Suportado ng malawak na bilang ng mga mamamayan ang panukalang Genuine Agrarian Reform Bill at P125 dagdag-sahod. Mayor na adyenda rin sa usapang pangkapayapaan ang kawalan ng reporma sa lupa at pambabarat sa mga manggagawa.
Ayon sa mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, magpapatuloy ang pangangamkam ng lupa at konsentrasyon nito sa kamay ng iilang panginoong-maylupa at korporasyon dahil sa ipinasa ng Kongreso na limang-taong ekstensiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program. Gayunpaman, magpapatuloy diumano ang kanilang laban para sa tunay na reporma sa lupa, dahasin man sila ng gobyernong Arroyo gaya ng ginawa nito sa kanilang kilos-protesta kontra sa CARP at Constituent Assembly noong Hunyo 4.
Jun 12 2009 | Posted in
Balita,
Multimedia |
Read More »
Mga kuha ni Darius Galang Share
Bitbit ang mga sulo, nagtungo ang daan-daang magsasaka mula sa iba’t ibang rehiyon para tutulan ang pagsasabatas ng panukalang batas na Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPer), sa huling araw ng sesyon noong Hunyo 3. Sa ekstensiyon ng CARP, anila’y magpapatuloy ang kahirapan ng mga magsasaka at pagkakait ng tunay na reporma sa lupa.
Jun 4 2009 | Posted in
Balita,
Multimedia |
Read More »
Nanawagan si Anakpawis Rep. Rafael Mariano sa mga mamamayang nasusuklam sa niratsadang pagpasa ng resolusyon para sa Constituent Assembly (Con-ass) sa Kamara na makiisa sa protesta ng mga magsasaka sa Hunyo 4 sa harap ng Malakanyang sa Mendiola. Tutungo ng Mendiola ang mga magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) para igiit ang [...]
Jun 3 2009 | Posted in
Balita |
Read More »
Nanawagan si Anakpawis Rep. Rafael Mariano sa kanyang mga kapwa kongresista na tuluyan nang ibasura ang House Bill 4077 o panukalang limang taong ekstensiyon sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ayon kay Mariano, tagapangulo rin ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), hindi na dapat bigyan ng “false hopes” o maling pag-asa ang mga magbubukid [...]
May 26 2009 | Posted in
Balita |
Read More »
Marahas na binuwag ng mga pulis at awtoridad ng House of Representatives noong Mayo 22 ang kampuhan ng mga magsasaka para igiit ang tunay na reporma sa lupa sa tapat ng Batasan Complex, Quezon City. (Arkibong Bayan) Basahin ang buong istorya Tingnan ang iba pang mga larawan Share
May 23 2009 | Posted in
Multimedia |
Read More »
Marahas na binuwag ng mga elemento ng Philippine National Police at sergeant-at-arms ng House of Representatives ang kampuhan ng mga magsasaka sa harap ng Batasan Complex, Quezon City bandang 2:30 ng hapon ngayong Mayo 22. Sa kabila ng pakikipagnegosasyon na pinagunahan ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, pinalayas ng mga awtoridad ang mahigit 150 magsasaka ng [...]
May 22 2009 | Posted in
Balita |
Read More »
Tumungo sa camp-out sa harap ng House of Representatives sa Batasan Complex, Quezon City ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) sa Tarlac City para iprotesta ang panibagong banta ng pamilya Cojuangco na paalisin sila mula sa mga lupang sinasaka. Sa isang bagong memorandum, sinabi ni Hernan Gregorio Jr., Assistant Estate Manager ng HLI, [...]
Apr 27 2009 | Posted in
Balita |
Read More »
Batid ng mga magsasaka ang hirap na daranasin nila para maisulong ang panukalang batas para sa tunay na repormang agraryo. Pero desidido silang ipagtagumpay ang laban.
Jan 28 2009 | Posted in
Lathalain |
Read More »