Pinoy Weekly
Posts tagged as: land reform

Pagsasapribado sa NFA, tinutulan ng magsasaka sa Panay, Guimaras

Tutol ang mga magsasaka ng Panay at Guimaras na buung-buong ipasa sa pribadong sektor ang pagsusuplay at pangangasiwa sa suplay ng bigas sa bansa. (Arkibong Bayan)

Nagpiket sa harap ng tanggapan ng National Food Authority (NFA) sa Iloilo City ang mga magsasaka ng Panay at Guimaras noong Marso 1 para ihayag ang kanilang pagtutol sa pinaplano ng administrasyong Aquino na isapribado ang NFA.

Bidyo: Mga nagbubungkal sa lupain ng Hacienda Luisita, di papipigil sa mga banta

PW-hacienda-luisita-rcbc-bungkalan

Naninindigan ang mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita na bungkalin ang lupain ng asyenda–kahit na ang mga lupaing ibinenta ng mga Cojuangco-Aquino sa iba’t ibang korporasyon, tulad ng RCBC. Giit nila, bahagi ng asyenda ang naturang mga lupain. Bahagi ito ng dapat na kagyat nang ipamahagi sa kanila.

Larawan: Korte Suprema, hiniling na manindigan sa Luisita

Maliban sa panawagan ng mga magsasakang ipamahagi na ang lupa, hinamon din nila ang Korte Suprema na ibasura ang motion for reconsideration ng pamilya Aquino-Cojuangco at ipinal ang desisyon ng korte. Nasa larawan si Francisco Dizon, tagapagsalita ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Luisita, o Ambala, at Leonora Halili ng Amihan (asosasyon ng mga magsasakang kababaihan) sa Luisita. (Macky Macaspac)

Kasabay ng pagpapatuloy ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado, nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa harapan ng Korte Suprema para ipanawagang manindigan ang mga mahistrado ng Korte suprema ang kanilang naunang desisyon na ipamahagi na ang lupa sa mga magsasaka. (Macky Macaspac)

Manggagawang bukid ng Luisita pinaaaresto ng RCBC dahil sa bungkalan

PW-bungkalan-featured1

Sila na ngang nagmamaksimisa at nagpapayaman sa lupa, sila pa itong binabantaan ng DOJ Tarlac ng pag-aresto dahil sa pagbubungkal ng lupain sa Hacienda Luisita na inaangkin ng bangkong RCBC

Corona, hinamon na manatiling pabor sa magsasaka ng Luisita

Patuloy ang pagtanim at pagkalinga sa lupa ng dating mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita habang ipinaglalaban nila ang mga karapatan. (KR Guda)

Sa gitna ng nalalapit na impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, hinamon ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang punong hukom na panindigan ang utos ng Korte Suprema na ipamahagi na ang asyenda ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Ayon sa Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala) at Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), kinokonsulta [...]

Korte Suprema: Hacienda Luisita ipamahagi na sa manggagawang bukid

PW-new-featured-hacienda-luisita-decision-new

Tulad ng unang naibalita: Sa botong 14-0, inuutos ng Korte Suprema ang pamamahagi ng lupain ng Hacienda Luisita sa 6,296 manggagawang bukid dito.

Larawan: Mga magsasaka, nagrali sa Korte Suprema para sa tunay na reporma sa lupa

Nagmartsa patungong Korte Suprema ang libu-libong magsasaka, upang ipanawagan sa mataas na hukuman na resolbahan ang mga kaso ng pangangamkam sa lupa tulad ng Hacienda Luisita sa Tarlac, Hacienda Yulo sa Laguna at iba pang mga kaso. (Macky Macaspac)

Parangal sa Mga Bayaning Magbubukid

Ang laban para sa tunay na reporma sa lupa ay isang masalimuot na pakikibaka. Pinagbuwisan na ito ng maraming buhay. Tampok sa Ped Xing ngayong ikalwang linggo ng Oktubre ang pagpaparangal sa ilang bayaning magbubukid.

Pangangamkam, pagkawasak ng kalikasan sa proyektong panturismo sa Hacienda Looc

Matagal na panahong nanirahan at nagsaka ang mga magsasaka ng Hacienda Looc. Ngayon, sa ngalan ng “proyektong pangkaunlaran” ng gobyernong Aquino, nais itong idebelop para sa turismo – isang panganib sa pagiging “paraiso” ng Looc at pagsasaka ng mga magsasaka.

Video: Lupa at hustisya para sa manggagawang bukid ng Luisita, hiniling

PW-hacienda-luisita-interfaith-rally

Maikling bidyo ng isinagawang interfaith rally ng mga grupong pangsimbahan at militanteng mga organisasyon para ipanawagan ang libreng pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita sa Tarlac sa mga manggagawang bukid na legal na may-ari ng lupain ng asyenda.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes