Pinoy Weekly » human rights violations

Suspek sa pagdukot kay Jonas Burgos, patuloy ang pagtanggi
Nagpiket ang mga grupong pangkarapatang pantao at kaanak ng mga desaparecidos sa harap ng Court of Appeals para igiit ang katotohanan sa pagdukot kay Jonas Burgos. (Macky Macaspac)

Mariin pa ring itinatanggi ni Maj. Harry Baliaga ang paratang na isa siya sa mga tauhan ng militar na dumukot  kay Jonas Burgos noong Abril 2007.

Sinabi niya ito sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Court of Appeals  (CA) sa kasong pagdukot sa aktibistang anak ng bayani sa malayang pamamahayag na Joe Burgos kamakailan.

Isinalang sa direct examination si Baliaga na nasa administrative  break sa Army. Noong nakaraang linggo, positibong kinilala siya kanya ng testigong  si Jeffrey Cabintoy bilang isa sa mga dumukot kay Burgos sa isang mall sa Quezon City halos limang taon na ang nakararaan.

Sa testimonya ni Baliaga, sinabi niyang “nasa ibang lugar” siya mula Abril 21 hanggang Mayo 6, 2007 ay nasa  ibang lugar siya. Sinabi pa ni Baliaga dumalo niya sa isang kasal sa Naga noong Abril 22 at nagprisinta sa CA ng isang souvenir  mug mula sa kasalang kanyang diumano’y dinaluhan.

Matapos ang kasalan, pumunta na raw si Baliaga sa Baguio City at sa Besao, Mt. Province.

Pero para sa mga kaanak ng biktima, nagdadahilan na lamang si Baliaga na walang kinalaman sa insidente.  “Wala siyang matibay na ebidensiyang ipinakita, testimonya lang niya  iyon,” ani JL Burgos, kapatid ng biktima, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Sinabi pa ng kapatid na Burgos na mas matibay ang kaniilang pinanghahawakang ebidensiya dahil na rin sa positibong pagkilala ng testigong si Cabintoy.  “Alibi vs. positive identification?” aniya pa.

Matibay ang pananalig at paniniwala ng pamilya Burgos na nagsasabi ng katototahan ang testigong si Cabintoy at gumagawa na lamang ng dahilan si Baliaga para hindi madiin sa kaso.

“ ’Yung testigo namin, nawalan ng trabaho dahil sa pagtestigo. Takot pa rin (siya) hanggang ngayon kahit nasa protection program ng gobyerno , samantalang si Baliaga isang militar at special action force pa. Sino ang may kredibilidad sa kanilang dalawa?” dagdag pa ni Burgos.

Panawagan naman ng Desaparecidos na nagpiket sa harapan ng CA bilang suporta sa pamilya Burgos,  isiwalat na ni Baliaga ang lahat ng kanyang nalalaman.

“ Dapat nang sabihin lahat ni Baliaga ang kanyang nalalaman hinggil sa pagdukot, kahit sino pang malalaking tao ang masagasaan,” sabi ni Guy Portajada, pangkalahatang kalihim ng Desaparecidos,

Muling haharap si Baliaga sa CA sa susunod na mga araw para sa cross examination.

Human Rights Watch: Di pagpaparusa sa AFP, sanhi ng patuloy na paglabag sa karapatang pantao
Elaine Pearson, Deputy Asia Director ng Human Rights Watch, isang internasyunal na grupong pangkarapatang pantao (Raymund Villanueva)

Apat na taon na ang nakakaraan, nadismaya ang internasyunal na grupong Human Rights Watch (HRW) sa kabiguan noon ng gobyernong Arroyo na parusahan ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao. Nang muling siyasatin ng grupo ang sitwasyon ngayon sa ilalim ni Pang. Benigno Aquino III, natuklasan nitong halos walang nagbago.

“There have only been four cases where cases of extra-judicial killings have been successfully prosecuted over the last four years. This is despite the fact that hundreds of leftist activists, clergy, and journalists have been killed. The administration has clearly failed to send a message that the perpetrators of these killings will be held accountable,” pahayag ni Elaine Pearson, Deputy Asia Director ng HRW.

Sa isang press conference sa Quezon City, binatikos ng grupo ang ulat ng administrasyong Aquino sa United Nations (UN) para sa gaganaping Universal Periodic Review (UPR) sa darating na Mayo 29 sa Geneva, Switzerland. Ayon sa ulat ng gobyerno sa UN, nakamit na nito ang 11 na komitment sa huling UPR noong 2008, kabilang na ang tuluyang pagtigil ng tortyur at ekstra-hudisyal na pamamaslang at pag-igting ng imbestigasyon at prosekusyon sa mga maysala.

Pero ayon kay Pearson, “retorika” lamang ang ulat ng gobyerno sa UN, dahil nagpapatuloy ang mga paglabag sa karapatang pantao. “The killings and disappearances have not stopped,” aniya.

Isang malaking dahilan dito ay ang umano’y kabiguan ng gobyerno na panagutin ang nasasangkot na mga miyembro ng militar, gaya ni Ret. Hen. Jovito Palparan. “We are afraid that members of the military and business interests seem to be protecting Palparan from being apprehended by the authorities…Members of the military are still failing to be held into account for their role in these abuses,” sabi ni Pearson. Hanggang ngayo’y wanted si Palparan para sa pagdukot ng dalawang estudyanteng sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.

Punto pa ni Pearson, maging ang kapwa akusado nina Palparan na sina Lt. Col. Felipe Anotado at S/Sgt. Edgardo Osorio, inilipat mula sa sibilyan na piitan patungo sa kustodiya ng militar. “Even if members of the military are on trial, or are convicted of human rights violations, in many cases they are being held in military camps, which in some cases are not even (considered) detention,” aniya.

Panoorin ang bidyo:

Utak ‘task force’

Sa dokumentasyon ng HRW, may 10 katao ang pinaslang at dinukot sa unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Aquino, ngunit wala ni isa sa mga suspek ang sumailalim sa matagumpay na prosekusyon.

Ito ay sa kabila ng € 3.9 Milyon na proyektong pinondohan ng European Union mula 2009 hanggang 2011 para diumano’y palakasin ang kapasidad ng sistema ng hudikatura na parusahan ang mga krimen gaya ng extra-hudsiyal na pamamaslang at pagdukot, ayon sa grupo.

Inilinaw din ni Pearson na bagaman may bahagyang pagbaba sa bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao, ito ay dahil pa sa pag-iingay at pagpupursige ng mga grupong pangkarapatang pantao at kaanak ng mga biktima, at hindi dahil sa mga ginawa ng gobyerno.

Pinuna niya ang hilig ng gobyerno na magtayo ng mga “task force” para solusyunan ang problema, gaya ng Task Force Usig, Task Force Against Political Violence, at Special Task Force to Address Extrajudicial Killings and Enforced Disappearances, na umano’y nagiging mekanismo lamang para sa PR (public relations) ng gobyerno.

Nawawala rin umano ng silbi ang ganitong mga task force dahil hindi naman nakikipagtulungan ang AFP sa Philippine National Police sa imbestigasyon sa mga kaso, at hindi rin ito pinupursige ng huli. “As soon as the evidence points to the military, often the trail goes cold,” sabi ni Pearson.

Sa ulat ng gobyerno sa UN, ipinagmalaki pa ng administrasyong Aquino ang pagsasanay ng militar at pulisya sa pagrespeto sa karapatang pantao. Pinangungunahan ng AFP-Human Rights Office (HRO) ang mga pagsasanay.

Pero ayon kay Pearson, hindi ito sapat. “Members of the military don’t commit abuses because they don’t know it’s wrong. They commit abuses because they know they can get away with it,” aniya.

Hindi rin umano isinasapubliko ng AFP-HRO ang mga resulta ng imbestigasyon nito, at salungat sa layunin nito, ay nagsisilbi ring mekanismo para depensahan o ang mga sundalong sangkot sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao

Oplan Bayanihan

Samantala, nang tanungin ng Pinoy Weekly hinggil sa pagtingin ng HRW hinggil sa Oplan Bayanihan, programang kontra-insurhensiya ng gobyerno na nagdudulot ng mga paglabag sa karapatang pantao, sinabi ni Pearson na inaaral pa ito ng grupo.

Ngunit kapuna-puna na umano ang pagkampo ng AFP sa mga eskuwelahan at iba pang pampublikong lugar. Nakakabahala rin umano ang red-baiting na patuloy na ginagawa ng militar.

“It’s still not clear wheteher there is a line drawn (by the military) between combatants and members of leftists organizations that are fighting for their rights. And it’s very dangerous if a spokesperson of the military is claiming that someone who is an anti-mining activist is actually a member of the NPA (New People’s Army), this is actually like a death sentence, given the number of killings that we’ve seen,” sabi ni Pearson.

Sa ulat ng gobyerno sa UN UPR, ipinagmalaki nito ang Oplan Bayanihan na “kumakatawan sa pagrespeto sa karapatang pantao.”

Ang UPR ay isinasagawa isang beses kada apat na taon para i-monitor ang komitment ng mga bansang miyembro ng UN sa pagrespeto sa karapatang pantao. Pangungunahan ni Department of Justice Sek. Leila de Lima ang delegasyon ng gobyerno ng Pilipinas. Lalahok din sa UPR ang grupong Karapatan para ihayag ang kanilang alternatibong ulat.

Kinilala ng HRW ang ilang mga positibong hakbang ng gobyerno ng Pilipinas sa usapin ng karapatang pantao simula noong huling UPR, gaya ng pagpasa ng Anti-Torture Act noong 2009. Pero ipinunto rin ng grupo na wala pang napaparusahan sa ilalim ng batas nito.

Kinilala rin ng HRW ang mga hakbang ng DOJ para kasuhan ang ilang mga suspek sa mga paglabag sa karapatang pantao. Pero ayon kay Pearson, ibang usapin pa ang pag-prosecute, pag-convict at tuluyang pagparusa sa mga ito.

Nagbigay ng ilang bagong rekomendasyon ang grupo sa administrasyong Aquino. Kabilang na dito ang pagsuspinde sa lahat ng mga miyembro ng militar na suspek sa mga kaso ng ekstra-hudisyal na pamamaslang at pagdukot, habang nagaganap ang imbestigasyon; at pag-utos sa AFP na makipagtulungan sa mga ahensiyang nag-iimbestiga sa kaso.

Inirekomenda rin ng grupo ang pagtigil ng AFP sa pagbansag nito sa makakaliwang grupo bilang prente ng CPP-NPA (red-baiting) o kaya ng mga bata bilang rebelde. Gayundin, nanawagan sila kay Pangulong Aquino na tuparin ang pangako nitong ibabasura ang Executive Order 564, na nag-aarmas sa mga private army at grupong paramilitar.

Higit sa lahat, diin ni Pearson, dapat ipakita ni Aquino ang kaseryosohan nito sa pagtigil sa mga paglabag sa karapatang pantao, sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga salarin.  “We want to see the president sending a message from the top. That these cases (of human rights violations) are prioritized by the government…We simply haven’t seen that kind of statement from the top,” aniya.

May ulat ni Kristine Joy Echaluce

Grupong karapatang pantao kokontrahin ang ulat ng administrasyong Aquino sa UN
Nais ng delegasyon ng mga aktibistang pangkarapatang pantao na tutungo sa Geneva, Switzerland sa susunod na linggo na pabulaanan ang magiging ulat ng administrasyong Aquino sa United Nations. (Macky Macaspac)

Taliwas sa tunay na nangyayari sa bansa ang iuulat ng mga kinatawan ng administrasyong Aquino sa Universal Periodic Review (UPR) sa United Nations (UN) sa susunod na linggo.

Ito ang sasabihin ng mga grupong pangkarapatang pantao, sa pagtungo nila sa Geneva, Switzerland kasabay ng pagharap ng gobyerno ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Mayo 29.

Sa UPR, bubusisiin ang rekord ng administrasyong Aquino sa pagpapatupad ng karapatang pantao sa bansa.

Sa isang press conference bago tumulak sa Geneva, sinabi ng grupong Philippine UPR Watch, na taliwas sa ulat ang tunay na nangyayari sa bansa.

“Sa kabila ng mga pahayag ng gobyerno hinggil sa karapatang pantao, patuloy pa rin ang ekstra-hudisyal na mga pamamaslang at lumalala ang kahirapan mula noong huling pagrebyu sa rekord ng Pilipinas noong 2008,” sabi ni Fr. Rex Reyes, katuwang na pinuno ng delegasyon at pangkalahatang kalihim ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP).

Isinumite rin ng delegasyon sa UNHRC ang kanilang alternatibong ulat na naglalarawan ng diumano’y kawalang katuparan ng gobyerno sa obligasyon nito sa mga pinirmahang tratado hinggil sa karapatang pantao. Kasama rin sa ulat ang patuloy umanong paglabag ng gobyerno sa sibil, pulitikal, ekonomiya at panlipunang karapatan.

Sinabi pa ni Reyes na sa loob ng apat na taon mula noong unang UPR noong 2008, na walang pagbabago sa kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas, at patuloy umanong namamayani ang impunity o kawalan ng pananagutan.

“Alam ng buong mundo ang kabiguan ng administrasyong Aquino na hulihin at maparusahan si Jovito Palparan at iba pang high profile fugitives,” ani Reyes.

Lubhang napakaliit din ang isang porsiyento ng paghatol sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao kasabay ng “napakabagal” na pagdinig sa mga kasong ito dagdag pa ni Reyes.

“Walang dapat na ipagmalaki ang gobyerno sa internasyunal na komunidad,” sabi pa ni Reyes.

Tampok sa alternatibong ulat ng grupo ang malawakang demolisyon sa mga komunidad ng mga maralita, tulad ng naganap na madugong demolisyon sa Silverio Compound sa Paranaque kung saan isang residente ang namatay.

Bibigyang-diin din ng grupo ang pananatili ng mababang pasahod sa mga manggagawa, kawalan ng sapat na trabaho at lumolobong bilang ng mga walang trabaho. Kasama din ang paglabag sa karapatan ng mga katutubo sa sariling pagpapasya dahil umano sa pagpasok ng mga malalaking dayuhang pagmimina.

“Mahalagang bahagi ng karapatang pantao ang karapatang pang-ekonomiya at ang Pilipinas ay pumirma sa Convention on Economic Social and Cultural Rights. Kailangang managot ang gobyerno sa tumataas na bilang ng unemployement, kagutuman at kahirapan,” sabi ni Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at isa sa mga delegado ng UPR Watch.

Ayon sa lider ng Bayan, ipinangalandakan ng gobyerno sa ulat nito na agresibo ito sa pagpapatupad, pagkilala sa sa pang-ekonomiya, panlipunan at kultural na karapatan ng mga mamamayan gayundin ang pagbibigay solusyon sa nararanasang kahirapan.

Ngunit para sa grupo, pawang dole-outs lang ang mga programa ng gobyerno tulad ng conditional cash transfer  at iba pang proyektong hindi umano malinaw ang pagpapatupad.

Maliban pa dito, tampok din sa kanilang ulat ang 76 na kaso ng ekstra-hudisyal na mga pamamaslang at daang kaso ng iba pang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ni Aquino.

Ilan lamang sa mga kasong ihaharap ang pagpaslang kay Fernando Baldomero, Dr. Leonard Co, Fr. Fausto Tentorio, Jimmy Liguyon at ang batang si Sunshine Jabinez.

Gayundin, ipapakita ng grupo sa Geneva sa pamamagitan ng kanilang alternatibong ulat ang ang kalagayan ng mga katutubong lumilikas dahil sa umano sa mapanirang proyekto tulad ng dam, plantasyong agrikultural at dayuhang pagmimina, ang patuloy na pagkakabilanggo ng mga biktimang Moro ng deklarasyon ng “state of lawlessness” sa Mindanao ni dating Pangulong Arroyo at ang patuloy na pagbabansag sa mga batang biktima ng paglabag bilang mga batang mandirigma.

“Ang ulat ng gobyerno ay maganda sa papel lamang. Mistulang paraiso ang pagkakasulat para pagtakpan ang katotohanan na napakasama ng kalagayan ng karapatang pantao sa bansa. Sa totoo lang, ang ulat ng gobyerno ay hilaw dahil wala itong katuturan para sa mga biktima,” ani Marie Hilao-Enriquez, tagapangulo ng Karapatan at isa sa mga pinuno ng delegasyong UPR watch.

Kasama sa mga organisasyong bumubuo ng delegasyon UPR Watch ang Karapatan, NCCP, Bayan, Ibon Foundation, Children’s Rehabilitation Center, Moro-Christian People’s Alliance, Migrante at iba pa.

Mga grupong maka-kalikasan, katutubo nagprotesta vs pamamaslang sa kanilang hanay
"Itigil ang mga pamamaslang!" sabi ng istrimer ng mga grupong maka-kalikasan, katutubo at taong-simbahan na nagrali sa harap ng Kampo Aguinaldo noong Mayo 17 para iprotesta ang pagpatay sa mga aktibistang maka-kalikasan at iba pang aktibista. (Macky Macaspac)

Nagprotesta ang mga grupong maka-kalikasan at katutubo sa harap ng Kampo Aguinaldo sa Quezon City para ihayag ang pagkondena sa ekstra-hudisyal na mga pamamaslang sa mga aktibistang maka-kalikasan.

Pinangunahan ng Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP), Karapatan at Katribu Party-List, inilunsad ng mga grupo ang protesta matapos ang pamamaslang kina Frederick Trangia at Margarito Cabal ng Mindanao.

“Makasaysayan na ang paglabag sa karapatang pantao sa katutubong mga mamamayan. Walang pakundangan na ang pagpatay,” ani Kakay Tolentino, tagapagsalita ng Katribu.

Alas-kuwatro ng hapon noong Mayo 6 nang pagbabarilin ng di-kilalang kalalakihang nakamotorsiklo si Fredrick Trangria, 60-anyos, at kagawad sa barangay ng Mainit Nabunturan, Compostela Valley.

Ang pagtutol ng biktima sa ilegal na pagmimina sa nasabing lugar ang siyang nakikitang motibo ng pamamaslang.

Makalipas ang tatlong araw, Mayo 9, pinagbabaril naman ng di-kilalang armadong kalalakihan si Margarito Cabal,75, sa kanyang tirahan sa barangay Palma, Kibawe, Bukidnon.

Kilala bilang aktibong lider ng Task Force Save Pulangi (TFSP) si Cabal na tumututol sa pagtatayo ng isang hydroelectric dam sa ilog ng Pulangi. Tutol ang kanyang grupo sa naturang dam dahil sa banta nito sa kalikasan at dahil sa posibleng dislokasyon ng mga magsasaka at katutubong mga mamamayan sa naturang ilog.

Proyekto ng First Bukidnon Electric Cooperative (Fibeco) ang hydroelectric dam. Isa ang Fibeco sa kinikilalang suspek sa pagpatay kay Cabal. Pero di parin isinasantabi ng Kalikasan-People’s Network for Environment (Kalikasan-PNE) na maaaring kagagawan ng paramilitar at mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpatay. Batay sa kanilang pagsisiyasat, nagsisilbing private security ng malalaking proyekto ng gobyerno tulad ng large scale mining, agro-plantation at energy projects na nakakasira sa likas na yaman ang maraming yunit ng AFP.

Dagdag pa, bago ang pagpaslang kay Cabal, pinagbintangan umano siya ng mga militar na kasapi raw ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Programang kontra-insurhensiyang Oplan Bayanihan ang itinuturo nilang batayan ng sistematikong pamamaslang sa mga lumalaban sa mga proyekto ng mga malalaking negosyo na nakakasira sa kalikasan. (Macky Macaspac)

Ang kaso nila Cabal at Trangia ay dalawa lang sa 13 kaso ng pamamaslang sa mga aktibistang maka-kalikasan na naitala sa ilalim ng administrasyong Aquino.

“Kung patuloy na susupilin ang mga mamamayan, ang mga tagapagtaguyod ng kalikasan, sino pa ang aasahan nating mag-aalaga at mamahala ng ating likas na yaman?” tanong ni Clemente Bautista, tagapag-ugnay Kalikasan-PNE

Pinasinungalingan ni Tolentino ang pahayag ni Col. Domingo Tutaan ng AFP Human Rights Office na walang ginagawang paglabag ang Armed Forces of the Philippines sa karapatang pantao ngayong taon.

“Kung hindi pa siya sinungaling at ulyanin, noong Marso 9, nagkaroon kami ng hearing sa Kongreso upang talakayin ang karapatang pantao ng mga ninuno sa Mindanao na nilabag ng AFP,” sabi ni Tolentino.

Sinisi naman ni Bautista ang dumaraming kaso ng pamamaslang sa hanay ng tagapagtaguyod ng kalikasan at ang militarisasyon sa Oplan Bayanihan, ang programang anti-insurhensiya ng administrasyong Aquino.

“Nagpapalala at nagdudulot sa paglabag sa karapatang pantao ito sa bansa,” sabi ni Bautista.  Ipinatutupad umano ito sa mga lugar kung saan may malalaking mamumuhunan na nagsasamantala sa likas-yaman at tumututol ang komunidad at mga grupong maka-kalikasan.

‘Pista ng paglabag sa karapatang pantao’
Tangan ng isang magsasaka ang poster na 'Wanted Palparan', inakusahan ng iba't ibang grupo si dating heneral Jovito Palparan na siyang may kagagawan umano ng maraming pagpaslang sa rehiyon ng Timog Katagalugan kung saan siya nadestino. (Macky Macaspac)

“Walang ipinagdiriwang ang mga mamamayan ng Quezon. Sa halip, nagluluksa sila dahil sa matinding militarisasyon na patuloy na banta sa kanila at kanilang kabuhayan.”

Ito ang sinabi ni Peter Gonzales, tagapagsalita ng Task Force Stop Militarization at Save the People of Quezon, sa harapan ng Kampo Aguinlado, punong kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), noong Mayo 15.

Noong araw na iyon, ginanap ang pistang Pahiyas sa Lucban, Quezon. Ito ang taunang kapistahan ni San Isidro Labrador, bilang pasasalamat sa magandang ani ng mga magsasaka. Pero sa halip na magdiwang, nagmartsa ang mga magsasaka bitbit ang isang tunay na kabaong na simbolo umano ng malawakang paglabag sa Karapatang pantao sa probinsiya ng Quezon at sa iba pang panig ng rehiyong Timog Katagalugan.

Sa halip na magdiwang para sa kapistahan ni San Isidro Labrador, nagmartsa at nagprotesta ang mga magsasaka mula sa probinsiya ng Quezon upang kondenahin ang diumano'y malawakang paglabag sa karapatang pantao na idinudulot ng matinding militarisasyon. (Macky Macaspac)

Ayon sa Karapatan, ilan lamang sa kaso ng paglabag sa Karapatang pantao ang naranasan ni Christopher Prieto na taga-Sityo Pilsen, Brgy. Cambuga, Mulanay, Quezon. Pinaratangan si Prieto ng pinaghihinalaang mga militar na nagtatago ng mga baril noong Mayo 9.  Dahil sa pananakot, nilisan ni Prieto ang kanilang lugar.

Takot din ang namamayani kay Genelyn Dichoso, matapos tanggihan niya ang P150,000 na perang iniaalok sa kanya ng mga elemento ng 76th Infantry Batallion ng Philippine Army para di-magsampa ng kaso sa pagkamatay ng kanyang pamangkin na si Manilyn Caribot. Namatay si Caribot, 17-anyos, nang mag engkuwentro ang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) at 85th IB ng Army noong Abril 29 sa Lopez, Quezon. Ayon pa sa Karapatan, hinalughog ang bahay ni Dichoso habang inililibing ang kanyang pamangkin.

“Mga magsasaka ang sinasalanta ng Oplan Bayanihan, na nagtatago sa mga katagang ‘peace and development’. Sa totoo lang, walang kahit anino ng kapayapaan o kaunlaran na aming naransan.  Maliban na lang kung aalis ang mga militar,” ani Gonzales.

Binatikos din ng grupo ang AFP na nagpahayag na walang kahit isang kaso ang naisampa laban sa  hanay ng militar sa loob ng unang apat na buwan ng taon, at pawang mga akusasyon lamang ang  mga naisampa mjula noong Hulyo 2010.

“Tigilan na ng AFP ang pagkakalat ng mga kasinungalingan. Ang mga biktimang humarap sa press conference ang magpapatunay na may mga paglabag,” sabi naman ni Glendhyl Malabanan, pangkalahatang kalihim ng Karapatan-Timog Katagalugan.

Sa isang press conference kamakailan, humarap sa midya ang mga biktima mula sa Timog Katagalugan. Inilabas nila ang  kanilang mga hinaing hinggil sa mga kaso ng paglabag sa Karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ipinakita ng mga grupong pangkarapatang pantao sa Quezon ang mga basyo ng bala na mula sa militar, sa isang press conference ng Karapatan-Southern Tagalog, hinggil sa militarisasyon sa naturang probinsiya. (Kat Elona)

Kuwento ng karahasan

Pauwi na umano ang asawa ni Mirasol na si Felix Baston, isang magsasaka, mula sa pagbebenta ng puso ng saging isang umaga noong ika-27 ng Marso, 2011. Pambili ni Felix ng bigas para sa pamilya ang pinagbentahan ng puso ng saging. Ayon sa mga nakasaksi, tinambangan siya ng 85th Infantry Battalion ng Army na mulang Camp San Miguel Dao sa Lopez, Quezon habang naglalakad. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nahahanap si Felix.

“Pinagbintangang NPA ang asawa ko. Bakit siya pinagbintangang NPA? Wala naman siyang dalang baril, itak lang,” sabi ni Mirasol.

Sinabi ng mga biktima na karamihan sa mga dinurukot na mga magsasakat at iba pang sibilyan sa Quezon Province ay pinagbibintangang miyembro ng NPA bagama’t walang sapat na basehan.

Ilang kilometro mula sa tahanan nila Mirasol sa Macaleleng, isang magsasaka din ang pinagbintangang miyembro ng NPA. Nag-aararo at nangunguha lamang daw ng niyog ang magsasakang nagngangalang Biloy nang bigla siyang damputin at dalhin sa kampo ng mga militar, ani Orly Marcellana, tagapagsalita ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK).

Hindi lamang mga magsasaka ang biktima ng mga pandarahas na ito, maging ang mangingisdang si Dondon Peros ng San Andres, Quezon ay nakaranas din at ninakawan pa umano siya ng 74th Infantry Battalion ng Philippine Army ng bangka at bigas.

“Pagsasaka at pangingisda pa naman po ang pangunahing kabuhayan dito, tapos ninanakawan pa kami,” ani Peros.

Maraming sibilyan sa kanayunan ang nagiging biktima ng pamamaslang tuwing may labanan sa pagitan ng NPA at mga militar, dahil madalas itong maganap sa mga komunidad, ayon sa Karapatan-ST.

Sa kabila ng lumulobong tala ng paglabag sa mga Karapatang pantao, wala umanong ginagawang hakbang ang lokal na pamahalaan ng Quezon upang solusyonan ang mga ito. “Lumapit nga kami sa mga opisyal ng Macaleleng, pero ang sabi nakakaabala lang daw kami,” ani Mirasol.

Lupain ng ligalig

Ibinalandra ng mga magsasaka ang isang kabaong sa harapan ng Camp Aguinaldo bilang protesta sa malawakang militarisasyon sa probinsiya ng Quezon. (Macky Macaspac)

Isa mga pinakamayamang lalawigan sa bansa ang probinsiya ng Quezon sa Timog Katagalugan.  Mayaman ito sa agrikultural na produksiyon gaya ng mais, palay, niyog at iba pa. Sagana din ito sa yamang mineral, at iba pang likas-yaman mula sa kabundukan at karagatan. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente dito.

May apat na distrito ang Quezon Province. Ang ikatlo at ikaapat na distrito ay tinaguriang South Quezon at Bondoc Peninsula na sentro ng produksiyong agrikultural kaya’t dito matatagpuan ang malaking bilang ng mga magsasaka at mangingisda. Nasa dalawang distritong ito ang mga proyektong pangkaunlaran ng gobyerno gaya ng Bio-Diesel sa Gumaca, Mirant Powerplant sa Atimonan, at Dam sa Macalelon.

Karamihan sa mga residente dito, tutol sa mga proyektong nais ng gobyerno, dahil masasagasaan nito ang kanilang tirahan at kabuhayan. Maaari silang mailipat sa malayong lugar kung saan malayo ang kanilang kabuhayan kung ipagpapatuloy ang mga proyektong ito ng gobyerno.

Tinagurian namang hacienda belt ang Bondoc Peninsula dahil sa libu-libong ektaryang lupang-sakahan na pagmamay-ari ng pamilyang Murray, Soleta, Estrada-Quizon, Tan, Reyes, at Matias.

Tutol din ang mga magsasakang taga-Quezon sa pangangamkam ng mga lupain nila ng iilang panginoong maylupa. Matagal na nilang ipinaglalaban na mabalik sa kanila ang lupang sakahan, at magkaroon ng reporma sa lupang sakahan.

Dahil sa pagdami ng bilang ng mga militar sa bahaging ito ng Quezon, nadiskaril ang pamumuhay ng mga residente dito na naglalayon umanong supilin ang paglaban ng mga mamamayan sa mga panginoong maylupa at sa gobyerno, ayon sa Karapatan-ST.

“Takot na ang karamihan sa mga sundalo. Paano na ang kabuhayan namin? ‘Di na ako nakakapag-araro. ’Yung iba nasa kalsada na nagtitirik ng bahay, natatalon ‘pag may mga sundalo,” ani Marcellana.

Kapag hindi umano pumayag ang mga residente sa gusto ng mga sundalo, nangunguha sila ng mga alagang manok ng mga naninirahan doon, at iba pang ari-ariang maaari makuha.

Sa kasalukuyan, walong batalyon ang nakatalaga sa South Quezon at Bondoc Peninsula.

Ayon sa Karapatan, nakatalaga dito ang 85th, 76th, 74th, at 59th IB ng Army. Kabilang din ang 1st Special Forces ng Army, 201st Brigade, 2nd Infantry Division, Citizen Armed Force Geographical Unit, at 416th Provincial Police Mobile Group.

Ito ang pinakamaraming batalyong naitalaga sa bahaging ito pa lamang ng Quezon Province.

“Naalarma kami sa tunay na intensyon ng malawakang militarisasyon. Ang sabi ng AFP bahagi ito ng kanilang pamamaraan para lusawin ang NPA, pero mga sibilyan sa kanayunan ang nagiging pangunahing biktima ng pang-aabuso ng mga sundalo,” ani Malabanan.

Tanggalin ang Oplan Bayanihan

Hindi nagdiriwang ang mga magsasaka sa Quezon, kundi nagpoprotesta. (Macky Macaspac)

Ayon sa ulat ng Karapatan, ang militarisasyong ito ay bunsod ng programang Oplan Bayanihan na programang kontra-insurhensiya o kontra sa mga taong lumalaban sa gobyerno. Katulad umano ito ng Oplan Bantay Laya noon ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo.

Sa ilalim ng Oplan Bantay Laya ni Arroyo noon, umabot sa 1,206 ang biktima ng pulitikal na pamamaslang, 206 ang mga dinukot, at libu-libong kaso ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao ang naitala.

Itinatago ng pamahalaan ang Oplan Bayanihan sa ngalan ng “kapayapaan at kaunlaran”. Ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao, “balatkayo” lamang daw ang paggalang umano nila sa karapatan ng mga tao sa pamamagitan ng dental at health missions, at iba pa. Ang katunayan, matapos nito, minamaltrato nila ang mga sektor sa nayon.

“Dapat ng paalisin ang kasundaluhan sa kabundukan. Sa halip na pinagtatanggol kami, dinadahas pa kami,” ani Marcellana.

Hindi lamang mga residente ng Quezon Province ang nakararanas ng mga paglabag sa karapatang pantao. Noong termino ni Arroyo, naitalang 180 ang kaso ng pulitikal na pamamaslang, 32 kaso ng pandurukot, at iba pang kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa Timog Katagalugan.

Para sa mga militanteng magsasaka ng rehiyon, nakadisenyo ang programang kontra-insurhensiya para depensahan ang despotikong mga panginoong maylupa at malalaking negosyante sa lugar.

“Inaalagaan lang ng mga militar ang interes ng mga panginoong maylupa at may-ari ng malalaking negosyo sa nayon,” sabi ni Pedro Gonzales, pangkalahatang kalihim ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas-Timog Katagalugan (Pamalakaya-TK).

Kasabay ng pagkondena  at panawagan na agarang paalisin ang mga militar sa probinsiya ng Quezon, nagsampa rin ang grupo ng kaso sa Commission on Human Rights. Isa namang resolusyon ang isinampa ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano na nagpapanawagan ng imbestigasyon sa mga paglabag sa Karapatang pantao sa Quezon at agarang pagpapa-alis sa mga militar sa naturang lugar.

“Ang Oplan Bayanihan ni Aquino ay bumibiktima sa buhay at aria-arian ng libu-libong  magsasaka. Hinihiling namin ang kagyat na pag-alis ng puwersang militar sa Timog Quezon at Bondoc Peninsula,” pahayan ni Mariano.

Iginigiit naman ng mga magsasaka at kamag-anak ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, na hangga’t manhid ang administrasyong Aquino sa panawagan ng mga mamamayan para sa kanilang mga batayang karapatan, wala silang pagpipilian kundi ang manindigan at lumaban.

May ulat ni Kat Elona

Daan-daang sibilyan, biktima sa pambobomba, paglusob ng militar sa Agusan del Sur
Mga residente ng Trento na lumikas dahil sa pambobomba ng militar sa kanilang lugar. (Contributed Photo)

Malawakang pambobomba at sunud-sunod na mga operasyong militar ang nagresulta sa sapilitang paglikas ng daan-daang sibilyan sa kanilang mga tahanan sa Trento, Agusan del Sur.

Sinabi ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan na aabot sa 83 pamilya, o 397 indibidwal, ang lumikas mula sa kanilang mga komunidad sa Styo Upper New Visayas sa Trento dahil sa walang-tigil na operasyong militar ng pinagsanib na mga puwersa ng 10th at 4th Infantry Division ng Pihlippine Army sa ilalim ng Eastern Mindanano Command (Eastmincom) kontra sa mga rebelde raw sa lugar.

Mag-inang bakwit mula sa Trento, Agusan del Sur. (Contributed Photo)

Iniulat din ng Karapatan ang paglabag sa karapatang pantao ng mga residente, tulad ng pag-aresto sa mga sibilyan at pagparatang sa isang nasugatang menor-de-edad na isang rebelde.

Sinabi ng mga residente ng lugar na pitong beses ang walang habas na pambobomba ng militar kasabay ng operasyon ng mga ito noong Mayo 7.

Kahit umano sa lugar na pinaglikasan, nakabantay umano ang mga militar na nagdudulot na takot sa mga residente.

“Kahit sa mga evacuation center, may mga nakasibilyang militar sa pamumuno (ng isang) Col. Benavides ng 75th IB. Kasama sila ng DSWD (Department of Social Welfare Development) sa pagbibigay ng relief goods (habang tinatakot ang) mga bakwit,” ani Rev. Jurie Jaime, tagapagsalita ng Karapatan-Southern Mindanao.

Sinabi rin ng Karapatan na isang 16-anyos na bata ang nasugutan sa kaliwang hita dahil sa operasyong militar matapos siya maiwan sa paglikas ng kanyang pamilya. Pinaratangan ding rebelde ang naturang menor-de-edad.

Sa kuwento ng ama ng biktima na si Melchor Malimbasao, inutusan niya ang kanyang anak na kumuha ng mga kahoy para may magamit sa pagtatayo ng kubo para sa pagdiriwang ng Araw ng Trento. Ilang sandali, nagkaroon na ng pambobomba sa mapunong bahagi ng komunidad.

“Lumikas ang buong komunidad kasama ang pamilya ko dahil sa takot. Iniisip ko na makakayang lumikas ng aking anak at makakasama namin sa evacuation site, pero nawawala siya maghapon. Noong gabi ng Mayo 8, nagulat ako sa pagdating niya sa evacuation site pero may sugat na sa kaliwang hita. Pero bago ko siya malapitan para sana madala sa ospital, sinunggaban na siya ng mga militar at inakusahang NPA,” ani Malimbasao.

Sa mga ulat sa midya, kusang sumuko ang menor-de-edad na pinararatangang kasapi daw ng Guerrilla Front 20 ng New People’s Army – Southern Mindanao Regional Committee.

Nasugatan umano ang menor-de-edad sa operasyon ng militar sa hangganan ng mga bayan ng Compostela at Agusan del Sur.

Hindi rin ikinaila ng militar na kasama ang pamilya ng biktima sa mga lumikas.

“These evacuees were checked and were given relief goods by the Brigade, which had been the deciding point of his mother who convinced him to surrender,” pahayag ng 4th ID sa midya.

Mga bakwit (evacuees) mula sa Trento, Agusan del Sur. (Contributed Photo)

Pero iginiit ng ama ng biktima na hindi rebelde ang kanyang anak at hindi siya sumuko. “Inaresto nila ang aking anak at dinala sa headquarters ng 4th ID sa Cagayan de Oro. Ang hiling namin, palayain nila ang anak ko para maipagamot namin sa sibilyang ospital,” ani Malimbasao.

Kasalukuyang nasa Camp Evangelista Station Hospital ang biktima.

“Inilantad ng engrandeng aksiyong militar ang brutalidad nito na nagtatago sa ilalim ng peace and development ng Oplan Bayanihan,” pahayag ni Jaime.

Sinabi rin ni Jaime na ang malawakang operasyong militar ay bahagi ng clearing operations para sa tangkang pagmimina.

“Hanggang ngayon, nababalot ng takot ang mga komunidad sa hangganan ng bayan ng Monkayo at Trento dahil sa clearing operations ng Oz Metal Coporation at Monkayo Comsolidated Mining kasama ang Armed Forces of the Philippines,” aniya.

Dagdag pa ng Karapatan, isang buntis at isang bagong panganak na babae ang nakaranas ng pagdurugo matapos ang kanilang paglikas mula sa operasyong militar sa Upper New Visayas.

Gayundin, inirereklamo ng mga residente na hinalungkat umano at pinagkukuha ang laman ng kanilang mga tindahan at kinatay ang mga alagang hayop.

“Lumabag ang 10th at 4th ID sa international humanitarian law dahil sa paggamit nila sa mga komunidad ng sibilyan bilang lunsaran ng kanilang giyera at paglalagay sa mga sibilyan sa kapahamakan, “ ani Jaime.

Video: We will not be silenced
The video, made by Alex Felipe, Pinoy Weekly correspondent, photojournalist and migrant-leader in Toronto, Canada, is about the visit to Canada of three human rights defenders in the Philippines, Bishop Reuel Barigza of the United Church of Christ in the Philippines (UCCP);  Dr. Merry Mia Clamor, health worker and former political prisoner with the so-called Morong 43, and Angelina Bisuna Ipong, chairperson of Samahan ng mga Ex-Detainee Laban sa Detensyon at Aresto (Selda, Association of Ex-Detainees Against Detention and Arrest) and a political prisoner as well, under the previous Arroyo government.

The Filipino human rights defenders visited Canada as the Philippine government was preparing to undergo a Universal Periodic Review (UPR), a state-driven process involving a review of the human rights records of all 192 United Nations (UN) member states once every four years.

The activists hope their meetings with parliamentarians and Canadians will help put an end to what they describe as a “culture of impunity” and exert pressure on the Aquino government to respond to human rights abuses.

Their tour – from March 27 to April 16 – was part of an international effort to shed light on the human rights situation in the Philippines. The UPR requires the Aquino government to declare before the UN Human Rights Council what it has done to improve the human rights situation in the Philippines and to fulfill its human rights obligations to Filipinos.

(Some photos used in the video were provided by Pinoy Weekly)

Killer drones ng US, laganap na ginagamit sa Pilipinas
Iba't ibang klaseng drones at Unmanned Aerial Vehicles na ginagamit ng tropang US, nakadisplay sa isang air station sa US. (Wikimedia Commons)

Paglikas, pagtakbo, pagkatakot: Hindi na bago ang mga ito sa maraming komunidad ng mga mamamayang Moro.

Sa dakong ito ng Mindanao, mga bala’t bomba ang nagsisiliparan, may engkuwentro man o wala ang militar sa sesesyonistang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at bandidong Abu Sayyaf. Sa ilang dekadang pagtugis ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tinuturian nitong mga “kaaway ng estado”, hindi na bago ang paggamit ng labis na pandarahas. Pero kamakailan lamang, may bagong panganib na namamataan sa mga kalangitan ng Moro Mindanao.

Noong Pebrero 2012, kinumpirma ng apat na namumunong opisyal panseguridad ng gobyerno ang pagbomba ng isang kuta ng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu, gamit ang “unmanned drones” at US-satellite guided “smart bombs” na bigay umano ng mga Amerikano.

Ang drones ay nasa kategorya ng Unmanned Aerial Vehicles (UAVs), na kadalasa’y ginagamit upang mang-espiya ang militar ng US mula sa isang mataas na elebasyon sa mga kaaway nito sa digma. Maaari ring gamitin sa mga operasyong militar ang mga drone upang sumalakay at magbagsak ng mga bomba.

Umabot sa 15 rebelde ang nasawi sa operasyong ito noong Pebrero 2. Kasama rito ang Malaysian na diumano’y “terorista” na si Zulkifli bin Hir (a.k.a. Marwan), isang martial arts instructor sa Singapore na si Muhamda Ali (a.k.a. Muawiyah ng Jema’ah Islamiyah), at kumander daw ng Abu Sayyaf na si Gumbahali Umbra Jumdail, kasama ang 12 pang iba nilang kasapi.

Pinuri naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang paggamit ng attack drones, at tinawag na “carefully planned precision attack” ang air strike. Tinanggi ng AFP ang paggamit dito ng smart bombs: Matatalino lamang raw ang kanilang mga piloto.

Pero may mga grupong Moro na naaalarma sa hayagang paggamit ng drones sa pag-atake ng AFP sa mga komunidad ng Moro.  “’Yun nga ’yung masaklap. Ipinagmamalaki nila na nakapatay sila ng ASG (Abu Sayyaf Group) gamit ang kanilang mga deadly drones,” sabi ni Bai Ali Indayla, pangkalahatang kalihim ng Kawagib, isang grupong pangkarapatang pantao sa mga komunidad ng Moro.

Ayon kay Indayla, kumpirmado ang pambobombang naganap sa kanilang mga komunidad ng Sulu.

“Nakakabahala, sapagkat ang ginagawang ito ng US na direktang paglahok sa aktuwal na combat operations, gamit ang mga pasilidad at armamentong pandigma tulad ng nakapapatay na drones, ay paglabag sa Visiting Forces Agreement (VFA), at paglabag ng ating pambansang soberanya,” dagdag ni Indayla.

Maliban sa grupo nina Indayla, marami pang hindi naniniwala sa opisyal na pahayag ng AFP na ang nakaraang atake sa Sulu ay hindi lulan ng mgadrone. Sinabi ni Arnold Padilla, blogger at aktibista mula sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), na maging ang dating piloto sa Philippine Air Force na si Captain Joenel Pogoy ay di naniniwalang normal na OV-10 planes ang ginamit sa atake sa Sulu.

Si Pogoy ay dating ikinulong ng militar nang dalawang taon dahil sa pagkakasangkot niya, at pagsiwalat niya, sa korupsiyon ng Air Force.

Hitsura ng isang control room ng drone planes ng tropang US. (Wikimedia Commons)

Sabi umano ni Pogoy na kung walang kaaway na nagpapaputok laban dito, ang minimum na altitude ng OV-10 ay di bababa sa 500 feet mula sa ground level. Pero kung may atake mula sa kalaban, dapat na lumipad ito ng di bababa sa 1,000  feet mula sa ground level.

“Sinabi pa niiyang dapat na mas mataas pang lumilipad ang mga OV-10 tuwing mga operasyon sa gabi dahil sa terrain height variation. Duda si Pogoy na makakamit ng mga OV-10 – kahit pa pinalilipad ng ‘matatalinong piloto’ tulad ng sinasabi ng PAF – ang pinpoint accuracy sa isang misyon na kinondukta alas-tres ng umaga sa kagubatan ng Sulu. Ang tanging lohikal na paliwanag ay gumamit (sila) ng drones,” sinulat ni Padilla na sinasbi ni Pogoy.

Hindi ito ang unang pagkakataong may nakapagsabing gumagamit ng drones sa Pilipinas ang mga tropang Kano. Noong Enero 2009, maraming mga residente ng Pio V. Corpus at Esperanza sa Masbate sa rehiyong Bikol ang nakakita sa pagsabog ng isang UAV matapos ipalipad ito mula sa kampo ng 507th Police Provincial Mobile Group ng Philippine National Police (PNP). Sinabi ni Greg Banares, tagapagsalita ng National Democratic Front (NDF) sa Bikol, na dumating sa kampo at naging saksi sa pagpapalipad ng UAVs ang “matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines at PNP sa rehiyon.”

“Sa ulat ng Jose Rapsing Command (ng New People’s Army sa) Masbate, may matataas na opisyal ng AFP at PNP sa rehiyon na dumating sa kampo ng 507 PPMG sa Uson upang saksihan ang operasyon ng UAV na ginagamit sa paniniktik at pagsarbey ng kalupaan at karagatan ng Masbate. Nasaksihan ng mga mamamayan ang pagliyab at pagsabog ng UAV,” pahayag ni Banares.

Para kay Banares, malinaw na pakikilahok ito ng tropang US sa giyera kontra-insurhensiya ng gobyerno.

Noong Marso ngayong taon, inireklamo rin ng NDF-Bikol ang paggamit diumano ng spy planes kaalinsabay ng “Operation Pacific Angel 12-1” ng tropang Kano at Pilipino, sa rehiyong Bikol. Ayon sa AFP, humanitarian and relief mission ang naturang operasyon, pero nasaksihan umano ng mga puwersa ng NDF-Bikol ang paggamit ng UAVs sa mga operasyong militar ng AFP.

“Kasabay sa mga aktibidad ng 13th US Air Force ang kanilang lihim na pagpapalipad ng mga ‘surveillance drones’ o spy planes para mag-survey ng madarambong nilang likas na yaman; at magsagawa ng mas masinsing (intelligence) operations para magmanman sa mga pampulitikang kalaban ng estado, at magpamilyarisa sa mga kondisyon ng pakikidigmang gerilya sa Bikol,” pahayag ni Banares noong Marso.

Sinabi rin ni Indayla na noong 2008 pa’y gumagamit na rin ang AFP ng spy planes ng tropang Kano kontra sa MILF.

“Nuong 2008, sa kasagsagan ng giyera laban sa MILF, may dalawang spy planes na bumagsak sa Maguindanao at North Cotabato… Natagpuan din ’yung bumagsak na spy plane doon sa sa Pikit, North Cotabato, (na) erya rin ng MILF,” ani Indayla.

Suspetsa ni Indayla, mismong mga tropang Kano, at hindi mga elemento ng AFP, ang mismong magpapalipad ng drones upang maniktik at manalanta sa mga mamamayan.

“Noong mangyari ’yung pag-crash (sa Pikit, North Cotabato), sila mismong (tropang US) ’yung pumunta sa erya para irekober, para kunin (’yung crashed drones),” dagdag ni Indayla. Naisadokumento at nakuhanan pa raw ng mga residente ang pangyayari.

Napakalakas pa umano ang kanilang ebidensiya laban sa mga ito sa pamamagitan ng ilang panayam ng Kawagib sa dalawang matataas na opisyal ng militar.

Sinabi mismo nina Col. Felix Castro, deputy brigade commander ng 103rd Infantry Brigade sa Camp Lanao sa Marawi City, at Maj. Javier Ignacio of the Western Mindanao Command, na mismong silang mga opisyal ng AFP ay hindi pinapayagan ng mga tropang Kano na pumasok sa kanilang mga baraks nang walang pahintulot.

“Paano pa kaya yung mismong paggamit ng kanilang mga kagamitan?” tanong ni Indayla.

Kung totoo ang aktibong paggamit ng spy planes o drones sa mga operasyong militar ng AFP, masasabing lantarang lumalabag ito sa PH-US Visiting Forces Agreement. Alinsunod sa mga probisyon nito at ng Konstitusyong 1986, pinahihintulutan lamang ang mga tropang Amerikano na magsanay ng mga sundalo ng bansa ngunit hindi maaaring lumahok sa mga operasyon ng AFP.

Paggamit ng brutal na drones

Panahon pa ng administrasyon ni George W. Bush unang gumamit ng drones para sa mga operasyong militar nito sa Gitnang Silangan, kontra sa diumano’y mga terorista.

Ipinagpatuloy ng kasalukuyang Pang. Barack Obama ang naturang mga programa, na ayon sa imbestigatibong ulat ng magasing New Yorker ay may dalawang klase: ang programang drones ng US Armed Forces, na ginagamit sa conventional na mga atake at panininiktik sa mga kalaban ng US; at ang programang drones ng Central Intelligence Agency (CIA), na nagsasagawa ng paniniktik at pagbomba sa piling mga target na kaaway ng US, o mga asasinasyon.

Ayon sa pag-aaral ng Bureau of Investigative Journalism, isang non-profit organization na nakabase sa City University of London sa Inglatera, aabot na sa 371 ang mga sibilyang napaslang sa mga atake ng drones sa bansang Pakistan lamang. (Isang timeline ang ginawa nila para masundan ang bawat kaso ng pamamaslang.) Samantala, sa independiyenteng pag-aaral ng Associated Press, aabot sa 20 porsiyento ng mga napapaslang sa drone attacks ay mga sibilyan sa naturang bansa.

"2+2 meeting" nina (mula kaliwa) PH Defense Sec. Voltaire Gazmin, PH Foreign Affiars Sec. Alberto del Rosario, US Secretary of State Hillary Clinton, at US Defense Sec. Leon Panetta. (dfa.gov.ph)

Ayon naman sa Reprieve, isang legal advocacy group sa US, tinatayang aabot sa 2,283 na sibilyan na ang napaslang ng UAVs o drones sa Pakistan magmula 2004. Kung kaya nagsampa sila ng kaso sa United Nations Human Rights Council para ireklamo ang gobyernong US na gumagamit ng drones na ikinamamatay ng maraming sibilyan sa Pakistan.

Binatikos ng maraming grupo sa US ang programang drones ng US sa isang summit hinggil sa drones sa Washington DC noong Abril 28-29, 2012. Ayon sa pinagkaisang pahayag ng mga grupong kontra sa programang drones ng US, labag umano sa mismong Saligang Batas ng US ang naturang drone strikes, laluna sa tinagurian nilang “Fifth Amendment”. Sa naturang batas, ginagarantiya na di maipagkakait ang buhay sa sinuman nang walang due process.

Maging si Prop. Philip Alston, UN Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary and Arbitrary Executions, ay bumatikos sa programang drones ng CIA. Sinabi ni Alston na nakakakaalarma ang kawalan ng pananagutan ng CIA at gobyernong US sa pamimili nito ng mga indibidwal at grupong nais nitong itarget.

Strike drones, bawal – PNoy

Sa kabila ng masamg rekord ng US sa paggamit ng drones, tila buung-buo ang pagtanggap sa programang ito ng administrasyong Aquino sa Pilipinas.

Noong 2009, panahon ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo, bumisita si Leon Panetta, na noo’y direktor ng CIA, sa Pilipinas. Nitong Abril 30, kasama si US Secretary of State Hillary Clinton, nakipagpulong si Panetta, ngayo’y US Secretary of Defense na, kina Sec. Alberto del Rosario ng Department of Foreign Affairs at Sec. Voltaire Gazmin ng Department of Defense ng Pilipinas. Sa tinaguriang “2+2” na pulong na ito, ipinagtibay ang pag-igting ng ayudang militar ng US sa Pilipinas, kasama na siyempre ang pagdami ng mga ehersisyong militar, tropang US at kagamitang militar tulad ng drones.

Nagkataong si Panetta mismo, ayon sa New Yorker, ang isa sa pinakamasugid na tagasuporta ng programang drones noong direktor pa siya ng CIA.  Sa kanyang salita, ang programang drones ay ang “tanging laro” ng US (“only game in town”) para epektibong labanan ang mga kaaway ng US.

Samantala, sa mga pahayag sa publiko, hindi pinagbabawalan ni Pang. Benigno Aquino III ang paggamit ng US ng mga mapaminsalang drone sa paniniktik. Pero, sa kanyang talumpati noong Marso 20, sinabi ni Aquino na hindi ito maaaring gamitin sa mga operasyong militar sa Pilipinas.

“Narito sila (tropang US) bilang mga tagapayo. Narito sila bilang mga tagasanay. Hindi sila maaaring lumahok sa mga operasyong combat,” sabi ni Aquino, sa wikang Ingles. Sa madaling salita, inamin mismo ni Aquino na pinapayagan ng kanyang administrasyon ang spy drones ng tropang US na magpalipad sa himpapawid ng bansa para sa mga misyong “reconnaissance” o paniniktik.

Paglaban sa insurhensiya ang nakikitang isa sa mga dahilan kung bakit itinutulak ng administrasyong Aquino ang pag-igting ng interbensiyong militar ng US sa bansa. Dahil hirap ang gobyerno na labanan ang insurhensiya ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front at MILF, gusto nitong mas aktibong palahukin sa kontra-insurhensiya ang tropang Kano.

“We are not getting any offensive capability from the Americans. But we do need — I think all countries have a legitimate need for — defense, and that is our focus,” sabi pa ni Aquino.

Sa madaling salita, itinuturing ni Aquino na kaaway ang mga kapwa Pilipino na naghahangad ng pagbabago sa lipunang Pilipino, pati na ang mga pinaghihinalaan niyang simpatetiko rito. Samantala, binibigyang-laya niya ang brutal na attack  at surveillance drones ng isang dayuhang armadong puwersa na mamalagi sa himpapawid ng bansa.

Health worker sa Zamboanga del Norte, inaresto at kinasuhan ng ‘gawa-gawang’ kaso
Mapa ng Zamboanga del Norte (wikipedia)

Inaresto at sinampahan ng kasong murder ang isang health worker at lider-kababaihan sa Zamboanga del Norte.

Ayon sa Barug Katungod Mindanao, organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao sa lugar, inaresto ang biktimang si Helen Igloria sa kanyang tahanan ng pinagsanib na elemento ng kapulisan intelligence units ng militar noong Abril 25.

Sa pahayag ng grupo, tumatayong administrative officer si Igloria ng institusyong Community Based Health Services (CBHS) sa Zamboanga del Norte at isa sa mga nagtatag ng Gabriela sa lugar.

“Nakakapagtaka ang pag-aresto kay Igloria dahil walang anumang subpoena ang korte laban sa kanya. Sana nasagot niya at ng kanyang mga abogado ang gawa-gawang kaso,” pahayag ng grupo.

Ayon sa grupo, nasa Tangub City Jail si Igloria na nakaranas umano ng hypertension  dahil sa interogasyon sa kanya.

Iginiit ng grupo na ang kasong murder ay gawa-gawa umano tulad ng nangyari sa grupong Morong 43.

“Patunay din ito sa patuloy ang harassment  at vilification sa mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao rito sa rehiyon ng Zamboanga (na nagaganap na nitong) nakaraang anim na taon,” pahayag pa ng grupo.

Sinabi din ng grupo na mula pa noong 2010, nakakatanggap na si Igloria ng mga banta sa kanyang buhay dahil sa diumano’y nasa order of battle siya ng mga militar.

“Napilitan siyang mag-lielow dahil sa mga pagbabanta sa kanya, tulad din ng mga paralegal at health worker na kinakasuhan ng mga gawa-gawang kaso,” dagdag pa ng grupo.

Nananawagan ang Barug Katungod sa Department of Justice o DOJ na imbestigahan ang pagsampa ng mga gawa-gawang kaso at bigyang proteksiyon ang mga nagtataguyod ng karapatan o human rights defenders.

Residente sa Silverio compound na nasawi sa madugong demolisyon, binigyang pugay
Matapos ang pamamaril ng SWAT Team sa mga residente ng Silverio, natagpuang nakahandusay sa sariling dugo si Arnel Leonor, 21-anyos, noong Abril 23. (Tudla Productions)

Suot-suot ang mga puting t-shirt na may tatak na “Hustisya para kay Arnel Leonor at sa lahat ng biktima ng karahasan at demolisyon sa Silverio Compound”, nakiisa ang mga residente ng Silverio Compound, Paranaque sa karaban na naghatid kay Arnel Leonor sa kanyang huling hantungan.

Nasawi si Arnel “Nonoy” Leonor, 19-anyos, sa gitna ng brutal na pagdemols ng Southern Police District sa mga kabahayan at tindahan sa Silverio Compound sa Paranaque City.

Pasado alas-12 ng umaga nang tumulak ang karaban mula Silverio patungong Manila North Cemetery kung saan nagbigay parangal ang progresibong grupong Anakbayan kay Arnel. Ganap na alas-dos nang maihimlay na si Arnel sa kanyang huling hantungan.

Bunso sa apat na magkakapatid, kukuha sana ng kurso sa pagkapulis si Arnel sa darating na pasukan. Ayon sa kanyang mga magulang, pangarap din umano niyang sumikat. “Ngayon sikat na siya, pero hindi naman namin siya kasama,” ani Glenda Leonor, ina ni Arnel.

Ayon sa National Bureau of Investigation, tinamaan si Arnel ng bala ng baril sa ulo. Mahihinuhang isang miyembro ng Paranaque City Special Weapons and Tactics (SWAT) Team ang nagpaputok ng baril sa gitna ng demolisyon.

Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), pagtatayuan ng condominium units at iba pang establisyemento ni Henry Sy ang lugar.

“Sy, Bernabe, at PNP, dapat managot”

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin natutukoy kung sino ang dapat managot sa nangyaring pamamaslang sa binata. Wala pa ring nananagot sa naganap na marahas na demolisyon sa Silverio noong ika-23 ng Abril.

Ayon sa fact-finding mission na pinangunahan ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan noong Abril 27, hindi lamang si Henry Sy ang dapat managot. May pananagutan din ang Philippine National Police (PNP) at lokal na pamahalaan ng Paranaque sa pamumuno ni Mayor Florencio “Jun” Bernabe  Jr.

Sabi ni Jigs Clamor, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, maaaring managot ang mga suspek kung magsasalita lamang ang mga residenteng nakasaksi ng karahasan.  Ngunit takot umano ang karamihan sa kanila.

“Sa kasalukuyan, traumatized pa rin ang ibang residente. Ang ilan takot na magsalita dahil sa mga naglipanang intelligence personnel sa komunidad. Ang ilan nakitira sa mga kamag-anak sa ibang lugar,” ani Clamor.

Sa kasalukuyan, isang detachment ng mga pulis na nakasibilyan ang itinirik sa pasukan ng Silverio Compound. Sa kabila nito, naghuhugas-kamay ang gobyerno at pulisya sa naganap sa Silverio.

“Niyurakan ng gobyerno at PNP ang karapatan ng mga maralitang tagalungsod na ipaglaban ang kanilang karapatan sa tirahan at kabuhayan. Hindi raw galing sa mga pulis ang bala ng baril pero may mga residenteng tinamaan ng bala samantalang wala man lang tinamaan sa kanila,” ani Cristina Palabay, tagapagsalita ng Karapatan.

PPP ni Aquino, salarin

Itinuturing salarin ng Karapatan at ng militanteng mga grupong nagluksa sa pagkamatay ni Leonor ang programang Public Partner Partnership (PPP) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Pangunahing patakarang pang-ekonomiya ng administrasyon ang PPP. Dito, nagiging magkasosyo sa negosyo ang gobyerno at pribadong sektor.

“Binibigyang pahintulot ng PPP ang pribadong mga kompanya tulad ng SM na kamkamin ang mga bagay na dapat sana’y ibinibigay ng gobyerno tulad ng lupa. Mas nangingibabaw sa PPP ang interes ng pribadong sektor kaysa interes ng mga mamamayan na dapat sana’y ipinaglalaban ng gobyerno,” dagdag ni Palabay.

Hamon ng militanteng mga grupo kay Aquino na panagutin sina Sy, Bernabe, at ang PNP kung talagang seryoso siyang resolbahin ang kasong ito ng paglabag sa karapatang pantao.