Pinoy Weekly » Suring-Global http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Mon, 07 Apr 2014 17:44:16 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=3.8.1 State of the Union Address ni Obama: Bumabagsak na Amerika http://pinoyweekly.org/new/2012/02/state-of-the-union-address-ni-obama-bumabagsak-na-amerika/ http://pinoyweekly.org/new/2012/02/state-of-the-union-address-ni-obama-bumabagsak-na-amerika/#comments Fri, 17 Feb 2012 04:49:37 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=18268 US Pres. Barack Obama (Malacanang Photo Bureau)

US Pres. Barack Obama (Malacanang Photo Bureau)

Bagaman basura lamang ang tingin sa kanyang State of the Union address nitong Enero 24, 2012 ng kanyang mga karibal sa pulitika at tinatawag iyong State of Re-election Address, nagsasaad ito ng panawagan ni Obama ng patas na patakarang pang-ekonomya kung saan, aniya, “makukuha ng lahat kung ano ang dapat sumakanya” sa pamamagitan ng paggamit sa kapangyarihang estado para maitayo ang isang “ekonomyang magtatagal.”  Iginuhit niya ang plano ng kaunlarang pang-ekonomya na pareho ang patakaran para sa mga mayaman at mga ordinaryong mamamayang Amerikano at ipinanukala ang malaking pagbubuwis (30%) sa mga mayaman.  At marami pang iba.  Sa kabuuan ay nakatuon siya sa ekonomyang batay sa panggitnang uri.

Malungkot nga lamang, na ngayon pa lang ay malakas na ang pagtutol sa kanyang mga panukala.  At kahit wala, sa wari’y wala na itong mararating sa umpisa pa lamang.  Nakabatay sa isang malayang kapitalismo na hindi puwedeng sagkaan ang kalakaran ng Estados Unidos.  Kontrapelo dito ang panghihimasok ng estado.  Maaalalang nagpanukala din nang ganito si Bill Clinton—repormahin ang Amerika!, lumikha ng maraming trabaho!, ng pagkakapantay-pantay! at, higit sa lahat, ng pagsusulong ng kalayaan ng isang tao!

Alam nating nabigo si Clinton.   Palengke ang nagpasya kung gaano karaming tao ang dapat iempleyo sa isang panahon, palengke ang nagtakda ng kahulugan ng pagkakapantay-pantay at, higit sa lahat, palengke ang nagbigay ng kahulugan kung ano ang ibig sabihin ng personal na kalayaan—na walang iba kundi ang kalayaan ng isang tao na mabili ang anuman ang kanyang gustong bilhin sa abot ng kanyang kakayahang bumili.  Ang nagawa lamang ni Clinton, kung meron man, ay ang pagwasak sa matandang teoryang social contract, na nagsasabing may pananagutan ang indibidwal sa kanyang pamayanan, sa lubos na pangingibabaw ng indibidwalismo.

Walang sinumang lider ng bayan sa alinmang kapitalistang bansa, gaano man kabusilak ang kanyang kalooban, ang puwedeng sumagka sa sariling batas ng kapitalismo na batay sa kanya-kanyang pakinabang.  Sabi mismo ni Adam Smith:  “Hindi gumagawa ang panadero ng tinapay na ating inaalmusal dala ng kanyang kabutihan, manapa’y pinagkikitaan niya ito.”  At si Smith mismo ay nilapastangan ng ibayong pagsulong ng kapitalismo na nagbasura sa kimkim niyang sentimentalismong  nagpapalagay na may moralidad ang sistema at natural  na kakandiliin nito ang  kapakanan ng komunidad.  Tuloy ay malungkot na naisulat ni Jeffrey Sach, isang contributor sa Financial Times:  “A lack of morals will lead to the system’s self-destruction.”  Ang masakit lang, wala pang sistemang maipapalit sa kapitalismo na nasa abot-tanaw o nasa  likuran man lamang ng sugpungan ng langit at dagat.  Mas malinaw pa ang larawan ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig, at pagkaraan lamang niyon makikita ang isang sistemang batay sa makatwirang pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa, ang pagkilala sa indibidwal na karapatan at kalayaan, ang ekonomyang lumilikha ng mga pangangailangan ng tao at hindi mga produktong ipamamalit—bunsod ng sama-samang mapait na karanasan sa digmaan, ng sama-samang pamimighati, ng wasak na kalikasang isang malaking hamon ang mabuhay sa araw-araw.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/02/state-of-the-union-address-ni-obama-bumabagsak-na-amerika/feed/ 1
Mga dahilang pang-ekonomya ng gera ng US vs China http://pinoyweekly.org/new/2012/02/mga-dahilang-pang-ekonomya-ng-gera-ng-us-vs-china/ http://pinoyweekly.org/new/2012/02/mga-dahilang-pang-ekonomya-ng-gera-ng-us-vs-china/#comments Fri, 17 Feb 2012 04:42:59 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=18265 Samantalang nanlulupaypay o lubog sa krisis ang mga ekonomya ng US at Kanlurang Europa, napakasigla ng kalakalan sa Asia-Pacific, tuluy-tuloy na umuunlad ang ekonomya ng mga bansa sa Central Asia, Eurasia, ng South Asia at ng ASEAN.  Ayon mismo sa Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP) ng United Nations, “Asia-Pacific is the world’s engine of growth.” At sa harap ng mga krisis na kinakaharap ng mga bansa ng Kanluran, sinasabi ng maraming ekonomista na lumilipat sa rehiyong ito ang kapangyarihang pang-ekonomya ng mundo.

Sumasabay naman sa ganitong magandang balita ang nakikitang panghihina ng impluwensiya ng US sa APEC.  Napaparatangan pa ang US na magulo ang posisyon sa APEC at ginagamit lang ang organisasyon para sa pansariling interes. Sa pagpupulong sa Hawaii noong 2011, halimbawa, umikot sa malaking bahagi ang usapan tungkol sa pagsusulong ng US ng makabuluhang pakikipag-ugnayan sa Asya na ibig sabihi’y ang pagtatrabaho ng US sa loob ng APEC para magbukas ng pamilihan sa Asia-Pacific region at iugnay ang mga ito sa American exporters para makatulong sa pagpapalakas ng mga relasyong pang-ekonomya sa rehiyon.

Pero, samantalang nanghihina ang reputasyon ng US ay lumalakas naman ang posisyon ng China.  Nagiging sentro ito ng kalakalan sa rehiyon at ng mga kanugnog rehiyon.  Umabot sa 11% ang industrial growth rate nito at, sa kabila ng krisis ng Kanlurang mundo, tinataya ng ESCAP na lalaki ng 8.5% ang ekonomya ng China ngayong 2012, kumpara sa 2.5% tinatayang paglaki ng ekonomya ng US at di-malinaw na tinutungo ng ekonomya ng Eurozone.  Sa ngayon, ang China ang pangalawang pinakamalaking trading partner ng US, ika-8 trading parner ng European Union, pinakamalaking trading partner ng Japan, Middle East at North Africa.

Samantala’y nangunguna ring ang papel ng China, bagaman matindi ang kompetensiya ng Russia, sa Shanghai Cooperation Organization na kinabibilangan ng mga bansang Uzbekistan, Tajikistan, Kazakhstan, Turkmenistan, Kyrgyztan, China at Russia.  Mabilis pa ngayong lumalawak ang organisasyong ito na kinabibilangan ng Mongolia bilang observer at mga aplikanteng bansang Afghanistan, Pakistan, India at Iran.  Meron din itong memoranda of understanding sa mga bansang kasapi ng Commonwealth of Independent States.

Nasa Central Asia, partikular sa Caspian Basin, ang mahigit 20% ng reserbang langis ng mundo at 46% ng natural gas.  Kapag isinama sa kuwentada ang maraming mamiminang mineral sa lupalop na ito, talagang isang napakayamang  imbak ng hilaw na sangkap ang tatambad sa dumadausdos na ekonomya ng Kanluran.  At hindi pa ganito lang:  napakalaking palengke ang mabubuksan sa US, napakalaking puwersa ng produksyon, napakalaki at maunlad na mga kasangkapan sa produksyon.

Ang problema lang ay nagsisilbing malaking sagabal ang China na nakabalagbag sa daanan ng napakalaking reserbang kayamanang ito.  Kapag nahamig ito ng US, ibig sabihin, kapag nawala ang China, nakasisiguro na maitatayo ng US ang sinasabi ni Obama na “ekonomyang magtatagal” hindi lamang nang ilang dekada, kundi baka umabot na sa Huling Araw o Araw ng Paghuhukom.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2012/02/mga-dahilang-pang-ekonomya-ng-gera-ng-us-vs-china/feed/ 0