Pinoy Weekly » Videos http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Sat, 21 Mar 2015 10:35:23 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.1.1 VIDEO | Nora Aunor: ‘Si Noynoy ang pangunahing pahamak sa ating kababayan’ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/video-nora-aunor-si-noynoy-ang-pangunahing-pahamak-sa-ating-kababayan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/video-nora-aunor-si-noynoy-ang-pangunahing-pahamak-sa-ating-kababayan/#comments Wed, 18 Mar 2015 02:29:21 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34296

(Teksto ng talumpati ni Nora Aunor sa Mendiola Bridge, Manila, sa protesta kaalinsabay ng ika-20 taon ng pagbitay kay Flor Contemplacion na pinangunahan ng Migrante International.)

The Flor Contemplacion Story: 20 taon ang lumipas

Noon pa man, naniniwala na po ako na ang ating mga OFW ang isa sa pinakaaping sektor ng ating bansa. Isa rin po sila sa laging napapabayaan ng gobyerno. Kaya nang alukin po akong gawin at gampanan ang buhay ni Flor nang ito po ay isapelikula, hindi po ako nagdalawang-isip. Nang makilala ko po ang pamilya ni Flor ay lalo ko pog naintindihan ang sinasapit ng ating mga kababayan abroad. Kaya di po nagtagal gumawa kami ng dulang “DH” na tungkol din po sa ating mga kababayang OFW.

Naririto po ako kasama ninyo upang makiisa sa panawagan na ating protektahan at ipaglaban ang mga kababayan nating OFW.

Taong 1995 nang bitayin si Flor Contemplacion sa Singapore at kasabay na namatay ang marami nating akala.

Akala natin ay paraiso ang maging migrante sa ibang bayan. Akala natin ay maaayos ang buhay ng ating mga pamilya sa pangingibang bayan ni tatay o ni nanay. Akala natin ay uunlad din ang ating bayan sa laki ng remittance na ipinapasok ng mga OFW (overseas Filipino worker) sa bansa.

Mali pala. Kaya naman makaraan ang 20 taon mas masahol pa ang kalagayan ng mga migranteng Pilipino ngayon kaysa noong panahon ni Flor. At sa kabila ng walang-patid na mga kaso ng rape, pang-aabuso, pagmamaltrato, paglabag sa mga labor contract, pag-aresto, pagkulong, mas dumami pa ang lumalabas na OFW, na tinatayang dalawang milyon bawat taon.

Sa kabila nito, tuluy-tuloy ang lantarang atake sa kabuhayan at karapatan ng mga manggagawa at pamilya sa loob at labas ng bansa. Paparami at papalubha ang kalagayan ng ating mga kababayang nabibiktima ng puwersahang migrasyon at labor export policy ng gobyerno.

Ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing pinanggagalingan ng mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment, pang-aabuso, pangmamaltrato, pangongotong, rape at sexual harassment, pang-aalipin, pagpatay, crackdown, diskriminasyon, kalamidad at krisis sa ibang bansa. Lalong dumami, milyun-milyon, ang mga nabiktima sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino. Karamihan sa kanila ay napipilitang lumabas ng bansa sa paraang legal man o ilegal, at nakararanas ng mapagsamantalang mga kundisyon sa labas ng bansa.

Sa kabila nito, nananatiling hungkag at ilusyon ang “matuwid na daan” at pagpapakitang-tao ni Noynoy, na hindi na natin aasahang magpapatupad pa ng matinong programa para sa mga OFW.

Ang totoo, si Noynoy mismo ang pangunahing tagabenta, pahirap at pahamak ng ating mga kababayan. Dahil sa kanyang mga patakaran at kawalang-aksyon, dahil sa kanyang pagpapakatuta sa imperyalistang dayuhan, siya mismo ang nagtataboy sa ating mga manggagawang Pilipino na lumabas ng bansa. At dahil sa kanyang patuloy na pagpapatupad ng patakarang labor export, siya ang pinakamasahol na pangulo para sa migranteng Pilipino at pamilya.

Ibig sabihi’y tumitindi pa ang kahirapan, sahod-alipin o di-nakabubuhay na sahod, kawalan ng empleyo, at pambubusabos sa loob mismo ng ating bansa. Pinalala pa ito ng pangungulimbat sa kaban ng bayan ni Aquino at kanyang mga alipores. Dahilan ito para lalong maghimagsik ang migrante at mamamayan.

Pero tama ang akala na may paraan pa. Kung tayo’y nagkakaisa at sama-samang nakikibaka. Hindi lamang ang mga migrante at kanilang pamilya kundi kasama ang malawak na bilang ng mamamayan.

Walang araw na hindi tayo nakikipaglaban sa mga kaso ng karapatan at kagalingan ng mga migrante. Ngunit ang mga ito’y kagyat at pansamantala, at pabalik-balik lang na mga problema.

Aunor, noong kanyang pagtalumpati. <b>KR Guda</b>

Aunor, noong kanyang pagtalumpati. KR Guda

Ang higit na mahalaga’y lutasin mismo ang ugat ng problema. Hindi na natin kailangang mangibang-bayan pa kung may trabaho sa bansa na kayang bumuhay ng pamilya. Kung may pambansang industriyalisasyon. Kung may tunay na reporma sa lupa. Kung may tunay na pagbabago sa bulok na sistema.

Hindi na natin kailangan pa ang maraming biktima ng pangangalakal, pang-aalipin at pagsasamantala. Hindi na natin kailangan ng mga pamilyang naulila’t nagdurusa para sabihin sa ating mga sarili: “Tama na, sobra na! Noynoy, resign na!”

Kailangan na natin ng tunay na pagbabago sa lipunang ito.

Noynoy, papet, pahirap at pahamak sa migranteng Pilipino at pamilya! Nakabubuhay na sahod sa Pinas, hindi trabaho sa labas! Serbisyo, hindi negosyo! Proteksyon, hindi koleksyon!

Labor export policy, ibasura! Tama na, sobra na! Noynoy, resign na! Umalis ka na diyan! Ito po ang gusto ko at gusto nating lahat.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/video-nora-aunor-si-noynoy-ang-pangunahing-pahamak-sa-ating-kababayan/feed/ 0
VIDEO | Mamasapano: Ang Pinakahuling Disaster ni Aquino http://pinoyweekly.org/new/2015/02/video-mamasapano-ang-pinakahuling-disaster-ni-aquino/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/video-mamasapano-ang-pinakahuling-disaster-ni-aquino/#comments Mon, 09 Feb 2015 01:25:15 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33652

Ano ang papel ni Pangulong Aquino at ng gobyerno ng Estados Unidos sa palpak na operasyon sa Mamasapano?

Sa tinataguriang pinakahuling disaster sa ilalim ni Aquino, sumisigaw ng hustisya ang mga biktima, kasabay ng panawagan ng pagbibitiw ng pangulo. Sa video na ito, ipinapakita ang mga nasa likod ng Operation Wolverine. Ipinapakita rin ang epekto ng covert operation na ito sa katahimikan sa Mindanao at sa mga mamamayang Moro.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/video-mamasapano-ang-pinakahuling-disaster-ni-aquino/feed/ 0
WATCH: How Mendiola massacre happened http://pinoyweekly.org/new/2015/01/watch-how-mendiola-massacre-happened-from-an-asiavisions-newsreel/ http://pinoyweekly.org/new/2015/01/watch-how-mendiola-massacre-happened-from-an-asiavisions-newsreel/#comments Thu, 22 Jan 2015 09:14:43 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33431

The newsreel video above is a 21-minute newsreel of AsiaVisions on the massacre at Mendiola Bridge on January 22, 1987.

AsiaVisions was an alternative audio-visual institution during the 1980s until 1990s.

The video shows, among others, the scenes of the huge protest action by peasant organizations led by Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) on January 22, 1987, from Liwasang Bonifacio to Mendiola Bridge.

Peasant protesters push against cops, seconds before shooting began. The protesters were unarmed.

Peasant protesters push against cops, seconds before shooting began. The protesters were unarmed.

In Mendiola, the newsreel (at 12:18) shows several fully-armed policemen and soldiers, including members of the Philippine Marines, guarding the bridge. At 14:42, the protesters reached Mendiola Bridge, which by then had already been fortified by heavily-armed cops and soldiers. At 15:03, the protesters began pushing against the police barricade. They were unarmed.

At 16:18, shots began to be heard. Smoke and shots were evidently coming from police ranks. They began shooting at the protesters, most of whom were landless peasants demanding for genuine agrarian reform promised by then-newly installed Pres. Corazon Aquino, the current President’s mother.

Thirteen peasant protesters were killed during that day, while scores were injured.

Until now, the victims’ families still seek justice for their slain relatives, while genuine agrarian reform in the Philippines remains a dream for landless Filipino peasants who comprise majority of the country’s population.

Pinoy Weekly is uploading this newsreel as a matter of public record.

The video was digitized by Prof. Rose Roque of University of the Philippines-Manila, who has extensively researched on AsiaVisions’ work. The video is also courtesy of IBON Foundation, Inc., who owns the rights to AsiaVisions’ videos.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/01/watch-how-mendiola-massacre-happened-from-an-asiavisions-newsreel/feed/ 0
Video Analysis | Missing Pope Francis http://pinoyweekly.org/new/2015/01/video-missing-pope-francis/ http://pinoyweekly.org/new/2015/01/video-missing-pope-francis/#comments Sun, 18 Jan 2015 08:10:46 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33303

IMG_1241Pope Francis has touched the lives of many Filipinos. But is there a point to his visit that we may have missed?

In this video analysis by PinoyMedia Center, Fr. Ben Alforque of People’s Committee to Welcome Pope Francis talks about how the pope’s progressive teachings are being suppressed, in the same way that Filipino progressives by the Aquino government were prevented from seeing the Pope, whom they consider to be one with them in the struggle for social justice and equality.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/01/video-missing-pope-francis/feed/ 0
Public Service Advertisement | Killings as Ritual, Stop Oplan Bayanihan http://pinoyweekly.org/new/2014/12/public-service-advertisement-killings-as-ritual-stop-oplan-bayanihan/ http://pinoyweekly.org/new/2014/12/public-service-advertisement-killings-as-ritual-stop-oplan-bayanihan/#comments Thu, 04 Dec 2014 06:50:48 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=32736

 

A Lumad ritual depicts the state of human rights in the country. A public service advertisement by PinoyMedia Center.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/12/public-service-advertisement-killings-as-ritual-stop-oplan-bayanihan/feed/ 0
VIDEO | A Wake and a Warship: Fight for Justice for Jennifer Laude Begins http://pinoyweekly.org/new/2014/10/video-fight-for-justice-for-jennifer-laude-begins/ http://pinoyweekly.org/new/2014/10/video-fight-for-justice-for-jennifer-laude-begins/#comments Tue, 21 Oct 2014 17:07:48 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31912

jennifer laude screen grabEven as Jennifer Laude’s family grieves, they are starting to fight for justice. Together with progressive groups, they trooped to the US warship where US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton is said to remain, in US custody. The killing of the Filipino transgender allegedly by Pemberton renews calls to junk the Visiting Forces Agreement, and other US-PH military agreements that protect US soldiers who commit crimes in Philippine soil.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/10/video-fight-for-justice-for-jennifer-laude-begins/feed/ 0
ESKINITA Episode 5 | #Throwback Kabataan http://pinoyweekly.org/new/2014/09/eskinita-episode-5-throwback-kabataan/ http://pinoyweekly.org/new/2014/09/eskinita-episode-5-throwback-kabataan/#comments Wed, 17 Sep 2014 07:01:33 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31481

 

Eskinita 5 posterSa #Throwback Kabataan, inusisa ng Eskinita host na si Noel Colina kung ano na nga ba ang pag-asa ng mga kabataan na makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang kanilang mga pangarap. Sa panayam sa mga kabataang tipikal at di-tipikal, makikita ang alternatibong mga pananaw sa edukasyon at pagsisilbi sa bayan.

 
 
 

Host: Noel Colina

Direksiyon: JL Burgos

Cinematography: King Catoy, JL Burgos, Ilang-Ilang Quijano & Eric Tandoc

Production Management: Victoria Domingo

Editing: JL Burgos & Kamuning

Motion graphics: Karla Ujano

Script: Michael Andrada & Ilang-Ilang Quijano

Additional Online Editing & Sound Mix: King Catoy

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/09/eskinita-episode-5-throwback-kabataan/feed/ 0
DOCUMENTARY | Holiday Bust http://pinoyweekly.org/new/2014/08/documentary-holiday-bust/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/documentary-holiday-bust/#comments Thu, 14 Aug 2014 05:14:40 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30979

holiday bust frame grab

 

A documentary on how one of the world’s top supplier of microchips used by popular brands such as Apple, Samsung, Bosch, Huawei, etc. treats its workers in the Philippines. Twenty-four union officials of NXP Semiconductors Cabuyao Inc. were illegally terminated in an attempt to destroy the country’s largest and oldest surviving worker’s union.

 

Produced by PinoyMedia Center in cooperation with Mayday Multimedia
Direction, cinematography & editing by King Catoy & Ilang-Ilang Quijano
Production management by Jun Ressureccion

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/documentary-holiday-bust/feed/ 0
ANIMATION | Pangarap Ko Sa Pilipinas http://pinoyweekly.org/new/2014/08/video-pangarap-ko-sa-pilipinas/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/video-pangarap-ko-sa-pilipinas/#comments Thu, 07 Aug 2014 09:26:51 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30824

PW-Pangarap ko sa Pilipinas-featuredIn the midst of poverty and crisis, a young girl dreams of a better country and governance for the Filipino people. This Public Service Announcement is a PinoyMedia Center (PMC) Production, produced by Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM).

Direction and animation: Karla Ujano
Editing: King Catoy
Script: Ilang-Ilang Quijano
Voice talent: Justine Flores
Illustrations: PMC volunteer artists

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/video-pangarap-ko-sa-pilipinas/feed/ 0
VIDEO | Frontlines of the People’s SONA 2014 http://pinoyweekly.org/new/2014/07/video-frontlines-of-the-peoples-sona-2014/ http://pinoyweekly.org/new/2014/07/video-frontlines-of-the-peoples-sona-2014/#comments Wed, 30 Jul 2014 08:20:18 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30746

sona water cannons grabCitizens who held a “People’s SONA (State of the Nation Address)” to call for President Aquino’s accountability for the illegal Disbursement Acceleration Program and ouster for various “crimes against the people” were pushed back by water cannons along Commonwealth Avenue in Quezon City. But the people stood their ground.

Cinematography & Editing: Ilang-Ilang Quijano

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/07/video-frontlines-of-the-peoples-sona-2014/feed/ 1