Pinoy Weekly
Posts tagged as: Armed Forces of the Philippines

Menor-de-edad, ginulpi ng sundalo hanggang mawala sa katinuan

Pangkaraniwang tinedyer si Gerald. Minsan, dumating ang mga militar sa baryo nila, at nangrerekluta sa mga tinedyer tulad ni Gerald na maging Cafgu. Nang tumanggi ang magulang niya, napag-initan ng militar si Gerald.

Dagdag na kagamitan ng AFP, paghahanda sa giyera muli sa Mindanao?

Isang araw matapos ang Ramadan, ipinarada ng Philippine Army sa Cotabato City patungo sa kampo ng 6th ID ang bagong mga kagamitang pandigma na mula pa sa Australia. Nagtataka tuloy ang marami: Kung nais ng gobyernong Aquino ng kapayapaan sa Mindanao, bakit pa kailangan ng dagdag sa gamit na magpapalala sa digmaan?

Tumitinding atake ng NPA sa AFP

Umiigting ang atakeng militar ng mga rebelde sa mga armadong puwersa ng gobyerno, laluna sa Mindanao. Ang gobyerno naman, ipinagpapatuloy ang programang kontra-insurhensiya na dati nang puminsala, hindi sa mga rebelde, kundi sa mga legal na aktibista.

Buhay at pakikibaka ng Morong 43 sa loob ng piitan

Anim na buwan na ngayong Agosto 2010 mula nang ilegal arestuhin at ipiit ng ating dakilang mga manggagawang pangkalusugan mula sa Camp Capinpin na ngayo’y nasa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig. Mahigpit nilang nilalabanan ang pagkainip sa kanilang kalagayan sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad at pagtanggap ng mga dalaw araw-araw, maliban tuwing Lunes.

Balik-tanaw sa muling binubuhay na patay: Kasaysayan ng ROTC sa bansa

Dinedebelop daw ng programang militar na ito sa hanap ng mga kabataang lalaki sa kolehiyo ang pagiging makabayan. Pero sa karanasan ng maraming naging kadete, kulturang militarista, mapanupil at korap lamang ang naipapalaganap nito.

[UPDATE] Pagbabalik ng ROTC haharangin ng kabataan

Tinututulan ng iba’t ibang grupo ng kabataan, maging ng kabataang kinatawan sa Kamara, ang panukala sa Kamara na ibalik ang Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga estudyante sa kolehiyo. “Tinuturuan ng ROTC na magbulag-bulagan at walang-imik ang mga estudyante. Ginagamit pa ng AFP ang programa sa red-baiting laban sa progresibong mga grupong pang-estudyante, sa [...]

Kumander ng Army, bihag ng NPA sa Mindanao

Inanunsiyo ng rebeldeng New People’s Army na bihag nila ngayon ang isang opisyal ng militar sa Southern Mindanao. Ayon kay “Ka Nadem”, tagapagsalita ng 4th Pulang Bagani Company, Merardo Arce Command ng NPA sa Southern Mindanao, hawak nila ngayon bilang prisoner of war (POW) si Cpl. Dominador Alegre, detachment commander ng 72nd Infantry Battalion ng [...]

Pagmamanman bilang pagsasanay

Iba talaga ang pagtrato ng militar sa mga sibilyan. Puwedeng-puwede silang pag-eksperimentuhan bilang bahagi ng pagsasanay ng mga nais magsundalo. Sadyang walang pakundangan ang mga dapat na nagtatanggol sa mamamayan! Nahuli noong umaga ng Setyembre 17 si Cpl. Hannibal Guerrero na kinukunan ng litrato ang bahay ni Dr. Bienvenido Lumbera sa Mapayapa Village, Quezon City. [...]

Alyansa ng MMDA at AFP, tinuligsa

Tinuligsa ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod ang bagong alyansa sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Metro Manila Development Authority (MMDA), na pinangangambahang magdudulot ng ibayong pang-aabuso sa kapangyarihan ng umano’y mga “siga sa kalsada.” Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pinirmahan ng MMDA at ng AFP noong Setyembre 3 na nagdedeklarang [...]

Apat na sundalo patay sa ambush ng NPA sa Davao

Apat na sundalong kabilang sa 10th Infanrty Division (ID) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napatay sa isang ambush ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Davao City noong Agosto 30, 2009. Sa pahayag ni Ka Parago ng 1st Pulang Bagani Company ng Merardo Arce Command, naganap ang ambush bandang ala-una ng [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes