Korte Suprema, huling depensa ni Gloria?

Kung patuloy na pumabor ang desisyon ng Korte Suprema sa dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, pagtitibayin nito ang sapantaha ng mga mamamayan na huling depensa ng mga Arroyo ang Korte Suprema.

Kung patuloy na pumabor ang desisyon ng Korte Suprema sa dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, pagtitibayin nito ang sapantaha ng mga mamamayan na huling depensa ng mga Arroyo ang Korte Suprema.
Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ginunita ng mga militante sa pamamagitan ng protesta sa harap ng embahada ng US ang pagbasura sa pagpapalawig ng RP-US Military Bases Agreement. Sa ilalim ng kasunduang ito, nagmantine ang militar ng US ng tiyak na mga baseng militar sa Clark, Pampanga at Sublic, Zambales. Taong 1991 nang ibasura ng Senado, sa botong 12-11, ang pagpapalawig sa implementasyon ng naturang kasunduan. (Macky Macaspac)
Pag-aalabin ng militanteng mga grupo ang paglaban sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis. Inanunsiyo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Anakpawis Party-list ang isang protestang bayan sa Agosto 31. Ang protesta’y pagkondena ng progresibong mga grupo sa overpricing [...]

Bidyo ng marahas na pagdispers ng mga pulis sa mga aktibistang nagrali sa harap ng embahada ng US para kondenahin ang anila’y di pantay na relasyon ng Pilipinas at US. Ipinamalas ng insidente, ayon sa mga aktibista, kung sino ang tunay na pinaglilingkuran ng mga pulis.
Sa saliw ng kanta ng The Jerks na “Sayaw sa Bubog,” narito ang ilan sa mga imaheng nakuha ng Pinoy Weekly sa dalawang magkahiwalay na pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng pag-aalsa sa EDSA noong 1986, habang sinisikap sagutin ang katanungang “Para saan, kailan, at para kanino ang pagdiriwang na ito?”
Binati ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang mga mamamayan ng Egypt sa pagpapatalsik sa rehimen ni Hosni Mubarak. “Matapos ang 18 araw ng walang tigil na protesta, sa gitna ng represyon, matagumpay na napatalsik ng mga mamamayan ang isa sa pinakamahabang diktadura sa Gitnang Silangan. Ang 30 taong paghahari ni Mubarak, na inayudahan ng US, [...]
Anumang katwiran ng DOTC at administrasyon ng MRT at LRT hinggil sa pagtaas ng pamasahe sa naturang mga linya ng tren, hindi pa rin nila mapabulaanan ang katotohanang gusto nilang ipapasan sa mga komyuter ang utang ng gobyerno mula sa maanomalyang kasunduan sa dayuhang mga mamumuhunan.
Ilang alaala ng militanteng lider sa EDSA Dos — sampung taon na ang nakararaan ngayong linggo. Inipaliliwanag din niya kung bakit hindi nasayang ang pag-aalsa ng mga mamamayan noong Enero 2001, at bakit mahalaga pa ito sa susunod na mga pakikibaka ng sambayanan para sa pambansang kalayaan at demokrasya.
Binati ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang House Justice Committee sa desisyon nitong ipagpatuloy ang proseso ng impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Ayon sa grupo, nararapat lamang igiit ng Kamara ang kapangyarihan nito lalo na’t halata namang walang ginagawa ang Ombudsman kundi iantala o pahinain ang proseso ng impeachment. Ang desisyon ng komite ay [...]
Nagmartsa ang aabot sa 1,000 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan patungong Mendiola Bridge para gunitain ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Ayon sa Bayan, patuloy pa ring buhay ang mga multo ng batas militar, tulad ng mga paglabag ng estado sa karapatang pantao. Nariyan pa rin ang pundamental na mga problema ng lipunang Pilipino, tulad ng kawalan ng tunay na repormang agraryo at malaalipin na kalagayan ng manggagawang Pilipino.
Bidyo: Paghihirap ng kababaihan sa Montalban
Bidyo: Detensiyon ni Ericson Acosta, sisiyasatin ng Amnesty International
Bidyo: Paskuhan ng mga bilanggong pulitikal
Bidyo: Pagtaboy ng mga pulis sa ‘campers’ sa Mendiola
Brutal na dispersal sa kampuhan, tatlong araw bago Human Rights Day
Larawan: Kabataan na ‘ookupa’ sa Mendiola, hinarang ng pulis