Pinoy Weekly
Posts tagged as: demolition

Komunidad ng maralita sa BIR Road, nakaambang idemolis dahil sa proyektong business district

Bukod sa mga komunidad sa North Triangle, may banta rin ng demolisyon sa komunidad ng mga maralita sa East Triangle. Bahagi ng pinaplanong business district, iginigiit ng mga residente ang karapatan nila sa kabuhayan at manatili sa lupaing kinalakhan na ng kanilang mga anak.

Eksibit sa North Triangle, inilunsad sa anibersaryo ng demolisyon

Hinggil sa eksibit sa makasaysayang paglaban ng mga taga-San Roque, North Triangle para sa karapatan sa pabahay noong Setyembre 23, 2010.

Reaksiyonaryong Estado

Ang naganap na demolisyon sa sitio San Rafael, Old Balara noong ika-31 ng Agosto 2011, ay maituturing na isang bangungot para sa mga maralitang naapektuhan.

Larawan: Bahay ni Ka Bel sa maralitang komunidad sa QC, marahas na dinemolis

Tiningnan ni Rosario “Osang” Beltran, biyuda ng yumaong dakilang lider-obrero at kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list na si Crispin “Ka Bel” Beltran, ang bahay nila ni Ka Bel sa Commonwealth Avenue na sinira ng demolition team para diumano’y bigyang daan ang isang “National Government Center Eastside Development Project” ni Pangulong Benigno Aquino III. (Roi Azure/Kontribusyon)

Demolisyon sa lupaing para sa negosyo

Tangkang demolisyon ng kabahayan ng mga maralita sa North Triangle, Quezon City noong Setyembre 2010. (Macky Macaspac/PW File Photo)

Malls, parke, negosyo, sa halip na bahay para sa mahihirap: iyan ang prayoridad ni PNoy, kung kaya panay walis siya sa mga komunidad ng mga maralita.

Mula Palawan tungong North Triangle

Kabilang ang pamilyang Buligan sa maraming maralitang mamamayan sa kanayunan na tumungo sa lungsod – para sa mas maginhawang buhay, para magtrabaho, o, sa kaso niya, para magpagamot. Pero muling mabibiktima sila sa lungsod, dahil sa planong pagdemolis sa kanilang kabahayan.

Malawakang demolisyon sa mga komunidad ipinrotesta

Nawalan na ng bisa ang moratoryo ni Pangulong Noynoy Aquino sa demolisyon ng mga bahay ng mga maralita sa Kamaynilaan. Parang asong ulol na dinagsa ng mga pulis, demolition teams at tauhan ng mga lokal na pamahalaan ang mga komunidad ng mga maralita. Nitong Lunes, Mayo 30, rumesbak sila, sa pamamagitan ng protesta.

Mayor Binay ng Makati, ipinapanagot sa marahas na demolisyon sa Laperal

Ipinapanagot ng mga residente ng Laperal Compound sa Guadalupe Viejo, Makati City si Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. sa marahas na pagdemolis ng kanilang mga tahanan noong Abril 28.

Maralitang komunidad ng Laperal Compound sa Makati, marahas na dinemolis

Bato, tear gas, bulldozer, baril ang ilan sa mga ginamit ng demolition teams ng Makati City Government at pulisya para idemolis ang daan-daang kabahayan ng lumalabang maralitang komunidad sa Guadalupe, Makati City.

Biktima ng demolisyon sa San Juan nanawagan ng mabilisang imbestigasyon

Nagmartsa ang mahigit 500 residente ng Brgy. Corazon de Jesus, San Juan patungong Mendiola, Manila para kondenahin ang marahas na pagbuwag sa protesta na kontra sa demolisyon sa kanilang mga bahay noong Enero 25.

Pulsong Pinoy

Naniniwala ka ba na hindi kaya ibigay ng mga employer ang P125 dagdag-sahod?

View Results

Loading ... Loading ...

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes