Pinoy Weekly
Posts tagged as: internet

Netizen, Tibak, Pirata at Stalker sa Wawawa

Isang madaling araw, sa isang “plurk” o status message ko sa http://plurk.com, sinabi ko na “kagigising lang! J”. At may isang makatang estudyante na nag-reply ng “baliktad na ang mundo!” Sumagot ako ng simpleng “body clock ko! :-) ” bagama’t may kurot sa akin ang witty na comment ng naturang kaibigang makatang estudyante. Sobrang liberal na nga siguro ako na ang kaharap ko nang magdamag, at ang ilang oras kong kausap, ay ang birtwal na mundong naa-access ko sa laptop at sa “wawawa” o world wide web. Kinocomputer ko ang mga bagay at iniinternet ko ang aking isip at damdamin, sa madaling araw na halos lahat ng kakilala ko ay tulog na at iilan na lang sa mga kakilala ko sa Pilipinas ang namamaybay sa birtwal na reyalidad ng Facebook at iba pang nilikha ng hypertextual language.

Pahaging sa responsableng blogging (Una sa dalawang bahagi)

Gaano na ba kalawak ang impluwensiya ng Internet sa Pilipinas? Ayon sa pinakahuling datos ng Internet World Stats (http://www.internetworldstats.com/asia.htm#ph), ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng Internet ay umaabot na sa 24 milyon (Hunyo 2009). Limitado man ang saklaw ng kasalukuyang naaabot ng Internet – 27 porsiyento lang ito ng kabuuang populasyong 88.6 milyon (National [...]

Trahedya sa panahon ng Facebook

Maraming dapat ipagpasalamat sa Facebook (FB) bagama’t ito rin ang dahilan ng paminsan-minsang pagkaantala ng ilang gawain. Sa panahon ng trahedya’t malayo ako sa Pilipinas, malaking bagay ang social media tulad ng FB para malaman ang nangyayari sa mga mahal sa buhay. Mahalaga rin ito sa mabilis na pagkuha ng impormasyon. Masasabing may magandang ugnayan [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes