
Tatlong araw bago ang International Human Rights Day, brutal na dinispers ng mga pulis ang mga nagpoprotestang kabataan, manggagawa, kababaihan at iba pang sektor na nagnanais na magkampo sa Mendiola. Masasabing nahigitan pa nito ang brutalidad ng pulis sa nakaraang mga dispersal noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Nagmartsa sila patungong Mendiola para doon magkampo laban sa “krisis, kaltas-badyet at kahirapan.” Pero hinarang ang kabataan at iba pang sektor sa Morayta at Recto Avenue. Binasa pa sila ng water cannon.

Mga larawan ng surpresang protesta ng militanteng mga kabataan sa konboy ng bumibisitang nangungunang opisyal ng gobyernong US na si US State Sec. Hillary Clinton.

Mataas ang diwa ng pakikibaka ng mga estudyanteng lumahok sa martsa patungong Mendiola, Manila noong Setyembre 23, 2011. Matarungan daw kasi ang kahilingan nila: ang itulak ang gobyerno na patuloy na suportahan ang edukasyon at serbisyong panlipunan.

Maikling bidyo ng isinagawang interfaith rally ng mga grupong pangsimbahan at militanteng mga organisasyon para ipanawagan ang libreng pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita sa Tarlac sa mga manggagawang bukid na legal na may-ari ng lupain ng asyenda.
Sa porma ng protesta para sa makabuluhang dagdag-sahod pinakamakabuluhang ginunita ng mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno ang alaala ng dakilang lider-obrero na si Crispin “Ka Bel” Beltran.
Habang lumilipas ang mga araw, lalong lumilinaw sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang panloloko ng pamilya Cojuangco-Aquino sa pagpapapirma sa kanila ng compromise agreement. Nangako silang tuloy ang laban para sa lupa.
Tampok sa kilos-protesta sa Korte Suprema ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita na nakatanggap lamang ng piso kapalit ng compromise agreement, at nagsasabing sinungaling si Pangulong Aquino.