Istorya ng Linggo

Con-ass: Hindi tinatanggap ng taumbayan


Mabilis ang tugon ng taumbayang simula’t sapul ay tumututol na sa Charter Change. Noong Hunyo 3 ng umaga mismo, sa kabila ng mala-Armageddon na pagbuhos ng ulan at paghagupit ng malakas na hangin sa Kamaynilaan (tila pati ang kalangitan, galit sa “katrayduran”), samu’t saring pakete ng protesta ang sumiklab sa Mendiola at Batasan Pambansa. Kinabukasan, sa protesta ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa, bumuhos din ang galit laban sa Con-ass ni Arroyo.

Taumbayang nagpoprotesta kontra sa Con-ass: Nabasa, napagtulak-tulakan, pero patuloy na inirerehistro ang galit.
Taumbayang nagpoprotesta kontra sa Con-ass: Nabasa, napagtulak-tulakan, pero patuloy na inirerehistro ang galit.

Narito na ang hakbang na matagal na nilang itinatanggi pero alam naman nating kasintagal na rin nilang niluluto: ang pagrepaso sa Saligang Batas ng Kamara na dinodominahan ng mga malalapit na alyado (matatawag na ba nating “tuta”?) ng Malakanyang.

Sa kabila ng pagtanggi ng mga tambolero ng Palasyo na balak talaga ni Pang. Arroyo na manatili sa puwesto lampas sa 2010, lumabas mismo sa bibig ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., isa sa mga promotor ng House Resolution 1109:  “Oo, posible (na ipasok sa Constituent Assembly) ang ekstensiyon ng termino ni Arroyo), lahat ay posible.” Ang sinasabing pangako ng mayoryong mga kongresista na itutuloy ang eleksiyong 2010, unti-unti nang napapako.

Mabilis ang tugon ng taumbayang simula’t sapul ay tumututol na sa Charter Change. Noong Hunyo 3 ng umaga mismo, sa kabila ng mala-Armageddon na pagbuhos ng ulan at paghagupit ng malakas na hangin sa Kamaynilaan (tila pati ang kalangitan, galit sa “katrayduran”), samu’t saring pakete ng protesta ang isinagawa sa Mendiola at Batasan Pambansa. Kinabukasan, sa protesta ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa, bumuhos din ang galit laban sa Con-ass ni Arroyo.

Narito ang coverage ng Pinoy Weekly Online sa mga protesta at pagpapahayag ng kondenasyon sa HR 1109:

Mga larawan at bidyo:

Hindi nagpatinag ang mga demonstrador sa lakas ng puwersa ng tubig.
MGA LARAWAN: Mga magsasakang kontra Con-Ass at Carper, dinahas sa daan patungong Mendiola mga demonstrador sa lakas ng puwersa ng tubig.
video-satur-on-chacha
Video: Panayam kay Deputy Minority Leader Satur Ocampo: Arroyo tinatantiya ang reaksiyong publiko sa Con-Ass
Galit na galit na nagsalita si Rita Baua ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. (KR Guda)
MGA LARAWAN: Resolusyong Con-ass sa Kamara at Carper kinondena sa kilos-protesta

Balita:

A (H1N1) panakot sa magpoprotestang kabataan?
Pinaigting na opensiba, tugon ng NPA sa Con-ass
Panawagan ng CBCP para sa mapayapang protesta, sinalubong
‘Lahat posible sa Con-Ass’: Arawang protesta hanggang Hunyo 10 itinakda
Mamamayang ayaw sa Con-ass ni Gloria, hinihikayat na lumahok sa protesta ng pesante sa Mendiola sa Hunyo
Tangkang ‘puwersahang’ pagpasa ng HR 1109 kinonenda ng senador
Militanteng kongresista nanawagan ng malawakang protesta laban sa ‘tiraniya ng mayorya’ sa Kamara

OFW:

OFW galit sa pagpasa ng HR 1109

Opinyon / Komentaryo
:

Mga plakard sa panahon ng Con-ass

Talaan:

Mga kongresistang bumoto pabor sa House Resolution 1109