landlessness

This tag is associated with 1 posts

Makasaysayang 10-araw na pambansang karaban ng magsasaka, ikinasa

Tumulak ngayong araw mula sa mga lungsod ng Davao at Cagayan De Oro ang “makasaysayang” 10-araw na pambansang karaban ng mga magsasaka.
Pinamagatang “Lakbayan ng Anakpawis para sa Lupa at Katarungan,” pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Anakpawis Party-list ang pagkilos ng tinatayang halos 3,000 magsasaka na magmumula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa kauna-unahang pagkakataon, [...]

Balita: Magsasakang nasalanta, nanawagan ng solusyon sa krisis sa kanayunan

Nagmartsa ang daan-daang magsasaka mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan na apektado ng bagyong Ondoy at Pepeng para igiit sa Malakanyang ang isang 10-puntong programa na umano’y maglulutas sa matagal nang problema sa kanayunan.
Mula sa isang camp-out sa opisina ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City, natungo sa Mendiola Bridge sa Maynila ang mga [...]

Opinyon

Alex Remollino: Makata mula sa Malayo

(1) Hindi kami personal na magkakilala ni Alexander Martin Remollino, makabayang manunulat at makata. Hindi ko alam, bagamat may ilang pagkakataong nagkasama kami sa pulong o aktibidad, hindi kami personal na naipakilala sa isa’t isa. Pero kilala ko siya, syempre, dahil nakikita ko ang pangalan niya sa mga tula at sanaysay na umiikot sa mga sirkulong aktibista. Tapos nakikita ko siya – matangkad, mahaba ang buhok, parang laging may gustong sabihin – sa maraming pagkakataon. Syempre pa, mataba siya noon. Nitong huli’y pumayat siya nang napakabilis. At dahil hindi naman ako taong mapanghusga, naisip ko lang na siguro’y nagdodroga siya. Iyun pala, iba na.

Read on