Pinoy Weekly » Photo Essays http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Thu, 16 May 2013 04:56:26 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=3.5.1 Mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center (Photo Essay) http://pinoyweekly.org/new/2013/02/mga-pasyente-ng-philippine-orthopedic-center-photo-essay/ http://pinoyweekly.org/new/2013/02/mga-pasyente-ng-philippine-orthopedic-center-photo-essay/#comments Sat, 02 Feb 2013 04:52:14 +0000 Kenneth Roland A. Guda http://pinoyweekly.org/new/?p=22895 Siksikan sa mga ward ang mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center, nang mabisita ng Pinoy Weekly. Pati ang mga hallway at corridor, mistulang ward na rin, sa dami ng mga pasyenteng nagpapagamot sa tanging ospital sa bansa na nag-iispesyalisa sa orthopedics o paggamot sa mga sakit na may kaugnayan sa buto. Hirap ang mga istap ng POC sa paglilingkod sa maraming pasyente na dumudulog sa ospital — pero sinisikap nilang matugunan ang pangangailangan ng mga ito. Silang mga maralitang pasyente at manggagawang pangkalusugan ang nangunguna ngayon sa pagtutol sa pagsasapribado sa POC.

(Basahin ang artikulo hinggil sa mga pasyente ng POC at paglaban nila sa pagsasapribado ng naturang ospital.)

Spinal ward ng mga pasyente sa Philippine Orthopedic Center. Siksikan sila, at di nahihirapang paglingkuran ng iilan lang na nars o doktor na naka-assign sa kanila. (KR Guda)

Spinal ward ng mga pasyente sa Philippine Orthopedic Center. Siksikan ang mga pasyente sa tanging ospital na nag-iispesyalisa sa orthopedics. Dahil sa dami ng mga pasyente, hirap ang mga nars o doktor na matugunan ang kanilang mga pangangailangan. (KR Guda)

Matatagpuan sa kanto ng Maria Clara at Banawe Streets sa Quezon City, ang Philippine Orthopedic Center ay itinatag noong 1945 para maglingkod sa mga biktima ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa ngayon, nasa ilalim ito ng Department of Health ng gobyerno. Pero pinaplano ng administrasyong Aquino ang pagpapasailalim nito sa Public-Private Partnership o PPP. (KR Guda)

Matatagpuan sa kanto ng Maria Clara at Banawe Streets sa Quezon City, ang Philippine Orthopedic Center ay itinatag noong 1945 para maglingkod sa mga biktima ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa ngayon, nasa ilalim ito ng Department of Health ng gobyerno. Pero pinaplano ng administrasyong Aquino ang pagpapasailalim nito sa Public-Private Partnership o PPP. (KR Guda)

Naghihintay sa check-up. Mahaba ang pila sa out-patient department ng POC tuwing umaga. (KR Guda)

Naghihintay sa check-up. Mahaba ang pila sa out-patient department ng POC tuwing umaga. (KR Guda)

Mario Maniego,49, taga-Nueva Ecija, paralisado siya matapos operahan 17-taon na ang nakakaraan dahil sa pagkakaipit ng ugat sa leeg. (KR Guda)

Mario Maniego,49, taga-Nueva Ecija, na paralisado matapos operahan 17-taon na ang nakakaraan dahil sa pagkakaipit ng ugat sa leeg. (KR Guda)

Susan Maniego, 48, taga-Bulacan, 17-taong nang nagbabantay sa kanyang asawa na si Mario sa POC. (KR Guda)

Si Susan Maniego, 48, taga-Bulacan, na 17-taong nang nagbabantay sa kanyang asawa na si Mario sa POC. (KR Guda)

Kamay ni Mario Maniego, na 17 taon nang di nagagamit. (KR Guda)

Kamay ni Mario Maniego, na 17 taon nang di nagagamit. (KR Guda)

Sa loob at labas ng ward. Sa dami ng pasyente maging sa corridor nakapuwesto ang mga pasyente. (KR Guda)

Sa loob at labas ng ward. Sa dami ng pasyente, maging sa corridor nakapuwesto ang marami sa kanila. (KR Guda)

Rubina Padasas, 42, taga-Marikina, habang sinusuri ng isang nars. Magdadalawang buwan na siya sa POC at walang mautangan para panggastos sa ospital. (KR Guda)

Rubina Padasas, 42, taga-Marikina, habang sinusuri ng isang nars. Magdadalawang buwan na siya sa POC at walang mautangan para panggastos sa ospital. (KR Guda)

Babad sa trabaho ang mga kawaning pangkalusugan ng POC. Nangangamba silang matanggal sa trabaho o mabawasan ng benepisyo kung matutuloy ang pagsasapribado sa POC. (KR Guda)

Babad sa trabaho ang mga kawaning pangkalusugan ng POC. Nangangamba silang matanggal sa trabaho o mabawasan ng benepisyo kung matutuloy ang pagsasapribado sa POC. (KR Guda)

Female ward. Gumagamit pa rin ang POC ng tractions, isang luma at di-na-madalas na ginagamit na teknik sa pagtuwid at paggamot ng mga bali sa buto. (KR Guda)

Female ward. Gumagamit pa rin ang POC ng tractions, isang luma at di-na-madalas na ginagamit na teknik sa pagtuwid at paggamot ng mga bali sa buto. (KR Guda)

Kailangang pagtiisan ng isang pasyente ang kalagayan niya sa ospital. (KR Guda)

Kailangang pagtiisan ng isang pasyente ang kalagayan niya sa ospital. (KR Guda)

Josephine Mendoza, 53, taga-Makati kasama ang kanyang apo na si Chrisvel Mendoza, 12, dahil sa naganap na aksidente sa eskuwelahan. (KR Guda)

Josephine Mendoza, 53, taga-Makati, kasama ang kanyang apo na si Chrisvel Mendoza, 12, na nagpagamot sa Orthopedic dahil sa aksidente sa eskuwelahan. (KR Guda)

Dahil nag-iisa ang POC sa buong Pilipinas, Sa POC pa rin nagpagamot ang aktor na si Julio Diaz dahil sa aksidente sa shooting ng isang indie film. (KR Guda)

Dahil nag-iisa ang POC sa buong Pilipinas, Sa POC pa rin nagpagamot ang aktor na si Julio Diaz dahil sa aksidente sa shooting ng isang indie film. (KR Guda)

Puno ang female ward nang puntahan ng Pinoy Weekly. Magkadikit-dikit din ang mga higaan ng mga pasyente. (KR Guda)

Puno ang female ward. Magkadikit-dikit din ang mga higaan ng mga pasyente. (KR Guda)

Walang kasiguraduhan ang trabaho ng mga manggagawang pangkalusugan ng POC kung maisapribado ang ospital. (KR Guda)

Walang kasiguraduhan ang trabaho ng mga manggagawang pangkalusugan ng POC kung maisapribado ang ospital. (KR Guda)

Si Keisha Orayan, 21, taga-Mandaluyong City. Dalawang buwan na sa POC dahil sa iniinda sa leeg at saksi sa paghihirap ng mga kapwa nya pasyente sa kanilang kalagayan. (KR Guda)

Si Keisha Orayan, 21, taga-Mandaluyong City. Dalawang buwan na siya sa POC dahil sa iniinda sa leeg at saksi sa paghihirap ng mga kapwa nya pasyente sa kanilang kalagayan. (KR Guda)

Nagkalat sa loob ng Orthopedic ang mga sticker na nananawagan ng pagtigil sa pagsasapribado ng naturang ospital. (KR Guda)

Nagkalat sa loob ng Orthopedic ang mga sticker na nananawagan ng pagtigil sa pagsasapribado ng naturang ospital. (KR Guda)

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/02/mga-pasyente-ng-philippine-orthopedic-center-photo-essay/feed/ 1
‘Sa gobyerno ni Aquino, malawakang paglabag sa karapatang pantao’ http://pinoyweekly.org/new/2012/12/sa-gobyerno-ni-aquino-malawakang-paglabag-sa-karapatang-pantao/ http://pinoyweekly.org/new/2012/12/sa-gobyerno-ni-aquino-malawakang-paglabag-sa-karapatang-pantao/#comments Tue, 11 Dec 2012 04:14:42 +0000 Pinoy Weekly Staff http://pinoyweekly.org/new/?p=22090

Libu-libong magsasaka at katutubong mamamayan mula sa Mindanao at Timog Katagalugan, kasama ng iba’t ibang sektor mula sa Kamaynilaan ang nagmartsa sa Mendiola noon mismong Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao – para ipanawagan sa administrasyong Aquino na itigil na ang mga paglabag sa mga karapatan ng mga mamamayan.

Ayon kay Marie Hilao-Enriquez, tagapangulo ng Karapatan, sa dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Aquino, hindi lamang nito tinalikuran ang pangakong bibigyan ng katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao subalit kinunsinti pa ang mga paglabag sa pamamagitan ng pagpo-promote ng mga heneral na pinaniniwalaang sangkot sa mga pang-aabuso sa pamamagitan ng Oplan Bayanihan.

Sa tala ng Karapatan, sa 129 na biktima ng ekstra-hudisyal na pamamaslang sa ilalim ni Aquino, 69 dito ang mga magsasaka at 25 ang katutubong mamamayan. Karamihan sa mga ito, lalo na sa Mindanao, ay mga aktibista at mga lider-katutubo na nagtatanggol sa kanilang lupa at kalikasan laban sa panghihimasok ng malalaking dayuhang kompanya ng pagmimina.

“Ang Executive Order 79 hinggil sa pagmimina ni Aquino ay nagsilbing kautusan sa Phil. Army, Cafgu (Citizens Armed Forces Geographical Units), at mga grupong paramilitar tulad ng Special Civilian Armed Auxiliary para linisin ang mga nakakasagabal sa mga lugar ng pagmimina tulad ng  tumututol na mamamayan. Hindi lamang pinalakas ni Aquino ang malawakan at mapangwasak na pagmimina sa Mindanao kundi binalewala pa ng gobyerno ang pamamaslang at pagpapalayas sa mga katutubo bilang “collateral damage,” ayon kay Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

“Tama na ang dalawang taon. Sawa na kami sa pangangalandakan ni Pangulong Aquino sa “kapayapaan” at “pag-unlad”. Wala nang bisa ang kanyang “daang matuwid” para sa amin. Kinokondena namin ang patuloy na pamamaslang at pandarambong ng ating likas na yaman na lumalapastangan sa  mga karapatan, lupa at buhay,” sabi pa ni Palabay.

Wala ring magandang pangyayaring nakikita ang mga katutubo sa dalawang taong panunungkulan ni Aquino. Ayon kay Aida Seisa, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas -Southern Mindanao Region, patuloy ang militarisasiyon sa kanilang lugar kung saan laganap ang pagmimina.

“Naroon ang malalaking kompanya ng pagmimina tulad ng TVI, Strata SMI at Philco.  Ngayon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagguho ng lupa, at flash flood sa Compostela Valley ay dahil sa pagkalason ng kapaligiran dahil sa duming itinatapon nila,” ayon kay Seisa.

“Ayaw namin talaga sa mina. Gusto namin ang lupang amin ay amin talaga, kasi ang lupa ay buhay naming mga katutubo. Ayaw namin ng malalaking kompanya (na lalapastangan sa aming mga lupain) dahil ang lupa ay buhay. Ang pera mauubos ‘yan. Ang lupa hindi mawawala kahit pa ilang henerasyon ang sumunod sa amin,” aniya pa.

Ayon naman kay Orly Marcellana, tagapagsalita ng Save Bondoc Peninsula Movement at Katipunan ng mga Samahang Mambubukid – Timog Katagalugan, walang pinagbago ang administrasyong Aquino sa nakaraang mga administrasiyon.

“Ipinagpatuloy lamang nito ‘yong paglabag sa karapatang pantao sapagka’t hanggang sa kasalukuyan, dumarami mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Nandiyan ‘yung mga bilanggong pulitikal, nagpapatuloy ang pagdukot at pagkawala at nagpapatuloy ‘yong pagpatay lalo na sa kanayunan,” sabi ni Marcellana.

Patuloy rin aniyang nililinlang ni Aquino ang taong bayan at pinapaasa sa “tuwid na daan” at sinasabi na walang paglabag sa karapatang pantao. “Ito ay isang malaking kasinungalingan sapagka’t pagpapatotoo na, napakaraming mga pinatay sa amin sa Southern Tagalog, umabot na sa 20 ang biktima ng extra-judicial killings, may tatlo kaming mga kasamahan na dinukot at nawawala. Mayroon kaming 64 na mga bilanggong pulitikal na nakapiit sa iba’t ibang piitan at araw-araw ilegal na hinahalughog ang bahay ng mga magsasaka sa Bundok-Peninsula,” paliwanag pa ni Marcellana.

Sa huling bahagi ng programa sa Mendiola, sinunog ng mga nagprotesta ang effigy ni Aquino na nakasakay sa pinaghalong tangke at sasakyang panghukay na sumisimbolo sa kambal na kasamaang dulot ng militarisasyon at malawakang pagmimina sa buhay ng mga magsasaka at mga katutubo.

“Sinunog na rin namin kasama ang anumang natitirang pag-asa ng positibong pagbabago na ibinigay namin sa ilalim ng dalawang taon ni Pangulong Aquino. Hindi lamangh niya sinayang ang pagkakataon para sa pagbabago kundi inubos ang aming pasensiya dahil sa lahat ng mga paglabag ng kanyang administrasyon sa karapatang pantao ng mamamayan,” pangwakas ni Enriquez.

Artikulo ni Soliman A. Santos | May ulat si Junelle Narra

Mga larawan ng kilos-protesta para sa karapatang pantao at kontra sa marahas na giyera kontra-insurhensiya ng administrasyong Aquino, sa pangunguna ng Karapatan at iba pang grupong pangkarapatang pantao.

Para sa bidyo hinggil sa Manilakbayan ng mga lider-katutubo mula sa Mindanao, panoorin ito at ito.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/12/sa-gobyerno-ni-aquino-malawakang-paglabag-sa-karapatang-pantao/feed/ 1
Abogado Romeo T. Capulong: Mula personal tungong pambayan http://pinoyweekly.org/new/2012/09/abogado-romeo-t-capulong-mula-personal-tungong-pambayan/ http://pinoyweekly.org/new/2012/09/abogado-romeo-t-capulong-mula-personal-tungong-pambayan/#comments Fri, 21 Sep 2012 12:21:58 +0000 Soliman A. Santos at Maricristh T. Magaling http://pinoyweekly.org/new/?p=21305
Abogado ng bayan: Atty. Romeo Capulong o RTC. (Boy Bagwis / PW File Photo)

Abogado ng bayan: Atty. Romeo Capulong o RTC. (Boy Bagwis / PW File Photo)

Pumanaw si Atty. Romeo T. Capulong o RTC noong Setyembre 16, matapos ang matagal na pagka-confine sa Manila Medical Doctors Hospital. Ikinaluksa ng iba’t ibang organisasyong masa ang pagpanaw ng isang “abogado ng bayan” at pioneer sa public interest law, o paggamit sa batas para sa interes ng publiko, sa bansa.

Ang artikulong ito ay unang inilathala sa Pinoy Weekly (weekly print edition) noong Oktubre 18-24, 2006.

* * *

“Muntik na akong madale,” bungad ni Atty. Romeo Capulong, ad litem judge ng United Nations at tagapagtatag ng kauna-unahang Public Interest Law Center sa Pilipinas, nang dalawin namin siya sa bago nilang nilipatan. Umalis sila sa bahay nila sa Muntinlupa dahil marami nang umaaligid na mga kahina-hinala.

Nabalitaan ni Atty. Capulong (kilala rin sa tawag na RTC) na may isang “matanda” sa OB (Order of Battle) ng militar. Ang hinala niya, siya iyon o si Obispo Alberto Ramento, na di pa natatagalang pinaslang. Kapwa sila nagtaguyod sa laban ng mga welgista sa Hacienda Luisita. Si RTC ang senior legal consultant nila – at abogado rin ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines).

Pagdalaw ng peligro 

Noong Marso 7, 2006, habang nagpapahinga sa kanyang bahay sa Nueva Ecija, isang sasakyan ang huminto sa tapat. Dalawang lalaki ang nagbukas ng bintana ng sasakyan.Nakita sila ng mga barangay tanod na nagbibigay ng seguridad kay RTC. Naalarma ang mga tanod, nagkasa ng baril. Mabilis na tumalilis ang sasakyan.

Maraming taon na ang nakaraan, si RTC ay naging panauhin sa isang talk show sa RPN Channel 9. Inabangan siya ng ilang kotse sa entrada ng istasyon. Mismong mga security guard ng istasyon ang naghinala sa masamang tangka kay RTC. Umeskort sila sa abogado, gamit ang daan sa likod ng compound.

Mahirap maging abogado

Anak ng magsasaka si RTC. Minsan habang siya’y nagpapastol ng kalabaw sa gilid ng bahay ng asendero, napanood niya ang isang pagdiriwang. Nakita niya ang mga abogadong kuntodo porma at nangangastila pa. Humanga siya sa kanila. Tingin niya, ang mga taong iyon ang nakapagbibigay ng katarungan sa bayan.

Dahil laki sa hirap, nakita ng batang Capulong ang kawalan ng katarungan. Nakita niya ang pagkakahati-hati. Ang mga kaklase sa elementarya na anak ng mga asendero, malilinis, pormang-porma, samantalang siya’y yapak.

“Bakit ganoon? Bata pa lang ako, may nararamdaman na akong inhustisya sa lipunan.”

Sa hayskul, isang gurong nag-aaral ng abogasya ang naging inspirasyon niya. Itinulak din ng iba ang guro na mag-abogado siya dahil siya ay “pilosopo” at mahilig sa debate. Natuloy ang pangarap, 1951. Madali siyang nakapasok sa Unibersidad ng Pilipinas para kumuha ng pre-law dahil salutatorian siya sa hayskul. Taong 1953, nasa College of Law na siya, hanggang nakatapos ng abogasya noong 1957.

‘Mapagpasyang sangandaan’ at kamulatan

Inamin ni Atty. Capulong na mis-edukado siya lalo na sa kolehiyo. Itinuro umano sa kolehiyo ang indibidwalismo at pagtatanggol sa namamayaning kalagayan ng lipunan. “Itinanim sa aming kaisipan na ang pagiging abogado ay isang propesyon na magpapaunlad sa sarili. Na magkakaroon ka ng magarang bahay, awto at iba pa.”

Para kay RTC, ang isang abogado ay aabot at aabot sa rurok ng pagpapasya, ng “mapagpasyang sangandaan.” Nakatulong sa pagpapasya ang bilin ng kanyang ama na huwag hahawak ng mga kasong panig sa mga panginoong maylupa.

“Nagpraktis din ako ng tradisyunal na abogasya, at minsang nag-ambisyong maging kongresista. Pero dumating ang punto na kailangan kong mamili…at pinili ko ang maglingkod sa sambayanan.”

Unang nasabak si RTC sa isang asuntong kaugnay ng Republic Act 3844 (Leasehold Law), bandang 1962 sa Nueva Ecija. Batay rito, 25% na lamang ang ibubuwis ng magsasaka sa panginoong maylupa. Naghanap ng butas sa batas ang mga panginoong maylupa. Nagawa nilang mapalayas ang mga magsasaka. Si RTC ang naging abogado ng mga magsasaka.

Sabi ni Atty. Capulong, hindi uubra na wala kang pinapanigan sa pagtatanggol ng isang usapin. “Sinong human rights lawyer ang pupusta ng buhay sa mababang halaga? Hindi ka tatagal sa ganyang gawain kung hindi ka naniniwala sa iyong ginagawa,” aniya.

Pero iginiit din niyang kailangang mulat ang ipinagtatanggol ng isang abogado. “Dapat bitbit ng isang kliyente ang wastong pulitika. Kung hindi, dapat na imulat mo siya sa tamang pulitika.” Kailangan aniyang mulat ang magsasaka o ang manggagawa sa usapin para hindi natatali sa usaping legal. Para kay RTC, mahalagang ang kasong hinahawakan ay nakaugnay sa mas malawak na laban ng mga mamamayan.

Pag-unlad sa pulitika

Noong mga unang mga taon ng kanyang pagiging abogado, naging kliyente niya si Gob. Eduardo Joson, isang tradisyunal na pulitiko. Sa pag-usad ng panahon, naging kliyente naman niya si Sen. Benigno Aquino, na ayon kay Atty. Capulong ay may pagka-liberal at nakikipag-alyansa sa progresibong mga puwersa. Hanggang nitong mga huli, naging kliyente na niya si Jose Maria Sison, punong tagapayo ng NDFP.

“Masasalamin dito ang transisyon ng aking pulitika bilang aktibista at abogado ng karapatang pantao,” sabi ni RTC.

Minsan, hinarang ng mga pulis ang mga nagrali sa Balintawak. Panahon noon ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit, presidente si Fidel Ramos. Isang koronel ang nagmamando. Lumapit si Atty. Capulong sa koronel para makipagnegosasyon. Nang malaman ng koronel kung sino siya, nanlaki ang mata at nagwika, “Hindi ako puwedeng makipag-usap sa inyo. Tatawag ako ng mas mataas na opisyal!”

Minsan naman, isang abogadong pulis ang sumita kay Atty. Capulong. Sinabi ng abogadong pulis na “roving checkpoint” ang ginagawa nila. Gusto nilang halughugin ang sinasakyan nina RTC.

“Ilegal iyan,” sabi ni Atty. Capulong.

“Legal ito ayon sa Korte Suprema,” pakli ng abogadong pulis.

“Legal kung mapapatunayan mo na ang APEC Summit ay isang state of emergency – dahil  ang roving checkpoint ay legal lamang sa panahon ng state of emergency.”

Natameme ang pulis.

‘Sa bawat kasong hawakan ko…”

Sa kabila ng mga banta sa buhay, walang planong tumigil si RTC sa paglilingkod sa taumbayan. “At kapag ikaw ay inaatake, atakehin mo rin.” Ito ang isa sa kanyang paninindigan sa harap ng pandarahas. “Nagsu-survive angt mga lumalaban habang ang mga nananahimik ay napapahamak.”

“Kung tutuusin, dekada ’80 pa, patay na ako. Hinahawakan ko noon ang mga kaso ng mga nangungunang komunista tulad nina Jose Maria Sison at iba pa. Pero narito pa rin ako at buhay na buhay,” aniya. Kahit magpipitumpu’t dalawang taon na si RTC, hindi siya magreretiro dahil walang ganoon sa abogado ng bayan.” Aminado siya, gayunman, sa mga pisikal na limitasyong dulot ng edad.

“Naglilingkod tayo dahil alam natin na iyon ang dapat gawin. Isinabuhay natin ang makabuluhang buhay, bagaman maaaring hindi ko makikita sa aking lifetime ang tagumpay ng ating ipinaglalaban – isang lipunang may katarungan, kapayapaan at tunay na demokrasya.”

“Sa bawat kasong hawakan ko, alam kong nailalantad ko ang kabulukan, naigigiit ang paglaban. Isa pa, may tiwala ako sa masa. Sila ang huhubog sa kinabukasan.”

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/09/abogado-romeo-t-capulong-mula-personal-tungong-pambayan/feed/ 0
Damayan sa ulingan (Photo Essay) http://pinoyweekly.org/new/2012/07/damayan-sa-ulingan-photo-essay/ http://pinoyweekly.org/new/2012/07/damayan-sa-ulingan-photo-essay/#comments Mon, 30 Jul 2012 14:46:16 +0000 Raymond Panaligan http://pinoyweekly.org/new/?p=20864

Sa Sitio Damayan sa Tondo, Maynila, pag-uuling ang pangunahing ikinabubuhay ng 700 pamilyang nakatira rito. Maraming menor-de-edad ang nagtatrabaho sa ulingan para makaagapay sa kani-kanilang pamilya.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/07/damayan-sa-ulingan-photo-essay/feed/ 0
100,000 obrero nagmartsa sa Araw ng Paggawa http://pinoyweekly.org/new/2012/05/100000-obrero-nagmartsa-sa-araw-ng-paggawa/ http://pinoyweekly.org/new/2012/05/100000-obrero-nagmartsa-sa-araw-ng-paggawa/#comments Wed, 02 May 2012 21:18:57 +0000 Pinoy Weekly Staff http://pinoyweekly.org/new/?p=19512  


Aabot sa 100,000 manggagawa, kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan, ang nagmartsa sa buong kapuluan upang gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ang pamamaraan ng kanilang paggunita: protesta.

Pinuruhan ng protestang pinamunuan sa buong bansa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Pang. Benigno Aquino III, na anila’y “tuta ng imperyalismong US at mga kapitalista, at haciendero.

Matindi ang batikos ng mga manggagawa sa anila’y pagkabigo ng adminsitrasyong Aquino na magbigay ng kahit kaunting ginhawa sa mga mamamayan sa gitna ng lumalalang kagutuman at kahirapan.

Sa Kamaynilaan, tinatayang umabot sa 30,000 ang nagmartsa, patungong Plaza Miranda, Quiapo at paanan ng Mendiola Bridge sa Manila. Di nila ininda ang tindi ng init at ang pagbuhos ng ulan.

Sinabi ni Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU, na lalong nagalit ang mga manggagawa sa mga pahayag ni Aquino sa mga “dilawang” lider-manggagawa na nakipagpulong sa pangulo noong umaga ng Mayo 1.

“Kapariwaraan ng mga manggagawa ang mensahe ni (Aquino),” ani Labog. Sinabi ng lider-obrero na patunay ang mga pahayag ni Aquino na ipinagtatanggol niya ang interes ng malalaking korporasyon maging ang mga kompanya ng langis.

Elmer "Ka Bong" Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno. (KR Guda)

Elmer "Ka Bong" Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno. (KR Guda)

“Wala na ngang ibinigay binola pa ang mga manggagawa,” sabi pa ni Labog.

Mahigit isang dekada na ang panukalang P125 across-the-board wage increase ng KMU, ngunit sa kabila ng pagtindi ng krisis at pagtaas ng mga bilihin ay patuloy itong ibinabasura ng Kongreso at Malakanyang.

Tahasan na ring tinanggihan ni Aquino ang naturang panukala para sa makabuluhang dagdag-sahod.

“Hindi ito dole-out na manggagaling sa bulsa ni Aquino o ng mga kapitalista kundi bunga ng pagsisikap at pagtitiis ng mga manggagawa sa ating bansa. Hindi humihingi ng limos ang mga manggagawa,”sabi naman ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino.

Sinabi din ni Casino na hindi masama kung ibibigay ang P1.4 Trilyon, na pagtaya ng pangulo na bawas umano sa ekonomiya, na karagdagang sahod. Karapat-dapat lang umanong makuha ito ng mga manggagawa.

“Hindi naman gagastusin ng mga manggagawa sa ibang bansa ang perang ito. Papalakasin pa nga nito ang ekonomiya dahil gagamitin ito para sa pang araw-araw na gastusin ng pamilya ng mga manggagawa at sa edukasyon ng kanilang mga anak,” ani Casino.

Paliwanag naman ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na matagal nang halos iwanan ng gobyerno ang hiling sa dagdag-sahod.

“Hindi umaalis ‘yung (Aquino) government sa pattern ng pagtugon ng gobyerno (sa panawagang dagdag-sahod) habang panahon – na hindi pupuwede ang legislated wage increase. Ini-invoke nila ang regional wage boards ang dapat magpapapasya, pero historically over decades, palaging kulang ‘yung mga binibigay na dagdag,” paliwanag ni Ocampo.

Sabi pa ni Ocampo, may isang taon na ibinibigay na palugit ang batas sa dagdag-sahod. Kaya kahit taun-taon magkaroon ng dagdag-sahod, kung kakarampot palagi ang ibinibigay ay hindi ito nagiging sapat para sa mga manggagawa.

Hindi rin natuwa ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) sa pagtiyak ng pangulo na maibibigay ang huling tranche ng Salary Standardization Law 3 (SSL3). Ayon sa Courage, napakaliit ng epekto nito sa 1.4 milyong kawani ng gobyerno upang manahimik ang mga ito sa gitna ng mataas na halaga ng pamumuhay.

“Kakarampot (ang) P713 na dagdag kada buwan sa minimum na sahod. Kung isasaalang-alang ang inflation, hindi nito kayang punuan ang nawalang halaga ng aming sahod,” ani Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Courage.

Ayon pa kay Gaite, hindi naman bago ang panukalang dagdag-sahod para sa mga kawani.“’Yan na ang huling installment na sinimulan pa noong 2009,”ani Gaite.

Ipinanawagan ng mg kawani sa gobyerno ang P6,000 na dagdag sa buwanang minimum na sahod.

Pagtanggal sa EVAT, pagbatikos sa mga pahirap

Panawagan din ng mga nagmartsa ang pagbasura sa Expanded Value-Added Tax (EVAT), lalo na sa produktong langis na anila’y nakakadagdag sa paghihirap ng mga mamamayan.

“Oo nga’t ngayo’y unti-unting bumababa ang presyo ng langis sa merkado, pero papaano kung sa susunod na mga araw ay pataas na naman itong muli dahil nananatiling deregulated ang industriya at malayang nakakapagtakda ng presyo ang kartel ng langis.” ani Joms Salvador, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Bukod sa kahilingang dagdag-sahod para sa mga manggagawa, sinabi ni Salvador na isang kagyat na kaalwanan para sa nakakarami ang pag-alis sa EVAT sa mga produktong langis dahil maaaring mapababa nito ang mga presyo ng mga bilihin.

Samantala, tinatayang 5,000 maralitang lungsod ang lumusob sa tahanan ni Pangulong Aquino sa Times Street bago tumungo sa Mendiola. Kanilang kinondena ang diumano’y kaliwa’t kanang demolisyon sa mga komunidad ng mga maralita.

“Lumahok ang malaking bilang ng mga maralita ngayon dahil sa walang puknat na demolisyong ipinatutupad ni Aquino. Pinapalala nito ang kawalang trabaho at lugmok sa kahirapan ng mga maralita,” ani Gloria Arellano, pangkalahatang kalihim ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay).

Isinisisi ng Kadamay ang proyektong public-private partnership sa pagdemolis sa mga komunidad ng mga maralita, tulad ng nangyari sa Silverio Compound sa Paranaque noong Abril 21.

Bukod sa panawagan na makabuluhang dagdag-sahod, iprinotesta din nila ang diumano’y patuloy na pangangayupapa ng administrasyong Aquino sa dayuhan lalo nasa gobyernong US.

Isang kontingent ng KMU at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang nagprotesta sa harap ng embahada ng US bago tumulak ng Plaza Miranda noong tanghali ng Mayo 1.

Kanilang iprinotesta ang naganap na usapan sa Washington DC sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Amerika.

Ayon sa grupo, hindi patas ang naging resulta ng usapan dahil pinayagan ng administrasyong Aquino na palawigin pa ang tratado gayundin ang malawakang paglulunsad ng mga ehersisyong militar at pananatili ng tropang Kano sa bansa.

Kasabay ng mga martsa at protesta ng mga manggagawa, isang misa naman ang inialay ng mga obispo at paring Katoliko para sa mga manggagawa,

“Ang taunang pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa sa unang araw ng Mayo ay magandang pagkakataon upang maipahayag ng Simbahan ang kanyang pasasalamat sa mga manggagawa, ang kanyang pagmamalasakit sa kanilang kapakanan at ang kanyang turong panlipunan hinggil sa paggawa upang maitaguyod ang wasto, makatarungan at makataong patakaran sa mundo ng paggawa. Sa taong ito, ibig kong ibahagi ang ilang mahalagang turo ng Simbahan,” bahagi ng ipinalabas na pastoral letter ni Archbishop Antonio Tagle, DD.

Sinabi din ni Tagle na mas mahalaga ang tao kaysa sa kapital at tubo. “Ang tao o ang manggagawa ang pinakamahalagang bahagi ng isang business o produksiyon. Ang paglago ng materyal o pinansiyal na bahagi ng produksiyon ay mahalaga rin subalit hindi kailanman dapat maging dahilan upang pagsamantalahan ang manggagawa. Sa maling pag-aalaga sa kapital at kikitain, nasisira ang dangal ng manggagawa, pati na ang kanilang pamilya at ang buong lipunan,” aniya.

Panawagan ni Tagle na dapat bigyang prayoridad at igalang ang bawat tao.

Ikinatuwa naman ito ng KMU na nagsabing magsisilbing inspirasyon ng mga manggagawa ang mensahe ng obispo sa kanilang mga pakikibaka.

“Sa panahon na ipinapakita ng (administrasyong) Aquino at mga kapitalista ang kawalang malasakit nila sa mga manggagawa, aang pahayag ni Archbishop Tagle ay parang sariwang hangin para sa amin, “ ani Lito Ustarez, pangalawang tagapangulo ng KMU.

Artikulo: Sinulat ni Macky Macaspac, may ulat si Joan Cordero

Mga larawan sa slideshow: Kuha nina KR Guda, Darius Galang, Pher Pasion, Macky Macaspac at Kat Elona

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/05/100000-obrero-nagmartsa-sa-araw-ng-paggawa/feed/ 0
Larawan at bidyo: Rebolusyonaryong obrero nagdiwang sa anibersaryo ng NPA http://pinoyweekly.org/new/2012/03/larawan-rebolusyonaryong-obrero-nagdiwang-sa-anibersaryo-ng-npa/ http://pinoyweekly.org/new/2012/03/larawan-rebolusyonaryong-obrero-nagdiwang-sa-anibersaryo-ng-npa/#comments Wed, 28 Mar 2012 16:50:59 +0000 Pinoy Weekly Staff http://pinoyweekly.org/new/?p=19030 RALING IGLAP. Ipinagbunyi ng mga rebolusyonaryong manggagawa sa ilalim ng Revolutionary Council of Trade Union (RCTU), isang underground organization na kasapi ng National Democratic Front, ang ika-43 anibersaryo ng New People's Army.  Nagmartsa ang mga ito sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa Cubao.  Ang NPA at NDF, sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines, ay naglulunsad ng armadong pakikibaka mula 1969 para pabagsakin ang kasalukuyang pampulitika at pang-ekonomiyang sistema sa bansa. (Macky Macaspac)

RALING IGLAP. Ipinagbunyi ng mga rebolusyonaryong manggagawa sa ilalim ng Revolutionary Council of Trade Union (RCTU), isang underground organization na kasapi ng National Democratic Front, ang ika-43 anibersaryo ng New People's Army. Nagmartsa ang mga ito sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City. Ang NPA at NDF, sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines, ay naglulunsad ng armadong pakikibaka mula 1969 para pabagsakin ang kasalukuyang pampulitika at pang-ekonomiyang sistema sa bansa. (Macky Macaspac)

Hinikayat ng RCTU ang publiko na tularan ang landas ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, dating tagapagsalita ng CPP at isang namumunong pulang mandirigma, na pumanaw noong Hunyo 2011. (Macky Macaspac)

Hinikayat ng RCTU ang publiko na tularan ang landas ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, dating tagapagsalita ng CPP at isang namumunong pulang mandirigma, na pumanaw noong Hunyo 2011. (Macky Macaspac)

"Ang maghimagsik ay makatarungan at ang pagsapi sa NPA ay isang pangangailangan. Ang NPA ang tunay na hukbong naglilingkod sa mamamayan, sa mga magsasaka sa kanayunan at sa manggagawang Pilipino," pahayag ng RCTU. (Macky Macaspac)

"Ang maghimagsik ay makatarungan at ang pagsapi sa NPA ay isang pangangailangan. Ang NPA ang tunay na hukbong naglilingkod sa mamamayan, sa mga magsasaka sa kanayunan at sa manggagawang Pilipino," pahayag ng RCTU. (Macky Macaspac)

Binigyang pugay ng rebolusyonaryong mga manggagawa ang mga pulang mandirigma ng NPA na nagdiriwang ngayong Marso 29 ng ika-43 taong anibersaryo. (Macky Macaspac).

Binigyang pugay ng rebolusyonaryong mga manggagawa ang mga pulang mandirigma ng NPA na nagdiriwang ngayong Marso 29 ng ika-43 taong anibersaryo. (Macky Macaspac).

Binigyang pugay ng rebolusyonaryong mga manggagawa ang mga pulang mandirigma ng NPA na nagdiriwang ngayong Marso 29 ng ika-43 taong anibersaryo. (Boy Bagwis)

Panoorin ang bidyo ng Mayday Multimedia:

Mayday Newsreel – Revolutionary Workers Celebrate NPA’s 43rd Anniversary from mayday multimedia philippines on Vimeo.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/03/larawan-rebolusyonaryong-obrero-nagdiwang-sa-anibersaryo-ng-npa/feed/ 0
Brutal na dispersal sa kampuhan, tatlong araw bago Human Rights Day http://pinoyweekly.org/new/2011/12/brutal-dispersal-sa-kampuhan-human-rights-day/ http://pinoyweekly.org/new/2011/12/brutal-dispersal-sa-kampuhan-human-rights-day/#comments Wed, 07 Dec 2011 10:57:47 +0000 Kenneth Roland A. Guda http://pinoyweekly.org/new/?p=17119 Ikalawang araw ng kampuhan ng militanteng kabataan at iba pang sektor: Nagtipon ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU), kababaihan at iba pang sektor sa Espana Avenue, Manila para ituloy ang kampuhan sa Mendiola Bridge hanggang Disyembre 10. Ang kanilang hangad: pagbigay-liwanag sa publiko sa “bulok na sistemang” nagpapanatili sa yaman ng isang porsiyentong mayayaman at makapangyarihan habang mayorya — 99 porsiyento — ang naghihirap at pinagsasamantalahan.

Dumaan sa P. Noval Street ang mga nagprotesta patungong Bustillos para makarating ng Mendiola. Dito, muling hinarang sila ng pulis. Naggiit ang mga kabataan at manggagawa, itinulak ang pulis at nakarating hanggang kanto ng Legarda at Mendiola. Sandali pang naagaw ng ilang kabataan ang water cannon ng bombero para ipatikim sa mga pulis ang madalas nilang ginagawa sa mga aktibista: Saglit na nadispers ang pulis ng sarili nilang water cannon.

Pero naagaw din ito muli ng pulis. Sa bungad ng Mendiola, pinagpapalo ang mga kabataan at manggagawa; itinulak sila ng shield at binombahan ng tubig ng bombero. Nahati ang bulto ng mga nagpoprotesta: May ilang nakasiksik sa iskinitang lakaran patungong LRT Station. Doon sila tinugis ng pulis, pinagpapalo, itinulak ng shield. Marami ang sugatan. Pagkalampas ng LRT Station, kinahon sila at sinigawang umupo, pero nanindigan ang mga kabataan.

Muli silang tinulak hanggang sa paanan ng flyover patungong Nagtahan. Ulat ng mga lider-kabataan doon, di-bababa sa 46 ang sugatan at dinala sa ospital. Lima naman ang hinuli.

Sa pagkober ng Pinoy Weekly ng mga marahas na dispersal noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo, hindi pa inabot lampas ng Legarda ang mga dispersal. Kahit noong panahon ng Calibrated Preemptive Response (CPR) ni Arroyo. Ngayon lang. Ngayong panahon ni Benigno Simeon Aquino III. (Ulat ni Kenneth Roland A. Guda)

Panoorin ang bidyo ng Mayday Productions.

Mga larawan ng dispersal:

Nagtipon ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Espana Avenue, Manila para makiisa sa kampuhan ng mga kabataan. Layon nilang makarating ng Mendiola Bridge para doon magkampo. (KR Guda)

Nagtipon ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Espana Avenue, Manila para makiisa sa kampuhan ng mga kabataan. Layon nilang makarating ng Mendiola Bridge para doon magkampo. (KR Guda)

Nagtagpo ang bulto ng mga kabataan at manggagawa, sa Espana Avenue, bago tumulak ng Bustillos. (KR Guda)

Nagtagpo ang bulto ng mga kabataan at manggagawa, sa Espana Avenue, bago tumulak ng Bustillos. (KR Guda)

Hinarang na ng pulis, sa Bustillos pa lamang, ang mga nagrarali. (KR Guda)

Hinarang na ng pulis, sa Bustillos pa lamang, ang mga nagrarali. (KR Guda)

Naggiit ang mga manggagawa at kabataan, at nagawang mabutas ang hanay ng mga pulis. (KR Guda)

Naggiit ang mga manggagawa at kabataan, at nagawang mabutas ang hanay ng mga pulis. (KR Guda)

Shield na ang pinanghahampas ng pulis sa mga naggigiit na demonstrador. (KR Guda)

Shield na ang pinanghahampas ng pulis sa mga naggigiit na demonstrador. (KR Guda)

Nagawa ng isang demonstrador na agawin ang hose ng bombero. (KR Guda)

Nagawa ng isang demonstrador na agawin ang hose ng bombero. (KR Guda)

Itinutok nila sa mismong mga bombero at pulis ang hose. Di rin nagtagal nang maagaw muli ng mga pulis ang hose. (KR Guda)

Itinutok nila sa mismong mga bombero at pulis ang hose. Di rin nagtagal nang maagaw muli ng mga pulis ang hose. (KR Guda)

Nakarating ang ilan sa paanan ng Mendiola pero agad naman silang itinulak at pinagpapalo ng mga pulis. May ilang demonstrador na nakahawak ng kahoy para panangga at pamalo, pero karamihan ay walang-labang itinulak at pinagpapalo. (KR Guda)

Nakarating ang ilan sa paanan ng Mendiola pero agad naman silang itinulak at pinagpapalo ng mga pulis. May ilang demonstrador na nakahawak ng kahoy para panangga at pamalo, pero karamihan ay walang-labang itinulak at pinagpapalo. (KR Guda)

Binomba ng tubig ng pulis ang mga nagrali. Nanindigan at di nagpatinag ang ilan. (KR Guda)

Binomba ng tubig ng pulis ang mga nagrali. Nanindigan at di nagpatinag ang ilan. (KR Guda)

Habang balisa ang mga demonstrador sa pambabasa ng bombero, nagsimula ang pamamalo ng mga pulis. (KR Guda)

Habang balisa ang mga demonstrador sa pambabasa ng bombero, nagsimula ang pamamalo ng mga pulis. (KR Guda)

Nasugatan at nasaktan ang ilang kabataan. (KR Guda)

Nasugatan at nasaktan ang ilang kabataan. (KR Guda)

Kahit nasaktan na, patuloy na itinaboy at pinagpapalo ng mga pulis ang mga demonstrador. (KR Guda)

Kahit nasaktan na, patuloy na itinaboy at pinagpapalo ng mga pulis ang mga demonstrador. (KR Guda)

Inagaw ng isang demonstrador ang truncheon na pinampupukpok sana ng isang pulis. (KR Guda)

Inagaw ng isang demonstrador ang truncheon na pinampupukpok sana ng isang pulis. (KR Guda)

Agawan ng truncheon. (KR Guda)

Agawan ng truncheon. (KR Guda)

Naipit ang isang kabataang aktibista, at pinagpapalo siya ng mga pulis. (KR Guda)

Naipit ang isang kabataang aktibista, at pinagpapalo siya ng mga pulis. (KR Guda)

Buti na lamang, naagaw siya ng isang kasamahan. (KR Guda)

Buti na lamang, naagaw siya ng isang kasamahan. (KR Guda)

Umiyak sa galit ang ilang kabataang aktibista. (KR Guda)

Umiyak sa galit ang ilang kabataang aktibista. (KR Guda)

Patuloy ang pagtutulak ng mga pulis sa Legarda. (KR Guda)

Patuloy ang pagtutulak ng mga pulis sa Legarda. (KR Guda)

Pinagduduro ang isang pulis ng isang nanggagaliting aktibista sa pandarahas ng nauna. (KR Guda)

Pinagduduro ang isang pulis ng isang nanggagaliting aktibista sa pandarahas ng nauna. (KR Guda)

Hanggang sa paanan ng flyover sa dulo ng Legarda ang mga pulis. (KR Guda)

Hanggang sa paanan ng flyover sa dulo ng Legarda ang mga pulis. (KR Guda)

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/12/brutal-dispersal-sa-kampuhan-human-rights-day/feed/ 2
Larawan: Kabataan na ‘ookupa’ sa Mendiola, hinarang ng pulis http://pinoyweekly.org/new/2011/12/larawan-kabataan-na-ookupa-sa-mendiola-hinarang-ng-pulis/ http://pinoyweekly.org/new/2011/12/larawan-kabataan-na-ookupa-sa-mendiola-hinarang-ng-pulis/#comments Tue, 06 Dec 2011 17:39:51 +0000 Pinoy Weekly Staff http://pinoyweekly.org/new/?p=17095 Kampuhan sa Mendiola ang pinlano ng mga kabataan, kasama ang iba pang sektor, mula Dis. 6 hanggang 10. Gusto nilang sabayan ang penomenon ng kilusang protesta ng “Occupy” sa US at iba pang bahagi ng mundo para bigyang-liwanag sa publiko ang “bulok na sistema” na pinangingibabawan ng isang porsiyentong mayayaman at makapangyarihan at 99 porsiyentong naghihirap.

Habang nakakampo sa Mendiola, plano nilang maglunsad ng mga pangkulturang presentasyon, porum, diskusyon, workshops, at iba pang gawain na may ugnay sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya at pandaigdigang krisis.

Pero pinakatan ng bata-batalyong pulis ang martsa nila. Tinangkang idispers ang mga nagprotesta at hinarang sa Recto Avenue. Napilitan silang magkampo muna sa Plaza Miranda, Manila para magpalipas ng gabi.

“Pinakikita lamang nito na desperado na ang gobyernong pigilin ang galit ng sanlaksang mamamayang lumalaban para sa tunay na pagbabago, para sa isang makatarungang lipunang nagsisilbi sa nakararami,” sabi ni Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan at tagatipon ng Kilos Na, isang multisektoral na alyansa kontra budget cut sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan.

Sinabi pa ni Crisostomo na tatangkain nilang muling magkampo sa Mendiola sa susunod na mga araw. Sinabi ng mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at iba pang organisasyon na makikiisa sila sa kampuhan ngayong Disyembre 7.

Nagtipon ang mga kabataan at iba pang sektor sa Espana, Manila noong Disyembre 6 para magmartsa patungong Mendiola. Sa Mendiola, plano nilang magkampo hanggang Disyembre 10. Dala nila ang temang "sawang sawa na" ang mga mamamayan sa sistemang umiiral kung saan isang porsiyento umano ng populasyon ang nagpapakasasa sa yaman habang 99 porsiyento ang naghihirap. (Darius Galang)

Nagtipon ang mga kabataan at iba pang sektor sa Espana, Manila noong Disyembre 6 para magmartsa patungong Mendiola. Sa Mendiola, plano nilang magkampo hanggang Disyembre 10. Dala nila ang temang "sawang sawa na" ang mga mamamayan sa sistemang umiiral kung saan isang porsiyento umano ng populasyon ang nagpapakasasa sa yaman habang 99 porsiyento ang naghihirap. (Darius Galang)

Parol ang bitbit ng mga guro na lumahok sa martsa. (Darius Galang)

Parol ang bitbit ng mga guro na lumahok sa martsa. (Darius Galang)

Nagdala ng tent ang mga kabataan; handa silang magkampo sa Mendiola. (Darius Galang)

Nagdala ng tent ang mga kabataan; handa silang magkampo sa Mendiola. (Darius Galang)

Nilalabanan umano nila ang kaltas-badyet sa serbisyong panlipunan, gayundin ang lumalalang krisis sa ekonomiya at ang matinding kahirapan sa bansa. (Darius Galang)

Nilalabanan umano nila ang kaltas-badyet sa serbisyong panlipunan, gayundin ang lumalalang krisis sa ekonomiya at ang matinding kahirapan sa bansa. (Darius Galang)

Sa Morayta Avenue pa lamang, hinarang na ng mga pulis ang martsa. (Darius Galang)

Sa Morayta Avenue pa lamang, hinarang na ng mga pulis ang martsa. (Darius Galang)

Naggiit ang mga kabataan na makatuloy sa Mendiola. (Darius Galang)

Naggiit ang mga kabataan na makatuloy sa Mendiola. (Darius Galang)

Taas-kamao sa kabila ng banta ng pandarahas. (Darius Galang)

Taas-kamao sa kabila ng banta ng pandarahas. (Darius Galang)

Taas-kamao sa kabila ng bata ng pandarahas. (Marlon Nombrado / UJP-UP Diliman)

Taas-kamao sa kabila ng bata ng pandarahas. (Marlon Nombrado / UJP-UP Diliman)

Dahil di matinag ang kanilang hanay, ginamitan ng mga pulis ang mga nagpoprotestang kabataan ng tubig mula sa fire truck. (Neil Vincent Monsalud)

Dahil di matinag ang kanilang hanay, ginamitan ng mga pulis ang mga nagpoprotestang kabataan ng tubig mula sa fire truck. (Neil Vincent Monsalud)

Ginamitan pa ng mga pulis ng truncheon na pamalo ang mga nanindigang kabataan. (Tudla Productions)

Ginamitan pa ng mga pulis ng truncheon na pamalo ang mga nanindigang kabataan. (Tudla Productions)

Hindi nagpatinag ang mga kabataan, kahit matapos basain ng tubig mula sa water cannon ng mga bombero. (KR Guda)

Hindi nagpatinag ang mga kabataan, kahit matapos basain ng tubig mula sa water cannon ng mga bombero. (KR Guda)

Nagbigay ng alas-5:30 ng hapon na taning ang mga pulis bago nila muling bombahin ng tubig ang mga nagpoprotesta. (KR Guda)

Nagbigay ng alas-5:30 ng hapon na taning ang mga pulis bago nila muling bombahin ng tubig ang mga nagpoprotesta. (KR Guda)

Ginabi na ang mga kabataan, pero nanatili sila sa Recto Avenue. Alas-6:30 ng gabi, tumulak sila ng Plaza Miranda para doon muna magkampo. Nangako silang babalik para muling tangkaing makapagkampo sa Mendiola. (KR Guda)

Ginabi na ang mga kabataan, pero nanatili sila sa Recto Avenue. Alas-6:30 ng gabi, tumulak sila ng Plaza Miranda para doon muna magkampo. Nangako silang babalik para muling tangkaing makapagkampo sa Mendiola. (KR Guda)

Bidyo ng paggamit ng water cannon ng pulis, mula kay Fred Dabu, kontribyutor ng Pinoy Weekly:

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/12/larawan-kabataan-na-ookupa-sa-mendiola-hinarang-ng-pulis/feed/ 0
Larawan: Konboy ni Hillary Clinton, ‘binomba’ ng pinta sa Manila http://pinoyweekly.org/new/2011/11/larawan-konboy-ni-hillary-clinton-binomba-ng-pinta-sa-manila/ http://pinoyweekly.org/new/2011/11/larawan-konboy-ni-hillary-clinton-binomba-ng-pinta-sa-manila/#comments Thu, 17 Nov 2011 16:52:57 +0000 Danny Pata http://pinoyweekly.org/new/?p=16579 Matapang na nagsagawa ng lightning rally ang mahigit 50 kabataang miyembro ng Anakbayan, League of Filipino Students (LFS) at iba pang militanteng grupo ng kabataan sa harap ng National Museum noong Nob. 16 ng hapon. Ang kanilang target: konboy ng mga sasakyang nagdala kay US State Secretary Hillary Rodham Clinton, na galing sa isang porum.

Sa naturang porum, naghayag din ng protesta ang isa sa odyens, si Marjohara Tucay, punong patnugot ng Philippine Collegian sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Binatikos ng mga militante ang Visiting Forces Agreement, na ginagamit umano ng gobyerno ng US na dahilan para permanenteng magpanatili ng kanilang armadong puwersa sa bansa. Kinondena rin nila ang RP-US Mutual Defense Treaty. Ika-60 anibersaryo noong araw na iyon ng MDT, at siyang ipinunta ni Clinton sa Pilipinas.

“Ekstensiyon lamang ito (MDT) ng pangingibabaw ng (goberynong) US sa ating bansa at sa mga interes nito sa mga karatig nating bansa,” saad ni Aki Merced, tagapagsalita ng LFS.

Nagbalik-tanaw si Merced sa naging tindig ng US at ng MDT noong kasagsagan ng sigalot para sa Spratlys. (Ulat ni Darius R. Galang)

Alas-2:30 ng hapon, sa labas ng National Museum, nagtipon na ang mga militanteng kabataan para hintayin ang pagdaan ng konboy ni Clinton. (Danny Pata)

Alas-2:30 ng hapon, sa labas ng National Museum, nagtipon na ang mga militanteng kabataan para hintayin ang pagdaan ng konboy ni Clinton. (Danny Pata)

Sa Ayala Bridge, nagawa ng nagprotestang mga kabataan na harangan ang mismong konboy ni Clinton, kaya napilitan itong tumalikod at bumalik sa dinaanan. (Danny Pata)

Sa Ayala Bridge, nagawa ng nagprotestang mga kabataan na harangan ang mismong konboy ni Clinton, kaya napilitan itong tumalikod at bumalik sa dinaanan. (Danny Pata)

Agad na marahas silang dinispers ng mga pulis. (Danny Pata)

Agad na marahas silang dinispers ng mga pulis. (Danny Pata)

Watawat ng US na naglalaman ng pagkondena nila sa RP-US Mutual Defense Treaty ang niladlad ng nagprotestang kabataan. (Danny Pata)

Watawat ng US na naglalaman ng pagkondena nila sa RP-US Mutual Defense Treaty ang niladlad ng nagprotestang kabataan. (Danny Pata)

Tinangka ng mga pulis na agawin ang dalang watawat ng mga demonstrador. (Danny Pata)

Tinangka ng mga pulis na agawin ang dalang watawat ng mga demonstrador. (Danny Pata)

Patuloy na naggiit ang kabataan sa kabila ng pagharang ng pulis. (Danny Pata)

Patuloy na naggiit ang kabataan sa kabila ng pagharang ng pulis. (Danny Pata)

Paggiit ng kabataan sa harap ng mga pulis. (Danny Pata)

Paggiit ng kabataan sa harap ng mga pulis. (Danny Pata)

Nakipaggitgitan ang mga militanteng kabataan, sa pangunguna ni Vencer Crisostomo ng Anakbayan (naka-asul na polo shirt), sa mga pulis. (Danny Pata)

Nakipaggitgitan ang mga militanteng kabataan, sa pangunguna ni Vencer Crisostomo ng Anakbayan (naka-asul na polo shirt), sa mga pulis. (Danny Pata)

Isa sa mga sasakyan ng konboy ni Clinton na nabato ng paint bomb. (Danny Pata)

Isa sa mga sasakyan ng konboy ni Clinton na nabato ng paint bomb. (Danny Pata)

Pinigilan ng mga seguridad ni Clinton na kuhanan ng midya ang naturang opisyal ng gobyerno ng US. (Danny Pata)

Pinigilan ng mga seguridad ni Clinton na kuhanan ng midya ang naturang opisyal ng gobyerno ng US. (Danny Pata)

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/11/larawan-konboy-ni-hillary-clinton-binomba-ng-pinta-sa-manila/feed/ 0
Video: Welga ng estudyante, guro, kawani ng SUCs kontra budget cut http://pinoyweekly.org/new/2011/09/video-welga-ng-estudyante-guro-kawani-ng-sucs-kontra-budget-cut/ http://pinoyweekly.org/new/2011/09/video-welga-ng-estudyante-guro-kawani-ng-sucs-kontra-budget-cut/#comments Mon, 26 Sep 2011 09:29:56 +0000 Kenneth Roland A. Guda http://pinoyweekly.org/new/?p=15513

Martsa patungong Mendiola, Manila. (KR Guda)

Martsa patungong Mendiola, Manila. (KR Guda)

Aabot sa 10,000 estudyante, guro, kawani at administrator mula sa state universities and colleges (SUCs) ang lumahok sa pambansang welga kontra sa pagkakait diumano ng gobyernong Aquino ng sapat na badyet para sa pangkolehiyong edukasyon.

Ayon kay Florencio Abad, sekretaryo sa Department of Budget and Management ng administrasyong Aquino, hindi naman binawasan ang badyet ng SUCs kundi dinagdagan pa nga. Ngunit iginiit ng mga grupong pangkabataan na kulang na kulang pa rin ito sa hinihinging P45.8-Bilyon na kailangan ng SUCs para maipagpatuloy ang kahit papano’y abot-kayang edukasyong pangkolehiyo.

Sinabi ni Vencer Crisostomo, pangkalahatang kalihim ng Kabataan Party-list, na ipagpapatuloy nila ang paghimok sa mga estudyante, guro, kawani at administrador, para sumuporta sa kampanya.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/09/video-welga-ng-estudyante-guro-kawani-ng-sucs-kontra-budget-cut/feed/ 0