Pinoy Weekly
Posts tagged as: Commission on Human Rights

Pag-absuwelto ng CHR sa militar sa tortyur kay Melissa Roxas, ‘pagdiskaril sa usapang pangkapayapaan’

Binatikos ni Fidel Agcaoili, tagapangulo ng Human Rights Monitoring Committee ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang gobyerno ng Pilipinas (GPH) sa pagharang sa usapang pangkapayapaan sa pamamagitan ng “malisyosong antics” ni Etta Rosales, tagapangulo ng Commission on Human Rights.

Magulo, palpak – at maanomalyang? – proseso ng inisyal na kompensasyon sa biktima ng batas militar

Ilan sila sa mga lumaban sa diktadurang Marcos at nakaranas ng malupit na pagmamaltrato at pagkakulong noong panahon ng batas militar. Ngunit sa anumang kadahilanan, wala sila sa listahan ng mga kinikilala ng korte sa Hawaii na biktima. Pulitika o palpak na proseso lamang?

Grupo ng magsasaka, duda kay Etta Rosales sa CHR

Pinangangambahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Tanggol Magsasaka ((Peasant Network for Land, Justice and Human Rights) na madadagdagan ang mga paglabag sa karapatang pantao sa buong bansa matapos pormal na umupo ni dating Akbayan Rep. Etta Rosales bilang Chairman ng Commission on Human Rights (CHR).

Para kay Risa Hontiveros

Paano ba ang magandang pagbati – “Magandang araw” o “Magandang laban”? Teka, bago ang lahat: bakit nga ba iyan ang islogan mo noong eleksyon? Hindi ba, sinasabi ang “It was a good fight” kapag tapos na ang kumpetisyon at natalo ang sinasabihan pero lumaban naman nang maayos? Ganoon nga ang nangyari. Pero iyun ba ang gusto mo?

Para kay Etta Rosales

Hindi mo ako kilala. Hindi ka na bahagi ng pambansa-demokratikong Kaliwa noong namulat ako. Pero natatandaan kita kahit noon dahil naging lider-masa ka ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Pero mas nakilala na kitang lider ng Akbayan.

Ipinagkait na katarungan para sa Morong 43

Mahigit nang dalawang buwan mula nang dakpin at ipiit ang Morong 43 sa kampo ng militar. Nagpapatuloy ang harasment laban sa kanila, at maging ang kanilang mga kaanak ay damay sa pagmamalupit at pagkakait ng katarungan.

Mga Larawan: Pagtatakip, iregularidad sa pag-aresto sa Morong 43 muling nailantad sa pagdinig ng CHR

Tila nagkabuhul-buhol na ang pahayag ng mga pulis at militar kaugnay ng reyd at pag-aresto ng tinaguriang “Morong 43.” Ang pinakahuling namuhol ang dila: Police Superintendent Allan Nubleza.

Sa likod ng hiwaga ni Mario Condes at ‘bumaligtad’ na Morong 43

Habang inaatupag ng militar ang sapilitang pagpapaaming rebelde ang Morong 43, hindi naman nila masagot ang batayan ng pang-aaresto sa mga doktor at health worker. Kaya naman tinatawag silang sinungaling, kahit ng Philippine National Police.

Walang patumanggang tortyur

Nagpapatuloy ang kuwento ng tortyur sa Morong 43. Giit ng kanilang mga kaanak at tagasuporta, at ng Commission on Human Rights, kagyat na ilipat ng kustodiya ang mga doktor at health worker at isalba mula sa kamay ng mga nagpapahirap sa kanila.

Kabataan inilahad ang 10-araw na tortyur sa kamay ng militar

Pinangangambahan ang posibleng whitewash sa kaso ng pagdukot sa kabataang aktibistang si Noriel Rodriguez matapos ideklara ng mga opisyal ng Commission on Human Rights (CHR) sa Tuguegarao City na “sarado” ang kaso sa kabila ng ebidensiya ng tortyur. Sa salaysay na ipinadala ng Tanggulan Youth Network for Human Rights and Civil Liberties, ibinunyag ni Rodriguez [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes