
Nadismaya ang internasyunal na grupong Human Rights Watch sa kabiguan noon ng gobyernong Arroyo na parusahan ang mga miyembro ng militar na sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao. Nang muling siyasatin ng grupo ang sitwasyon ngayon, natuklasan nitong halos walang nagbago.

The Filipino human rights defenders visited Canada as the Philippine government was preparing to undergo a Universal Periodic Review (UPR), a state-driven process involving a review of the human rights records of all 192 United Nations (UN) member states once every four years
May 10 2012 | Posted in
Lathalain,
Videos |
Read More »

Naaalala mo pa ba ang una mong rali? Samahan si Jessico Tolosa, isang manggagawa ng Pentagon Workers’ Union, sa kanyang unang Mayo Uno sa kalsada. Panoorin ang pagkilos ng libu-libong manggagawa sa dakilang Araw ng Paggawa, sa mata ng isang baguhan sa pakikibaka ngunit beterano sa hirap at pagsasamantala.

Ang makulay na selebrasyon ng Araw ng Kordilyera sa isang bulubunduking pamayanan ng mga katutubo sa Kalinga, na sama-samang humaharap sa banta ng pagpasok ng geothermal plant ng Chevron Corporation.

Sa gitna ng malawakang Balikatan Exercises at pinaigting na presensiyang militar ng US sa bansa, ang pagpapalayas sa mga tropang Amerikano ang unang hakbang tungong tunay na soberanya

Kinalampag si Pangulong Aquino at humingi ng suporta sa publiko ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita sa gitna ng tumitinding tensiyon sa loob ng asyenda dulot ng pagpigil ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) sa pagbubungkal ng mga dating manggagawang-bukid sa 184-ektaryang lupain sa Brgy. Balete.

Isang raling iglap sa Mendiola ang isinagawa ng mga kasapi ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Timog Katagalugan (PKM-TK) kaninang umaga bilang paggunita sa ika-43 na anibersaryo ng New People’s Army (NPA). Iniladlad ng mga demonstrador ang isang higanteng mural ni Gregorio “Ka Roger” Rosal, ang pumanaw na tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines. Tumagal [...]

Isang bidyo-ulat ng Mayday Multimedia at Pinoy Weekly sa protesta-pagdiriwang noong Marso 8, International Women’s Day

Naninindigan ang mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita na bungkalin ang lupain ng asyenda–kahit na ang mga lupaing ibinenta ng mga Cojuangco-Aquino sa iba’t ibang korporasyon, tulad ng RCBC. Giit nila, bahagi ng asyenda ang naturang mga lupain. Bahagi ito ng dapat na kagyat nang ipamahagi sa kanila.

Mula sa iba’t ibang dinemolis na komunidad sa Metro Manila, nagsisikap ang kababaihan sa relokasyon sa Montalban, Rizal na buhayin ang kani-kanilang pamilya. Tila napakahirap nito sa pabahay ng gobyerno na malayo sa hanapbuhay, walang akses sa batayang mga serbisyo, substandard, at wala pa ring kaseguruhan na mapapasakanila.