Pinoy Weekly » Komentaryo http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Sun, 28 Sep 2014 12:30:09 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.0 EDCA ng Pagbabago? http://pinoyweekly.org/new/2014/05/edca-ng-pagbabago/ http://pinoyweekly.org/new/2014/05/edca-ng-pagbabago/#comments Fri, 09 May 2014 17:58:32 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=29328 Pang. Aquino at US Pres. Barack Obama noong Abril 28 sa Malakanyang: isinabay sa pagpirma ng DFA at US embassy sa EDCA. <strong>Malacanang Photo</strong>

Pang. Aquino at US Pres. Barack Obama noong Abril 28 sa Malakanyang: isinabay sa pagpirma ng DND at US embassy sa EDCA. Malacanang Photo

komentaryoSa pagpirma nina Defense Sec. Voltaire Gazmin at Philip Goldberg, embahador ng US sa Pilipinas, noong Abril 28 sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), tila nagbabalik ang base militar ng Estados Unidos (US) sa Pilipinas.

Walang dudang isinabay ito sa pagbisita ni US Pres. Barack Obama sa Pilipinas na buong pusong tinanggap ni Pang. Benigno Aquino III kahit pa lumalabas na ni hindi alam ng una kung anong pangalan ang itatawag niya sa huli. Kasabay rin nito ang pagpoprotesta ng mga mamamayan laban sa bagong kasunduan.

Pero ano nga ba itong kasunduan sa kooperasyon ng US at Pilipinas? Pinalakas na depensa? Para kanino?

Layunin at saklaw

Sa unang artikulo ng EDCA, layunin nito na labanan ang anumang armadong atake sa Pilipinas. Ibinatay pa ito sa Mutual Defense Treaty (MDT) noong Agosto 1951 at sa konstekto ng Visiting Forces Agreement (VFA) na umiiral mula pa noong Pebrero 1998.

Pero sa pagsusuri ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG), isang nongovernment institution, walang batayan para gamitin ang MDT dahil ito ay isang instrumento noong panahon pa ng “cold war” para labanan ang umano’y “banta mula sa labas” na tumutukoy sa Rusya, Tsina at North Korea.

Sa konstekto ng EDCA, nilinaw ng CenPEG na walang napipintong atakeng panlabas, na pinalalabas ng gobyerno ng Pilipinas na mula sa Tsina. Ipinangangalandakan ng pangulo na ipagtatanggol ng US ang Pilipinas mula sa panghihimasok ng Tsina. Pero nang bumisita si Obama sa bansa, tila kinumpirma nitong wala silang balak na lumaban para sa panig ng Pilipinas dahil pinananatili nito ang “konstruktibong” relasyon sa Tsina.

Nakasaad din sa artikulo ang “matagalang modernisasyon” ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pagmintine at pagpapaunlad ng seguridad sa baybayin ng Pilipinas at pagtulong sa panahon ng kalamidad o sakuna.

Pero tulad ng ipinunto ng maraming eksperto, ang ilang dekada ng pakikipagkasundong militar ng Pilipinas sa US – nariyan ang  Military Bases Agreement (MBA, 1947), MDT, VFA, at Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) – tila wala namang “modernisasyon” na naibigay ang US. Kung mayroon, bakit hanggang ngayon ay nakadepende pa rin ang bansa sa Amerika sa usapin ng depensa?

Sa usapin ng pagtulong sa panahon ng kalamidad, ngayong buwan ay kalahating taon nang naganap ang hagupit ng bagyong Yolanda sa Visayas. Pero nagpoprotesta pa rin ang mga biktima dahil sa kawalang-aksiyon ng administrasyong Aquino kahit pa nga tumulong din ang mga sundalong Amerikano noong unang mga buwan matapos ang sakuna.

Pirmahan nina DND Sec. Gazmin at US Amb. Philip Goldberg ng EDCA. Mula sa <strong>DND Facebook page</strong>

Pirmahan nina DND Sec. Gazmin at US Amb. Philip Goldberg ng EDCA. Mula sa DND Facebook page

Labag sa Konstistusyon

Labag din sa Konstitusyong 1987 ang EDCA, ayon sa CenPEG.

Kaugnay ng pagbabawal ng pagpasok ng armas nukleyar na nakasaad sa Konstitusyong 1987, maaari na umanong makapasok ang armas nukleyar dahil hinahayaan ng EDCA na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang mga barkong pandigma, eroplano at submarino ng US – na nagtataglay ng armas nukleyar.

Ibinigay na halimbawa ng CenPEG ang pagkakabunyag noong 1995 na nag-imbak ng 70 armas nukleyar ang US sa Pilipinas noong panahon ng cold war. Posible pa rin umano itong mangyari dahil walang kapangyarihan ang mga awtoridad na Pilipino na pigilan ang pagpasok ng mapamuksang mga armas na ito dahil malaya silang makapasok sa bansa at walang silang karapatang inspeksiyunin ang mga ito.

Binibigyan din umano ng ekstrateritoryal na karapatan ng EDCA ang US na labag din sa Konstitusyon at iba pang batas pansoberanya. Sa kasunduan, hindi saklaw ng batas ng Pilipinas ang sinumang magkakasala dahil ang mga “pinagkasunduang lokasyon” sa EDCA ay nasa ilalim ng kontrol ng mga Amerikano at walang Pilipino na makakaalam sa anumang nangyayari sa mga lokasyong ito.

Pangangayupapa sa dayuhan

Sa pagpirma ng gobyerno sa EDCA, hinahayaan nitong gamitin ng mga sundalong Amerikano, sa tulong ng mga sundalong Pilipino, ang mga pampublikong lupa at pasilidad, kabilang ang mga kalsada, daungan at paliparan, gayundin ang mga lupaing paga-aari o kontrolado ng lokal na mga pamahalaan. At lahat ng mga “napagkasunduang lokasyon,” na gagamitin ng US ay dapat na ibigay ng Pilipinas ng walang bayad.

Bagamat nakasaad sa ikalimang artikulo ng EDCA na lahat ng napagkasunduang lokasyon ay mananatiling pag-aari ng Pilipinas, anumang istruktura o konstruksiyon na ginawa ng US ay kailangan munang pag-usapan bago isauli kabilang na ang usapin ng kompensasyon. Ibig sabihin, pababayaran pa rin ng US sa Pilipinas ang anumang naitayo nila sa bansa.

Ang mga kagamitan ng US na maaaring ituring na “labis” ay posibleng ilipat o ipagbili sa Pilipinas kung ito’y hahayan ng batas at mga regulasyon ng US.

Malinaw sa mga nakasaad sa kasunduang ito ang di-pantay na mga benepisyo. Isang kasunduan na isang panig lamang ang makikinabang. At tila hindi naman ito inaalintana ng gobyernong Aquino basta’t magampanan lamang ang tungkuling iniaatas ng gobyernong US – ang maging lunsaran ng lakas-militar nito sa Asya-Pasipiko.

Ang susunod na sampung taon ang magpapatunay sa pangangayupapa ng gobyerno ng Pilipinas sa amo nitong Amerikano.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/05/edca-ng-pagbabago/feed/ 0
Cha-cha at pagbenta ng soberanya http://pinoyweekly.org/new/2014/03/cha-cha-at-pagbenta-ng-soberanya/ http://pinoyweekly.org/new/2014/03/cha-cha-at-pagbenta-ng-soberanya/#comments Fri, 28 Mar 2014 11:00:09 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=28726 Kamara de Representantes, Plenary Hall ng Batasan Pambansa Complex, Quezon City. <strong>Wikimedia Commons</strong>

Kamara de Representantes, Plenary Hall ng Batasan Pambansa Complex, Quezon City. Wikimedia Commons

komentaryoSa paspasang pag-apruba ng Kamara sa resolusyon kaugnay ng charter change o Cha-cha noong unang linggo ng Marso, hindi ikinaila ng mga nagsusulong nito na “probisyong pang-ekonomiya” lamang ang gagalawin ng Kongreso.

Hayagang pangmamaliit sa soberanya ng bansa ang ipinangangalandakan ng mga promotor ng Cha-cha. Pinakatampok kasi sa isinusulong nito ang 100% pagmamay-ari ng dayuhang kompanya sa negosyo at lupain sa Pilipinas.

Sa hayag, tinutulan ni Pangulong Aquino ang pag-amyenda sa Konstitusyon. Nangako pa si Espiker Sonny Belmonte na hindi gagalawin ang pulitikal na probisyon sa Konstitusyon para mapaniwala ang taumbayan na walang balak si Aquino na pahabain ang kanyang termino.

Pero isa itong panlilinlang o paglihis sa tunay na isyu.

Bagamat sinasabi ni Aquino na tutol siya sa pag-amyenda ng Saligang Batas, ang pagbabago sa probisyong pang-ekonomiya nito ay sang-ayon sa neoliberal na polisiya ng administrasyon na pangunahing itinutulak ng gobyerno ng US sa malakolonyang mga bansa nito tulad ng Pilipinas.

Soberanya ng bansa ang nakataya sa usaping ito. Pero kung tratuhin ng Kamara ay tila isang maliit na tipak lamang ng usapin. Balak alisin ng mga nagsusulong ng Cha-cha ang makabayang mga probisyon sa Konstitusyon ng Pilipinas para sa dayuhang pamumuhunan.

Kung matutuloy ito, ano ang mangyayari?

Isang magandang halimbawa ang pagkakapasa ng Mining Act of 1995 na 19 na taon nang umiiral ngayong taon.

Niliberalisa ng naturang batas ang pagmimina sa bansa. Halimbawa, ang garantiya sa pamumuhunan ng mga dayuhan at kanilang karapatan na sumuway sa mga regulasyon ng pagmimina sa bansa. Binigyan nito ng opsiyon ang multinasyunal at transnasyunal na mga korporasyon para mag-ari ng 100 porsiyento ng mina kapalit ang limos na buwis sa gobyerno.

Hinahayaan ng batas na ito ang dayuhang mga kompanya na magmina sa loob ng 50 taon sa libu-llibong ektaryang lupain ng bansa. May karapatan din ang dayuhang mga kompanya na iuwi sa kanilang sariling bansa ang tubo mula sa mga minang ito. Bukod pa ang tax holidays na tinatamasa nila. (Habang ang karaniwang mamamayan ay hinahabol kapag hindi nagbayad ng buwis).

Ang kapalit nito, pagkawasak ng likas na yaman at pagyurak sa pambansang soberanya. Ang kapalit nito ay karapatan ng mga mamamayan sa pampublikong lupain at serbisyong panlipunan. Hindi na kaila ang pagkalason ng mga katubigan na dating pinakikinabangan ng mga tao, subalit nalason ng mga duming nagmumula sa mga minahan. Hindi kaila ang pagkaubos ng kagubatan para mapagminahan ng mga dayuhan.

Hindi rin kaila ang paglapastangan sa karapatan ng katutubong mga mamamayan sa kanilang lupaing ninuno o ang kaparatan ng mga magsasaka na bungkalin ang lupa para mabuhay. Kung tumutol sila, ginarantiya rin ng Mining Act of 1995 ang karapatan ng mga kompanya na maglagay ng militar at paramilitar na puwersa para protektahan ang kanilang mina.

Ito’y sa industriya pa lamang ng pagmimina; sa panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon, kasama sa mga aritkulong nais na baguhin ang may kaugnayan sa edukasyon, siyensiya, teknolohiya, sining, kultura at isports at pangkalahatang probisyon. Ano pa ang matitira sa taumbayan?

Nang niliberalisa ang industriya ng langis, kuryente, tubig, edukasyon, transportasyon, ospital at iba pang batayang serbisyo, ang resulta nito ay pagtaas ng mga presyo na ibayong nagpahirap at nagpapahirap pa hanggang ngayon sa mga mamamayan.

Tandaang ito rin ang mga bagay na nililiberalisa ni Pangulong Aquino sa neoliberal na polisiya. Ngayon, ano itong pagpopostura ng  pangulo na tutol daw siya sa pag-aamyenda ng Konstitusyon?

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/03/cha-cha-at-pagbenta-ng-soberanya/feed/ 0
Hindi ‘depensibo’ ang panghihimasok ng militar nila http://pinoyweekly.org/new/2014/03/hindi-depensibo-ang-panghihimasok-ng-militar-nila/ http://pinoyweekly.org/new/2014/03/hindi-depensibo-ang-panghihimasok-ng-militar-nila/#comments Wed, 19 Mar 2014 11:54:03 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=28566 May malungkot na kasaysayan ng panghihimasok ang militar ng US sa Timog Silangang Asya. Nasa larawan, mula kaliwa: Vietnam Pres. Nguyen Minh Triet, US Pres. Barack Obama, at Pang. Benigno Aquino III, sa  New York, USA noong 2010. <strong>Malacanang Photo Bureau</strong>

May malungkot na kasaysayan ng panghihimasok ang militar ng US sa Timog Silangang Asya. Nasa larawan, mula kaliwa: Vietnam Pres. Nguyen Minh Triet, US Pres. Barack Obama, at Pang. Benigno Aquino III, sa New York, USA noong 2010. Nasa likod ng tatlong lider ang mga watawat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Malacanang Photo Bureau

Otsenta porsiyento na raw na tapos ang “Agreement on Enhanced Defense Cooperation,” sabi ni Foreign Affairs Undersec. Pio Lorenzo Batino. Tiyak na minamadali nila ito—bago dumating sa bansa, sa huling linggo ng Abril, si US Pres. Barack Obama. Batay sa mga ulat sa midya, highlight ng bagong kasunduang militar ng mga gobyerno ng Pilipinas at US ang karapatang magbase ng Amerikanong militar sa mga base ng Pilipinas sa buong bansa. Ito lang ang pinakahuli sa mahigit isang siglo na pagkakayupapa ng mga administrasyong Pilipino sa pampulitikang kapangyarihan ng US.

Araw-araw, sa balita sa midya, sinasalaksak sa ating kamalayan: May banta ng pananakop ng bansang China, nambabraso ito para makuha ang mga isla ng Spratly at iba pang teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea). Sa kabila nito, nariyan ang US, na muling nag-aastang pandaigdigang pulis, namamagitan at magsisilbi raw na deterrent (pangontra) sa mapagbantang presensiya ng China.

Madaling paniwalaan ito—kung mangmang tayo sa kasaysayan. Batay sa mga komento sa social media at mainstream media, mula sa mga barberya sa kanto hanggang sa airconditioned na network studios, masasabing marami nga ang naniniwala. Pero tila sinasadyang di-binabanggit sa mga talastasang ito kahit ang kasalukuyang rekord ng militar ng US, sa Latin Amerika, Aprika at Gitnang Silangan—ang rekord ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, lantarang pagpasok ng mga kompanyang Kano sa mga lugar na ito para pagsamantalahan ang likas na yaman dito (sa kaso ng Gitnang Silangan, ang langis sa Iraq, Lybia, atbp.).

Sa Timog Silangang Asya, sa ating bahaging ito ng mundo, madalang nang mabanggit ang giyera sa Vietnam.

Mapa ng Gulf of Tonkin at South China Sea (West Philippine Sea). <strong>Wikimedia Commons</strong>

Mapa ng Gulf of Tonkin at South China Sea (West Philippine Sea). Wikimedia Commons

Madalang nang mabanggit ang tinaguriang Gulf of Tonkin Incident, ang kaganapang naging mitsa ng madugong giyera ng Amerika sa Vietnam na kumitil sa buhay ng aabot sa 2,000,000 sibilyang Biyetnames at nagwasak sa kabuhayan ng di-mabilang na mga sibilyan sa buong Timog Silangang Asya.

Ang insidenteng ito ay naganap sa Gulf of Tonkin, na katawan ng dagat na karatig ng North Vietnam at China, at di-kalayuan sa West Philippine Sea / South China Sea. Halos 50 taon na ang nakararaan, noong Agosto 2, 1964, inatake ng barkong militar ng US na USS Maddox  ang tatlong torpedo boats ng North Vietnamese Navy. Pinalabas ni US Pres. Lyndon Johnson na inatake ng naturang torpedo boats ang USS Maddox—kahit na malinaw na nasa teritoryo ng North Vietnam ang naturang barkong Kano. Dalawang araw matapos ito, muling nag-anunsiyo si Johnson na inatake ito ng mga North Vietnamese na barko—kahit na lumabas mula sa na-declassify na mga dokumento ng National Security Agency ng US na gawa-gawa lamang ng USS Maddox ang naturang insidente. Ito ang naging hudyat ng Vietnam War, ang di-deklaradong giyera ng US sa mga mamamayan ng Vietnam.

Pinagsimulan ng madugong Vietnman War ang tinaguriang Gulf of Tonkin Resolution, na ipinasa sa US Congress matapos ang pekeng insidente sa naturang golpo. Sabi sa resolusyong ito, maaaring magsagawa ng mga aksiyong militar ang US sa Timog Silangang Asya batay sa kasunduan nito sa mga bansa sa rehiyon, ang Southeast Asian Collective Defense Treaty na nilagdaan sa Manila, Pilipinas noong 1954.

Layunin ng naturang tratado sa depensa ang “containment” o pagpigil sa paglawak umano ng impluwensiya ng Komunismo sa Timog Silangang Asya, batay sa teorya ng US na domino effect (kapag “bumagsak” sa Komunismo ang isang bansa sa rehiyon, magtutuluy-tuloy ito sa katabing mga bansa).

“Pagdepensa sa rehiyon” ang mismong katagang ginamit ni Johnson noon, para bigyang katwiran ang pananalakay sa Vietnam. Ganito rin ang lengguwaheng gamit ng mga opisyal ng administrasyong Obama: pagpigil sa paglawak ng impluwensiya ng China ang dahilan kung bakit may polisiya itong “US pivot” (o pagpokus ng mayorya ng militar nito sa Asya). Pero malinaw sa kaso ng Vietnam War na hindi depensa, kundi opensa, ang ginawa ng US. Hindi nito pinangalagaan ang demokrasya; lantarang niyurakan nito ang soberanya ng isang mahirap na bansa. Natakot itong mabawasan ng merkado sa Asya para sa surplus goods nito kung lalawak ang impluwensiya ng noo’y Komunistang China at Soviet Union. Sa kaso ngayon, hindi na Komunista ang China kundi kapitalista na—at direktang karibal ng US sa mga merkado at hilaw na materyales (raw materials).

Kasaysayan ng panghihimasok: Mga lider sa Timog Silangang Asya na lumagda sa Southeast Asia Collective Defense Treaty, kasama si US Pres. Lyndon Johnson (una mula sa kanan). Pang-apat mula sa kaliwa si Pang. Ferdinand Marcos. <strong>Wikimedia Commons</strong>

Kasaysayan ng panghihimasok: Mga lider sa Timog Silangang Asya na lumagda sa Southeast Asia Collective Defense Treaty, kasama si US Pres. Lyndon Johnson (una mula sa kanan). Pang-apat mula sa kaliwa si Pang. Ferdinand Marcos. Ang naturang tratado ang naging batayan ng resolusyon ng US Congress na nagpapayag sa direktang panghihimasok militar ng US sa Vietnam mula 1965 hanggang 1975.Wikimedia Commons

Hindi depensa sa soberanya ng Pilipinas ang pakay ng US sa “Enhanced Defense Cooperation”, o kahit sa nakaraang mga kasunduang militar nito na Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty. Pakay nito ang magpakita ng kapangyarihang militar; at kung mabubuyo sa digmaan ang China, ang ibig sabihin nito’y masasangkot ang Pilipinas sa madugong sigalot sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang superpower.

Maraming eksperto na ang nagsabi na malakas ang kaso ng Pilipinas sa pandaigdigang mga korte para madeklarang pag-aari ng bansa ang mga teritoryo sa Spratlys. Walang duda na batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea o Unclos, na nasa loob ng Pilipinas ang naturang mga lugar. Sinabi na rin ng mga ekspertong ito na hindi na sa international courts na ito pinakamalakas ang tsansa ng Pilipinas na makuha ang naturang pinag-aagawang mga teritoryo. Hindi na kailangang muling hayaan ang US na yurakan ang soberanya at kalayaan ng Pilipinas para lang magwagi sa Spratlys, atbp.

Sino mang kumokondena sa bullying ng China habang pumapabor naman sa mas matinding panghihimasok ng puwersang militar ng US sa bansa ay nagpapakita ng kawalan ng muwang sa kasaysayan. O di kaya’y ipokrito—at di naman talaga iniisip ang tunay na ikabubuti ng Pilipinas.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/03/hindi-depensibo-ang-panghihimasok-ng-militar-nila/feed/ 0
Online libel: A tool of repression ready for use http://pinoyweekly.org/new/2014/02/online-libel-a-tool-of-repression-ready-for-use/ http://pinoyweekly.org/new/2014/02/online-libel-a-tool-of-repression-ready-for-use/#comments Mon, 24 Feb 2014 04:43:34 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=28078 no to cybercrime law memeStatement of PinoyMedia Center on the Supreme Court ruling on the Cybercrime Prevention Act

With the decision to uphold the Cybercrime Prevention Act and its provision on online libel as constitutional, the Supreme Court and the Aquino administration have dealt one of the most serious blows to press freedom and freedom of expression of the Filipino people.

As a media institution committed to fully democratizing the practice of journalism to include the voices of the most marginalized sectors of society, PinoyMedia Center is one with journalists and citizens who continue to oppose the Cybercrime Act.  Online libel under the Cybercrime Act  is but the latest addition to the ruling elite’s growing arsenal of tools with which to silence criticism and suppress dissent.

It must not be forgotten that repression has always been the intent of politicians who crafted and passed the law, and of the president who signed it in the most hasty and non-transparent manner. It must not be forgotten that Filipinos just woke up one day in the grip of this draconian law; and while due to our collective show of outrage and resistance the court struck down certain provisions that most brazenly assault our democratic rights (such as the power to take down websites, real-time collection of traffic data), the law remains as undemocratic as the institutions that made it.

More than any other provision in the Cybercrime Act, it is online libel that actually defines the law.  The decision to uphold libel as a criminal offense, and to provide even stricter penalties for online libel (from a minimum of six months imprisonment under the Revised Penal Code, to a minimum of six years under the Cybercrime Act) is more than enough reason to continue to oppose the said law.

Relative to traditional media, the new media has been a freer space for independent journalists and ordinary citizens. The threat of online libel now produces a “chilling effect” not only among journalists, but also among citizens who have as much as a right to report facts and express their views freely. It makes marginalized sectors who often take their advocacies to the internet even more vulnerable to harassment by those in power. Historically, libel has always been used to harass and intimidate journalists; now it can be used against anyone who chooses to share their knowledge or opinion online.

By criminalizing free speech and expression, the Cybercrime Act  attempts to draw our attention away from the real criminals lurking among those in power. But it will never succeed in doing so. More must be done to oppose this law and criminal online libel as tools of repression now ready for use.

PinoyMedia Center is a non-profit media organization that is the publisher of Pinoy Weekly. It is part of the #NoToCybercrimeLaw Alliance, an alliance of journalists and citizens opposed to the said law in defense of press freedom and freedom of expression.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/02/online-libel-a-tool-of-repression-ready-for-use/feed/ 0
Progressive groups’ statement of sympathy and action for victims of typhoon Yolanda http://pinoyweekly.org/new/2013/11/progressive-groups-statement-of-sympathy-and-action-for-victims-of-typhoon-yolanda/ http://pinoyweekly.org/new/2013/11/progressive-groups-statement-of-sympathy-and-action-for-victims-of-typhoon-yolanda/#comments Tue, 12 Nov 2013 01:59:28 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=26576 KPPM logoProgressive groups mark November 13 as “International Day of Solidarity and Action” for the victims of Yolanda. Below is their statement:

The Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM) extends its heartfelt sympathies to millions of our countrymen who are victims and survivors of Typhoon Yolanda, one of the world’s strongest typhoons that ravaged several areas in Eastern, Central and Western Visayas, and Southern Luzon. We also extend our deepest condolences to those who have already lost their loved ones, and wish continued strength upon those who are still searching for their missing kin while struggling to survive the harsh conditions that they are forced to endure during this period.

Our mass organizations of the urban poor, workers, women, overseas Filipinos and their families, youth, and government employees are mobilizing its members and allies, nationally andinternationally, to assist in the ongoing relief operations for the victims of super typhoon Yolanda.The organized masses are acting swiftly to gather help and extend solidarity to their fellow poor and oppressed, who are always the hardest hit by natural disasters. It is heartbreaking that the typhoon wreaked havoc on the lives and livelihoods of families living in some of the poorest provinces in the country, which have long been neglected by the national government.

We call on Pres. Benigno Aquino III to utilize funds at his disposal for the immediate rescue and relief of typhoon victims. It is alarming that victims are being deprived of the basic needs for survival, such as potable water and food. It is alarming that the plight of thousands of Filipinos in many typhoon-ravaged villages still remain unknown, days after the typhoon.

On the other hand, we are enraged that President Aquino had the temerity to address the nation before th typhoon to boast that the government is expecting zero casualties as it is prepared to deal with the calamity.Obviously, it was all just empty rhetoric meant to divert public attention away from the pork barrel scandal rocking his administration. We remain steadfast that calamities like these should not be used to justify and retain the PDAF and DAP.  The important thing is to release the resources of government NOW.

Today, dead bodies are piling up fast, and the government is slow to even acknowledge this fact and tries in vain to downplay the casualty count.Obviously little of our resources were used to safely evacuate our countrymen and ensure that they have the basic necessities for survival. Shamefaced, Aquino has tried to place the blame elsewhere, and has shown only how his government is ill-prepared to face this increasingly desperate post-typhoon scenario.

We mark November 13 as the International Day of Solidarity and Action for the victims of Yolanda. We will hold candle-lighting ceremonies, relief drives, and solidarity actions for the victims of Yolanda. We warn the Aquino government not to abuse or misuse public funds intended for the victims. It is not unlikely that government officials, from the national to the local level, will use this calamity as yet another opportunity for corruption. As we are mourning and assisting the victims, we are also wary and vigilant against this rotten and utterly disastrous system of governance.

The Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM) is an alliance of different mass organizations such as organizations of workers, women, youth and students, government employees, migrant workers and their families, and the urban poor. Here are some of their calls for relief and assistance:

lingap gabriela

 

tulong kabataan

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/11/progressive-groups-statement-of-sympathy-and-action-for-victims-of-typhoon-yolanda/feed/ 0
Pulitika ng kalamidad http://pinoyweekly.org/new/2013/10/pulitika-ng-kalamidad/ http://pinoyweekly.org/new/2013/10/pulitika-ng-kalamidad/#comments Sun, 27 Oct 2013 15:17:07 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=26419 Mapa ng Maribojoc, Bohol, isa sa mga bayan na matinding naapektuhan ng lindol. (Google Maps)

Mapa ng Maribojoc, Bohol, isa sa mga bayan na matinding naapektuhan ng lindol. (Google Maps)

Sometimes it takes a natural disaster to reveal a social disaster,” sabi ni Jim Wallis, isang manunulat at political activist, matapos ang mapaminsalang pagsalanta ng Hurricane Katrina sa Estados Unidos noong 2005.

Nataguriang pinakamaunlad na bansa ang Estados Unidos, pero umabot sa kalagayang krisis ang mga mamamayan dahil sa kawalan ng maayos na sistema ng pagtugon ng gobyerno. Samantala, gaya ng Estados Unidos, sinalanta rin ni Katrina ang bansang Cuba. Pero wala itong naitalang casualty at nailikas nang maaga ang mga Cubano.

Sa konteksto ng Pilipinas, halos buwan-buwan may kalamidad. Tuwing may kalamidad, kalunus-lunos ang mga imahe ng mga biktima. Marami rito ang imahe ng mga batang pinapakitang nagmamalimos, nakahilera sa kalsada, hinahabol ang anumang sasakyang mapadaan, nagbabaka-sakaling maabutan ng tulong.

Pero tila hindi nga natututo ang mga namumuno, dahil laging lantad pa rin ang kabagalan sa pagresponde sa mga biktima. Sa nagdaang mga taon, laging “caught flat footed” ang gobyerno kahit pa sabihin nitong handa ito sa anumang kalamidad. Ito ang malaking problemang sinusuong natin sa panahon ng kalamidad: kung paano ang tamang pagtugon sa mga biktima.

Nitong nakaraang linggo lamang, matapos ang lindol sa Bohol at Cebu, muling tumambad sa telebisyon ang imahe ng mga biktimang halos mamalimos na, at nagkakasya sa tagpi-tagping lona’t trapal para may masilungan sa open spaces. Takot sila na maulit ang pagguho ng mga bahay dahil na rin sa sunud-sunod pang mga aftershock. Muli ring nalantad ang mabagal na aksiyon ng gobyerno, at nagbunga pa nga ng kontrobersiya nang paalisin daw ni Mayor Leoncio Evasco, Jr. ng bayan ng Maribojoc ang isang grupo ng Red Cross sa pangunguna ni Richard Gordon.

Maribojon Mayor Leoncio Evasco Jr.

Maribojon Mayor Leoncio Evasco Jr.

Bakit nga ba laging may mga kontrobersiya sa pamamahagi ng relief goods? Ang malaking kasagutan: pulitika!

Babaybayin natin ang pangyayari sa kontrobersiya sa Maribojoc, batay na rin sa mga ulat sa midya at diskusyon ng netizens sa social media. Pinaalis ng meyor ang grupo dahil nais daw nitong makopo ang relief goods. Kesyo papogi ito ni Mayor Evasco at nais gamitin sa eleksiyon ang relief goods, at tinutulan ito ng mga taga-Red Cross. Nais diumano ng Red Cross na direkta sa tao ang pamimigay kaya istrikto sila sa kanilang guidelines dahil sa accountability sa kanilang donors.

Sa kabilang banda, depensa naman ni Evasco na nais lamang niyang sistematiko at organisado ang distribusyon: maipamahagi ang relief goods nang pantay-pantay sa lahat ng kanyang constituents sa mga barangay sa sentro man o maging sa mga liblib na lugar. Pinapatupad nila ang sentralisadong pamamahagi. Wala rin siyang planong gamitin ang pagkakataon para sa kanyang political ambition dahil huling termino na niya. (Sa pananaliksik ko sa karera niya, nanalo siya sa nakaraang eleksiyon na unopposed o walang kalaban). Marahil ang tanging pagkakamali ni Evasco ay ang pagtaboy niya sa grupo ng Red Cross at tila nakalimutan niyang siya ay isang elected public official.

Sa panahon ngayon, hindi maganda ang tingin sa mga pulitiko, laluna at putok na putok ang usapin ng korupsiyon sa gobyerno kasabay ng matagal nang karanasan ng lahat sa maraming pulitiko na nananamantala sa kalamidad para lamang makapagpapogi.

Parehong tama ang posisyon ng dalawang grupo: ang kagyat na makatulong sa mga kababayan natin sa Maribojoc. Walang masama sa sentralisado at organisadong distribusyon na nais ni Mayor; wala ring problema kung nais idirekta ng Red Cross ang kanilang tulong, at hindi ito dapat maging magkasalungat.

Nagkaroon ng problema nang nagmatigas ang Red Cross na ito ang dapat mamamahagi at isinantabi na ang katotohanan na lokal na opisyales o lokal na pangmasang mga organisasyon, kung mayroon sa lugar, ang siyang nakakaalam kung sinu-sino ang dapat na mabigyan ng tulong. Sa panahong may kalamidad at nagkakagulo pa ang lahat sa pagharap sa mga nasalanta hindi kagyat na kailangan ang anumang listahan ng mga benepisyaryo.

Sa gitna ng kontrobersiyang ito, mahahalata at nakapagtataka ang grabeng pagbatikos ng midya sa ginawa ni Evasco, lalo na ang naglalakihang media outlet na may sariling mga foundation. Pareho ang kanilang argumento sa Red Cross: may pananagutan umano sila sa kanilang donors. Pero ang iniiwasan nilang talakayin ay ang tanong na kung tama ba ang centralized, organized and equal distribution. O baka gusto lang din nilang magpapogi sa kanilang donors? Sa lawak ng nasalanta at daming biktima, hindi na siguro magtatanong ang donors kung saan napunta ang barya-baryang hinuhulog sa mga lata ng Red Cross sa bawat estasyon ng MRT at LRT, at sa mga tindahan sa malalaking malls.

Ang malaking katanungan naman sa mga mainstream media – inalam ba nila ang buong katotohanan sa nangyari bago nila “ipinako sa krus” si Mayor Evasco? Posible rin kaya na may pansariling interes din ang mga midyang ito sa kanilang pag-uulat at pumaypay sa arbitraryong pagbatikos ng netizens? Nakausap ba ng mga midya ito ang mga taong nakasaksi sa aktuwal na pangyayari? Dahil mayroon din namang kaibang sentimyento na lumalabas social media.

May dapat bang sisihin sa kontrobersiya o mga kontrobersiya tuwing may kalamidad? Maaaring maiwasan ang mga ito kung handa ang gobyerno mula sa nasyunal hanggang sa lokal na antas. Kasama na rin ang mga ahensiya ng gobyernong pangunahing trabaho ang pagtugon sa mga biktima. Kaso, ang nangyayari, laging huli at mabagal ang pagtugon. Kahit pa sabihin ngayon na on top of the situation ang gobyerno, hindi maikakaila na ilang araw na ang lumipas bago relatibong naisaayos ang tugon sa mga nasalanta.

Kadalasan, totoong ang unang nakakapagbigay ng tulong ay ang mga pribadong charitable institution at mga mga indibidwal na nais makapagbigay ng agarang tulong. Taliwas ito sa inaasahan na ang gobyerno ang pangunahing dapat na tumutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayang nasalanta upang makaagapay sa muling pagbangon. Napupunta ang responsibilidad na ito sa mga pribadong institusyong nagbibigay tulong at sa kalaunan ay siyang nagiging makapangyarihan dahil hawak nila ang life support para makatawid ang mga biktima. Sa ganitong kalakaran, itinutulak o sinusuhayan ng gobyerno ang culture of mendicancy, na aasa na lamang ang masang biktima sa tulong ng mga pribadong ahensiya sa loob man o labas ng bansa.

Sa usaping ito, naging kahanga-hanga ang paninindigan ni Mayor Evasco.

(Larawan din ang kontrobersiya sa Bohol ang ipinamamarali ng mga pulitiko na kailangan nila ang pork barrel para sa mga mahihirap at para sa pagtugon sa mga kalamidad. Kaya sa tuwing may kalamidad, asahan na may magsasamantala sa mga biktima na mga trapo at mga taong may ambisyon na nagtatago sa tsapa ng mga ahensiyang nagbibigay tulong.)

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/10/pulitika-ng-kalamidad/feed/ 0
Mga biro sa social media kaugnay ng ‘pagsuko’ ni Napoles http://pinoyweekly.org/new/2013/08/mga-biro-sa-social-media-kaugnay-ng-pagsuko-ni-napoles/ http://pinoyweekly.org/new/2013/08/mga-biro-sa-social-media-kaugnay-ng-pagsuko-ni-napoles/#comments Wed, 28 Aug 2013 18:44:16 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=25652

]]> http://pinoyweekly.org/new/2013/08/mga-biro-sa-social-media-kaugnay-ng-pagsuko-ni-napoles/feed/ 1 ‘Rebolusyonaryong’ Santo Papa? http://pinoyweekly.org/new/2013/07/rebolusyonaryong-santo-papa/ http://pinoyweekly.org/new/2013/07/rebolusyonaryong-santo-papa/#comments Mon, 29 Jul 2013 07:20:51 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=25166 Kumakalat ngayon sa social media ang larawang ito ni Pope Francis kasama ang isang Gustavo Vera ng No Chains at La Alameda Argentina. Hawak nila ang isang t-short mula sa No Chains na kampanya na dinisenyo ni Andrew Florentino ng progresibong grupo ng mga artista na Ugatlahi Artist Collective.

Kumakalat ngayon sa social media ang larawang ito ni Pope Francis kasama ang isang Gustavo Vera ng No Chains at La Alameda Argentina. Hawak nila ang isang t-shirt mula sa No Chains na kampanya na dinisenyo ni Andrew Florentino ng progresibong grupo ng mga artista na Ugatlahi Artist Collective.’

Slumdog Papacy?

Matapang, radikal, at — para sa mga konserbatibo sa loob at labas ng Simbahang Katoliko — nakakagulat, ang mga salitang binitawan ni Pope Francis, o sinipi sa kanya ng midya, bago at sa mismong pagbisita niya sa bansang Brazil kamakailan. Ito ang unang papal visit ng bagong Santo Papa sa labas ng Roma, at marami ang nag-abang sa sasabihin niya. Lalo pa’t naging laman ng balita ang bansang bibisitahin niya dahil sa serye ng dambuhalang mga protesta kontra sa neoliberal na mga polisiyang nagpapahirap sa mga mamamayan ng Brazil.

Noong nakaraang linggo, ibinalita ng Wall Street Journal ito: ang paghayag ni Pope Francis ng pag-aalala sa malawakang disimpleyo sa kabataang manggagawa. Sabi niya, sa wikang Ingles: “May panganib na magkaroon tayo ng isang henerasyon na walang trabaho. Nakukuha ang personal na dignidad mula sa pagtrabaho,” sabi umano niya. Hindi man tuwirang sinabi ng Santo Papa (o hindi binanggit sa ulat ng WSJ), pero mistulang kritika ito sa malawakan, pandaigdigan at kapitalistang praktika ng kontraktuwalisasyon sa paggawa. Sabi sa ulat ng WSJ, binatikos ni Pope Francis ang mga merkado sa paggawa dahil itinuturing nitong disposable ang lakas-paggawa ng kabataan.

Nitong huling mga araw, pareho pa rin ang naging tono ng pampublikong mga pahayag ng Santo Papa. Kaalinsabay ng World Youth Day na nagaganap sa Brazil, sa unang araw niya sa naturang bansa, sinabi niya ito (sa wikang Ingles, salin ng manunulat):

“Kayo, minamahal kong kabataan, ang may taglay ng espesyal na sensitibidad (sensitivity), pero madalas kayong mawalan ng gana sa mga balita tungkol sa korupsiyon ng mga tao na naghahanap ng sariling ganansiya sa halip na naghahangad ng kabutihan ng karamihan…Huwag kayong hinaan ng loob; huwag kayong mawalan ng pag-asa. Maaaring magbago ang reyalidad…

“Walang sinumang kayang manatiling manhid sa kawalan-ng-pagkakapantay-pantay sa mundo. Walang tumatagal na pagtatag-ng-kapayapaan (peace-building), at walang nakakamit na pagkakasundo at kaligayahan, sa isang lipunang pinababayaan, isinasantabi o nagtatangi sa isang bahagi ng lipunang ito.”

Coverage ng US corporate media sa bisita ni Pope Francis sa Brazil

Coverage ng US corporate media sa bisita ni Pope Francis sa Brazil

Maaaring sabihin ng ilan na umaangkop lamang ang Santo Papa sa reyalidad ng bansang binibisita. Rebelyon ang tenor ng kabataan sa Brazil, at sa kanyang mga pahayag (ayon sa ulat na ito), mistulang hinimok pa niyang “magrebelde” ang kabataan. Siyempre, sa konteksto ito ng “pagpapalaganap ng mensahe ng Panginoon,” pero madalas na niyang idinidiin ang mensaheng ito ay ang pagyakap sa mahihirap at inaapi. At hindi lamang sa salita niya inihayag ang mensaheng ito: Iniulat sa midya ang pagbisita niya sa favelas, o slum areas (kung sa Pilipinas, informal settlements o squatter areas) sa unang araw ng kanyang pagdating sa Rio de Janeiro. Kahit ang popular na Santo Papa na si John Paul II, sa dalawang beses na bisita niya sa Pilipinas, hindi nakatuntong sa Smokey Mountain, Tondo, o ano mang lugar ng mga maralita sa bansang ito.

At kung hindi pa kayo kumbinsido sa tapang ng kasalukuyang lider-relihiyoso ng Simbahang Katoliko, pansinin na rin ang mga pahayag ni Francis noong nagbukas ang kongreso ng Diocese of Rome, halos dalawang linggo na ang nakararaan. Sa kanyang talumpati (na hindi inihanda, sabi ng isang Katolikong website), ilang beses niyang binanggit ang salitang “rebolusyon”. Sa konteksto ito ng paglulunsad ng “rebolusyon” ni Hesus para ipalaganap ang kanyang mensahe ng pag-ibig sa sangkatauhan. Pero binigyan-diin muli ni Pope Francis na ang mensaheng ito ay ang pakikipagkaisa at pagyakap sa mahihirap.

Malinaw na may kakaiba sa bagong Santo Papa: mas matapang sa paghayag ng opinyon sa itinuturing niyang mga problema ng lipunan, mas bukas sa pagbabago (bagamat malayo pa bago maging “bukas” sa maraming kontrobersiyal na isyu), mas pulitikal. Hitik ang kasaysayan ng simbahang Katoliko ng apostoles nito na bumaba sa kanilang pulpito para makilahok sa aktuwal na panlipunang mga pagbabago. Nariyan, siyempre, ang arsobispo ng El Salvador na si Arsobispo Oscar Romero, na nagsalita kontra sa mga paglabag sa karapatang pantao noong dekada ’70 sa kanyang bansa, at pinaslang dahil dito. Naging tanyag na progresibong manunulat at rebolusyonaryo ang Katolikong pari sa Nicaragua na si Ernesto Cardenal. Sa Latina Amerika naging tanyag ang “liberation theology” na kinakatawan ng mga tulad nina Romero at Cardenal, at mga tagasuporta nila sa loob ng simbahan.

Pero di hamak na mas malakas at mas marami ang mga konserbatibo (suportado, at sinusuportahan, ng malalaking negosyo at kapitalistang mga gobyerno) sa loob ng Simbahang Katoliko. Isa sa maraming matingkad na halimbawa ng pagsuporta ng mga pinuno ng simbahan sa mapanupil na mga rehimen ang sinasabing pagsuporta nito–o kahit pa sabihing pag-kibit-balikat nito–sa rehimeng Nazi sa Germany at Europa noong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig (Panoorin ang pelikulang “Amen” ng progresibong direktor ng pelikula na si Costa-Gavras). Hanggang ngayon, makapangyarihan ang mga puwersa ng reaksiyon at konserbatismo sa loob ng simbahan.

Sa gitna ng kalagayang ito ng Simbahang Katoliko, natutuwa ang maraming progresibo sa mga pahayag ng kasalukuyang Santo Papa. Sa maraming pagkakataon, tumiwalag siya sa mga protocol, umiwas sa nakagawiang praktika ng mga nauna sa kanya, para ipakita na maka-mahihirap siya, na bukas siya sa pagbabago (kahit hindi pa sa lahat ng kailangang pagbabago). Maaaring public relations na hakbang lamang ito, para bumawi ang simbahan mula sa katakut-takot na mga kontrobersiya, mula korupsiyon hanggang sex scandals, na kinasangkutan nito. Maaari rin naman na, sa wakas, natatangay na ng hangin ng pagbabago ang simbahan. Maaaring sinsero ang Santo Papa sa lumalalang kahirapan at pagsasamantala sa bansa–pero hindi pa siya handang yakapin ang radikal na pagbabagong itinutulak ng mga liberation theologian.

Anu’t ano man, dapat kaisa tayo sa pagbibigay-pugay sa mga pahayag at aksiyon ni Pope Francis. Kailangang kailangan ng mga naghihirap at inaaping mamamayan ng mundo ang boses at pakikilahok niya.

Bidyo ng alternative media group sa US na Democracy Now! hinggil sa pasismo sa loob ng Simbahang Katoliko, matapos magbitiw sa papacy si Pope Benedict XVI.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/07/rebolusyonaryong-santo-papa/feed/ 0
Uhaw http://pinoyweekly.org/new/2013/05/uhaw/ http://pinoyweekly.org/new/2013/05/uhaw/#comments Fri, 03 May 2013 15:26:12 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=24143 komentaryo“Tubig kayo d’yan! Tubig, sampung piso lang! Tubig!” Nakakauhaw noong araw na ‘yon.

Nagkaroon ng kahulugan ang salitang “pagkakaisa” sa akin noong Mayo Uno–pagkakaisang masasabi kong totoo, tunay at hindi lamang palabas. Marahil, ang iba’y sumasang-ayon dito at ang iba nama’y hindi. Pero sa oras na naitapak mo na ang mga paa mo at ginugol mo ang buong araw mo sa pakikinig at pag-intindi sa bawat hinaing, marahil mapapaisip ka at masasabi mo: “Kung ang ibang taong nakakaangat, nasasabing mahirap ang buhay sa Pilipinas, paano pa kaya ang mga manggagawang salat sa buhay at hindi alam kung paano pagkakasyahin ang kakarampot na kinikita sa loob ng isang araw?”

Nang araw na iyon, bawat pagsigaw, pagwagayway ng bandila, pagpatak ng pawis, pagsakit ng mga binti ay nagkaroon ng silbi. Katulad ng aking sinabi, ang bawat isang manggagawa ay nagkaisa. Hindi biro ang lumakad sa ilalim ng araw na mistulang mga itlog na piniprito sa tindi ng sikat nito at buga ng init. Pero hindi ito ininda ng bawat taong nakilahok sa rali. Hindi ito ininda, dahil sa aking pagkakaintindi, may iisa silang layunin. At hindi ito layuning makasarili. Kung iisipin, layunin itong masasabing tama lang.

Naging saksi ako sa hirap at tapang ng bawat taong nandoon upang bigyang pansin at iparating ang problema ng bawat isa. Sinimulan ng mainit na pagsuporta ng iba’t ibang organisasyon ng manggagawa at simbahan ang selebrasyon ng Labor Day o Araw ng Paggawa. Pagkatapos, nagkaroon ng Solidarity Lunch sa tapat ng Quiapo Church, matapos ang misang pinangunahan ni Cardinal Tagle na alay sa mga manggagawa. Matapos ito ay isa-isa nang nagdatingan ang mga manggagawa mula sa iba’t ibang lugar para magmartsa patungong Liwasang Bonifacio. Sa lugar na ito naganap ang isang programa. Kinahapunan, tinahak nila ang kahabaan ng Maynila papuntang Mendiola.

Nakapanayam ko noong araw na iyon si Joms Salvador, ang secretary-general ng Gabriela. Ang sabi niya, sa panahon ngayon na patuloy ang kahirapan at patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin, saan kukunin ng mga manggagawa, lalo na ang maliliit na manggagawa ang pantustos sa araw-araw kung hindi sapat ang suweldong naibibigay? Ang presyo ng bilihin ay pataas nang pataas. Kailan kaya tataas ang suweldong tinatanggap? Sa isip ko, naglalaro ang mga katagang “Oo nga.”

Oo, naging mahaba, matagal at nakakapagod ang araw na iyon. Pero kung iisipin, mahaba, matagal at nakakapagod na rin ang paghihintay ng mga manggagawa para sa hinihinging kaunting pagtaas ng sahod. Sa kabila nito’y patuloy pa rin silang lumalaban. Marahil ang iba, sasabihing ano kaya ang mapapala nila sa ginagawa nila. Pero hindi rin. Paano kung ito na lang ang magagawa nila, ang iparating ang boses ng bawat isang mamamayan na patuloy ang pagkayod sa kabila ng hindi sapat na sahod?

Nakakauhaw ang araw na iyon sa sobrang tindi ng sikat ng araw, at sa pagod na mararamdaman mo sa maghapong pagtayo at paglakad. Siguradong kumita ang mga nagtitinda ng inumin. Pero sa kabilang banda, naparating kaya ng mga manggagawa ang kanilang mensahe, may nakadama kaya ng uhaw na matagal na nilang nararamdaman?

Si Christine Kaye P. Javier, na intern ngayong summer sa Pinoy Weekly, ay estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas sa Baguio City.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/05/uhaw/feed/ 2
Trahedya ng nakararami http://pinoyweekly.org/new/2013/03/trahedya-ng-nakararami/ http://pinoyweekly.org/new/2013/03/trahedya-ng-nakararami/#comments Fri, 15 Mar 2013 19:57:29 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=23544 Candlelight vigil para sa estudyante ng UP Manila na kinitil ang sariling buhay matapos di-makapagbayad ng matrikula. (Instagram photo ni Carl Marc Ramota)

Candlelight vigil para sa estudyante ng UP Manila na kinitil ang sariling buhay matapos di-makapagbayad ng matrikula. (Instagram photo ni Carl Marc Ramota)

komentaryoNakakadurog ng puso ang istorya ni Kristel Tejada: 16-anyos, estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Manila (UP Manila), anak ng isang taxi driver na ama at homemaker na ina. Matalino, puno ng pag-asa.

Unang taon sa kolehiyo, ikalawang semestre, nahirapang magbayad ng matrikula. Di pinayagan ng UP Manila na mag-loan. Balewala ang mahigit tatlong buwan ng pag-aaral, ang lahat ng ginastos sa baon, pamasahe, xerox ng readings, pagkain. Napilitang magsangla pa ng pag-aari ang ina, pero di na umabot sa bayaran, di na puwedeng pumasok si Kristel at napuwersa na siyang mag-leave of absence.

Ayon sa ilang ulat, nanikluhod pa raw ang ina sa harap ng UP Manila Chancellor. Hindi talaga puwede, ayon sa UP Manila, dahil polisiya ito ng pamantasan. Kailangang magbayad para makapag-aral.

Kumalat sa social media, at kalauna’y sa mainstream media, ang pagkitil ni Kristel sa sariling buhay. Sa lungkot, marahil; sa desperasyon, siguro. Gaano man kakumplikado ang sitwasyon, malinaw ang pahayag ng kanyang guro at mga magulang: Bagsak ang diwa ni Kristel, depressed siya, dahil hindi na niya matatapos ang semestre. Nakiusap pa nga sa guro niya, baka naman puwedeng mag-sit-in na lang siya sa mga klase.

Gusto niyang matuto. Gusto niyang pumasok. Ano man ang motibasyon ng pagkitil ni Kristel sa sarili niyang buhay, alam nating malaki ang pagpapahalaga niya sa pag-aaral. Matalino siya, sabi ng propesor. Tahimik lang, pero isa sa pinaka-bright niyang estudyante. Nitong huling mga linggo, humihingi sa kanya ng payo si Kristel. Ano ang gagawin niya? Wala talaga sila. Walang maipambayad. Papaano sasalubungin ng pamantasan ang kagustuhan niyang mag-aral at makapagtapos? Sinalubong siya ng memo:No Late Payment”.

Hindi nakapagtataka ang taas ng pagpapahalaga ng mga tulad ni Kristel at pamilya niya sa edukasyon. Gobyerno mismo, sa pamamagitan ng mismong sistema ng edukasyon, ang nagdikdik sa atin ng ideya na tanging sa pagtatapos ng pag-aaral aasenso ang buhay at maiaahon ang pamilya sa hirap. Edukasyon ang pag-asa. Edukasyon ang solusyon sa kahirapan.

Kaya di nakapagtatakang itinataya ng maraming maralitang pamilya ang lahat ng pera at rekursong kaya nilang itaya para sa edukasyon, para sa kolehiyo. Panganay pa naman siya. Sa ating kultura, sa panganay (o sa pinakamatalino) madalas itaya ang rekurso ng pamilya dahil siya ang may pinakamalaking tsansang makatulong sa pag-ahon ng pamilya matapos ang kolehiyo at makakuha ng magandang trabaho.

Malamang, ipagmamalaki ng pamilya na nakapasok si Kristel ng UP. Ipinagmalaki ito sa lahat ng kaanak at kapitbahay. Sa wakas, may pag-asa na sila.

Pero nag-iiba na ang UP. Sa pagtutulak ng magkakasunod na mga administrasyon ng gobyerno na gawing mas “independiyente ang pinansiya” ng UP, unti-unting tumaas ang matrikula rito. Mula P40 kada yunit bago 1989 hanggang P1,500 ngayon. Kasabay din nito, ang presyur ng kulturang kolehiyo: ang pakikipagsabayan sa pananamit, kagamitan (gaheto pa nga), kagawian.

Sabi ng proposer niya, “sobrang nahiya na siya” sa mga kaklase noong huling mga linggo ng pagpasok niya. Nahihiya siyang pumapasok siya pero hindi niya kayang magbayad ng matrikula.

* * *

Nakakadurog ng puso, dahil walang kasinglinaw ang halimbawa niya, na isang di-makatarungang sistema ng edukasyon ang ipinapatupad ngayon sa bansa.

Ano mang paghuhugas-kamay ang gawin sa publiko ng Commission on Higher Education – na kesyo may sariling kapasyahan ang bawat state university na magtakda ng mga polisiya kaugnay ng matrikula – hindi maitatanggi na may pananagutan sila sa sinapit ng estudyanteng ito. Hindi ba’t matagal nang itinutulak ng CHED at ng administrasyon ni Benigno Aquino III ang taun-taong pagkaltas sa badyet ng state colleges and universities, para maging “self-sufficient”? Hindi ba’t matagal nang adbokasiya ni Aquino ang neoliberal na oryentasyon sa sistema ng edukasyon – ang pagpasok ng market forces sa sistemang ito para maging mas episyente raw?

Hindi ba’t pinangangasiwaan niya ngayon ang pagpapatupad ng plano ng pagsasapribado ng iba’t ibang pampublikong serbisyo, mula sa ilang ahensiya ng gobyerno tulad ng National Food Authority, hanggang sa pampublikong mga ospital tulad ng Philippine Orthopedic Center?

Hindi mahirap sabihing may pananagutan ang pambansang administrasyon ni  Aquino sa nangyari kay Kristel. Ina na mismo niya ang nagsabi. Higit pa rito, direktang resulta ng mga polisiya niya – hindi lang ng polisiya ng UP Manila, bagamat may malaki silang pananagutan – ang pagkait ng pagkakataon sa mga tulad ni Kristel na makapag-aral sa UP at iba pang state university.

Mistulang itinutulak ng gobyerno ang bawat maralitang kabataan sa sitwasyon ni Kristel: Buong buhay paniniwalain na tanging sa edukasyon lang sila aahon sa hirap, pero brutal na ipagkakait ang edukasyon sa kanila kapag malapit na nila itong maabot. Maraming marami sila na mga katulad ni Kristel.

* * *

Tsuper daw ng taksi ang tatay ni Kristel. Magkano na ba ang kinikita ng tsuper ng taksi ngayon sa pang-araw-araw na trabaho? Iba-iba, marahil, pero siguradong hindi nito kakayanin ang matrikulang P1,500 kada yunit sa bawat semestre. Kahit mag-isa pa siyang pinag-aaral, at hindi lima (lima silang magkakapatid nina Kristel).

Gobyerno rin ang kalaban ng tatay ni Kristel – sa usapin lalo ng pagtaas ng presyo ng langis. Tulad ng paghugas-kamay ng CHED, hugas-kamay din ang lahat ng ahensiya ng gobyerno tuwing may magtatanong sa publiko kung sino ang dapat managot sa walang habas na taas-presyo ng langis at oil overpricing. Wala raw magagawa, dahil may Oil Deregulation Law, dahil wala nang kapangyarihan ang gobyerno na kontrolin ang presyo o kahit silipin man lang sa mga kompanya ng langis kung may batayan talaga ang taas-presyo.

Samantala, nag-anunsiyo na ang Meralco na magtataas ito ng singil sa kuryente. Gusto na ring magtaas ng singil ng Maynilad at Manila Water. Pati pamasahe sa LRT at MRT (Taga-Tayuman daw sina Kristel, kaya malamang na sumasakay din siya ng LRT papuntang UP Manila.).

Pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, pagsasapribado ng mga serbisyo tulad ng edukasyon at kalusugan – malinaw na magkakaugnay ang mga isyung ito. Malinaw na may ugnay sa trahedya ng isang kabataang estudyanteng tulad ni Kristel.

Sa pagtatapos, isa pang totoong kuwento, na patunay sa puntong ito:

Isang kaibigan ang nakasakay sa isang taksi isang umaga noong nakaraang buwan. Pansin niya, namumugto ang mata ng drayber.

Tinanong niya kung ano ang problema ng drayber. Galing lang daw kasi siya sa ospital. Tinawagan siya ng kanyang kapitbahay sa cellphone. Tumakbo raw siya sa ganitong pampublikong ospital kasi na­-hit-and-run ang asawa niya at dalawang anak. Nasa traysikel ang mag-iina, papuntang eskuwela.

Dead on arrival ang bunso niyang anak. Agaw-buhay ang kanyang asawa at isa pang anak. Sabi sa kanya ng nars, may kailangang bayaran. May mga gamot na kailangang bilhin. Hindi libre rito ang pagpapagamot. Nagsisimula pa lang siya sa pasada, kaya wala pa masyadong kita.  Kailangan niyang ituloy ang pasada. Walang panahong magluksa sa namatay na anak. Kailangang magpasada para kumita. Lumiliit ang kita kaya kailangang magpursigi pa.

Pinipilit niyang pigilan ang pagluha habang kinukuwento ito. Mahirap daw kasi magmaneho kung puno ng luha ang mata mo.

Trahedya ito ng nakararami sa atin. May kailangang tayong gawin.

May ulat ni Pher Pasion

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/03/trahedya-ng-nakararami/feed/ 4