Pinoy Weekly
Posts tagged as: enforced disappearances

(UPDATED) Lider-magsasaka sa Laguna dinukot ng militar, nakadetine sa Quezon

Alex Arias, dinukot na lider-magsasaka sa Laguna (Contributed Photo)

Natagpuang nakakulong sa Quezon Provincial Police Office ang lider-magsasaka sa Laguna na si Alex Arias, apat na araw matapos mawala at dinukot ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon sa Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK), ginamit ng pulis ang parehong warrant of arrest na ginamit  sa paghuli [...]

Landas ng impunity, patungong Malakanyang

PW-new-featured-ampatuan-massacre-commemoration

Sa protestang pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), iba’t ibang grupo ng midya, guro at mga estudyante ng pamamahayag, grupong pangkarapatang pantao at militanteng mga grupo, inirehistro ang pagkabahala ng marami: Dalawang taon matapos ang masaker ng 58 katao, kabilang ang 33 mamamahayag, malayung malayo pa rin bago makamit ang hustisya.

Larawan: Pagtitipon para sa desaparecidos, isinagawa ng mga kaanak noong Undas

desaparecidos

Mga larawan ng pagdiriwang ng undas ng kaanak ng desaparecidos noong Nobyembre 2, 2011 sa Baclaran Church.

Pagdinig sa kaso vs Palparan sa DOJ tapos na; dating heneral, iginiit na wala siyang kasalanan

Galit at emosyonal ang mga kaanak ng mga biktima sa huling pagdinig sa kasong pagdukot kina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno. At bakit naman hindi; patuloy pa ring itinatanggi ng itinuturong mga salarin, pangunahin na si Jovito Palparan, na may kinalaman sila rito, sa kabila ng mga testimonya.

Di Kayo Desaparecidos

di kayo desaparecidos
di kayo nawawala
kayong nilamon ng lupa
kayong mga katawa’y nilapa
kayong kalamna’y ipinataba
sa damong ligaw at makahiya
di kayo nawawala

Biktima ng mga sapilitang pagkawala, ginunita sa lugar ng pagdukot kay Jonas Burgos

Ginunita ng mga pamilya at kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala ang Pandaigdigang Araw ng mga Nawawala (International Day of the Disappeared) sa harap ng Ever Gotesco-Commonwealth sa Diliman, Quezon City nitong Agosto 30. “Ano ang iyong nagawa para sa aming mga nawawalang mahal sa buhay,” tanong ni Mary Guy Portajada, pangkalahatang kalihim ng [...]

Palaparan todo-tanggi pa rin sa pagkawala nina Karen, Sherlyn

Patuloy na itinatanggi ni retiradong Hen. Jovito Palparan sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) na may kinalaman siya sa sa pagdukot at patuloy na pagkawala nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan, mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas, at ng magsasakang si Manuel Merino.

Video: Palparan sinampahan ng kasong kriminal ng mga ina nina Karen, Sherlyn

Patuloy ang paghahanap kina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan ng mga ina at tagasuporta nila. Tuloy din ang paghangad nila ng hustisya. Matapang na sinampahan nila ang itinuturong salarin sa pagdukot, tortyur at panggagahasa kina Sherlyn at Karen: si Ret. Gen. Jovito Palparan Jr.

Paglitaw ni Jonas Burgos hangad ng pamilya, tagasuporta

Muling nagpanawagan ang mga tagasuporta at mga kaanak ng nawawalang aktibistang si Jonas Burgos matapos ilabas at isumite sa Korte Suprema ang ulat ng Commission on Human Rights noong Marso 15.

Bagsak na grado, ibinigay ng Karapatan sa ika-100 araw ni Aquino

Bagsak ang gradong ibinigay ng human rights advocates kay Pangulong Aquino, sa pagtatanggol niya sa karapatan ng mga mamamayan.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes