Pinoy Weekly
Posts tagged as: floods

Baha sa Bulacan (Mga Larawan)

Mga larawan sa Bulacan, matapos ang magkasunod na paghagupit ng bagyong Pedring at Quiel. Habang rumaragasa ang bagyo, nagpakawala rin ng tubig ang tatlong dam sa Bulacan — bagay na ayon sa gobernador ng probinsiya’y siyang nagpalala sa malupit nang baha rito.

Tatlong bayan sa Aurora, di marating dahil sa landslide

Jason de Asis (Salin ng Pinoy Weekly Staff mula Ingles) Tatlong bayan sa lalawigan ng Aurora ang mistulang nahiwalay sa iba pang bahagi ng lalawigan dahil sa serye ng mga pagguho ng lupa dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan at malakas na hangin. Daan-daang pasahero papunta sa mga bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag ang naistranded [...]

99 kalamidad tumama sa bansa sa unang bahagi ng taon

Hindi pa man ganap na dumarating ang panahon ng mga bagyo, umabot na sa 99 na kalamidad, natural man o gawa ng tao, ang tumama sa bansa, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon. Ayon sa Citizens’ Disaster Response Center (CDRC), umabot sa 579,540 pamilya o 3,405,707 Pilipino ang naapektuhan ng mga kalamidad na ito. Sa [...]

Utak-negosyo, hanggang sa huling sandali

Ano ang nasa isip ng mga nagpapatakbo ng San Roque Dam (SRD) na nagpakawala ng 5,300 kubiko metro ng tubig kada segundo sa kasagsagan ng bagyong Pepeng noong gabi ng Oktubre 7? Tiyak, hindi ang mga mamamayan ng Pangasinan, na agad pinaligiran ng rumaragasang baha nang magpakawala ng tubig ang dam.

Baha’t trahedya sa Marikina, naiwasan sana?

Sabi nila, gawa ng kalikasan ang bagyo, pero gawa ng tao ang kalamidad. Totoo nga, maaaring nabawasan sana ang bilang ng mga namatay at nasira sa nakaraang baha sa Kamaynilaan, partikular sa Marikina, kung pinaghandaan sana ng pamahalaan ang mga bagay na matagal nang inaasahan.

Video: Biktima ng kalamidad at kapabayaan

Mga kuwento ng trahedya at hinagpis sa Brgy. Bagong Silangan, Batasan, Quezon City. Sa plaza ng barangay, tuluy-tuloy ang pagdating ng mga labi ng nasawing mga residente — biktima kapwa ng kalamidad at kapabayaan.

Video: Ikalawang araw matapos ang bagyo sa Marikina

Kakarampot ang tulong na natatanggap ng mga biktima ng bagyong Ondoy sa isa sa pinakanasalantang lugar sa Kamaynilaan. Samantala, abala ang gobyerno sa pagpapaganda muli ng siyudad, at hindi sa pagtugon sa kumakalam na sikmura ng mga residente dito.

Paano ka makakatulong sa mga mamamayang biktima ni Ondoy?

Marami ang nabigla sa hagupit at pananalasa ng bagyong Ondoy. Marami ang nawalan ng tahanan at maging mga mahal sa buhay dahil sa trahedyang itinuturing na pinakamatindi sa huling apat na dekada. Samantala, maagap namang tumugon ang makabayang mga organisasyon, institusyon at mga indibidwal upang makatulong sa mga biktima ni Ondoy.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes