Pinoy Weekly http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Fri, 22 Aug 2014 07:50:27 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=3.9.2 ‘People’s Initiative’ aims to unite Filipinos to abolish pork barrel http://pinoyweekly.org/new/2014/08/peoples-initiative-aims-to-unite-filipinos-to-abolish-pork-barrel/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/peoples-initiative-aims-to-unite-filipinos-to-abolish-pork-barrel/#comments Fri, 22 Aug 2014 06:04:25 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31123 ppls initiative2Representatives from various sectors and the church will gather tomorrow at Cebu City in a historic attempt to enact a law through the “people’s initiative,” united in the call to abolish the pork barrel system.

A People’s Congress is set to approve the Pork Barrel Abolition Act, and launch a nationwide signature campaign for its passage.

“We believe that to finally abolish the Legislative and Executive pork barrel, and as a step in reforming our political system, the will of the people must be expressed directly… It is time that we, the people, craft and sign into law a more comprehensive legal solution to abolish the pork barrel system,” said the organizers of the People’s Initiative Against Pork Barrel.

The 1987 Philippine Constitution provides for the passage of a law through a people’s initiative, or a petition signed by at least 15% of all registered voters in the country and at least 15% of the registered voters in each of the 234 legislative districts.

The proposed act will prohibit all forms of pork barrel, defined as the use of “lump sum public funds” under the “sole discretion of the President, legislator or group of legislators, or any public officer.”

“The pork barrel of the President and the Congress have been exposed and condemned by the Filipino people as major sources of graft and corruption and of patronage politics and detrimental to the poor and the Filipino people…This Act abolishes the presidential and congressional pork barrel, mandates line item budgeting, prohibits and criminalizes appropriation and use of lump sum discretionary funds, and penalizes violators with six years and one day to ten years imprisonment and disqualification from holding public office,” said a summary of the proposed law, a copy of which was obtained by Pinoy Weekly.

The newly formed national coalition “People’s Initiative to Abolish the Pork Barrel is composed of members such as the Cebu Coalition Against the Pork Barrel System, People’s Initiative Coalition Against Dynasty, Makabayan, Abolish Pork Movement, E-PIRMA, Scrap Pork Network and the Church People’s Alliance Against the Pork Barrel.

To be present at the People’s Congress will be Dr. Amelita Dayrit-Go of the Council of the Laity of the Philippines, Cebu Archbishop Most Rev. Jose S. Palma, Carol Araullo of the Abolish Pork Movement, Sr. Mary John Mananzan, actress Monique Wilson, social activist Mae Paner (Juana Change), Inday Varona of Scrap Pork Network, lawyers, church people, professionals, and representatives from groups of workers, students, the urban poor, and farmers.

After the People’s Congress, which will be held at Mariner’s Court, the nationwide signature campaign will be launched at Plaza Independencia in Cebu City.

Meanwhile, in Metro Manila, the signature campaign will be launched at the protest action set in Luneta on August 25, anniversary of the Million People March.

“Let us unite and ensure that we reach every part of our beloved country. Only by being united, with one voice can we hope to succeed in bringing about the political transformation needed, starting with scrapping of the pork barrel. And the only way is this national collective action,” said the people’s initiative organizers.

Below is the summary of the People’s Initiative Bill, provided by the Union of People’s Lawyers in Mindanao:

AN ACT ABOLISHING THE PORK BARREL SYSTEM

The pork barrel of the President and the Congress have been exposed and condemned by the Filipino people as major sources of graft and corruption and of patronage politics and detrimental to the poor and the Filipino people.

This Act abolishes the presidential and congressional pork barrel, mandates line item budgeting, prohibits and criminalizes appropriation and use of lump sum discretionary funds, and penalizes violators with six years and one day to ten years imprisonment and disqualification from holding public office.

Definition of pork barrel

Pork Barrel is a lump sum public fund with sole discretion given to the President, legislator or group of legislators, or any public officer. The exercise of discretion by public officers relates to the allocation, release or use of these public funds, the identification or selection of projects, implementors or beneficiaries, or any or a combination of or all of these.

Mandatory acts

  • All proposed budgets shall contain only itemized or line-item appropriations, except in the case of disaster reponse, the contingency fund of up to 5% and intelligence/confidential funds of the National Security Council, the Department of National Defense and the Department of Interior and Local Governments.
  • Special Funds like Malampaya Funds and other off-budget accounts shall be included in the National Expenditure Program (NEP) to be approved by Congress. The President Social Fund is abolished.
  • All unspent, unobligated and unreleased funds by the end of the fiscal year shall revert to or remain in the General Fund and shall be subject to Congress appropriation.

Prohibited acts

The penalty of imprisonment of six years and one day to ten years and perpetual disqualification from public office shall be imposed those who commit any of the following acts:

  • Any national official (the President, his subordinate or member of Congress) who authorizes the spending of public money that is not covered by or is in violation of any appropriation law.
  • Any national official who includes a lump sum amount in any budget proposal submitted to Congress, or any member of Congress who approves the inclusion of lump sum discretionary fund in the general or supplemental appropriations acts.
  • Any member of Congress or his agent who directly or indirectly intervenes or participates in the implementation of any appropriation law through any post-enactment act or practice.
  • Any national official who declares and utilize savings in circumvention or violation of Article VI Section 25 (5) of the Constitution and this Act.
  • Any national official who withdraws unobligated funds and declares and utilize as savings said unobligated funds before the end of the fiscal year.
  • Any national official who impounds any appropriation or portion thereof unless there is an official declaration by the President of an unmanageable National Government budget deficit.
  • Any person, including a private individual, who persuades or cooperates with any national official in violating this Act.

Amendment and repealing clause

This Act may only be repealed, modified or amended by a law that has been approved by the people under the system of initiative and referendum enshrined in the Constitution.

Check Pinoy Weekly’s Twitter account for live updates of the People’s Congress in Cebu City.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/peoples-initiative-aims-to-unite-filipinos-to-abolish-pork-barrel/feed/ 0
Hating the Left http://pinoyweekly.org/new/2014/08/hating-the-left/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/hating-the-left/#comments Wed, 20 Aug 2014 06:56:42 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31118 Pareho lang kayo.” Iyan, sa ordinaryong pananalita ng karaniwang tao, ang mensahe ni Patricio N. Abinales, nagsulat ng napakaraming artikulong kontra-Kaliwa na nagpapakilalang intelektwal, sa kanyang artikulong “Hating Palparan.” Ginamit niya ang pa-intelektwal at pa-sikolohikal na praseng “mirror image” para sabihing pareho lang ang kilusang Komunista o Kaliwa at si dating Major General Jovito Palparan: parehong may “panatisismong ideolohikal at pagmamahal sa baril,” sa mga salita niya.

Kakatwa ang paggamit ni Abinales ng sikolohiyang pop. Pseudo-teoretikal ang kanyang pagtatapos, para bang gumagaya sa mga intelektwal na kapwa niya gradweyt sa Cornell University pero hindi matularan: “At halos lagi, ang pagnanasa (desire) na wasakin ang nagpapaalala sa iyo ng sarili mo ang nagiging priyoridad.” Naks! Hindi natin alam kung kaya niyang humalaw sa mga sulatin nina Sigmund Freud o Jacques Lacan para sa deklarasyong iyan. O batay lang ba iyan sa danas niya sa kanyang magulang at kaanak?

Anu’t anuman, sa artikulong ito, nagboluntaryo si Abinales na maging tagapagsalita ni Palparan kontra sa Kaliwa. Wala siyang mabuting masabi tungkol sa Kaliwa pero nagpaulan siya ng papuri kay Palparan. Inuulit niya sa pamamagitan ng pagpapalagay ang linya ni Palparan: na lahat ng biniktima ng berdugo ay mga Komunista o mga tagasuporta nila. Ni hindi mabanggit ni Abinales ang praseng “human rights violations,” dahil tila pawang lehitimong target para sa kanya ang mga biniktima ng berdugo.

At naroon ang dahilan kung bakit galit ang Kaliwa kay Palparan, na pangunahing historikal at hindi sikolohikal. Napakarami niyang ginawang paglabag sa karapatang pantao – na hindi dapat sa mga aktibista at kahit sa mga miyembro ng New People’s Army. At para saan? Para ipagtanggol ang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo at ang sistemang pinaghaharian ng iilang mayaman at makapangyarihan. Sa pagtinging ito, masyado nang banat at abstrakto na sabihing magkapareho ang Kaliwa at si Palparan.

Pero lumang tema na ang umano’y pagiging magkapareho ng Kaliwa at Kanan. Sa Kanluran, maraming kilusang intelektwal at may iilang kilusang panlipunan na umusbong sa posisyong kontra sa “pasismo ng kapwa Kaliwa at Kanan.” Makikita sa hanay na ito ang mga nagpapakilalang liberal pero sumulpot din dito ang marami sa mga neo-konserbatibo. Mula sa hanay ng huli, marami ang nagtanggol sa mga gerang agresyon ng US laban sa mga bansang umano’y nagkakanlong ng mga terorista.

Dahil sa galit ni Abinales sa Kaliwa, ginamit niya ang temang ito sa isyu ni Palparan, at lalo tuloy nakita ang labis na pokus sa dahas. Dahil sa Pilipinas, napakalayo ng Kaliwa sa Kanan, at ang huli lang ang kilalang may “panatisismong ideolohikal at pagmamahal sa baril.” Sa Pilipinas, ang Kaliwa ay kalahok sa paglaban sa dayuhang mananakop, gulugod ng paglaban sa Batas Militar ni Marcos, at nangunguna sa paglaban sa mga pangulong kontra-maralita. Kapag lumalaban ang masa, ang kasama nila ay ang Kaliwa.

Eh ang Kanan? Maganda lang sa kahibangan ni Abinales, tagapagsalita ni Palparan.

20 Agosto 2014 / Nirebisa: 21 Agosto 2014

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/hating-the-left/feed/ 0
Mga Kuwentong Barbero: Di Kuwentong Kutsero http://pinoyweekly.org/new/2014/08/mga-kuwentong-barbero-di-kuwentong-kutsero/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/mga-kuwentong-barbero-di-kuwentong-kutsero/#comments Tue, 19 Aug 2014 16:54:38 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31113 Pagpapalaya sa kababaihan: (mula kaliwa) Eugene Domingo, Shamaine Buencamino at Gladys Reyes.

Pagpapalaya sa kababaihan: (mula kaliwa) Eugene Domingo, Shamaine Buencamino at Gladys Reyes.

Tanaw sa lokal na danas tungong pambansa ang hatid ni Jun Lana sa pelikulang Mga Kuwentong Barbero o Barber’s Tales (APT Entertainment and Octobertrain Films, 2013). Pagpahayag din ito sa pagsilang ng indibidwal na malay tungong kolektibong kamalayan.

Naging ganap ang mga ito sa pinagtagping mukha at damdamin ng anim na babae sa baryo sa gitna ng katikasan ng Batas Militar ni Marcos noong 1975.

Gaya ng inaasahan sa babae ng kanyang panahon, walang pangarap at sariling desisyon si Marilou (Eugene Domingo). Nakasanayan niya na ang maging anino at utusan ng kanyang asawang barber na si Jose (Dan Fernando). Kaya naman nang pumanaw ito, ang una niyang naisip ay mamasukan sa Manila kaysa subukin ang trabahong bagamat angkin ng asawa ang karangalan nito, ang panggugupit naman ay nakabisado na ng kanyang kamay. Katunayan, lumalabas na higit pang pulido ang kanyang likhang gupit na ikinamangha ng mga suking sina Fr. Arturo (Eddie Garcia) at Mayor Alfredo (Nonie Buencamino).

Ganyan na lang ba? Kung hindi asawa ay katulong ang papel ng babae sa lipunan?” Mula sa simpleng retorika na ito na ipinahayag ng matandang dalaga na si Tessie (Shamaine Buencamino), ang problema ng komunidad sa kawalan ng barbero ay kinilala ni Marilou. Ngunit ang kultura ng pagtinging mababa ang babae ay isang pwersang humahadlang sa pamamayagpag ng kakayanan ng isang babae.

Sa henyong twist ni Jun Lana, di mo akalaing ang Magdalena ng kanyang asawa ang magiging anghel sa unang hakbang ng pagkilala ni Marilou sa kanyang sarili. Maitatalang ang prostitusyon ay isang arketipo ng lipunang may krisis at nabubulok habang sa sentido-kumong aksyon, ipinakilala ang dekadenteng karakter ni Rosa (Sue Prado) bilang matalino at buo ang dignidad bagamat ang kanyang papel ay maging maganda at magbigay-aliw lamang sa kasa ng mga lalaking nangangaliwa.

Ganito ring kasangkapan sa kama ang tauhan ni Susan (Gladys Reyes) na inakalang sa pagkaroon sa wakas ng lalaking sanggol ay makapagpahinga na siya sa gabi mula sa buong araw na pagtitinda ng kakanin.

Samantala, si Cecilia na mula sa mayamang uri ay di magampanan ang pagbubuntis at pag-alay ng anak kay Mayor Alfredo, isang kapansanan tuloy na nagbigay katwiran sa pagpaling ng kanyang asawa sa mga kerida at pag-ambon ng pasá sa kanyang mukha at pag-iisip.

Tahimik na tagapagkinig, tagamasid at tagatanggap ng mga insidente si Marilou na animo’y sumasang-ayon lamang sa kapalaran, masama man ito o mabuti, ngunit sa mga serye ng komplikasyon ng pelikula ay unti-unti niyang nahalaw ang tamsik ng tapang mula kay Tessie na nag-aruga sa pag-aaral ng pamangkin nitong si Edmund (Nicco Manalo); kay Susan na nagtadtad ng sili sa ari ng kanyang asawa upang turuan ito ng leksiyon; at kay Cecilia na tumapak sa lupa, nakiwiswis sa ilog at tumuring sa gaya niyang mahirap bilang kaibigan at maaaring higit pa dito ay bilang karelasyon sa pahiwatig niyang mga haplos at pamamaalam nang halik sa labi.

Sa unang pagtuklas ni Marilou kay Edmond bilang aktibong miyembro ng kilusan ng mga itinuring na rebelde, natural na pag-aalala sa kaligtasan nito ang kanyang reaksyon. Pangalawa ay ang panghihinayang sa sakripisyo ni Tessie bilang tumayong ina nito. Kaya naman noong una ay sarado ang pinto ng barberong barbera para sa mga NPA.

Gayunpaman, mabilis na napagtanto ni Marilou ang lohika ng pag-aarmas laban sa pang-aalipusta bilang hindi simpleng kapusukan ng kabataang nilisan ang pag-aaral upang tugunan ang panawagan ng armadong paglaban. Bumulagta sa kapilya ang mga bangkay ng mga pinaghinalaang rebelde kasama si Fr. Arturo na ang tanging kasalanan ay buksan ang tahanan ng Diyos para sa sinumang nangangailangan ng masilungan, pagkain o gamot.

Maalalang ang pagkilala ni Fr. Arturo kay Marilou bilang mahusay na barbero ay pagbigay-galang sa pag-angat ng antas ng babae sa lipunan. Ang simbolikong pag-abot nito ng Pulang Aklat ay maihalintulad sa seremonya ng pagwaksi sa kamangmangan gaya ng paghandog ni Jose Rizal sa taumbayan ng Noli Me Tanghere at El Filibusterismo, maging sa pagkaroon ni Andres Bonifacio ng liberal na mga babasahin mula sa Europa o kaya ay ang popularisasyon ng mga ipinagbawal na publikasyong pasa-bilis ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Ang aktitud na ipinamalas ni Fr. Arturo ay taliwas sa ipinapairal ng Simbahang Katoliko sang-ayon sa pagtayo ng kolonyang imperyo at kaisipang mababa/alipin. Ang masaker sa mga alagad ng simbahang nagtataguyod ng mapagpalayang tradisyon at paniniwala ay umiral noon pang panahon ng pananakop sa kaso ng masaker ng Cofradia de San José kasama si Hermano Puli (Apolinario dela Cruz, 1815-42) at sa pagbitay sa GomBurZa Brothers noong 1872. Sa kasalukuyan, nariyan ang mga kaso ng pamamaslang at sapilitang pagkawala ng mga taong relihiyoso na pawang alagad ng kalikasan at karapatang pantao gaya nina Bishop Alberto Ramento (1937-2006, Tarlac), ang Itlayanong si Fr. Fausto Tentorio (1952-2011, North Cotabato) at ang misyonaryong Dutch na si Willem Geertman (1945-2012, Pampanga).

Sa bandang huli, naisigaw din ni Marilou ang kipkip na ngalit sa pagkitil sa sariling buhay ni Cecilia, isang pangyayaring swabeng naisisi sa NPA ng bayarang midya: seksing kasinungalinang nakatawag tuloy sa pansin ni Pang. Marcos bilang isa sa makinarya nito ng pagkamoplahe ng karahasan ay ang industriya ng aliw gaya ng pelikulang bomba at ang umaatikabong boxing match nina Muhammad Ali at Joe Frazier.

Sa tulak ng kampanyang anti-insurehensiya ni Mayor Alfredo, ang mga baluktot na pala-palagay hinggil sa rebelyon ay namutawing usapan sa tindahan, ilog, kalye, kapilya, tahanan at barber shop. Sa isang punto, sadyang pumapagting ito sa tenga ng umaangkin sa katotohanan. Naibulalas ni Susan ang tagumpay ng Batas Militar sa pag-iral ng takot sa komunidad. Aniya, “di lahat ng tao ay kayang tanggapin kung ano ang dapat tama”. Sa pelikula, ito ay mistulang pansamantalang estado lamang ng mamamayan.

Wala nang talab ang takot kay Marilou na hinasa na ng mga pangyayari at magkaugnay na kalupitan. Gaya ng dulang Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street (Christopher Bond, 1973; musikal na bersyon nina Stephen Sondheim at Hugh Wheeler, 1979), ang instrumento ng barbero ang siyang armas sa pagtupok sa pwersa ng kalupitan na sa pagkakataong ito ay mismong ang ginintuang gunting ni Mayor Alfredo.

Sa alok ng Mayor na simpatiya at katahimikan, malinaw na pinili ni Marilou ang direksyon ng liwanag sa pag-aklas.

Maaaring ang aksiyong ito ay hindi ang unang pagkakataon para kay Marilou kung mapatunayang hindi misteryoso ang pagkamatay ni Jose sa unang bahagi sapagkat sa ganitong kaso ay may motibasyon siya nang mapagtanto ang pang-aapid ng asawa. Ngunit lampas sa paghihiganti, ang resolusyon sa pelikula ay may makauring katwiran.

Bagamat ang aksyon ay gawa ng isang indibidwal, ang walang pag-aalangan ni Marilou ay maipagtatanggol sa konteksto ng isang Hustisyang Bayan ng mga katutubo at ng rebolusyonaryong kilusan kung saan ang may utang na dugo sa Taumbayan ay nararapat lamang maparusahan gaya halimbawa ni Jovito Palparan na kilalang sangkot sa daan-daang pampolitikang pamamaslang sa kontemporaryong pasismo.

Isang manipestasyon ng hustisya ang resultang pagbuklod ng kababaihan upang bigyang proteksyon si Marilou. Sa puntong ito naidiin ang pakikibaka bilang hiblang nag-ugnay sa mga nakaranas ng pang-aapi at pagsasamantala.

Maraming pala-palagay hinggil sa huling yugto ng paglalakbay ni Marilou. Mga tagpi-tagping posibilidad gaya ng pagkaranas ng tortyur, pagkabaliw o pagkamatay. Ngunit nakakahangang sa huli ay nag-iwan ng pag-asa ang pelikula sa pagpapakita ng isang mapagpasyang katotohanan: ang binyag ni Marilou bilang Luz sa Kilusang Mapagpalaya. Ang pangalang ito na nangangahulugang liwanag ang pangarap na maisilang ni Cecilia.

Kaiba sa komposisyon ng naunang pulong ni Edmond na pawang kalalakihan, ang huling ritwal ay pinamunuan ng Babae (Nora Aunor) at makikitaan ng partisipasyon ng kababaihan. Sadya man o hindi ang Quezon bilang lokasyon ng pelikula, may impresyon ng pagtagpo nina Marilou at Lorena Barros (1948-76) sa eksena. Si Barros ay isa sa tagapagtatag ng MAKIBAKA o ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan at nag-alay ng buhay bilang Pulang Mandirigma. Mula sa mga speech ni Barros noong dekada 70, naging popular ang sinabi nitong “Ang babae ay hindi pangkama o pangkusina lamang… ang puso ng babae ay nasa pakikibaka…”

Bagamat ang tauhan ni Marilou ang sentro sa pelikula, ang ibang tauhang Babae naman ay sumasalamin sa isang aspeto ng karanasan ng sektor at uri. Bawat Babaeng tauhan sa pelikula kung gayon ay may potensyal na maging lider gaya ni Marilou na naging bukas sa pagtataka, pagtatanong, pakikinig, pag-aaral at pagkilos. Ang mga ito ay susi sa panumbalik ng kapangyarihang Babaylan sa katutubong katawan ng mamamayan at pagsapi tuloy ng dalisay na papel nito bilang tagapagtanggol ng lupa at ng karapatan.

Sa pelikula, umiral din ang suporta ng mga batikang aktor gaya nina Gladys Reyes at Shamaine Buencamino upang mapatunayan ni Eugene Domingo na ang artistang nakaranas ng dugo’t pawis ng entablado ay kayang gumampan ng seryosong drama at di lamang ng papel ng komersyal na katatawanan.

Handog ni Lana ang ikalawa sa kanyang proyektong Trilohiya kay Marilou Diaz Abaya (1955-2012), ang direktor na naghatid sa atin ng makabuluhang pelikula gaya ng Bagong Buwan (2001), Muro Ami (1999), Jose Rizal (1998) at sa Pusod ng Dagat (1997).

Higit dito, ang Mga Kuwentong Barbero ay nararapat lamang mapanuod ng pamilyang Pilipino bilang isang materyal na ambag sa paghubog ng progresibong kultura. Ang halagang pang-edukasyon nito ay nailulugar sa dokumentasyon ng isang bahagi ng ating kasaysayang lokal at pambansa at bilang pagkilala sa papel ng kababaihan para sa pagbabago gaya ng ipinamalas sa Ka Oryang (Sari Dalena at Keith Sicat, 2011), Andrea, paano ba ang maging isang Ina? (Ricky Lee at Gil Portes, 1990), Sister Stella L (Mike de Leon, Jose Lacaba at Jose Almojuela, 1984), Gabriela Silang (Jun Aristorenas, Ding de Jesus at Greg Macabenta, 1971) at Tandang Sora (Lamberto Avellana, 1947).

(Basahin din ang isa pang rebyu ng Barber’s Tales, gayundin ng Kleptomaniacs)

]]> http://pinoyweekly.org/new/2014/08/mga-kuwentong-barbero-di-kuwentong-kutsero/feed/ 1 Kasabay ng pagtatanggol sa Wikang Filipino, Nora Aunor pinarangalan ng mga guro http://pinoyweekly.org/new/2014/08/kasabay-ng-pagtatanggol-sa-wikang-filipino-nora-aunor-pinarangalan-ng-mga-guro/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/kasabay-ng-pagtatanggol-sa-wikang-filipino-nora-aunor-pinarangalan-ng-mga-guro/#comments Tue, 19 Aug 2014 16:31:23 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31104 David Michael San Juan, tagapagsalita ng Tanggol Wika, habang ipinaliliwanag ang kahalagahan ng Wikang Filipino.Pher Pasion

Ipinaliwanag ni David Michael San Juan, tagapagsalita ng Tanggol Wika, ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa isang pagtitipon ng mga guro. Pher Pasion

Muling pinaigting ng mga guro ang kanilang kampanya para ipaglaban ang pananatili ng pagtuturo ng Wikang Filipino sa kolehiyo, sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto.

Ayon kay David Michael San Juan, tagapagsalita ng Tanggol Wika, na nangangampanya para rito, taong 2013 pa nang magsimulang tanggalin ng Wikang Filipino sa kolehiyo sa bisa ng Commission on Higher Education (CHED) Memorandum No. 20. Mula noon, tinutulan na nila ito.

Muling pinaigting ngayong taon ang kampanya dahil sa inaasahang maglalabas na pinal na desisyon ang CHED kaugnay nito.

“Ang babaw ng usapan natin. Kasi hindi pa tayo nagkakaintindihan sa wika pa lang. Kaya hindi napag-uusapan ang repormang pang-edukasyon, reporma sa lupa, industriyalisasyon, ano ang makakapagpaunlad sa Pilipinas–kasi hanggang ngayon nasa isyu ng wika at pangkultura pa rin ang pinag-uusapan natin. Kaya napakahalaga na maresolba ito,” ayon kay San Juan.

ACT Teacher's Rep. Antonio Tinio at Bb. Nora Aunor.<strong>Pher Pasion</strong>

ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Nora Aunor. Pher Pasion

Dagdag pa ni San Juan, sinasabi ng CHED na inilipat lang tungo sa senior high school ang mga asignatura sa Filipino. Pero kung titignan daw nang mabuti ang kurikulum, ang mga asignatura sa Ingles na mayroon sa senior high school ay mayroon din sa kolehiyo. Pero wala pagdating sa Filipino, aniya.

Hindi rin wikang Filipino lang ang problema, kundi maging ang pagtuturo ng kasaysayan ay wala na rin sa bagong kurikulum. Wala na rin ang pagtuturo ng Konstitusyon, ayon kay San Juan.

Ayon naman sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), bunga ng programang K-to-12 (Kindergarten-to-12 years ) ang pagtatanggal sa wikang Filipino sa kolehiyo dahil sa bagong kurikulum. Nais kasing kasing palabnawin ng kurikulum ng K-to-12 ang pagiging makabayan ng mga mag-aaral at ‘yung mga asignatura na kakailanganin ng mga mag-aaral para maging “globally competitive” kuno ang binibigyan ng diin.

Taong 1996 lang opisyal na naisama ang wikang Filipino sa kolehiyo o wala pang 20-taon, pero tinatanggal na ito, ani ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. May mga unibersidad pa rin sa kasalukuyan ang nagkakaroon pa lang ng departamento para sa Filipino sa kasalukuyan.

“Hanggang huling bahagi ng 2014, nilalaban pa rin (ang pagbuo ng mga departamento sa Filipino). Kailangan pa ring ilaban ang puwesto ng Filipino sa ating sistemang edukasyon,” ayon kay Tinio.

Nora Aunor pinarangalan

Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, pinarangalan ng mga guro si Nora Aunor bilang tunay na artista ng bayan para sa kontribusyon ng aktres sa pelikulang Pilipino.

Nora Aunor, sinuportahan ang laban ng mga guro para sa dagdag na sahod.<strong>Pher Pasion</strong>

Sinuportahan ni Nora Aunor ang laban ng mga guro para sa dagdag na sahod. Pher Pasion

Pinangunahan ng ACT ang pagbibigay ng parangal sa aktres na dinaluhan ng mga guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Kamaynilaan, gayundin ang mga tagahanga ni Nora, na ginanap sa Ramon Magsaysay Cubao High School.

Nagpasalamat ang aktres sa natanggap na parangal. Nakikiisa rin si Aunor sa paglaban ng mga guro para sa Wikang Filipino dahil sa hindi rin daw siya bihasa sa Ingles dahil sa antas ng pag-aaral na inabot. Gayundin, nakiisa ang aktres para sa laban ng mga guro sa dagdag na sahod.

“Kaya pagbinigyan ako ng karangalan katulad ngayon, para na rin akong katuntong ng hayskul dahil po sa mga guro na nagbigay ng karangalan para sa akin,” ayon kay Nora.

Nitong taon, tinanggal ni Pang. Benigno Aquino III ang pangalan ni Aunor sa listahan ng mga gagawaran ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Kaya naman nag-inisyatiba ang iba’t ibang grupo na parangalan siya.

 

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/kasabay-ng-pagtatanggol-sa-wikang-filipino-nora-aunor-pinarangalan-ng-mga-guro/feed/ 0
Kapag ginamit ang siyensiya sa masama http://pinoyweekly.org/new/2014/08/kapag-ginamit-ang-siyensiya-sa-masama/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/kapag-ginamit-ang-siyensiya-sa-masama/#comments Tue, 19 Aug 2014 08:51:47 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31096 Ang pagsabog ng bombang atomiko ng US sa Hiroshima at Nagasaki sa bansang Hapon na marahil ang pinakamalaking halimbawa ng masamang kahihinatnan ng agham at teknolohiya sa kamay ng monopolyo kapitalismo.

Maraming siyentista, lalo na ang mga liknayanong naging sangkot sa paglikha ng bombang nukleyar, ang nagising sa katotohanang ang kanilang mga pagsisikap na alamin ang pinakaloob-loob ng mga bagay ay hindi palaging nakabubuti sa mga mamamayan ng mundo. Ilang daang libong mamamayang Hapones ang nasawi at nagdusa dahil sa pananaliksik ng mga sangkot na siyentista. Ilan sa kanila ang nakatanggap din sa mapait na katotohanang sila’y ginamit lamang ng monopolyo kapitalismo para sa pagpapatindi ng kontrol nito sa buong mundo ng walang pakialam sa kahirapang naidudulot nito sa napakaraming mamamayan.

Ang dambuhalang enerhiyang nukleyar na natuklasan nilang nakatago sa pinakalooban ng mga atom ay parang demonyong pinakawalan mula sa kahon ni Pandora. Paano ba ito natuklasan?

Nasa sentro ng pagkatuklas nito ang pinakasikat na ekwisyon sa siyensiya, ang E=mc² ni Albert Einstein. Sa ekwisyon na ito, ang letrang E ang sumisimbolo sa kantidad ng enerhiyang katumbas ng masang (mass) kinakatawan ng letrang m. Ang factor na c² ay ang parisukat ng bilis ng takbo ng liwanag; ito ay katumbas ng 300,000,000 metro bawat segundo. Ang isang gramo, halimbawa, ng masa kung buung-buong itatransporma sa pormang enerhiya ay katumbas ng 25,000,000 kWh (kilowatt-hour), ang total na enerhiyang kinokonsumo sa pormang kuryente ng mahigit 200,000 karaniwang bahay (sa average na konsumo na 100 kWh) kada buwan.

Ang ekwisyong ito ni Einstein ay batayan ng lahat ng kalkulasyong ginagawa sa pagsukat ng enerhiyang nukleyar. Ang enerhiyang ito ay nakakawala sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na pagsibak ng nukleyus ng atom (nuclear fission). Ang mga atom ng 60 kilo ng uranium ng Little Boy at 6 kilo ng plutonium ng Fat Man ang pinakawalan at biniyak sa siyudad ng Hiroshima at Nagasaki noon Agosto 1945. Ang enerhiyang katumbas ng kinokonsumo ng mga 400,000 karaniwang bahay sa Metro Manila sa loob ng isang buwan ay sumambulat sa pagsabog ng dalawang higanteng bomba.

Ang karumaldumal na ginawa ng US sa Hiroshima at Nagasaki ay pangunahing maisisisi sa pamamayani ng monopolyo kapitalismo. Ngunit may bahid din ng kawalang-responsabilidad ang mga siyentista at inhinyerong direktang sangkot sa gawaing ito ng tinaguriang Manhattan Project na ginastusan ng aabot sa dalawang bilyong dolyar ng gobyernong US. Kasama rito ang mga Nobel Prize awardees na sina Enrico Fermi (1938 nanalo), Hans Bethe (1967), at maging si Albert Einstein mismo na bagamat walang direktang kinalaman sa paggawa ng bombang nukleyar ay maituturing na isa sa mga pasimuno nito dahil sa kanyang sulat kay Pangulong Roosevelt noong ika-2 ng Agosto 1939:

“Sa loob ng nakaraang apat na buwan, naging posible na—sa pamamagitan ng mga gawain ni Joliot sa Pransiya at pati na ni Fermi at Szilard sa Amerika—ang pagpapaliyab ng mga nuclear chain reaction sa isang malaking masa ng uranium, kung saan gahiganteng kantidad ng lakas at ng bagong mga mala-radium na elementong kemikal ang malilikha. Ngayon, ang pagkamit nito sa pinakamalapit na panahon ay mukhang magiging halos sigurado na. Ang nakataya dito’y higit pa sa abstraktong produksiyon ng enerhiya. Ang bagong penomenon na ito ay maaari ring magtungo sa paggawa ng mga bomba, at nakikinita—bagamat hindi pa ganun kasigurado—na ang napakalakas na mga bomba na bagong tipo ay maaaring gawin. Ang nag-iisang bomba sa ganitong tipo, dala-dala ng bangka o pinapasabog sa isang pantalan, ay maaaring dumurog sa buong pantalan kasama ang mga katabing lupain.”

Matapos ang malagim na kinahinatnan ng Manhattan Project, anim na taon mula nang sulat ni Einstein, hindi naging madali para sa mga sangkot na siyentista at inhinyero na tanggapin ang kanilang naging papel sa naturang masaker. Pinagsisihan ni Einstein ang kanyang pagsulat kay Roosevelt:

“Ako ay nakagawa ng isang pagkakamali sa aking buhay—nang pinirmahan ko ‘yung sulat kay Pangulong Roosevelt na nagtataguyod na ang bombang atomiko’y dapat buuin. Subalit malamang ako’y mapapatawad para roon dahil tayong lahat ay nakaramdam na may mataas na tsansa na ang mga Aleman ay pinag-iisipan ang problemang ito at sila’y maaaring magtagumpay at gamitin ang bombang atomiko upang maging pangunahing lahi.”

Nang pinilit si Einstein na magpaliwanag kung bakit kayang tuklasin ng tao ang mga atom ngunit hindi ang paraan upang kontrolin ang mga ito, ang kanyang sagot: “Simple lang ‘yan kaibigan: sapagkat ang pulitika ay mas mahirap kay sa pisika.”

Negatibo man ang epekto ng bombang nukleyar, may positibo pa rin itong hatid bilang pampabukas ng mga mata ng maraming siyentista sa kasamaang maaaring idulot ng isang agham na hindi nakakabit ng mahigpit sa pangangailangan ng mamamayan at wala sa kanilang kontrol. Sa librong Silage Choppers And Snake Spirits ni Dao-yuan Chou, ibinahagi ni Joan Hinton, isa sa mga kasama sa Manhattan Project, ang kanyang pagka-disilusyon sa praktika ng agham at teknolohiya sa US. Dahil dito, lumikas siya patungong Tsina ilang buwan bago ito nahawakan sa pambansang saklaw ng mga mamamayang Tsino sa pamumuno ni Mao Zedong noong 1949. Iniwanan ni Hinton ng tuluyan ang pag-aaral sa pisika at itinuon ang kanyang buong buhay sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang probinsya sa Hilagang Tsina. Pinatunayan ni Hinton na matapos ang madugong kinahinatnan ng modernong siyensiya, may positibo pang tungkulin ang mga siyentistang katulad niya upang dahan-dahang humina ang kontrol ng monopolyo kapitalismo sa agham at teknolohiya at mailipat ito sa kamay ng mga mamamayan ng buong mundo.

[Nakatulong ang artikulong "The Sextant Equation ni Peter Galison" sa koleksiyong It Must Be Beautiful na inedit ni Graham Farmelo at lumabas noong 2002.]

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/kapag-ginamit-ang-siyensiya-sa-masama/feed/ 0
Isa pang Krimen ni Palparan http://pinoyweekly.org/new/2014/08/isa-pang-krimen-ni-palparan/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/isa-pang-krimen-ni-palparan/#comments Sun, 17 Aug 2014 18:52:25 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31092 Talumpating hindi nabigkas sa piket sa harap ng National Bureau of Investigation noong umaga ng 12 Agosto.

Mga kasama at mga kababayan! May isa pang krimen si dating Major General Jovito Palparan sa sambayanang Pilipino bukod sa napakaraming kaso ng ekstrahudisyal na pagpaslang, pagdukot at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

At ang krimen na iyan ay nasa paraan kung paano niya ginawa ang mga paglabag sa karapatang pantao. Ginawa niya ang mga ito nang lantaran, bulgaran, para bang inaanunsyo.

Darating siya sa isang rehiyon at darami ang mga paglabag sa karapatang pantao doon. Pero walang kurap niyang sasabihin, kahit sa harap ng kamera, na hindi ang mga tauhan niya ang pumaslang, na wala ang nawawala sa kampo ng militar, na hindi siya ang may kasalanan. Sa isang interbyu, sinabi niyang nagbibigay lang siya ng “inspirasyon” para sa mga paglabag. Wala rin siyang tigil sa pagsasalita para bigyang-katwiran ang mga ito — kasama na ang paniniil sa mga baryo ng karaniwang tao. Sa isang State of the Nation Address o SONA mismo, pinuri siya ni Gloria Macapagal-Arroyo.

May panahong naging karaniwan na para sa mga aktibista na makatanggap ng mensaheng text tungkol sa mga kapwa-aktibista na pinakabagong biktima ng pagpatay at pagdukot — magkakasunod sa loob lang ng ilang araw. Naging laman ng midya, lalo na ng alternatibong midya, ang mga larawan ng mga pinaslang at dinukot, minsan kasama ang mga duguang bangkay nila — silang mga nanay, tatay, asawa, anak, kapatid, kaibigan, at kasama sa pakikibaka.

Mga kasama at mga kababayan! Ininsulto ni Palparan ang sambayanang Pilipino! Bawat pagpaslang, pagdukot at paglabag sa karapatang pantao ay pagdura sa mukha ng sambayanan. Ipinamukha niya sa atin na wala tayong magagawa, hindi natin siya mapipigilan, at wala tayong kapangyarihan para papanagutin siya.

Pero ngayong umaga, mga kasama at mga kababayan, tumitindig tayo dito sa harap ng NBI dahil pinatunayan ng sambayanan na mali si Palparan. Mali si Palparan!

Hindi ilulutang ng gobyerno ni Noynoy Aquino si Palparan kung hindi lumalakas ang mga protesta at pagkondena ng sambayanan sa Pork Barrel King dahil sa katiwalian sa pamahalaan. Naghahanap si Noynoy ng pampabango sa publiko at pagdidiin na si Gloria pa rin, diumano, ang kalaban. Ilinaw natin: Hindi utang ng sambayanan sa gobyernong Aquino ang paglutang kay Palparan; matagal nang utang ito ng gobyernong Aquino sa atin!

Hindi rin ilulutang si Palparan kung hindi dahil sa pagpupunyagi sa loob ng maraming taon ng sambayanan na ilantad siya bilang berdugo. Hindi ilulutang si Palparan kung hindi dahil sa pagpupunyagi sa loob ng maraming taon ng sambayanan na labanan si Gloria na mandaraya, korap, pahirap, pasista at papet. Tandaan natin: inilabas ang warrant of arrest kay Palparan noong gustong ipakita ng gobyernong Aquino na seryoso ito sa pagpapanagot kay Gloria!

Mga kasama at mga kababayan. Hindi dito nagtatapos ang pakikibaka natin para kamtin ang katarungan at papanagutin si Palparan; ang totoo, bagong simula lang ito para sa ating pakikibaka. Kailangan nating tiyaking walang espesyal na pagtrato sa kanya, na mahahatulan siyang maysala, at mabubulok siya sa bilangguan.

Ang gusto lang nating sabihin: Wala mang tunay na katarungan para sa sambayanan sa ilalim ng sistemang pinaghaharian ng iilang mayaman at makapangyarihan, magagawa nating magpanagot, sa iba’t ibang paraan, lalo na ng pinakamalalaking berdugo sa sambayanan. Gaano man kabagal ang takbo ng gulong ng katarungan kapag para sa sambayanan, magagawa nating magpanagot!

Ngayong araw, nagkaroon tayo ng dagdag na patunay para sabihing: Dahil patuloy na lumalaban ang sambayanan, at dahil patuloy na lumalakas ang paglaban ng sambayanan, may araw rin ang mga pasista. May araw rin sila! Mabuhay ang sambayanang lumalaban! Patuloy nating isisigaw at ipaglalaban: Katarungan, katarungan, katarungan!

18 Agosto 2014

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/isa-pang-krimen-ni-palparan/feed/ 0
‘Palparan duwag, sinungaling’ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/palparan-duwag-sinungaling/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/palparan-duwag-sinungaling/#comments Sat, 16 Aug 2014 17:08:22 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31081 "Hayup si Palparan, dapat lang na makulong siya at pagbayaran ang lahat ng kasalanan niya," sabi ni Orly Marcellana (nasa dulong kanan). Macky Macaspac

Si Orly Marcellana (kanan), asawa ni Eden na brutal na pinaslang noong 2003 ng pinaghihinalaang mga tauhan ni Hen. Jovito Palparan sa Oriental Mindoro. Kasama niya sina Concepcion Empeno at Erlinda Cadapan, mga ina ng dalawang estudyante ng UP na nawawala noon pang 2006.  Macky Macaspac

Nagpupuyos sa galit ang mga biktima ni dating heneral Jovito Palparan sa “espesyal na pagtrato umanong tinatamasa nito mula nang mahuli siya noong Miyerkules.

Sa kabila ng commitment order ng korte na ilipat siya sa Bulacan Provincial Jail, nanatili pa rin ang tinaguriang “berdugo” sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Naghain si Palparan ng motion ex parte para manatili sa kustodiya ng NBI noong Huwebes. Idinadahilan niya na natatakot daw siya para sa kanyang personal na kaligtasan at mas ligtas daw siya sa NBI detention cell.

Pero para sa mga kaanak at biktima hindi na dapat magtagal sa NBI ang tinaguriang berdugo, dapat daw ikulong ito sa regular na kulungan tulad ng iniutos ng korte.

“Nasaan ang aming mga anak? Habang nandiyan siya sa NBI,” ani Erlinda Capadan, sa isang press conference ng mga kaanak at biktima ng pamamaslang at sapilitang pagkawala. “Nakakangitngit ng kalooban.”

Sabi pa ni Cadapan na tila pinoprotektahan pa ng NBI si Palparan, samantalang silang mga kaanak ng mga biktima’y walang proteksiyon.

“Bagamat natuwa ako na nahuli siya, at naawa sa hitsura niya, hindi ko pa rin siya mapapatawad,” sabi naman ni Concepcion Empeno, patungkol sa pagbabago ng hitsura ni Palparan.

Sinabi pa ni Empeno na mabuti pa raw si Palparan, nasa NBI, habang ang mga anak nila nawawala pa rin.

“Anumang oras puwedeng (si Palparan) mamamatay at maililibing nang maayos. Pero kami, hindi namin alam kung ano ang nangyari sa aming mga mahal sa buhay,” maluha-luhang sabi ni Empeno.

Giit ng dalawang magulang na ilagay sa regular na kulungan si Palparan at panagutan ang mga bintang laban sa kanya. “Duwag si Palparan, sinasabi niya noon na haharapin niya ang mga kaso niya, pero nagtago siya,” sabi ni Cadapan.

Sinungaling

Macky Macaspac

Panawagan ng mga biktima ng tinaguriang berdugo na si Jovito Palparan ang mabilisang paglilitis para makamit nila ang hustisya para sa mga biktima.Macky Macaspac

Bukod sa mosyon na manatili sa NBI, may hiwalay din na mosyon si Palparan para ilipat ang pagdinig ng kaso niya. Ayon sa abogado ng mga biktima, walang batayan ang dahilang seguridad ni Palparan para ilipat ang pagdinig sa kaso gayundin ang pananatili niya sa NBI.

Unfounded, exaggerated at malamang (na) guni-guni lang niya na may banta sa buhay niya,” ani Edre Olalia, abogado ng mga biktima at pangkalahatang kalihim ng Naitonal Union of People’s Lawyers o NUPL.

Sabi ni Olalia, mas ligtas si Palparan sa Bulacan Provincial Jail kaysa NBI dahil mas malayo ito sa korte sa Malolos.

Aabot o lampas sa 50 kilometro ang layo ng NBI sa Malolos Regional Trial Court, samantalang ilang hakbang naman ang layo ng korte sa provincial jail.

“Mas malaking rekurso para sa security details niya ang kung ibibyahe pa siya mula sa NBI,” ani Olalia.

Hindi rin daw dapat katakutan ni Palparan ang mga bilanggong pulitikal na mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) dahil wala na raw nakakulong na detinidong pulitikal sa Bulacan Provincial Jail.

“Isipin na lang natin, mahigit 500 ang bilanggong pulitikal at nakakalat ang mga iyan sa mga kulungan sa buong bansa. Ibig bang sabihin, hindi o wala nang puwedeng pagkulungan sa kanya dahil sa mga NPA na nakakulong?” ani Olalia.

Idinagdag pa ni Olalia na insulto sa puwersa ng militar at pulis ang sabihin ni Palparan na hindi siya kayang bantayan.

Iginiit ni Olalia na haharangin nila ang mga mosyon ni Palparan para mapanagot siya at makulong sa regular na kulungan.

Buo ang loob

Naniniwala si Olalia na makukuha nila ang paborableng desisyon ng korte laban kay Palparan dahil malakas na testigo si Raymond Manalo.

Si Manalo ay dating bilanggong pulitikal na, kasama ang kapatid, personal na tinortyur ng mga tauhan ni Palparan noong 2006 at personal na nakita ang pagpapahirap kina Sherlyn at Karen.

“Mismong ang Korte Suprema na ang nagsabi na honest, credible, at consistent na testigo si Manalo,” aniya. Ipinag-utos noong 2008 ng Court of Appeals na palayain ng militar sina Karen at Sherlyn.

Bunsod ito ng kautusan ng Korte Suprema sa isinampang writ of amparo para sa dalawa.

Idinagdag pa ni Olalia na maging sa hiwalay na mga imbestigasyon ng mga iba’t ibang grupo tulad ng Melo Commission, ni United Nations Special Rapporteur Philip Alston, ng Permanent People’s Tribunal at iba pa–lumitaw ang pangalan ni Palparan bilang nangungunang salarin sa ekstra-hudisyal na mga pamamaslang, pagdukot at iba pang paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad niya ng kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya.

“Pangalawang buhay ko na ito. Hindi ako papayag na di managot si Palparan,” sabi ni Oscar Leuterio sa Pinoy Weekly, isa sa mga biktima ng pagdukot at testigo laban kay Palparan.

Iginiit niya na nakita niya si Sherlyn sa Camp Magsaysay. “Ibinabalibag sila sa loob ng sasakyan nang ilipat sila sa ibang kampo, narinig ko pa na gusto nilang pagsayawin ang isa sa kanila sa haparan ng mga nag-iinumang sundalo bago sila ilipat,” ani Leuterio.

Buo umano ang loob ni Leuterio na muling makaharap ang tinagurian nilang “Lolo”–palayaw kay Palparan ng mga nasa loob ng kampo. Mabubuo lang umano ang kanyang tuwa kung “makukulong nang tuluyan at mapanagot si Palparan.”

Ipinakita ni Oscar Leuterio biktima ng pagmamalupit ni Palparan ang di-pantay na daliri ng kaliwang kamay sanhi ng matinding pagpapahirap sa kanya. Macky Macaspac

Ipinakita ni Oscar Leuterio biktima ng pagmamalupit ni Palparan ang di-pantay na daliri ng kaliwang kamay sanhi ng matinding pagpapahirap sa kanya. Macky Macaspac

“Grabe ang dinanas ko sa kanila. Alam ko na utos niya ang pahirapan kami. Pumutok ang ulo ko sa palo ng dos-por-dos (na kahoy). Bali rin ang kaliwa kong kamay,” salaysay ni Leuterio tungkol sa mala-impiyernong pagkakakulong sa kanya.

Para lang makalaya

Napilitan na lang daw siya na sumang-ayon sa nais ipagawa ni Palparan para lamang makalaya.

“Kinausap niya ako, tulungan ko raw sila laban sa mga NPA. Binigyan pa kami ng pera at gamot na pampalakas kasi talagang lupaypay kami,” aniya.

Ilang araw matapos siyang palayain, nagtago si Leuterio, hanggang sa maugnayan siya ng mga pari at ng grupong Karapatan.

“Para mabigyan ng hustisya ang dalawang bata, gayundin sa sinapit namin, hindi ko sasayangin ang pangalawang buhay ko. Dapat niyang pagdusahan ang ginawa niya,” sabi ni Leuterio.

Para kay Raymond Manalo, “kulang pa” ang nararanasan ni Palparan kumpara sa naranasan nilang magkapatid at iba pang biktima.

“Hindi nga siya pinosasan noong hinuli siya. Maingat pa siyang inalalayan. Kami, binartolina, pinahirapan wala naman kaming kasalanan,” aniya. Sinabi pa ni Manalo na “ubod ng sinungaling” si Palparan sa pagtanggi na may kinalaman siya sa pagkawala ng dalawang estudyante.

“Personal ko siyang nakausap, nakasama ko sa kampo si Karen at Sherlyn. Ako ang buhay na testigo,” sabi niya.

Idinagdag ni Manalo na palusot na lang ni Palparan ang pagkatakot niya, “Ngayon niya ipakita ang tapang niya dati. Takot siya sa marami niyang biktima.” sabi ni Manalo.

Bukod sa kasong kidnapping at serious illegal detention na isinampa ng mga magulang ng dalawang estudyante, may hiwalay na kasong isinampa si Manalo laban kay Palparan na kasalukuyang natutulog sa Ombudsman.

Panawagan ni Olalia, aksiyunan na at pabilisin ng Ombudsman ang pagdinig sa kaso, lalo na ngayon na nasa kamay na ng awtoridad si Palparan.

Iba pang ‘berdugo’

Kinontra naman ng Karapatan ang pahayag ni Pangulong Aquino na “wala nang berdugo” sa militar matapos mahuli si Palparan.

Sabi ng grupo, “hindi nauubusan ng berdugo” ang Armed Forces of the Philippines (AFP). “Hangga’t ipinapatupad ng gobyerno ang militaristang paraan sa pagsugpo sa armadong tunggalian, magpapatuloy ang paglabag sa karapatang pantao,” sabi ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Sinabi ni Palabay na marami pang mga berdugo ang nasa hanay ng AFP na direktang nasa kontrol ni Aquino bilang commander in chief.

Inihalimbawa niya si Maj. Gen. Eduardo Año na dating Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at ngayon ay komander na ng 10th Infantry Division sa Mindanao, Major General Ricardo Visaya ngayon ay 4th Infantry Division at Col. Jake Obligado.

Ayon sa Karapatan, sangkot si Año sa pagdukot at pagkawala ni Jonas Burgos. Samantalang si Obligado naman ay kasama ni Palparan sa Timog Katagalugan. Sa Gitnang Luzon naman si Visaya, sa parehong lugar mataas ang bilang ng mga biktima ng pagdukot at pamamaslang.

Dagdag pa ni Palabay, hindi rin naiiba ang administrasyong Aquino sa nagdaang mga administrasyon na punung-puno ng mga insidente ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng masaker, pagpatay at pagdukot.

“Sinasabi ni Aquino na wala nang berdugo? Di ba niya alam ang pagmasaker sa mag-iinang Juvy Capion, sa pagpatay kay Fr. Fausto Tentorio, Romeo Capalla at Jimmy Liguyon. Nasaan siya nang arestuhin at tortyurin ang security guard na si Rolly Panesa ng militar ng Southern Luzon Command?” ani Palabay.

Hindi raw nakakapagtaka kung naisin ni Aquino na maghangad ng ikalawang termino sa pagkapangulo. “Nagbabanta na ng pasistang diktadura (si Aquino),” ayon kay Palabay.

Sa kasalukuyan, pinaghahandaan ng mga biktima at testigo kasama ng kanila mga abogado ang arraignment ni Palparan sa Lunes.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/palparan-duwag-sinungaling/feed/ 0
Panggigipit kay Tinio na nagsiwalat ng bagong pork barrel ni Aquino, kinondena ng akademya http://pinoyweekly.org/new/2014/08/panggigipit-kay-tinio-na-nagsiwalat-ng-bagong-pork-barrel-ni-aquino-kinondena-ng-mga-akademiko/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/panggigipit-kay-tinio-na-nagsiwalat-ng-bagong-pork-barrel-ni-aquino-kinondena-ng-mga-akademiko/#comments Fri, 15 Aug 2014 17:41:20 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31059 Kinundena ng mga guro ang panggigipit umano kay  ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at nagpahayag ng pagpapatuloy ng laban sa umiiral pa ring sistema ng pork barrel sa ilalim  ng gobyernong Aquino.<strong>Pher Pasion</strong>

Kinondena ng mga propesor at miyembro ng akademya ang panggigipit kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa harap ng pagsisiwalat niya sa audio recordings na naglalaman ng pag-amin ng mga opisyal ni Aquino na may bagong congressional  pork barrel. Pher Pasion

Nagkaisa ang iba’t ibang akademiko para suportahan ang ginawa ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na pagsiwalat ng bagong paraan ng congressional pork barrel sa Kamara.

Anila, Dahil sa walang interes ang administrasyong Aquino na tanggalin ang ganitong ilegal na sistema sa gobyerno. Kaya maging sila, nananawagan na rin sa mga mamamayan na patalsikin sa puwesto ang anila’y hari ng pork barrel na si Pangulong Aquino.

“Niloloko ni Aquino ang taumbayan. Ipinagpapatuloy niya ng palihim ang ipinagbawal na na pork barrel system o PDAF (Priority Development Assistance Fund). Nilabag niya ang Konstitusyon at batas. At ngayong ibinasura na ang ating impeachment complaint, lalo pa at nanawagan na siya (Aquino) ngayon na baguhin ang Konstitusyon upang panatilihin ang sarili sa poder. Wala pong iba pang maaaring gawin ang mamamayan kundi patalsikin si Pang. Aquino,” sabi ni Tinio.

Panggigipit kay Tinio

Ilan sa mga alyado ni Aquino sa Kamara ang tumuligsa kay Tinio at nagbanta na iharap siya sa Ethics Committee ng Kamara para bigyan umano ng parusa sa paglalantad ng nabanggit na audio recordings.

ACT Teacher's Rep. Antonio Tinio sa press conference sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman kaugnay ng pagbasura sa ikaapat na impeachment case laban kay Aquino.<strong>Pher Pasion</strong>

ACT Teacher’s Rep. Antonio Tinio sa press conference sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman kaugnay ng pagbasura sa ikaapat na impeachment case laban kay Aquino.Pher Pasion

Ayon kay Gerry Lanuza, propesor at tagapangulo ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy in UP (Contend-UP), kabayanihan ang ginawa ni Tinio. Sa kabila umano ng maraming banta, ipinagpatuloy pa rin niya na ilabas ang katotohanan at hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin ito natitinag.

“Nalulungkot kami kasi baliktad na ang ating lipunan, baliktad na ang ating mundo. Ang mga nagsasabi ng katotohanan, sila na ngayon (ang pinararatangang) sinungaling. Ang mga sinungaling ngayon, sila ang bida. Ang mga kriminal, sila na ang mga diyos at santo. Ang magigiting na nagpapahayag ng katotohanan, sila na ngayon ang kinakasuhan,” ani Lanuza.

Hindi rin umano maaaring pagtularin sina Tinio at Aquino. Nagpahayag kasi ang isang kongresista na ipokrito raw si Tinio sa pagtuligsa sa maling ginagawa ni Aquino para makuha ang “good intentions” dahil ganito rin daw si Tinio sa ginawa niyang pagrerekord.

Ayon kay Lanuza, mali ang paraan na ginamit ni Aquino at mali ang goal ng presidente. Samantalang ang ginamit ni Tinio ay tama ang pamamaraan at tama din ang intensiyon.

“Tumpak, wasto at dapat lamang niyang ginawa (ito) dahil ang pinag-uusapan natin ay pera ng bayan at dapat ito talaga ay isinisiwalat at nakikita ng mga tao sapagkat tayo rin ang nagbabayad ng tax at hindi dapat minomonopolisa ng mga mambabatas para sila lamang ang mag-decide ng hatian,” dagdag ni Lanuza.

Ganito din ang paniwala ni Bienvenido Lumbera, pambansang alagad ng sining at isa sa pumirma ng ikaapat na impeachment complaint, na nagsabing hindi usapin kung legal o ilegal ang ginawa ni Tinio, kundi kung ano ang laman ng impeachment charge na ito.

“Ang mahalagang makita ng publiko ay ang patagong paglabag ng presidente at kanyang mga tauhan sa batas sa sinumpaan ng pangulo at tahasang paglabag sa Konstitusyon. Ang dapat pagtalunan ay hindi kung ano ang ginawa ni Congressman Tinio na dapat parusahan ng Kongreso, kundi kung ano ang nilalaman ng impeachment charge,” ayon kay Lumbera.

Nagpahayag ng suporta ang Pambansang Alagad ng Sining na si Bien Lumbera laban sa patuloy na pag-iral ng pork barrel.<strong>Pher Pasion</strong>

Nagpahayag ng suporta ang Pambansang Alagad ng Sining na si Bien Lumbera laban sa patuloy na pag-iral ng pork barrel.Pher Pasion

Nagkuntsabahan

Nahalata na umano ng ACT na posibleng nagkuntsabahan ang administrasyon at ng Kamara sa pagtanggap pa lamang ng ikaapat na impeachment complaint laban kay Aquino noong Lunes.

Pahirapan daw kasi bago ito tanggapin ng records. Agad naman itong ibinasura ilang oras matapos tanggapin noong araw ding iyon.

“Nalulungkot ang kaguruan sa pagbasura ng impeachment complaint. Nakikita natin na sa kabila ng desisyon ng Supreme Court na ilegal at unconstitutional (ang pork barrel),ipinagpapatuloy pa pala (ng administrasyon),” ani France Castro, pangkalahatang kalihim ng ACT.

Tuloy ang laban

Nakiisa ang mga guro sa gagawing malaking pagkilos laban sa pork barrel sa Agosto 25, bisperas ng isang taon matapos ang Million People March.

“Sa Agosto 25, muli nating irerehistro sa kasaysayan sa usapin ng pagsama at pakikiisa sa malawak na masa upang itaguyod na mapatalsik dito ang walang kakuwenta-kuwentang pangulo, pahirap sa masa at talamak sa korupsiyon,” ayon naman kay Felix Farinas, mula sa All UP Worker’s Union.

Tutol din sila sa anumang hakbang para sa Charter Change na naglalayon umanong palawigin pa ang termino ni Aquino at pahinain ang kapangyarihan ng Korte Suprema.

“Hindi lamang dapat sampahan (sila) ng impeachment kundi dapat dumulo ito sa kanyang (Aquino) pagpapatalsik sa pamamagitan ng lakas at pagkakaisa ng mga mamamayan,” ayon kay Lanuza.

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/panggigipit-kay-tinio-na-nagsiwalat-ng-bagong-pork-barrel-ni-aquino-kinondena-ng-mga-akademiko/feed/ 0
‘Handa ka na ba sa malakihang protesta sa Agosto 25?’ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/handa-ka-na-ba-sa-malakihang-protesta-sa-agosto-25/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/handa-ka-na-ba-sa-malakihang-protesta-sa-agosto-25/#comments Fri, 15 Aug 2014 11:05:18 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31058 Nagtipon sa harap ng kampus ng Adamson University sa Maynila ang daan-daang estudyante ng Youth Act Now-Metro Manila at Scrap The Pork Alliance para makiisa sa noise barrage laban sa sistema ng pork barrel sa bansa. <strong>Demie Dangla/Tudla Productions</strong>

Nagtipon sa harap ng kampus ng Adamson University sa Maynila ang daan-daang estudyante ng Youth Act Now-Metro Manila at Scrap The Pork Alliance para makiisa sa noise barrage laban sa sistema ng pork barrel sa bansa. Demie Dangla/Tudla Productions

Noise barrage ng kabataan sa harap ng Bonifacio Shrine sa Maynila nitong hapon ng Agosto 15. <strong>Aries Gupit/Kontribusyon</strong>

Noise barrage ng kabataan sa harap ng Bonifacio Shrine sa Maynila nitong hapon ng Agosto 15. Aries Gupit/Kontribusyon

Isang malawakang noise barrage ang isinagawa ngayong Agosto 15 sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan para itambol ang pagtutol sa pagpapatuloy ng sistema ng pork barrel sa bansa.

Pinangungunahan ito ng #AbolishPork Movement. Nag-ingay at nagprograma ang iba’t ibang grupo para rin mangumbida sa mas malawak na publiko na lumahok sa malakihang pagtitipon sa Agosto 25, sa bisperas ng isang taong anibersaryo ng Million People March.

Kabilang sa mga nagsagawa ng noise barrage ang mga grupong nagtipon sa harap ng Korte Suprema, UP Manila, Elliptical Road, National Housing Authority, Department of Agriculture, Lung Center, Sandiganbayan, and Guadalupe (EDSA) sa tanghali.

Sa hapon naman, alas-kuwatro ng hapon, may mga pagtitipong naganap sa Philippine Womens’ University, Philippine General Hospital, Philippine Normal University, sa Kalaw at Padre Faura Avenue, sa National University, Blumentritt, Espana, E. Rodriguez, Sto. Domingo Church, at Philcoa.

Mga kawani ng gobyerno na lumuwas sa opisina para mag-ingay sa Quezon City Memorial Circle. <strong>Kontribusyon</strong>

Mga kawani ng gobyerno na lumuwas sa opisina para mag-ingay sa Quezon City Memorial Circle. Kontribusyon

“Nagpapakita si Aquino ng mga senyales ng sobrang hibang na megalomaniac (taong lango sa kapangyarihan). Sobrang high sa pork, nahihibang. Malinaw na nababaliw na ang kapita-pitaganang si Aquino: una, inatake ang Korte Suprema, tapos naglunsad ng yellow ribbon campaign na di pinatos, at ngayon naman, (inihayag) ang plano niyang mamuno habambuhay–para depensahan lang ang ilegal niyang holDAP. Nakakarinig na ba siya ng mga boses?” sabi ni Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan.

Pinatutungkulan ni Crisostomo ang pinakahuling pahayag ni Aquino na “bukas” siya sa pagrepaso sa Saligang Batas para bawasan ang kapangyarihan ng Korte Suprema at pahabaan ang termino ng kanyang Panguluhan.

Million People March: Isang Taon Pagkatapos

Samantala, mag-iisang taon na sa Agosto 26 ang protestang Million People March, na naghudyat sa malawakang pagtutol sa sistema ng pork barrel sa administrasyong Aquino. Pero sa kabila nito, at sa kabila ng pagtindig ng Korte Suprema laban sa pork barrel, nanatili ito sa pagbabadyet ng gobyerno.

Kung kaya, sa Agosto 25, Araw ng Kagitingan, muling nananawagan silang mga nag-organisa ng Million People March ng isang malawakang protesta, para muling igiit ang pagbasura sa sistema ng pork barrel. Sa Roxas Boulevard malapit sa Lunet Park, isang malaking programa ang gaganapin, habang titipunin ang pirma ng pinakamaraming bilang ng tao para sa People’s Initiative to Abolish the Pork Barrel System.

Ayon sa #AbolishPork Movment, na isa sa mga tagapanguna ng aktibidad, sinisikap nilang lalong palawakin ang suporta ng protesta at inisyatiba. Maliban sa iba pang grupong kontra-pork tulad ng #ScrapPork Network, inaasahang susuportahan din ito ng di-bababa sa 73 Katolikong obispo. Sinusuportahan din ng naturang mga obispo ang pangangalap ng pirma para makapagpasa ng batas na nagbabawal sa discretionary lump-sum spending o pork barrel.

Press conference ng mga tagapanguna para sa People's Initiative at protesta sa Agosto 25. <strong>Noemi Lardizabal-Dado/Kontribusyon</strong>

Press conference ng mga tagapanguna para sa People’s Initiative at protesta sa Agosto 25. Noemi Lardizabal-Dado/Kontribusyon

“Noong nakaraang taon, sinimulan natin ang krusada kontra sa korupsiyon (at) sa sistemang pork barrel.Isang taon na at nagawa nating iangat ang kamalayan ng publiko tungkol sa congressional at presidential pork, (gayundin ang) patronage politics at pambansang badyet. Nagwagi tayosa paglaban sa PDAF (Priority Development Assistance Fund) at DAP (Disbursement Acceleration Program) sa Korte Suprema. Pero nakakita ang gobyernong Aquino ng mga paraan para mamantine ang korap na sistema ng pork barrel,” sabi ng musiko at convenor ng #AbolishPork na si Monet Silvestre.

Kabilang sa mga hakbang ng Malakanyang para manatili ang pork barrel ay ang di-pormal na aregluhan sa pagitan ng mga mambabatas at kinatawan ng mga departamento sa gabinete ni Aquino.

“Hindi pa naipagwawagi ang laban. Kailangan na muling lumabas tayo, manindigan at pumirma laban sa pork,” sabi pa ni Silvestre.

Maliban sa #AbolishPork at #ScrapPork Netwrok, kasama rin sa magpapakilos at magpoprotesta ang mga grupong Volunteers Against Crime and Corruption, Concerned Citizens Movement, Babae Laban sa Katiwalian, Youth ACT Now, Whistleblowers Association, Artista Kontra Korapsyon, at progresibo at sektoral na mga grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan.

Nakiisa ang iba’t ibang personahe sa pormal na paglulunsad sa planong protesta na ginawa noong Agosto 12, kabilang sina Bernardo Bernado; VACC Chair Martin Dino; ang artistang si Mae Paner (a.k.a. Juana Change); Renato Reyes Jr. ng Bayan; ang  whistleblowers na sina Melchor Magdamo at Col. George Rabusa; si Fr. Robert Reyes; si Victor Villanueva, na presidente ng University of Sto. Tomas Law Student Council; ang lider-guro na si France Castro; ang nars na si Robert Mendoza; si Bong Labog ng Kilusang Mayo Uno, ang petisyuner sa Korte Suprema na si Greco Belgica at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio.

Maliban sa noise barrage kanina, maglulunsad din ang nabanggit na mga grupo ng isang People’s Congress na mag-aapruba sa panukalang batas na lalamanin ng People’s Initiative.

“Sa halip na pag-usapan ang pangalawang termino para kay Aquino, o ang tambalan at pakikipag-alyado ng mga pulitiko, dapat pag-usapan natin ang natatagong congressional pork na isiniwalat ni Rep. Tinio. Dapat mapanagot natin si Aquino sa DAP at mapigilan ang plano niya na isama sa 2015 badyet ang ilegal na mga iskemang mala-DAP,” sabi ni Reyes ng Bayan.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/handa-ka-na-ba-sa-malakihang-protesta-sa-agosto-25/feed/ 0
Taludtod at drama ng api http://pinoyweekly.org/new/2014/08/taludtod-at-drama-ng-api/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/taludtod-at-drama-ng-api/#comments Thu, 14 Aug 2014 20:39:07 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31025 Ilang tala hinggil sa Kleptomaniacs: A Rap Musical ng Tanghalang Pilipino at pelikulang Barber’s Tales (Mga Kuwentong Barbero) na dinirehe ni Jun Lana

Nicco Manalo at Micko Laurente sa "Kleptomaniacs". <strong>Tanghalang Pilipino</strong>

Nicco Manalo at Micko Laurente sa “Kleptomaniacs”. Tanghalang Pilipino

Mas mainam, palagay natin, na simulan ang pagsuri sa Kleptomaniacs: A Rap Musical ng Tanghalang Pilipino (dinirehe ni Tuxqs Rutaquio) mula sa puntong ito: hindi nanggaling sa kawalan (o hindi “nahulog na lang mula sa langit,” sabi nga ng isang matandang hangal) ang ideya ng rap musical tungkol sa mga karakter na mula sa iskuwater (mas maganda, at mas di-loaded, na gamitin ang terminong maralitang lungsod, o urban poor, pero baka mas pamilyar kayo sa iskuwater).

Ito ang isang punto na hindi masyado nababanggit sa lahat nang naisulat hinggil sa Kleptomaniacs. Marahil, dahil ito sa pinanggagalingan o bakgrawnd ng mga kritikong pandula: kaunti, kung mayroon man, siguro sa kanilang lumaki sa iskuwater. Kahit pa, sayang na hindi ito nabibigyan-diin, dahil matagal na ring kapansin-pansin ang popularidad ng rap sa mga maralitang lungsod. Bawat lugar siguro, lalo na iyung inoorganisa ng mga militanteng grupo tulad ng Kadamay, Gabriela o Anakbayan (at iba pa), ay may kanya-kanyang rap group na nagtatanghal sa mga pagtitipon at kahit sa mga rali. Nakatulong din siyempre sa paglaganap nito ang pagdami ng sikat na rapper sa mainstream na musika, mula sa sinaunang henerasyon nina FrancisM hanggang kay Gloc-9. Pero masasabing ang popular na penomenon na nagpasabog sa rap bilang pangkulturang penomenon ay ang FlipTop, na kadalasang inilalarawan na modernong Balagtasan.

Kaya sa odyens sa entablado na pamilyar sa musicals sa Pilipinas, kakaiba ang isang rap musical. Pero hindi na dapat ito kataka-taka, at panahon na lang ang nakakapagsabi bago mahawa ang teatro sa pangkulturang penomenon na lumalaganap ngayon sa daan-daanlibong kabataan (milyon pa nga siguro) sa pamamagitan ng social media. Mainam na bigyan-papuri si Layeta Bucoy sa pagsulat ng Kleptomaniacs, at sa pagkakaroon ng pandinig sa popular, hindi lang sa mga tagapanood sa teatro, kundi sa mga maralita na mismong sabdyek ng dula.

Tungkol sa isang komunidad ng maralita ang Kleptomaniacs. Sa partikular, tungkol ito sa isang karakter, si Tado (mahusay na ginanap ni Nicco Manalo), na nangakong magpakatino matapos malamang buntis ang kasintahang si Vicky. Di-kumbinsido si Vicky at ang buong komunidad na kayang magbago ni Tabo—maliban sa bestpren niyang si Ngongo (ang outcast na pangkaraniwan na sa mga dulang ganito, pero nakakaaliw pa rin) at ang nakababatang kapatid na si Butchoy. Sa puntong ito, pumasok ang tirador na si Peklat, at si Meyor, na nag-aalok ng trabahong pagkakaperahan—trabahong pamilyar sa sinumang tumira sa komunidad ng maralita. Sa karanasan ng bawat komunidad na naharap sa paglaban sa demolisyon (o trahedya tulad ng lindol), nariyan ang trabahong ito—ang trabahong mangumbinsi sa mga kapwa iskuwater na magsilikas dahil may planong proyekto ang gobyerno sa kanilang lupa na iniisk’watan. Inosenteng pinasok ni Tabo ang trabaho, pero ito rin ang nagdulot ng kapahamakan at pagbasag ng ideyalismo niya.

Sina Tabo, Butchoy at Vicky, at ang mga kapwa maralita sa "Kleptomaniacs". <strong>Photo courtesy: Tanghalang Pilipino/Hannah Dizon</strong>

Sina Tabo, Butchoy at Vicky, at ang mga kapwa maralita sa “Kleptomaniacs”. Photo courtesy: Tanghalang Pilipino/Hannah Dizon

Halatang may alam si Bucoy sa kulturang maralita, dahil nahuli niya ang esensiya ng dinaraanan ng mga maralita na tulad ni Tabo at ng komunidad sa kuwento. Mula sa mga musical number na mistulang nilikha na parang balagtasan—ala-FlipTop—(at kaya siguro napagkamalan ng isang kritiko na masyado raw preachy o nanenermon ito; pero preachy talaga ang rap) hanggang sa sentimyento ng maralita, may malinaw na sinseridad at simpatya ang dula sa sabdyek nito.

Totoong kulang sa dramatikong arko ang mga karakter, lalo na ang sekundaryong mga karakter, mula kay Vicky, sa mga magulang ni Tabo, kina Ngongo at Butchoy, hanggang sa mga kontrabidang sina Meyor at Peklat. Tanging si Tabo lang ang may pagbabago: mula sa buhay-tambay, hanggang sa pangakong pagpapakatino, hanggang sa pagpasok sa trabaho kay Meyor, hanggang disilusyon. Sa karakter ni Tabo makikita ang dramatic arc na marahil ay dinaraanan ng maraming maralita na napapaniwala sa propaganda ng estado na kung magsusumikap lang sila, makakabangon sila mula sa kahirapan. Samantala, sa pamamagitan ni Vicky at ng mga magulang ni Tabo, naisasalarawan ang panganib na malulong ng sinisismo ang maralita–ang kawalang-pakialam, paniniwalang di na magbabago ang mundo at kailangan na lang isipin ang sariling interes.

Hindi nalubos ang dramatikong arko ni Tabo. Hindi naresolba ang pagpapahirap sa kanya. Kaya trahedya ang kuwento niya. Pero kahit trahedya’y puwedeng maging progresibo. Mahusay naman (at sa pormang popular mismo sa sabdyek nito) na naipakita ng Kleptomaniacs ang cycle o siklo ng karalitaan, ang kultura ng kawalan-ng-magagawa, ang pagsasamantala ng mga makapangyarihan para manatili sila sa poder at manatiling maralita ang karamihang tulad ni Tabo. Sa pagpapakita sa esensiya ng problema—ang desperasyon ng maralita, ang paggamit ng naghaharing uri sa desperasyong ito para manatiling maralita ang maralita para maipagpatuloy ang paghahari nila—may pinatatrabaho sa ating odyens na harayain ang mga posibilidad ng paglaban at pagbabago.

* * *

Marilou (Eugene Domingo) at Cecilia (Iza Calzado): Paglabang higit sa sisterhood.

Marilou (Eugene Domingo) at Cecilia (Iza Calzado): Paglabang higit sa sisterhood.

Sa isang bahagi rin ng siklo nagsimula ang kuwento ng pelikulang Mga Kuwentong Barbero (Barber’s Tales), na dinirehe ni Jun Lana. Ito ang siklo ng pagsasamantala sa kababaihang maralita. Sa pagkakataong ito, ang sabdyek ay ang maralita sa kanayunan—si Marilou (mahusay na ginanap ni Eugene Domingo). Kung paniniwalaan ang kataga ni Karl Marx hinggil sa kasaysayan (“nauulit [ito], una bilang trahedya, pangalawa bilang komedya [farce]”), naganap ang kuwento ni Marilou sa isang bahagi rin ng siklo ng kasaysayan ng bansa: ang panahon ng batas-militar ni Marcos, taong 1975.

Nagsimula sa kuwento si Marilou bilang masunuring asawa ng isang barbero, si Jose (Daniel Fernando). Ginagawa niya kung ano ang tungkuling inaasahan sa kanya ng lipunan: ang mag-asikaso sa asawa. Si Jose naman ay sangkot sa mas malaking siklo ng pang-aapi. Kaibigan at barbero siya ng mapang-aping Meyor ng bayan (Noni Buencamino), na sangkot din sa nabanggit na bahagi ng kasaysayan (kaalyado niya sa pulitika si Marcos).

Magbabago ang lahat sa misteryosong pagkamatay ni Jose; matutulak si Marilou sa di-pamilyar na tungkulin bilang babaing nag-iisa. Sa una, tulad ng karaniwang maralita na babae ng nayon na lumaki sa atrasadong piyudal na kultura, hindi niya alam ang gagawin niya: Pupunta ba siya sa Maynila para mamasukang katulong (dahil iyun daw ang natural na pinatutunguhan ng isang biyudang probinsiyana na walang—o nawalan ng—anak), o mananatili sa baryo para ipagpatuloy ang negosyong barberya? ‘Yung huli ang pinili niya. Di-inaasahan, pero naipasa kay Marilou ang husay ni Jose sa paggupit.

Maagang natapos, kung gayon, ang siklo ng pang-aapi kay Marilou. Isang deus ex machina pa ang wakas nito (binangungot daw si Jose). Pero matatanto ni Marilou na hindi nagwawakas ang pang-aapi sa maralitang babae sa biyaya-ng-Diyos na pagwakas sa domestikong pagsasamantala. Kahit mahusay sa paggupit, hindi siya agad na kinikilala bilang barbero sa baryo. Babae kasi siya. Samantala, api rin sa kani-kanilang sitwasyon ang dalawa niyang kaibigan na sina Susan at Tessie (ginanap nina Gladys Reyes at Shamaine Buencamino). Silang lahat, ang buong baryo, nalulukuban naman ng kalupitan ng batas-militar.

Eugene Domingo at Nicco Manalo (nakatalikod)

Eugene Domingo at Nicco Manalo (nakatalikod)

Pero katulad ng maraming baryo sa mga probinsiya noong panahon ng batas-militar, lumaban ang ilan sa kanila. Nariyan, pangunahin, ang pamangkin ni Tessie na si Edmond (ginanap din ni Nicco Manalo ng Kleptomaniacs), na dating estudyante sa Maynila na namulat sa reyalidad at pangangailangan ng paglaban. Siya ang maglilikha ng tensiyon sa pagitan ng magkaibigang Marilou at Tessie. Pero sa kabila nito, positibo ang karakter ni Edmond: siya pa nga, o ang armadong kilusan na lumaban sa batas-militar na nilahukan niya, ang muling magbubuklod sa nagkatampuhang magkaibigan.

Swabe at hindi pilit o contrived ang pagtatahi ng iskrip sa lahat ng babaing karakter na inaapi, mula kina Marilou, Tessie, Susan at Cecilia (ang battered o binubugbog na asawa ni Meyor). Pero, ang maganda sa kuwentong ito, nareresolba man ang personal na alitan o conflict ng mga karakter na babae, hindi pa rin tapos ang pang-aapi sa kanila, dahil api pa rin ang sambayanan. ‘Yun nga lang, may konting shortcut na ginawa ang kuwento, sa paggawa sa panahon ng batas-militar bilang setting, mas madaling napapaliwanag ang katumpakan ng pagrerebelde. Hindi na kinailangang ipaliwanag kung bakit sa mga nayon nakabase ang New People’s Army o ano ang programa ng mga rebelde para sa mga magsasaka na mayorya ng sambayanan. Kumbaga, parang nagbabalikwas lang ang NPA dahil sa pasistang pang-aapi ni Marcos–at hindi pa sa mas batayang problema ng Pilipinas, tulad ng kawalan ng tunay na repormang agraryo. Kahit ang kontrabidang si Meyor, pinakitang pasista lang tulad ng amo niyang si Marcos. Pero tiyak, panginoong maylupa rin siya, kaya may personal na dahilan ang paglahok niya sa pasistang panunupil sa mga nagrerebelde sa bayan nila.

Pero minor na punto lang ito. Mahusay namang naipuwesto ng Mga Kuwentong Barbero ang lugar ng paglaban sa pang-aapi sa kababaihan sa paglaban sa pasismo o panlipunang pagrerebolusyon. Kumbaga, maaari mo itong masabi: Kung itinuloy ng Kleptomaniacs ang dramatikong arko ng karakter ni Tabo, malamang na piliin din niya ang landas na pinili ni Marilou: ang personal at panlipunang paglaya.

Bagamat natapos na ang inisyal na run ng Kleptomaniacs, magkakaroon ito ng re-run sa Nob. 28-30, Dis. 5-7, at Dis. 12-14 sa CCP Tanghalang Aurelio Tolentino. Balak din daw itanghal ng Tanghalang Pilipino ang dula sa mga eskuwelahan at komunidad sa buong bansa.

Sa panahong sinulat ang artikulong ito (Agosto 15), mapapanood ang Mga Kuwentong Barbero sa piling mga sinehan sa buong bansa.

Trailer ng Barber’s Tales:

Video teaser ng Kleptomaniacs:

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/taludtod-at-drama-ng-api/feed/ 0