Pinoy Weekly
Category archives for: Zineulat

Ngayong Inuusig ng Ubo sa Ikatlong Taon ng Kawalang Hustisya sa mga Biktima ng Ampatuan Massacre

mykel

Hindi pa ako natutulog at walang tigil sa pagkahol ang baga kong kaysikip at kaylagkit dahil sa naimbudong plema. Akala ko ay nagapi na ng amoxicillin ang kung anumang militar ng plema sa baga ko. Matapos ang ilang araw ng hindi pagkahol, heto’t nanumbalik na naman ang anumang nagpapasikip ng baga ko at nagpapasakit ng [...]

Kuha Mo?

Hindi naman bago sa atin ang pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin sa paaralan. E ano naman kung magtaaas ng matrikula ang mahigit-kumulang 300 kolehiyo sa taong ito.

Ang Nagmamadaling Wika ng Konsumerismo

Sa anumang yugto ng pang-ekonomiyang kalagayan ng isang bansa, mayroong mga kultura, kabilang ang wika, na ginagamit ang estado, mga institusyon at ahensiya, mga kilusan at indibidwal, sa kanilang pang-araw-araw na operasyon at pakikipagsapalaran sa mundo.

Madaling Maging Honorable at Academically Excellent na Estudyante

Ngayon ko lang muli naranasan na pinagbabangga ang aktibismo at pang-akademikong kahusayan. Walang duda, bahagi ng kontinuum, bahagi ng makapal na sinulid na nagdurugtong sa mga estudyante at sa edukasyon, itong tila magkatunggaling konsepto. Ngunit naroon ang kahungkagan sa mismong perspektiba na magkalaban itong dalawang dulo, pilit na pinaghihiwalay.

Push Button to Eject Teacher!

Tatlong magkakapatid na ang dumaan sa mga klase ko. Natatandaan ko ang mukha ng aking mga estudyante, pero hindi ko na memoryado ang lahat ng kanilang mga pangalan, hindi tulad nung mga unang taon ng pagtuturo ko. Minsan nga, nang nakatambay kami sa Maginhawa sa Teachers Village, may lumapit sa akin na dati kong estudyante. Tanda ko ang mukha niya, at ang unang letra lamang ng kaniyang pangalan. Pag nakikita ko ang mga dati kong estudyante na nagtatrabaho na, lagi ko silang binibiro na dapat magpatoma o magpakain sila.

Face to Face, Juicy, Ben 10, Talentadong Pinoy: Para Sa ‘Yo, Kapatid?

Gusto namin ng mga pamangkin ko sa TV 5 (Para Sa ‘Yo, Kapatid) ang cartoons at shows-made-for-children. Dati, enjoy na enjoy kami sa “Jimmy Neutron,” pero wala na ito ngayon sa Singko. “Makiba-Oh,” “Ben 10,” “High Five,” “Yo Gabba Gabba” at “Thomas and Friends” na ang sinusubaybayan namin sa Channel 5. Bukod sa “Jimmy Neutron,” dati naming sinusubaybayan sa Singko ang “Dora the Explorer” at “Spongebob Squarepants,” na ngayon ay “pinirata” na ng dakilang union buster at monolitikong tagapamandila ng unfair labor practices, ang ABS-CBN Channel 2 ng mga Lopez.

Aba Naman, Tama Na: Dasal at Subersyon

Ang relihiyosong Romano Katolikong panitikan tulad ng mga dasal ay naging epektibong instrumento ng mga sistemang kolonyalismo at pyudalismo ng mga Kastila. Ang akto ng pagsasalin ng mga dasal at akto ng pagpapamemorya sa mga dasal ay pagsasalin rin ng kumbersyon o pagsasa-kolonya ng mga katutubo. Ang akto ng pagpapatanggap sa mga dasal at sa epistemolohikal na katunayan nito ay pagpapatanggap sa hirarkiya ng kapangyarihan ng kolonyal na kaayusan ng mga Kastila, na nagmumula pa sa monarkiya ng Espanya.

Pattern ng Politikal na Pamamaslang

Nakakabahala itong sunud-sunod na politikal na pamamaslang sa mga aktibista. Apat na aktibista na nitong Hulyo 12, halos dalawang linggo pa lamang matapos ang inaugurasyon ni Noynoy Aquino, ang marahas na inutangan ng buhay. Isang taga-Bayan Muna, isang taga-Anakpawis, isang taga-ACT Teachers Partylist, at isang taga-Alliance of Concerned Teachers (ACT). Ipinapaalala nito ang madugong rehimen ni Gloria Arroyo, na halos araw-araw ay may aktibistang kinikitlan ng buhay. Dapat na itong tumigil!

Buwang-wang ni Boss

Nagsimula ang kampuhan ng mga magsasaka sa Mendiola noong araw ng inaugurasyon ni Noynoy Aquino. Tila marami ang hindi nakababatid nito at kung bakit ito isinasagawa ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Bakit?

Netizen, Tibak, Pirata at Stalker sa Wawawa

Isang madaling araw, sa isang “plurk” o status message ko sa http://plurk.com, sinabi ko na “kagigising lang! J”. At may isang makatang estudyante na nag-reply ng “baliktad na ang mundo!” Sumagot ako ng simpleng “body clock ko! :-)” bagama’t may kurot sa akin ang witty na comment ng naturang kaibigang makatang estudyante. Sobrang liberal na nga siguro ako na ang kaharap ko nang magdamag, at ang ilang oras kong kausap, ay ang birtwal na mundong naa-access ko sa laptop at sa “wawawa” o world wide web. Kinocomputer ko ang mga bagay at iniinternet ko ang aking isip at damdamin, sa madaling araw na halos lahat ng kakilala ko ay tulog na at iilan na lang sa mga kakilala ko sa Pilipinas ang namamaybay sa birtwal na reyalidad ng Facebook at iba pang nilikha ng hypertextual language.

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes