Pinoy Weekly
Posts tagged as: Gabriela

Larawan: Pagbasura sa ekstensiyon ng RP-US Military Bases Agreement ginunita sa protesta

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ginunita ng mga militante sa pamamagitan ng protesta sa harap ng embahada ng US ang pagbasura sa pagpapalawig ng RP-US Military Bases Agreement. Sa ilalim ng kasunduang ito, nagmantine ang militar ng US ng tiyak na mga baseng militar sa Clark, Pampanga at Sublic, Zambales. Taong 1991 nang ibasura ng Senado, sa botong 12-11, ang pagpapalawig sa implementasyon ng naturang kasunduan. (Macky Macaspac)

‘Oryentasyong pagtugon sa pangingibang bansa, dahilan ng mababang kalidad ng graduwado ng narsing’

Nakakaalarma na ang pagdausdos ng kalidad ng edukasyon sa narsing sa bansa, sabi ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus. Iniuugat ni de Jesus ang pagdausdos na ito sa oryentasyon ng pag-aaral ng narsing sa pangingibang bansa ng mga graduwado nito at hindi sa pagtugon sa pangangailangan ng pambansang programang pangkalusugan. “Ang kalidad ng edukasyon para [...]

Aksiyon ni Obispo Pueblos, CBCP hinihintay sa kasong gahasa sa Butuan

Iginiit ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang kagyat na aksiyon ng Catholic Bishop Conference of Philippines (CBCP) at ni Obispo Juan de Dios Pueblos sa kasong isinampa ng isang menor-de-edad  laban sa Katolikong pari na si Raul Cabonce. Sinabi ng Gabriela na dapat itigil ni Pueblos ang pagbibigay proteksiyon sa nasabing pari, matapos lumabas sa [...]

Menor-de-edad na ginahasa ng pari, nanawagan ng katarungan

Humihingi ng katarungan ang isang menor de edad na sinasabing ginahasa umano ng isang pari sa Butuan City. Ang biktimang itinago sa pangalang Leah, 17-anyos at  kasalukuyang nasa pangangalaga ng grupong pangkababaihan na Gabriela, ay nagsampa ng mga kasong  rape, act of lasciviousness at child abuse sa Butuan Regional Trial Court, laban kay Fr. Raul [...]

Protesta vs budget cut sa serbisyong panlipunan, dinahas sa Batasan Pambansa

Karahasan ang sumalubong sa ilang daang militante na tumungo sa tarangkahan ng Batasan Pambansa Building, tahanan ng Kamara. Layon ng mga grupo, na karamihan ay nagmula sa sektor ng pangkalusugan at mga kabataan at estudyante, na irehistro ang kanilang paggtutol sa mga nakahain na pagbawas ng badyet sa serbisyong pangkalusugan sa loob ng pambansang badyet [...]

Larawan: Mga maralitang residente sa tenement sa Tondo puwersahang pinalalayas

Pilit na binuksan ng mga alagad ng National Housing Authority (NHA) ang mga yunit na tirahan ng mga maralitang residente sa Diosdado Macapagal Tenement noong Agosto 10 para palayasin sila. Nagdesisyon ang NHA na paalisin ang mga residente sa naturang tenement dahil idineklarang kondenado na ang naturang bilding. Ngunit, giit ng mga residente, may karapatan sila sa lupain ng naturang tenement, na pinabayaan ng NHA at gobyerno hanggang mabulok at madeklarang kondenado. (Contributed Photo)

Nalalapit na SONA ni PNoy, ipinrotesta ng kababaihan

Dumagsa ang daan-daang kababaihan mula sa militanteng grupong pangkababaihan na Gabriela sa Mendiola malapit sa Malakanyang upang ihayag ang diumano’y tunay na kalagayan ng kababaihan at mamamayan.

Larawan: Kababaihan nagprotesta vs taas-presyo ng langis

Share

Jinkee atbp. kababaihan, may karapatan sa RH na di limitado sa kontraseptibo –Gabriela

Sa gitna ng mainit na debate sa Kongreso hinggil sa Reproductive Health (RH) Bill, inilinaw ng grupong Gabriela at mambabatas ng Gabriela Women’s Party-list na higit pa sa usapin ng artipisyal na mga kontraseptibo ang karapatan sa reproductive health ng kababaihan, lalo na ng mahihirap. “Asserting women’s full access to reproductive health services and programs [...]

Kababaihan, umalma sa kontrol sa populasyon bilang solusyon sa kawalang-trabaho

Umalma ang kababaihang grupo na Gabriela sa anunsiyo ng Department of Labor and Employment (DoLE) na magpapatupad ito ng polisiya ng population control o pagkontrol sa populasyon para solusyunan ang kawalan ng trabaho at kahirapan sa bansa. Sa pagbubuo ng Philippine Labor and Employment Plan (PLEP) para sa 2011-2016 ng administrasyong Aquino, lumalabas na kontrol [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes