Sa ilalim ng pamahalaang hindi nila naasahang sumagip sa kanila sa panahon ng panganib, naipamalas nilang sa kanilang pagkakaisa’y kaya nilang magpunyagi at makaahon. Narito ang mga larawan at dalawang artikulo hinggil sa relief efforts sa Kamaynilaan ng militanteng mga organisasyon matapos ang pagragasa ng bagyong Ondoy.
Muli, ilang imahen noong Sabado, sa pagragasa ng bagyong Ondoy sa Kamaynilaan. Narito rin ang ilang imahen ng pag-asa: ang mga unang hakbang sa pagbangon matapos ang matinding kalamidad.
Maralita ang mayorya sa daan-daan libong nabiktima ng bagyong Ondoy noong Setyembre 26. Sila iyong mga nakatira sa mga barung-barong sa mga laylayan ng lungsod, sa mga tabing-ilog at mabababang lugar. Ito ang mga larawan ng tatlong maralitang komunidad sa Quezon City na nasalanta ni Ondoy, pero lumalaban.
Libing na pangmaramihan ang nagaganap ngayon sa mga maralitang komunidad gaya ng Brgy. Bagong Silangan sa Batasan, Quezon City. Dito masisilip ang mukha ng trahedya ng pananalasa ng bagyong Ondoy at kapabayaan diumano ng gobyerno.
Babala noon ng Department of Labor and Employment, 200,000 ang mawawalan ng trabaho. Nagkakatotoo na ito; pero hindi basta-basta tinatanggap ng mga manggagawa ang ganitong kapalaran.
Agosto 29 ang huling araw ng mga Manobo sa evacuation center sa Tandag, Surigao del Sur. Kumpirmadong napalikas na ang mga militar (sa ngayon, banta pa nila) na nanirahan sa kanilang mga tahanan sa Lianga. Natuwa ang mahigit 1,700 bakwit na Manobo. Iniligpit na ang kanilang mga gamit. Nagluto na ng mababaon. Maaga silang natulog. Handa na silang umuwi.
May kakaibang nangyayari sa Hacienda Luisita ngayon. 60 porisyento ng lupaing dating kaharian ng mga Cojuangco sa Tarlac na pinagtatamnan dati ng tubo ang ngayo’y inangkin na ng mga magsasaka. Tinatamnan na nila ng palay at iba pang pananim na pakikinabangan nila. Ito kaya ang dahilan kung bakit itinutulak na tumakbo si Noynoy Aquino sa [...]
Sep 4 2009 | Posted in
Photo Essays |
Read More »
Salamat sa Salinlahi Alliance for Children’s Concerns para sa mga larawan. Share
Larawan ng mga litratista sa makasaysayang martsa-parangal ng labi ni dating pangulong Cory Aquino. Share