Pinoy Weekly
Posts tagged as: enforced disappearances

Karapatan kay P-Noy: Pagsugpo sa paglabag sa karapatan, responsabilidad mo rin

Hinamon ng alyansang pangkarapatang pantaong Karapatan na akuin din ni Pang. Benigno Aquino III ang responsabilidad sa malawakang pagpaglabag sa karapatang pantao ng mga militar at kapulisan.

Mga Larawan: Tuloy ang paghahanap sa mga nawawala

Bago na ang nanunungkulan sa Malakanyang, pero patuloy pa rin ang paghahanap nila. Mga anak, magulang, kapatid, kamag-anak: muli silang nagmartsa — tulad ng pagmartsa nila noong nakaraang mga taon — noong Agosto 30, International Day of the Desaparecido, para hilingin sa gobyerno na ilitaw na ang kanilang mga mahal sa buhay. Buhay man o patay. At singilin ang mga salarin.

Mga Larawan: Ika-55 kaarawan ni Luisa Posa-Dominado, desaparecido, ipinagdiwang

Share

‘Paglabag sa karapatang pantao, bakit hindi iimbestigahan ng Truth Commission?’

Ipinagtaka ng Karapatan, alyansang pangkarapatang pantao, ang hindi pagsama sa mga paglabag sa karapatang pantao sa mga isyu laban sa nagdaang pangulo na iimbestigahan ng Truth Commission. Ayon kay Marie Hilao-Enriquez, tagapangulo ng Karapatan, hindi lang dapat mga kaso ng korupsiyon ang tugunan ng Truth Commission, kung gusto nitong imbestigahan ang mga kasong “may laki [...]

Mga Larawan: Protesta vs kawalan ng aksiyon ng gobyernong Aquino sa extra-judicial killings

Nagmartsa ang aabot sa 800 katao mula tapat ng University of Santo Tomas sa Espana, Manila patungong Mendiola, Manila para igiit sa gobyernong Aquino na aksiyunan ang pamamaslang sa mga aktibista at ibasura ang programang kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya. Ayon sa Karapatan, grupong pangkarapatang pantao, nakakabahala ang malabong pahayag ni Pangulong Aquino hinggil sa mga [...]

The Black Book of Oplan Bantay Laya

Simula nang maging pangulo ng Pilipinas si Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001, mahigit 1,000 aktibista na ang bumulagta, biktima ng tanyag nang ekstrahudisyal na pamamaslang sa bansa.

Dinukot na kabataang aktibista, ilitaw –Anakbayan

Nanawagan ang Anakbayan sa gobyernong Arroyo na kagyat na ilitaw si Noriel Rodriguez, isang kabataang aktibista na isang linggo nang nawawala matapos dukutin ng pinaghihinalaang mga miyembro ng 17th Infantry Brigade sa probinsiya ng Cagayan. Ayon sa ulat ng Karapatan-Cagayan, dinukot si Rodriguez, 26, ng apat na di pa nakikilalang mga armadong kalalakihan bandang 5:00 [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes