Pinoy Weekly
Posts tagged as: Bayan Muna

‘Diskriminasyon’ sa canvassing ng party-list, kinuwestiyon

Kinuwestiyon ng Bayan Muna ang umano’y “diskriminasyon” ng Commission on Elections at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) laban sa mga party-list dahil sa mabagal na pagbilang at pagsasapubliko ng resulta ng canvassing ng mga boto para sa party-list. Inanunsiyo ng PPCRV ngayong araw ang terminasyon ng kanilang canvassing; habang umalis sa Philippine International [...]

Taga-usig ng DOJ na nagprotesta sa pagpapalaya sa dalawang Ampatuan, pinuri ng NUJP

Pinuri ng National Union of Journalists of the Philippines ang pagprotesta ng mga pampublikong taga-usig (public prosecutors) sa utos ni Acting Justice Sec. Alberto Agra na inaabsuwelto sina Zaldy at Akmad Ampatuan sa pagkakasangkot sa masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009. Ang pagprotesta sa utos ni Agra ang tanging “marangal” na hakbang para [...]

Militar nahuling nangangampanya vs progresibong party-list

Davao City–Nahuli ng mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang 69th Infantry Batallion na nangangampanya laban sa progresibong mga party-list sa loob ng Philippine College of Technology noong Abril 6. Nasaksihan mismo ni John Birondo, tagapagsalita ng Bayan-Southern Mindanao Region, ang porum kung saan isang sundalong may apelyidong Santiago ang nanghimok sa mga estudyante [...]

Bayan Muna nanguna sa sarbey

Tatlong kinatawan ang mapapaupo ng Bayan Muna sa Kongreso kung ngayon gaganapin ang halalan, ayon sa pinakahuling sarbey na isinagawa ng Pulse Asia. Batay sa sarbey ng Pulse Asia noong Enero 22- 26, 8.03 porsiyento ang nakuha ng Bayan Muna, na “nagtitiyak” ng tatlong kinatawan para sa progresibong party-list. Pumangalawa sa Bayan Muna ang 1-Aangat [...]

Prinsipyadong pambato sa Senado

Sa kanyang mahabang buhay pampubliko, maraming naging tungkulin si Satur Ocampo: mamamahayag, aktibista, rebolusyonaryo, negosyador, mambabatas. Tumatak sa madla ang imahen ng marangal at matapang na progresibong kinatawan ng Bayan Muna sa Kamara.

Paano ka makakatulong sa mga mamamayang biktima ni Ondoy?

Marami ang nabigla sa hagupit at pananalasa ng bagyong Ondoy. Marami ang nawalan ng tahanan at maging mga mahal sa buhay dahil sa trahedyang itinuturing na pinakamatindi sa huling apat na dekada. Samantala, maagap namang tumugon ang makabayang mga organisasyon, institusyon at mga indibidwal upang makatulong sa mga biktima ni Ondoy.

Pulong ng grupong party-list sa Cagayan sinalakay

Isang pulong ng mga grupo ng party-list na kinabibilangan ng Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, at Kabataan ang sinalakay ng pinaghihinalaang mga elemento ng militar sa Cagayan Valley noong madaling-araw ng Hunyo 11. Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, tinatayang 30 armadong lalaki na nakaunipormeng militar ang sumalakay at tumangay sa [...]

Video: Kung papaano nahimok si Satur Ocampo na tumakbo sa Senado

Dahil sa masidhing panawagan ng mga tagasuporta na ipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa bayan, tatakbo si Bayan Muna Rep. Satur bilang senador sa ilalim ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan sa halalang 2010. Heto ang ilang bahagi ng talumpati ni Ocampo hinggil sa saloobin niya sa pagtakbo, at ang parangal ng iba’t ibang personalidad sa kanyang 45 taon ng pakikibaka.

Bagong tawag ng pakikibaka kay Satur Ocampo

Sa edad na 70, hindi pa rin pala makapagreretiro sa aktibismo si Satur Ocampo. Panahon na, ayon sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta, para magkaroon ng isang tunay na makabayan sa Senado.

Rep. Neri Javier Colmenares ng Bayan Muna

Tinaguriang people’s lawyer dahil sa matagal nang rekord ng pagdedepensa niya sa mahihirap at pinagsasamantalang mga kliyente, si Neri Javier Colmenares na ngayon ay pangatlong representante sa partidong Bayan Muna sa Kamara. Beterano ng Batas Militar, naging tanyag din siya bilang abogadong nagdepensa sa mga nilalabag ang karapatang pantao ngayong kasalukuyang rehimen. Eksperto rin sa [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes