Ang laban para sa tunay na reporma sa lupa ay isang masalimuot na pakikibaka. Pinagbuwisan na ito ng maraming buhay. Tampok sa Ped Xing ngayong ikalwang linggo ng Oktubre ang pagpaparangal sa ilang bayaning magbubukid.
Oct 9 2011 | Posted in
PED XING |
Read More »
Patuloy ang paggiit ng mga manggagawang bukid sa kanilang karapatan sa lupain ng asyenda. Ang pinakahuling hakbang: pagbubungkal at pagtanim sa lupang binakuran ng isang bangko na di-makatarungang pinagbentahan ng pamilyang Cojuangco-Aquino.
Pinakamalaking kataksilan.”
Sa ganitong paraang inilarawan ng mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang desisyon ng Korte Suprema na kontra sa panawagan ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita na ipamahagi na sa kanila ang asyenda.
Jul 5 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Hindi dumating kahapon ang matagal nang pinakahihintay ng mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita; ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng pagkansela sa stock distribution option (SDO) na magbibigay-daan sa pamamahagi ng 6,543 ektaryang asyendang pag-aari ng pamilya ni Pangulong Aquino. Matapos ang buong araw na paghihintay sa labas ng tanggapan ng kataas-taasang hukuman, umuwing puno [...]
Jun 15 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Kung papanig lang sa katwiran at katarungan ang Korte Suprema, nakatitiyak ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa kanila ang desisyon nito. Pero posibleng may mga makapangyarihang puwersang nagtutulak sa korte na magdesisyong di-pabor sa mga magsasaka.
Isiniwalat ng isang internasyunal na grupo ang malawakang pangangamkam ng lupa sa komunidad ng mga magsasaka sa San Mariano, Isabela matapos itong magsagawa ng isang International Fact Finding Mission (IFFM) noong Mayo 29 hanggang Hunyo 3. Sa presentasyon ng grupo noong Hunyo 7 sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, kinumpirma nito ang ulat ng naunang fact finding [...]
Jun 9 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Nagkampo ang mga manggagawang bukid at magsasaka mula sa Hacienda Luisita, Tarlac sa harapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City para iprotesta ang ika-23 taon ng anila’y huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Layunin din ng grupo na ipaabot sa Korte Suprema na magdesisyon ito pabor sa mga manggagawang bukid at [...]
Jun 7 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at gobyernong Aquino, nakasalang ang mungkahi na pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa, na ayon sa NDFP ay magbibigay-empleyo sa milyun-milyong manggagawang Pilipino.
Apr 29 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Dinagsa ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang Korte Suprema para hikayatin ang huli na maglabas na ng desisyon pabor sa mga kanila, sa lupain sa asyendang pag-aari ng kaanak ng kasalukuyang pangulo.
Mar 30 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Para raw masolusyonan ang lumalalang kagutuman at krisis sa pagkain, kailangang madebelop ang genetically-modified na mga pagkain tulad ng BT talong. Pero bukod sa kinukuwestiyon kung ligtas nga ang pagkaing ito, sinasabi ng mga grupo ng magsasaka na hindi makakabuti para sa kanila at sa sambayanan ang mga tulad ng BT talong.
Feb 2 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »