Pinoy Weekly » Radical Pinoy http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Sun, 03 Aug 2014 17:56:33 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=3.9.1 Replay: Pagkilos ng kabataan at mamamayan noong 2011 sa saliw ng pop songs http://pinoyweekly.org/new/2012/01/replay-pagkilos-ng-kabataan-at-mamamayan-noong-2011-sa-saliw-ng-pop-songs/ http://pinoyweekly.org/new/2012/01/replay-pagkilos-ng-kabataan-at-mamamayan-noong-2011-sa-saliw-ng-pop-songs/#comments Sat, 21 Jan 2012 14:58:11 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=17784 Parang bonggang “baby you’re a firework” ang naging mga pagkilos ng kabataan at mamamayan para sa pagbabago noong nagdaang taon.

Habang “everyday I’m shufflin’” at nagkakandarapa ang hikahos na mamamayan, today “I feel like not doing anything” ang Malakanyang sa mga hinaing ng bayan. Kaya naman sawang-sawa na sila na “just the way you are” lang ang mga bagay at dumagundong ng “boomburumbumum” ang mga protesta.

Sa lalong pagtindi ng krisis, tila dumami ang “someone like you” na napa-“moves like jagger” sa samu’t saring mga picket protests, campus strikes, unity march, transport caravan, planking protests, occupy at campouts.

MRT / LRT fare, Oil Price Hikes

Soundtrack: Price tag (It’s not about the money) / Party Rock (Everday we’re shufflin)

Sa mga unang bahagi ng taon, “everyday ay shufflin’” ang mga banta ng mga nagtataasang presyo: langis, kuryente, tubig, matrikula, gulay, MRT/ LRT. “It’s not about the money na dahil sa sobrang taas ng presyo, talagang wala nang money at butas na ang bulsa.

Kaya naman halos araw-araw din pinukpok ng protesta ang mga pahirap na ito. Sa maagang bahagi, pinangunahan ng mga kabataan ang Strike the Hike Movement at mga aksyon kontra pagtataas ng pamasahe sa MRT at LRT, na kalaunan ay iniatras ng gubyerno dahil sa mga protesta.

Kabi-kabila ang inilunsad na mga transport strike at people’s protests laban sa oil price hikes. Rumurok ang mga protesta sa malaking pagkilos ng mamamayan noong May 1.

kabataan_2011

Anti-budget cut strikes, fight for education

Soundtrack: Born this way (jingle link)

Dance step: planking at freeze mob

 

“Pagkat ang edukasyon / ay ating karapatan / tumindig ka isko para sa ting bayan

No to commercialization / at sa privatization / tumindig ka isko tayo ay lumaban”

 

Nakaka “gaga” naman na talaga ang muli na namang pagkakaltas ng pondo ng edukasyon at ng mga serbisyong panlipunan.

Kaya naman muling hinarap ng mga kabataan at mamamayan ng kabi-kabilang protesta at ng isang pambansang welga ang budget cuts ni Aquino. Mahigit 20,000 ang nagstrike, nagplanking, nagfreeze mob, at nag long march sa buong bayan.

Nagprotesta din ang mga kabataan laban sa tindi ng pagtaas ng matrikula at mga miscellaneous fees na nagtulak sa Malakanyang na mangako ng bagong tuition policy (na hanggang ngayon, by the way, ay wala pa din.) Inilantad ng kawalang-aksyon sa mga protesta na mukhang “born this way” ang Commission on Higher Education, pabor sa mga kapitalista-edukador.

May mga naging tagumpay din matapos ang matutunog na protesta sa University of Sto. Tomas (UST) laban sa no promissory note policy at pagpapasara sa Philippine Maritime Institute (PMI).

kabataan_2012_-1_

Clinton Visit Protests

Soundtrack: Hey Soul Sister / Just the way you are

“I don’t want to miss a single thing you do” ng walang protesta — yan ang pangako ng mga kabataan sa pagdating ni Hillary Clinton sa bansa. Dala ni “sister” ang higit pang pagtindi ng interbensyon ng US dito at “pagkakaibigan” ng US at Pilipinas sa pagmimintina ng di pantay na mga tratado gaya ng VFA at iba pa.

Kaya naman “when they saw her face face face” inambush ang kanyang convoy at face to face siyang sinigawan sa inorganisang forum. Ang panawagan, baguhin na ang ang di pantay na relasyon at hindi na pwedeng “just the way you are” lang.

Ka Roger Tribute

Soundtrack: Firework

“Baby you’re a firework.” Pasabog naman talaga ang buhay ni Ka Roger Rosal kaya nang mabalitaan ng bayan ang kanyang pagpanaw, mga parangal ay pagpupugay ang inialay ng bayan, iba’t ibang sektor, maralita, mga kasapi ng media at mga kabataan sa kanya.

Mahalagang inspirasyon si Ka Roger sa mamamayan at halimbawa sa mga nagnanais lumaban sa bulok na sistema at sa mga aktibistang nagpupunyagi na mamuhay ng simple at maging mga tagapagsalita ng mamamayang api.

Hangga’t bulok ang sistema at mahirap ang mga tao, mas maraming mga Ka Roger pa ang magbibigay liwanag sa kadiliman ng gabi at magbibigay tanglaw sa taumbayan.

kabataan_2012_2

Fight for Luisita

Soundtrack: The Lazy Song

Hacienderong haciendero ang moda ni Noynoy Aquino: “today I feel like not doing anything” tungkol sa pamamahagi ng Hacienda Luisita.

Pero dahil sa lakas ng paggigiit at paglaban ng mga magsasaka at taumbayan, nalabanan ang pakanang Stock Distribution Option sa Luisita at pumabor ang Korte Suprema sa pamamahagi nito.

Sa kabila ng atas ng korte, “yes, I said it because I can” si Noynoy na ibigay umano ang “just compensation” sa kanyang mga kapamilya. Hindi pa sapat ang pahirap nila sa mga magsasaka sa lupang ninakaw nila, gusto pa nilang kumita?

Dapat ang ibigay sa kanila: “nothing at all.”

Occupy Mendiola / Campout

Soundtrack: Superbass (boom boroomboomboom)

Tila kinabog ng parang “boomburumbumbum” ang dibdib ni Noynoy Aquino sa planong Occupy Mendiola o  Campout protest ng mga kabataan at mamamayan noong Disyembre. Layon ng pagkilos na labanan ang bulok na sistema ng iilan at dayuhan sa ilang araw na pananatili sa Mendiola at pag-occupy dito.

Agad nagdeploy ng sangkatutak na pulis ang Malakanyang bago pa man magsimula at dinahas ang planong protesta. Hindi naman nagpatinag ang mga kabataan at mamamayan, naggiit ng kanilang karapatan at itinuloy sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan ang ilang raw na campout.

Sa huli, mas marami ang namulat na walang pinag-ba ang gubyerno ni Aquino sa marahas na pamumuno ni Arroyo at ang kailangan ay ang malalaking pagkilos at magiting na paglaban para baguhin ang bulok na sistema.

kabataan_2012_3

Pananagot kay Arroyo, kainutilan ni Aquino

Soundtrack: Someone like you / Moves like Jagger

Matapos ang isang taon ng obvious na kasunduan nina Aquino at Arroyo hinggil sa hindi pananagot sa ikalawa dahil sa kawalan ng kasong isinampa, uminit ang tunggalian ng mga nasa kapangyarihan ng mag “moves like Jagger” na si Arroyo at muntik nang makatakas dahil sa kainutilan ni Aquino.

Nagkandarapa si Aquino sa huling mga sandali at nailantad na kaya naman palang magsampa ng kaso ng mabilis, bagay na hindi nito ginawa sa nagdaang 500 araw. Hanggang sa kasalukuyan, mga magagaang kaso pa din ang isinampa ni Aquino laban kay Arroyo at tila may special treatment pa sa hospital arrest kay Gloria.

Para ilayo nito sa kapalpakan ng kanyang sarili ang atensyon, at pagmukhaing seryoso siya sa pagpapanagot kay Arroyo, kinampanya ni Aquino ang impeachment ni SC CJ Corona.

Kalikasan at mga trahedya

Soundtrack: Party Like 2012 / Teach me how to Dougie

Habang parang end of the world na sa mga nasalanta ng trahedya, nabuking na nagpaparty at nagteteachme how to Dougie si Aquino sa Palasyo. Mas malaking pananagutan ni Aquino ang pakikiparty at pagpayag sa mga malalaking kumpanya ng pagmimina at loggers na magpiyesta sa resources ng bayan ng walang pakundangan at walang konsiderasyon sa buhay ng mga Pilipino.

Matagumpay at makabuluhan ang 2011 para sa mga kabataan at sa kilusang protesta. Mas malalaki pang tagumpay ang hinahrap ng mga kabataan at mamamayan sa 2012. Hindi pa end of the world. Nagsisimula pa lang ang mas malalaking paglaban para tapusin na at baguhin ang sistemang panlipunan.

kabataan_2012_-4

 

Vencer is currently secretary general of Kabataan Partylist. He is formerly the national chairperson of the League of Filipino Students. He is also a web designer and an internet enthusiast. He blogs at vencercrisostomo.com

Photos from Bikoy, Arkibongbayan. natoreyes.wordpress.com; Sining at Lipunan SILIP. Some rights reserved.

Commentary first published in Philippine Online Chronicles (http://thepoc.net/commentaries/14565-replay-pagkilos-ng-kabataan-at-mamamayan-noong-2011-sa-saliw-ng-pop-songs.html)

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/01/replay-pagkilos-ng-kabataan-at-mamamayan-noong-2011-sa-saliw-ng-pop-songs/feed/ 0
Susan Fernandez http://pinoyweekly.org/new/2009/07/susan-fernandez/ http://pinoyweekly.org/new/2009/07/susan-fernandez/#comments Mon, 13 Jul 2009 07:13:06 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=2676 Nakilala ko si Susan Fernandez sa mga cassette na album niya na laging nagkalat sa kwarto ng nanay ko noong bata pa ako. Madalas patugtugin ng nanay ko ang mga tape niya ng malakas kapag linggo ng umaga. Nang tanungin ko kung sino ‘yun, sabi niya magaling na mang-aawit daw. Kaya tumatak sa akin ang pangalan nya at kahit hindi ko siya nakikita sa TV, naihanay ko siya kina Leah Salonga at Kuh Ledesma.

Syempre nung tumanda pa ako ng kaunti, naintindihan ko na ang halaga ng mga awitin ng “Nightingale” ng mga progresibo. Kaya’t sa kanyang pagpanaw nitong nakaraang linggo, ginoogle ko ang kanyang mga video. Nagsisi ako na hindi nakadaan sa mga parangal sa kanya, pagkat may tumatak sa aking halaga ng kanyang mga awitin na nagbigay inspirasyon sa isang henerasyon ng mamamayang lumaban sa tiraniya, at nagbigay daan sa pagyakap maging ng kanilang mga anak sa landas ng pagbabago.

Ang muling pakikinig sa mga awit ni Susan at ng mga kahenerasyon niya ay nagpapaalala sa bagong henerasyon na lumipas na nga ang panahon, pero hindi ito panahong nasayang dahil pinagpundaran ito ng giting ng paglaban at paninidigan. Ginintuan itong kasaysayan ng kilusan ng mga mahuhusay na mang-aawit, mararangal na mga lingkod ng masa, at magigiting na mga mandirigma, na nag-alay ng buhay at panahon para sa isang mas maaliwalas na bukas para sa mga mamamayan.

Marami sa mga awit: “Lupao”, “Sa Kanayunan”, “Awit ni Canuplin”, “Babae Ka”, ay kinakanta pa rin sa mga protesta at sa mga tambayan sa kasalukuyan. Pagkat pareho pa rin naman ang mga kalagayan, at pareho ang hamon ng paglaban para sa mga mamamayan.

Magpapatuloy ang pagkanta ni Susan Fernandez sa tinig ng mga api at nakikibaka, sa boses ng mamamayang nag-aasam ng tunay na pagbabago.

*Mula dito ang larawan sa itaas.

http://www.youtube.com/watch?v=5rOiiqVLtkY

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2009/07/susan-fernandez/feed/ 0
Awtomatik ‘yan http://pinoyweekly.org/new/2009/07/awtomatik-yan/ http://pinoyweekly.org/new/2009/07/awtomatik-yan/#comments Sun, 05 Jul 2009 06:53:29 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=2426 Kung may matututunan sa nangyaring gusot sa COMELEC nitong nakaraang linggo, ito ay ang katotohanang hindi talaga pwedeng maging kampante lang ang bayan sa ibinabanderang automated na halalan. Tila nagbigay ang awayan ng SmartMatic at TIM ng sneak preview sa mga eksenang posibleng bumulaga sa bayan sa eleksyon sa o bago nito May 2010.

Mahalagang isipin na lumabas ang balitang ito sa gitna ng mga plano para sa pagpapalawig ng termino ng kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng con-ass, bali-balita ng pagtakbo ni Arroyo sa Kongreso, mga bomb threats bilang ng mga kaguluhang pwedeng magtulak sa martial law. Para bagang on cue ang insidenteng ito na dadagdag pa sa mga baraha ng rehimen para sa pananatili nito sa pwesto.

Bagamat mainam na nailantad agad, at malamang hindi na sorpresa sa mamamayan, hindi magandang balita para sa bayan na konektado ang mga kumpanyang magsasagawa ng eleksyon kay First Gentleman Mike Arroyo. Sa desperasyong makapanatili sa kapangyarihan, hindi imposibleng ngayon na pa lamang, inaayos na ng Malakanyang ang sistema nito ng pandaraya o di kaya, ng panggugulo sa automatic na halalan.

Lalong kailangan mangamba sa balitang pera-pera ang pinag-aawayan ng mga kumpanya. Ayon sa iba, P500 milyon ang pinagtalunan ng dalawang kumpanya, kasinghalaga lang ng overpricing na nakulimbat ng mga Arroyo sa pagpapagawa ng isang kalsada. Anong pipigil sa kanilang ibenta ang halalan at/o resulta nito sa mga mag-aalok ng bilyong piso?

Hindi imposible na magawa nila ito, lalo na kung ikokonsidera ang mga puna sa mismong sistema ng automation na ipapatupad ng COMELEC. Inilantad ng Center for People’s Governence o CenPeg na sa proseso ng pagboto na pinaplano, magiging lihim sa mamamayan ang pagbibilang ng resulta ng kanilang boto, ibig sabihin, hindi nila mababantayan ito. Maaaring magresulta ang palya sa malawakang electronic na pandaraya o di kaya’y kaguluhang maaaring dumulo sa failure of elections.

Ayon mismo sa mga nasa Comelec Elections Advisory Council, sa teknolohiyang gagamitin, hawak ng SmartMatic at TIM ang “key” na may access sa at maaaring magbago ng resulta ng halalan mula sa mga presinto hanggang sa pambansa. Ginawa na umano ito ng SmartMatic sa eleksyon noon sa ARMM, kung saan “naiwasto” nila ang bilangan ng halalan sa ARMM mula sa Maynila.

At paano magtitiwala sa proseso na ito kung ang mismong pagbili sa teknolohiya ay overpriced at tiwali? Ayon sa ilang pananaliksik, sa pambili pa lamang ng bolpen at mga modem, overpriced na ng lagpas kalahating bilyon ang badyet para sa proyekto.

Dahil sa mga ito, hindi nakakapagduda ang mga balita-balita, na may mga opereytor na nag-aalok na ng boto para sa 2010. Tiyak na business as usual pa rin sila hangga’t ang may hawak ng halalan at teknolohiya para dito ay ang iilan at dayuhang nais makapanatili sa kapangyarihan.

Sa papalapit na halalan at papatinding desperasyon ng kasalukuyang administrasyon, dapat maging higit na mapagmatyag ang mamamayan, mag-organisa at kumilos laban sa maniobra ni Arroyo sa pagkakapit-tuko sa kapangyarihan.

Bagamat totoong maaaring maging hakbang pasulong ang automated na halalan, hindi malabong gamitin pa ito ng rehimen sa kasalukuyan para sa interes na makapaghari, kaya’t makatwiran lamang ipaglaban na kung tutuloy na ang automation, dapat itong maging malinis, maayos, bukas sa mamamayan at hindi masasamantala para sa tiraniya ng mga ganid sa kapangyarihan.

—–

Para sa karagdagang impormasyon:

Panuorin ang video ni Juana Change hinggil sa automated elections.
Basahin ang special report ng PCIJ dito at dito. Makikita dito ang tungkol sa overpricing.
Para sa mas komprehensibong unawa, basahin ang pagsusuri ng CenPeg.

Si Garci ay pro-automation. Basahin dito.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2009/07/awtomatik-yan/feed/ 0
Bakit ayaw ng kabataan at bayan sa Charter Change ni Arroyo? http://pinoyweekly.org/new/2009/06/bakit-ayaw-ng-kabataan-at-bayan-sa-charter-change-ni-arroyo/ http://pinoyweekly.org/new/2009/06/bakit-ayaw-ng-kabataan-at-bayan-sa-charter-change-ni-arroyo/#comments Sun, 07 Jun 2009 15:34:40 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=1897 1. Ang Charter Change ay isang taktika ni Gloria Macapagal-Arroyo para makapanatili sa pwesto lagpas pa sa 2010.

Anupamang dahilan at palusot, hindi maiaalis ang motibong “term extension” sa Cha-cha. Batid ng kabataan at ng mamamayan, at maging ng mga kasampakat ni Arroyo, na tanging ang cha-cha ang nalalabing ‘ligal’ na paraan para matakasan ni Arroyo ang pananagutan sa mamamayan matapos ang termino niya sa 2010. Isinasapilit ni Arroyo, kanyang mga anak sa Kongreso, at kanyang mga kaalyado ang Cha-cha dahil tiyak ang samu’t saring mga kaso ng mga di-resolbadong anomalya, korapsyon, pandaraya at paglabag sa karapatang tao ang nakaamba nilang harapin malaong wala na sila sa pwesto pagsapit ng 2010.

2. Ang Cha-Cha ay maaaring gamitin para muling ipatupad ang Batas Militar.

- Tatanggalin ang 60-day limit sa pagdeklara ng batas militar at suspension ng writ of habeas corpus.
- Mawawalan ng kapangyarihan ang Kongreso na bawiin ang proklamasyon ng batas militar o suspensyon ng writ of habeas corpus.
- Mawawalan na rin ng kapangyarihan ang Korte Suprema na i-rebyu ang mga batayan ng pagdeklara ng batas militar.
- Palalabnawin ang mga kasalukuyang pamantayan ng pagdeklara ng batas militar ayon sa nakasaad sa Konstitusyon. Magiging mas bulnerable ito sa pagsasamantala ng mga makapangyarihan.
-Buburahin ang ilang mga makabuluhang probisyon sa Konstitusyon hinggil sa karapatang-tao at sa Bill of Rights.

3. Palalalain ng Cha-cha ang matinding krisis sa ekonomiya at kabuhayan.

- Ibubukas ng Cha-cha ang pambansang patrimonya at ekonomiya sa ibayo pang dayuhang pagsasamantala at pag-aari. Ayon sa probisyon sa Cha-cha hinggil sa ekonomiya, hindi na 60-40 porsiyento ang hatian para sa dayuhang pag-aari sa mga batayang industriya at serbisyo kundi papayagan na hanggang 100 porsiyento.
- Papayagan ang mga dayuhang entidad na magmay-ari maging ng mga lupang residensyal, komersiyal, at industriyal.
- Papayagan ang mga dayuhang entidad na malayang gamitin at lapastanganin ang mga likas-yaman ng bansa.
- Papayagan din ang mga dayuhang entidad na kontrolin at pagmay-arian ang mga pampublikong utilidad at serbisyon tulad ng tubig, kuryente, at telecommunications.

4. Palalalain ng Charter Change ang kolonyal, korap, at komersiyal na katangian ng ating kultura, edukasyon at mass media sa pamamagitan ng pagpayag sa tuwirang dayuhang pag-aari sa kontrol sa mass media, mga eskwelahan at advertising firms.

- Tatanggalin ang probisyong nagtitiyak na prayoridad ng gobyerno ang edukasyon, sining, agham at teknolohiya.
- Tatanggalin ang probisyong kinikilala ng gobyerno ang papel ng kabataan sa pagbubuo ng matatag na bansa
- Tatanggalin ang probisyong nag-aatas sa mga eskwelahan na ituro ang nasyonalismo, pagkilala sa pambansang bayani at karapatang-tao
- Malayang makakapasok ang mga banyagang eskwelahan at papayagan ang 100% dayuhang pagmamay-ari sa mga edukasyunal na institusyon at pamantasan.
- Idadagdag ang salitang ‘responsable’ sa karapatan sa malayang pamamahayag at malayang asembliya sa Bill of Rights.

5. Papayagan ang higit na dayuhang pakikialam at pananamantala sa pamamagitan ng pagpayag sa mga makaisang-panig na mga tratado

- Bibigyang-daan ang panunumbalik ng mga dayuhang base militar sa bansa.
- Tatanggalin ang mga limitasyon at restriksyon sa pagpasok ng mga tropang dayuhan at kanilang mga pasilidad.
- Mas mapapadali ang pagratipika sa mga makaisang-panig na tratado at internasyunal na mga kasunduang para lamang sa interes ng mga dayuhan.

(Pahayag na inilabas ng iba’t ibang grupong pangkabataan sa pangunguna ng Kabataan Party-list)

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2009/06/bakit-ayaw-ng-kabataan-at-bayan-sa-charter-change-ni-arroyo/feed/ 0
Pasismo sa pamantasan at kataksilan ng Akbayan http://pinoyweekly.org/new/2008/10/pasismo-sa-pamantasan-at-kataksilan-ng-akbayan/ http://pinoyweekly.org/new/2008/10/pasismo-sa-pamantasan-at-kataksilan-ng-akbayan/#comments Fri, 10 Oct 2008 02:35:01 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=79 SA NAKARAANG buwan, paparami at papatindi ang mga kaso ng panghaharas at paglabag sa mga karapatan ng mga mag-aaral sa kampus: mula sa mga di-makatarungang mga parusa na ipinapataw ng kanya-kanyang mga administrasyon, hanggang panghihimasok ng mga militar at direktang panghaharas sa mga aktibista sa loob ng kampus.

Kamakailan lang, lumabas sa balita ang pagdakip ng mga mag-aaral sa ilang ahente ng militar na kumukuha ng mga litrato at naniniktik sa mga mag-aaral sa PUP (Polytechnic University of the Philippines). Matapos ang insidente, tuluy-tuloy na lantarang nagsagawa ng mapanirang mga propaganda at harassment ang mga sundalo laban sa mga organisasyon ng mga mag-aaral, kabilang ang konseho ng mag-aaral at publikasyon.

Higit pang matindi ang kampanyang ala-batas militar sa mga kampus sa mga rehiyon. Sa PUP-Lopez, Quezon, sinampahan ng gawa-gawang kasong rebelyon ang tatlong kasapi ng konseho ng mag-aaral, kasabay ng paninira at pananakot sa kanila at kanilang mga pamilya.

May iba’t ibang antas ng paniniktik at panghaharas din na naiulat sa mga yunit ng Unibersidad ng Pilipinas at iba pang paaralan. Gayundin, ipinagmamalaki ng mga sundalo ang paglulunsad ng mga porum sa pampublikong mga hayskul na naninira sa progresibong mga organisasyon ng kabataan at nananakot sa mga mag-aaral.

Noong isang buwan, sa JRU (Jose Rizal University) naman, 19 na mag-aaral ang di-makatarungang sinuspinde, apat dito ang pinatalsik ng administrasyon dahil sa paninindigan nila sa mga katagang “pag-asa ng bayan” at paglulunsad ng kampanyang room-to-room laban sa Value-Added Tax.

Target ng panunupil ang kilusang masang nanguna sa mga walkout at iba pang protesta ng kabataan at mamamayan laban sa korap at pahirap na rehimeng Arroyo. Takot ang rehimen sa higit pang paglawak at paglakas ng mga organisasyong nagtatanggol sa mga karapatan sa loob at labas ng kampus, lalo’t inilalatag nito ang mga hakbang para makapanatili sa puwesto hanggang 2010 at lagpas pa.

Kasabay ng pagtindi ng pasistang mga kampanya sa paaralan, isang batas para sa “karapatan at kagalingan ng mga mag-aaral” ang isinusulong sa Kongreso. Sa una’y aakalaing progresibo pagkat ilalatag ang mga karapatan ng mga mag-aaral. Ngunit sa pagsusuri ng nilalaman, tatambad ang kataksilan ng panukala.

Inilalako ngayon ng Akbayan! Party-list — isang partidong sa isang kampanya sa halalan ay idineklara ang sarili na “partido ng kabataan” — ang Straw (Students Rights and Welfare) Bill of 2007 o HB 2584 ni Rep. Risa Hontiveros-Baraquel. Bersiyon nila ito ng nakaraang mga tangka na isabatas ang isang Magna Carta para sa mga mag-aaral. Sa lahat ng bersiyon, ito ang pinakamahaba at pinakadetalyado. Ito rin ang pinakamapinsala.

Inilantad ng iba’t ibang organisasyon, sa pangunguna ng NUSP (National Union of Students of the Philippines), sa mga pulong sa loob ng Kongreso na ang mga panukala sa Straw Bill ay higit pang magpapamukhang lehitimo at magpapatigas ng panunupil sa mga pamantasan. Sa mga probisyon nito hinggil sa karapatan sa pag-oorganisa, kalayaan sa pagpapahayag, pagtatayo ng konseho at publikasyon, binibigyan pa nito ng puwang at lisensiya ang administrasyon ng mga paaralan para limitahan at kontrolin ang mga organisasyon, mga aktibidad at mga kalayaan ng mga mag-aaral.

Sa kongkreto, halimbawa, sa pag-apruba sa mga organisasyon sa loob ng paaralan at paglulunsad ng mga aktibidad, binibigyan nito ng masaklaw na kapangyarihan ang OSA (Office of the Student Affairs). Hinggil kalayaan sa pagpapahayag, nais ng probisyon na magkaroon ng isang lugar kung saan doon lang puwedeng magprotesta. Hinggil sa diyaryong pangkampus, pinaboran lang nito ang Campus Journalism Act o CJA, na ginagamit ngayon para ipitin ang pondo at paghigpitan ang mga publikasyong pangkampus.

Nakakasuklam ang bahagi ng panukala hinggil sa pagtaas ng matrikula kung saan itinatakda na magkaroon ng “minimum na mga pamantayan” ng konsultasyon sa bawat pagtataas. Sa aktuwal, bogus na konsultasyon gaya ng mga nagaganap sa kasalukuyan ang itinataguyod nito. Kung tutuusin, batay sa karanasan, dapat konsultasyon at pagsang-ayon ang isulong na patakaran.

Kataka-taka ring wala sa bersiyon ng Akbayan ang isang probisyong mayroon sa mga nauna, na tutol sa pagpasok ng militar sa mga pamantasan.

Siguro’y hindi nauunawaan ng mga sumulat ng panukala na bawat butas sa kanilang batas na puwedeng gamitin sa paniniil ay sasamantalahin ng administrasyon para kitlin ang karapatan ng mga mag-aaral – tulad ng ginawa sa CJA. Maaari ring wala talaga silang aktuwal na karanasan sa mga pakikibaka laban sa paniniil sa loob ng mga kampus at hindi naiintindihan ang mga implikasyon ng kanilang mga panukala. O, marahil, ito talaga ang kanilang pinipiling posisyon: ang pagbukambibig ng mga karapatan habang sa aktuwal ay pinapanigan ang mga puwersang sumisikil dito.

Para maakit noon ang mga kabataan na bumoto pabor sa kanila, ginamit ng Akbayan sa isa nilang poster ang mukha ni Che Guevara, isang tanyag na lider-rebolusyonaryo at icon ng mga progresibo. Pero ipinapakita ngayon ng kanilang praktika ang tunay na mukha ng kanilang pulitika: panig sa mga kleriko-pasista at taguyod ng tiraniya ni Gloria.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2008/10/pasismo-sa-pamantasan-at-kataksilan-ng-akbayan/feed/ 0