Pinoy Weekly
Posts tagged as: Cory Aquino

Kailangang matwid na politika para sa matuwid na daan

Isyu ng korapsyon ang tumampok sa unang SONA ni Noynoy Aquino. Maraming nadiskubreng katiwalian ang kanyang bagong kabinete sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan. Marami ay midnight decisions, marami ay ng midnight appointees ni Gloria Arroyo.

Inagurasyon bilang noontime show

Sa dami ng personalidad sa showbiz na sumuporta kay Noynoy Aquino, unang hinudyat ng kanyang MTV na may sulo bilang tanglaw sa kadiliman, ay malakas na senyales kung saan papabor ang popular na sentimiento ng boboto. At hindi nga nagkamali, ang army ng showbiz personalities ay paratihan natunghayan sa kanyang komersyal at kampanya.

Umaasa sa pag-asa

Bagong administrasyon, bagong pag-asa. Bagong Pilipinas pa nga, sabi ng iba. Matapos ang siyam na taong panunungkulan ng isang Pangulong kinamuhian ng mayorya ng mga mamamayan (at maraming survey na magpapatunay sa puntong ito), nakaluklok ngayon sa puwesto ang bagong Pangulong malinaw na may suporta ng mahigit 14 na milyong botante noong nakaraang halalan.

Pagbabalik ng Kamag-Anak, Inc.?

Malinis na paggogobyerno ang ipinangako ng bagong pangulo; pero posibleng mahirapan siyang maglinis sa kanyang sariling bakod at sa kalauna’y pagtaksilan ang interes ng bayan.

Noynoy wastuhin ang kamalian ni Cory na di pagpatupad ng repormang agraryo – Satur

Hinamon ni Bayan Muna Rep. at kandidato sa pagkasenador Satur Ocampo si Sen. Noynoy Aquino na angkinin ang responsabilidad na tanggapin ang pagkakamali ng ina at dating pangulong Corazon Aquino na di pagpatupad ng tunay na repormang agraryo. Sinabi rin ni Ocampo na kailangang pangunahan din ni Aquino ang pagbibigay hustisya sa 13 napaslang na [...]

Baha at alaala

Lampas nang isang buwan nang bumigwas ang bagyong “Ondoy” at “Pepeng.” At ipinapaalaala ng serialidad ng mga bagyo ang mortalidad ng buhay at alaala. May nakapagsabing walang memorya ang mga Filipino. Paano nga magkakaalaala kung paratihang literal at figuratibong binabaha ang mga objek ng alaala? Inaanod palabas kundi man nilulubog sa baha at putikan para, [...]

10 hanggang 15 taon, ibinibigay ni Kris Aquino sa sarili pagpasok sa pulitika

Hindi ngayong mga panahong ito papasok si Kris Aquino sa pulitika kahit na malakas na malakas ang panaghoy at senyal ng balana na “sige na, Kris, join ka na sa politics.” No way para kay Kris. “Not in ten or fifteen years,” pahayag niya sa okasyon ng “Isang Pasasalamat,” isang misa at pagtatanghal na ginanap [...]

Telebiswal na libing ng santa

Kaiba ang libing na naganap. Habang ayon sa ulat, tatlong daang libong tao ang sumugod sa lansangang dadaanan ng kabaong na nakahimlay sa ibabaw ng trak, milyon-milyon naman ang nakiisa sa kanilang telebisyon at radyo. Holiday ang araw na ito pero marami ang nagkusa na magpahayag ng interes, kuriosidad at pakikiisa. Pinaghandaan ang lampas na labindalawang oras [...]

Ang patuloy na katuturan ng laban ni Cory Aquino

Nakakulong ako sa Kampo Crame nang pumutok ang EDSA 1 noong Pebrero 22, 1986. Nahuli ako noong Enero 29, 1984. Buntis ako nang nahuli, ikinulong at nanganak sa loob ng Crame. Isa ako sa mga lumayang bilanggong pulitikal noong 1986 bilang bahagi ng tagumpay ng People Power at pagkaupo bilang pangulo ni Corazon “Cory” Aquino. [...]

Dokumentaryo: Si Cory at ang hangad sa pagbabago

Isang dokumentaryo hinggil sa papel ni Cory Aquino sa kasaysayan ng bansa mula sa punto-de-bista ng kilusan para sa pagbabago. Alamin ang dahilan at peligro ng pagyakap ng taumbayan kay Cory, at kung papaano tutuparin ang huli niyang habilin.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes