Pinoy Weekly
Posts tagged as: Gabriela Women’s Party

Agarang pagpasa ng RH Bill para sa kababaihan hindi dahil sa suporta ng US

Hindi simpleng pagpaplano sa pamilya at pagkontrol sa populasyon ang layunin ng Reproductive Health (RH) Bill kundi ang pagbibigay akses sa serbisyong pangkalusugan sa mga kababaihan, paalala ng Gabriela Women’s Party-list sa mga kongresista. Sinabi ito ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, sa gitna ng pagsuporta ng US Agency for International Development (USAID) sa pagbibigay sa [...]

Malawakang pagmimina, pinapatigil kay P-Noy sa gitna ng kalamidad

Dapat nang pag-isipan ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang posisyon sa malawakang pagmimina sa bansa ayon kay Gabriela Women’s Party Representative Luz Ilagan habang ipinapanawagan ang pagbasura sa Mining Act of 1995. Matatandaang tinutulan ni P-Noy ang pagpapatigil sa operasyon ng malawakang pagmimina. Ayon kay Ilagan, nagiging bulnerable ang bansa sa landslide, polusyon, at hagupit [...]

Larawan: Pagpasa sa Reproductive Health Bill, iginiit ng Gabriela

Nagsagawa ng press conference ang kababaihan ng Gabriela para igiit sa Kongreso ang pagpasa ng Reproductive Health Bill. Higit pa sa pagbigay-akses sa mga gamot na kontraseptibo para sa mahihirap na mga mamamayan, inisponsor ng dalawang kinatawan ng Gabriela Women’s Party na sina Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus ang panukalang batas para bigyang prayoridad ang pangkalahatang kalusugan ng kababaihan. Mula kaliwa, si Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela at ang kinatawan sa Kamara na sina Ilagan at De Jesus.

Mga Larawan: Maalab na protesta ng Gabriela, sa sentenaryo ng Marso 8

Protesta ng kababaihan sa kanilang araw, Marso 8. Sa kabila ng nakapapasong init ng araw, nagmartsa mahigit 5,000 kababaihan para muling ipakita ang pagkamuhi nila kay Pang. Arroyo at panawagang wakasan na ang paghahari niya sa bansa.

Bayan Muna nanguna sa sarbey

Tatlong kinatawan ang mapapaupo ng Bayan Muna sa Kongreso kung ngayon gaganapin ang halalan, ayon sa pinakahuling sarbey na isinagawa ng Pulse Asia. Batay sa sarbey ng Pulse Asia noong Enero 22- 26, 8.03 porsiyento ang nakuha ng Bayan Muna, na “nagtitiyak” ng tatlong kinatawan para sa progresibong party-list. Pumangalawa sa Bayan Muna ang 1-Aangat [...]

25 Pinay, isang organisasyon: Ang paghawan sa landas ng kababaihan

Sa ika-25 anibersaryo ng Gabriela, nagbalik-tanaw ang mga miyembro at lider nito sa kasaysayan ng organisasyon — kung bakit naging kadikit ng pangalang Gabriela ang imahen ng palabang babae sa kasaysayan. Samantala, pinarangalan ng grupo ang 25 babaing humawan ng landas ng pakikibaka para sa karapatan at interes ng kababaihan at sambayanan.

Video: Maralitang kababaihan nag-ingay laban sa napipintong SONA

Isang koordinadong noise barrage ang inilunsad sa iba’t ibang komunidad sa Metro Manila noong Hulyo 20 bilang paghahanda sa malawakang protesta sa State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo. Sa Commonwealth Ave., Quezon City, ibinuhos ng maralitang kababaihan ang kanilang galit. Share

Singil sa rehistrasyon, di nakaka-engganyo sa mahihirap na botante

Nanawagan si Gabriela Rep. Liza Maza sa Commission on Elections (Comelec) na gawing mas madali at abot-kaya sa mga botante ang proseso ng rehistrasyon lalo sa mahihirap.   Sa paglulunsad ng “Babae Ka, May Sey Ka!”, kampanya para maengganyo ang kababaihan na bumoto sa 2010 elections, sinabi ng kongresista na mahirap lalo para sa mga first-time [...]

GMA nanloloko ng Pinoy para magtrabaho sa abroad – GWP

NILOLOKO ni Pangulong Arroyo ang mga Pilipino sa patuloy nitong panghihikayat na magtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng di-katanggap-tanggap na kalagayan ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa Dubai, ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. Sinabi ni Ilagan na walang trabaho at namumulot na lamang ng basura para mabuhay ang mga OFW sa Dubai. [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes