“Perwisyo” ang salitang pinawalan ng isang tagabasa ng balita sa estasyong Kapuso kaugnay ng matinding trapik sa Edsa at mga karatig-kalsada na idinulot ng demolisyon at ng paglaban dito sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City kaninang tanghali. Nakakakulo ng dugo.
Sa bidyo-ulat na ito ng Mayday Multimedia, naipakita ang marahas na paggamit ng puwersa ng Philippine National Police at National Housing Authority laban sa mahigit 6,000 residente ng Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City. Naipakita rin ang magiting na paglaban ng mga maralitang lungsod para depensahan ang kanilang mga tahanan. Share
Sep 24 2010 | Posted in
Balita,
Multimedia |
Read More »
May utang na loob si Pang. Benigno “Noynoy” Aquino sa pamilya Ayala, may-ari ng korporasyong debeloper ng proyektong Quezon City Central Business District (QC-CBD), kaya’t hinayaan nito ang marahas na tangkang pagpapalayas ng libu-libong maralita sa Sityo San Roque kaninang umaga. Ito ang inihayag ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), na namuno sa barikadang napuwersa [...]
Sep 23 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Ito ang “pag-aalsang EDSA” ng mga maralita ng North Triangle: Sa militanteng pagkakaisa at pagbabarikada, napatigil nila nang mahigit tatlong oras ang trapiko sa EDSA, gayundin ang pagpapademolis — bagamat pansamantala — sa kanilang mga tahanan.
Sa tantiya nila’y bisperas ng pagdedemolis sa kanilang mga tahanan sa North Triangle, ipinakita ng mga residente ng Sityo San Roque na handa silang ipakita ang pagtutol. Hindi nila basta-basta isusuko ang karapatan para sa sariling tahanan at kabuhayan.
Sep 22 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Sa halip na mga bahay: mga mall, call centers, tanggapan ng dayuhang mga korporasyon, parke. Sa halip na disente at matinong kabuhayan: kontraktuwal na mga trabaho. Ito ang plano sa North Triangle sa Quezon City. Itataboy ang libu-libong maralita para sa isang panlabas na mga istruktura ng “kaunlaran.”
Kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Southern Tagalog ang pagdemolis ng kapulisan sa tatlong barangay at tahanan ng 384 pamilyang maralita sa San Pedro, Laguna. Ayon kay Andrianne Mark Ng, tagapagsalita ng Bayan-ST, hindi dapat ipinapatupad ang demolisyon sa mga komunidad ng mga maralita, laluna’t layunin nito ang pagbibigay-daan sa Southrail Project ng Philippine [...]
Aug 5 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Hindi negosyo ang pabahay; karapatang pantao ito ng mga maralita. Isang disenteng pabahay na malapit sa maaaring pagkukunan ng kabuhayan ang makatarungang hiling nila. Ang tanong: May sapat na puso at paninindigan ba si Bise-Pres. at HUDCC Chair Jejomar Binay para tugunan ito?
Jul 24 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Sumugod ang mga maralitang lungsod sa opisina ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Quezon City ngayong araw para ipanawagan ang pagsasabansa sa industriya ng tubig bilang pinakawasto umanong solusyon sa “krisis sa tubig” sa malaking bahagi ng Kamaynilaan. “Matapos ang isang dekada ng pribatisasyon, nasaan na ang ipinangakong mas matinong serbisyo?” ayon kay [...]
Jul 22 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Basahin ang kaugnay na istorya: Munting barikada, malaking tagumpay Share
May 23 2010 | Posted in
Balita |
Read More »