Pinangunahan ni Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela Philippines, ang pagdiriwang para sa unang taong anibersaryo ng Gabriela-Hong Kong kamakailan. Sinabi ni Linaban na kailangang pag-ibayuhin ang pag-oorganisa sa kababaihang Pinay sa Hong Kong para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at interes ng buong sambayanang Pilipino.
Sep 22 2010 | Posted in
OFW |
Read More »
Sa gitna ng tumitinding galit ng mga residente ng Hong Kong sa gobyerno ng Pilipinas, ipinakita ng mga migranteng Pinoy sa HK na kaisa sila sa pagdadalamhati at paghangad ng hustisya. Nagkakaisa rin sila sa pagkondena sa ‘palpak’ na administrasyong Aquino.
Nagngingitngit ang mga mamamayan ng Hong Kong sa kapalpakan ng gobyernong Aquino na mapayapang resolbahin ang hostage crisis noong Agosto 23. Pinagbubuntunan nila ng galit ang walang-kasalanang mga migranteng Pinoy sa HK.