Pinoy Weekly » Opinyon http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Sat, 21 Mar 2015 10:35:23 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.1.1 Dear Migrante http://pinoyweekly.org/new/2015/03/dear-migrante/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/dear-migrante/#comments Sat, 21 Mar 2015 09:59:15 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34336 Day-off mo ba ngayon o tambak ang trabaho? Dahil tayo ay magkalayo, magsulatan tayo kahit nasa magkabilang panig ng mundo. Paglapitin natin at ituring na nakatagpo kayo ng kaibigan, kahuntahan sa nakakatawang eksena ng mga biyahe, karamay sa homesick at kakampi mula sa malulupit na amo o pagtawag ng pansin sa gobyerno.

Malugod na ibinubukas ang pitak na ito sa lahat ng migranteng Pilipino sa bawat sulok ng mundo at kanilang mga pamilya. Linggu-linggo simula ngayon, ilalathala ang inyong mga katanungan na mainit naming sasagutin. Ang mga kuwento ninyo ay istorya ng milyong migranteng Pilipino.

Ngayong Marso 17 ang ika-20 taon ng paggunita sa pagkamatay ni Flor Contemplacion, kababayan nating pinatay sa Singapore noong 1995. Sa kanyang pagkamatay, nalantad ang pait ng puwersahang migrasyon sa ilalim ng programa ng gobyerno.

Dalawampung taon makalipas, mas maraming Flor. Mas dumami araw-araw ang lumalabas ng bansa at nawawasak ang pamilya. Napupuno ang mga balikbayan box ng pangungulila, kahirapan at panganib.

Inaanyayahan namin kayong lumiham. May maaasahan kayong sagot di tulad ng mga ahensiya at opisina na “sorry we’re closed o the number you dialed is busy right now.” Pag-usapan natin. Kayo ba ay nabiktima ng ilegal na rekruter, minaltrato, hindi pinasahod o may iuuwing bangkay? May hindi ba nasunod sa nakasaad sa kontrata, hindi nabibigyan ng off, may hinahanap na kamag-anak sa abroad o may sumisigaw ng “ibalik ninyo ako sa Pilipinas”? Hangga’t may nabibiktima at napagsasamantalahang OFW, may Migrante.

Sa paggunita kay Flor at pagpupugay sa mga bagong bayani, gamitin natin ang espasyong ito. Ang inyong kuwento ay aming adbokasiya at krusada. Dalawampung taon na rin nang inianak ang Migrante International na patuloy na nagtataguyod ng interes at kapakanan ng migranteng Pilipino at nagluwal ng makukulay na pakikibaka at tagumpay sa ngalan ng migrante at sambayanang Pilipino.

Makakaasa po kayo sa aming tugon. Siyempre pa, ang pinakamasarap pa ring matanggap na liham ay “Dear migrante, hindi ko day-off, pauwi na ako ng Pinas sa tahanan ko, for good.” Higit sa lahat, hinihintay po namin ang inyong pagbabalik.

Lumiham sa dearmigrante@gmail.com. Tumungo sa #45 Cambridge St. Cubao, Quezon City at pinakamalapit na tanggapan ng Migrante sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Bumisita sa www.migranteinternational.org at Fb.com/migranteinternational.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/dear-migrante/feed/ 0
‘Pag nagmahal (ang tuition and other school fees), laging may nasasaktan http://pinoyweekly.org/new/2015/03/pag-nagmahal-ang-tuition-and-other-school-fees-laging-may-nasasaktan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/pag-nagmahal-ang-tuition-and-other-school-fees-laging-may-nasasaktan/#comments Thu, 19 Mar 2015 17:24:57 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34322 ‘Di pa rin natatapos ang laban ng kabataan at mag-aaral sa pagtaas ng tuition and other school fees (TOSF) at patuloy na deregulasyon at komersiyalisasyon ng edukasyon.

Mariin ang pagtutol ng mga estudyante sa buong bansa sa mga nagdaang linggo. Ipinamalas ng kabataan ang kanilang ‘di pagsang-ayon sa isa na namang round ng pagtaas ng mga bayarin sa mga kolehiyo at pamantasan.

Sa taya ng Rise for Education Alliance (R4E), may 400 na unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ang magtataas ng TOSF. Milyong estudyante na naman ang pahihirapan o titigil sa pag-aaral dahil sa pagtaas ng bayarin sa paaralan.

Kamakailan, may isa na namang mag-aaral ang nagpatiwakal dahil ‘di mabayaran ang gastusin sa unibersidad. Si Rosanna Sanfuego, isang freshie sa Cagayan State University (CSU), ay nagawang kitilin ang sariling buhay dahil sa ‘di na kayang matustusan ng kanyang pamilya ang kanyang pag-aaral. Tuition-free ang CSU at miscellaneous fees o other school fees (OSF) na nagkakakahalaga ng P2,800 at iba pang gastusin sa kanyang pag-aaral ang ‘di na kayang tugunan ng kanyang mga magulang.

Tulad ng Kristel Tejada ng University of the Philippines Manila dalawang taon na ang nakalilipas, si Rosanna ay isa ring biktima ng mga ‘di makatarungang polisiya ng administrasyong Aquino na ibayong deregulasyon at komersiyalisasyon ng edukasyon at ipaubaya ito sa pribadong sektor na magbubunga sa mas matataas na bayarin.

Samantala, sa nakaraang pulong ng Board of Regents ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), pinigilan ng mga iskolar ng bayan na maipasa ang halos 1600 porsiyentong taas-matrikula sa PUP sa papasok na senior high school students. ‘Di pa kasama dito ang libu-libong OSF at papatak sa P16,000 ang babayaran ng senior high school students ng PUP. PUP pa rin hanggang sa kasalukuyan ang may pinakamababang matrikula sa buong bansa na may P12 kada yunit na.

Sinabi ni President Emmanuel de Guzman ng PUP na sinungaling ang mga mag-aaral na humarang sa mga dadalo sa pulong na walang taas-singil sa PUP. Kamuntik na siyang kuyugin ng mga mag-aaral noong lumabas siya at sabihing walang taas-singil sa PUP. Ngunit malinaw sa agenda ng pulong sa kopya ni Student Regent Alexi Tiotangco na may dagdag-singil sa mga mag-aaral ng senior high school na tatanggapin ng PUP sa susunod na pasukan.

Sa patuloy na pagpapatupad ng mga polisiya tulad ng Education Act of 1982 at Higher Education Modernizaton Act of 1997, patuloy ang pagpapahintulot ng pamahalaan kasabwat ang Commission on Higher Education (CHED) ang walang tigil na pagtaas ng bayarin sa private higher educational institutions (PHEI) sa bansa. Parang isang stamp pad na lang ang CHED na tagaapruba na lamang ng pagtaas ng mga bayarin dahil nasa mismong polisiya ng estado na hayaang magtaas ang matrikula at iba pang bayarin.

Nakararanas rin paghihirap ng mga mag-aaral sa state universities and colleges (SUC) dahil ibinibigay ng Education Act of 1982 sa governing boards (Board of Regents o Board of Trustees) ang kapangyarihang magdesisyon sa mga bayarin na walang kaukulang konsultasyon sa mga mag-aaral.

Kadalasan sa loob ng mga board, may student regent o trustee man, hindi napapakinggan ang boses ng mga mag-aaral na siyang mayorya na maaapektuhan ng taas-bayarin. Tingnan na lang natin ang nangyari sa PUP kung saan desperadong itinuloy ang pulong ng Board of Regents maipasa lamang ang TOSF increase. Isipin na lang natin kung paano pa ang mga paaralang walang kinatawan ang mga estudyante sa loob ng board dahil mas maraming kinatawan ang administrasyon at mga itinalaga ng gobyerno.

Sa patuloy na pagtaas ng halaga ng edukasyon ay ‘di na kayang pag-aralin ng ordinaryong pamilyang kumikita ng minimum wage ang kanilang mga anak. Paano na lamang ang mga kabataang may pagnanais makatapos kung patuloy ang pag-akyat ng halaga ng edukasyon? Kahit sabihin nating maging working student, hirap pa rin dahil sa dami at mahal ng bayarin.

Sa patuloy na pagpapaubaya at labis na kalayaang ibinibigay ng mga polisiya ng administrasyong Aquino upang patuloy na maningil ng mga pagkamahal-mahal na bayarin ang mga estudyante at magulang, may mga kabataang patuloy na tumututol at lumalaban.

Naglunsad ng pambansang walkout ang kabataan noong ika-13 ng Marso. Libo-libong mag-aaral sa buong kapuluan ang lumahok upang ipanawagan ang edukasyon at hustisya at ang pagbaba sa puwesto ni Noynoy Aquino dahil sa kanyang patung-patong na kasalanan at krimen sa kabataan at mamamayan.

Sa serye ng pagkilos ng kabataan, nariyan rin ang paglabag sa kanilang mga demokratikong karapatan sa malayang pagpapahayag, pag-oorganisa at mapayapang pagtitipon. Aabot sa mahigit 100 mga paaralan ang patuloy na sumisiil sa mga demokratikong karapatan ng mga mag-aaral.

Sa University of Santo Tomas (UST), hinarangan ng administrasyon ng kurdon ang Plaza Mayor kung saaan balak maaglunsad ng programa ang mga mag-aaral laban sa TOSF increase. At may kasama pang trak ng bombero. Tahasang ring ni-red-tag ng mga tuta ng administrasyon sa loob ng UST Central Student Council ang mga grupo ng mag-aaral na tutol sa TOSF increase.

Sa iba pang pamantasan at kolehiyo sa bansa ay patuloy ang paglabag sa mga demokratikong karapatan. Sa National Teachers College, pinagbantaang patatalsikin ang isang progresibong lider-estudyante dahil sa candle-lighting activity sa harap ng kanilang kampus. Sa University of the East, dinahas at pinilit ang mga student council officer na pumirma sa “attendance sheet” ng konsultasyon. Sa Holy Angel University, hindi pinayagang mag-cover ang kanilang student publication sa konsultasyon. Sa Ateneo de Naga University, pinagbataang tatanggalan ng recognized status ang isang religious organization na sumama sa protesta laban sa tuition increase. Marami at mahaba ang ating listahan. Katunuyan, nagsampa na ng pormal na reklamo ang R4E sa Commission on Human Rights at CHED sa mga paglabag na ito.

Hindi kailanman magpapadaig ang kabataang Pilipino sa mga atakeng ito sa ating karapatan sa edukasyon at demokratikong karapatan. Hindi rin natin dapat na lamang tanggapin na masakit sa bulsa ang pag-aaral. Ang edukasyon bilang isang serbisyong panlipunan ay ‘di kailanman dapat pagkakitaan ng mga kapitalista-edukador at maging ng pamahalaan. Ito ay isang karapatan na dapat maabot ng kahit na sinong mamamayan, mayaman man o mahirap.

Magpapatuloy na dadaluyong sa lansangan ang kabataan at mamamayan para igiit ang karapatan para sa dekalidad at abot-kayang edukasyon at panagutin ang mga naghahari-hariang pilit umaagaw ng ating karapatan sa edukasyon.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/pag-nagmahal-ang-tuition-and-other-school-fees-laging-may-nasasaktan/feed/ 0
Guilly/Geary http://pinoyweekly.org/new/2015/03/guillygeary/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/guillygeary/#comments Fri, 13 Mar 2015 05:58:14 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34209 “The needle, the union,
The treadle, the bobbin. The code. The infamous blaze”
Shirt, Robert Pinsky

*    *    *

Ang pinakamalapit na lapit ko kina Guilly at Geary ay ‘yung pagsusuot ko ng black shirt na may mga mukha nila sa kilos protesta noong Pebrero 27.

FREE GEARY AT GUILLER ang panawagan ng political t-shirt na nakuha ko sa isang miyembro ng Kabataan Partylist Central Luzon.

*    *    *

“Sila’y mga taong
naglagay ng sariling mga buhay sa panganib
alang-alang sa pangarap
na lahat ay mabuhay nang walang panganib”

Hindi Iyan ang Aming Hinahanap, Alexander Martin Remollino

*    *    *

Hindi pa rin naililitaw ng mga militar sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño, alumni ng University of the Philippines Diliman, matapos silang dukutin noong 2006.

*    *    *

“Napunta kami sa Carranglan, Nueva Ecija upang saliksikin ng pangunahing problema ng mga tao rito. Nang masimulan namin ang aming interogasyon sa mga magsasaka, nakita namin na mayor na suliranin nila ay ang kawalang katiyakan sa kanilang lupang sinasaka. ‘Public Land’ ang halos 82% ng lagpas 70,000 ekt. Lupain ng Carranglan, at kalakhan sa mga tao ay magsasaka. At dahil sa iskemang national government na Public-Private-Partnership, at ‘LUPA’ ang pinakamalaking asset ng gubyerno , kaya naman naka-amba ang national project na Dalton Pass East Alignment Route Project sa bayang ito.”

Sulat ni Guiller Martin “Guilly” Cadano ang nasa itaas. Isinulat niya habang nasa loob ng San Jose City District Jail sa Brgy. Malasin, San Jose City, Nueva Ecija.

*    *    *

Isang hapon ng Agosto, noong isang taon, sina Guilly at Gerald “Geary” Salonga, alumni ng University of the Philippines Diliman Extension Program in Pampanga, ay dinukot ng 3rd Infantry Battalion.

*    *    *

When they kick at your front door
How you gonna come?
With your hands on your head
Or on the trigger of your gun?

The Guns of Brixton, The Clash

*    *    *

Hindi lang pinaghinalaang mga nakikisimpatiya sa New People’s Army (NPA) sina Guilly at Geary. Ayon sa militar, mga miyembro ng NPA at sinampahan ng inimbentong kaso ng illegal possession of firearms, ammunitions, and explosives. May natagpuan daw na mga armas at granada sa bahay kung saan “nahuli” ang dalawa. Mga unggoy rin ang nasa militar. Non-bailable kasi ang ganoong kaso.

*    *    *

Sino nga ba iyong kabataan din sa Visayas na sinampahan ng kasong murder ng militar eh nasa trabaho siya noong mga oras na nangyari diumano ang krimen? Nasa trabaho siya – sa call center, may suot na headset at nakaharap sa computer!

*    *    *

Noong February 12, muling dininig ang mga kaso nina Guilly at Geary. Pero imbes na lusawin ang kaso, nagdesisyon ang korte na sisimulan ang pre-trial sa Abril.

*    *    *

Pang-diary ang mga sulat ni Geary. Bago magsara ang taon, gumawa siya ng New Year’s Eve wishes (tradisyon na niya ito mula pa noong bata siya). Isa sa mga ito ay world peace. Hindi mawawala ang good health para sa lahat. At siyempre pa, ang paglaya ng mga ikinulong dahil sa kanilang paninindigang pampolitika.

*    *    *

May mga tula naman si Guilly. Isa na rito ang tulang “Laro ng Pyudalismo.” Inihambing niya ito sa chess. Sabi niya sa isang saknong:

“Kailangang may estratehiya
Kailangan din ng taktika
Kailanga’y hindi lamang taliw
Dunong din sa pagsasakripisyo.”

*    *    *

Nabasa ko pa ang papel kung saan isinulat ni Guilly (handwritten) ang tulang ito.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng “taliw” sa taludtod na iyon. Talim? Baka mispelled o mula sa katutubong wika. Ang mahalaga mulat ang dalawa sa mga kontradiksyon ng lipunan. Napatunayan nila kung paano sinasalot ng pyudalismo ang mga magsasaka (siyempre nariyan din ang imperyalismo at burukrata kapitalismo sa pangkalahatan). At tumutulong para magiba ang mga salot na ito.

*    *    *

Tandaan nating naroon sa Nueva Ecija ang dalawa para pag-aralan ang Dalton Pass East Alignment Road Project (DEARP) na magpapalayas sa mga magsasaka roon at bubutas sa mga bundok ng Carrranglan. Kung sino pa iyong mga nagmamalasakit sa mga karaniwang tao at kalikasan ang siya pang pinaparusahan ng pasistang estado.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/guillygeary/feed/ 0
Kahabag-habag na Migranteng Manggagawa http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kahabag-habag-na-migranteng-manggagawa/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kahabag-habag-na-migranteng-manggagawa/#comments Fri, 06 Mar 2015 07:35:14 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34068 Nakalulungkot at nakasusulak ng dugo ang mga kaapihan at pambubusabos na matagal nang dinaranas ng migranteng manggagawang Pilipino sa Malaysia man o sa Taiwan o sa Japan, sa Singapore man o sa Gitnang Silangan, sa Europa man o sa Amerika o sa Aprika. Ilan na nga ba sa kanila ang biktima ng makahayop na kalupitan ng kanilang mga amo: walang patumanggang binugbog, pinaso ng plantsa, inginudngod sa kubeta, ginutom at ginahasa? Ilan na ba sa kanila ang nakabilanggo ngayon dahil napilitang ipagtanggol ang sariling karapatan sukdulan ngang makapatay? Ilan na ba sa kanila ang pinutulan ng ulo, binitay o nakatakda nang bitayin? Ilan na ba sa kanila ang umuwing baliw o iniuwing bangkay na lamang? Tingnan na lamang ang detalyadong mga datos ng grupong MIGRANTE kaugnay nito.

Nagsimula ito matapos ang digmaang Pilipino-Amerikano. Naging kolonya tayo ng Amerika at ipinatupad ng gobyerno ang mga patakaran ng malayang kalakalan kaya naging tambakan ang bansa ng sobrang mga produkto ng Estados Unidos at, higit pang masama, dahil sa masidhing pangangailangan ng Amerika sa hilaw na mga materyales, hinuthot nito ang likas na yaman ng bansa na nagpalaganap ng karalitaan hanggang sa kanayunan at tuluyang nagbunsod sa migrasyon ng manggagawang Pilipino.

Sa kasaysayan ng pandarayuhan ng manggagawang Pilipino — na kilala ngayon bilang OCWs (overseas contract workers) — maaaring ang kauna-unahang napatalang migrasyon ng mga ito ay ang pagdating sa Hawaii noong Disyembre 20, 1906 ng grupo ng 15 kalalakihang Ilokano upang magtrabahong parang mga sakada sa plantasyong Olaa. Pagsapit ng 1934, umabot ng 120,000 ang nagkakandakubang manggagawang Pilipinong nagkalat sa mga taniman ng tubo at pinya at iba pang produktong agrikultural sa Hawaii. Karamihan sa kanila’y mga magsasakang hindi nakapag-aral mula sa Pangasinan, Cebu at Ilokos kung kaya madaling nalinlang sa mga kontratang kanilang tinanggap, pinasuweldo nang agrabiyado, at napilitang lunukin ang hindi makatarungang mga kondisyon sa paggawa. Pinagtrabaho sila ng 10 oras sa isang araw, 26 na araw sa isang buwan, sinigaw-sigawan at ininsulto ng mga tagapamahalang Haoles — mga Amerikanong Caucasian — at kapag nagkamali o saglit na nagpahinga, sinasaktan pa minsan ng mga katiwalang Kastila at Portuges.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mula ng huling taon ng dekada ’40 hanggang dekada ’60, libu-libong manggagawang Pilipino ang dumagsa sa mga konstruksiyong militar ng Amerika sa Pasipiko, lalo na sa mga isla ng Guam, Okinawa at Wake, ngunit inagrabiyado rin sa suweldo kung ihahambing sa sahod ng mga manggagawang Amerikano sa parehong trabaho.

Dahil bagsak nga ang ekonomiya ng bansa bunga ng kainutilan, katiwalian at makadayuhang patakarang pangkabuhayan ng walang gulugod na pambansang liderato, at lubhang mailap ang oportunidad para sa karaniwang manggagawang Pilipino, nandayuhan na rin sila sa Thailand at Malaysia sa mga huling taon ng 1960. Kahit hindi tiyak ang kasasapitan, nakarating ang iba sa Alemanya, Italya at Pransiya, at iba pang mga bansa sa Europa. Napadpad ang iba sa California at Chicago sa Amerika, sa Ontario at Winnipeg sa Canada, dahil sa pagbabakasakaling matagpuan ang hinahanap na ginto upang maiahon sa gutom at karalitaan ang iniwang nalulungkot at nangungulilang mga pamilya.

Nang pairalin pa ang Batas Militar ng diktadurang Marcos noong 1972, lalong humilahod ang pambansang ekonomiya, lalong naghirap ang ordinaryong mga mamamayan, at lalong tumaas ang halaga ng dolyar kontra sa piso kaya lalong tumindi ang migrasyon ng mga manggagawang Pilipino — babae man o lalaki — at napadpad sila sa iba’t ibang lupalop, sa Iraq man o sa Iran, sa Bahrain man o sa Kuwait o sa Dubai sa Gitnang Silangan, sa Angola man o sa Ethiopia at Nigeria sa Aprika, at maging sa Singapore, Hongkong, Taiwan, Japan at Korea sa Asya. Ang iba, kahit salat sa kaalaman at karanasan, ay napilitang sumuot at maglingkod sa pandaigdig na industriya ng pagbabarko, naglayag saanmang sulok ng mundo taglay ang mumunting mga pangarap na malimit namang nilalamon lamang ng dambuhalang mga alon sa malawak na karagatan.

Sa kasalukuyan nga, milyun-milyon na silang parang mga layak na nakakalat sa iba’t ibang mga lupain at kayakap nila ang pangungulila’t kalungkutan, biktima ng inhustisya’t kaalipinan, ng karahasan at kamatayan, sa kanilang mahaba’t marawal at nakahahabag na kasaysayan. Tiniis nila ang nakapapasong init sa mga konstruksiyon at minahan ng langis sa disyerto ng Saudi Arabia; tiniis nila ang makadurog-butong lamig sa pabrika ng salmon at sardinas sa Alaska; tiniis nila lalo na ng mga kababaihan ang pagmamalupit ng kanilang amo — ang suntok, sipa’t tadyak, bugbog at panggagahasa sa Singapore, Hongkong at mga bansang Arabo; tiniis nilang magsayaw nang hubo’t hubad, mabulid sa prostitusyon, laspagin at babuyin sa mga bahay-aliwan sa Japan; tiniis nila ang malarya at iba pang nakamamatay na sakit sa mga minahan sa Aprika ngunit, higit sa lahat, tiniis nila ang nakapanlulumong kalungkutan dahil sa matinding pangungulila sa iniwang mga mahal sa buhay.

Bagaman nasusuhayan nga nila ang bumabagsak na pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng bilyun-bilyong dolyar na ipinadadala nila taun-taon sa bansa, nakapaghihimagsik na hindi naman sila ganap na pinangangalagaan o tinutulungan ng sariling gobyerno hinggil sa mga problemang kaugnay ng kanilang mga trabaho sa iba’t ibang banyagang lupaing kinaroroonan nila ngayon. Patuloy lamang silang binobola o inuutong “mga bagong bayani” ngunit wala namang kongkreto’t makabuluhang mga programa ang pambansang liderato upang sila’y maalalayan at sagipin sa kumunoy na kanilang kinasadlakan.

Dahil sa kontra-manggagawa at makadayuhang mga patakarang pangkabuhayan ng umiiral o naghaharing rehimen, inaasahan pa ngang lalong titindi ang pandaruhayan ng manggagawang Pilipino kahit hitik na ang kasaysayan nito ng inhustisya’t kalupitan at kaalipinan. Hanggang inutil ang gobyernong mabigyan ng sapat na oportunidad ang kanyang mga mamamayan — desenteng trabaho, makatarungang sahod, kaukulang mga benepisyo sa paggawa tungo sa maluwag o komportableng buhay — patuloy at patuloy na ipapadpad ng hangin ng karalitaan at kakalat na parang mga layak sa iba’t ibang panig ng mundo ang manggagawang Pilipino. At. di nga kasi, patuloy at patuloy ding mararagdagan ang mahaba nang listahan ng mga inabuso’t ginahasa, ng mga pinatay at nagpakamatay, ng mga ikinulong, pinahirapan at binitay, ng mga umuwing baliw o bangkay na lamang, hanggang hindi maabot ng kurtadong utak ng estado ang tungkulin nitong lubos na pagmalasakitan, pangalagaan at ipagtanggol ang interes ng uring manggagawang Pilipino — narito man o nasaan mang panig ng mundo.

Marami nga sa kanila — lalaki man o babae — ang umalis ng bansa nang luhaan o humahagulhol hanggang sa loob ng eroplano at, kung hindi man bumalik na bangkay na lamang, umuuwi namang bigo’t halos masiraan ng bait, durog ang mga pangarap at pira-piraso ang kinabukasan dahil sa mapait at malagim na karanasan sa banyagang lupang pinuntahan sa paghahanap ng kahit kapirasong langit para sa mga mahal sa buhay.

Kahabag-habag na uring manggagawa!

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kahabag-habag-na-migranteng-manggagawa/feed/ 0
Statement | Martial Law-era harassment of documentary film screening ‘alarming’ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/statement-martial-law-era-harassment-of-documentary-film-screening-alarming/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/statement-martial-law-era-harassment-of-documentary-film-screening-alarming/#comments Wed, 04 Mar 2015 12:25:26 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34028 Filmmaker JL Burgos, both of PMC and Free Jonas Burgos Movement, took pictures of some of the policemen who made their presence felt during the screening of Sine Henerasyon. <b>JL Burgos</b>

Filmmaker JL Burgos, both of PMC and Free Jonas Burgos Movement, took pictures of some of the policemen who made their presence felt during the screening of Sine Henerasyon. JL Burgos

PinoyMedia Center and the Free Jonas Burgos Movement cry harassment over the presence of group of fully armed members of the Philippine National Police (PNP) who made multiple visits to “Sine Henerasyon,” a screening of three new documentaries held at Bantayog ng Mga Bayani theater last February 28.

Ironically, the films shown during that day—JL Burgos’ “Portraits of Mosquito Press,” Ilang-Ilang Quijano’s “Daughters of Cordillera,” and EJ Mijares’ “Shapes of Crimson”—were about human rights violations and the struggles of various personalities against Martial Law, such as Joe Burgos, Petra Macliing, and Bonifacio Ilagan.

At around 11:00 am that day, while the organizers were setting up, a mobile patrol and a bomb squad from the QCPD’s Station 10 arrived at the theater premises, asking if it was the venue of the screening. They said that they wanted to “sweep” the are because they have been told that a “VIP” was arriving. They could not say who the VIP was. Thinking that maybe the security check was a request of a VIP arriving unknown to us (the screening was after all an open invitation to the public), we let them search inside the theater, albeit uneasily. Needless to say we rented the venue and were under no obligation to let them search it, but we agreed nonetheless.

Promotional poster for "Sine Henerasyon".

Promotional poster for “Sine Henerasyon”.

The bomb squad and the police mobile eventually left, but two policemen with high-powered firearms on display were left behind to “guard” us, much to our discomfort. At around 4:30 pm, another group of policemen arrived. This time they looked much more closely at the publicity materials around, which consists of the film posters and a tarpaulin with the event name and images of three closed fists. They started asking about what was being shown. One policeman read aloud the title of Mijares’ film in Filipino, “Mga Hugis ng Pula,” and crudely said, “May NPA (New People’s Army) ba diyan?” meaning, are armed rebels being featured in the film? (The documentary, by the way, was about the life and struggle of First Quarter Storm veteran Bonifacio Ilagan). He goes on further to point to Ilagan’s photo on the poster, and asked, “Si Satur Ocampo ba yan?”

At this point we were becoming curt in our answers to their idiotic questions. The three policemen who were right outside the theater by this time expressed their desire to “see” the films. “Sisilip lang kami,” they said. We told them that they would have to pay the entrance fee of P100. We also told them that they had to leave their firearms outside. After a few more questions, they finally left.

At around 8 pm, a couple of policemen in a mobile came, for the third time. They asked the same questions: who were the organizers, what was happening inside, what time the program will end. This time we confronted the policeman who was inquiring more fiercely. One of the filmmakers, JL Burgos, whose brother Jonas is a human rights victim and remains missing, asked him bluntly if they were gathering intelligence. We demanded the name of their superior who sent them there, and also started to film them more obviously using a cellphone camera. We heard the policeman say to his companion before he slammed the door of the mobile and left was, “Wala, ayaw nila sabihin,” obviously pertaining to our refusal to give them any more information on the event.

The obvious police harassment put a damper on an otherwise very successful and celebratory screening of our documentaries, which we have been working on for a long time with the support of German and French cultural institutions as well as national arts bodies. We are bothered that we suffered such harassment during a fairly innocuous event such as a film screening. We are alarmed that fully armed state authorities have the gall to question us about the CONTENT of our films. As far as we know, freedom of expression exists or should exist. We must not tolerate any attempt to use the power of the gun to intimidate any filmmaker or any artist who tries to produce works that accurately depict Philippine history and social realities.

As members of the alternative and independent media, film screenings such as this one are the only avenues to reach audiences outside of commercial theaters. Such harassment betrays how poorly state authorities treat independent media and artists, and how easily they think they can violate our right to communicate freely. We demand an explanation from the PNP as to why their policemen “guarded” us with high-powered firearms and asked such provocative questions last February 28. We demand no less than truth and accountability, like all citizens at this time.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/statement-martial-law-era-harassment-of-documentary-film-screening-alarming/feed/ 0
Laban para sa hustisya, tuloy pa http://pinoyweekly.org/new/2015/02/laban-para-sa-hustisya-tuloy-pa/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/laban-para-sa-hustisya-tuloy-pa/#comments Sat, 28 Feb 2015 08:53:47 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33962 Sa araw ng sentensiya sa dating employer ni Erwiana Sulistyaningsih, may isang lokal na lumapit sa amin at di-ngumingiting nagtanong, “bakit kayo nandito?”

Akala ko mapapa-away kami. Kaya kahit paalis na, tumigil kami at sinagot ang tanong niya.

Sa tindi, lawak at tagal ng panahong naging panlipunang usap-usapan ang kaso ni Erwiana, hindi malayo na makaka-engkuwentro ng isa o ilan na may pagtinging tulad ng sa gobyerno ng Hong Kong na nagsabing isolated na kaso lamang ang kay Erwiana; o kaya naman ay sumisimpatya kay Erwiana pero hindi naniniwalang malala ang sitwasyon ng foreign domestic workers; o, mas matindi, ang sinasabi ng makikitid ang isip na ang mga katulad ni Erwiana ay naghahanap lang ng pera kaya ginagawan ng kaso ang employer.

Kung maaalala, bumulaga sa Facebook at kumalat ng mabilis sa iba pang mga media ang kaso ni Erwiana, isang Indonesian na FDW, noong Enero ng nakaraang taon. Ang larawan ng isang babaeng halos hindi makatayo sa kanyang upuan habang naghihintay ng kanyang flight na puwersadong ginawa para sa kanya, sugatan, puno ng pasa at halatang dumaan sa hindi mo maisip na torture at pang-aabuso, ay nagpaliyab ng galit sa laksang migranteng manggagawa sa Hong Kong.

Pagsasalita ni Leni Estari ng International Migrants Alliance (IMA), katabi si Erwiana. Umaasa si Erwiana na maghahatid ng malakas na signal ang kaso niya sa gobyerno ng HK para sa mga reporma. "I will join fellow migrants to end slavery!" sabi niya. <b>Aaron Ceradoy</b>

Pagsasalita ni Eni Lestari ng International Migrants Alliance (IMA), katabi si Erwiana. Umaasa si Erwiana na maghahatid ng malakas na signal ang kaso niya sa gobyerno ng HK para sa mga reporma. “I will join fellow migrants to end slavery!” sabi niya. Aaron Ceradoy

Matapos ang lampas isang taon ng imbestigasyon at prosesong legal, napatunayang guilty sa 18 sa 20 kaso ang dating employer ni Erwiana na si Law Wan-tung. Bagamat hindi convicted sa dalawa pa, ito ay dahil lamang sa hindi napatunayan beyond reasonable doubt ang krimen. Sumunod dito ang sentensiya — anim na taong pagkakulong at HK$15,000 multa.

Sa buong panahon imbestigasyon at bista ng kanyang kaso, kinakitaan ng tatag si Erwiana kahit pa nga kasabay nito ay sumasailalim sya sa pagpapagamot at recovery hindi lang sa pisikal na sakit kundi maging emosyonal at mental. Hindi biro ang walong buwan ng pambubugbog, kawalan ng kahit isang day-off, kawalan ng sapat na pagkain, tulog na tatlo hanggang apat na oras, at iba pang porma ng pang-aabuso na kanyang dinanas.

Ang internal na lakas at determinasyon ni Erwiana ay tinumbasan ng gayunding antas ng suporta ng kapwa-FDWs at ibang sektor sa Hong Kong at sa labas.

Kaya dun sa nagtanong kung bakit kami nandun, sinagot na lang namin na naroon kami para sumuporta kay Erwiana. Naroon kami para ipakita na ang isyu ni Erwiana ay isyu rin ng lahat ng FDWs. Sapagkat ang sitwasyon na nagpalala sa kalagayan ni Erwiana — na kinilala rin ng mismong huwes sa kanyang kaso – tulad ng mandatory live-in employment arrangement, at ang kawalan ng epektibong aksiyon para matigil ang pagsasamantala ng mga recruitment at financing agencies – ay nananatili.

Naroon kami dahil nakamtan man ni Erwiana ang hustisya sa ginawa sa kanya ng dati niyang employer, ang pakikibaka para makamtan ni Erwiana at ng lahat ng FDWs mula sa gobyerno ng Hong Kong ang hustisya ay patuloy pa rin.

Matapos ito, nginitian kami ng babaeng nagtanong at sinabing marapat lang ang aming ginagawa.

Nalimutan kong sabihin na ang ngiti at suporta ng tulad nya ay isa rin sa mga dahilan kung bakit naroon kami.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/laban-para-sa-hustisya-tuloy-pa/feed/ 0
Umiindak Ang Mga Anino http://pinoyweekly.org/new/2015/02/umiindak-ang-mga-anino/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/umiindak-ang-mga-anino/#comments Thu, 26 Feb 2015 16:02:30 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33930 umiindak ang mga anino
sa telon ng kamalayan
mga kasamang namaalam
ngunit nag-iwan
ng iniukit na mga bakas ng alaala
sa mga burol at talampas ng pagsinta
nanlilisik na mga mata
mga kamao ng protesta
mga umaalong dibdib ng natipong ngitngit
at nag-aalab na paghihimagsik
mga paang marahas na sumisikad
sa palanas at madawag na gubat
mga hintuturong nanunumbat
sa manhid na budhi’t kaisipan
ng iilang hari-harian
sa bulok, inuuod na lipunan.

nagsasayaw ang mga anino
maging sa kumot ng balintataw
di pandanggo’t rigodon
ng mga makapangyarihan
o sayaw ng pagdiriwang
ng uring gahaman sa yaman ng bayan.
manapa’y umiindak sila
sa ritmo ng pakikibaka
tulad ng buza ng rusya
o it-tahtib ng ehipto
o combat hopak ng ukraine
o yarkhushta ng armenia.
nagsasayaw ang mga anino
at di ako mahihimbing
hanggang di nasisilayan
lagablab ng libong sulo
sa karimlan ng aking bayan!

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/umiindak-ang-mga-anino/feed/ 0
Pera ang Nagsasalita http://pinoyweekly.org/new/2015/02/pera-ang-nagsasalita/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/pera-ang-nagsasalita/#comments Wed, 25 Feb 2015 05:39:11 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33882 Nabasa ko ang pahayag ng Akbayan para sa ika-29 na anibersaryo ng pag-aalsang Edsa People Power. Ang titulo: “Realize Edsa’s unfulfilled promises; shield it from opportunists, vultures and usurpers.” Inilathala ang pahayag, syempre pa, pagkatapos ng pagdanak ng dugo sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Sa gitna ng pinakamatinding eskandalong yumanig sa gobyerno ni Noynoy Aquino, hindi pa rin nayayanig ang matinding suporta ng Akbayan sa kanya. Masasabi pa nga na minamarkahan ng pahayag ang panibagong antas ng pagkabulok ng Akbayan mula sa grupong may pseudo-progresibong pagpapanggap patungong sagad-sagaring bayaran.

Sa kaso ng Mamasapano, ang panawagan ng Akbayan kay Aquino: “igiit ang kanyang solidong pamumuno sa isyu at gumawa ng mapagpasyang hakbangin para ilabas ang buong katotohanan at magbigay ng hustisya sa lahat ng biktima.” Para kang nanawagan kay Gloria Macapagal-Arroyo na ilabas ang katotohanan sa “Hello Garci.” Ayon pa rito, may “mga seryosong pagkakamali sa paghusga at command sa mga kritikal na yugto ng engkwentro.” Sa ganitong pahayag, ang itinuturing lang na biktima ay ang 44 na operatiba ng Philippine National Police-Special Action Force, hindi kasama ang maraming Moro na napatay dahil sa operasyon – rebelde man o karaniwang sibilyan.

Pero ang mas mahalagang punto: Ang ugat ng pagdanak ng dugo ay wala sa anumang detalye ng operasyon, kundi sa buong plano nito. Dumanak ang dugo dahil ang plano ay pagpatay sa isang pinagbibintangang terorista na nasa loob ng isang komunidad kung saan maraming armadong grupo. Dumanak ang dugo dahil ipinatupad ni Aquino ang patakaran ng US ng pagpatay sa mga pinaghihinalaang terorista sa isang delikadong konteksto. Mahalagang punto ito kung gusto nating matuto sa nangyari, dahil lantad nang may patakaran ang gobyerno ng US ng asasinasyon sa mga pinaghihinalaang terorista, ayon nga kay Glenn Greenwald at iba pang imbestigatibong mamamahayag.

Syempre pa, ramdam na tinutunggali ng Akbayan ang Kaliwa sa pahayag. Sabi nito patungkol sa mga tumutuligsa kay Aquino: “sa kalakhan ng kanilang buhay ay nag-instrumentalisa, nang-abuso at nang-angkin sa makatarungang pakikibaka ng bayan para sa pagbabagong panlipunan.” Ang Kaliwa ang tinutukoy rito, dahil ang iba pang personalidad at pwersa na idinidikit sa Kaliwa ay direktang kumalaban, hindi nakisakay, sa naturang pakikibaka. Sa kabilang banda, tiyak na sarili ang tinutukoy ng Akbayan nang sinabi nitong nagbukas ang Edsa ng “mga bagong oportunidad para ituloy ng mga kilusang panlipunan ang pakikibaka para sa tunay na pagbabagong panlipunan.”

Pero nasaan ang ebidensya ng retorikang ito? Gustong palabasin ng Akbayan na nagsusulong ng mga reporma ang gobyernong Aquino, pero puro mga hakbangin ang ibinibida nito, hindi resulta – sa pagbawas sa kahirapan at kagutuman, halimbawa. Participatory budget process? Tapos pwedeng baguhin ng pangulo gaya ng ginawa sa Disbursement Acceleration Program. Disenteng paninirahan para sa “informal settlers”? Tatak ng gobyernong Aquino ang mararahas na demolisyon at bulok na relokasyon. Proteksyong panlipunan? Lalong lumaganap ang kawalang-trabaho, kontraktwal na empleyo, at kawalang-lupa. Ito ang katuparan ng mga pangako ng Edsa?

Sobrang labag na sa katwiran ang mga pahayag ng Akbayan hinggil sa gobyernong Aquino. Halatang hindi na katwiran, at lalong hindi paninindigan, ang nagsasalita sa mga ito, kundi pera. Makikita rin ito sa paggamit ng Akbayan sa retorika ng Edsa: Sa panawagan nitong kamtin ang pangako ng Edsa ngayon, pinapalabnaw ng Akbayan ang naging bisa at silbi ng Edsa para sa mga Pilipino – ang magpatalsik ng kinamumuhiang pangulo. Higit pa riyan, pinapatatag nito ang ilusyong makakamit ang mga pangako ng Edsa sa kasalukuyang sistema at gobyerno. Malinaw, kung susuriin lang, kung sino ang tunay na “oportunista, buwitre at mang-aagaw” sa pakikibaka para sa pagbabago.

25 Pebrero 2015

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/pera-ang-nagsasalita/feed/ 0
LETTER | We demand truth and accountability in the Mamasapano incident http://pinoyweekly.org/new/2015/02/we-demand-truth-and-accountability-in-the-mamasapano-incident/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/we-demand-truth-and-accountability-in-the-mamasapano-incident/#comments Sun, 22 Feb 2015 15:25:27 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33846 Youth Act Now-Manila holds a Unity Walk for Truth and Accountability over the Mamasapano carnage from Kilometer Zero in Rizal Park going to Ermita Church. <b>Kathy Yamzon/Contribution</b>

Youth Act Now-Manila holds a Unity Walk for Truth and Accountability over the Mamasapano carnage from Kilometer Zero in Rizal Park going to Ermita Church. Kathy Yamzon/Contribution

LIHAM icon

Forty-four members of the PNP Special Action Force (SAF), 18 Moro rebels and six civilians are dead. The Mindanao peace process is teetering on the brink with a possible escalation of the armed conflict. Our nation mourns while outrage spreads, as the highest government officials try to cover up events leading to the carnage.

Nearly a month after the January 25 Mamasapano clash, the following details of the top-secret SAF operation are emerging:

  • President Benigno Simeon Aquino III, Commander-in-Chief, assigned General Alan Purisima to oversee the entire operation despite the Philippine National Police chief’s suspension on corruption charges;
  • President Aquino’s decision closed off Operation Exodus to all but himself and a few chosen men, violating the chain of command and all notions of responsible oversight.
  • The early morning raid was done without proper coordination with the Armed Forces of the Philippines (AFP) as well as the GRP-MILF ceasefire committee, which would have helped prevent the loss of so many lives on all sides.
  • The operation involved the US Federal Bureau of Investigation (FBI) and the Zamboanga-based US Joint Special Operations Task Force (JSOTF) in various capacities and stages.
  • In light of these fatal errors, the President and his men appear to be frantically covering up their roles as well as that of the US government. This is unacceptable.

    The government owes the dead, their bereaved families and the entire nation a thorough and independent investigation.  Aside from the operational failures of Oplan Exodus, the investigation should look into the following:

    1.    The role and accountabilities of the President and everyone else down the line and why entire chains of command were bypassed in the high-value, high-risk operation;

    2.    How the government factored in or failed to consider the consequences to the GPH-MILF peace process;

    3.    The role of the US government in the conduct of the hunt for Marwan and Usman and, in particular,  in Oplan Exodus;

    4.    The accountabilities of the Philippine government, MILF, BIFF and other groups with respect to possible violations of the peace agreements and International Humanitarian Law.

    Justice cannot be achieved in a process shrouded by half-truths and outright lies. Peace itself is threatened by the absence of truth and accountability. Thus do we demand truth and seek accountability — most especially from the highest official of the land — in order for justice to be served and genuine peace to be achieved. 

    This February 25, exactly one month after the Mamasapano incident, and on the anniversary of EDSA 1, we call on everyone to join us in an interfaith prayer and symbolic human chain, to be held from 3-6 p.m., starting at the Camp Crame EDSA Gate stretching all the way to the EDSA Shrine in Ortigas Ave.

    Let us join hands for truth, accountability, justice and genuine peace.

     

    Signatories:

    Sister Mary John Mananzan, OSB

    Atty. Vicente Joyas
    Integrated Bar of the Philippines

    Bishop Arturo Asi
    United Church of Christ of the Philippines

    Bishop Elmer Bolocon
    Ecumenical Bishops Forum

    Fr. Rex Reyes
    National Council of Churches of the Philippines

    Fr. Ben Alforque, MSC

    Prof. Judy M. Taguiwalo, PhD
    Pagbabago! Movement for Change

    Engr. Jun Lozada

    Col. George Rabusa (Ret.)

    Bibeth Orteza

    Monique Wilson

    Atty. Harry Roque
    Concerned Citizens Movement

    Carol P. Araullo
    Bagong Alyansang Makabayan

    Joel Lamangan
    Concerned Artists of the Philippines

    Atty. Edre Olalia
    National Union of People’s Lawyers

    Sr. Patricia Fox, NDS

    Sr. Lynn Leuterio, ICM

    Fr. Jesus Dumaual, MSC

    Rev. Mariesol Villalon
    United Methodist Church

    Tonyo Cruz
    tonyocruz.com

    Peachy Bretaña

    Mae P. Paner

    Maria Isabel Lopez

    Dante LA. Jimenez
    Volunteers Against Crime and Corruption

    Mico Pangalanan
    Youth ACT Now!

    Menchu Sarmiento
    Writers vs. Impunity

    Dr. Ramon Paterno

    Socorro Reyes
    BABALA

    Murphy Red
    Kapederasyon

    ]]>
    http://pinoyweekly.org/new/2015/02/we-demand-truth-and-accountability-in-the-mamasapano-incident/feed/ 0
    Nailibing Na Si Tita Cory http://pinoyweekly.org/new/2015/02/nailibing-na-si-tita-cory/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/nailibing-na-si-tita-cory/#comments Sun, 22 Feb 2015 14:38:31 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33849 nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.

    dating presidente ng republika
    dating asendera ng hacienda luisita
    asawa ni ninoy na may monumento sa ayala
    dahil lumaban sa diktadura
    hanggang patayin ng mga pasista.

    nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.

    ina diumano ng demokrasya
    tagapagtanggol ng hustisya
    ina rin ng artistang si cristeta
    at amiga ng mga madyungera
    sa mansiyon ng saya’t ligaya.

    nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.

    sa ospital noon pa man
    umalingawngaw mga dasal
    pumailanlang mga misa
    tinutukan ng kamera
    mayayaman at elitista
    sa mga simbahan at kapilya
    dumagundong kabi-kabilang nobena
    ng mga banal at santo santita
    “diyos naming mahabagin,
    buhay ng aming tita’y pahabain.”

    nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.

    matapos bumaha ng mga bulaklak
    sa katedral ng maynila
    matapos ulanin ng papuri, ng paghanga’t pagdakila
    ng kung sinu-sinong nalawitan niya ng grasya
    sa mabulaklak niyang paglalakbay sa lupa
    mga alaala’y madamdamin ngang sinariwa
    at nangalaglag mga talulot ng luha
    sumabog sa maamo’t mabangong mukha
    ng mga babaing kutis porselana
    at may tapalodong sutla rin yata
    mulang puklo hanggang balakang
    mulang dibdib hanggang baywang
    may mga daliring hubog-kandila
    na mahihiyang isawsaw sa suka
    o ilamas sa maputik na lupa
    “o, diyos na mahabagin
    kaluluwa ng aming tita’y kalingain.”

    nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.

    di nga nahiyang sumilip sa kanyang bangkay
    sa mamahaling kabaong sa katedral
    maging doble-karang mga nilalang
    na pawang mukhang banal
    habang gumigiling ang kamera
    sa mukha nila’t katawan
    tumitig din at nakiramay
    maging mga sagad-buto ang kawalanghiyaan
    laban sa pambansang kapakanan
    nakamaskarang nakidalamhati
    sa pamilyang namatayan
    “o, diyos na maawain
    kaluluwa ng aming tita’y pagpalain.”

    nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.

    sa kahabaan ng lansangan
    hanggang sa huling hantungan
    inihatid siya ng tanaw
    ng nagtiis sa ulanan at arawan
    na masang sambayanan
    silang noo’y dumagsa sa edsa
    para suportahan ang mga bida
    silang iniwan ang mga labada
    silang tumakas sa pabrika
    silang hindi pumasada
    silang mangingisda’t magsasaka
    silang estudyante’t intelektuwal
    na nakialam sa lipuna’t pulitika
    silang alipin ng burukrasya
    na pawang nagsakripisyo sa edsa
    wakasan lamang ang diktadura.

    nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.

    hanggang ngayo’y sinusuob siya
    ng insenso at kamanyang
    ng papuri at paghanga’t pagdakila
    siyang mahinhin at relihiyosa
    na laging lumulunok noon ng ostiya
    siyang matulungin at mapagkumbaba
    siyang mapagpatawad at mapagkalinga
    siyang batbat ng kabanalan bawat salita
    sabi tuloy ng mga hunyango
    pambansang bayani siya
    sabi ng mga ipokrito’t ipokrita
    karapatdapat na santa siya
    pero sabi ng makatang sumulat ng “gera”
    paano mga magsasakang minasaker sa mendiola?
    paano mga napatay sa hacienda luisita?
    paano rin mga magsasaka
    sa hacienda san antonio sa isabela?
    paano mga isneg sa dumalneg?
    paano mga taga-lupao sa nueva ecija?
    paano mga katutubo sa marag at paco valley?
    paano rin ang ora pro nobis ni lino brocka?
    paano, higit sa lahat
    ang bilyun-bilyong dolyar na pambansang utang
    na maaari sanang di na bayaran
    nang itatag niya rebolusyonaryong pamahalaan?
    “o, diyos na mahabagin
    kaluluwa ng aming tita’y patawarin.”

    nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.

    mula noon hanggang ngayon
    sa kabila ng ibinandilang diwa ng edsa
    nakatunganga’t dayukdok ang masa
    nilulunod sa ilusyon ng pag-asa
    ng iilang hari-harian sa ekonomiya’t pulitika
    tuloy ang laban.. tuloy ang laban…
    sigaw maging ng mapagkunwaring mga elitista
    at tagapagtaguyod ng burges na demokrasya
    tuloy ang laban hanggang makalaya ang masa
    sa kabusabusan at inhustisya
    tuloy ang laban hanggang mapairal
    lantay na hustisya sosyal
    tuloy ang laban hanggang maghari
    lipunang makatao, makabayan
    maunlad, progresibo at tunay na demokratiko.

    nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.

    “o, diyos na mahabagin
    kami naman ang iyong pagpalain…”
    sa bawat madulang eksena
    kaming masa’y laging mga ekstra
    walang mukha ni pangalan
    mga anino sa karimlan
    at basura ng mga bida
    pagkatapos ng pelikula
    sila ang laging pinagpapala
    kaming masa ang laging kaawaawa
    “o, diyos ni abraham
    talaga bang mapapalad ang maralita
    at kukumutan sila ng grasya’t kaluwalhatian
    sa paraiso mo sa kalangitan?
    at di bale nang magpasasa sa lupa
    mayayaman mong nilikha
    kahit pawis at dugo at laman
    ng masang sambayanan
    kanilang pinagpipistahan
    sa mesa ng grasya’t kapangyarihan?”

    nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.

    tuloy pa rin ang laban… tuloy…
    dahil kaming masang sambayanan
    araw-araw na dinarahas
    inililibing sa inhustisya’t kaalipinan
    sa gutom at karalitaan
    sa dusa’t kapighatian
    habang magarbong nagsasayaw
    mga diyus-diyosan sa lipunan
    at masigabong kumakalembang
    kampana ng bawat simbahan!

    nailibing na si tita cory
    sa sementeryo ng mga pinagpala.


     

    Tita Cory Has Already Been Entombed

    (in memoriam of tita cory and edsa 1)

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    former president of the republic
    former landowner of hacienda luisita
    wife of ninoy with his monument in ayala
    because he fought the dictatorship
    and was murdered later by the fascist state.

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    alleged mother of democracy
    acclaimed defender of justice
    mother also of the chattering cristeta
    and amiga of mahjong maniacs
    in the arlegui mansion
    of merriment and joy.

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    in the hospital then
    masses were daily held
    in various chapels and churches
    while the camera focused on
    the rich and the famous
    the saintly double-faced mammals
    recited their novenas
    “please god the merciful
    “prolong the life of our tita.”

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    after she was showered
    with expensive imported flowers
    inside the grand manila cathedral
    after being rained with praises
    and adulations by those
    she had shared her blessings
    during her rosy journey on earth
    her memories were solemnly refreshed
    and petals of tears fell
    slowly dropped on the lovely faces
    of ladies with very smooth skin
    like rare porcelain
    also with silk underwears
    from the sexy waist
    down to the sacred mound
    from the bulging breasts
    down to the tight belly
    with candle-shaped fingers
    forbidden to even dip in sauce
    or to mash the wet-sticky soil
    “oh, god the merciful
    “please take care of our tita’s soul.”

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    shameful they were not
    the hypocrites in government
    to peep at her cadaver
    and polished bronze coffin
    all looking piously
    amidst the glaring lights
    of so many cameras
    even the national welfare’s traitors
    and notorious plunderers of public fund
    remorseful they were not
    to gaze at her serene saintly face
    they even deceptively expressed
    their masqueraded symphaties
    to the grieving landlord family
    “oh, god the merciful
    “please bless our tita’s soul.”

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    along the long stretch of road
    to her final resting place
    she was sent off by the stares
    of throngs of ordinary people
    who didn’t mind the falling rain
    or the sun’s irritating rays
    they who massed then at edsa
    to support their audacious leaders
    against the dictatorial regime
    they who abandoned their laundries
    they who deserted their factories
    they who did not drive their jeepneys
    they the fishermen and farmers
    they the students and intellectuals
    who were so worried and concerned
    about politics and society
    they who were slaves of the bureaucracy
    they who all offered everything at edsa
    to end the despicable
    reign of terror and fear.

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    up to now she’s being idolized
    offered with incense and perfumes
    showered with praises and admirations
    she who was so religious
    always taking then her communion
    she who was so helpful and humble
    she who was so forgiving and loving
    she whose words were holiness full
    that’s why the chameleons
    keep on saying
    she’s a national heroine
    the stooges keep on drumbeating
    she deserves to be a saint
    but the poet who wrote “gera”
    keeps on asking:
    what about those farmers
    massacred in mendiola?
    what about those murdered
    in hacienda luisita?
    what about the peasants
    in hacienda san antonio in isabela?
    what about the isneg in dumalneg?
    what about those in lupao in nueva ecija?
    what about the natives of marag and paco valley?
    what about the “ora pro nobis” of lino brocka?
    what about above all else
    the billions of dollars foreign debts
    which could possibly be absconded
    when she established then
    a revolutionary government?
    “oh, god the merciful
    “please forgive our tita’s soul.”

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    from then on till now
    despite the enshrined spirit of edsa
    still suffering and wretched are the masses
    bombarded with illusionary hopes
    by a few demigods and mafia bosses
    of patronage politics
    and foreign-dominated economics
    struggle we must… fight!
    even the deceiving elitists
    and defenders of bourgeois democracy
    keep on shouting back
    continue the struggle… fight!
    till the emancipation of the masses
    from bondage and injustice
    continue the fight
    till vigorously unshackled
    from the manacles of servitude
    till violently cut-off
    from the tentacles of exploitation
    so genuine social justice reigns
    continue the struggle
    so a nationalistic, progressive
    and democratic society prevails.

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    “oh, god the merciful
    “we are the ones you should
    “help and bless now…”
    in every dramatic scene
    we, the masses, are the peons
    faceless and nameless
    and mere shadows in the dark
    mere trash in the eyes of leading men
    after every scripted film showing
    blessed always are they
    but, we, the masses are nothing
    “oh, god of abraham
    “is it really true
    “blessed are the poor
    “for they will inherit
    “the kingdom of heaven?”
    to hell are the rich on earth
    who enjoy your abundant blessings
    to hell are the plunderers and exploiters
    gluttunously feasting on the blood
    and flesh of the wretched masses.

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    let the struggle go on… fight!
    yes, fight, because we the miserable masses
    are always being repressed and exploited
    tortured and most of the time buried
    in the desolate and cruel graveyard
    of injustices and servitude
    of hunger and grief
    of sorrow and despair
    while dancing joyfully
    society’s demigods and rulers
    and tolling raucously
    the big bronze bells
    of money-filled churches!

    tita cory has already been entombed
    in the cemetery of the blessed.

    ]]>
    http://pinoyweekly.org/new/2015/02/nailibing-na-si-tita-cory/feed/ 0