
“Mabuti bersus masama.” Ito ang balangkas ng kwentong pinalaganap ng kampo ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III noong tumatakbo pa lang siya sa eleksyon. Syempre, siya umano ang mabuti at si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo ang masama – kahit pa hindi naman siya tampok na lumaban dito.

Sinugod ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at iba pang militanteng organisasyon ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City upang igiit na ilipat si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ordinaryong kulungan.
Feb 21 2012 | Posted in
Balita |
Read More »

Impormal na mga tala hinggil sa Impeachment Trial ni Chief Justice Renato Corona Jr. ang lalamanin ng seksiyong ito ng Pinoy Weekly. Layunin nito na baybayin sa simpleng paraan ang pasikut-sikot na daan patungo sa katotohanan (o kasinungalingan) at magprisinta ng panimulang mga obserbasyon at progresibong pagsusuri hinggil dito.

Nairaos ng impeachment court ng Senado ang unang araw ng paglilitis kay Chief Justice Renato Corona. Para sa marami, unang hakbang lamang ito para mapanagot ang nakaraang rehimeng Arroyo

Sa gitna ng pagsimula ng impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona, ipinaaalala ng mga grupong pangkarapatang pantao na kailangang mas igihan ang pagpaparusa kay dating pangulong Gloria Arroyo, laluna sa mga paglabag niya sa karapatang pantao noong pangulo pa si Arroyo.
Jan 15 2012 | Posted in
Lathalain |
Read More »

Bahagi ng pagpapanagot kay Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpapanagot kay Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng impeachment trial sa Senado, paliwanag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na isa rin sa mga prosecutor sa magaganap na impeachment.

Bilang paggunita sa International Women Human Rights Defenders, nagprotesta ang mga grupong pangkarapatang pantao sa harap ng Department of Justice para igiit ang pag-usig sa mga malawakang lumabag umano ng karapatang pantao na sina Gloria Arroyo at Jovito Palparan.
Nov 30 2011 | Posted in
Balita |
Read More »

Sa protestang pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), iba’t ibang grupo ng midya, guro at mga estudyante ng pamamahayag, grupong pangkarapatang pantao at militanteng mga grupo, inirehistro ang pagkabahala ng marami: Dalawang taon matapos ang masaker ng 58 katao, kabilang ang 33 mamamahayag, malayung malayo pa rin bago makamit ang hustisya.

Kung patuloy na pumabor ang desisyon ng Korte Suprema sa dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, pagtitibayin nito ang sapantaha ng mga mamamayan na huling depensa ng mga Arroyo ang Korte Suprema.

Ikinatuwa ng militanteng mga organisasyon ang pag-aresto kay Gloria Macapagal Arroyo. Pero, hiling nila sa publiko: dapat maging mapagmatyag. Dapat ding siguruhing masasampahan din siya ng iba pang mabibigat na kaso, mula sa mga paglabag ng kanyang rehimen sa karapatang pantao, hanggang sa pandarambong.
Nov 19 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »