Pinoy Weekly » Sugod mga Kapatid http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Sun, 20 Jul 2014 09:27:46 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=3.9.1 Selective Issues http://pinoyweekly.org/new/2012/05/selective-issues/ http://pinoyweekly.org/new/2012/05/selective-issues/#comments Sun, 06 May 2012 13:14:18 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=19524 Noong una, tumatalsik ang laway ng mga taga-Akbayan sa pag-aalipusta kay Sison at sa CPP (Communist Party of the Philippines) bilang mga “tuta ng Tsina” at “maingay lamang laban sa US.” Ngayong nagsalita na si Sison, bakit galit pa rin ang Akbayan?

Binasa ko muli yung binabanggit ng Akbayan na interbyu kay Sison: wala namang mali. Ang sinasabi ay nilalabag ng Tsina ang ating soberanya, hindi ‘yan gagawin ng isang tunay na sosyalistang bansa, pero hindi ito dapat gawing dahilan para papasukin ang US. Sa madaling salita, dapat tumayo sa sariling dalawang paa ang Pilipinas para ipagtanggol ang kalayaan nito. Ano’ng mali doon?

Kahit anong sabihin ni Sison, maghahanap at maghahanap ng butas ang Akbayan para tirahin siya at mga iba pa niyang kapanalig. Hindi ito nakapagtataka: Itinuturing kasi ng CPP na panig sa mortal nitong kaaway na mga naghaharing uri ang Akbayan. Ang mga bumuo sa Akbayan ay mga pinatalsik na mga lider ng CPP, kasama sina Ric Reyes (hindi ba dati siyang pangulo ng CPP?), Joel Rocamora, Etta Rosales, at iba pa.

Marahil, hindi masaya ang Akbayan kapag ganito ang naging pagtingin ng mayorya ng mga Pilipino sa usapin ng pakikitungo natin sa US at Tsina: Hindi na magagamit ng US ang Tsina bilang dahilan para ipagpatuloy ang paglabag sa ating soberanya at Saligang Batas kung pareho silang tinuturing na kaaway ng mga Pilipino.

Natatakot rin siguro ang Akbayan na kapag nagsasalita na Kaliwa hinggil sa panghihimasok ng Tsina, hindi na sila pakikinggan. Hindi na nila magagamit yung nasabing isyu para iwasiwas sa harapan natin at ipalimot na kumakalam ang tiyan ng milyon-milyong mga Pilipino.

Kung pagiging ‘selective‘ na makabayan rin ang pag-uusapan, siguradong hindi si Sison iyon. Ito yung partidong dikit na dikit sa administrasyon at tahimik pagno-Noynoying nito sa napakaraming panawagan ng mga mamamayan: pagkontrol sa presyo ng langis, P125 dagdag-sahod para sa mga manggagawa, programa ng tunay na repormang agraryo, paglaban sa budget cuts sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan, atbp.

Kung ang Akbayan ang modelo ng pagiging ‘makabayan’, huwag na lang po! Sa mga makabayang ganito, ‘di na natin kailangan ng mananakop.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/05/selective-issues/feed/ 0
‘PinoyMonkeyPride’, ‘Yellow Magic’, at ang Magkabilang Panig ng Parehong Piso http://pinoyweekly.org/new/2011/11/pinoymonkeypride-yellow-magic-at-ang-magkabilang-panig-ng-parehong-piso/ http://pinoyweekly.org/new/2011/11/pinoymonkeypride-yellow-magic-at-ang-magkabilang-panig-ng-parehong-piso/#comments Mon, 07 Nov 2011 02:45:32 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=16175

Nagsimula na ang isang matinding upakan sa YouTube, Twitter, Facebook, at ng buong Filipino cyberspace.

Sa isang banda, ang ‘PinoyMonkeyPride’ na YouTube account na gumawa ng mga biglaang sumikat na mga pro-Marcos bidyo sa YouTube. Sa kabilang banda, ang isang dating propesor ng Kasaysayan sa Unibersidad ng Pilipinas na kilala bilang tagasuporta ng Akbayan, isa sa mga partylist ni Noynoy Aquino.

Matindi at makatotohanan ang ilan sa mga upak ng ‘PNP’: ang pandadaya ng pamilya Cojuangco-Aquino sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita, ang pananagutan ni dating Pangulong Cory sa Mendiola Massacre, ang matinding human rights violations na ginawa ng militar nung Commander-in-Chief si Cory, at ang pananagutan ng pamilya Cojuangco-Aquino sa Hacienda Luisita Massacre.

Mahalaga itong mga paglalantad ng mga bidyo: matindi ang propaganda na pinuhunan para malikha ang mala-santong reputasyon ng mga Aquino na ginamit ni Noynoy para manalo sa nakaraang eleksyon. Marami na ang nakakalimot na sa lahat ng mga post-Marcos na pangulo natin, si Cory ang may 2nd na pinaka-maraming human rights violations. Nung nakaraang eleksiyon din, tila pinalabas pa ng mga PR (public relations) team ni Noynoy na ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita ay mga masasama, bayaran, komunista, atbp.

Sa kabilang banda, may mga tama rin ang counter-propaganda ng mga maka-Aquino: ang EDSA 1 ay pag-aalsa ng mga mamamayan laban sa pinaka-kinamumuhiang indibidwal sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang milyon-milyong Pilipino ay naglunsad ng mga pag-aalsa sa EDSA at iba pang bahagi ng bansa. Mas marami pa ang nagpakita ng suporta sa pamamaraan ng hindi pagtatanggol kay Marcos sa panahon

Pero kung parehon silang may mga tamang punto, pareho rin silang may mga kasinungalingan at kapalpakan!

Ang mga maka-Aquino, iniinsulto pa ang mga biktima ng Mendiola at Hacienda Luisita sa pagpipilit sa utak-pulburang linya na ang unang nagsimula ng gulo ay yung mga magsasaka. Ang mga maka-Marcos, iniinsulto naman ang libu-libong biktima ng Batas Militar sa pagpupumilit na may demokrasya sa ilalim ng diktador. Mas masahol pa, nananawagan ito ng economic liberalization bilang sagot sa kahirapan na dulot daw ng paghahari ng iilang mayamang lokal na pamilya sa bansa.

Siguro itong usapin ng economic liberalization ang magandang bigyang-pansin para linawin itong kaguluhan ng mga maka-Marcos at maka-Aquino. Ang pinapalabas kasi dito, kailangan buksan ang ating ekonomiya sa mga dayuhan para wakasan ang paghahari ng mga lokal na mayayamang pamilya (tulad ng mga Ayala, Lopez, Sy, atbp.). Pinapalabas nila na hiwalay ang mga lokal na kapitalista sa mga dayuhang kapitalista.

(Economic liberalization? Matagal na yang ginagawa sa bansa. Kaya nga sa P144.4 Bilyon na kita ng mining companies noong 2010, P13.7 Milyon lang ang binayaran nilang buwis)

Isa itong malaking kalokohan. Tignan na lamang ang ehemplo ng MERALCO: kilala natin itong kumpanya ng kuryente bilang pagmamay-ari ng pamilya Lopez at ni Danding Cojuangco. Pero ang di natin alam, may parte rin na hawak naman ng PLDT, na kung saan 52% nito ay pagmamay-ari ng mga dayuhang korporasyon. Ang mga lokal at dayuhang kapitalista ay matagal ng magkasabwat sa pananamantala ng mamamayang Pilipino!

At kung tatandaan natin, mismong si Noynoy ay nagsusulong rin ng economic liberalization sa pamamagitan ng Charter Change. Siguro nga lang, hindi siya kasing agresibo tulad ng mga maka-Marcos dahil sila ang nasa pwesto, at tinatantya pa nila ang tindi ng galit paglaban ng mamamayan.

Kaya, ano ang napapanood natin ngayon sa Internet? Walang iba kundi ang pag-aaway ng magkaibang mukha ng parehong piso. Ang mga Marcos at ang mga Aquino ay parehong mga naghaharing-uri: parehong landlords, parehong mga ginamit ang kapangyarihan para paboran ang mga cronies/Kamag-Anak Inc., parehong mga human rights violator, parehong pinahintulutan ang U.S na samantalahin ang ating bayan kapalit ng kanyang suporta.

Ang kanilang rambol ngayon ay bahagi ng di matapos-tapos na rambulan sa pagitan ng iba’t-ibang paksyon ng mga naghaharing-uri na para bang laro ng ‘Trip to Jerusalem’. Lalo pa’t ngayon na naamoy ng isa ang paghina ng isa pa. At ang paglalabas ng mga bidyo ng ‘PNP’, bagama’t nakakatulong sa paglalantad sa dugo at dumi sa ilalim ng pangalang ‘Aquino’, ay sa huling pagsusuri isang tangka lamang para pabanguhin ang pangalan ng mga Marcos.

Kaya kailangang maging malinaw sa atin, at sa mga kababayan natin: ang tunay na kaunlaran at demokrasya ay hindi multiple-choice exam na ang pagpipilian ay “A) Aquino B) Marcos”. Ang tunay na kalayaan at demokrasya ay isang essay exam. Ang mamamayan ay dapat magsulat ng sarili nitong kapasyahan labas sa itinatakda ng mga naghaharing uri.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/11/pinoymonkeypride-yellow-magic-at-ang-magkabilang-panig-ng-parehong-piso/feed/ 0
One Day Millionaires http://pinoyweekly.org/new/2011/09/one-day-millionaires/ http://pinoyweekly.org/new/2011/09/one-day-millionaires/#comments Fri, 23 Sep 2011 17:58:39 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=15469 Kung ang isa sa mga kabataan ng Brgy. Manga, Capas, Tarlac ay makakapasa man sa entrance exam ng Unibersidad ng Pilipinas, tila higit pa sa Mt. Arayat ang kailangan niyang tahakin para lamang makapasok dito.

Ngayong panahon ng anihan ng palay, marami ang tinatawag dito na one day millionaires: may malaking pera pero di pa tapos ang 24 oras, ubos na ito.

Sabihin natin ang kabataan ay kabilang sa pamilya na may sariling lupa (nasa minorya siya dito sapagka’t pito sa sampung magsasaka ang wala parin sariling lupa). Di malayo sa isang ektarya ang laki nito. Kung palay ang nakatanim, mga 80 kaban ang maaaring anihin mula dito, o katumbas ng 2,800 kilo. Sa halagang P13/kilo, P36,400 ang pera niya sa apat na buwan. Dahil wala namang serbisyo ang gobyerno ng mura/libreng paggiling sa palay (para maging bigas), no choice sila kundi ipagiling ito sa pribadong indibidwal. Kung 100 kaban ito, walo ang kukunin bilang bayad. Ibawas mo pa yung 10 na bayad sa mga taga-gapas ng palay. Tapos ilalapit ito sa ‘middleman’ para maibenta ito sa palengke (muli, no choice) sa halagang P13/kilo imbes na P17/kilo kung NFA sana ang bibili nito.

Siyempre, di naman puwedeng hindi kumain ng apat na buwan (ang pagitan ng pagtanim mo ng palay at pag-ani). Pero dahil wala na silang ibang pinagkakakitaan, mangungutang sila para sa lahat ng gastusin nila, kahit ang araw-araw na pagkain nila. Kasama rin diyan ang pambili ng seeds at fertilizer dahil walang programa ang gobyerno para i-subsidize ang mga ito. Kasama rin ang pambili ng diesel (kung ‘2nd crop’ na ito) dahil ang karaniwang sakahan dito ay walang irigasyon. Bagkus, gumagamit sila ng de-motor na water pump kung ayaw nilang malanta ang mga tanim nila.

Kanino sila mangungutang? Isa pang no choice. Kung sino man ang may pera at handang magpautang. At alam rin ng mga nagpapautang ang ganung kalagayan kaya sinasamantala nila ito. Ang utang na P2000, nadadagdagan ng P1000 kada buwan. Kapag dating ng anihan, nakangiti sila ng umaga pero nakasimangot na ng gabi dahil wala halos natira pagkatapos magbayad ng utang. One day millionaire.

E paano pa kung ang nasabing kabataan ay kabilang sa mayorya ng populasyon dito na walang sariling lupa? Nakikigapas lang sila sa palayan o tubuhan ng iba. At sa 100 kaban ng palay na gagapasin nila, sampu ang paghahatian nila ng iba pang mga magsasakang walang lupa. One day na nga lang, di pa naging millionaire.

Kaya yung kabataan na nabangga habang nagmomotorsiklo, magtitiis na lang sa pagmamasahe ng asawa. Di bale na walang background sa medicine ang babae (di nga nakatuntong ng kolehiyo e), kesa naman gumastos ng halagang wala sila. Yung nakataga naman ng daliri habang naggagapas ng tubo, gusto nalang pumunta sa mananahi para ipatahi ang sugat. At least daw kakilala niya iyung nagtatahi, puwede siyang makalibre.

At kung makakapasa man ang isa sa mga taga dito sa UPCAT, wala rin. Kahit ang ipinagmamalaking full scholarship ay di sapat. Paano ba naman, saan kukunin ang pambili ng libro, upa sa dormitory, pamasahe, at baon, kung kahit pang-araw-araw na pagkain ay inuutang pa? E may TV ang pamilya niya at cellphone na walang load, baka maging STFAP Bracket A pa siya.

Madalas sa mga debate sa loob ng pamantasan at akademiya hinggil sa budget cut, nakakahon lamang ang usapan sa epekto nito sa kasalukuyang mga estudyante at guro. Ito lang kasi ang nakikita sa sarili nating mga mata. Nakakalimutan natin na marami ang naaapektuhan nito, nakikita man natin o hindi. Tulad ng mga kabataan ng Brgy. Manga, ang budget cut ay tila paggapas sa kanilang mga kabuhayan.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/09/one-day-millionaires/feed/ 0
BBB http://pinoyweekly.org/new/2011/09/bbb/ http://pinoyweekly.org/new/2011/09/bbb/#comments Fri, 02 Sep 2011 03:08:11 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=15025

Bugbog, bato, at basa: ito ang sumalubong sa mga estudyante, kabataan, guro, kababaihan, manggagawang pangkalusugan, migrante, at maralitang lungsod na nagmartsa papuntang Kongreso nung nakaraang Augusto 25. Nananawagan sila laban sa isang ‘B’ (budget cut sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan) subalit ang binanggit na tatlong ‘B’ ang ibinigay sa kanila.

Lima ang lubhang nasugatan sa ginawa ng mga kapulisan. Kahit ang mga opisyal ng Unibersidad ng Pilipinas ay hindi nakaligtas sa karahasan: huling-huli sa mga litrato kung paano ang direktor ng Office of Student Housing ng UP na si Prop. Gerry Lanuza ay tinira harap-harapan ng water cannon. Tinamaan naman ng malaking bato ang ulo ni Kepi Losario, pambansang ingat-yaman ng Anakbayan.

Ayon sa human rights lawyer na si Jules Matibag, ang nasabing protesta ay sakop ng depinisyon ng ating Saligang Batas hinggil sa ‘freedom of speech’, ‘freedom of expression’, at ‘right to peaceful assembly’. Nagpapahayag lamang ang mga lumahok kung gaano karami ang tutol sa mga budget cuts sa serbisyong panlipunan. Bakit kailangan silang upakan? Talaga bang sarado na ang administrasyon Aquino sa pakikipag-usap sa mga mamamayan na nangako nitong paglilingkuran?

#

Dito papasok ang sinasabi ng mga aktibista na ‘pinaka-mataas na ligal at mapayapang’ sandata ng mamamayang pinagkakaitan ng karapatan: ang mga kilos-protesta.

Nung binawasan nila Noynoy ang budget ng mga State Universities nung nakaraang taon, nakinig ba siya sa mga pakiusap na huwag itong gawin? Hindi. Mga miyembro pa ng Senado ang nag-singit ng kaunting dagdag-pondo para sa mga SUCs nung araw na may 10,000 nagmartsa papunta sa kanilang opisina. Noong balak itaas ang matrikula sa Polytechnic University of the Philppines nung parehong taon, nakinig ba ang Commission on Higher Education sa pakiusap na huwag itong gawin? Hindi rin. Umaksyon lamang ito pagkatapos magsunog ng mga upuan ang mga estudyante ng PUP at nilusob ang mismong opisina ng CHED.

Marahil iniisip mo na napaka-laking oras at sakripisyo ang kailangang igugol sa isang bagay na hindi tiyak na magtatagumpay. Marahil iniisip mo na hindi ito ‘worth it’. Pero ika nga ng pilosopo na si Bertrand Russel, “Who struggles can fail. Who doesn’t struggle has failed already.” Sa unang taon ni Aquino, naging malinaw na ang pagkakapareho nito sa siyam na taon ni Gloria Arroyo: pareho itong mga manhid at bingi sa mga kagustuhan ng mamamayan. Bagama’t nakakapagod, ang alternatibo ay wala tayong makuha kahit kaunti lamang sa ating mga karapatan.

#

“Mabuti pa ang bato, nagagamit ng mga inaapi para ipagtanggol ang kanilang karapatan. E sila, ginagamit sila para sa pang-aapi namin”

“Mabuti pa yung bato, nasa pagkilos laban sa budget cuts. Asaan sila?”

“Mas anti-budget cut pa yung bato kesa sa kanila”

Ito ang reaksyon ng mga ‘survivors’ ng Augusto 25 sa pangungutya ng grupong Akbayan sa kanila. Sinabihan daw ang mga nagprotesta ng isang opisyal ng nasabing grupo na ‘wag gumamit ng bato kapag humihingi ng budget‘. Ano daw? Hindi ba niya nakita na nagsimula sa hanay ng pulis ang gulo? Pero kung sabagay, ganun talaga ang Akbayan: wala sa tabi ng mamamayan habang sila ay lumalaban para sa kanilang mga karapatan. Bagkos, sila ay nasa panig ng administrasyon Aquino na sinuportahan nito nung nakaraang halalan kapalit ng iilang posisyon sa Gabinete. Ang bulong pa nga ng iba, di lamang mga posisyon ang natanggap nila bilang ‘pasaslamat’ ng gobyerno.

P.S

Sa mga interesado, ito ang mga petsa na dapat salubungin ng protesta: tatalakayin ang budget ng mga SUCs sa Sept. 7, balak itong isalang at aprubahan sa Sept. 16 at Oct. 12.  Tatalakayin naman ito sa Senado ng Oct. 13, at ng pinagsamang Senado at Kongreso ng Nob. 28.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/09/bbb/feed/ 0
Much ado about the STFAP http://pinoyweekly.org/new/2011/06/much-ado-about-the-stfap/ http://pinoyweekly.org/new/2011/06/much-ado-about-the-stfap/#comments Sun, 26 Jun 2011 17:29:16 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=14120 Para sa ‘di nakakaalam, ang STFAP (Socialized Tuition and Financial Assistance Program) ay sistema sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan ginu-grupo ang mga estudyante batay umano sa kanilang katayuan sa buhay at pinagbabayad ng iba’t ibang antas ng matrikula. Nakabatay ito sa prinsipyo na ‘mayamang estudyante’ ang dapat magbayad (o mag-subsidyo) para sa kanyang mas mahirap na kapwa.

Uminit ang talakayan hinggil dito sa simula ng pasukan ng napabalitaang ginawang ‘default bracket‘ ang ‘Bracket A’ (Tinaguriang ‘millionaires bracket‘ ito at ang mga estudyante ay nagbabayad ng P1k kada yunit o mahigit P20 kada semestre). Ibig sabihin, tinutukoy muna sila bilang bahagi ng Bracket A at kinakailangan pa nilang patunayan na hindi para magbayad ng mas mababang matrikula.

Kaya ito tinawagan na ‘di-direktang’ tuition increase dahil dati, Bracket B ang tinaguriang ‘default bracket‘. Sa paglipat sa Bracket A, tila tumaas ang matrikula ng marami mula P1,000 tungong P1,500 kada yunit.

Hindi na ito nakapagtataka. Matagal ng pinuna ng mga aktibista sa UP ang STFAP bilang paraan para magtaas ng matrikula na hindi naman ito tinatawagan na ‘tuition increase‘. Sa simpleng pangangalikot mo lang sa mga iba’t ibang alituntunin ng sistema, pinaparami mo ang nagbabayad ng mas mataas na matrikula. Nung unang ipinatupad ito nung 1989, tumalon ang matrikula mula P45 tungong P200 kada yunit. Nung kinalikot ito (rebracketing) nung 1994, naging P300 kada yunit. Nangyari uli ito nung 2007, kung saan tumaas na tungong P1000 kada yunit.

Kung tutuusin, ang STFAP ay isa lang paraan para higit na kumita ang Unibersidad. Ayon sa pag-aaral ng Philippine Collegian, sa panahong 2007-2009, gumastos ang UP ng P25-Milyon para sa mga nakikinabang sa STFAP, samantalang kumita ito ng mahigit P400-M! Laging mas malaki ang bilang ng mga estudyante na di na nakikinabang sa STFAP (yung mga nagbabayad ng P1,500 at P1,000 kada yunit) kumpara sa mga nakikinabang (sa P600, P300, at P0 kada yunit).

Matapang at napapanahon ang panawagan ng mga aktibista sa UP para ibasura ang STFAP at ibaba ang matrikula sa Unibersidad. Hindi mahihiwalay ang una sa pangalawa. Hangga’t andyan ang nasabing programa, gagamitin ang pagkakaroon ng ilang estudyanteng may libreng matrikula para gawin katanggap-tanggap sa atin ang pagtataas ng mga bayarin ng mayorya.

Higit pa rito, laging gagamitin ang pagkakaroon ng STFAP para bigyang-katwiran ang pagkakaltas sa badyet ng UP. Kung maaalala natin ang sagutan ng mga estudyante at ng gobyerno nung 2010, ginamit na katwiran ang Ayala Techno Hub para bawasan ang pondo ng Pamantasan sapagka’t kumikita naman ito. Ganun din ang STFAP: isa itong paraan para kumita ng dagdag ang UP, at katwiran para kaltasan ang budget.

Kung ninanais ng mga Iskolar ng Bayan ng mas mababang matrikula, o kung kakayanin pa nga ay libreng edukasyon, para sa kanila at sa mga susunod na henerasyon, hindi tayo mangingimi na ipaglaban ang pagbabasura ng STFAP at pagbibigay ng mas mataas na pondo sa ating Pamantasan. Tanging sa sapat na pondo mula sa gobyerno maibibigay ng libre ang ating pag-aaral, at ang STFAP ay nananatiling sandata laban dito.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/06/much-ado-about-the-stfap/feed/ 0
Good News, Bad News http://pinoyweekly.org/new/2011/04/good-news-bad-news/ http://pinoyweekly.org/new/2011/04/good-news-bad-news/#comments Wed, 27 Apr 2011 10:32:15 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=13112 Good News: Magbibigay daw si Noynoy ng dagdag-sahod sa Mayo.

Bad News: Bahagi ito ng pinaka-bagong commercial ng Cornetto.

Good News: May P1.16 kada litro na oil subsidy ang gobyerno para sa mga jeep at tricycle

Bad News: Nagtaas ang presyo ng langis ng P1.50 kada litro sa isang bagsakan

Good News: Magbababa daw ang mga kompanya ng langis ng presyo ng diesel ngayong linggo

Bad News: Itataas naman nila ang presyo ng gasolina

Good News: Magbibigay ang gobyerno ng pabahay sa mga biktima ng mga nakaraang sunog

Bad News: Ito yung mga relocation site kung saan sila gustong ipatapon

Si Etta Rosales na ang bagong pinuno ng Commission on Human Rights

Good News: Para sa Armed Forces of the Philippines

Bad News: Para kay Melissa Roxas, Jonas Burgos, Karen Empeno, Sherlyn Cadapan, at lahat ng iba pang biktima ng human rights violations

Good News?: May pagbabago naman daw talaga sa ilalim ni Aquino

Bad News: There’s change all right, change for the worse

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/04/good-news-bad-news/feed/ 1
Oh, how the mighty have fallen! http://pinoyweekly.org/new/2011/04/oh-how-the-mighty-have-fallen/ http://pinoyweekly.org/new/2011/04/oh-how-the-mighty-have-fallen/#comments Mon, 18 Apr 2011 10:13:55 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=12984 Ang imahen ni Gloria Arroyo, bilang nagtatago sa likod ng mga sundalo at pulis tuwing lumalabas siya ng Palasyo sa takot sa dami ng mga mamamayan na nagpoprotesta laban sa kanya, ay imahen rin ni Noynoy Aquino kahapon. Di pa isang taon mula nang manalo siyang Pangulo ng bansa dahil sa pagtatanggal sa kanya bilang “kampiyon ng mga mamamayan,” takot na takot siya sa bulong man lang o anino ng sambayanang ipagtatanggol niya DAW.

Kung ang bawat militar sa lugar ng UP Graduation Rites kahapon ay naka-uniporme, magmumukha sigurong Camp Aguinaldo ‘yun sa dami ng mga PSG (Presidential Security Group) at mga panget o intel (tawag ng mga aktibista sa mga military intelligence agents). Pero gaano man kadami sila, may mga nakalusot pa rin na mga graduates na sinalubong si Noynoy ng protesta, bitbit ang mga plakard na may mga panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod, libreng pamamahagi ng Hacienda Luisita, pagkontrol sa presyo ng langis, pagpapalaya sa political prisoners, pagtaas sa badyet sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan, at iba pa.

Mismong ang rehente ng mga mag-aaral ng pamantasan na si Jaque Eroles, pagkatapos mag-abot ng listahan ng mga paniningil ng mga mamamayan sa pangulo, ay nanguna sa pag-sigaw ng mga islogan na patama sa mga baluktot at di-matuwid na pamamalakad ni Aquino. Sa labas naman ng venue, marami pang mga estudyante, iba pang kabataan, guro, at kawani ng gobyerno ang desperadong hinarangan ng goons ni Noynoy.

Napaka-makapangyarihan ng mga imahen at tunog at kabuuang dating ng protesta kanina, tulad ng terminong throne propped up by bayonets na ginamit kay dating pangulong Gloria Arroyo. Sa imahen ng isang upuan na ang mga paa nito ay bayoneta, ipinapakita nito na ang dahas na lamang, na sinisimbolo ng mga bayoneta, ang nagpapanatili sa ‘naka-upo’. Kung ang mga kaganapan lamang sa UP ang batayan, tiyak nating masasabi na dahas at panlilinlang na lamang ang mga paa na nagpapatayo sa upuan ni Aquino!

Dapat mabatid ng mga Pilipino, lalo na ng mga kabataan, ang kahalagahan nito: ang ganitong mga reaksiyon ni Aquino sa boses at galaw ng mga tulad natin ay nagpapakita na nararamdaman at naaapektuhan siya nito. Kung laban sa boksing ito, napapa-aray siya kahit sa mga relatibong maliliit na protesta at mga simpleng batikos sa kanya. Pero kung mga gimmick at dahas ang nagiging sagot pa ni Noynoy, ibig sabihin lang, kulang pa. Kailangang palakasin ang mga suntok sa katawan at ulo ng buong gobyernong Aquino hanggang sa mawalan na ito ng lakas na sumuntok pabalik, at tuluyang bumagsak pa.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/04/oh-how-the-mighty-have-fallen/feed/ 0
Binibining Proletaryo http://pinoyweekly.org/new/2011/04/binibining-proletaryo/ http://pinoyweekly.org/new/2011/04/binibining-proletaryo/#comments Sun, 10 Apr 2011 18:10:45 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=12834 Hindi man ako nanood ng Binibining Pilipinas, para na rin akong nanood dahil ang Facebook friends ko ay nagbibigay ng halos live na update sa mga nangyayari. At siyempre, marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Shamcey Supsup, ang nagtapos ng summa cum laude sa Kolehiyo ng Arkitektura sa Unibersidad ng Pilipinas. Beauty AND brains, ang tawag nila.

Pero mas bilib ako kay Luz Felipe, ang sumagot sa tanong na “What would you tell PNoy thru a letter?” ng “He must listen to the people because government is the people and the people is the government“. Nung nabasa ko ‘yun, bigla akong napapalakpak nang mag-isa. Ayos. At ito pa ang matindi kay Ms. Felipe: minsan siyang nagtrabaho bilang tricycle driver sa probinsiya ng Bulacan.

Hindi ko alam kung ano ang kuwento sa likod ng naging trabaho niya, yung kanyang napaka-makabuluhang sagot, o yung koneksiyon ng dalawa. Pero malinaw na ang sagot niya ang isa sa mga pinaka-intelihente (kung hindi man ang PINAKA-intelihente) sa buong kompetisyon, bagay na sinasangayunan ng marami sa mga kakilala ko.

Kung mayroong ugnayan ang kanyang pagiging dating tsuper, at ang kanyang sagot, pinapatunayan nito ang sinasabi ng mga ilang siyentista ng agham panlipunan: na ang pinakamatalas at angkop na pagsusuri hinggil sa lipunan ay nagmumula sa mga taong pinakalubog sa mga kaganapan sa lipunan. Malinaw na dumanas sila ng kahirapan. Madalang tayong makakita ng tsuper ng tricycle na babae. Ibang klaseng kamulatan, at pagbasag sa social norms, ang ginawa niya. Hindi nakapagtataka tuloy ang underlying message ng kanyang sagot: hindi nakikinig si Noynoy sa mga mamamayan.

Higit pa rito, maaaring naranasan na ni Luz, bilang manggagawa, ang lakas na nakakamit sa sama-samang pagkilos. Maaaring dun niya hinugot ang sagot na the government is the people. Ang mga mamamayan ang may kapangyarihang magluklok ng gobyerno: sa halalan man o sa lansangan.

Di hamak na milya-milya ang layo ng kahusayan ng sagot niya sa linya ni Shamcey na “The standard of beauty is not definite. We define it”. Ideyalistang pananaw ito, at maaaring patutyada sa puna ng progresibong kababaihan sa mga ganitong kompetisyon bilang nagtataguyod ng kulturang patriyarkal.

Ito ang masasabi ko: sino na dito ang nakakita ng beauty pageant para sa mga matataba? O nakapokus sa katalinuhan at kaalaman? May pageant ba para sa mga may kapansanan? Siyempre wala. Kasi walang magiging sponsor niyang mga kompetisyon na yan dahil ang mga kapitalista, sinusuportahan nila ang nakagawian ng depenisyon ng ‘kagandahan’. Kahit nga ung mga ibang may progresibo kunong pananaw sa usapin na ito, may tinatawag silang ‘inner beauty’ na para bang first runner up sa tunay na kagandahan.

Hindi nakakagulat ang talas ng talinong nagmula sa karanasan ng manggagawa, kumpara sa talino ng nag-aral sa pamantasan. Ang nakakagulat ay kung saang bagay/kaganapan mo makikita ito!

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/04/binibining-proletaryo/feed/ 9
Para kanino ka bumabangon? http://pinoyweekly.org/new/2011/04/para-kanino-ka-bumabangon/ http://pinoyweekly.org/new/2011/04/para-kanino-ka-bumabangon/#comments Sun, 10 Apr 2011 11:13:38 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=12818 Si Karen ay nagtatrabaho noon sa isang fast food restaurant, at ngayon sa call center, para matapos niya ang pag-aaral niya sa isang state university dito sa Metro Manila. Bagamat may business ang kanyang ama, hindi ito nakasasapat, kahit na ang kapatid niya ay nag-aaral sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) para makatipid.

Ibang klase ang dedikasyon ng mga ibang estudyante para makapagtapos: Di-natutulog ng ilang araw, nagiging malikhain sa pandaraya, nilalagyan ang lason nung mas mataas ang standing sa kanya sa klase, nagtatrabaho, at minsan pa nga’y may nagpuputa.

Ano ba ang naghihintay sa finish line kaya nagkakandarapa ang mga estudyante na abutin ito? Para sa marami, ito ang pangako ng mas magandang bukas. Ang hawak-hawak nilang diploma ang tiket para makakuha ng maayos-ayos na trabaho, na kapag hinaluan ng sipag at tiyaga ay *viola!* mayroon ng American Dream: sariling bahay (na walang banta ng demolisyon), mapag-aral ang mga anak, ‘mabayaran’ ang ‘pinuhunan’ ng mga magulang sa atin, higit sa tatlong kain kada araw ay may pera para sa kaunting luho, atbp.

Pero sa totoo, ano bang naghihintay sa mga tulad ni Karen sa dulo ng paglalakbay?

Sa Facebook, lagi akong natatag sa mga litrato ng mga kahayskul ko na nagbebenta ng kung anu-anong produkto, sideline nila dahil sakto lang (o kaya di-sapat) ang kanilang suweldo sa trabaho. Partida, lahat sila ay galing science high school at nagtapos sa UP, sa kinagawian, yun na dapat ‘yung tipo ng tao na makakamit ang big time.

Ang resident rakista ng hayskul namin, si Mike, nagtapos ng nursing. Pero dahil talo siya sa palakasan para makapasok sa ospital, call center ang bagsak niya. Si Joc na nagtapos rin ng nursing, kakalipat lang sa kanyang trabaho sa mapanganib na rehiyon ng Gitnang Silangan/Hilagang Aprika. Yung mga may koneksiyon para lumipat sa U.S, matagal na nilang ginawa yun.

Totoo, may ilang on the way na sa pagiging big time. Pero di-hamak na maliit ang bilang nila kumpara sa kabuuan. Kaya nga ang mga ganyang kuwento, laging nadidiyaryo di ba? Ang tawag nga rags-to-riches stories. Ganun kasi kadalang mangyari yun. One-in-a-million, ika nga.

Ang pangarap na makakamit ng disenteng kabuhayan at kinabukasan sa isang lipunang naghihirap sa gitna ng mayamang kapaligiran, sa isang lipunang napagiwanan ng ika-21 na siglo dahil sa dominasyon ng mga dayuhan at mga lokal na elitista, ay nananatiling ganun: pangarap lang.

Sa mga nagpupumilit sa mantra ng sipag at tiyaga, kailangan lang tignan ang milyon-milyong manggagawa at magsasaka sa bansa. Bakit nananatili silang mahirap? Katamaran ba yun, kung ang magsasaka ay naghahanap ng iba pang trabaho tuwing offseason, o kung ang manggagawa ay nagsusumikap kahit na barat ang suweldo? Kulang lang ba sa diskarte, e andami ng nagsisiksikan sa mga gimik tulad ng online tutorials? Bunga ba ito ng bisyo, e kung istatistika rin lang ang pag-uusapan, di naman magkaiba ang porsiyento ng mga mahihirap na mabisyo, at ang mayayaman na mabisyo?

Tama na ang pagbubulag-bulagan.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/04/para-kanino-ka-bumabangon/feed/ 0
Masyadong Mataas http://pinoyweekly.org/new/2011/04/masyadong-mataas/ http://pinoyweekly.org/new/2011/04/masyadong-mataas/#comments Thu, 07 Apr 2011 19:53:51 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=12802 Pansinin ang irony ng pahayag na ito: Nakadepende ang kabuhayan ng milyun-milyong Pilipino sa pananatiling mababa ng mga sahod sa bansa.

Ha? Ano ulit?

Oo, ito ang mensaheng gusto ibigay nila Noynoy Aquino sa mga nakaraang pahayag nila hinggil sa lumalakas na panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod. Bumubukas na daw sila sa pagtataas ng suweldo ng mga manggagawa, pero hindi kasing ‘taas’ ng hinihingi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM) na P125 across-the-board at nationwide.

Ha? Ano ulit? Mataas ang P125?

Saang panig ba ng Pilipinas masasabing malaki ang P125? Kung kabuhayan rin lang ng mga Pilipino ang usapin, tignan ang sumusunod: P404 ang minimum wage sa Metro Manila, ang pinakamataas sa buong bansa. Pero nung 2008 pa lang, P917 ang kinakailangan ng karaniwang pamilya para mabuhay nang disente. Siguradong mas mataas pa ito ngayon. Sabi nga ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (Eiler), kinain na ng mga pagtataas sa ilalim ni Noynoy ang lahat ng mga dagdag-sahod ng nakaraang dekada.

Saan ngayon pinaghuhugutan ni Noynoy ang pagtingin na ‘masyadong malaki’ ang halagang P125?

Sabi nila nung Abril 7, kapag natuloy ang nasabing umento, magiging ‘uncompetitive’ ang ating bansa. Uncompetitive saan? Sa paghahanap ng dayuhang mga mamumuhunan. Bilang bahagi ng walang-katapusan nilang paghahangad ng mas malaking kita at tubo, namumuhunan daw sila sa mga bansang may napakababang sahod. Kaya nga nagmimistulang baliktad na karera ang ginagawa ng mga maraming bansa sa Asya: pababaan ng antas ng sahod.

Dito nagmumula ang absurdong pahayag sa unahan: Pinapalabas ng gobyerno na tanging sa ‘kabaitan’ ng dayuhang mga kapitalista magmumula ang kabuhayan ng marami sa atin, at ang pag-unlad ng bansa na matagal na nating tinatamasa. Para makuha itong ‘hulog ng langit’, kailangan panatiliin nating barat-na-barat ang ibinabayad ng mga dayuhan at malalaking kapitalista sa mga manggagawa.

Gaano katotoo ba ito? Sa ‘China: Socialist Development and Capitalist Restoration’ ni Prop. Pao-yu Ching, dinetalye niya kung paano inangat ng Partido Komunista ng Tsina (CCP) ang ekonomiya ng Tsina mula sa pinsala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ng tatlong taon ng gerang-sibil na sumunod. Agarang namahagi ng libreng lupa sila Mao Tse-tung sa mga magsasaka at hinikayat silang pataasin ang produksiyon. Dito nagmula ang ‘labis na kapital’ na ginamit para itayo ang mga batayang industriya ng Tsina.

Mismong si Prop. Pao-yu ang nagbigay ng angkop na mensahe: Ang karanasan ng Maoistang Tsina ay nagpapakita ng isang alternatibong landas sa kaunlaran, isang daan na malaya sa ‘foreign investments’ at ‘foreign debts’.

Marahil nagtataka ang iba sa inyo: sa dami-dami ng mga PhD at MBA sa gobyerno ni Noynoy, bakit tila hindi nila alam ito? Pero ang totoo, alam nila ito. Umaasa lamang sila na ang mga katulad natin ay hindi nito nakakaalam para patuloy na bigyang pambabaluktot at katwiran ang tunay na agenda nila: ang pagprotekta sa dambuhalang tubo ng mga dayuhan at malalaking kapitalista, at patuloy na pagsamantalahan ang manggagawang Pilipino.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/04/masyadong-mataas/feed/ 0