
Ilang araw matapos magsimula ang paglilitis ng Senado sa kasong impeachment ni Chief Justice Renato Corona, nanawagan si Rep. Niel Tupas, Jr. ng prosekusyon na maging mas “liberal” ang Senado sa pagpapatupad ng mga alituntunin sa paglilitis. Hindi ako tagahanga ni Tupas, hindi ko alam kung bakit “Niel” at hindi “Neil” ang ispeling ng pangalan niya, at isa siya sa paglilitis na hitik sa drama ang pagsasalita na parang sabik tumakbong senador sa darating na eleksyon. Nadulas ang dila niya: Ang “liberal” kayang panawagan ay kasingkahulugan ng partidong “Liberal” ni Pang. Aquino?

Patunay ang ulat ng International Labor Organization (ILO) na “napakasama” ang kalagayan ng empleyo sa bansa. Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa Pilipinas, matapos maglabas ang ILO ng ulat na “Global Employment Trends 2012: Preventing a deeper jobs crisis.” Sa ulat na ito, sinabi ng ILO na nahaharap ang buong mundo sa hamon na makalikha ng 600 milyong empleyo sa susunod na dekada.
Jan 25 2012 | Posted in
Balita,
Manggagawa |
Read More »

Kabayanihan ni Andres Bonifacio ang hangad ng militanteng mga manggagawa na tularan nila at ng sambayanang Pilipino, sa ika-148 kaarawan ng dakilang rebolusyonaryong lider ng rebolusyong 1896. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakpawis Party-list ang martsa-protesta sa Mendiola, Manila ng aabot sa 3,000 na mga manggagawa at iba pang sektor para gunitain ang [...]

Sumasahod ng minimum wage sina Alfonso at Jason, at iba pang manggagawa ng isang pagawaan ng bakal. Pero malayung malayo ito sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Manggagawa man o maliit na negosyante, labis na naaapektuhan sila ng mga pagtaas sa singil ng kuryente. Kung kaya nanawagan ang mga lider-obrero at lider-negosyante sa administrasyong Aquino na gumawa ng mga hakbang upang mapababa ang singil dito.
Nov 30 2011 | Posted in
Balita |
Read More »

Nagpiket ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Kanilang kinondena ang pahayag ni Sek. Rosalinda Baldoz na hindi pa panahon upang dagdagan ang sahod ng mga manggagawa. Ayon sa KMU, muli silang magmamartsa sa Nobyembre 30 (Araw ni Bonifacio) upang igiit ang panawagang dagdag sahod at laban sa malawakang kontraktuwalisasyon. (Macky Macaspac)
Nov 21 2011 | Posted in
Balita,
Manggagawa |
Read More »

Bunsod ng pagpapatupad ng neoliberal na globalisasyon, iwinasiwas ng mga kapitalista ang iba-ibang iskema ng pleksibleng paggawa. Ang resulta: pagkawala ng karapatan sa kaseguruhan sa trabaho ng libu-libong manggagawa.
Nagpiket ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Davao City sa pagdating ni Sek. Rosalinda Baldoz sa naturang lungsod. Binabatikos ng militanteng mga obrero ang kainutilan umano sa pagpaptupad ng makatao at maka-manggagawang mga istandard sa paggawa sa bansa. Bumisita si Baldoz sa Davao para sa induction ng Regional Tripartite Industrial Peace Council doon. (Karlos Manlupig)
Sep 22 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Hindi napag-usapan ang overpricing sa langis sa dayalogo ng iba’t ibang grupong transportasyon kay PNoy. Paano ba talaga nagpapatong ng sobrang presyo ang mga kompanya ng langis? At papaano sila nakakalusot sa garapal na kotong na ito?
Kinondena ng militanteng mga obrero ang hakbanging “special separation program” ng kompanyang Honda Cars Philippines Incorporated, na ayon sa kanila’y isang mapanlinlang na programa na wawasak sa kanilang unyon.
Sep 9 2011 | Posted in
Balita |
Read More »