
Kasabay ng isinasagawang pulong ng United Nations Human Rights Committee sa New York kung saan nakatakdang pag-usapan ang kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas, nagsagawa kahapon ng isang piket-protesta ang iba’t ibang grupo sa harap ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Kampo Aguinaldo. Kanilang binatikos ang Oplan Bayanihan, ang kontra-insurhensiyang programa [...]

Isang magsasaka, at dalawang anak niya, ang walang-labang pinaslang diumano ng militar, kasama ang isang sinasabing rebelde, sa Labo, Camarines Norte noong Pebrero 24. Inanunsiyo ng militar na kagagawan daw ng mga rebelde ang masaker. Pero sila ang mismong itinuturo ng saksi.

Sa kabila ng bagong pangalan, mapanupil na dahas pa rin ang programang kontra-insurhensiya ng AFP at administrasyong Aquino. Nakita ito sa pagpapatuloy ng mga abusong militar

Hinala ng militanteng mga grupong kabataan, hindi hiwalay sa programang kontra-insurhensiya ng militar na Oplan Bayanihan ang mga atake sa mga aktibista tulad sa “Porac 3”, Ekis Gimenez at Lordei Hina, gayundin ang panghaharas at pinaghihinalaang tangkang pagdukot sa mga mamamahayag pangkampus sa Samar nitong Peb. 26.
Feb 28 2012 | Posted in
Kabataan,
Lathalain |
Read More »

Kahapon, nadulas sa pagbulalas ang isa sa aking mga dalaw: “Happy first anniversary mo rito.” Wala naman sa akin ‘yon, pero agad-agad din, bago pa man ako mangiti o makatawa, napagtanto niya marahil ang maaaring pagkawala-sa-lugar ng magiliw sana nilang pakli.
Feb 19 2012 | Posted in
Jailhouse Blog |
Read More »

Ikinatuwa ng mga obrero ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagpapalabas ng warrant of arrest ng Antipolo Regional Trial Court Branch 98 laban sa 13 suspek sa pagtortyur at pagpaslang sa lider-manggagawang si Rolando Olalia at kanyang alalay na si Leonor Alay-ay matapos ang 25 taong pagkakabinbin ng kaso.
Feb 17 2012 | Posted in
Balita |
Read More »

“Doble-kara!”
Ito ang paglalarawan sa Malakanyang ng mga maralitang lungsod ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), matapos manawagan ang Palasyo na ang nagtatagong dating heneral Jovito Palparan Jr.
Anila, kakatwang ipinapanawagan ng administrasyong Aquino ang pagsuko ng retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) samantalang patuloy pa ring sinusupil nito ang lehitimong mga aktibista tulad ng dalawang lider ng Kadamay na dinukot ng pulis at militar noong Pebrero 7 sa Laguna.

Isang taon na ang lumipas mula nang akusahang miyembro ng New People’s Army at ikulong si Ericson Acosta. Isang taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin napatutunayan ang katotohanan ng mga kasong inihain laban sa kanya. Arts month pa man din ngayon, at kung wala lang ding maihahaing matibay na ebidensya ang pamahalaan laban sa makata-manunulat-mangaawit-kompositor-manggagawang pangkulturang si Ericson, mas makabubuti pang palayain na lang nila.
Feb 12 2012 | Posted in
PED XING |
Read More »

Nagtipon muli ang mga artista, akademiko, kapwa aktibista at kaibigan ni Ericson Acosta sa Palma Hall sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City para isagawa ang isang “haranang bayan” kaalinsabay ng isang taong pagkakakulong ni Acosta sa Calbayog, Samar.

Kinondena ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang diumano’y ilegal na pag-aresto ng pinagsanib na puwersa ng pulis at militar sa dalawang lider-maralita sa Timog Katagalugan. Ang dalawang inaresto na sina Evelyn Legaspi at Pastora Latagan ay lehitimong mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) at hindi mga miyembro ng New People’s Army tulad [...]
Feb 10 2012 | Posted in
Balita |
Read More »