Balita: Martsa ng militanteng mga grupo para muling iprotesta ang Constituent Assembly
Share
Sa kabila ng mga pasaring, ng mga parinig, ng mga kuru-kuro, ng nakakakiliting mga suhestiyon – tahimik pa rin si Gloria Arroyo. Tahimik siya sa plano niya sa eleksiyong 2010. Pero higit sa mga pahayag, mas diretsong magsalita ang kanyang mga kilos.
Magsisimula nang magbilang ng araw ang taumbayan hanggang bumaba sa puwesto si Pangulong Arroyo. Mamarkahan ng iba’t ibang grupong tutol sa panunungkulan ni Arroyo ang araw na eksaktong isang taon bago matapos ang termino ng Pangulo sa isang “Martsa kontra Cha-Cha” (Charter Change) sa Hunyo 30. Ayon sa mga organisador ng martsa, magsisilbi rin itong [...]
Nasa bingit na ng resesyon ang Pilipinas. Sa tangka sa Kamara na tipunin ang Constituent Assembly, lalo pang malalagay sa alanganin ang tagibang nang ekonomiya at patitindihin ang sigalot sa pulitika sa bansa.
Hindi na nagulat ang isang grupong makakalikasan sa balitang isang dayuhang kompanya ang nakapag-ari ng 400,000 ektaryang lupain sa Hilagang Luzon na maaari nitong gamitin nang libre sa loob ng 50 taon. Ayon kay Clemente Bautista, tagapag-ugnay ng Kalikasan People’s Network for the Environment, isa lamang ito sa mga kaso ng pagbebenta ng administrasyong Arroyo [...]
Inilunsad ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) at iba pang grupong pangkabataan ang isang alyansa laban sa House Resolution 1109 at iba pang hakbang ni Pangulong Arroyo na amyendahan ang Konstitusyong 1987 bago ang halalan sa 2010. Sa isang press conference noong Hunyo 18, nangako ang Kabataan Kontra Cha-Cha na labanan ang [...]
Basahin ang kaugnay na istorya: Alyansa ng kabataan kontra Cha-Cha, inilunsad Share
Nangangamba ang mga oposisyunistang mambabatas sa mga posibleng baguhin ng Constituent Assembly sa Konstitusyong 1987. Panayam kina Rep. Darlene Antonino-Custodio, Gilbert Remulla, Jose de Venecia, at Sen. Rodolfo Biazon sa kilos-protesta laban sa Con-Ass noong Hunyo 10 sa Ayala Ave., Makati City.
Kahit pang-asar lang o pangbira sa kalaban, epektibo ang mga biro: Umaaray ang tinatamaan, nasasaktan ang may kasalanan.