Bidyo: Laban ng Kababaihan at Mamamayan

Isang bidyo-ulat ng Mayday Multimedia at Pinoy Weekly sa protesta-pagdiriwang noong Marso 8, International Women’s Day

Isang bidyo-ulat ng Mayday Multimedia at Pinoy Weekly sa protesta-pagdiriwang noong Marso 8, International Women’s Day

Naninindigan ang mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita na bungkalin ang lupain ng asyenda–kahit na ang mga lupaing ibinenta ng mga Cojuangco-Aquino sa iba’t ibang korporasyon, tulad ng RCBC. Giit nila, bahagi ng asyenda ang naturang mga lupain. Bahagi ito ng dapat na kagyat nang ipamahagi sa kanila.

Mula sa iba’t ibang dinemolis na komunidad sa Metro Manila, nagsisikap ang kababaihan sa relokasyon sa Montalban, Rizal na buhayin ang kani-kanilang pamilya. Tila napakahirap nito sa pabahay ng gobyerno na malayo sa hanapbuhay, walang akses sa batayang mga serbisyo, substandard, at wala pa ring kaseguruhan na mapapasakanila.

Dumating sa bansa ang isang opisyal ng Amnesty International (AI) para siyasatin ang patuloy na detensiyon ni Ericson Acosta, isang makata at musikero na ilegal na inaresto ng militar noong nakaraang taon sa Samar. Ayon kay Gary W. King, pinuno ng Minneapolis, USA Chapter ng AI, isang pandaigdigang grupo na nagtataguyod ng karapatang pantao, dapat [...]

Dalawang kanta na itinanghal ng mga bilanggong pulitikal sa New Bilid Prison sa kanilang pagtitipon para sa Kapaskuhan, kasama ng mga kapamilya at tagasuporta noong Dis. 21, 2011

Sa pagitan ng pagkuha ng larawan, kumuha ng bidyo ng ilang eksena ng brutal na dispersal sa CampOut Mendiola noong Dis. 7 ang Pinoy Weekly.

Tatlong araw bago ang International Human Rights Day, brutal na dinispers ng mga pulis ang mga nagpoprotestang kabataan, manggagawa, kababaihan at iba pang sektor na nagnanais na magkampo sa Mendiola. Masasabing nahigitan pa nito ang brutalidad ng pulis sa nakaraang mga dispersal noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Nagmartsa sila patungong Mendiola para doon magkampo laban sa “krisis, kaltas-badyet at kahirapan.” Pero hinarang ang kabataan at iba pang sektor sa Morayta at Recto Avenue. Binasa pa sila ng water cannon.

Mga larawan ng surpresang protesta ng militanteng mga kabataan sa konboy ng bumibisitang nangungunang opisyal ng gobyernong US na si US State Sec. Hillary Clinton.

Okupasyon sa Mendiola, malapit sa palasyo ni Pangulong Aquino, ang isinagawa ng mga magsasaka para igiit ang kanilang karapatan sa lupa, sa kabila ng tumitinding pangangamkam at Charter Change.