
Sumikat, lalo na sa Internet, ang “It’s more fun in the Philippines,” ang bagong islogang panturismo ng gobyernong Aquino. Tama si Katrina Stuart-Santiago: pinagkatuwaan ang islogan pero hindi gaanong nakwestyon ang pinagmumulan nito – ang patakaran ng gobyerno na ibayong palakasin ang turismo sa bansa. Kung titingnan nga ang Philippine Labor and Employment Plan ng gobyernong Aquino para sa 2011-2016, nangunguna ang turismo sa itinuturing nitong dapat palakasin para makapagparami ng may-trabaho.

Sa mga kasaysayan ng neoliberalismo, na kinikilalang naging tampok na pwersang pampulitika sa mundo noong huling bahagi ng dekada ’70 at maagang bahagi ng dekada ’80, madalas na ang tinutukoy na mga lider-pasimuno ay sina Ronald Reagan ng US at Margaret Thatcher ng Britanya. May mahalagang dagdag si David Harvey, Marxistang intelektwal: si Deng Xiaoping ng Tsina.

Kung hindi ako nagkakamali, madalas na may lahok na pelikulang katatakutan o horror sa taunang Metro Manila Film Festival. Higit pa siguro sa usapin ng paghahain ng de-kalidad na sine, na umano’y dahilan ng MMFF, kumikita ang ganitong mga pelikula. Sa hirap ng buhay, tiyak na magtatatlong-isip ang kahit sino na maglabas ng P180 para lang manood sa sinehan – kumpara sa di-hamak na mas murang DVD. Pero may pang-akit ang panonood ng katatakutan sa mismong sinehan, dahil swak ang dilim at buong sitwasyon at sensasyon sa ganitong palabas.

Nobyembre pa lang, may Christmas wish na si Pang. Noynoy Aquino: ang itigil ng mga tao ang inggit at ang kaliwa’t kanang pagpuna, at sa halip ay magtulungan at kalingain ang isa’t isa. Aniya, si Santa Claus ay “isang personipikasyon ng… pinakamahusay sa mga tao, ang ideya ng pagiging mapagbigay.” Ang kailangan daw ay “itransporma ang ating sarili sa kung paano makakatulong sa ating mga kapit-bahay… o kahit sino, kahit iyung hindi natin kilala.” Kailangan daw payabungin ang “ideya ng pagkalinga sa lahat.”

Sabi ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng pangulo, gaya-gaya lang ang mga nagtangkang magprotesta sa Mendiola nitong mga unang araw ng Disyembre. Tinutukoy niya ang mga kalahok sa “Kampuhan Kontra Kaltas, Krisis at Kahirapan,” na hindi natuloy sa Mendiola dahil sa pandarahas ng pulisya.

Dapat masulat ito sa mga libro ng kasaysayan: nanawagan si Pang. Noynoy Aquino sa mga Pilipino na huwag maging drug mule. Mahigpit ang batas ng Tsina kontra rito, aniya. Bumubuti na rin ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa, dagdag pa niya. Sa kabilang banda, sabi pa niya, isang pandaigdigang problema rin talaga ang droga.

May dalawang malaking hamon ang protestang Occupy sa US sa ating mga Pilipino. Una, ang magprotesta nang maramihan laban sa tumitinding kahirapan, kagutuman at kawalan ng pagkakapantay-pantay – ang kagyat na nararamdamang epekto ng krisis pang-ekonomiya. Ikalawa, ang magprotesta laban sa tinatawag na “1%” – na ang totoo’y mas kaunti pa sa one percent – ng US, bukod pa sa 1% na mga naghaharing uri sa bansa.

Ganyan kung tawagin ng mga kaibigan at kasama niya si Daniel C. Imperial, Jr., 29, aktibistang mula sa College of Music sa Unibersidad ng Pilipinas–Diliman na naging kasapi ng New People’s Army at napatay sa pagsalakay ng militar nitong 27 Oktubre sa Cagayan Valley.
Marami sa mga progresibo ang katulad ngayon ni Prop. Leonor Magtolis-Briones ng Unibersidad ng Pilipinas: nagmumuni tungkol sa posibilidad ng pagputok ng protestang Occupy sa bansa. Halata ang simpatya niya sa pagkakaroon ng lokal na kaakibat – higit pa sa lokal na bersyon – ng ganitong protesta sa mundo. Sa isang banda, nakilala siya bilang isa sa mga lider-estudyante na nagsalaksak ng trak ng bumbero sa tarangkahan ng Malakanyang noong Sigwa ng Unang Kwarto. Anu’t anuman, heto ang ilang ambag ko sa mga umiinog na talakayan hinggil sa prospek ng protestang Occupy sa ating bansa.
Popular pa rin si Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III. Malamang na hindi sa antas na sinasabi ng mga sarbey, dahil nasa pamunuan ng dalawang nangungunang kumpanya ng sarbey sa bansa ang kadikit at kamag-anak niya. Pero tiyak na malayo sa inabot na suklam sa rehimen ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Syempre pa at syempre naman.