
Nadismaya ang internasyunal na grupong Human Rights Watch sa kabiguan noon ng gobyernong Arroyo na parusahan ang mga miyembro ng militar na sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao. Nang muling siyasatin ng grupo ang sitwasyon ngayon, natuklasan nitong halos walang nagbago.

The Filipino human rights defenders visited Canada as the Philippine government was preparing to undergo a Universal Periodic Review (UPR), a state-driven process involving a review of the human rights records of all 192 United Nations (UN) member states once every four years
May 10 2012 | Posted in
Lathalain,
Videos |
Read More »

Naaalala mo pa ba ang una mong rali? Samahan si Jessico Tolosa, isang manggagawa ng Pentagon Workers’ Union, sa kanyang unang Mayo Uno sa kalsada. Panoorin ang pagkilos ng libu-libong manggagawa sa dakilang Araw ng Paggawa, sa mata ng isang baguhan sa pakikibaka ngunit beterano sa hirap at pagsasamantala.

Ang makulay na selebrasyon ng Araw ng Kordilyera sa isang bulubunduking pamayanan ng mga katutubo sa Kalinga, na sama-samang humaharap sa banta ng pagpasok ng geothermal plant ng Chevron Corporation.

Para sa mga manggagawang Pilipino sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno, tuta ng gobyernong US, at ng mga kapitalista, komprador at panginoong maylupa si Pangulong Aquino. Sa pamamagitan ng dambuhalang protesta noong Araw ng Paggawa, Mayo 1, ipinakita nila ang matinding disgusto sa kasalukuyang administrasyon at Pangulo

Sa gitna ng malawakang Balikatan Exercises at pinaigting na presensiyang militar ng US sa bansa, ang pagpapalayas sa mga tropang Amerikano ang unang hakbang tungong tunay na soberanya

Kasama ang isang delegasyon ng mga progresibong mambabatas, aktibista at mamamahayag, nagtungo ang awtor sa binansagan ng kanluraning midya na “pinakamalungkot na bansa” at nakita ang ligaya at ginhawa ng mga mamamayan dito

Ipinagbunyi ng mga rebolusyonaryong manggagawa sa ilalim ng Revolutionary Council of Trade Union (RCTU), isang underground organization na kasapi ng National Democratic Front, ang ika-43 anibersaryo ng New People’s Army. Nagmartsa ang mga ito sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City. Ang NPA at NDF, sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines, ay naglulunsad ng armadong pakikibaka mula 1969 para pabagsakin ang kasalukuyang pampulitika at pang-ekonomiyang sistema sa bansa.
Mar 29 2012 | Posted in
Balita,
Photo Essays |
Read More »

Kinalampag si Pangulong Aquino at humingi ng suporta sa publiko ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita sa gitna ng tumitinding tensiyon sa loob ng asyenda dulot ng pagpigil ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) sa pagbubungkal ng mga dating manggagawang-bukid sa 184-ektaryang lupain sa Brgy. Balete.

Isang raling iglap sa Mendiola ang isinagawa ng mga kasapi ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Timog Katagalugan (PKM-TK) kaninang umaga bilang paggunita sa ika-43 na anibersaryo ng New People’s Army (NPA). Iniladlad ng mga demonstrador ang isang higanteng mural ni Gregorio “Ka Roger” Rosal, ang pumanaw na tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines. Tumagal [...]