youth encounter with the Pope. The placard, in Italian, said: ":Pope Francis, Fight with us against the fascist, corrupt and anti-people US -Aquino regime!" KR Guda
Macky Macaspac
People crowd the streets of Manila. Darius Galang
Unable to reach Luneta, many watched the mass through large LCD screens in various places in Manila. Darius Galang
Darius Galang
Experts estimate somewhere between 4 and 6 million came to Luneta (or were stuck in nearby streets) for Pope Francis' mass. Photo from Philippine Air Force
On January 19 in the morning, Pope Francis said goodbye to the Philippines. Photo from Malacanang Photo Bureau

PW-POPE-FRANCIS-SA-PINAS-iconExcerpts from the post of youth activist and blogger Anton Dulce, titled 6 Lessons, 12 Quotes from Pope Francis which Filipinos should always keep in mind:

As a friend of mine said a while ago on Facebook, “Since his arrival, how many times has the Pope mentioned poverty, inequality and corruption? How many times has he referred to the poor and the need to be with the poor? And how many will act on these words long after he has left our shores?”.

So, for everyone who was inspired by the Philippine papal visit, and seriously wants to practice/live up to the teachings of Pope Francis, here’s six lessons and 12 quotes which can serve as guides:

1. Corruption is something everyone must fight against

“I hope that this prophetic summons will challenge everyone, at all levels of society, to reject every form of corruption which diverts resources from the poor, and to make concerted efforts to ensure the inclusion of every man and woman and child in the life of the community.” – Pope Francis, Malacañang Speech, Jan. 16 2015

2. Protecting the environment requires more than just putting your garbage in the trash can

“A second key area where you are called to make a contribution is in showing concern for the environment. This is not only because this country, more than many others, is likely to be seriously affected by climate change…  Respect for the environment means more than simply using cleaner products or recycling what we use. These are important aspects, but not enough.” – Pope Francis, Undelivered Speech to the Youth Encounter, Jan. 18 2015

3. Use your talents to serve the people and defend the poor

“Bilang Kristiyanao, miyembro ng pamilya ng Diyos, tinatawag tayo upang hanapin at paglingkuran ag lahat ng mga nangangailangan” – Pope Francis, on Twitter, January 18 2015

“This is the challenge that life offers you: to learn how to love. Not just to accumulate information without knowing what to do with it… What you think, you must feel and put into effect. Your information comes down to your heart and you put it into practice. ” – Pope Francis, Speech to the Youth Encounter, January 18 2015

4. There’s no other way but to change society

“Through sin, man has also destroyed the unity and beauty of our human family, creating social structures which perpetuate poverty, ignorance and corruption.” – Pope Francis, Homily for the Luneta Mass, January 18 2015

“The Church in the Philippines is called to acknowledge and combat the causes of the deeply rooted inequality and injustice which mar the face of Filipino society, plainly
contradicting the teaching of Christ” – Pope Francis, Homily for the Manila Cathedral Mass, January 16 2015

“It bids us break the bonds of injustice and oppression which give rise to glaring, and indeed scandalous, social inequalities.” – Malacanang Speech

5. Collective action is the key

“The Gospel calls individual Christians to live lives of honesty, integrity and concern for the common good. But it also calls Christian communities to create “circles of integrity”, networks of solidarity which can expand to embrace and transform society by their prophetic witness.” – Homily for the Manila Cathedral Mass

6. We can’t act towards change without seeing things from the eyes of the poor

“How many young people among you are like this? You know how to give and yet you have ever learned how to receive. You still lack one thing. Become a beggar. This is what you still lack… To learn how to receive with humility. To learn to be evangelized by the poor, by those we help, the sick, orphans, they have so much to give us… This is what helps you mature in your commitment to give to others. Learn how to open your hand from your very own poverty.” – Speech to the Youth Encounter

“Only by becoming poor ourselves, by stripping away our complacency, will we be able to identify with the least of our brothers and sisters. We will see things in a new light and thus respond with honesty and integrity to the challenge of proclaiming the radicalism of the Gospel in a society which has grown comfortable with social exclusion, polarization and scandalous inequality.”  – Homily for the Manila Cathedral Mass

“The great biblical tradition enjoins on all peoples the duty to hear the voice of the poor.” – Malacanang Speech

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/01/popefrancisph-the-popes-pilgrims-lessons-from-the-pontiffs-ph-visit/feed/ 0
10 istoryang pinalampas ng midya sa 2014 http://pinoyweekly.org/new/2015/01/10-istoryang-pinalampas-ng-midya-sa-2014/ http://pinoyweekly.org/new/2015/01/10-istoryang-pinalampas-ng-midya-sa-2014/#comments Fri, 02 Jan 2015 07:21:20 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=32983 PW-underreported stories

Habang nagaganap ang landslides, pagbaha at pagragasa ng bagyong Seniang sa Visayas at Mindanao na kinasawi ng di-bababa sa 50 katao, abala ang midya sa kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ito na marahil ang pinakamalinaw na halimbawa ng tagibang na prayoridad, kapwa ng mainstream media coverage at ng mismong gobyerno.

Taun-taon, nililista ng Pinoy Weekly ang sampu sa pinakamalalaking istorya o kaganapan na may pinakamalaking impact sa ordinaryong mga mamamayan. Pero, sa ano mang dahilan, hindi ito nabibigyan ng karampatang atensiyon ng malalaking media networks. Narito ang sampu (mas marami pa, tiyak, ang mahahalagang istoryang di nailabas) na naitala ng PW. Walang partikular na pagkakasunud-sunod ang listahan.

underreported 2014 (2)1. Manilakbayan at malawakang paglabag ng karapatang pantao sa Mindanao. Libong kilometro ang nilakbay ng mahigit 300 katutubo, magsasaka at iba pa, para iparating sa gobyerno at publiko ang kanilang mga isyu. Halos 60 porsiyento ng puwersang militar ng gobyerno ang nakatutok sa Mindanao, para diumano’y labanan ang insurhensiya sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Pero mayorya ng mga napupuruhan nito’y ordinaryong mga sibilyan at kanilang mga komunidad. Nahaharap ang Mindanao sa malawakang pagsasamantala ng likas-yaman dahil sa pagpasok ng dayuhan at malalaking kompanya ng pagmimina at malawakang pagtotroso. Lumalaban ang mga komunidad ng mga katutubo at magsasaka. Sa kabila nito, panaka-naka ang pagbabalita sa malalaking midya hinggil sa kanilang mga isyu. Kahit pagkatuntong ng mga Manilakbayani sa Maynila, tila mailap pa rin ang midya: nababalita ang kanilang militanteng paggiit sa harap ng US Embassy at Times Street, pero di madalas na mabanggit ang mga isyung ipinaglalaban nila.

underreported 2014 (3)2. Kawalan ng paghahanda ng gobyerno, hindi lang sa pagdating ng bagyong Yolanda, kundi sa Glenda, Ruby at Seniang. Hindi pa man nakakabangon ang mga mamamayan ng Eastern Visayas (kahit nga ang mga magsasaka sa Mindanao na nasalanta ng bagyong Pablo noong 2012), sunud-sunod ang mga bagyong dumaan sa rehiyon nitong 2014. Sa kaso ng Glenda at Ruby, ipinagmalaki ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ng midya na maliit diumano ang casualties. Matapos ang pagkakalantad sa mundo ng kawalan ng paghahanda ng administrasyon sa pagdating ng Yolanda noong Nobyembre 2013, siniguro nitong nakapagpakitang-gilas ito sa pagdating ng Glenda at Ruby. Pero malayo sa lakas ng Yolanda ang sumunod na bagyo, libu-libo pa rin ang apektado, at marami pa rin ang nasawi. Walang planong rehabilitasyon sa mga biktima ng Glenda at Ruby. Muling nasaksihan ito sa pagragasa kamakailan ng bagyong Seniang: Walang sapat na kaalaman ang lokal na gobyerno sa Eastern Visayas at Mindanao; di-bababa sa 50 ang nasawi at libu-libong magsasaka ang lalong lugmok sa hirap dahil sa pagkasira ng kanilang mga pananim.

underreported 2014 (4)3. Mga Pinoy na naipit sa giyera sa Libya at Syria. Tulad ng maraming sigalot sa daigdig, isa sa pinakabulnerableng sektor sa mga bansang Libya at Syria (na nakakaranas ngayon ng giyerang sibil) ang migranteng mga manggagawa rito. Sa Libya, kung saan sumiklab ang isang giyerang sibil matapos mapabagsak ng mga rebeldeng suportado ng US ang gobyerno ni Muammar Gaddafi, aabot sa 13,000 Pilipinong migrante ang nalagay sa panganib. Sa kabila nito, panaka-naka ang pagdating ng mga barkong inareglo ng gobyerno para sagipin ang mga Pilipino sa lugar kung saan maiinit ang labanan. Ayon sa mga grupong migrante, hirap din silang makabiyahe patungo sa mga embahada at mga pinagdaungan ng mga nanundong barko. Mayorya rin ng mga Pilipinong nagtatrabaho ay pinili na lang na manatili dahil walang kaseguruhang mabibigyan sila ng kabuhayan kung uuwi.

underreported 2014 (5)4. Paglala ng karahasan sa kababaihan, lalo na iyong mga militar o pulis ang salarin. Nalarma at galit ang mga grupong pangkakababaihan sa dumadaming kaso ng karahasan sa kababaihan nitong huling taon. Sinabi ng Gabriela na bukod sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng panggagahasa, parami nang parami ang nabibiktimang mga menor-de-edad. Pero ang pinakamalupit, ayon sa Gabriela, tila tumataas din ang bilang ng kababaihan at mga batang nabibiktima ng tinaguriang “persons of authority”, o iyung mga nasa kapangyarihan o posisyon. Kasama rito ang mga militar at pulis. Sa datos ng grupo, mula 2010 hanggang ikatlong kuwarto ng 2014, nakapagtala ng 42 kaso na mga alagad ng PNP ang salarin, 20 ang Armed Forces of the Philippines (AFP), 14 ang mga opisyal ng local government units, 13 naman ang mga pulitiko, 9 ang tropang Amerikano at dalawa ang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

underreported 2014 (6)5. Pambobomba at mga pang-aabuso ng militar sa Lacub, Abra. Nanghuli ng mga sibilyan at ginamit silang human shields sa labanan sa mga rebelde. Pagkatapos, nang may mahuling mga miyembro ng New People’s Army, pinahirapan ang mga ito at pinagpapatay. Ito ang nagpag-alaman ng independiyenteng mga imbestigasyon hinggil sa mga operasyong militar sa liblib na kabundukan ng Lacub, Abra noong unang linggo ng Setyembre 2014. Ayon dito, 24 sibilyan ang ginawang human shield ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army. Nasawi sa mga sibilyan sina Noel Viste at Engr. Fidella Salvador, isang istap ng Center for Development Programs in the Cordillera (CPDC) at Cordillera Disaster Response and Development Services (CorDis-RDS). Samantala, pitong miyembro ng NPA ang tinortyur bago paslangin. Kasama rito si Arnold Jaramillo, na sinasabi ng militar na namumunong lider-gerilya sa lugar, at Recca Noelle Monte. Batay sa autopsy report ng dalawang bangkay, napag-alamang pinahirapan sila bago paslangin. Sa kabila ng malupit na mga paglabag sa rules of engagement ng militar at sa mga kasunduan at batas pangkarapatang pantao, hindi nabibigyan ng sapat na espasyo sa midya ang mga kasong ito sa Lacub, Abra.

underreported 2014 (7)6. Laban para sa National Minimum Wage at/o dagdag-na-sahod ng mga manggagawa at kawani ng gobyerno. Inilunsad ng Kilusang Mayo Uno, Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), Alliance of Health Workers (AHW), Alliance of Concerned Teachers (ACT), at iba pang grupo ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor nitong Nobyembre ang kampanya para sa pambansang minimum na sahod. Napapanahon na umano ito, dahil nararanasan ng lahat ng mga manggagawa ang pagtindi ng krisis at taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo, habang nananatiling nakapako ang kanilang mga sahod. Aabot sa P16,000 ang itinutulak nilang National Minimum Wage. Samantala, ikinakampanya din ng ACT ang taas-suweldo ng mga guro sa P25,000 mula P18,549 at para naman sa mga kawani na P15,000 mula P9,000.

underreported 2014 (8)7. Kawalan ng hustisya sa Hacienda Luisita. Sampung taon na mula nang maganap ang masaker ng pamilyang Cojuangco-Aquino, pulis at militar sa nagwewelgang mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita. Wala pa ring napaparusahan sa itinuturong mga salarin, kabilang ang pamilyang Cojuangco-Aquino, pamilya ni Pangulong Aquino, at mga opisyal ng militar at pulisya. Samantala, nagtagumpay man sa Korte Suprema ang mga magsasaka para mabawi ang lupang dapat kanila, patuloy na hinaharangan ng mga Cojuangco-Aquino, sa tulong ng Department of Agrarian Reform, ang pamamahagi ng lupa. Unti-unting binakuran nila ang ilang lupang di raw kasama sa pamamahagi. Marahas na itinataboy nila ang nagsasakang mga residente ng Luisita, at pinahuhuli, kinakasuhan at/o hinaharas ang mga lider at miyembro ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Asyenda Luisita o Ambala at mga tagasuporta nila.

underreported 2014 (1)8. Patuloy na pamamaslang, pagdukot, pagsampa ng gawa-gawang mga kaso sa mga aktibista. Sa ilalim ng programang kontra-insurhensiya ng administrasyong Aquino na Oplan Bayanihan, nagpatuloy ang polisiya ng pagtarget sa mga sibilyang lumalaban sa gobyerno. Kung isasama pa ang pagpapalawig ni Aquino sa implementasyon ng Oplan Bantay Laya II (mula Hulyo hanggang Disyembre 2010), umabot na sa 169 ang biktima ng pampulitikang pamamaslang mula 2010 hanggang katapusan ng 2013, ayon sa Karapatan. Umabot din sa 19 ang dinukot, o biktima ng enforced disappearance. Umabot sa 86 ang naitalang kaso ng tortyur, 179 ang biktima ng frustrated extra-judicial killing (o tangkang pagpaslang)at 570 ang ilegal na inaresto at kinulong. Sa kabila nito, inamin mismo ng AFP na bigo ang Oplan Bayanihan na makamit ang mga layunin nito. Nasa pangalawang yugto na ang programa, at inaasahan ang mas marahas na implementasyon nito.

underreported 2014 (1)9. Kontraktuwalisasyon sa private at public sectors, kasama na ang nasa media networks. Sang-ayon marahil ang lahat ng mga dalubhasa at grupong maka-manggagawa sa obserbasyong mayorya na ng mga manggagawang Pilipino ay kontraktuwal—walang kaseguruhan sa trabaho, mababa ang sahod, walang benepisyo. Sa economic zones o engklabo, umaabot sa 90 porsiyento ang kontraktuwal, gayundin sa service industry, tulad ng shopping malls. Kahit sa loob ng gobyerno, laganap na ang kontraktuwalisasyon, ayon sa Courage, na inaral ngayong taon ang lalong pagdami ng bilang ng mga kontraktuwal (na may iba-ibang pangalan), kasama ng mga kawani na matagal nang kontraktuwal pero di nireregularisa. Hindi kinokober o ginagawan ng istorya ng malalaking TV networks ang istorya ng malaganap na kontraktuwalisasyon dahil salarin din ang networks na ito. Sumiklab din ngayong taon ang isyu ng kontaktuwalisasyon sa ABS-CBN-2, GMA-7, TV-5 at 9TV. Tanging sa alternative media at social media lang mababalitaan ang paglaban ng mga manggagawa, kabilang ang mga manggagawa ng TV networks na ito, sa praktika sa paggawa na lalong naglulugmok sa mga kanila sa paghihirap.

underreported 2014 (9)10. Bagong pork barrel sa 2015 budget, mga kaso ng korupsiyon ng mga alyado ni Aquino. Tumampok sa midya nitong nakaraang taon ang pagpiit ng administrasyong Aquino sa diumano’y mga salarin sa eskandalong pork barrel ni Janet Lim-Napoles na sina Sens. Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile. Tampok din at pinaypayan ng ilang media outlets ang mga anomalyang diumano’y kinasasangkutan ni Vice Pres. Jejomar Binay. Pero ang walang sapat na coverage: ang bagong mga porma ng pork barrel sa 2015 National Budget na ipinasa ng mga alyado ng administrasyong Aquino at inayunan mismo ng Pangulo. Ayon sa maraming tantiya, aabot sa P500-Bilyon ang lump-sum appropriations sa kasalukuyang badyet. Ginagamit pa diumano ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Conditional Cash Transfer ng Department of Social Welfare and Development para pigilan ang mga mamamayan na pumirma sa people’s initiative kontra sa pork barrel. Sa kabila ito ng pagbabawal ng Korte Suprema sa pork barrel at Disbursement Acceleration Program. Samantala, patuloy ang pagkakasangkot ng mga alyado ni Aquino sa kung anu-anong anomalya, mula sa maanomalyang mga kontrata sa MRT/LRT, sa kuryente, hanggang sa overpriced na Iloilo Convention Center na kinasangkutan ng pinakamalapit na alyado ni Aquino sa Senado na si Senate President Franklin Drilon.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/01/10-istoryang-pinalampas-ng-midya-sa-2014/feed/ 2
Larawan | Mamamayan ng Mindanao nangangalampag sa Maynila http://pinoyweekly.org/new/2014/11/mamamayan-ng-mindanao-nangangalampag-sa-maynila/ http://pinoyweekly.org/new/2014/11/mamamayan-ng-mindanao-nangangalampag-sa-maynila/#comments Fri, 28 Nov 2014 03:07:33 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=32624
Salubong
Nagsalubungan ang mga pambansang lider-progresibo tulad ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabriela Rep. Luz Ilagan at mga pinuno rin ng Manilakbayan ng Mindanao, na mahigit isang linggo nang bumibiyahe mula Mindanao. Macky Macaspac
S.O.S.
Pagtatanghal ng mga batang Lumad para ipanawagan ang pagsagip sa kanilang mga eskuwelahan na kinahampuhan ng mga militar sa iba't ibang bahagi ng Mindanao. Macky Macaspac
'Tunay na kapayapaan'
Sa harap ng tanggapan ng malalaking kompanya ng mina, nanawagan ang mga batang kalahok sa Manilakbayan at Save Our Schools (SOS) Network ng "tunay na kapayapaan" sa Mindanao. Kontribusyon
Ritwal
Nagsagawa ng ritwal na pag-alay ng manok at babuy-ramo ang mga Lumad pagtapak sa Mendiola, Manila para anila'y itaboy ang "masasamang espiritu." Boy Bagwis
Kontra masasamang espiritu
Ritwal na pag-alay ng babuy-ramo para itaboy ang 'masasamang espiritu'. Macky Macaspac
Kinatay
Macky Macaspac
Dugo sa patalim
Ipinakita ng isang katutubong lider ang patalim niyang may dugo ng baboy na inialay sa ritwal. Boy Bagwis
Katutubong kababaihan
KR Guda
Laban sa karahasan sa kababaihan
Nakilahok ang ilang Lumad sa pagsayaw ng One Billion Rising sa Maynila bilang pahayag ng pagtutol sa karahasan sa kababaihan. KR Guda
Kawalang-hustisya
Nagpiket din ang mga "Manilakbayani" sa Department of Justice para ihayag ang pagtutol sa pagsampa ng mga kaso laban sa progresibong mga lider tulad ni Genasque Enriquez. Karapatan photo/Contribution
Kontra-militarisasyon
Noong Nob. 26, nagpiket ang mga Lumad at mamamayan ng Mindanao sa harap ng General Headquarters ng Armed Forces of the Philippines para kondenahin umano ang pananakop at pang-aabuso ng mga yunit ng militar sa kanilang mga komunidad. Arkibong Bayan
Kalampag sa US embassy
Kabilang sa mga panawagan ng mga katutubo ang pag-alis ng mga tropang Amerikano, na umano'y sumasama sa mga operasyong militar ng AFP sa kanilang mga komunidad. Naggiit silang makalapit sa embahada ng Estados Unidos sa Roxas Blvd. Elijah Rosales
Lumad sa Maynila
Isang katutubong Lumad habang nagdadaan ang martsa sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila. Elijah Rosales
Kontra-pandarambong
Tutol ang mga Lumad sa pagmimina at iba pang proyektong nandarambong ng likas yaman sa kanilang katutubong lupain. Elijah Rosales

Pagkai’t kapayapaan.

Ito ang simpleng hiling ng mga mamamayan ng Mindanao na kinatawan ng mahigit 300 Lumad at iba pang kalahok sa Manilakbayan ng Mindanao. Naglakbay sila mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao patungong Kamaynilaan para isapubliko ang kalagayan ng libu-libong mamamayan na napapasailalim sa teror ng iba’t ibang yunit ng militar. Target din ang kanilang mga lupain ng agresyon ng iba’t ibang malalaking kompanya ng mina at agricorporations.

Tinatayang may 55 combat battalions na nakapakat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mindanao. Ibig sabihin, halos 60 porsiyento ng mga puwersa nito ay nakatutok sa mga lugar sa isla na ayon dito’y may malakas na presensiya ng paglaban ng New People’s Army. Pero ayon sa maraming grupong pangkarapatang pantao at katutubo, ang nabibiktima ng mga operasyong militar ay kalimitang ordinaryong mga mamamayan–sibilyang mga komunidad na lumalaban sa agresyon, pananakop at panunupil.

Sa taong 2014 lang, may 12 nang insidente ng paglikas ng mga komunidad ng Lumad sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Dahil ito sa pananakop ng militar sa kanilang mga komunidad. Nakaapekto ito sa 1,112 pamilya o 4,736 katao. Naging pang-araw-araw na pangyayari na ang mga pagbomba, shelling at pamamaril sa mga bahay at bukid na nagdulot ng paglikas o, mas masahol, pagkamatay ng maraming inosenteng sibilyan.

Kasabay nito, laganap ang pagsampa ng “gaw-gawang mga kaso” laban sa progresibong mga lider sa Mindanao. Kasama na rito ang lider-Manobo mula sa Surigao del Sur na si Genasque Enriquez, na nanguna sa Manilakbayan noong 2012.

Nasa Maynila sila, ayon sa mga lider ng Manilakbayan ngayon, para malaman ng mas maraming bilang ng mga mamamayan ng bansa ang nangyayari ngayon sa Mindanao.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/11/mamamayan-ng-mindanao-nangangalampag-sa-maynila/feed/ 0
#HLMX | Hacienda Luisita: Senaryo ng Lagim http://pinoyweekly.org/new/2014/11/hlmx-hacienda-luisita-senaryo-ng-lagim/ http://pinoyweekly.org/new/2014/11/hlmx-hacienda-luisita-senaryo-ng-lagim/#comments Fri, 14 Nov 2014 11:55:23 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=32287 Duguan si Jesus Laza matapos ang pagpapaputok ng mga pulis at militar sa piketlayn ng mga manggagawang bukid ng asyenda, Nobyembre 16, 2004. Video grab mula sa "Sa Ngalan ng Tubo"

Duguan si Jesus Laza matapos ang pagpapaputok ng mga pulis at militar sa piketlayn ng mga manggagawang bukid ng asyenda, Nobyembre 16, 2004. Video grab mula sa “Sa Ngalan ng Tubo”

EDITOR’S NOTE: Ang artikulong ito ay lumabas sa print issue ng Pinoy Weekly noong Nobyembre 24-30, 2004 isyu nito, o mahigit isang linggo matapos ang malagim na masaker sa Hacienda Luisita. Muling inilalathala ng PW ito para sariwain ang nangyari noon sa asyendang inaangkin ng pamilya ni Pangulong Aquino. Si Aquino ang tumayong tagapagsalita ng pamilyang Cojuangco-Aquino noong naganap ang masaker, Nobyembre 16, 2004.

HLM-X3:12 ng hapon, ika-16 ng Nobyembre: nagsimulang basain ng tubig mula sa fire trucks ng dispersal teams ng Philippine National Police at 69th at 703rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang hanay ng mga nagwewelgang manggagawa at manggagawang bukid ng Hacienda Luisita.

Mula sa loob ng Gate One ng Central Azucarera de Tarlac nakapuwesto ang fire trucks ng nagpasabog ng tubig na ayon sa mga welgista ay “mabaho, parang may sosa at hinaluan ng pinagtabasan ng bakal”. Ngunit tulad ng nakaraang mga tangkang dispersal (noong Nobyembre 6 at 8), hindi natinag ang mga welgista.

Pumwesto ang dalawang armoured personnel carriers (APC) at 14 trak ng mga sundalo at pulis sa loob ng bakod ng pabrika. Sinimulan din ang pag-itsa ng mga kanister ng teargas sa tangkang paalisin ang mga nakabarikadang miyembro ng United Luisita Workers Union (ULWU) at Central Azucarera de Tarlac Labor Union (Catlu) sa Gate One.

Bato lang ang sandata

Sandaling umatras ang mga welgista sa bawat pagbagsak ng kanister. Ngunit agad naman silang babalik sa hanay paglaho ng usok. Kuwento ni Danilo Garcia, 42, welgistang miyembro ng ULWU, sa dami ng initsang kanister ay napag-isipan ng ilan na iitsa naman ito sa mga pulis sa loob ng gate. Ang ginawa ng iba, tinakpan ng basang tela ang umuusok na kanister at pagkatapos ay binato sa mga pulis.

Ang ilan naman sa mga welgista, aniya, ay dumating nang handa matapos ang nakaraang marahas na mga dispersal. May baon nang tirador at malalaking bato ang ilan na magsisilbing armas nila kung sakaling muling gamitan sila ng dahas ng dispersal teams.

Ayon sa mga kuwento ng mga welgista, pinaulanan ng bato ng ilan nilang kasamahan ang APC at fire truck na nakapuwesto sa harap ng Gate One. Katunayan, halos mawasak ang bubong ng guard house ng Gate One dahil sa malalaking batong inihagis dito. Samantala, sa kapikunan, nakipagbatuhan na rin ang ilang pulis sa mga welgista. Marami rin ang tinamaan, kabilang na ang cameraman ng ABS-CBN na si Paul Viray, na nasapul sa mukha at kailangang itakbo sa ospital.

Di nagtagal nang simulang tangkain ng APC na buwagin ang barikada sa harap ng Gate One. Sinira nito ang kaliwang bahagi ng bakod at sinimulang sagasaan ang itinayong barikada. Muli, inulan ng bato ang APC, na umatras naman papasok ng bakod. Tatlong beses umatras at umabante ang APC, hindi makaabante sa matinding pagbabato ng mga welgista.

Kuwento ng mga saksi, nagsipagtakbuhan ang ilang welgista papasok sa nasirang bakod matapos huling umatras ang APC. Gamit ang bato at tirador, masayang sinugod ng mga ito ang hanay ng mga pulis na nagtatago sa malalaking shield.

Pagsapit ng 3:51 ng hapon, tila nagtatagumpay na ang mga welgista na ipagtanggol ang kanilang barikada. Tulad ng nangyari noong Nobyembre 8, matagumpay na napaatras ng mga welgista ang mga pulis.

Ngunit matapos nito ay nangyari ang lubos na kinatatakutan ng mga welgista.

Infographic ng masaker sa Hacienda Luisita na lumabas sa PW, Nob. 24-30, 2004. Dibuho ni <strong>Allan Nam-ay</strong>

Infographic ng masaker sa Hacienda Luisita na lumabas sa PW, Nob. 24-30, 2004. Dibuho ni Allan Nam-ay

Alingawngaw ng mga bala

“Nakita kong nakaposisyon sa puno ng akasya, sa likod ng gasolinahan, ang snipers,” kuwento ni Garcia. Nang magsimula ang putukan, nakapuwesto siya sa gitna mismo ng hanay ng mga welgista. Dumapa ang ilan pagkarinig ng unang putok. Ngunit sa pag-aakalang blank bullets lang ang gamit ng snipers, sumigaw umano si Garcia sa mga kasama niya na huwag umatras.

Isa sa mga nakita ni Garcia na nakadapa nang magsimula ang putukan ay si Jesus Laza, taga-Brgy. Parang ng asyenda. “Nang mapansin kong kumakaway sa akin na parang humihingi ng tulong, nilapitan ko siya,” sabi ni Garcia. Nadatnan niyang duguan si Laza. Kasama ang isa pang welgista, naglakas-loob silang buhatin si Laza palayo sa putukan para isakay sa traysikel.

Kuwento pa ni Garcia, habang tinutulungan niya si Laza ay nakita rin niyang may tama sa leeg si Jaime Pastidio, na kabarangay niya sa Brgy. Motrico. Tinangka niyang lapitan rin si Pastidio ngunit hindi niya ito nalapitan dahil umulan ng bala sa pagitan nila.

Nakita ni Garcia na tinutulungan din si Pastidio ng isa pang welgista na kabarangay nila, si Jose Pascual, 34, ng Motrico. Binuhat din ni Pascual si Pastidio na may tama ng bala na pumasok sa kanang panga at lumabas sa kanang leeg. Tulad ni Garcia, dinala rin ni Pascual si Pastidio sa traysikel para itakbo sa St. Martin de Porres Hospital sa loob ng asyenda.

Sabi ni Garcia at Pascual na wala silang nadatnang baril sa dalawang tinamaang kapwa welgista—kaiba sa ibinibintang ng pulisya at manedsment ng asyenda.

Samantala, nasa loob ng bakod ang ilang welgista nang magsimula ang putukan. Ayon sa ilang saksi, nakita nilang tinamaan sa binti si Jhaivie Basilio, 20, mula sa Brgy. Mapalacsiao na tagalinis ng tubo sa pabrika. Sa kalituhan, nagtago ang sugatang si Basilio sa gilid ng fire truck. Doon umano siya natagpuan ng ilang sundalo at kinaladkad papasok. Sumunod pang araw, nakita umano ang bankay ni Basilio, puno ng pasa at may tama ng bala sa dibdib maliban pa sa tama niya sa binti.

Nasa loob naman ng bakod si Jessie Valdez, 30, miyembro ng ULWU at taga-Brgy. Balite. Sa tapat ng estasyon ng gasolina kung saan nakapuwesto sa likod ang snipers, tumakbo si Valdez at iba pa. Inakyat nila ang bakod nang tamaan siya ng bala sa kanang hita. Sa sinumpaang salaysay ng nakasaksing si Dodi Flores, 13, na taga- Brgy. Balite, sinabi niyang matapos bumagsak sa lupa si Valdez ay pinaghahampas ito ng armalayt at kinaladkad ng mga sundalo papasok. Ayon kay Andres Valdez, ama ni Jessie, nakita niya ang bangkay ng anak na may pasa sa magkabilang baiwang, katulad ng inilahad ni Flores.

Sa gitna ng putukan

Batay naman sa mga saksi, nasa gitna ng putukan nang sagasaan ng APC si Juancho Sanchez, 20, ng Brgy. Balite. Tagasuporta lang ng welga si Sanchez, na anak ng isang pastor na dating manggagawang bukid sa asyenda. Nagdadala lamang umano ng tubig si Sanchez para sa mga welgista na naghuhugas ng mata dahil sa teargas.

Kabilang din sa mga walang kalaban-labang tinamaan sa putukan at namatay sa iba’t ibang ospital sina Jun David at Adriano Caballero Jr.

Lahat ng nakaligtas sa putukan ay nagsipagtakbuhan sa karatig na mga barangay, tulad ng Texas at Balete. Ayon pa sa ilan, maaaring may mga nagtago pang sugatan sa mga tubuhan na nakita ng mga sundalo at ipinasok sa bakod. Nagsagawa kasi ng pagsosona ang mga sundalo sa gabi para lipulin ang mga suspetsadong welgista at ikulong. Ayon kay Rene Galang, pangulo ng ULWU, karamihan sa mga nahuli (103 sa 111 na nahuli) ay mga sakada, tagasuporta sa welga o drayber ng mga trak ng asyenda, hindi mismong mga welgista na nagsitago na matapos ang masaker.

Sabi pa ni Galang, hindi kukulang sa 116 katao noong gabing iyon ang binugbog, hinuli at ikinulong sa Kampo Macabulos at Kampo Aquino na Northern Luzon Command Headquarters sa Tarlac City.

Samantala, sa sertipikasyon ng punerarya na nag-ayos sa labi nina David, Laza at Sanchez, sinabi ni Fortunato Castro Jr., operations manager ng Arceo’s Memorial & Funeral Services, na walang ginawang paraffin test ang sinumang pulis o militar sa tatlong bangkay. Gayundin din ang sabi ng kaanak ng iba pang biktima na nakasaksi sa autopsy at pag-aayos sa punerarya.

Pinatay na sakada

Kumpirmado naman ng maraming saksi ang pagkamatay ng di-kilalang mag-ama. Isang sakada (panahunang manggagawang bukid sa tubuhan) mula sa Negros ang ama na tulad ng ibang sakada ay nakatira sa kubol malapit sa lugar ng welga. Namatay sa asphyxiation (hindi makahinga) ang isang sanggol ng naturang sakada dahil sa usok ng teargas na nakapasok sa kubol.

Ayon sa mga saksi, nakita nilang sumugod sa galit ang ama ng sundalo matapos matagpuang patay ang kanyang anak. Pinagraratrat siya ng bala ng snipers.

Sa kasamaang palad, hindi pa matagpuan ang bangkay ng nasawing sakada at ang kanyang sanggol. Haka-haka ng ilang tagaroon na ipinasok ng mga sundalo sa loob ng bakod ang katawan ng dalawang nasawi. (Hindi ito makumpirma.) Hanggang ngayon, hindi pa rin matagpuan ang lokal na mga kontraktor na namagitan sa pagkuha ng Azucarera ng mga sakada mula sa Negros.

Hanggang sa huling ulat, aabot mula 10 hanggang 16 pang welgista ang nawawala ang hinahanap ng mga kaanak. Nangangamba ang mga kaanak na kabilang ang mga nawawala sa mga sugatang kinaladkad umano ng mga sundalo papasok ng Azucarera. Dalawang magkahiwalay na saksi naman ang nagsabi na may kakilala silang manggagawa sa Azucarera na inamin sa kanila na may sampung katao (hindi alam kung patay o buhay) na “ginatong sa kugon” ng pabirka noong gabi ng ika-16 ng Nobyembre.

Kung totoo ito, maaaring sinunog ng mga “berdugo” ang mga bangkay para hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga kilalang napaslang.

(Basahin: Sampung taon ng inhustisya, sampung taon ng paglaban)

Panoorin sa ibaba: Bidyo-dokumentaryong “Sa Ngalan ng Tubo” ng Eiler, Tudla Productions, POKUS Gitnang Luzon at Mayday Multimedia

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/11/hlmx-hacienda-luisita-senaryo-ng-lagim/feed/ 0