Pinoy Weekly
Posts tagged as: Carper

Ekstensiyon ng CARP, ‘hindi regalo kay Cory’

“Hindi regalo” kay yumaong dating pangulong Corazon Cojuangco-Aquino ang pagratipika ng Senado sa ekstensiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), paglilinaw ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), militanteng grupo ng mga magsasaka. “Nagbibigay-pugay kami kay Aquino dahil pinangunahan niya ang mga mamamayan sa pagpapabagsak ng diktaduryang Marcos at nagpatuloy na lumaban sa korupsiyon sa gobyerno,” [...]

Panahon para magtanim

Share

Video: Tuloy ang laban ng magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa

Ayon sa mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, magpapatuloy ang pangangamkam ng lupa at konsentrasyon nito sa kamay ng iilang panginoong-maylupa at korporasyon dahil sa ipinasa ng Kongreso na limang-taong ekstensiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program. Gayunpaman, magpapatuloy diumano ang kanilang laban para sa tunay na reporma sa lupa, dahasin man sila ng gobyernong Arroyo gaya ng ginawa nito sa kanilang kilos-protesta kontra sa CARP at Constituent Assembly noong Hunyo 4.

Di banta sa paghahari ng mga panginoon

Tila masyadong madali para paniwalaan pa. Laluna’t kung isasaalang-alang natin ang mapait na huling 21 taon ng CARP – 21 taon ng patraydor na pagkait sa mga magsasaka sa tunay na repormang agraryo sa pamamagitan ng samu’t saring palusot at pagbabagal para lamang hindi mapamahagi ang mahigit dalawang milyong ektarya ng lupaing sakahan sa bansa.

MGA LARAWAN: Magsasakang kontra Con-ass at Carper, dinahas sa daan patungong Mendiola

Mga kuha ni Darius Galang Share

Video: Magsasaka dumagsa sa Kamara para tutulan ang ekstensiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program

Bitbit ang mga sulo, nagtungo ang daan-daang magsasaka mula sa iba’t ibang rehiyon para tutulan ang pagsasabatas ng panukalang batas na Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPer), sa huling araw ng sesyon noong Hunyo 3. Sa ekstensiyon ng CARP, anila’y magpapatuloy ang kahirapan ng mga magsasaka at pagkakait ng tunay na reporma sa lupa.

Mayorya, naniniwalang CARP di makakasugpo sa kawalan ng reporma sa lupa

Karamihan ng mga Pilipino ang hindi naniniwalang makakasugpo sa monopolyo ng pagmamay-ari sa lupa ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ayon sa sarbey ng Ibon Foundation, Inc., 67.6 porsiyento o mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi solusyon ang CARP sa di-pagmamay-ari ng magsasaka sa lupang kanyang sinasaka. Sinabi rin sa sarbey na malaking bilang [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes