Pinoy Weekly
Posts tagged as: labor rights

Pangulo ng unyon sa HSBC sinibak dahil sa outsourcing?

"Malinaw po na tinanggal ako sa trabaho dahil sa pamumuno ko sa paglaban ng mga empleyado ng HSBC sa iskemang outsourcing ng kompanya," pahayag ni Raymund Acena, pangulo ng Hongkong Bank Independent Labor Union. (Macky Macaspac)

Tuluyang tinanggal ng manedsment ng Hongkong Shanghai Banking Corporation (HSBC) ang tagapangulo ng unyon sa bangkong ito na Hongkong Bank Independent Labor Union (HBILU), matapos ilagay sa 30 araw na preventive suspension.

PNoy binanatan ng KMU sa pagtanggi sa P125 dagdag-sahod

Legislated P125 across-the-board na dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor ang hiling ng Kilusang Mayo Uno. (KR Guda/PW File Photo)

Manhid si Pang. Benigno Aquino III sa kalagayan ng mga manggagawa at mahihirap na taumbayan sa tahasang pagtanggi sa hiling na P125 dagdag-sahod.

Ito ang pahayag ng sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU), matapos ihayag ng Malakanyang ang pagtutol nito sa panukalang dagdag-sahod ng mga manggagawa.

Obrerong kontraktuwal ng PUP nagwelga

Iniladlad ng mga manggagawa ang malaking istrimer sa harapan ng gusali ng PUP bilang hudyat ng kanilang welga. (Macky Macaspac)

Nagwelga ang mahigit 100 manggagawa ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil sa hindi pagkilala ng administrasyon ng pamantasan sa kasunduang muling kunin ang silang mga dyanitor sa pagpasok ng bagong ahensiya.

Administrasyon ng PUP binatikos ng KMU sa di-pagtupad sa kasunduan sa mga manggagawa

Mga dyanitor ng PUP na nagpiket para tutulan ang panloloko diumano ng administrasyon ng pamantasan kaugnay ng kanilang pag-empleyo rito. (Kontribusyon)

Binatikos ng sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang adminsitrasyon ng Poytechnic University of the Philippines (PUP) dahil sa di-pagtupad sa kasunduan (memorandum of agreement) sa pagitan ng mahigit 100 dyanitor ng unibersidad.

Sa kabila ng taas-presyo ng langis at bilihin: ‘makabuluhang dagdag-sahod’ lalong kailangan

PW-bike-protest-P125-wage-hike-featured

Muling inihayag ng militanteng mga obrero ang panawagan nila sa Kamara na isabatas ang panukalang P125 makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor, dahil sa walang puknat na pagtaas ng mga bilihin, serbisyo at langis

Utos ng DOLE na ‘lisensiya ng kontraktuwalisasyon,’ binatikos

Iprinotesta ng KMU ang sampung taon ng Dole Order No. 18-A na anila'y naging hudyat ng todo-todong kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino. (Macky Macaspac)

Nagprotesta ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng tanggapan ng Department of Labor and Employmnent (DOLE) para gunitain ang ika-10 taon ng pagpapatupad ng isang DOLE order na anila’y naging “lisensiya ng kontraktuwalisasyon.”

Dahil sa apat na banyerang isda

remigio

Nang dahil sa apat na banyerang isda’y nawalan ng trabaho ang mga manggagawa ng isang kompanya sa Navotas.

Obrero sa kompanya ng kapeng herbal, di pinasasahod?

Si Francis Martines, pangulo ng Pinag-isang Lakas ng Manggagawa sa Glomar Herbal Phils. Corp. (Piglas-GHPC), habang tinatalakay ang kasong isinampa nila sa NLRC laban sa manedsment. (Macky Macaspac)

Inireklamo ng mga manggagawa ng isang pabrika ng kilalang kapeng herbal na hindi umano sila pinasasahod ng manedsment ng kompanya.

Obrero ng RC Cola umalma sa tanggalan, tangkang pagbuwag sa unyon

Ipinaglalaban ng mga mangagawa ang bagong tayong unyon sa RC Cola Philippines sa pamamagitan ng pagsampa ng Certification Election sa Department of Labor and Employment. Ngunit mula noong Agosto 2011, di pa rin inaaksiyunan ng naturang ahensiya ng gobyerno ang kanilang panawagang kilalanin ang unyon. (Macky Macaspac)

Umalma ang mga manggagawa ng RC Cola Philippines na may planta sa Antipolo, Rizal dahil sa diumano’y ilegal na pagtanggal sa limang manggagawa na kasapi ng unyon.

Ang DOLE Department Order 18-A at pangongontrata sa trabaho

remigio

Nitong Nobyembre 2011, inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Dept. Order No. 18-A, ang bagong alituntunin sa labor contracting. Batay sa mga press release na inilabas ng DOLE, masasabing malaking ginhawa ang maidudulot ng bagong regulasyong ito sa kalagayan ng mga manggagawang sakop ng mga agency o subcontractor.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes