Pinoy Weekly » blogging

Troll You Need is Love
Matagal ko nang nababasa ang salitang “troll” sa mga blog, pero hindi ko alam ang ibig sabihin. Inalam ko na lang nitong huli kaugnay ng isang dating madalas magkomento sa blog ko.

Sabi ng Wikipedia, na bagamat hindi wastong sipiin sa mga sulating pang-akademiko ay ubra na sa bagay na ito, ang troll ay:

Isang taong naglalagay ng probokatibo, walang kinalaman o wala-sa-paksang mensahe sa isang komunidad na pang-online… sa pangunahing layunin na mag-udyok ng ninanais na tugong emosyunal o guluhin ang normal na talakayan sa isang paksa.

Isang troll pala ang kolumnista at blogger na si Manuel Buencamino, naisip ko. At pagto-troll pala ang ginawa niya sa mahabang panahon sa blog ko. Kapag tinuligsa mo si Noynoy Aquino, babatuhin ka niya ng putik. Ililihis niya ang paksa sa mga “krimen” ng mga nagsulong ng sosyalismo sa kasaysayan – totoo man o gawa-gawa lang niya. Palalabasin niyang naloloko o nanloloko lang ako at ang mga nagkokomento sa blog.

May nagpayo kasi sa akin noong una na hayaan lang siyang magkomento nang magkomento – at nang malantad ang kababawan, kahungkagan at pagka-reaksyunaryo ng mga ideya niya. Kaya hinayaan ko naman. Sagutan kami. Komento kontra komento. Broadband kontra broadband. Bakit, hindi na pang-mayaman lang ang broadband ngayon, naisip ko; mayroon na rin kaming nakakababang panggitnang uri. At nalantad naman, sa tingin ko, ang kababawan, kahungkagan at pagka-reaksyunaryo ng mga ideya niya.

Pero sobra-sobra ang kayabangan niya: Pinapalabas niyang kapag hindi siya sinagot ay siya ang tama at basura ang pinapaniwalaan mo. At laging may sasagutin, dahil wala na yatang ginagawa sa buhay niya si Buencamino kundi isulong ang interes ng rehimeng Noynoy sa blogosphere. Magkano kaya ang bayad sa kanya? At higit sa lahat, malinaw namang hindi talakayan ang pakay niya, kundi panggugulo sa talakayan – kasabay ng todo-todong paninira sa Kaliwa at pagdedepensa sa rehimeng Noynoy.

Kaya hindi pwedeng hayaan siyang tuluy-tuloy lang na magkomento. Napapanatili niya ang pagiging kagalang-galang na kolumnista at blogger habang ginagawa niyang poso-negro ang seksyong komento ng blog ko. Habang ingat na ingat siya sa mga sinasabi sa kanyang kolum at blog, todo-imbento naman siya ng mga “krimen” ng mga sosyalista sa blog ko. Pinagpapatay raw ni Mao Zedong ang mga kalaban sa pulitika? Kahit mga reaksyunaryo, hindi nangahas mag-imbento ng ganyang kasinungalingan.

Inilalarawan ng Marxistang intelektwal na si Fredric Jameson [“Lenin as Political Thinker,” Valences of the Dialectic, 2009] ang palagiang hakbanging pangretorika ni Buencamino:

Syempre pa, ang pagpalit ng pulitikal sa ekonomiko ay ang istandard na taktika ng lahat ng burgis na pag-atake sa Marxismo – ang ilihis ang debate mula sa kapitalismo patungong kalayaan, mula sa pagsasamantalang pang-ekonomiya patungong representasyong pampulitika.

Ikinukwento naman ni Mark Fisher (aka K-Punk), maka-Kaliwang blogger at teorista, ang kalakaran noon bago nagkaroon ng seksyong komento ang mga blog:

Isa sa pinakasignipikanteng nangyari ay ang pagpasok ng mga komento; isang pagbabagong sa tingin ko sa pangkalahatan ay hindi maganda. Noong mga unang panahon ng mga blog, kung gusto mong tumugon sa isang paskil (post), kailangan mong tumugon sa sarili mong blog, at kung wala ka pang blog, kailangan mong gumawa.

Sang-ayon din sa ganito ang patakaran sa komento sa blog ng Pilipinang mamamahayag na si Raissa Robles:

Kung gusto ninyong atakehin ako, magtayo kayo ng sariling blog. Pero hindi ninyo magagawa iyan sa blog ko… Mayroon ding mga troll sa Internet na ang tanging ligaya ay magpunta sa mga blog, maghanap ng away at umupak nang walang batayan. Ang bagong patakaran ko sa komento para sa kanila ay – Tutukuyin kita kung isa kang troll, at babansagan kita nang ganoon.

Mahirap ang kalagayan para sa Kaliwa na inilarawan ni Jodi Dean, blogger din at teorista, at inilahad ni Mark Fisher:

Ginagamit ng Kanan ang demokratikong pagbubukas (openness) para magsulong ng malinaw at mapanghating mga posisyon; ang Kaliwa, sumasandig sa pagiging bukas muna, kaya nakikilala sa pagiging bukas mismo sa halip na sa isang bungkos ng malinaw na mga patakaran.

Kaya ba-bye na, Buencamino. Tama na ang mga komento mong mali, abusado at panggulo. Hindi ito panunupil o sensura. May blog ka; diyan ka magkalat ng basura.

19 Oktubre 2010

Pahaging sa responsableng blogging (Huli sa dalawang bahagi)
Walang problema sa intensiyon  pero may malaking isyu sa implementasyon.

Hindi dapat pagdudahan ang  motibasyon ni Ella noong Oktubre 21 na ipakalat sa pamamagitan ng kanyang  blog ang diumanong  pananatili ng relief goods sa warehouse ng Department of Social Work and Development  (DSWD). Hangga’t walang ebidensiyang ginawa niya lang ito bilang taktikang  search engine optimization (SEO), mainam na iwasan ng ilang bloggers ang pagbibigay ng walang batayang kuro-kuro.

Usapin kasi ito ng empirikal  na datos. May limitado man akong kaalaman sa SEO (patunay nito ang mataas  na Alexa traffic rank at Google PageRank ng dannyarao.com),  wala akong karapatang husgahan si Ella na sinulat niya ang nasabing  post para lang makakuha ng web traffic batay sa kanyang itinakdang  search strings. Nasaan ang datos bilang pagpapatunay dito? Anong  viral campaign ang diumanong nais na gawin ni Ella at ano ang kanyang  layunin? Kasama ba siya sa diumanong destablizers na nais pabagsakin  ang pamahalaan? Binayaran ba siya ng oposisyon para magpalaganap ng  impormasyon laban sa DSWD? Kung oo ang sagot sa huling dalawang tanong,  kailangang maglabas ng pruweba.

Walang lugar ang ispekulasyong  isinasapubliko sa pagpapataas ng panlipunang diskurso. Iba ang obhetibong  paglalahad ng pagsusuri sa subhetibong pagbibigay ng unang pumasok sa  isip. Ang una’y malalim na pinag-iisipan, ang huli’y mabilis na  pinapalaganap.

Ang pakikipag-unahan sa pagpapakalat  ng hindi-beripikadong impormasyon ay tuksong dapat labanan sa panahon  ng new media. Ang pikit-matang pagdedesisyon ay gawain lang ng  isang indibidwal na madalas na ginagamit ang mga katagang “puwede  na” at “bahala na.”

Maaaring maiugat ang pagpapadala  sa “tukso” sa “angking kagandahan” ng teknolohiyang  kontrolado ng maraming blogger. Alam nating lahat na malaking  tulong ang convergence na hatid ng new media (na kung  saan bahagi ang blogosphere) sa pagbibigay hindi lang ng teksto  kundi ng mga larawan at streaming audio at video.  Bukod sa pinagsamang katangian ng print at broadcast,  kayang-kaya ng new media ang mabilisang pagpapakalat ng impormasyon.  Dahil sa katangiang ito, nauunahan ng blogosphere at social  media ang mga organisasyong pang-midya sa print, radyo at  telebisyon sa pagbabalita, lalo na sa panahong mabilis ang mga pangyayari  tulad ng bagyo o coup d’etat.

Sa aking pagsusuri ng maraming  blog entry, minsa’y may nararamdamang tagumpay ang maraming  blogger tuwing nauunahan nila sa pagbabalita ang tinatawag na tradisyunal  na midya. Halimbawa, maraming blogger at social media user ang bumatikos sa mga organisasyong pang-midya nang may nagpalaganap  ng balitang walang peryodistang nasa House of Representatives (HOR)  noong gabi ng Hunyo 2 nang aprubahan ang House Resolution No. 1109 na  naglalayong buuin ang constituent assembly para baguhin ang Saligang  Batas. Pero lumabas na hindi pala totoo ang balita.

Puwedeng dala ito ng emosyon  dahil kahit naman sinong nagmamahal sa bayan ay natural na magagalit  sa gawi ng mga tiwali sa pamahalaan. Pero sa kabila ng galit, kailangan  pa rin ang hinahon sa pagpapalaganap ng impormasyon. Ang isang emosyonal  na blog entry, status update o tweet ay hindi nakakatulong  sa paghuhubog ng opinyong pampubliko lalo na’t kung batay lang ito  sa subhetibong pagtingin sa isang pangyayari.

sipin mo na lang: Ano ang  magiging epekto sa iyo kung sakaling gumamit ako ng malulutong na mura sa aking pagsusuri ng anumang katiwalian sa lipunan? Paano na lang kung  puro personal na atake lang ang gagawin ko sa aking mga katunggali?  Kung sakali, makakatulong ba ang mabilis na nakuha pero maling impormasyong  gagamitin ko sa aking mga artikulo? Bukod sa makakaapekto ang mga ito  sa aking kredibilidad, hindi nito mapapataas ang antas ng diskurso na  lubhang kinakailangan para mamulat ang mga mamamayan sa pamamagitan  ng panulat.

Kung susuriin ang post ni Ella, wala kang pagdududa sa intensiyon niyang magbigay ng impormasyon  sa publiko. Kahanga-hanga pa nga ang tapang niyang kunan ng litrato  ang loob ng DSWD warehouse para patunayan ang napakaraming  relief goods na sinabi niyang hindi naipapamigay sa mga nangangailangan.

Pero sa kabila ng malinis na  intensiyon, ano ba ang nilalaman ng kanyang artikulo?

Sa unang talata pa lang, kapansin-pansin  ang sensationalism sa paglalahad ng detalye. Halimbawa, dahil  sa kahalagahang maipalaganap ang mahalagang impormasyon, sinulat niyang  “I disabled a plugin so you can copy the photos of relief goods  rotting in DSWD warehouses.” Kung ang relief goods ay  tunay na nabubulok, ibig sabihin nito’y perishable items ang  mga nasa warehouse ng DSWD. Pero ang kitang-kita sa mga larawan  ay mga kaldero, tubig, banig, kumot, laruan, sabon at mga de-latang  pagkain tulad ng sardinas at pork and beans (na hindi malinaw  kung kailan ang expiration).

Malabo rin ang paglalahad ng  importanteng datos. Sinulat niyang nakapanayam ng isang patnugot ng  Philippine News si DSWD Sec. Esperanza Cabral pero lumalabas na  ang sekretarya lang ng huli ang nakausap, batay sa sumunod na talata  at sa hiwalay  na pahayag ng nasabing  patnugot (na kung naging maingat lang si Ella sa atribusyon ay sinulat  sana niyang columnist at contributing editor ng Philippine  News). Kahit na hindi niya alam ang kaibahan ng editor sa  contributing editor, malaking tulong ang paglalahad ng tamang datos  sa pagpapaliwanag ng mahahalagang punto.

Kailangan ding banggitin ang  kanyang mga spekulasyong hindi nagpapalalim kundi nagpapababaw sa diskurso:  “The relief goods are not moving. By the way things look, they  are not going anywhere. Hindi maglalakad mag-isa ang mga donations na ito papunta sa mga evacuation centers.”

Walang lugar sa responsableng  blogging ang huling pangungusap dahil mas mahalagang ipaliwanag  nang malalim (at nang mahinahon) kung bakit sa tingin ni Ella ay mananatili  sa loob ng DSWD warehouse ang relief goods, batay sa mga  naobserbahan niya.

Tungkol na rin sa kanyang obserbasyon,  nabanggit ni Ella na pinagbawalan silang kumuha ng litrato sa loob ng  warehouse. Hindi sapat ang sinulat niyang “I wonder why.”  Ang sinumang pinagbawalan ay pinagsabihan, at madali namang itanong  kung bakit ganoon ang patakaran. At kung sakaling ayaw magbigay ng dahilan,  ito ang puntong mahalagang isulat dahil ipinapakita nito ng kawalan  ng transparency at accountability ng kasalukuyang administrasyon  kahit sa panahon ng trahedya. Sa kontekstong ito, magkakaroon din ng  malakas na batayan ang patagong pagkuha ni Ella ng mga larawan.

Kahit na sabihing personal na naratibo ang nasabing post ni Ella, hindi nakakatulong ang  sumusunod na pahayag kaugnay ng isyung ang lokal na relief goods lang ang nire-repack ng grupo niya: “Mahiwagang mga kahon  from Japan Aid…Hindi rin ito kasali, of course. Hindi namin  alam kung ano ang laman nito. ‘Imported’ are not included, we have  concluded.” Napakaseryoso ng mga ganitong alegasyon at lubhang  kinakailangan ng sapat na datos bilang batayan ng nasabing konklusyon.  Malinaw na hindi sinusuportahan ng mga larawan ang kanyang mga argumento.

Bukod sa pagtalon sa kongklusyon, halatang-halata ang kawalan ng hinahon sa paglalahad ng argumento. Sa  puntong ito, hind ko tatanggalin ang mga nakasulat na mura at mga salitang  inilagay sa malaking titik na nagsisilbing paliwanag sa litrato ng isang  trak ng DSWD na may nakasulat na Do Not Delay: “YOU THINK??  WTF is the matter with these people? Mag-iisang buwan na mula nang masalanta  ang mga kababayan natin. ISANG BUWAN!! Do you mean  “do not delay ang dati nang delayed”?? Shet…Anong ginagawa ng  mga donations na ito sa warehouse?? APAT na warehouse ang nasa loob  ng compound na ‘yon! APAT na warehouse na punong-puno ng inaalikabok  na relief goods! Relief goods na ayaw yata ibigay sa mga nasalanta.  Halatang-halata.”

Sa kabila ng mga kahinaan sa  pagbibigay ng makabuluhang impormasyon, masasabing may positibong epekto  ang sinulat ni Ella dahil napakilos nito ang DSWD sa pamimigay ng  relief goods. At kung noon ay bawal diumanong kunan ng larawan ang  loob ng warehouse, pinapasok na ang midya para siyasatin kung  ginagawa nga ba ng DSWD ang trabaho nito.

Masasabi tuloy na nakamit ni  Ella ang layunin niyang mapakilos ang DSWD at makatulong sa mga nasalanta  ng mga bagyo. Bagama’t karapat-dapat siyang bigyan ng papuri, sa aking  palagay ay kailangan pa rin siyang paalalahanang may kaakibat na responsibilidad  ang pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng blog. Totoong  limitado lang ang kasalukuyang naaabot ng Internet dahil 24 milyong  Pilipino lang ang gumagamit nito. Pero nagiging batayan ng mga ulat  ang anumang importanteng impormasyong nasa Internet, lalo na  sa blogosphere at social media.

Sa kaso ni Ella, kailangan  lang asahan ang paggamit ng nasabing post at pagsisiyasat ng  midya sa mga alegasyon niya. At nang mapatunayang may ilang kamalian  sa datos, karapatan ng midyang iulat ang mga ito hindi para pahiyain  si Ella kundi para iwasto ang anumang kumakalat sa Internet.  Tungkulin ng midyang suriin ang katotohanan at alamin ang konteksto  sa kawalan ng kakayahan at kahandaan ng mga ahensiya ng gobyerno sa  panahon ng trahedya.

Sa aking palagay, nararapat  na ipagpatuloy ni Ella at ng mga blogger ang pag-uulat sa mga  nangyayari sa ating lipunan. Pero ibayong pag-iingat ang kailangang  gawin sa proseso ng blogging.

Hindi katulad noong dekada  90 na kailangan ng kaalaman sa web publishing, ngayon ay napaka-user  friendly ng content management system (CMS) na ginagamit  sa blogging tulad ng WordPress.

Dahil dito, kahit sino’y  puwedeng magkaroon ng blog, mula sa mga responsableng peryodistang  bukas na niyakap ang bagong teknolohiya hanggang sa mga may-edad nang  tila walang pinagkatandaan (at patuloy na nagsusulat ng mga walang katuturan).  At, siyempre pa, hindi natin dapat kalimutan ang kabataang tulad ni  Ella.

Sana’y ang simpleng pahaging na ito sa responsableng blogging ay magmistulang bulong na parating  maririnig sa proseso ng pagkakalap ng datos, pagsusulat ng post at pagpapakalat tungo sa pagmumulat.

Para makipag-ugnayan sa  awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Pahaging sa responsableng blogging (Una sa dalawang bahagi)
Gaano na ba kalawak ang impluwensiya ng Internet sa Pilipinas? Ayon sa pinakahuling datos ng Internet World Stats (http://www.internetworldstats.com/asia.htm#ph), ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng Internet ay umaabot na sa 24 milyon (Hunyo 2009).

Limitado man ang saklaw ng kasalukuyang naaabot ng Internet – 27 porsiyento lang ito ng kabuuang populasyong 88.6 milyon (National Statistics Office, Marso 2007) – hindi pa rin matatawaran ang kapangyarihan nito.

Ayon sa Universal McCann Report Wave 3 (Marso 2008), ang mga Pilipinong araw-araw o isang beses sa dalawang araw na gumagamit ng Internet ay umaabot sa 3.7 milyon. At alam mo bang sa bilang ng aktibong mga gumagamit ng Internet, 3.3 milyon (o 90 porsiyento) ay nagbabasa ng mga blog?

Sa kabila ng limitadong saklaw, lumalaki pa rin ang kapangyarihan ng Internet sa pangkalahatan at ng blogosphere  sa partikular. Hindi ako makapaniwala sa isa pang datos na ibinigay ng Universal McCann: Tinatayang 2.3 milyong Pilipino ang may sariling blog!

Pabiro kong nabanggit sa isang pagtitipon ng mga Pilipinong blogger noong Setyembre na baka may kaugnayan ang 2.3 milyong Pilipinong blogger sa kawalan ng trabaho sa bansa. Ayon kasi sa Labor Force Survey noong Hulyo 2009, 2.9 milyong Pilipino ay walang trabaho. Siyempre’y nagtawanan ang marami sa pabiro kong paglalagay ng koneksiyon sa dalawa.

Pero ang tanong sa puntong ito: Ano kaya ang nagtutulak sa milyon-milyong Pilipino para gumawa ng sariling blog? Wala pang malinaw na komprehensibong pag-aaral tungkol sa gawi ng mga Pilipinong blogger. Kung pagbabatayan ang pag-aaral ng Technorati na State of the Blogosphere 2009, lumalabas na ang pagpapahayag at pagbabahagi ng kaalaman ay mga pangunahing dahilan: “Self-expression and sharing expertise continue to be the primary motivations for bloggers, and 70% of all respondents say that personal satisfaction is a way they measure the success of their blog… Blogs continue to be defined in a sense by the personal narrative, with 45% of all respondents (but only 12% of Pros) reporting that they blog about their ‘personal musings.’”

Totoo kaya ang mga ito sa kaso ng Pilipinas? May limitasyon ang pag-aaral ng Technorati. Kahit na ang survey ay isinagawa sa 50 bansa, ang mga respondent ay mula lang sa Estados Unidos (48 porsiyento), European Union (26 porsiyento), Asya Pasipiko (10 porsiyento) at iba pa (16 porsiyento).

Hindi tuloy nakakagulat na ang pangkabuuang paglalarawan ng Technorati sa isang tipikal na blogger ay hindi masyadong akma sa kondisyon ng Pilipinas. Ayon sa pag-aaral nito, “Overall, bloggers are a highly educated and affluent group. Nearly half of all bloggers we surveyed have earned a graduate degree, and the majority have a household income of $75,000 per year or higher. As blogging is now firmly a part of the mainstream, we see that the average blogger has three or more blogs and has been blogging for two or more years. We are also noticing an ever-increasing overlap between blogging and mainstream media.”

Sa usapin pa lang ng taunang kita ng isang pamilya, madaling sabihing masyadong mataas ang $75,000 o P3.5 milyon bilang karaniwang taunang kita ng pamilya ng mga Pilipinong blogger. Ayon sa 2006 Family Income and Expenditure Survey (FIES) ng NSO, ang karaniwang taunang kita ng pamilya (average annual family income) ay P173,000 o $3,681. Kahit ang mga pamilyang nabibilang sa 10 porsiyento ng mga nakaaangat sa Pilipinas (10th decile) ay tinatayang P622,000 o $13,324 lang ang karaniwang taunang kita.

Maaaring may bahid ng katotohanan ang karaniwang taunang kitang P173,000 dahil nangangahulugan ito ng buwanang kitang P14,416 para sa isang pamilya. Pero totoo bang mababa sa isang milyong piso ang taunang kita ng mayayamang pamilya sa Pilipinas.