
Pitong taon matapos ang tinaguriang Hacienda Luisita massacre, wala pa ring hustisyang nakakamit ang pagkamatay ng pitong manggagawang-bukid nang buwagin ng pinagsamang puwersa ng militar at pulis ang kanilang welga noong Nobyembre 16, 2004.

Hinatid sa kanyang huling hantungan ng mahigit 15,000 katao sa Kidapawan City si Father Pops. Humihiling sila ng hustisya para sa kanyang pagkamatay. Ang unang hakbang umano: pagbasura sa programang kontra-insurhensiya ni PNoy na Oplan Bayanihan.
Nagpiket sa harapan ng Department of Justice ang grupong Karapatan, Promotion of Church People’s Response (PCPR) at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) upang hilingin kay Sek. Leila de Lima ng Hustisya na agarang imbestigahan at bigyan ng katararungan ang pagpaslang sa Italyanong pari na si Fr. Fausto Tentorio. Si Tentorio na isang misyonero sa bayan ng Arakan, North Cotabato ay binaril at napaslang ng hindi nakikilang salarin sa loob ng kanyang parokya. Malakas ang hinala ng mga grupo na paramilitar ang pumaslang sa naturang pari. (Macky Macaspac)
Oct 19 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Kinondena ng militanteng grupong pangkabataan na Anakbayan ang diumano’y pagpaslang ng mga pulis sa Navotas sa isa nilang miyembro.
May 15 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Ang sektor ng pagmimina sa Palawan ang pinakanasaktan sa mga tirada ng pinatahimik na brodkaster at tagapagtanggol ng kalikasan na si Dr. Gerry Ortega.
Jan 26 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Isang magsasaka ang binaril at pinatay kaninang alas-otso ng umaga sa Brgy. Caybunga, Balayan, Batangas, ang unang kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa probinsya sa ilalim ng administrasyong Aquino, ayon sa ulat ng Bagong Alyansang Makabayan Southern Tagalog (Bayan-ST). Natagpuang may tatlong tama ng bala sa ulo at dibdib si Rene Rodriguez, miyembro ng Samahan [...]
Nov 7 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Tatlong magsasakang miyembro ng isang progresibong party-list ang pinatay noong Hulyo 19 sa Rodriguez, Rizal, ayon sa ulat ng Karapatan-Southern Tagalog. Sa isang paghayag, sinabi ni Glen Malabanan, pangkalahatang kalihim sa Karapatan-ST, biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sina Galvan Navarte, Demilita Largo at Benita San Jose. Miyembro ang tatlo ng Katribu Party-list, organisasyon ng mga [...]
Jul 23 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Matanda na si Tatay Pascual, pero nakibaka siya para sa kanyang karapatan sa lupa. Nais lang niya na manatili sa kanila ang kanilang sakahan para may maipamana sa kanyang mga apo. Pero dahil dito, pinag-initan umano siya ng militar. Si Tatay Pascual Guevarra ang isa sa unang mga biktima ng extra-judicial killings sa ilalim ng gobyernong Aquino.
Jul 20 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Nagmartsa ang aabot sa 800 katao mula tapat ng University of Santo Tomas sa Espana, Manila patungong Mendiola, Manila para igiit sa gobyernong Aquino na aksiyunan ang pamamaslang sa mga aktibista at ibasura ang programang kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya. Ayon sa Karapatan, grupong pangkarapatang pantao, nakakabahala ang malabong pahayag ni Pangulong Aquino hinggil sa mga [...]
Jul 19 2010 | Posted in
Balita |
Read More »