Pinoy Weekly
Posts tagged as: Barack Obama

‘Double standard’ ni PNoy sa North Korea, binanatan ng Migrante

Mapa ng North Korea. (Google Maps)

Umani ng kritisismo administrasyong Aquino sa pagsalita ng Pangulo kontra sa pagpapalipad ng rocket ng North Korea, samantalang nananahimik umano ito sa giyerang agresyon ng gobyernong US sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika.

State of the Union Address ni Obama: Bumabagsak na Amerika

PW-obama

Bagaman basura lamang ang tingin sa kanyang State of the Union address nitong Enero 24, 2012 ng kanyang mga karibal sa pulitika at tinatawag iyong State of Re-election Address, nagsasaad ito ng panawagan ni Obama ng patas na patakarang pang-ekonomya kung saan, aniya, “makukuha ng lahat kung ano ang dapat sumakanya” sa pamamagitan ng paggamit sa kapangyarihang estado para maitayo ang isang “ekonomyang magtatagal.”

Bagong estratehiyang pandepensa ng US, nakapokus sa Asya, PH

PW-PNoy-Lieberman-McCain-US-military-presence-in-philippines

Pinaiigting ng gobyerno ng US ang presensiyang militar nito sa rehiyon ng Asya Pasipiko, kabilang ang Pilipinas. Malinaw na labag ito sa soberanya ng bansa. Pero patuloy naman ang paborableng pagtanggap ng administrasyong Aquino sa presensiyang militar ng US sa bansa

Libya y Libertad

Lumalabas na naman ang pagiging ipokrito ng imperyalistang US sa pagbibigay-katwiran nito sa gerang agresyong inilulunsad nito sa Libya. “Tumutugon tayo sa mga panawagan ng isang nanganganib na sambayanan,” sabi ni Presidente Barack Obama ng US. Ipinagtatanggol lang daw ng US ang mga mamamayang Libyan na lumalaban at nagpapabagsak sa gobyerno ni Muammar Gaddafi, presidente ng naturang bansa.

Suporta ng Pilipino sa mamamayan ng Egypt, patuloy

Nagpiket ngayong araw sa harap ng embahada ng Estados Unidos sa Maynila ang iba’t ibang progresibong grupo para ihayag ang kanilang suporta sa pag-aalsa ng mamamayan ng Egypt para wakasan ang isang diktadurang sinuportahan ng Estados Unidos, isang malapit na alyado ng Pilipinas. Kasama ang grupo ng Overseas Filipino Workers na Migrante International, hinamon din [...]

Topak Obama

Bukod sa natalo ang Democratic Party ni Presidente Barack Obama sa Republican Party, na isang datos, nagkakasundo sa limang bagay, sa minimum, ang mga nabasa kong pagsusuri sa kakatapos na eleksyong mid-term sa US. Una, naging referendum ang eleksyon sa dalawang-taong panunungkulan ni Obama bilang pangulo. Ikalawa, lumaki ang suporta ng Republicans habang kumitid naman ang sa Democrats. Ikatlo, sentral na usapin sa pagboto ng mga mamamayang Amerikano sa eleksyong ito ang ekonomiya. Ikaapat, malaki-laki ang papel ng Tea Party sa naging takbo at resulta nito. At ikalima, mapagpasya ang resulta sa magiging mga hakbangin ng rehimeng Obama.

US patalo sa Afghanistan

Halos isang dekada na sapul nang salakayin ng US at mga kaalyado nitong bansa ang Afghanistan. Pero, imbes na magapi ang mga rebelde, lalong lumalakas ang mga Islamic militants sa pamumuno ng Taliban. Pagkaraang mapatalsik sa Kabul, nakapagreorganisa na ang Taliban at lumalawak ang sakop nitong teritoryo, na halos mapasok na uli ang kapitolyo ng bansa.

Ilusyon sa ugnayang panlabas

Lumipad noong Setyembre 22 si Pangulong Aquino patungong US. Ito ang unang opisyal na biyahe sa kanyang anim na taong panunungkulan bilang presidente ng  Pilipinas.  Sa kanyang mensahe bago lumipad, tahasang sinabi ng pangulo na ang nakaayon ang biyahe niya sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng public at private sector. Sinabi pa niyang lilikha [...]

Taas ng Turing

Bakit, kapag may hostage crisis ba sa isang estado ng US, inaasahan bang pumunta si Barack Obama? Bakit, ang isang gobernador ng Pilipinas, pwede bang direkta na lang sumulat kay Barack Obama o Hu Jintao?

Neoliberalism Reloaded

(1) Sa hanay ng mga kapanalig ni Presidente Noynoy Aquino, may isang paraan para mapag-iba ang mga sagad-sagarin sa mga kahit paano’y kritikal kung magsuri, iyung may katapatan pangunahin sa pangulo at iyung pangunahin sa bayan: Paano nila hinuhusgahan ang unang State of the Nation Address ni Noynoy? Kung puro papuri, nakahanay sila sa nauna; kung kahit paano’y may papitik-pitik na pagpuna, sa ikalawa.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes