Pinoy Weekly » Pinoy Showbiz http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Sun, 03 Aug 2014 17:56:33 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=3.9.1 Maricel Soriano, Robin Padilla wagi sa MMFF http://pinoyweekly.org/new/2014/01/maricel-soriano-robin-padilla-wagi-sa-mmff/ http://pinoyweekly.org/new/2014/01/maricel-soriano-robin-padilla-wagi-sa-mmff/#comments Thu, 02 Jan 2014 17:00:01 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=27252 Maricel Soriano

Maricel Soriano

Wala si Maricel Soriano sa gabi ng parangal sa ika-39 Metro Manila Film Festival Philippines na ginanap sa Meralco Theater sa Ortigas Avenue.

Pero siya ang nagwagi sa kategorya ng Best Actress at hindi siya makapaniwala.

May isang peryodistang pampelikulang taga-Nueva Ecija na lumuluwas sa Maynila pag may mga piging na pang-showbiz tulad nga nitong awards night ng MMFFP 2013.

Siya ang nagsabi at nagpahayag sa kanyang mga kapwa peryodistang pampelikula na tinawagan agad ng isang taga-produksyon ng obrang “Girl Boy Bakla Tomboy” ng Viva Entertainment si Maricel para ibalita sa aktres na siya ang nagwagi.

Ang sabi ng movie reporter ay, “naku, ‘yang si Maricel talaga, kasasabi raw ba naman nang tagawag ng production staff na ‘bakit?’ Eto ‘yong reaksiyon niya sa kanyang hindi inaasahang panalo.

Dahil sa lipunang Filipino na lipunan din ng mga taga-showbiz, madalas kaysa hindi ay hindi o walang nananalo sa isang katatawang pelikula maliban na lang kung ito ay panunudyo o satire.

Pero kapag slapsticktoilet humor o pampagulong lang sa tawa, ang paniniwala ng marami ay hindi ito pinagmumulan ng tagumpay sa pag-arte o iba pang mapanlikhang larangan sa mga elemento ng pelikula.

***

Dahil komedya ang “Girl Boy Bakla Tomboy,” parang ang pananaw ay hindi ito magkakamit ng award sa pag-arte pero binaklas nga ng inampalan ang tradisyunal na paniniwalang ito.

Ipinanalo ng mga hurado si Soriano mula sa isang katatawang obra.

Pinapupunta o pinasusunod pa nga si Marya anang peryodistang pampelikulang taga-Nueva Ecija para kahit huli man daw at magaling ay naihahabol din kahit na tapos na ang palatuntunan.

Pero ayaw na ni Maricel na humabol sa Meralco Theater dahil hindi naman gano’n kadali ang pag-alis ng kanilang bahay.

***

Ang tumanggap ng tropeyo ng karangalan ni Soriano ay ang kanyang direktor na si Wenn Deramas.

Nagpaliwanag ni Wenn kung bakit wala ang tinaguriang Diamond Star sa gabi ng parangal ng 39thMMFFP.

Pero nandoon naman ang nagwaging Best Actor na si Robin Padilla na nangantiyaw sa sambayanan na panoorin ang kanyang pelikulang “10,000 Hours” na nagwagi ring Best Picture, Fernando Poe, Jr. Memorial Award for Film Excellence, Gatpuno Antonio J. Villeagas Memorial Award.

“’Yong kay Kris Aquino at ‘yong kay Vice Ganda, boundary na, kami, hindi pa,” pahayag ni Padilla sa pagkahalong paglalambing at panggigising na ang tinutukoy ay ang proyekto ni Kris kasama sina Ryzza Mae Dizon, Vic Sotto at James “Bimby” Aquino Yap na “My Little Bossings” at ang likhang-panoorin ni Vice na “Girl Boy Bakla Tomboy.”

“Pero kung katumbas ng tropeyo na ito ay panonood ninyo, boundary na kami,” pagpaparinig pa ng aktor.

Sinabi ni Robin na siya ay nagtataguyod sa isang “mapayapang rebolusyon” na ang tinutukoy ay ang mensahe ng kanyang pelikula at ang pangunahing karakter nito na halaw sa buhay at pakikipagsapalaran ng dating senador na si Panfilo Lacson, kilala rin sa tawag na Ping Lacson.

Ang pagtingin ni Binoe sa kanyang ginagampanang pelikula ay pagbabago sa bulok na sistema sa isang tahimik na pagbabago sa gitna ng gulo at ligalig.

Tingnan nga natin kung talagang may epekto sa pagbabago sa ating buhay na buktot at makasarili at ipokrito ang pelikula ng aktor.

Kasi, halos makopo nito ang lahat ng mga parangal.

***

Ang nanalong Best Director, Best Supporting Actor, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Editing at Best Musical Scoring ay ang “10,000 Hours” kaya tuwang-tuwa si Bb. Joyce Bernal sa kanyang trabaho.

May katwiran nga naman siyang tanggihan ang pagdidirek kay Aquino sa “My Little Bossings” at kay Eugene Domingo sa “Kimmy Dora Ang Kiyemeng Prequel” dahil sa mas nakakapagpasirko ng dugo at nakakapaghamon ang paghawak sa materyal ng kasaysayan ni Lacson.

***

Nakasingit naman si Aiza Seguerra bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang “My Little Bossings” samantalang Best Visual Effects ang “10,000 Hours” at Best Original Story din ito.

Masayang-masaya ang syota ni Aiza na si Liza Dino na nagwagi namang Best Actress noong isang taon sa ika-38 MMFFP New Wave category.

Matagal na palang nagmamahalan sina Seguerra at Liza na nahawakan na rin ni Francis O. Villacorta at Jowee Morel, ang kontrobersiyal at nakakaintrigang Fil-Briton filmmaker.

Nang magpasya si Dino na manirahan na sa Pilipinas ay biglang nagkrus ang landas nila ni Aiza kaya tumibok agad ang kanilang puso sa isa’t isa.

***

Ito namang si Armando Lao, mas kilala rin sa tawag na Bing Lao, ang nag-uwi ng karangalang Best Director at Best Picture sa New Wave para sa “Dukit.”

Aming pinasasalubungan ng isang masigabong palakpakan si Armando na aming kaklase sa kauna-unahang libreng scriptwriting class ni Ricardo Lee, kilala rin sa tawag na Ricky Lee, noong 1982.

Malayo na talaga ang nararating ni Lao at ng iba pa naming kaklase kay Ricky na sina Jeffrey Jeturian, Buddy Palad, Boots Agbayani-Pastor, Leo Abaya, Loretta Medina, Emmie G. Velarde, Eric Reyes, Phillip Garcia, Jr., Benjie Tan at kahit ng mga namayapa nang sina Vincent Benjamin Kua, Jr. at Lynda Casimiro.

Magaling talaga si Bing at siya ay guro rin ng mga bagong dugo sa showbiz.

Kaya nga ang 2014 ay naghahamon pa rin sa pagpapaalsa ng ating kamalayan sa tunay na takbo ng ating lipunan.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/01/maricel-soriano-robin-padilla-wagi-sa-mmff/feed/ 0
Kamatayan ni Chito Alcid, wakas ng isang panahon http://pinoyweekly.org/new/2013/10/kamatayan-ni-chito-alcid-wakas-ng-isang-panahon/ http://pinoyweekly.org/new/2013/10/kamatayan-ni-chito-alcid-wakas-ng-isang-panahon/#comments Tue, 22 Oct 2013 16:53:53 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=26397 Sina Chito Alcid, Carla Varga, Juan Carlos Castro at Justo C. Justo.

Sina Chito Alcid, Carla Varga, Juan Carlos Castro at Justo C. Justo.

Kung hindi man lubusang nagluksa ang kabuuan ng showbiz sa pagpanaw ng kontrobersyal at pamosong peryodistang pampelikulang si Chito P. Alcid, ang nalalabi ay tunay na tumangis kundi man nagdiwang sa kanyang kamatayan.

Sa huling gabi ng kanyang lamay sa Arlington Memorial Chapels and Crematorium sa Araneta Coliseum, walang umuwing luhaan maging sa loob ng kapilya.

Tulad ng iba pang tradisyon sa burol, tawanan, kuwentuhan, kumustahan, kainan, bidahan at balikan ng mga alaala ang lugar at panahon ng trahedya.

Marahil ay sadyang masayahin at magalakin si Chito kaya ito rin ang isinukli sa kanya ng mga nakidalamhati sa kanya.

Nang nabubuhay pa ang mamamahayag ay punung-puno ng buhay ang kanyang paligid kesehodang napapagkamalan siyang mataray, mataras, marahas, maldita, nakaw-eksena at isnabera.

Kasi nga’y lagi siyang nakaidya na para bang siya lang ang bida pero kung kilala mo siya, ang lahat ay depensa lamang ng isang indibidwal na maraming nais pagtakpan sa kanyang pagkatao kundi man talagang palaban siya.

***

Ang kasaysayan sa showbiz ni Alcid ay mula nang pumailanglang ang mga Barbara Perez at mga Susan Roces sa larangan.

Malapit na malapit siya kina Susan at Amalia Fuentes lalo na nitong mga nakaraang dalawang dekada kahit ang nagrereyna na sa pinilakan ay ang mga Claudine Barretto at Judy Ann Santos, Marian Rivera at Angel Locsin, Kim Chiu at Bea Binene.

Laging ipinagtatanggol ni Chito ang mga nakalipas taliwas sa karamihan na niyayakap ang ngayon.

Ipinagkukumpara niyang lagi ang mga artista noon at ng kasalukuyan bagamat iba ang hilatsa at timpla ng panahon noon sa klase ng sosyo-pulitikal na kalakaran pero ang kultura at pang-ekonomikong kalagayan ay lalo pang nanggigitata dahil sa pambubusabos ng panlipunang pamumuno na makasarili at hindi Malaya.

Ang showbiz noon at ngayon ay wala pang ipinagkakaiba at dahil nga mas pinapaboran ni Chito at si Chito ng nakaraan o ng mga mas beterano at beterana, ang mga ito ang kanyang kinikilingan.

***

Kung pagbabasehan ang mga personalidad na ekstensyon ni Alcid sa kanyang peryodismo, ang mga ito ay ang mga pangunahing humulma ng industriya ng pelikula at telebisyon noong 1960s, 1970s, 1980s at 1990s.

Sila ang nasa orbito o hanay o saklaw ni Chito bilang movie reporter bagamat ang milenyo at ang 2010s ay pilit niyang sinasakyan at nakakaagwanta naman siya.

Sa regular na pakikipagsosyalan, pakikipaghuntahan at pakikisalamuhan niya sa mga hari at reyna ng 1960s, 1970s, 1980s at 1990s ay patunay na nakalikha siya ng koneksyong panlipunan sa mga ito kaya naman itinatak siya sa kanilang mga puso at utak.

Bago pa man magka-colon cancer si Chito ay dumadalo na siya sa mga reunion nina Perla Bautista, Caridad Sanchez, Delia Razon at iba pang taga-LVN Pictures.

Gayundin, ang pagsasama-sama muli ng mga taga-Sampaguita Pictures ay dinadaluhan din niya at nandoon sina Amalia, Susan, Liberty Ilagan, Pepito Rodriguez, Amparo Lucas, Nori Dalisay at mga kasama sa bakuran ni Dr. Jose R. Perez at ng misis nitong si Nene Vera-Perez kasama ang kinatawan ng mga anak ng mga ito na si Marichu Vera-Perez.

Kung may taga-ibang produksyon man ay parang kapamilya (bago pa sumulpot ang mga katagang nagpapahayag ng kaisahan pero teri-teritoryo tulad ng Kapamilya, Kapuso at Kapatid) rin ang turing tulad ng mga independiyenteng sina Minda Morena, Gloria Sevilla, Boots Anson Roa at iba pa.

Ang nakalipas ni Alcid ay sukatan din kung paano siya nakakaugnay o nakikiugnay sa kontemporaryong pitlag at panahon ng mekanismo at sistema ng showbiz.

***

Ayon kay Alcid nang siya ay nabubuhay pa, siya ang nakatuklas sa magkapatid na Judy Ann at Jeffrey Santos hanggang nakatunggali niya ang kapwa mataray ring si Alfie Lorenzo kaya naghalo ang balat sa tinalupan.

Hanggang si Alfie na ang tuluyang kumontrol sa pagsisimula at pamamayagpag sa showbiz nina Juday at Jeffrey.

Napakalawak at napakalalimn na diskusyon ng pingkiang ito nina Alcid at Alfie at sangkot ang lahat ng mga ahensiya at tao ng lipunang sa labanan nilang ito.

Dahil si Chito naman ay susi lamang ng mga prodyuser at mga namumuhunan sa negosyo ng media para makapag-umpisa, makapagpatuloy at makapagtubo kaya bahagi lang siya ng malawak na digmaan ng mga interest at kung paano mangingibabaw ang mga interest na ito anuman ang kamalian at katamaan ng mga ito.

***

Nang iburol si Alcid sa Arlington ay nandoon ang mga kabahagi niya sa kanyang propesyon at panahon tulad nina Lorna Tolentino, Carla Varga, Azenith Briones, Maria Isabel Lopez, Deborah Sun, Maryo J. de los Reyes, Julie Ann Fortich, Angela Perez, Cathy Mora at iba pa.

Sa hanay naman ng mga kapatid sa panulat ay nandoon sina Arthur Quinto, Robert Silverio, Mona Patubo, Art Tapalla, Roland Lerum, Obette Serrano, Rudy de la Pena, Alice Vergara, Jayjay Espiritu, Anthony Solis at marami pang iba.

Nandoon din ang iba’t ibang personahe tulad nina Jojo Montemayor; isang guro sa kagandahan at tagapagtuklas ni Jestoni Alarcon na inihabilin niya sa peryodistang pampelikulang si Vir Mateo; Albert Minguez, isang pamosong tagadisenyo ng damit; Mari Barbecui, isang alalay na nakilala nang pag-ayuda kay Vilma Santos; Pempe Oreta, isang barkada ng mga beterano at betarana sa showbiz at asawa ng isang espesyalistang doktor; Maria Rocio de Vega, misis ng pinaslang noon na ng dating tagapangulo ng Board of Censors for Motion Picture at siya ang pumalit sa panahon ng diktadurya at iba pa.

Dahil sa impluwensiya ni Alcid nang dahil sa pagtitiwala sa kanya ng mga kapitalista sa showbiz ay malapit na malapit din siya—maituturing na kapangyarihan—sa malalaking pangalan lalo na kina Lloyd Samartino, Mark Gil, Fanny Serrano, Laila Dee, Melanie Marquez at marami pang iba.

Kahit ngayong wala naman siyang hawak na mga kabataang artista ay peryodista pa rin siya at nasa kanya ang kapangyarihan kaya lamang nga ay hindi sa konteksto ng panlipunang kritisismo ang kanyang komunikasyon kundi mga pinagtagni-tagni lang na mga komentaryo at paglalarawan sa mga tao at sitwasyon.

Anuman ang sabihin, si Chito Alcid, Narciso Pronto Alcid sa tunay na buhay ay bahagi kahit katiting lamang na kulay, pilosopiya at paninindigan ng kanyang panahon.

Patuloy na lumalakad ang bawat sandali at ang mga bakas ni Chito sa pagyapak at pakikiangkas sa sistema ng buhay—gaano man kabalintuna—ay nakamarka pa rin.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/10/kamatayan-ni-chito-alcid-wakas-ng-isang-panahon/feed/ 0
Sa parokya ni Chito Miranda http://pinoyweekly.org/new/2013/08/sa-parokya-ni-chito-miranda/ http://pinoyweekly.org/new/2013/08/sa-parokya-ni-chito-miranda/#comments Mon, 19 Aug 2013 16:52:34 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=25533 Nagpaskil ng larawan sina Neri Naig at Chito Miranda sa Twitter account ni Chito matapos ang pagkalat ng naturang sex video

Nagpaskil ng larawan sina Neri Naig at Chito Miranda sa Twitter account ni Chito matapos ang pagkalat ng naturang sex video

Bilang mamamayang Filipino, relihiyoso man siya o hindi, naniniwala man siya sa Diyos o hindi, Katoliko—sarado o bukas-laya man siya hindi—Born Again man o Baptist o Iglesia ni Kristo o Ang Dating Daan o Sabadista o Muslim at iba pang relihiyon, agnostiko man siya o hindi, sa pulitikal na ekonomiya na pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan sa ngalan ng pananampalataya, may nakakasakop na parokya kay Chito Miranda, ang bokalista ng Parokya ni Edgar.

Ang parokya ay katumbas ng lokal para sa INK at ADD o sa iba pang organisadong paniniwalang ispiritwal.

Ang parokyang ito ang nagsesensus kundi man nagmomonitor—sapilitan man o taus-puso (halimbawa’y pagtatanung-tanong o random na pagkuha ng impormasyon iniutos man ng awtoridad o hindi)—ng mga mamamayan ng lugar.

May kapangyarihan ang parokya sa pagbuo o pagsira ng isang mamanampalataya o ng isang basta nabubuhay lang sa loob nito kaya may kontrol din ito sa kanya.

Sa kanyang parokya, nandoon ang papeles ng kanyang pagkatao bilang patotoo na siya ay legal na miyembro nito sa eklesiyastikong pamantayan, patakaran at panuntunan—mula pagsilang hanggang pagkamatay—na hindi makikita sa ibang parokya liban na lang kung dodoktorin ang mga opisyal na kasulatan.

Tiyak na magbabayad siya ng baptismal certificate o nagbayad na siya ng sertipikong ito para sa pagkuha ng iba pang dokumento kaugnay sa kanyang propesyon kabilang ang pagkanta o pagpunta man lang sa ibang bansa lalo na kung kinakailangan.

Sa parokya ring ito siya maaaring kumuha ng marriage contract ng kanyang mga magulang kung nagpakasal ang mga ito sa ilalim ng batas ng napiling pananampalataya.

O ng pinagsanib na kolerasyon at koleksyon ng mga impormasyon ng simbahan at pamahalaan kaugnay halimbawa sa pag-iisyu ng death certificate ng kung sinumanng may koneksyon sa kanya na maaaring kailanganin niya sa anumang okasyon at pagkakataon.
Sa maikling salita, bahagi si Chito ng kultura ng isang parokya o lokal sa siyudad man o sa probinsiya o lalo na sa mga bayan o munisipalidad.
***

Ngayon pa lang, sa paglabas ng maeskandalong sex video ni Miranda kasama ang batang aktres na si Neri Naig, may bulung-bulungan na sa kanyang parokya, mga tsika, opisyal man o kadaldalan lang.

Si Neri man ay miyembro rin ng isang parokya.

Pero ang tiyak, ginigisa na si Chito, Alfonso Miranda sa tunay na buhay, sa mantika ng tsikahan at tsismisan sa simbahan ng pantutusta sa kanyang akrobatikong pakikipagromansa sa publiko kay Neri dahil ang parokya ay kailangang sumunod sa mga dogmatiko, konserbatibo at makadiyos na hakbangin at tunguhin at ang pakikipagtalik niya nang mapusok sa kanyang girlfriend na hindi naman niya asawa sa makabatas na pagsunod ay lisya sa paniniwala ng parokya.

***

Patuloy pa ngang pinag-uusapan ang sex video nina Chito at Neri, ang isa sampung pasado sa Star Circle Quest ng ABS-CBN noon kung saan at kailan ay kasabay niya sina Roxanne Guinoo, Sandara Park, Joseph Bitangcol, Joross Gamboa, Melissa Ricks at iba pa.

Nakita ng publiko ang masigabo at agresibong pagtatalik na seksuwal nina Chito at Neri kung saan kapwa hubo’t hubad ang dalawa na nakikipaglandian pa sa mga mata ng kamera na kung tutuusin ay atat na atat sila at gustung-gusto ang narsisistikong akto ng romansa.

Sasabihin ng mga manang at manong sa kanyang parokya; mapupunta sa impiyerno sina Miranda at Naig; masusunog sila sa apoy ng diyablo, maglulumunoy sila sa kumukulong asupre; magtatalsikan, manunuot o mandudurog sa kanilang balat at buong katawan ang maiinit, matutulis, magagaspang at nagbabagang mga buhangin habang humahalakhak at sumasakop sa kanila si Satanas.

‘Yan ang kinamulatan ng parokya at matagal malusaw ang tradisyon at aral na ‘yan dahil ‘yan ang pananakot o pananampalataya laban sa mga makasalanan sa mata ng Diyos at ng tao.

Wala nga bang takot ang magsyota o wala silang paniniwala o wala lang magawa o talagang walang diyos sa kanilang katawan?
May nais ba silang tuyain o pamukhaan sa kanilang ginawa?

***

Maaaring maitanong kung may pag-ibig ba sa pagitan nina Neri at Chito nang ginagawa nila ang animalistikong lingkisan sa kama.
Umaatikabong pre-marital sex.

May pag-ibig man o wala, ang parokya ay tutol dito pero nang gawin ba nila ito ay ipinaglaban nila ang Reproductive Health Bill o RH Bill para sa kapakanan ng kanilang kalusugan bilang mga nilalang na nangagalaga ng kanilang kapakanang pisikal para makapaglingkod pa sa Panginoon para sa kalayaan o katarungan o kaginhawahan una ng kanilang mga sarili at ng higit na nakakarami?

Nakiisa ba sina Neri at Chito sa laban ng mamamayan para sa mabuting pamamalakad ng kalusugang pangmadla o sinarili lang nila ang kanilang pagsuporta o wala silang pakialam?

Marahil ay hindi nga dahil maraming machismo at pasatodong pamamaraang ginagamit si Chito sa kanyang pakikipagtalik kay Neri kabilang ang hindi paggamit ng condom sa pakikipagtalik sa batang aktres.

At ang pagbi-video sa kanilang mga sarili ay kanilang kalayaan o kahalayan pero para ano at para saan?

Ano ang mga motibo ng mga kasangkot sa kontrobersiyang ito?

Sa pagkakataong ito, ang mas makakaantig ng damdamin ng publiko o ng mga may kaugnayan, personal man o propesyunal, sa kanila ay pagpapakasal ni Chito kay Neri o kung hindi man ay ang matapat at maganda nilang pagsasamahan sa likod at harap ng kamera bilang babae at lalaki, live-in man ito o hindi.

Bilang mga pampublikong pag-aari, masusubaybayan ng madla ang kanilang pribadong pagsasama sa tulong ng media at makakalaya lang sila sa mapait at marahas na paghuhusga ng mga tao pag napatunayan nilang sila ay may katinuang magsama nang maluwag sa habang panahon.

Ang mga madlang-pipol, mga kasapi rin ng mga parokya o lokal o anumang katawagan sa kolektibong organisasyong pananalig ng isang grupo at ang mga miyembro rin ng iba’t ibang parokya o lokal ay mga bahagi ng pamayanan ng Internet o ang tinatawag na netizens.

Sa takbo ng mga pangyayari, repleksiyon ng establisimyento ng parokya o lokal ang netizens at sila man ay naghuhusga kina Chito.

May sumusumpa. May nakakaunawa. May nakikisimpatya. May nakikisakay. May nakikisawsaw. May nakikiaway.

Dahil demokratiko ang sistema ng gobyerno, kung anu-ano ang mga komento at sentimiyento ng mga ito—may lohikal, may katawa-tawa, may singaw ng inggit, may lambong ng ngitngit.

***

Sa mga kasarian sa lipunan, mas agrabyado ang babae sa ganitong sitwasyon kaya kailangang ipaglaban ni Naig ang kanyang mga karapatan.

Bilang babae, may mga alas pa siyang nakatago sa kanyang mga manggas na kailangan niyang ingatan pag si Miranda ay nagloko laban sa kanya.

May pansariling katatagan at kapangyarihan ang isang babaing tulad ni Neri para lumaban kung kinakailangan o kaya naman ay makialyansa siya sa mga kababaihang nagsusulong ng kanilang mga kapakanan laban sa kaapihan ng isang tulad niya.

Ito naman ay kung hindi mapapanindigan ni Chito ang kanilang pinagsaluhan.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/08/sa-parokya-ni-chito-miranda/feed/ 0
Transsexual, Best Actor sa 9th Cinemalaya; Vilma Santos, Best Actress http://pinoyweekly.org/new/2013/08/transgender-best-actor-sa-9th-cinemalaya-vilma-santos-best-actress/ http://pinoyweekly.org/new/2013/08/transgender-best-actor-sa-9th-cinemalaya-vilma-santos-best-actress/#comments Fri, 09 Aug 2013 10:29:20 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=25361 Mimi Juareza, Best Actor sa "Quick Change"

Mimi Juareza, Best Actor sa “Quick Change”

Hindi lang naman ngayong milenyo o sa henerasyong ito may nananalong bading sa mga timpalak pagalingan sa pag-arte dahil noon pa man ay meron na tulad noong 1980 kung saan nagwagi si Bernardo C. Bernardo ng Best Actor sa prestihiyosong Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa pelikulang “City After Dark,” ang dating “Manila By Night” ng Regal Films sa direksyon ni Ishmael Bernal.

Kahit mga baklang director, manunulat, tekniko at mga manlilikha sa pelikula ay madalas mag-uwi ng karangalan sa iba’t ibang award-giving body.

May aktor na pinaghihinalaang binabae na mahuhusay umarte at nagkamit na rin ng mga parangal kundi man pangaral.

May mga nagpapakalalaking bituin na pinagkalooban na rin ng award na Best Actor kaya hindi na bago ang ganitong mga karangalan para sa mga ikatlong lahi ni Adan.

***

Bago lang ang pagwawagi ng baklang operada sa sex o kung tagurian sa politically correct na paglalarawan ay transgender o transsexual tulad ni Mimi Juareza dahil matindi ang pagsuri at pagkilatis sa pagpapakapormal at pagpapakaopisyal na pagtanggap sa mga bakla sa lipunang ito.

Nataon pa na kontrobersyal ang Reproductive Health Law at ang pagpapatupad nito na nagpapamalas ng wastong pagtingin sa kalayaan sa sekswal na mga pananaw o opisyo at ang makabuluhan o napapanahong diskusyon tungkol sa same-sex marriage o pagpapakasama o pagsasamang legal ng dalawang tao na pareho ang kasarian.

Nataon din ang pananalo ni Mimi ng Best Actor sa ikasiyam na Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines para sa pelikulang “Quick Change” sa direksyon ni Eduardo Roy, Jr. sa mga maalingasngas at mapangahas na pahayag ni Pope Francis sa pagkalinga at pagtanggap sa mga bakla sa ordinaryong agos ng buhay sa lipunan sa buong mundo.

Ayon kay Juareza sa kanyang talumpati matapos niyang tanggapin ang kanyang tropeyo ng karangalan mula sa pagpapahayag ng aktres na si Suzette Ranillo, ang kanyang parangal ay handog niya sa kanyang mga kabaro at sa komunidad ng mga LGBT o Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender.

Sinabi ni Mimi, na naka-gown na kulay bughaw na umaalun-alon at nakakolorete’s nakaayos ang buhok, na ng hapon bago ang gabi ng parangal ay nagtatawagan at nagti-text sa kanya ang mga kaibigan niya na hindi makapasok sa mga sinehang pinagtatanghalan ng obra dahil ubos na ang mga tiket.

Maluha-luha si Juareza sa kanyang tagumpay ng gabing ‘yon at para siyang nanalong Miss Gay Philippines o Miss Gay World dahil hindi rin siya agad makapagsalita pero nang mag-umpisang magbukas ng kanyang bibig ay napakarami niyang nasabi.

***

Pero may nakalimutan si Mimi sa kanyang acceptance speech at ito ay ang kanyang mga magulang.

“Sorry, nakalimutan kong batiin at pasalamatan ang mga magulang ko. Na-tense kasi ako sa nangyari,” pahayag ni Juareza sa eksklusibong panayam sa kanya sa tagiliran ng bulwagan ng Main Theater o Tanghalang Nicanor Abelardo ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

“First ko po ito sa pelikula,” sabi ni Mimi.

“Wala pa naman pong kasunod na offer sa pelikula,” wika ni Juareza na paborito na talaga ng mga nakapanood sa kanya sa pelikula kaya hinulaan nilang siya ang magwawagi ng parangal sa New Breed category.

“Nagpapasalamat po ako kay Direk Eduardo Roy sa pagbibigay ng pansin sa aming daigdig,” pahayag ni Mimi sa publiko.

Kasama nga pala ni Juareza sa obrang ito ang kapatid ni Marissa Delgado na si Shula Luna.

Alam ba ninyong sangkaterbang transgender at transvestite ang isinama ni Eduardo sa kanyang pelikula?

***

Hindi lang ang “Quick Change” ang nag-umapaw sa bakla kundi pati na ang pelikulang “Porno” ni Adolf Alix, Jr. na kahit walang napanalunan sa awards night ay nagpakita naman ng liberalisasyon ng kabaklaan sa bansang ito.

Papel ng isang lalaki at baklang operada sa kanyang sex organ para maging diwa at katawan ng babae ang taglay ni Angel Aquino.

Ayon kay Armand Reyes, ang katulong na direktor ni Adolf sa proyekto, talagang ipinakita ang inoperang sex organ ng karakter ni Angel pero ‘yon naman ani Armand ay double ng aktres.

Pumuna naman ang beteranang peryodistang pampelikula na si Bibsy Carballo na bakit hindi na lang tunay na bading na operada sa sex organ ang kinuha ni Alix, Jr. para gawing bida.

Una nga raw, ayon kay Reyes, ay inialok na kay BB Gandanghari ang papel pero hindi ito pumuwede kaya sa mga transsexual ipinagkaloob ang mga papel ng mga bading na nagpalagay ng maseselang parte ng isang babae.

***

Tunay namang babae ang Best Actress sa 2013 Cinemalaya sa katauhan ni Vilma Santos para sa likhang-sining na “Ekstra” ng Cinemalaya at Quantum Films.

Naiuwi nina Atty. Joji Alonso at ng direktor ng pelikula na si Jeffrey Jeturian ang tropeyo ni Vilma dahil wala sa gabi ng parangal ang aktres.

Naniniwala talaga kaming walang kumalat na leakage sa mga panalo ng ika-9 na Cinemalaya dahil kahit ang mga Vilmanians na sumugod sa CCP ay walang kaalam-alam sa mangyayari hindi tulad sa ibang awards body na may nakakalusot na tip kung sino ang mga magwawagi.

Sinorpresa talaga ng Cinemalaya ang lahat.

Wala nga kayang mabingwit na klu si Santos at ang malalapit sa kanya para maiparating na siya ay talo o panalo kaya tumigil na lang siya ng bahay at nagpahinga?

Gayunman, nandoon si Jojo Lim, ang pangulo ng lahat ng mga Vilmanians sa buong mundo para suportahan ang laban ng kanilang idolo.

Nasa isang sulok sila ng bulwagan at tili nang tili, hiyaw nang hiyaw pag nababanggit ang pangalan ni Ate Vi o kaya naman ay ang pamagat ng kanyang pelikula.

***

Dumating si Gretchen Barretto hindi lang dahil siya ang mahal sa buhay ng padrino ng Cinemalaya na si Antonio Cojuangco, kilala rin sa tawag na Tony BoyConjuangco kundi bilang bida sa pelikulang “The Diplomat Hotel” na idinirek ni Christopher Ad. Castillo, anak ng namayapang alagad ng sining sa showbiz na si Celso Ad. Castillo.

Magkatabi sa upuan sina Gretchen at Tony Boy.

Gayunman, nabigo si Barretto na mapanalunan ang Pinakamahusay na Aktres sa New Breed category.

Hindi rin siya ginawa man lang presentor sa pagbasa ng mga cue card tulad rin ni Chanel Latorre ng “The Diplomat Hotel” at Babagwa na nilikha naman ni Jason Paul Laxamana na itinengga sa kanyang upuan sa isang sulok ng teatro.

Sayang naman.

Bakit kaya hindi ginawang presenters sina Greta at Chanel samantalang ang daming aktor at aktres na presentor na nakopo ang pagbasa ng resulta ng bawat kategorya?

***

Sa Directors Showcase, Best Supporting Actor si TJ Trinidad para sa “Sana Dati” na nagbigay rin ng Best Director at Best Film para kay Jerrold Tarog.

Walang Best Actor na nanalo sa kategorya.

Nakakaloka, di ba?

Special Jury Prize, Audience Choice at Network for the Promotion of Asian Cinema o NETPAC ang “Ekstra.”

Ang “Sana Dati” kung saan mga bida sina Lovi Poe, Paulo Avelino, Benjamin Alves, Liezl Batucan, Carla Martinez, Noni Buencamino, Jinggoy Alonzo at Ria Garcia ay nagwagi rin ng Best Sound, Best Original Musical Score, Best Editing, Best Production Design, Best Cinematography, Best Film at Best Direction.

Sa New Breed category naman, Best Actress si Irma Adlawan at Best Supporting Actress si Jazmine Curtis-Smith para sa “Transit” na nagwagi rin ng  Best Original Musical Score, Best Cinematography, Special Citation for Ensemble Acting, Best Film, Best Editing, Best Director para kay Hannah Espia at Special Jury Prize.

Best Supporting Actor si Joey Paras para sa “Babagwa.”

Best Sound, Best Screenplay at Special Jury Award rin ang “Quick Change.”

Best Production Design naman ang “Rekorder” ni Mikhail Red.

Samantala, sa Short Film category, Audience Choice at Special Jury Prize ang “Taya” ni Adi Bontuyan, Best Screenplay at Special Citation ang “Sa Wakas” ni Nica Santiago samantalang Best Director ang “Onang” para kay JE Tiglao at Best Film naman ang “My Houseband’s Wife” ni Paulo O’Hara.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/08/transgender-best-actor-sa-9th-cinemalaya-vilma-santos-best-actress/feed/ 0
SONA: Showbiz of the Nation Address http://pinoyweekly.org/new/2013/07/sona-showbiz-of-the-nation-address/ http://pinoyweekly.org/new/2013/07/sona-showbiz-of-the-nation-address/#comments Fri, 26 Jul 2013 05:51:45 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=25122 Rosanna Roces at Yul Servo sa "Porno" ng Directors Showcase ng 2013 Cinemalaya Film Festival

Rosanna Roces at Yul Servo sa “Porno” ng Directors Showcase ng 2013 Cinemalaya Film Festival

May SONA rin ang showbiz.

At ito ay ang Showbiz of the Nation Address o SONA.

Nagtataglay ito ng kasalukuyang mukha at hilatsa ng lokal na industriya ng aliw mula Aparri hanggang Jolo, mula silangan hanggang kanluran, mula hilaga hanggang timog, mula puso hanggang utak, mula Maynila hanggang kasuluk-sulukang lugar ng daigdig.

Patuloy na namamayagpag ang malayang paggawa ng pelikula o ang tinatawag na independent filmmaking (pagsakay lang sa paggamit ng terminong ito a sinimulan ng media o kaya ay ng sinumang nagpasimuno sa media na tagawin ito ng ganito at ang naaalala naming nagsulong ng katagang ito mula rin sa impluwensiya ng Hollywood ay walang iba kundi ang premyadong manlilikhang si Lav Diaz) lalo na sa di-kumbensiyunal na pamamaraan ng paglikha nito.

Ang di-kumbesyunal na paggawa ng pelikulang Pilipino ang sagot ng pagtutol ng mga alagad ng sining na bagot na bagot na sa sistema ng komersyal na paggiling ng mga produksyon na naghahabi ng mga pantasya at panandaliang-aliw para makalimot ang mga tagapanood o ang sambayanan sa mga tunay na problema ng bayan.

Ang di-kumbensyunal samakatuwid—ayaw naming tawaging indie filmmaking dahil ang lahat ng paggawa ng pelikula ay nangangailangan ng puhunan at capital (kung gayon ay komes’yo rin)—na paggawa ng pelikula ay nagbubuhay ng naghihingalo nang industriya ng showbiz na isa sa mga nagbibigay-buhay sa lipunang Filipino sa pamamagitan ng pulitikal na ekonomiya—ang pagsingil ng buwis, halimbawa sa mga kumpanya ng pelikula at iba pang lagusan ng dibersyon.

Kaya hayaang yumabong ang pagpapailanglang ng mga makabayan, makadiyos at makataong pelikula sa bansang ito tulad na lang ng mga lahok sa darating na Biyernes na magiging kasalukuyang 9th Cinemalaya Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines.

Iligtas nawa sa kamay ng sensura ang makabuluhang mga likhang-sining sa di-kumbensyunal na paggawa ng pelikula at higpitan ang pag-censor sa mga walang kawawaang pelikula kahit sa hanay ng mga di-kumbensyunal na mga uri nito.

***

Nagbibigay ng mga kaukulang papuri at parangal ang mga di-kumbensyunal na pelikula sa mga patimpalak sa ibang bansa o sa  mga international film festival kaya ipinagmamalaki ang mga ito ng gobyerno pero bakit hindi kaya sila maimbitahan man lang sa Malacanang para mabigyan ng pagkilala at tuloy ipakita sa bayan ang mga pelikulang pinagtagumpayan kahit na kapangitan ng Pilipinas ang sinasalamin ng mga ito.

Bagay ito sa turismo ng bansa dahil mas gusting makita at mamalas ng mga turista ang mga likhang-sining na nagpapakita ng katotohanan sa isang lipunan na wala sa kanila tulad ng pagdarahop at kawalan ng hustisya.

Hindi ibig sabihin nito ay makapagbibigay ng masamang impresyon ang ganitong mga obra kundi mas magiging intresante ang turista na masilayan ang magandang presentasyon ng kahirapan sa Mindanao sa “Thy Womb” ni Brillante Mendoza bilang direktor at ni Nora Aunor bilang bituin at ang kampanya ng pang-iengganyo sa mga bisita na dalawin ang lugar na ito dahil walang ganito, halimbawa sa Europa o sa Amerika.

Ang seguridad sa pagtungo sa mga lugar na tulad nito ay papel ng pamahalaan para sa kaligtasan ng mga turista.

Hinohosana sa ibang bansa ang mga di-kumbensyunal na pelikula at ang mga embahada natin sa iba’t ibang panig ng mundo ay makapagpapatunay na tunay na inirerespeto ng mga dayuhan an gating di-kumbensyunal na mga pelikula.

Saksi ang ilang mga pambansang alagad ng sining sa iba’t ibang larangan tulad ng piyanistang si Reynaldo Reyes sa pag-angat ng mga reyalistikong panoorin o kaya ay tunog tulad ng pagpapakita ng kapangitan ng Pilipinas sa magandang pamamaraan kung kayat sinusubaybayan at tinatangkilik ng mga banyaga dahil anya’y bakit susuportahan at magiging intresado ang isang turista sa isang bagay na mayroon na sila tulad ng matataas, magagara at mga kongkretong gusali at establisimiyento o kaya naman ay magagandang tanawin na sagana na sa kanila?

***

Maraming mga artista ang walang trabaho sa sistemang ito ng larangan ng aliw lalo na ang mga ekstra at karakter (character actor at actress) na mga disipulo pa ng mga namayapa nang sina Fernando Poe, Jr. at Rudy Fernandez?

Kay raming mga double at kontrabidang walang trabaho ngayon.

Doon sila nagkukumpulan sa may Tropical Hut sa may kanto ng Panay Avenue at Scout Fuentebella malapit sa may National Book Store sa Quezon Avenue at naghihintay ng grasya, ng call slip, ng tawag ng produksyon makasama lang sa kumbensyunal at di-kumbensyunal na paggawa ng pelikula.

Nagdidildil na lang ng asin ang karamihan sa kanila, nakatira na lang sa mga intresuwelo, nangungupahan sa mga mumurahing kuwarto o apartment pero di pa rin makabayad sa oras dahil sa kakapusan ng suweldo.

Maaaring sasabihin ng iba na sila ay nagkakaroon ng trabaho sa mga produksyon o soap opera o sitcom o talk show ng mga istasyon ng telebisyon pero ilan lang ‘yon sa kanila—malaki pa ang kaltas sa porsyento ng talent fee o nakasadlak sa dusa ng paghihintay nang matagal sa set dahil sa kawalang propesyunalismo ng mga sikat.

Mapapalad silang mga ekstra sa ABS-CBN o GMA Network o TV5 o UNTV o Star Cinema o Regal Films o Viva Entertainment pero higit sa lahat, pareho rin ang sistema ng kalakaran kaugnay sa mga ekstra panahon pa ni Mahomakaya maituturing bang mapapalad rin sila?

Naghihintay ang karamihan sa mga artistang disiplinado at propesyunal na magkaroon na ng eksaminasyon o lisensiya ang mga artista na igagawad ng Professional Regulation Commission.

Kailan nga kaya ito?

Patuloy ang kahirapan sa showbiz sa hanay ng maliliit o sa mga hindi nakikisawsaw sa kapangyarihan ng iilan sa industriya?

***

Ang glamour ng showbiz ay nagtatago ng tunay na kalagayan ng industriyang ito bagamat katotohanan ang kaglamoran ng isang katauhan o bagay o institusyon at ito ay hindi masama kung walang naaapi o napagsasamantalahan.

Sa hanay ng peryodismong pampelikula, ang buhay naming mga manunulat o peryodista ay sampu-sampera na ngayon.

Bukod sa karamihan na ng mga movie reporter, wala na halos bayad ang pagsusulat sa mga tabloid o iba pang babasahin.

Ito ang nakakalungkot at nakakasindak na katotohanan ng showbiz.

Maaaring nakikitang nabubuhay sa kasaganaan ang mga peryodistang pampelikula tulad nina Boy Abunda, Mario Dumaual, Lhar Santiago, Aubrey Carampel, Laila Chikadora, Ginger Conejero, Gretchen Fullido, Grace Lee, Lolit Solis, Ricky Lo, Shalala, Luan Dee, Nelson Canlas, Marie Lozano, Cristy Fermin, Alfie Lorenzo, Ethel Ramos, Ogie Diaz, Jobert Sucaldito at marami pang iba sa broadcast, ibang kuwento naman ang kasaysayan ng mga ito.

Wala na ngang security of tenure ang mga peryodistang pampelikulang walang regular na empleyo maliban sa pagsusulat ng kolum o artikulo sa mga diyaryo o magasin, maliliit pa ang talent fee kung may nakukuha pa ngang maliit na kita.

May mga peryodistang pampelikula naman sa tinatawag na online o social media pero iba ring kuwento ang sa kanila na uubos din ng maraming pahina ng istorya o espayo ng mga ekposisyon, paglalatag ng mga datos, argumentasyon at resolusyon sa katuusan.

Kaya ang pagsusulat ng may kaukulang pabuya ang higit na namamayani sa mga panahong ito kaya may utang na loob nang kaakibat at ang kalayaan sa peryodismo ay namimiligro.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/07/sona-showbiz-of-the-nation-address/feed/ 0
2013 Cinemalaya: prismo, pingkian ng kaisipan http://pinoyweekly.org/new/2013/07/2013-cinemalaya-prismo-pingkian-ng-kaisipan/ http://pinoyweekly.org/new/2013/07/2013-cinemalaya-prismo-pingkian-ng-kaisipan/#comments Mon, 15 Jul 2013 16:35:09 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=24867 Direk Jeffrey Jeturian at Vilma Santos, sa pelikulang "Ekstra"

Direk Jeffrey Jeturian at Vilma Santos, sa pelikulang “Ekstra”

Pansinin ang listahan (ang mga pamagat ng pelikula at ang kaukulang direktor na lumikha ng mga ito) ng mga opisyal na lahok sa ikasiyam na Cinemalaya Independent Film

Para sa Maikling Pelikula:

“Bakaw” ni Ron Segismundo; “Katapusang Labok (Last Strike)” ni Aless Athina E. Alonso; “Missing” ni Zig Dulay; “Onang” ni JE Tiglao; “Para kay Ama” ni Relyn A. Tan; “Pukpok” ni Joaquin Pantaleon; “Sa Wakas” ni Nica Santiago; “Taya” ni Adi Bontuyan; “The Houseband’s Wife” ni Paolo O’Hara at “Tutob” ni Kissza Mari Campano.

Para sa New Breed (mga bagong dugo):

“Babagwa (The Spider’s Lair” ni Jason Paul Laxamana; “David F” ni Emmanuel Palo; “Debosyon” ni Alvin Yapan; “Instant Mommy” ni Leo Abaya; “Nuwebe” ni Joseph Israel Laban; “Purok 7” ni Carlo Obispo; “Quick Change” ni Eduardo Roy, Jr.; “Rekorder” ni Mikhail Red; “The Diplomat Hotel” ni Christopher Ad. Castillo at “Transit” ni Hannah Espia.

Para sa Directors Showcase:

“Amor y Muerte” ni Ces M. Evangelista; “Esktra” ni Jeffrey Jeturian; “sana dati” ni Jerrold Tarog”; “Liars” ni Gil M. Portes at “Porno” ni Adolfo Alix, Jr.

Ang kategoryang “Maikling Pelikula” ay seksyon ng bawat Cinemalaya sapol nang ilunsad ito upang bigyang-halaga ang katuturan at kahalagahan ng pormang ito bilang lagusan ng ekspresyon ng ibig sabihin ng buhay at ang direktor nito ang giya ng lahat ng pagbuo ng sining gaano man kaikli ito na hindi lalagpas sa isang oras at tatlumpung minuto, himigit-kumulang.

Kadalasan, kahit sa isang minuto ay maihahain na ang ibig sabihin ng biswal na karanasan pero dahil may iba pang nais sabihin ang manlilikha, ang pamantayan—kadalasan ay pandaigdig—ay hindi nga lalagpas sa isang oras o higit pa.

***

Samantala, ang New Breed ay nakalaan para sa tinatawag na full-length o tahasang haba na kategorya na madalas kaysa hindi ay isang oras o higit pa, isang teknikal na panuntunang sinusunod sa mundo dahil nga ang ordinaryong haba ng isang pelikulang napapanood sa sinehan o alinmang lagusan sa buong uniberso ay ganito ang haba.

Pero dahil sinusukat din ang gana o kasanayan o limitasyon ng mga mata o pasensiya ng isang tao sa panonood ng isang istimyulus (sa pagkakataong ito’y pelikula) at dahil din sa komersyal na pagtatanghal (bawat saglit ay may metro o bayado sa sinehan o saanman idinaraos ang pagpapalabas) ay pinakamatagal na ang dalawa hanggang dalawa’t kalahati o apatnapu’t limang kuwarter.

Bagamat sa kaso ng ibang manlilikha (direktor) tulad ng “The Ten Commandments” ni Cecille B. DeMille o ng “Batang Westside” o “Ebolusyon ng Isang Pamilyang Filipino” at iba ni Lav Diaz—ang mga nabanggit ay tahasang haba ng pelikula rin—higit pa sa tatlong oras ang mga haba nito.

Samantala, ang Directors Showcase ay paghahain din ng full-length feature bagamat sa teknikal na kahulugan ay paggawa ito ng isang direktor na nakapagtanghal na ng tatlong pelikula sa mga sinehan bago siya nagsumite at natanggap sa Cinemalaya mula nang ito ay ilunsad noong 2005.

At dahil nilayon noong ng Cinemalaya na para sa bagong pananaw ang pestibal taliwas sa tradisyunal na pamamaraan ng paggawa ng pelikula kaya kakambal nito ang bagong direktor pero kahit beterano na ang direktor ay maaaring may bago rin siyang pananaw.

Nang dahil dito, nabago ang ilang polisiya ng komite de pestihos noong 2010 at binuksan ang Dierctors Showcase.

***

Sa paggawa ng pelikula, ang direktor ang kapitan ng lahat ng elemento nito lalo na at kabilang din ang mapanlikhang pagkontrol sa simula hanggang sa pagtatanghal nito.

Ang direktor ang pangkalahatang kinatawan ng sining ng pelikula subalit ang prodyuser din ang kakambal niya sa paglikha at pamumuhunan sa obra dahil kung walang prodyuser na maglalagak ng kapital (pera man o katumbas na puhunan), walang pelikula kaya sa panahon ng pagbibigay ng parangal sa mahuhusay sa paggawa ng pelikula, sa prodyuser ipinagkakaloob ang parangal.

Gayunman, ang sining (idagdag pa ang komersyo na madalas kaysa hindi ay kakabit nito lalo na sa isang kapitalistang bansa o lipunan na tulad ng Pilipinas) ay nakasalalay din sa direktor mapuwera na lamang kung ang kanyang prodyuser ay may sanligan din ng makasining na pamamaraan at nilalaman sa paglikha ng isang obra.

Sa Cinemalaya—ang Cinemalaya Foundation, ang ahensiyang nagbibigay ng gastusin sa paggawa ng pelikula at ang katuwang na imbestor (maaaring pribado o pampubliko kung meron man) sa bawat pelikula ay may iba pang nakikibahagi sa materyal na produksyon halimbawa’y ang Cultural Center of the Philippines, Greenbelt at Trinoma para sa mga sinehan, Econolink Investments, Inc. at Film Development Council of the Philippines—ang layon ay malayang maipahayag ng direktor ang kanyang pananaw pero dumarating ang sangandaan ng pagpapasya dahil may pagkakataong kinukuwest’yon ang kalayaan sa pamamahayag ng Cinemalaya tulad ng ilang mga nakaraang insidente tulad ng pag-aalis sa mga artistang nakatakdang gumanap sa mga lahok pero walang pangalan o kaya’y baguhan pero ang nasasaisip ng direktor ay mahusay rin.

Magkagayon man, ipako natin ang diskusyon sa direktor.

***

Sa proseso ng paglikha ng pelikula, pinakamahalaga ang direktor dahil isip niya ang lalagom sa lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa produksyon bagamat hindi maisasaisantabi ang partisipasyon ng administratibo halimbawa’y Production Manager at iba pang manlilikha tulad ng manunulat, artista, make-up artist, propsman, production designer, cinematographer, soundman, editor atbp. at mga kawaksi tulad ng Production Assistant, gaffer, boom man, utility at marami pang iba.

Sa hilera ng mga direktor—baguhan man o beterano—sa 2013 Cinemalaya, iba’t iba ang mga sanligan ng mga ito bagamat kung susuriin ay iisa lang ang misyon nila—pagbuo ng pelikula.

Sa iba’t ibang pamamaraan nga lamang.

Kung saan-saan nanggaling ang mga ‘yan—may eskuwelahan, may palimbagan, may telekomunikasyon, may ibayong-dagat atbp.

May kanya-kanya silang katangian.

At sasalamin ito sa kanilang trabaho.

Para ngang prismo ang isinisilay nilang mga kulay.

May mga taglay rin silang antas ng kaisipan.

May mga pilosopiya at paniniwala silang isasahog sa kanilang mga likha.

Magpipingkian ang mga ideya ng bawat isa.

Magkakatalo na lamang ang katotohanan at katuturan ng mga ito sa paglalapat ng rebyu at kritisismo ng mga paham sa pagkilatis sa mga obra.

Magsisilbi ba sa lipunan o sa iilan o sa pansarili lamang ang kanilang sining?

Abangan ang mga susunod na kabanata.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2013/07/2013-cinemalaya-prismo-pingkian-ng-kaisipan/feed/ 0
“Leona Calderon” ni Pilar Pilapil, opening film at world premiere sa 12th Gwangju International Film Festival sa South Korea http://pinoyweekly.org/new/2012/10/leona-calderon-ni-pilar-pilapil-opening-film-at-world-premiere-sa-12th-gwangju-international-film-festival-sa-south-korea/ http://pinoyweekly.org/new/2012/10/leona-calderon-ni-pilar-pilapil-opening-film-at-world-premiere-sa-12th-gwangju-international-film-festival-sa-south-korea/#comments Sun, 14 Oct 2012 04:07:32 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=21650 Tiyak na magtatanung-tanong ang mga taga-showbiz kung saan at ano ang Gwangju International Film Festival kung saan opening film dito ang pelikulang “Leona Calderon” ni Pilar Pilapil sa direksyon ni Jowee Morel sa ika-8 ng Nobyembre, 2012.

Kasi nga’y mismong dito sa industriya ng pelikulang Pilipino ay nagsusukat ang mga tao kung ano o kung gaano kalaki o kaliit o gaano kahalaga ang isang international film festival.

Nangunguna na ang Film Development Council of the Philippines sa pagkakaroon ng listahan ng mga international film festival at kung alin ang susuportahan nito sakali at ang isang Filipino film artist ay pupunta para bigyan nito ng pinansiyal na suporta.

Para sa FDCP, pag wala sa sampung pangunahing international film festival ang okasyon ay madalas kaysa hindi ay hindi intresado ang ahensiya na tulungan ang sinumang Pinoy film artist o technocrat na dadalo sa alinmang international film festival na na wala sa taaan nito.

Halimbawa, ipapalabas ang pelikula ni Jigz Recto na “Road to Ampatuan” sa Jakarta International Film Festival sa Indonesia at nais humingi ng karagdagang pamasahe ng direktor sa FDCP, malamang kaysa hindi ay hindi maaaprubahan ang hiling nito dahil wala sa sampung pangunahing international film festival ang sa Jakarta.

                                          ***

Kahit ang retirado nang kritiko ng Young Critics Circle at programmer ng Cine Adarna ng University of the Philippines Film Institute sa Diliman sa Quezon City na si Nonoy Lauzon ay may listahan at alam kung alin at ano ang malalaki at may puwersang international film festival na makakapagpaabante pa ng pelikulang kinakatawan ng isang Filipino.

Kaya lang ay ang lahat naman ng international film festival, sa aming pananaw, ay mahalaga at may saysay.

May mga grupo-grupo pa ng mga taga-showbiz na mangmamaliit kung ang isang international film festival ay “never heard.”

At ang mga grupo-grupong ito ng mga taga-showbiz ay may kaugnayan din sa tinatawag na independent o indie filmmaking na madalas na bukal ng mga obrang dinadala sa ibang bansa.

Sila pa ang mauunang mangmaliit o magmenos sa mga walang pangalang international film festival o hindi sikat o kaya naman ay tinitingnang walang impluwensiya.

Kaya naman paano uunlad ang pelikulang Pilipino sa partikular at ang lipunang Filipino sa kalakhan kung ganyan ang mapanlait na kulturang ipinalalaganap?

                                          ***

Katulad ng Gwangju International Film Festival kung saan unang itatanghal ang “Leona Calderon” ni Pilar na tungkol sa isang Overseas Filipino Worker o OFW na nagtatrabaho sa London sa loob ng tatlumpu’t anim na taon hanggang matuklasang siya ay may uterine cancer.

Ang problema ng karakter ni Leona Calderon ay kung uuwi siya sa Pilipinas para makapiling ang kanyang mga mahal sa buhay pero mauubos ang kanyang naipon sa pagpapagamot dahil hindi tinatanggap dito ang health insurance benefit ng maysakit na ipinagkakaloob ng United Kingdom sa mga mamamayan o nagtatrabaho rito o mananatili na lang siya sa London at makapagpagmot rito nang libre bagamat maaaring sa ibang bayan na rin siya mamatay.

Kahit sa South Korea, ang Gwangju International Film Festival ay pang-apat lang pagkakasunud-sunod sa “impact” sa mga international film festival ng bansang ito dahil ang una ay ang Busan, ikalawa’y ang Puchon at ang ikatlo’y ang Jeonju.

Pero sa Korea ay hindi nagkokopyahan ng konsepto ang bawat international film festival kundi may kanya-kanya ang mga itong katangian.

Samakatuwid, kahit na magkakakompitensiya rin ang mga ito sa maraming aspeto pero hangga’t maaari ay magkakaiba ng layunin.

                                          ***

Kung ang Busan ay sinasabing Cannes Film Festival ng Asia at ang Puchon ay Fantastic Film Festival at ang Jeonju ay ang pagkilala at pagpapaunlad sa mga bagong direktor, ang Gwangju ay tribute sa dating pangulo ng South Korea na si Kim Dae-Jung.

Ang Gwangju ay siyudad kung saan kinikilala ang demokrasya at karapatang pantao ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pelikula.

Sa katunayan, ang Kim Dae-Jung Nobel Peace Film Award ay ibinibigay taun-taon ng Gwangju sa natatanging pelikulang nagpapakita ng pag-asa sa kapayapaan.

Si Kim Dae-Jung ay isang Koreyano na lumaban sa diktadurya ng militar sa Korea at nang dahil dito, siya ay binihag, ipinatapon, tinortyur at inilagay sa house arrest.

Pero noong 1999 ay naging presidente ng South Korea si Kim Dae-Jung at noong 2000, siya ay pinarangalan ng Nobel Prize for Peace.

                                          ***

Ayon kay Cho Pock-rey, isang iskolar ng kultura sa Korea at nagtuturo ng film studies sa University of Beijing sa China, ang Gwangju International Film Festival ay hindi labanan ng mga pelikula kundi ito ay para panoorin ng mga mamamayan ng Korea at ng sinumang nilalang na nais manood ng mga ito.

Sinabi ni Cho, ang Programming Supervisor ng 12th Gwangju, na maganda ang Gwangju International Film Festival.

Ito ay dahil napapanahon ang mga layunin nito lalo na ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagkakamit ng katarungan at kalayaan ng bawat isang mamamayan.

At maipagmamalaki nating mga Filipino na ang “Leona Calderon” ay bahagi ng mga simulaing ito.

Kaya kahit na ang tingin ng mga taga-showbiz o sinumang susukat sa filmfest na ito ay maliit lang, wala kaming pakialam.

Basta’t napili nito at binigyan ng pagkakataon ang isang produktong Filipino na makasama sa pestibal.

Limampung pelikula mula sa labinlimang bansa ang ipapalabas sa Gwangju International Film Festival mula sa ika-8 hanggang ika-12 ng Nobyembre, 2012 sa Megabox sa Gwangju City.

Pupunta roon sina Pilar at Jowee para makipagtalamitam sa mga tagahanga at manonood ng pelikula.

Itinatampok din sa “Leona Calderon” ang dalawang Filipinang bahagi ng “Miss Saigon” sa London na sina Irene Alano at Imelda de los Reyes.

Kasama rin ang aktor na hinasa ng Repertory Philippines at ngayon ay aktibong umaarte sa Hollywood na si Junix Inocian.

May mga artista rin mula sa Poland, Korea, Mexico, Hollywood at Great Britain.

Ipinagmamalaki ng “Leona Calderon” na kasama sa obra ang premyadong British at Hollywood actress na si Virginia McKenna na Best Actress sa British Academy of Film and Television Arts o BAFTA, ang prestihiyosong katumbas ng Oscars sa London sa loob ng maraming taon at Lawrence Olivier Best Actress para sa “The King and I” katambal si Yul Bryner noong 1973.

Nominado rin si Virginia McKenna Golden Globe Awards para sa “Born Free” noong 1966.

Noong 1996 ay kasama siya ni Gwyneth Paltrow sa “Sliding Doors.”

Kaya, mabuhay ang “Leona Calderon!”

Mabuhay ang pelikulang Pilipino!

Mabuhay ang Pilipinas sa ika-12 Gwangju International Film Festival!

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/10/leona-calderon-ni-pilar-pilapil-opening-film-at-world-premiere-sa-12th-gwangju-international-film-festival-sa-south-korea/feed/ 0