Pinoy Weekly » Sports http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Sun, 03 Aug 2014 17:56:33 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=3.9.1 Bigo makapunta sa 2012 London Olympics: Smart Gilas, ikaapat sa 26th FIBA Asia Championship http://pinoyweekly.org/new/2011/09/bigo-makapunta-sa-2012-london-olympics-smart-gilas-ikaapat-sa-26th-fiba-asia-championship/ http://pinoyweekly.org/new/2011/09/bigo-makapunta-sa-2012-london-olympics-smart-gilas-ikaapat-sa-26th-fiba-asia-championship/#comments Sun, 25 Sep 2011 09:52:24 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=15487 Mainit man ang umpisa, hindi ito natamasa sa huli ng Smart-Gilas sa pagtatapos ng kanilang mala-panag-inip na pakikipagtunggali sa 26th FIBA Asia Championship na ginanap sa Wuhan, China.

Masakit na tinapos ng Korea ang pangarap ng Pilipinas na makasungkit ng tiket patungo sa 2012 Olimpiyada nang nakawin nito ang huling yugto ng kanilang paghaharap at masilo ang pagkawagi matapos tila kontrolado na ng Pilipinas ang laban para sa ikatlong puwesto.

At lahat ng aksiyon ay naganap sa huling yugto ng laban.

Ilang pagpupuntos ang isinagawa ng Korea ang nagpababa ng husto sa kalamangan ng Pilipinas, na umabot sa hanggang 11 puntos sa haba ng laban. Bumaba pa ito ng dalawa, matapos ang isang 4-point play ng Korea, at isa, matapos ang mintis na freethrow ng Pilipinas.

Nakatikim ng unang kalamangan ng Korea sa isang 3-pointer ng naturalisado nitong manlalaro na si CJ Moon ilang minuto na lamang ang nalalabi sa 4th quarter, matapos makatikim ng hanggang 11-puntong depisito sa pambansang koponan ng Pilipinas sa buong haba ng laro. Ngunit nagkaroon pa ng pagkakataon na makabalik ng hanggang isang puntos ang Pilipinas.

Hati ang sumunod na freethrow ng Korea anim na segundo ang nalalabi upang umangat sa dalawa muli ang kanilang kalamangan. Nagkaroon ng huling pagkakataon si JV Casio upang itakbo ang bola pababa at makapukol ng huling tira, ngunit walang tinamaan ang kanyang ibinatong 3-pointer.

70-68 ang huling tala ng laban.

Matingkad ang kasaysayan na ginawa ng koponan sa torneo. Tsina lamang ang koponan na nakapagpataob sa Pilipinas sa elimination round. Pinabagsak naman ng Pilipinas ang Chinese Taipei sa quarterfinals upang makaharap ang Jordan sa semifinals, na una na nilang tinalo sa eliminations.

Ito man ang nagtapos sa 24-taong pagkawala sa semifinals ng bansa sa kasaysayan ng torneo,  hindi na nakuhang makaulit ng pambansang koponan at nauwi sa showdown para sa ikatlong puwesto.
Ang magkakampeon sa torneong ito ang tanging makakapasok sa 2012 Olimpiyada sa London.

Ang nanalo bilang ikalawa at ikatlo sa torneo ay makakasali sa world championships ng Fiba sa Hulyo July 2-8 2012. Kasapi rito ang tulad ng Russia, Puerto Rico Costa Rica, Dominican Republic, Greece at Angola, mga bansa na nakakuha ng ikalawa at ikatlong puwesto sa iba pang torneo ng Fiba sa ibang kontinente. Ito rin ang susunod na pagkakataon na magbibigay ng slot para sa 2012 Olympics.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/09/bigo-makapunta-sa-2012-london-olympics-smart-gilas-ikaapat-sa-26th-fiba-asia-championship/feed/ 0
Pagwagi ng Pilipinas kontra Sri Lanka: Pagtungo sa Brazil World Cup 2014 buhay pa rin http://pinoyweekly.org/new/2011/07/pagwagi-ng-pilipinas-kontra-sri-lanka-pagtungo-sa-brazil-world-cup-2014-buhay-pa-rin/ http://pinoyweekly.org/new/2011/07/pagwagi-ng-pilipinas-kontra-sri-lanka-pagtungo-sa-brazil-world-cup-2014-buhay-pa-rin/#comments Sun, 03 Jul 2011 09:54:42 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=14185 Isang madagundong na 4-0 paglalampaso ang itinala ng Philippine Azkals laban sa Sri Lanka nitong Linggo, sa harapan ng suporta ng homecrowd na pinuno ang Rizal Memorial football stadium.

Sa kabila ng ilang iniindang injury, yellowcards mula sa unang laban at pagyao ng isang mahal sa buhay (pumanaw kamakailan ang lolo ng goalee ng Pilipinas na si Neil Etheridge) nagpakita ng isang magandang palabas para sa kanilang mga kababayan.

Buwena mano si Chieffy Calindong sa mga unang minuto para sa kauna unahang buslo ng Azkals, at sinundan pa ng isa ni Phil Younghusband sa pagtatapos ng unang hati. Hindi ito natapos nang sundan pa ng dalawa ligal na buslo sa sumunod na yugto salamat kay Angel Guirado at kay Younghusband muli sa pamamagitan ng isang paghaharap nila ng Sri Lankan goalkeeper sa isang penalty kick.

Kasama ang tala sa unang laban, nagtala ng aggregate 5-1 ang paghaharap ng Pilipinas at Sri Lanka.

“We have quality players and I’m happy” ang sambit ni coach Hans Michael Weiss, na masayang napanood ang ensayo ng koponan isang araw bago ang laban.

Hindi man nagpakita ng pangil ang dumayong Brave Reds, may mga pagkakataon na nasa situwasyon rin silang pumuntos. “They have given us situations in the first half,” ang dugtong ni Weiss. Ngunit hindi na ito naramdaman sa kahabaan ng sumunod na hati, at nakakuha pa ng isang red card ang isang manlalaro ng mga dumayo ilang minuto bago magsara ang laban.

Hindi masyadong mabulaklak ang paghaharap ng dalawang bansa sa larong futbol.  Sa kaunaunahang paglulunsad ng Challenge Cup, nakaabot sa finals ang Sri Lanka ngunit hindi nagkampeon. Nilapa ng Brave Reds ang Azkals noong 1996 sa tala ng 0-3. Ilang taon bago iyon, tatlong puntos rin ang pagwawagi ng Pilipinas, 4-1 noong 1972.

Susunod na haharapin ng Azkals ang Kuwait sa round 2 ng torneo sa Hulyo 23 at 28. May labinlimang matchups ang susunod na round, sa pagpapatuloy ng qualification tungo sa World Cup na gaganapin sa Brazil sa taong 2014.

Ang buong lista ng mga kasaping bansa sa torneo ay makikita rito.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/07/pagwagi-ng-pilipinas-kontra-sri-lanka-pagtungo-sa-brazil-world-cup-2014-buhay-pa-rin/feed/ 0
AFC Challenge Cup: Pilipinas-Sri Lanka tabla http://pinoyweekly.org/new/2011/06/afc-challenge-cup-pilipinas-sri-lanka-tabla/ http://pinoyweekly.org/new/2011/06/afc-challenge-cup-pilipinas-sri-lanka-tabla/#comments Wed, 29 Jun 2011 13:20:00 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=14158 Dumayo ang Pilipinas Team Azkals sa Sri Lanka upang ipagpatuloy ang pag-usad nila tungo sa hangad na makatuntong sa 2014 World Cup. Ngunit literal na mainit silang tinanggap ng mga hosts sa palaruan nila.

Nasa diskomportableng kondisyon ng pambansang koponan para sa football sa kanilang karanasan sa palaruan, nang iulat nila ang pagkaroon ng makahoy na mga usbong sa damong palaruan. Ngunit hindi man maganda ang ilan sa kontrol ng bola ng mga manlalaro, hindi ito naging hadlang sa agresibong porma ng dalawang koponan mula sa kickoff.

Ngunit hindi maganda ang umpisa ng Azkals. Sa unang hati, nakitaan ng mas maraming pagkakataon na makapuntos ang Pilipinas. Lamang sila sa tala ng corner kicks at free kicks. Ngunit isang krusyal na freekick ng Sri Lankans ang nagtala sa hosts sa scoreboard, 1-0, sa ika-41 minuto.

Hindi rin naging maganda ang lagay ng paglalaro nina James Younghusband at Stephan Schrock na kapwa nakakuha ng maagang yellowcards, habang inilabas dahil sa injury si Phil Younghusband.

Ngunit maagang nakabawi ang Azkals sa sumunod na yugto. Isang goal ni Fil-Am Nate Burkey sa ikaapat na minuto lamang ng ikalawang hati ang nagtabla ng laban. Bagaman nakatabla, nakakuha naman ang Pilipinas ng ikatlong yellowcard sa ngalan ni Aly Borromeo.

Mahusay rin ang naging depensa ni Neil Etheridge nang iwaksi ng goalee ng Azkals ang ilang krusyal na tangka ng nga hosts, laluna sa pagtatapos ng laban. Sa kabila nito, nakita ang kahinaan ng depensa ng Pilipinas sa pagbibigay ng mas maluluwang na pag-atake sa katunggali, na agresibo hanggang sa pagtatapos ng laro.

Nagtapos sa tig-isang buslo para sa dalawang koponan ang laban.

May pito pang qualifying matches ang kasabay ng laban ng Pilipinas at Sri Lanka. Ito ay ang paghaharap ng Cambodia at Laos, Nepal at Timor-Leste, Afghanistan laban sa Palestine, Bangladesh at Pakistan, Mongolia sa Myanmar, Vietnam kontra Macau at Malaysia vs Taipei. Ngunit napatunayan ng laban ng Azkals kontra sa Sri Lanka na isa ito sa tatlong interesanteng laban.

Babalik sa Pilipinas ang tie sa Hulyo. At sa pag-uwi nila, kakailanganin ng Azkals ang ibayong pagpupursigi sa likod ng tatlong yellowcards at ipinakitang maluwag na depensa upang humakbang ng pasulong sa kanilang pangarap na makatungtong sa World Cup.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/06/afc-challenge-cup-pilipinas-sri-lanka-tabla/feed/ 1
Pilipinas-Smart Gilas ikaapat sa 22nd FIBA Champions Cup http://pinoyweekly.org/new/2011/06/pilipinas-smart-gilas-ikaapat-sa-22nd-fiba-champions-cup/ http://pinoyweekly.org/new/2011/06/pilipinas-smart-gilas-ikaapat-sa-22nd-fiba-champions-cup/#comments Mon, 06 Jun 2011 02:56:32 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=13807 Dumapa ang pagkakataong magkaroon ng medalya ang Pilipinas-Smart Gilas kontra sa Al Rayyan ng Qatar nang matalo ito sa laban para sa ikatlong puwesto, 71-64, sa pagtatapos ng 22nd FIBA Champions Cup kahapon.

Hindi naging madali sa pambansang koponan ang naging laban. Bahagyang nakalamang ang Pilipinas sa unang quarter ngunit nakuha pa ring kunin ang Qatar ng kalamangan bago matapos ang yugto. Umabot ng hanggang siyam ang kalamangan ng Qatar sa kahabaan ng laban,  at hindi na ito hinayaang mawala pa.

Kalunus-lunos ang 3/24 pagpukol ng three-pointers ng Pilipinas. “You can’t expect to win with such a percentage,” anas ni Smart Gilas coach Rajko Toroman. “Also we didn’t have enough support in size.”

Bagaman natalo, ito na ang pinakamataas na nakuhang puwesto ng bansa mula nang sumali ito sa palaro. Unang nasungkit ang ikalimang puwesto noong 2009 ngunit dumausdos sa ikapito noong nakaraang taon.

Samantala, ginapi ng Al Riyadi Beirut-Lebanon ang defending champion Mahram-Iran 91-82 upang masungkit ang kaunaunahan nilang kampeonato. Ang Iran ang koponang gumapi sa Pilipinas upang mapigilan ang pambansang koponan na marating ang labang pangkampeonato.

Maghahanda na ang Smart-Gilas para sa mga susunod nitong pakikipagsapalaran patungo sa Olympic Qualifiers.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/06/pilipinas-smart-gilas-ikaapat-sa-22nd-fiba-champions-cup/feed/ 0
Smart-Gilas arangkada sa 22nd FIBA Asia Champions Cup http://pinoyweekly.org/new/2011/05/smart-gilas-arangkada-sa-22nd-fiba-asia-champions-cup/ http://pinoyweekly.org/new/2011/05/smart-gilas-arangkada-sa-22nd-fiba-asia-champions-cup/#comments Sun, 29 May 2011 13:07:34 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=13697 Optimistiko ang pagtingin para sa Smart-Gilas. Ito ang ipinamalas ni Sonny Barrios, executive director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), sa paglahok ng pambansang koponan para sa basketbol sa kasalukuyang 22nd FIBA Asia Champions Cup.

“Definitely, we don’t expect to be eliminated after the elims,” ang deklarasyon ni Barrios bago magsimula ang torneo.

Naniniwala si Barrios na ang pagkakasama ng Pilipinas sa mas magaan na grupo ay makatutulong sa pag-usad ng koponan para sa FIBA-Asia men’s basketball championship, na siyang qualifying tournament para sa 2012 London Olympics

“It’s a good thing we didn’t land in the same bracket as theirs (mga powerhouse na bansa). So, if we top our group, then we play the No. 4 team of their group in the quarterfinals,” pagpapahayag ni Barrios.

Nahahati sa dalawang grupo ang torneo. Ang Group B ay pinangungunahan ng two-time, defending champion na Mahram ng Iran. Kasama nila ang West Arab League champion Al Riyadi ng Lebanon, 2010 runner-up Al Rayyan ng Qatar, Al Jalaa ng Syria at Al Shabab ng United Arab Emirates.

Nasa Group A naman ang Pilipinas kasama ang KL Dragons ng Malaysia, Applied Science University ng Jordan, Duhok Sports Club of Iraq. at Al Ittihad ng Jedah, Saudi Arabia.

Aangat sa quarter-finals ang apat na koponan ng bawat grupo na may mataas na win-loss record sa preliminaries.

Sa kasalukuyan, dalawa na ang panalo ng Smart-Gilas sa liga. Nabiktima na ng bansa ang Saudi Arabia at Malaysia. Susunod na haharapin ng koponan ang Iraq sa ika-31, at huli ang Jordan sa unang araw ng Hunyo.

Ito ang ika-tatlong pagpasok ng Pilipinas sa palaro. Nasungkit nito ang ikalimang puwesto noong 2009 ngunit dumausdos sa ikapito noong nakaraang taon.

Ito rin ang ikalawang pagtatanghal ng FIBA Asia Champions Cup sa Pilipinas. Anim na taon ang hinintay ng bansa upang makapagtanghal ng FIBA-sanctioned na liga. Ang palaro ay gaganapin sa PhilSports Arena at nagsimula noong ika-28 at magtatapos sa 5 Hunyo, 2011.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/05/smart-gilas-arangkada-sa-22nd-fiba-asia-champions-cup/feed/ 0
MVP hindi bibilhin ang Sacramento Kings http://pinoyweekly.org/new/2011/05/mvp-hindi-bibilhin-ang-sacramento-kings/ http://pinoyweekly.org/new/2011/05/mvp-hindi-bibilhin-ang-sacramento-kings/#comments Sun, 22 May 2011 17:15:05 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=13543 Malinaw na ang balita – hindi bibilhin ni MVP ang Sacramento Kings.

Ilang araw ang lumipas na namayagpag ang usap-usapan na bibilhin ni Manny V. Pangilinan ang Sacramento Kings, prankisang koponan ng National Basketball Association.

Napaulat nang may ilang pagpupunlong na ginawa si MVP kay Chris Webber, dating manlalaro ng Kings, ukol sa pagpapagawa ng bagong stadium para sa koponan. Bahagi ito umano ng pagpipigil lumipat ng prankisa sa Anaheim sa susunod na taon. Nakahanay ang ilang pribadong investors sa proyektong ito, kasama rito si Pangilinan, upang tumulong sa pagpopondo ng bagong palaruan.

Isang Maloof family ang nagmamay-ari ng Kings at nangakong mananatili ng isa pang taon sa Sacramento. Kung hindi magkakaroon ng panibagong palaruan ang koponan, tutulong naman ang NBA sa paglipat nila sa Southern California.

Hindi ibinunyag agad ni MVP ang kanyang pagpupulong kay Webber, na sinabi niyang “konpidensiyal,” ngunit nagbigay ng pahayag na “kung anuman ang mangyari sa kanyang partisipasyon sa Kings, gagamitin niya ang personal at hindi pondong corporate (ng konglomerong pinamumunuan niya) ang gagamitin.”

Lumabas ang kuru-kuro sa ilang pahayagan noong nakaraang linggo. Sa isang bansang nahumaling sa basketball, kuru-kuro kung magkakaroon nga ng isang Pilipinong magmamay-ari ng isang koponan ng NBA, kung hindi man isang mayor na stakeholder.

May mga nagbalita pa na habang nasa California si Pangilinan ay tutungo siya sa Sacramento upang makipagpulong sa mayor ng Sacramento (at dati ring manlalaro ng NBA) na si Kevin Johnson. Hanggang lumabas ang pahayag ng isang R.E. Graswich, aide ng mayor.

Di hamak na ma-alam si Graswich sa usapan ng koponan – trabaho niya ang alamin ang mga usapin ng Kings, at dati rin siyang Sacramento Bee sports columnist. Nilinaw niya na hindi nakatakdang makipagpulong si Johnson sa negosyante. “I dont know who’s buying out who, but if i were the buyer, i woould need to know what i am buying and the only way to know that is to talk to the owners,” ang pahayag ni Graswich.

Matibay ang kapit ng Maloof sa prankisa kahit may mga usapin nang aalis ang Kings sa Sacramento at nililigawan ng Los Angeles millionaire na si Ron Burkle na bilhin ang koponan.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/05/mvp-hindi-bibilhin-ang-sacramento-kings/feed/ 0
Azkals pasok na sa AFC Challenge Cup finals http://pinoyweekly.org/new/2011/03/azkals-pasok-na-sa-afc-challenge-cup-finals/ http://pinoyweekly.org/new/2011/03/azkals-pasok-na-sa-afc-challenge-cup-finals/#comments Sat, 26 Mar 2011 04:47:15 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=12619 Pormal nang pumasok ang Pilipinas sa kasalukuyang Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup matapos talunin ang Bangladesh kahapon.

Kasapi ang Pilipinas sa Group A, kasali ang Bangladesh, Palestine at Myanmar. Sa ikot ng mga laro, unang tumabla ang Azkals sa Myanmar 1-1, habang tumabla rin ngunit hindi nakapuntos laban sa Palestine.

Kakailanganin ng tuwirang panalo ng Pilipinas pagpasok nito sa laban sa Bangladesh, dahil mananatili ito sa ikatlong powesto sa grupo kung tatabla lamang ito. Ngunit hindi lamang panalo ang natikman ng Pilipinas laban sa Bangladesh kundi 3-0 pagsasara ng kanilang kampanya upang tuwirang makuha ang puwesto na kakailanganin para makapasok sa susunod na yugto ng Challenge Cup.

Nakakuha ng aggregate 5 puntos ang Pilipinas, ikalawa sa Palestine na nakakuha ng aggregate 7 puntos, sa naturang grupo.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng tig-iisang goals sina Ian Araneta, Emelio Caligdong, at Phil Younghusband, habang tig-dalawa sina Angel Guirado at James Younghusband, sa kabuuan ng torneo.

Ang Palestine at Pilipinas ang nakapasok para sa Group A, habang pinanlunan ng India ang Group B at humabol sa kanila ang Turkmenistan, ang ikalawang puwestong bansa noong 2010 AFC Challenge Cup. Ang Maldives naman ang nagwagi sa Group C habang ikalawa sa kanila ang Tajikistan, ang third-placer sa nakaraang torneo. Hihintayin nila ang Group D na kasapi ang defending champion na North Korea, Afghanistan, Nepal, at Sri Lanka

Ang finals ng AFC Challenge Cup ay gaganapin pag nabuo na ang walong qualifying teams. Hihintayin pa ang anunsiyo ng lugar kung san gaganapin ang palaro.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/03/azkals-pasok-na-sa-afc-challenge-cup-finals/feed/ 0
Bigo man kontra Mongolia, Pinas handa na sa AFC Cup Group Stage http://pinoyweekly.org/new/2011/03/bigo-man-kontra-mongolia-pinas-handa-na-sa-afc-cup-group-stage/ http://pinoyweekly.org/new/2011/03/bigo-man-kontra-mongolia-pinas-handa-na-sa-afc-cup-group-stage/#comments Wed, 16 Mar 2011 22:31:17 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=12477 Nabigo man ang Philippine Football team na gapihin ang Mongolia sa Ulan Bator, hindi ito magiging sagabal sa paghakbang ng Azkals sa Group stages ng AFC Challenge Cup.

Bigo ang Azkals sa Mongolia, 1-2 sa kanilang ikalawang paghaharap noong Marso 15. Ngunit may kalamangan pa rin ang Pilipinas dahil sa aggregate scoring. Dagdag ang 2-0 na paglalampaso sa unang paghaharap ng dalawang koponan sa Bacolod, angat ang Azkals 3-2 sa kanilang tie.

Sunod na haharapin ng Azkals ang Group A stage ng torneo, na kabibilangan ng Myanmar, Palestine at Palestine.

Ngunit maaaring mawala si Phil Younghusband sa ipapadalang koponan sa torneo. Isa si Phil sa pumuntos noong laban nila kontra sa Mongolia nang ginanap ito sa Bacolod. Ngunit pinaliban siya sa 65th minuto ng ikalawang laro nila kontra sa Mongolia dahil sa hamstring injury. Dadaan siya sa sa MRI scan pagdating sa Maynila upang malaman ang kondisyon ng kanyang natamong pinsala.

Inaasahan naman na ang mas mainit na temperatura sa Myanmar ay mas papabor sa maaaring ikaganda ng kanilang laro kumpara sa loob ng malamig na klima sa Mongolia. Bukod pa, sasama muli ang Fil-British goalkeeper na si Neil Etheridge sa koponan, habang ang Fil-Spanish Angel Aldeguer Guirado at Fil-German William Espinosa Guiridon ay magdadagdag ng bagong strikers sa koponan.

Pinakamataas ang ranking ng Pilipinas sa Group A ng qualifiers ayon sa FIFA. Mayroong ranking na 151 ang Azkals, at haharap sila sa host na Myanmar may ranking na 162, sa Marso 21. Sunod naman ang FIFA rank 174 na Bangladesh sa Marso 23 at Palestine (177) sa Marso 25.

Kakailanganin na masungkit ng mga koponan ang una at ikalawang puwesto ng grupo upang makapasok sa AFC Challenge Cup’s tournament proper sa susunod na taon.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/03/bigo-man-kontra-mongolia-pinas-handa-na-sa-afc-cup-group-stage/feed/ 1
Davis Cup 2011 Group 1 tie: Pinas bigo muli sa Japan http://pinoyweekly.org/new/2011/03/pinas-bigo-muli-sa-japan/ http://pinoyweekly.org/new/2011/03/pinas-bigo-muli-sa-japan/#comments Wed, 09 Mar 2011 16:32:32 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=12300 Binigo ng dumayong Hapon ang pambansang koponan ng tennis ng Pilipinas sa nakaraang laban nila para sa Asia-Oceania Davis Cup, na ginanap sa Plantation Bay Resorts and Spa clay court, sa Lapu Lapu City, nitong nakaraang linggo.

Bumigay ang laro ni Cecil Mamiit sa sakit ng katawan at mula sa mas batang si Go Soeda ng Japan upang selyuhan ng mga Hapon ang 3-1 nilang pagwawagi kontra sa mga Pilipino. Hindi na pinayagang laruin pa ang ikalima at huling laro dahil sa bagong patakaran ng Davis Cup. “It’s actually the new rule. A country is allowed not to play its last game if it already lost the tie by more than three sets in the fourth game,” paliwanag ni RP team coach Chris Cuarto.

Apat na set ang itinagal ng laban ni Mamiit at Soeda sa kanilang reverse singles na pagkikita. Naunang natalo si Mamiit kay Tatsuma Ito sa unang singles match ng Pinoy, sa haba ng limang sets at tumagal ng higit sa lima at kalahating oras, na marahil ay isa sa mga pinakamahabang laban na naitala sa kasaysaayan ng palaro.

Sa larong iyon, muntik nang maipanalo ni Mamiit ang huling set at ibigay sana ang momento ng laban para sa mga Pilipino. Ngunit nabigo siya kasama ang sunod na pagkatalo ng isa pang Pinoy upang mailubog ang Pilipinas 0-2 sa laban.

Sa panggitnang doubles match, nakuhang gapihin ni Mamiit at Trent Huey ang tambalan nina Takao Suzuki at Hirko Kondo sa tatlong sets lamang. Umasa ang mga Pilipino na mauulit nila ang ginawang come-from-behind na pagwawagi nila kontra sa South Korea noong isang taon, kung saan umangat ang Pilipinas sa Group I.

“I really tried very hard to win this game (ang huling laban niya kontra kay Soeda) because I know our countrymen wanted me to win,” ang maluha-luhang pagsasaad ng team captain ng koponan. “Although we lost, we showed them that we could compete against their level given the proper support and training. This is just the start and we will prove to them that we deserve to be in Group I.”

Sa kabuuan, naglaro ng labingdalawang sets si Mamiit kontra sa Japan para sa taon na ito.

Huling ginapi ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1995 sa koponang itinanghal sina Joseph Lizardo at Bobby Angelo. Kahuli-hulihan ang paglalampaso ng mga Hapon sa Pilipinas noong 2008 sa talang 5-0, nang mayroon pang patakaran ang Davis Cup na laruin ang lahat ng laban.

Ang magwawagi sa finals ng Group I ay aakyat sa World Stage kung saan naglalaro ang pinakamagagaling na manlalaro ng tennis sa mundo. Dahil sa pagkakatalo, kakailanganin ng koponan ng Pilipinas na gapiin ang New Zealand upang manatili sa Group I.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/03/pinas-bigo-muli-sa-japan/feed/ 0
Nonito Donaire bagong kampeon ng bantamweight http://pinoyweekly.org/new/2011/02/nonito-donaire-bagong-bantamweight-kampeon-ng-mundo/ http://pinoyweekly.org/new/2011/02/nonito-donaire-bagong-bantamweight-kampeon-ng-mundo/#comments Sun, 20 Feb 2011 04:51:35 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=11979

Nonito Donaire

Napagwagian ni Nonito “the Filipino Flash” Donaire ang pagsasagupa nila ng Mehikanong si Fernando Montiel para sa bantamweight championship.

Hindi makapaniwala sa nasaksihan ang mga Mehikanong dumalo sa main event ng boksing, na ginanap sa Mandalay Bay Las Vegas. Isang kaliwa ang dumapo sa pisngi ni Montiel galing kay Donaire na nagpabagsak sa Mehikanong kampeon sa ikalawang round lamang. Ito ang unang pagkakataon na nakatikim ng isang pagtumba si Montiel.

Naagaw ni Donaire ang mga korona ng World Boxing Council at World Boxing Organization mula kay Montiel.

Nauna rito, isa pang Pilipino ang nagwagi sa undercard ng laban. Nanalo sa unanimous decision si Mark Melligen laban kay Gabriel Martinez.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2011/02/nonito-donaire-bagong-bantamweight-kampeon-ng-mundo/feed/ 0