
Nakapako ang paningin ng buong sambayanan ngayon sa nangyayaring impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Para itong telenobelang pinagtuunan ng pansin ng publiko. Sari-saring kuro-kuro ang maririnig natin sa paglilitis na ito. Hindi ring maiwasang ipaghambing ng taong-bayan kung sino ba ang mas magaling sa mga personaheng sangkot sa impeachment trial.
Jan 25 2012 | Posted in
Husgahan Natin |
Read More »
Noong Agosto 15, 2011 ay inilabas ng Korte Suprema ang desisyon sa kasong “Agripino Molina vs. Pacific Plans Inc.” (G.R. No. 165476). Ang kasong ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ito ng paraan upang ang isang desisyon kung saan panalo na at babayaran na lamang ang empleyado ay maantala at hindi mapapatupad.
Sa isang pakikipag-usap ko sa mga lider-manggagawa noong nakaraang linggo, muling lumabas ang tanong na ito: Maaari bang pagsamahin sa isang unyon ang mga empleyadong rank and file at ang mga empleyadong supervisory? Kapag pinagsama sila sa isang unyon, ano ang mangyayari?
Dahil sa hindi makabayad sa inutang na kotse mula sa kompanya, pinag-initan ng manedsment si Annaliza, isang empleyado ng kompanya. Ang pangyayaring ito ay nauwi sa kanyang pagkatanggal sa kompanya na nauwi sa demandahan na umabot hanggang Korte Suprema. Marami tayong mapupulot na aral sa kaso ni Annaliza.
Maaari bang tanggihan ng isang empleyado ang iniuutos ng kanyang nakakataas sa trabaho? Hindi ba ito mangangahulugan ng kanyang pagkatanggal sa trabaho?
Ang mga manggagawa ay maaaring manalo sa kanilang kaso laban sa kanilang kompanya. Ngunit ibang bagay ang manalo at ibang bagay naman ang makakolekta. Mas madalas, panalo ang manggagawa sa kaso ngunit walang saysay ang panalong ito dahil wala na siyang maaaring kolektahin sa kompanya.
Alin ba ang mas mahalaga: ang karapatan ng mga manggagawang magkaroon ng isang unyon o ang karapatan ng kapitalistang patanggalan ang unyon ng registro dahil sa hindi pagbigay nito ng kaukulang dokumento sa may kapangyarihan?
Sa panig ng mga manggagawa, hindi na sila bago sa mga desisyon ng Korte Suprema na lumalabag sa interes ng kanilang uri. Marami nang pagkakataon kung saan naging laban sa mga manggagawa at pabor sa mamumuhunan ang naging desisyon ng Korte Suprema.
Nasubukan na ba ninyong kumain sa isang hotel o malaking restawran? Marahil napuna ninyo na kasama sa kanilang sinisingil ang tinatawag na service charge. Ang service charge ay parang tip para sa mahusay na serbisyo. ’Yun nga lang, kusang-loob o boluntaryong binibigay ang tip. Ang service charge naman, sapilitang pinapataw ng hotel o restawran at obligadong bayaran ng mga kustomer ito.
Ang pagreretiro ay isa sa mga bagay na inaasahan ng isang manggagawa kaugnay ng kanyang trabaho. Ngunit may mga pagkakataon na gusto pang magtrabaho ng manggagawa ngunit pinapagretiro na siya ng kompanya. Sa pagkakataong ito, sino ang dapat na masunod: ang manggagawa o ang kompanya?